





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: Kapag nakita ninyo ang sinumang magbinta at mamili sa loob ng Masjid,sabihin ninyong:Naway Hindi kapakinabangan ni Allah ang pagtitinda mo,at kapag nakita ninyo ang sinumang nag-aanyaya rito ng pagkaligaw,sabihin ninyong: Naway hindi ito tugunan ni Allah sa iyo.
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyNagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(Kapag nakita ninyo ang sinumang magbinta o mamili) ibig sabihin ay: namimili (sa loob ng Masjid): at ang pagbura sa ginagawan ay nagpapatunay ng pangkalahatan,kaya`t nasasakop nito ang lahat ng nagbibinta at bumibili.Sinuman ang nasa ganitong kalagayan,tunay na pinatnubayan siya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-na magbigay babala at sabihin sa kanilang dalawa-ang nagtitinda at ang namimili-sa pamamagitan ng pagsasalita na hayag (Naway Hindi kapakinabangan ni Allah ang kalakalan mo) bilang panalangin sa kanya,ibig sabihin ay: Naway hindi gawin ni Allah na sa iyong kalakalan ay may tubo at pakinabang,at dito ay may palatandaan at pagpapatunay sa Sinabi Niya-Pagkataas-taas Niya:{Kayat sa kanilang kalakal ay walang kapakinabangan}[Al-Baqarah;16],at kahit na sabihin sa kanilang dalawang magkasama:Naway hindi kapakinabangan ni Allah ang kalakalan ninyong dalawa,ay maaari dahil sa pagkamit ng layunin.At ang paliwanag sa pagbibigay babala na ito,ay dahil sa ang Masjid ay tindahan para sa kabilang buhay kayat sinuman ang sumalungat nito at gawing tindahan sa Mundo,mararapat sa kanya dahil sa ginagawa niya na maging talunan at pagbawalan;blang gantimpala sa kanya sa pagsalungat niya sa layunin niya,at bilang pananakot at pagbibigay babala sa mga tulad ng ginawa niya,kinamumunghian ito sa Masjid bilang pagdalisay.
Ayon kay 'Āishah malugod si Allah sa kanya-Katotohanang si Abū Bakar ah pumasok sa kanya,at sa kanya ay may dalawang bata sa araw na nasa Minā na,nagpapabilisan at nagtatambol ,Habang ang Propeta pagapalain siya ni Allah at pangalagaan ay nakabalot sa damit niya,pinagsabihan silang dalawa ni Abū Bakar,Inalis ng Propeta pagpalain siya ninAllah at pangalagaan-ang nakatakip nito sa mukha,at Nagsabi siya:((Hayaan mo silang dalawa ( sa paglalaro) O Abu Bakar,sapagkat ito ay araw ng Eid)), ang mga araw na ito, ay mga araw sa Minā,Nagsabi si 'Āishah:Nakita ko ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na tinatakpan ako habang ako ay tumitingin sa mga Tao sa Habasha (African) habang sila ay naglalaro sa loob ng Masjid,pinagsabihan sila ni 'Umar, Nagsabi ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Hayaan mo sila na (maglaro) na walang distorbo, o mga anak ng Arfadah))
Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith ay pagpapahayag ng pagiging magaan sa Batas ng Islam at ang pagiging mapagpatawad nito,At ang Pamamaraang nito ay salungat sa mga karamihan na mahihigpit at mapagmalabis,Na kung saan ang kanilang pananaw sa Relihiyon ay paghihigpit at (pagiging) marahas,at pagmamalupit;Ipinapahayag sa Marangal na Hadith ang pagpapahintulot sa pagpalo ng Tambol at pagkakanta sa mga araw ng Eid at ito ay dahil sa ginawa ng dalawang aliping ito sa harapan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang pagtanggi nito sa sinumang magtatanggi rito,at gayundin ang mga bagay na (pangkasiyahan) paglalaro sa mga sibat at ang mga katulad pa nito.At ang mga Nananahanan sa Habashah ay gumawa sila ng kaibig-ibig na mga laro at kasiyahan;Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay pinahintulutan sila sa pagsagawa ng mga layunin nila sa loob ng Masjid,na may kasamang pagsasa-alang-alang rito sa mga mahahalagang Patakaran ng Batas sa Islam,Pinatunayan rito sa ibang mga pananalita sa Hadith,at ito ang mga sumusunod:1) Upang ipaalam sa mga sekta na hindi yumayakap sa Islam-dahil sa takot nila rito mula sa paghihigpit at pagmamalupit nito,-Na ang Islam ay Relihiyon ng Kapatawaran,at Kagalakan at Kaluwagan lalong-lalo na sa ganitong mga sekta,Sekta ng mga Hudyo,Na kung saan,sila ay naglalayo sa kanilang mga sarili sa kanya (Islam) at hinahadlangan ang mga tao sa pagsunod sa kanya (Islam),Kung-kaya`t naisalaysay sa ilan sa mga pananalita ng mga Hadith,na si `Umar ay nagtanggi sa kanila,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:" Hayaan mo sila,Nang sa gayun ay malaman ng mga Hudyo na sa Relihiyon natin ay may Kaluwagan,at tunay na ako ay ipinadala sa Relihiong Islam na May Kapatawaran" 2)Na ang paglalaro nila ay sa araw ng Eid,At ang mga Eid ay araw ng kasiyahan at kaligayahan,at pagpapalawak sa mga Ipinapahintulot.3)Na ang laro ng mga kalalakihan ay may kahirapan at (pagiging) masigasig at tapang.
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa magpayabangan ang mga tao sa mga masjid."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Ibnu MājahNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga palatandaan ng pagkalapit ng Araw ng Pagbangon at pagwawakas ng Mundo ay ang pagpapayabangan ng mga tao sa pagpapalamuti ng mga masjid nila o ang pagpapayabangan nila sa kamunduhan nila sa loob ng mga masjid, na hindi naman ipinatayo kundi para sa pag-alaala kay Allāh.
Ayon kay Rifa-ah bin Ra`fie Azzarqa,at siyay kabilang sa mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:Dumating ang isang lalaki at ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naka-upo sa Masjid.Nagdasal ito ng malapit sa kanya,pagkatapos ay pumunta siya sa Sugo ni Allah--pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at bumati sa kanya,Nagsabi ang Sugo ni Allah--pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ulitin mo ang pagdasal mo,sapagkat hindi ka nakapag-dasal,Nagsabi siya: Bumalik siya at nagdasal tulad ng pagdarasal niya,pagkatapos ay dumating siya sa Sugo ni Allah--pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi niya sa kanya:Ulitin mo ang pagdasal mo,sapagkat hindi ka nakapag-dasal" Nagsabi siya: O Sugo ni Allah,ituro mo sa akin kung paano ang gagawin ko,Nagsabi siya:" Kapag nakaharap ka sa Qiblah,ay bigkasin mo ang Allahu Akbar,pagkatapos ay basahin mo ang Ummul Qur-an(Fatihah),pagkataposay basahin mo ang kahit anong nais mo,kapag yumuko ka,ilagay mo ang dalawang palad mo sa dalawang tuhod mo,ituwid mo ang iyong likod at manatili ka sa pagyuko mo,kapag itinaas mo ang ulo mo,ituwid mo ang gulugod mo hanggang sa bumalik ang mga buto sa kasukasuan nito,at kapag nagpatirapa ka,manatili ka sa pagtirapa mo,at kapag itinaas mo ang ulo mo,umupo ka sa hita mong kaliwa,pagkatapos ay gawin mo ito sa bawat pagyuko at pagpatirapa.Musnad ni Imam Ahmad.At sa isang salaysay:((Tunay na hindi magaganap ang dasal ng isa sa inyo hanggang sa maganap niya ang Wudhu tulad ng ipinag-utos sa kanya ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan,huhugasan niya ang mukha nito at kamay nito hanggang sa dalawang siko,at hahaplusin niya ang ulo nito at dalawang paa nito hanggang sa bukong-bukong,pagkatapos ay bigkasin niya ang Allahu Akbar at purihin niya Siya,pagkatapos ay magbasa siya ng Qur-an,sa anumang ipinahintulot sa kanya dito at magaan,pagkatapos ay bigkasin niya ang Allahu Akbar at magpatirapa siya at panatilihin niya ang mukha nito-at siguro ay nagsabi siya: Ang Noo nito sa lupa-hanggang sa mapanatag sa mga kasukasuan nito at makapag-pahinga,pagkatapos ay bigkasin niya ang Allahu Akbar at tumuwid siya sa pag-upo sa inu-upuan niya at ituwid niya ang gulugod nito.Inilarawan niya na ganito ang pagdarasal sa apat na tindig,pagkatapos,hindi magiging ganap ang dasal ng isa sa inyo hanggang sa gawin niya ito,Sunan Abe Dawud, At sa isang salaysay:((Mag wudhu ka tulad ng ipinag-utos sa iyo ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan,pagkatapos ay magsagawa ka ng Tashahhud,tumindig ka pagkatapos ay bigkasin mo ang Allahu Akbar,At kung may naisa-ulo ka sa Qur-an ay basahin ito,At kung wala ay bigkasin ang Alhamdulillah at Allahu Akbar at La Ilaha Illa Llah))
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng hadith na ito ay napag-alaman sa hadith nang nag-aabuso sa pagdarasal nito,at ito ay sanggunian ng pagpapaliwanag sa pagpapahayag nang paglalarawan ng pagdarasal sa mga haligi nito,at mga obligado nito,at mga kondisyon nito,na kung saan ay ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang paksa sa layunin ng pagtuturo at pagpapahayag sa mga gawain ng pagdarsal,na kung saan ay inobliga ang pagsasagawa rito,at isinasa-alang-alang ang alinmang naiwanan sa hadith na ito mula sa mga gawain niya ay hindi naging obligado.At sa kabuuan ng Hadith na ito; Katunayan na ang Propeta pagpalain siya n Allah at pangalagaan- ay pumasok sa masjid,Pumasok ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Masjid,Pumasok ang isang lalaki mula sa kasamahan ng propeta,ang pangalan niya ay (Khallad bin Ra`fei),Nagdasal siya ng dasal na magaan na hindi kompleto ang mga gawain at mga sasabihin.At nang matapos sa pagdarasal niya,Dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,bumati siya sa kanya,at sinagot siya -sumakanya ang pangangalaga-pagkatapos ay sinabi niya sa kanya: Bumalik ka at magdasal ulit,dahil ikaw ay hindi nakapag-dasal,Bumalik siya at ginawa niya ang dasal nito sa ikalawa.tulad ng ginawa niya sa dasal nito na una,Pagkatapos ay dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at sinabi niya sa kanya: Bumalik ka at magdasal ulit,dahil ikaw ay hindi nakapag-dasal-pangatlong beses-At sumumpa ang lalaki sa sinabi nito:At Sumpa sa Nagpadala sa iyo sa katotohanan,wala ng mas maganda pa maliban sa ginawa ko,turuan mo ako:At nang siya ay maghangad ng kaalaman,at minithi ng kanyang sarili ito,at nakahanda siya na tanggapin ito,pagkatapos ng mahabang pag-uulit.Nagsabi sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa kahulugan nito:Kapag ikaw ay tumindig sa pagdarasal; bigkasin mo ang Takbeeratil Ihram na Allahu Akbar,pagkatapos ay magbasa ka ng pinaka-madali sa iyo mula sa Qur-an,pagkatapos mo magbasa sa Kabanata ng Al-Fatihah,pagkatapos ay yumuko ka hanggang sa maging mapanatag ka sa pagyuko,pagkatapos ay bumangon ka mula sa pagyuko hanggang sa tumuwid ka sa pagtayo at maging mapanatag ka sa pagtuwid mo,pagkatapos ay magpatirapa ka hanggang sa mapanatag ka sa pagpatirapa,pagkatapos ay bumangon ka mula sa pagpatirapa,at umupo ka hanggang sa mapanatag ka sa pag-upo,at gawin mo ang mga gawain na ito at mga salita sa lahat ng pagdarasal mo,maliban lang sa Takbiratil-Ihram,sapagkat ito ay sa unang tindig lamang,wala ng liban pa dito mula sa mga tindig.At tiningnan sa mga salasay na iba,ang mga ilan sa mga kondisyon sa pagdarasal tulad ng pagharap sa Qiblah at ang paglilinis(Al-Wudhu)
Ayon kay Muhammad bin `Ata,Nagsabi siya:Narinig ko si Aba Humayd Al-Sa`edi,sa Sampu,mula sa mga Kasamahan ng mga Propeta,kabilang sa kanila si Abu Qatada,Nagsabi si Abu Humayd: Ako ang mas higit na nakaka-alam sa inyo sa (Pamamaraan ng) pagdarasal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at panagalagaan-Nagsabi sila?At bakit naman?Sumpa kay Allah; Hindi ikaw ang mas madalas, kaysa sa amin na sa kanya ay sumusunod at hindi rin mas nauuna sa amin, na sa kanya ay nakasama,Nagsabi siya: Oo.Nagsabi sila: Ipakita mo, Nagsab siya: Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay tumindig sa pagdarasal,itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya,Pagkatapos ay magsasagawa siya ng Takber hanggang sa mapanatag ang lahat ng mga buto sa kinalalagyan nito nang matuwid,Pagkatapos ay magbabasa siya,Pagkatapos ay magsasagawa siya ng Takber,at itataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya,Pagkatapos ay yuyuko siya,at ilalagay niya ang dalawang kamay niya sa dalawang tuhod niya,pagkatapos ay pinagpapantay niya ito,hindi niya ibinababa ang ulo nito at hindi itinataas,Pagkatapos ay ini-aangat niya ang ulo niya at sinasabing: Narinig ni Allah ang sinumang pumupuri sa kanya,pagkatapos ay itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya nang matuwid,Pagkatapos ay sasabihin niyang: Ang Allah ay Dakila;Pagkatapos ay bababa siya sa lupa,at inilalayo nito ang dalawang kamay niya sa tagiliran niya,Pagkatapos ay ini-aangat nito ang ulo niya at binabaliktad nito ang kaliwang paa niya at inuupuan niya ito,At binubuka nito ang mga daliri ng dalawang paa niya kapag siya ay nakapagpatirapa,at siya ay magpapatirapa siya,Pagkatapos ay sinasabi niya: Ang Allah ay Dakila,at ini-aangat nito ang ulo niya at binabaliktad nito ang kaliwang paa niya at inuupuan niya ito hanggang sa bumalik ang lahat ng buto sa kinalalagyan nito,Pagkatapos ay ginagawa niya sa iba ang tulad nito,Pagkatapos,Kapag siya ay tumindig mula sa ikalawang tindig,magsasagawa siya ng Takber,at itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya tulad ng pagsasagawa niya ng Takber sa Pagbubukas ng Pagdarasal,Pagkatapos ay ginagawa niya ito sa mga natitirang pagdarasal niya,Kapag ang pagpapatirapa ay may kasunod na pagsasagawa ng Taslem,Ipinagpapahuli niya ang kaliwang paa nito at umuupo siya na (nakasandal sa balakang) sa kanyang bandang kaliwa.Nagsabi sila:Katotohanan,Ganyan ang Pagdadasal niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudIpinapahayag sa Maluwalhating Hadith ang Pamamraan sa pagdarasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ito ay pinaka-ganap sa sinumang magnais magdasal,Binanggit niya rito ang lahat gawain sa pagdadasal mula sa mga Haligi at Obligado at mga Sunnah,mula sa pagsasagawa ng Takber hanggang sa pagsasagawa ng Taslem,at ito ay tulad ng sumusunod: Na siya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapad tumindig siya sa pagdarasal,itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay ang dalawang ito sa balikat niya,Pagkatapos ay magsasagawa ng Takber hanggang sa mapanatag ang lahat ng buto sa kinalalagyan nito mula sa pagkatakot nang matuwid,Pagkatapos ay magbabasa siya,Pagkatapos ay magsasagawa ng Takber,itataas nito ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay ang dalawang ito sa balikat niya,Pagkatapos ay yuyuko siya,at ilalagay niya ang dalawang kamay niya sa dalawang tuhod niya,Pagkatapos ay itutuwid niya ,hindi niya iaangat ang ulo niya sa taas at hindi rin niya ibaba,datapuwat ito ay matuwid,Pagkatapos ay iaangat niya ang ulo niya,at sasabihin niyang: Narinig ni Allah ang sinumang pumuri sa Kanya,pagkatapos ay itataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya nang matuwid,Pagkatapos ay sasabihin niyang: Ang Allah ay Dakila,Pagkatapos ay bababa siya sa lupa at ilalayo niya ang dalawang kamay niya sa dalawang tagiliran niya,pagkatapos ay iaangat niya ang ulo niya at babaliktarin niya ang kaliwang paa niya at uupuuan niya ito,at ibubuka niya ang mga daliri ng dalawang paa niya kapag siya ay nakapag-patirapa,at siya ay magpapatirapa,Pagkatapos ay sasabihin niyang: Ang Allah ay Dakila,at ini-aangat nito ang ulo niya at binabaliktad nito ang kaliwang paa niya at inuupuan niya ito hanggang sa bumalik ang lahat ng buto sa kinalalagyan nito,Pagkatapos ay ginagawa niya sa iba ang tulad nito,Pagkatapos,Kapag siya ay tumindig mula sa pangalawang tindig,magsasagawa siya ng Takber,at itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya tulad ng pagsasagawa niya ng Takber sa Pagbubukas ng Pagdarasal,Pagkatapos ay ginagawa niya ito sa mga natitirang pagdarasal niya,Kapag ang pagpapatirapa ay may kasunod na pagsasagawa ng Taslem,Ipinagpapahuli niya ang kaliwang paa nito at umuupo siya na (nakasandal sa balakang) sa kanyang bandang kaliwa
Ayon kay Abe Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya-Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagdadasal ng hatinggabi,binabanggit niya ang Allahu Akbar [Ang Allah ay dakila], pagkatapos ay sinasabi niyang: (( Sa Iyo ang kaluwalhatian,o Allah! at pagpupuri, at ipinagpala ang Iyong pangalan,kataas-taasan sa Iyong karangalan,at walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo)) Pagkatapos ay sinasabi niyang:(( Walang ibang diyos [na karapat-dapat sambahin] maliban sa Allah)) ng tatlong beses,pagkatapos ay sinasabi niyang: ((Allah ang pinakadakila)) ng tatlong beses,((Ako ay nagpapakupkop sa Allah -ang nakakarinig at higit na nakakaalam-mula kay satanas na isinumpa,mula sa kanyang bulong,sa kanyang hininga,at mula sa kanyang pagdudura)) pagkatapos ay magbabasa siya
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan ng hadith : "-Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagdadasal ng hatinggabi,binabanggit niya ang Allahu Akbar [Ang Allah ay dakila]," Ibig sabihin ay binibigkas niya ang Takbiratul Ihram,kung saan ito ay haligi at hindi nagiging ganap ang pagdarasal maliban rito, "pagkatapos ay sinasabi niyang: (( Sa Iyo ang kaluwalhatian,o Allah!" Ibig sabihin ay dinadalisay kita sa lahat ng ,mga bagay na naangkop sa Iyo,at sa kadakilaan Mo o panginoon,at sa lahat ng mga bagay na karapat-dapat para sa Iyo ang pagdadalisay mula sa mga kakulangan at kapintasan, "at pagpupuri" Pagluluwalhati sa Allah-napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, at ang pasasalamat ay ukol sa Kanya dahil sa gabay na ito, Ibig sabihin ay:Kung hindi dahil sa gabay Mo,at patnubay mo,ay Hindi ko magagawang purihin ka,Kaya ito ay pagtanggap o pag-amin ng lingkod sa kainaman ng Allah-pagkataas-taas Niya,at pagtanggap o pag-amin mula sa kawalan niya ng kaakayahan [sa lahat ng bagay] kung hindi dahil sa gabay ni Allah -napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, "at ipinagpala ang Iyong pangalan":mula sa pagpapala, at ito ay pagpapadami at pagpapalawak,at ang kahulugan nito ay: Dumami,naging ganap at lumawak,at dumami ang pagpapala Niya sa kalangitan at kalupaan,at ang lahat ng mga ito ay isang pagpapaalala na pagmamay-ari lamang Niya-napakamaluwahati Niya-ang mga kabutihan,"kataas-taasan sa Iyong karangalan" ; Ang karangalan ay kadakilaan; Ibig sabihin ay;Pumataas at pumitagan ang Iyong kadakilaan,at naging kataas-taasan ito sa lahat ng dakila,at nanaig ang Iyong katayuan sa lahat ng katayuan,at Nangibabaw ang Iyong kapangyarihan sa lahat ng kapangyarihan,kataas-taasan sa Kanyang karangalan-mapagpala Siya at pagkataas-taas,na magkaroon Siya ng katambal sa Kanyang pamamahala,o pagiging diyos na tagapagsustento sa pangangailangan ng nilikha o pagiging diyos na nag-iisang karapat-dapat sambahin,o sa kahit na maliit na bagay mula sa kanyang mga Pangalan at Katangian, Kung-kaya`t nagsabi siya pagkatapos nito na " walang diyos [na karapat-dapat sambahin] maliban sa Iyo" Walang tunay na karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo,Kaya`t Ikaw ay karapat-dapat sa pagsamba,Ikaw ay nag-iisa at sa Iyo ay walang katambal,tulad ng inilarawan Mo sa Iyong sarili mula sa mga magagandang katangian at mula sa mga pinagbuti Mong maraming biyaya. Ang pambungad na ito ay naglalaman ng papuri sa Allah-pagkataas-taas Niya at pagdadalisay sa Kanya-mula sa lahat ng mga bagay na hindi naangkop sa Kanya,At tunay na Siya-mapagpala Siya at pagkataas-taas-ay dalisay sa lahat ng kapintasan at kakulangan,at ito ay isa sa mga pambungad na panalangin na naitala sa kabanata,at ang pinakamainam ay gamitin ito minsan at ang maliban rito sa ibang pagkakataon,upang maipon ang [lahat ng] patunay sa Sunnah,na walang halong pagpapabaya sa bawat isa rito. At kabilang sa mga bigkasing ito ay ang sabihing: " walang diyos [na karapat-dapat sambahin] maliban sa Allah ng tatlong beses" Ibig sabihin ay: Uulitin ang pagbigkas ng "walang diyos [na karapat-dapat sambahin] maliban sa Allah" ng tatlong beses; At ang kahulugan ng "walang diyos [na karapat-dapat sambahin] maliban sa Allah" Walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, Nagsabi Siya-pagkataas-taas Niya:{ Ito ay dahil si Allah-Siya ang katotohanan,at kanilang tinatawagan [mga diyus-diyosan] maliban pa sa Kanya ay kabulaanan} [Al-Hajj:62] Pagkatapos ay sinasabi niyang " Allah ang pinakadakila ng tatlong beses" Ibig sabihin ay si Allah ang pinakadakila sa lahat ng bagay,At pagkatapos ng pagbubungad niya sa kanyang pagdarasal,ay nagpapakupkop siya sa Allah mula sa satanas na isinumpa, sa sinabi niyang: "Ako ay nagpapakupkop sa Allah -ang nakakarinig at higit na nakakaalam" At kahulugan nito ay: Bumabalik ako sa Iyo at nagpapangalaga at nagpapakupkop sa Allah-ang nakakarinig ang higit na nakaka-alam; " Mula sa satanas" ang mapanghimagsik at mapagmataas,mula sa mga satanas ng Jinn at tao "Ang isinumpa" Ang isinumpa at itinakwil,at inilayo sa habag ni Allah-pagkataas-taas Niya,Huwag mo siyang ipanaig sa akin sa mga bagay na makakapinsala sa akin,sa relihiyon ko at sa pamumuhay ko,at huwag mo siyang [hayaang] hadlangan ako sa mga gawaing magbibigay ng pakinabang sa akin,sa aking relihiyon at sa aking pamumuhay, At ang sinuman ang magpakupkop sa Allah-pagkataas-taas Niya,tunay na makapanangan ang kanyang sarili sa isang makapangyarihang tulong [upang mahadlangan ito],at nagpangalaga sa kakayahan ni Allah at kapangyarihan Niya,mula sa kaaway niyang iniibig na putulin [ang kaugnayan niya] sa Panginoon niya,at ihulog siya sa kasamaan at pagkasawi, "mula sa kanyang bulong" ito ay ang pagiging baliw at pagkawala ng tamang pag-iisip;dahil ang satanas ay maaaring makapinsala ng tao at maging baliw,kaya ipinag-utos ang pagpapakupkop mula rito, "sa kanyang hininga" Ang pagmamataas niya,dahil si satanas ay humihinga sa tao sa pamamagitan ng pagbubulong niya,hanggang sa magmalaki siya sa sariling paningin niya at maliitin nito ang iba sa kanya,at madadagdagan ang pagmamataas niya at mayabang niya. " mula sa kanyang idinudura" ito ang karunungang-itim, ang pinakamasama sa karunungang-itim-dahil ang mga idinudura [na ibinubulong] mula sa nakatali ay ang karunungang itim,na siyang itinatali sa mga sinulid at idinudura ito sa bawat sinulid hanggang sa ito ay maitali sa anumang maibigan mula sa karunungang itim," Pagkatapos ay magbabasa siya" Ibig sabihin ay magbabasa ng Qur-an at ang una nito ay ang pambungad ng Aklat
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapasimula ng ṣalāh sa pamamagitan ng pagsasagawa ng takbīr at pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥah. Kapag yumukod siya, hindi siya nagtataas ng ulo niya at hindi siya nagbababa nito, subalit sa pagitan niyon. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod, hindi siya nagpapatirapa hanggang sa tumuwid siya habang nakatayo. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa, hindi siya nagpapatirapa hanggang sa tumuwid siya habang nakaupo. Nagsasabi siya sa bawat dalawang rak`ah ng tashahhud. Naglalatag siya ng kaliwang paa niya at nagtutukod siya ng kanang paa niya. Sumasaway siya laban sa [pag-upo sa] sakong ng demonyo at sumasaway siya laban sa paglapag ng lalaki ng mga braso niya gaya ng paglapag ng mabangis na hayop. Nagwawakas siya ng ṣalāh sa pamamagitan ng pagsasagawa ng taslīm.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBumanggit ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ng pagsasagawa ng ṣalāh ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na siya ay nagpapasimula ng ṣalāh niya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng takbīr ng pagpapasimula sapagkat nagsasabi siya ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" at nagpapasimula ng pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥah: {Alḥmdu lillāhi rabbi -l`ālamīn ... (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang ...)} Kapag yumukod siya matapos ng pagkakatayo, hindi siya nag-aangat ng ulo niya at hindi siya nagbaba nito sa sandali ng pagkayukod; bagkus gumawa siya nito na nakapuwestong tuwid. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod, tumutuwid siya habang nakatayo bago siya magpatirapa. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa, hindi siya nagpapatirapa ng ikalawa hanggang sa pumirmi siya habang nakaupo. Nakaupo siya matapos ng bawat dalawang rak`ah para sumambit ng tashahhud at nagsasabi siya ng: "At-taḥīyātu lillāh wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt … (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, ang mga dasal, at ang mga mabuting bagay …)" Kapag naupo siya sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa o para sa tashahhud, naglalatag siya ng kaliwang paa niya, umuupo rito, at nagtutukod ng kanang paa niya. Sumasaway siya na maupo ang nagdarasal sa ṣalāh niya gaya ng pag-upo ng demonyo. Iyon ay sa pamamagitan ng paglatag niya ng mga paa niya sa lapag at pag-upo niya sa mga sakong niya o pagdiit niya ng mga pigi niya sa lapag at pagtukod ng mga binti niya at paglagay niya ng mga kamay niya sa lapag gaya ng paglatag ng aso; o na maglatag ang nagdarasal ng mga braso niya at mag-unat ng mga ito sa pagpapatirapa gaya ng paglatag ng mga mabangis na hayop. Nagpapawakas siya ng ṣalāh niya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng taslīm, na pagsabi ng: "As-salāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh.)" habang lumilingon sa kanan nang isang ulit at nang isa pa sa kaliwa.
Ayon kay Wa`el bin Huj`r-malugod si Allah sa kanya-;(( Nagdasal ako kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at inilagay niya ang kanang kamay niya sa kaliwang kamay niya sa dibdib niya))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Khuzaymah" At inilagay niya ang kanang kamay niya sa kaliwang kamay niya" Kapag nabanggit ang kamay,ang nais ipahiwatig nito ay; Ang Palad,at ito ang nais ipawatig dito.At pinagtitibay ito ng naisalaysay ni Imam Abu Dawud at Imam An-Nisa`ie sa pananalitang; " Pagkatapos ay inilagay niya ang kanang kamay niya sa ibabaw ng palad niyang kaliwa at nang Pulso at nang Mag-armas" At ang Pulso; Ay ang Kasu-kasuan sa pagitan ng Mag-armas at Palad."Sa dibdin niya" ibig sabihin ay;inilagay niya ang kanang kamay niya sa kaliwang kamay niya at inilagay niya ang dalawang ito sa dibdib niya habang itinitindig nito ang Dasal.
Ayon kay Anas malugod si Allah sa kanya-: tunay na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at si Abū Bakar at si 'Umar,ay binubuksan nila ang pagdarasal sa {Ang lahat ng Papuri ay sa Allah, Panginoon ng lahat ng nilikha} dinagdagan ni Imām Muslim: Hindi nila hinahayag ang Sa Ngalan ng Allah Ang Mahabagin Ang Maawain} sa unang pagbasa at wala din sa huli nito.At sa isang salaysay ni Imām Ahmad, at Imam An-Nisāie at Imam Ibn Khuzaymah: Hindi sila naghahayag sa { Sa Ngalan ng Allah Ang Mahabagin Ang Maawain}, at sa ibang salaysay ni Imam Ibn Khuzaymah: Sila ay hindi naghahayag rito, at dahil dito, isinasaalang-alang ang pagtanggi sa naisalaysay ni Imam Muslim, bilang pagsalungat sa mas mataas rito
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Khuzaymah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ng Marangal na Hadith na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at ang dalawang kasamahan nito malugod si Allah sa kanilang dalawa- at hindi sila nagbasa ng Sa Ngalan ng Allah na hayag sa unang Al-Fātihah sa kalagayan ng Dasal,at ay nagpapatunay na ang Sa Ngalan ng Allah ay hindi kabilang sa Al-Fātihah.Nagsabi ang Allajna Addā-imah Lil-iftā: At ang Tumpak at ang Sa Ngalan ng Allah ay hindi kabilang sa Al-Fātihah at hindi sa iba nito,ngunit siya ay talatang namag-iisa mula sa Qur-an, at iilan sa mga talata sa Kabanata ng An-Naml sa pagsabi Niya:{Katotohanang ito ay nagmula kay Sulaimān at ito ang Sa Ngalan ng Allah Ang Mahabagin Ang Maawain} at Sunnah na ito ay binabasa sa panimula ng bawat kabanata, maliban sa Kabanata ng Attawbah, At ang Sunnah ay ang pagbabasa dito bago ang Al-Fātihah sa dasal na hindi hinahayag ang pagbibigkas