





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Sabrah Bin Ma`bad Al-Juhanie, malugod si Allah sa kanya.-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Kapag nagdasal ang isa sa inyo,Gumawa ito ng pangharang sa pinagdarasalan niya kahit sa pamamagitan ng palaso))
Isinaysay ito ni Imām AḥmadNililinaw ng marangal na hadith na itinuturing na kaibig-ibig para sa nagdarasal na maglagay ng harang sa harapan niya, na ang pangharang ay magagawa mula sa bawat bagay na itinatayo ng nagdarasal sa harapan niya, kahit pa man ito maikli o manipis gaya ng palaso. Sa gawaing iyan ay may isang \pagpapakita ng kadalian ng Shari`ah at kaluwagan nito.
Ayon kay Abe Zarr,nagsabi siya:Sinabi :sinabi ng sugo ni allah pagpalain siya ni ALLAH at pangangalagaan,kapag tumindig ang isa sa inyo na magdarasal,katotohanan na magharang ito,kung sa pagitan ng kamay nito ay katulad ng siyahan,at kung sa pagitan ng kamay nito ay tulad ng siyahan,tunay na hahayaan niya na maputul ang pagadadasal nito ng Asno at Babae,at Itim na Aso,Nagtanong siya:O Aba Zarr, ano ang kaibahan ng Aso na itim,sa aso na pula o sa aso na dilaw? Nagsabi siya: Oh anak ng kapatid ko,Nagtanong ako sa Sugo ni ALLAH pagpalain siya ni ALLAH at pangangalagaan,kahalintulad ng tanong mo sa akin, at nagsabi siya: (Ang aso na itim ay Satanas) At sa isang salaysay mula sa Hadith ni Ibnu Abbas: ((pinutol ang pagdadasal nito ng Babaing may regla at Aso))
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Nagsalaysay nito si Imām MuslimKatunayan ang Nagdarasal,kapag itinayo niya ang pagdadasal nito,ay maglagay siya ng pangharang sa pagdadasal nito,na ang pinakamataas nito ay kasing-laki ng siyahan,at ito ay tatlong bahagi sa hugis ng braso,na ilalagay sa harapan nito,kapag hindi niya ito ginawa tunay na pinuputol niya ang pagdadasal nito nang isa sa tatlong bagay,((Ang Babae,At pinagtanto nito sa salaysay ni Abe Dawud na ito ay Ang Nagregla O Nasa wastong idad,at ang Asno,at Ang Aso na itim)),Ngunit kapag naglagay siya ng Pangharang sa harap nito,hindi siya mapipinsala ng kahit anong dumaan mula sa likod nito kahit ito ay isa mula sa tatlo na ito.Nagsabi si Abdullah bin Sa`mit na nagsalaysay sa Hadith:Nagsabi ako:O Aba Zarr,Ano ang pagkakaiba ng Aso na itim sa Aso na pula at Aso na dilaw?Ibig sabihin:Bakit pinagtanto nito ang Aso na ito lamang ang makakaputol sa pagdadasal at hindi ang ibang mga Aso?Ngsabi siya: Oh anak ng kapatid ko,Nagtanong ako sa Sugo ni ALLAH pagpalain siya ni ALLAH at pangangalagaan,kahalintulad ng tanong mo sa akin, at nagsabi siya: (Ang aso na maitim ay Satanas). At ang nais ipahiwatig sa pagputol ng dasal ay mawawalan ito ng halaga,at ito ay Fatwa mula sa Lujnah Da`emah,At pumunta ang ilan sa mga may kaalaman na ang ibig sabihin nito ay naputol ang pagkatakot nito at ang pagka-ganap nito at hindi ang Dasal ang nasira at nawalan ng halaga.
Ayon kay 'Āishah malugod si Allah sa kanya-Tunay na siya ay namumunghi na ilagay ang kamay niya sa baywang niya, At sinasabi niya na ang mga Hudyo ay ginagawa ito
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinapahayag sa Marangal na Hadith Na si 'Āishah malugod si Allah sa kanya ay namumunghi sa paglagay ng nagdadasal sa kamay niya sa baywang niya habang siya ay nagdadasal at naipahayag ang paliwanag at ang dahilan, at ito dahil sa Gawain ng mga Hudyo
Ayon kay Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag naihanda ang hapunan,simulan ninyo ito bago kayo magdasal nang dasal na Maghrib,at huwag kayong magmadali sa inyong (pagkain ng) hapunan))
Napagkaisahan ang katumpakanIbig sabihin ay kapag nailatag ang pagkain at dumating ang oras n pagdarasal,simulan ninyo ang pagkain bago kayo magdasal,kahit ang dasal na ito ay may maikling oras,at may limitadong panahon,katulad ng dasal na Maghrib,Nang sa gayon ay hindi maabala ang pag-iisip ng nagdarasal sa pagdarasal,dahil sa pagkain.Sinabi ni Abu Darda: Kabilang sa kaalaman ng Tao,ang pagtugon niya sa pangangailangan nito upang matugunan niya ang pagdarasal nito na ang puso niya ay walang laman.Isinaysay ni Imam Al-Bukharie buhat sa kanya bilang komento.
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya-nagsabi siya:Tinanong ang Sugo ni Allag-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa Paglilingon sa [oras ng] Pagdarasal? Nagsabi siya: (( Ito ay pagnanakaw,Pagnanakaw ito ni Satanas mula sa dasal ng alipin))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyTinanong ni `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya-ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tungkol sa Panuntunan ng palingon sa Pagdarasal,Kung ito ba nakakapinsala sa pagdadasal at nakaka-apekto rito? Binanggit niya sa kanya na ang paglingon na ito ay pagnanakaw,ninanakaw ni Satanas mula sa dasal ng alipin sa pamamaraang napakabilis ay tago,upang siraan niya ito,at mabawasan ang gantimpala niya,Al-Mugni,Kashaf al-Qina,Subul Assalam,Tawdih Al-Ahkam,Tashil Al-Ilmam,Minhat Al-`Alam
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdasal sa damit na may iba`t-ibang kulay,napatingin siya sa iba`t-ibang kulay nito,at nang siya ay umalis,siya ay nagsabi: ((Dalhin ninyo ang damit kong ito kay Abe Jahm at dalhin ninyo sa akin ang makapal na damit ni Abe Jahm,sapagkat nakaabala ito sa akin kanina sa aking pagdarasal)) At sa isang salaysay: ((Ako ay tumitingin sa mga kulay nito habang ako ay nasa pagdarasal,kaya`t nangangamba ako na maakit ako nito))
Napagkaisahan ang katumpakanNagbigay ng regalo si Abu Jahm sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng isang damit na may iba`t-ibang kulay at palamuti,at kabilang sa napakabuting pag-uugali niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tanggapin niya ang regalong ito na napipilitan dahil sa mararamdamang [hinanakit] ng nagbigay ng regalo,Kaya tinanggap niya ito-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa kanya-at ginamit niya ito sa pagdarasal,at dahil sa ito ay may iba`t-ibang kulay at palamuti [kung saan] ay nauugnay rito ang paningin,naging abala [ito sa kanya] -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa buong pamamalagi niya sa pagdarasal,kaya`t ipinag-utos niya sa kanila na ibalik ang damit na ito na nagtataglay ng iba`t-ibang kulay sa nagbigay ng regalo na si Abu Jahm, At upang hindi magkaroon ng hinanakit sa puso ni Abe Jahm dahil sa pagpapabalik ng regalo,at upang mapanatag ang puso nito,ipinag-utos niya sa kanila na dalhin sa kanya ang makapal na damit ni Abe Jahm,kung saan ay walang nailagay ritong iba`t-ibang kulay at mga palamuti
Ayon kay 'Āishah malugod si Allah sa kanya-Nagsabi Siya:Ipinag-utos ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagpapatayo ng mga Masjid sa Nayon,at ang paglilinis at pagpapabango [rito].
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudIpinag-utos ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang pagpapatayo ng mga Masjid sa Nayon.Ibig sabihin na ang bawat nayon ay dapat na magkaroon ng Masjid,at ito ay lilinisan at tatanggalin rito ang mga dumi at basura,at palamutian at ingatan, at maglagay rito ng mababangong amoy mula sa Bukhur at iba pa na may amoy na mabango
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-,Na si Umar,ay dumaan kay Hassan-malugod si Allah sa kanila-habang siya ay umaawit ng Tula sa loob ng Masjid,kaya napansin niya ito, Nagsabi siya: Tunay na ako ay umaawit, at dito ay may higit na mabuti pa sa iyo,Pagkatapos ay lumingon siya kay Abe Hurayrah,Nagsabi siya:"Ipinapanumpa ko sa Allah" Narinig moba ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa sinasabi nya:(( Tumugon ka para sa akin, O Allah! tulungan mo siya sa pamamagitan ng Banal na Kaluluwa [Anghel Jibril]" Nagsabi siya: O Allah,Oo.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng Hadith:Tunay na si Hassan-malugod si Allah sa kanya-ay umaawit ng Tula sa loob ng Masjid,Habang si `Umar ay nandoon,kaya tiningnan siya ni `Umar na may pagtangging pagtingin,At nang makita ni Hassan ito sa kanya,Nagsabi siya sa kanya:Ako ay umaawit ng Tula sa loob ng Masjid at dito ay may higit na mabuti pa sa iyo.Pagkatapos ay "Pinagsaksihan siya ni Abe Hurayrah"ibig sabihin ay: tinanong niya ito sa pagganap ng Pagsasaksi na nalalaman niya mula sa mga Awit ni sa Tula,sa loob ng Masjid,sa pamamalagi ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,at ang pagsang-ayon ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa kanya rito,at paghihimuk niya sa kanya sa pag-awit ng Tula,Nagsabi siya: "Ipinapanumpa ko sa Allah" ibig sabihin ay:Ipinapanalangin kita sa Allah at ipinapanumpa kita sa kanya" Narinig moba ang sinasabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: O Hassan!Tumugon ka sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" ibig sabihin ay: Sagutin mo ang mga Tula ng mga walang pananampalataya gamit ang mga Tula mo,at salakayin mo sila rito bilang pagtatanggol sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At pagpatagumpay sa Relihiyon niya,at narinig moba ang sinabi niya: O Allah! tulungan mo siya sa pamamagitan ng Banal na Kaluluwa [Anghel Jibril]"Ibig sabihin ay: Palakasin mo siya sa pamamagitan ni Anghel Jibril,at tulungan Mo siya sa kanya,ipatnubay mo sa kanya ang Tula na tatama sa mga kalaban ng Islam tulad ng pagtama ng palaso? Nagsabi si Abu Hurayrah:" Oo"ibig sabihin ay:Narinig kita na umaawit ng Tula sa harapan niya sa loob ng Masjid,At narinig korin na sinasabi niyang ganoon.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya.nagsabi siya: Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Sinuman ang makarinig ng isang lalaki na nananawagan sa nawawala niyang [alagang] hayop sa loob ng Masjid,Sabihin niyang: Naway hindi ibalik ni Allah sa iyo,sapagkat ang mga Masjid ay hindi itinayo dahil dito))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpatnubay ang Hadith ni Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-sa sinumang manawagan sa loob ng Masjid sa mga bagay na nawawala mula sa mga Hayop,na sabihin sa kanya:(Naway hindi ito ibalik) ni Allah,(sa iyo) o (Hindi mo matagpuan)-tulad ng nasa isang salaysay- at ito ay pagsuway sa kanya dahil sa pag-iwan niya ng pagpapadakila sa Masjid,Pagkatapos ay dumating ang pagpapaliwanag mula sa Propeta sa pagsuway sa sinumang nanawagan sa nawawalan nitong [hayop] sa loob ng Masjid,at ito ay sa pagsabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-:(sapagkat ang mga Masjid ay hindi itinayo dahil dito): ibig sabihin ay: Kaya ito itinayo ay para sa pag-aalaala kay Allah-Pagkataas-taas Niya,at sa Padarasal at sa Kaalaman at pagpapaalalahanan sa kabutihan at sa mga tulad pa nito,kayat nang ilagay ng nananawagan na ito ang isang bagay sa hindi niya kinalalagyan, naaangkop ang panalangin sa kanya na hindi niya ito matagpuan,bilang parusa sa kanya,sa pagsalungat niya sa layunin,at bilang pananakot at pag-iwas sa tulad ng ginawa niya,At sa kabuuan ng Hadith sa dako ng pag-uutos ng Kabutihan at pagbabawal sa Kasamaan at mayroon ito nakatalagang kondisyon,at nanalangin siya sa kanya nito,at natakot at tinigilan ito,magiging sapat na iyon,at kung hindi ay uulitin niya ito.