





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdullah bin Abe Awfa-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Dumating ang isang lalaki sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:Tunay na wala akong kakayahang magsa-ulo ng Qur-an kahit nang kahit ilan lamang,kaya`t ituro mo sa akin ang anumang magagantimpalaan ako rito,Nagsabi siya: Sabihin mong:"Napaka-maluwalhati ni Allah,at Ang Papuri ay sa Allah,at Walang ibang Diyos na karapat-dapat samabahin maliban kay Allah,at Ang Allah ay Dakila,at Walang ibang Kapangyarihan at Walang ibang Lakas maliban kay Allah,Ang Napaka-taas at Napaka-Dakila" Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,Ang lahat ng ito ay para kay Allah-Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan,ano naman ang para sa akin:Nagsabi siya: Sabihin mong:"O Allah Habagin Mo Ako at Biyayaan Mo ako at Patawarin Mo ako at Patnubayan Mo ako" at nang tumindig siya,nagsabi siya: Ganito ito,Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ngunit ito,Tunay na napuno niya ang mga kamay nito nga mga kabutihan))
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag sa Marangal na Hadith ang Panuntunan ng sinumang walang kakayahang magsa-ulo ng kahit ilan lamang sa Qur-an kung papaano siya magdadasal,Kung kaya't Pinatnubayan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang isang Arabo na walang kakayahang magsa-ulo ng Qur-an.sa pamamagitan ng pagbigkas ng: Napaka-maluwalhati ni Allah,Ibig sabihin:Dinadakila natin Siya sa lahat na Kapintasan,At Ang Papuri ay kay Allah,At Walang ibang Diyos maliban kay Allah,ibig sabihin: Walang ibang Karapat-dapat Sambahin maliban kay Allah,Ang Allah at Dakila,at Walang Kapangyarihan at Walang Lakas maliban kay Allah,Ang Napaka-taas at Napaka-Dakila,Ibig sabihin ay:Walang may kakayahan na baguhin ang sitwasyon sa ibang sitwasyon maliban kay Allah,At sa oras na humingi ang Arabo ng Panalangin para sa kanya na sasabihin niya sa pagdarasal,Pinatnubayan niya ito na sabihin ang mga panalangin na ito na pangkalahatan ng mga kabutihan sa Mundo at sa Kabilang-buhay, kung saan ay sinasabi nitong; "O Allah Habagin Mo Ako at Biyayaan Mo ako at Patawarin Mo ako at Patnubayan Mo ako"At ipinapahayag ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ang kadakilaan ng Panalangin na ito at Pag-aalaala na ito, sa pagsabi nito sa Arabo na kinuha niya ((Ngunit ito,Tunay na napuno niya ang mga kamay nito nga mga kabutihan)) ibig sabihin ay dumating sa kanya ang napakaraming kabutihan
Ayon kay Abe Qatādah, malugod si Allah sa kanya-(( Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbabasa sa Dhuhr sa unang dalawa ng Ummul Kitab [Al-Fatihah],at dalawang kabanata,At sa ibang dalawang tindig ng Ummul Kitab [Al-Fatihah],at ipinaparinig niya sa amin ang mga talatang [ito],At nagpapahaba siya sa unang tindig nang hindi tulad ng pagpapahaba niya sa pangalawang tindig,At gayundin sa Al-Asr at gayundin sa Al-Subh))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag sa Marangal na Hadith na ito,Na sa mga Dasal na Hindi hinahayag ang pagbabasa tulad ng Al-Dhuhr at Al-Asr,ay binabasa niya rito ang Al-Fatihah kasama ang ibang kabanata sa Unang dalawang tindig,At binabasa niya ang Al-Fatihah lamang sa ibang dalawang tindig,tulad ng pagdarasal ng ganap na Hayag, At ipinapahintulot ang kaunting pagtaas ng boses bilang pag-aaral.
Ayon kay Abe Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya.Nagsabi siya: ((Sinusukat namin ang pagtayo ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Al-Dhuhr at Al-`Asr,nasukat namin ang pagtayo niya sa unang dalawang tindig sa Al-Dhuhr,tulad ng sukat ng Alif Lam Mim,pagpapahayag,[Kabanata ng] Assajdah,at nasukat namin ang pagtayo niya sa ibang dalawang tindig,na kasing sukat ng kalahati nito,At nasukat namin ang pagtayo niya sa unang dalawang tindig sa Al-`Asr tulad ng sukat ng pagtayo niya sa ibang dalawang tindig sa Al-Dhuhr,at sa ibang dalawang tindig niya sa Al-`Asr ay nasa kalahati nito.)) at hindi binanggit ni Abu Bakar sa salaysay niya:Alif Lam Mim,pagpapahayag,At nagsabi siya:Sa sukat na tatlumpong talata.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag sa Marangal na Hadith ang sukat ng pagtayo sa bawat pagdarasal sa dasal na Al-Dhuhr at Al-`Asr,Ang sukat ng pagtayo sa unang dalawang tindig mula sa dasal na Al-Dhuhr ay tulad ng sukat ng pagbabasa ng tatlumpong talata,ibig sabihin ay tulad ng sukat ng As-Sajdah,at ang ibang dalawang tindig ay tulad ng sukat ng kalahati nito ibig sabihin ay labinlimang talata,At ang dasal ng Al-`Asr ay higit na magaan mula sa Al-Dhuhr,kaya sa unang dalawang tindig nito ay tulad ng sukat ng labinlimang talata,at ang ibang dalawang tindig ay tulad ng sukat ng kalahati nito,ibig sabihin ay mula sa pito hanggang walong talata.
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi:((Hindi ako nakapagdasal sa likod ng isa na kahalintulad sa pagdarasal ng Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-maliban kay pulano,nagdasal kami sa likod ng Taong yaon,at katotohanang hinahabaan niya ang unang dalawang (tindig) sa dasal ng Tanghali (Dhuhr),at pinapagaan niya ang dalawang iba rito.At pinagagan niya ang dasal ng Hapon (Al-Asr),At nagbabasa siya sa dasal na Maghrib nang maiikling(kabanata) na nagkakahiwalay.At nagbabasa siya sa dasal na Eisha nang{ Ako ay nanunumpa sa araw at sa kanyang marilag na liwanag} at ang mga katulad pa nito (sa haba).At nagbabasa siya sa madaling-araw (Al-Subh) nang dalawang mahabang kabanata.))
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag sa Hadith na ang isa sa mga namumuno sa pagdarasal (Imam) sa Masjid ng Propeta,ay kahalintulad niya sa pagdarasal ang pagdarsal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at tunay na tinutularan ito sa pagpapahaba ng dalawang unang tindig sa dasal nang Tanghali (Dhuhr), at pinapagaan niya ang dalawang iba rito at gayundin sa dasal nang Hapon (Al-Asr) at ang Pagbasa niya sa dasal nang Maghrib ay maiikling(kabanata) na magkakahiwalay,at sa dasal na Eishah ay { Ako (Allah) ay nanunumpa sa Gabi habang lumulukob (sa liwanag)} at ang mga katulad pa nito,At ang pagpapataas sa dasal nang madaling-araw (Al-Subh)
Ayon kay Jubayr bin Mut`im malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya: Narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na siya ay nagbabasa sa Maghrib ng Attur,at nang dumating siya sa talatang: { Sila bay nilikha mula sa wala? O sila baga sa kanilang sarili ay manlilikha?O sila baga ay lumikha ng kalangitan at kalupaan? Hindi,sila ay walang matatag na pananalig.O nasa kanila ba ang mga kayamanan [Panustos] ng inyong Panginoon?O sila ba ang tagapamahala [tagapagsunod nila]?} Nagsabi siya: Muntik ng lumipad ang puso ko.
Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith na ito,[na kung saan si] Jubayr-malugod si Allah sa kanya-ay Narinig niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,na nagbabasa sa dasal na Maghrib sa unang dalawang tindig ng Kabanata Attur,at ito ay nang dumating siya upang palayain ang mga bihag pagkatapos ng [Pandarambong sa] Badr,pagkatapos ay yumakap siya sa Islam pagkaraan nito.
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Sinabi niya:Binuksan ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang kurtina,At ang mga Tao ay nakalinya sa likod ni Abu Bakar,Nagsabi siya: (( O Sangkatauhan,Tunay na wala ng natira sa mga magagandang bagay mula sa mga Propeta maliban sa magandang panaginip,na nakikita ng Muslim,o ipinapakita sa kanya,Hindi ba`t ako`y pinagbawalan na basahin ang Qur-an habang ako ay nakayuko o nakapagpatirapa,At sa pagyuko,ay dakilain ninyo rito ang Panginoon-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,At sa pagpapatirapa,magsumikap kayo sa pananalangin at isipin ninyo na tatanggapin ito sa inyo))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBinuksan ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagan-ang kurtina na nakalagay sa pintuan ng bahay at tahanan at ang mga tao ay ay nasa linya sa likod ni Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya-at nagdadasal sila ng Jamaah,at hindi niya nakayanang magdasal sa kanila dahil sa sakit ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya inutusan nioya si Abu Bakar na magdasal sa mga tao. Nagsabi siya:"O Sangkatauhan,Tunay na wala ng natira sa mga magagandang bagay mula sa mga Propeta maliban sa magandang panaginip" At pagkatapos ng pagkamatay ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pagkaputol ng Kapahayagan [mula sa Allah] wala ng natira maliban sa magandang panaginip,Ibig sabihin ay ang magaganda at tumpak at naaayon sa [kasalukuyang] pangyayari,nakikita ito ng mga taong mananampalataya at nasisiyahan sila at natutuwa rito,at nadadagdagan sa kanila ang katatagan sa pagiging matatag nila, At ang pagiging bahagi niya sa Propesiya sapagkat ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nanatili sa unang pagkapropeta niya na nakakakita siya sa kanyang panaginip at nagaganap ito tulag ng [pagsapit] ng Bukang Liwayway sa madaling-araw,kaya ito ay kabilang sa mga bahagi ng pagiging Propeta niya-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga- At ang sinabi niya: " Maliban sa "Mga Magaganda" Ang pagpapahayag sa Mga Magaganda:Ang mga nagaganap saPangkaraniwan,at kung hindi ay kabilang sa mga panaginip ay pagbibigay babala mula sa Allah at ito ay totoo,ipinapakita ngi Allah sa mananampalataya bilang habag sa kanya upang makapaghanda sa anumang mangyayari bago ito mangyari.At dahil rito kaya naging Magandang Panaginip,ito ay magandang balita para sa mananampalataya o babala sa kanya dahil sa pagpapawalang-bahala,At ang sinabi niyang " Nakikita ng Muslim o ipinapakita sa kanya" ang ibig sabihin nito ay: Ito man ay nakita mismo ng Muslim sa sarili niya o ipinakita ng iba para sa kanya. At ang sinabi niya:"Hindi ba`t ako`y pinagbawalan na basahin ang Qur-an habang ako ay nakayuko o nakapagpatirapa" Ibig sabihin nito: Na ang Allah Pagkataas-taas Niya ay nagbawal sa Propeta niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na basahin ang Qur-an sa kalagayan ng pagyuko at pagpapatirapa,At ang anumang ipinagbawal sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Una na ang Ummah niya sumusunod lamang sa kanya maliban sa mga patunay na magpapatunay na para lamang ito sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,ito ay kapag naging layunin niya ang pagbabasa sa pagyuko at pagpapatirapa niya,Ibig sabihin ay naging layunin niya ang pagbabasa ng Qura-an,Ngunit kapag ang layunin niya ay ang Pananalangin,Hindi ito magiging kasalanan,At naisalaysay sa Hadith:( At bawat tao ay batay sa kanyang layunin) At ang Layunin sa pagbabawal-Si Allah ang higit na nakakaalam-Na ang Pagyuko at Pagpapatirapa sila ay sa kalagayang Pagbaba at pagpapakumbaba,Pagkatapos ang Pagpapatirapa ,ay sa lupa.Kaya hindi nararapat sa Qur-an na basahin sa ganitong kalagayan.At ang sinabi niya: "At sa pagyuko,ay dakilain ninyo rito ang Panginoon-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan" Ibig sabihin ay magsabi kayo ng:Napakaluwalhati ng Panginoon ko,ang Napaka-dakila,at ang mga tulad pa nito mula sa Pagluluwalhati at Pagdadakila na naisalaysay [na bibigkasin] sa Pagyuko. At ang sinabi niya:"At sa pagpapatirapa,magsumikap kayo sa pananalangin" Ibig sabihin ay: Nararapat sa nagdadasal na paramihin niya ang pananalangin sa kalagayang pagpapatirapa,sapagkat siya ay nasa kalagayan na tinatanggap rito ang pananalangin,At tunay na naisalaysay ni Imam Muslim,mula sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsabi siya:(( Ang pinakamalapit na [kalagayan] nang alipin sa kanyang Panginoon,ay kapag siya ay nakapagpatirapa,kaya`t magaparami kayo ng Pananalangin [rito]),Ngunit kasama ang pagsasabi ng Napakamaluwalhati ng Panginoon ko,Ang Kataas-taasan;dahil ito ay obligado" Ibig sabihin ay:Isipin ninyo na tatanggapin Niya ang panalangin ninyo;Dahil ang pinakamalapit na [kalagayan] nang alipin sa kanyang Panginoon ay kapag siya ay nakapagpatirapa,at lugar na kaibig-ibig ang pagpapahaba ng Pananalangin at pagpaparami nito,kapag ang isang tao ay nagdadasal na nag-iisa o sa Jamaah [kanyang kasamahan] na naiibig nila ang pagpapahaba.
Ayon kay Al-Hakam,siya ay nagsabi:Nanatili sa Kufa ang isang lalaking -tinatawag sa pangalang- Zaman Bin Al-Ash-ath, Ipinag-utos niya kay Aba `Ubaydah bin `Abdullah na magdasal sa mga tao,At siya ay nagdarasal,At kapag itinaas niya ang ulo mula sa pagyuko,tumatayo siya sa tagal ng pagsabi ko ng: O Allah! Panginoon namin ang lahat ng papuri ay sa Iyo,napupuno ang langit at napupuno ang kalupaan at napupuno ang anumang ibigin Mo sa anumang bagay pagkatapos nito,Ang karapat-dapat sa pagpuri at pagdakila, Walang nakahahadlang sa anumang ipinagkakaloob mo, At walang nakapagkakaloob sa anumang hinahadlangan mo,At hindi pakikinabangan ng nagmamay-ari ng kayamanan, sa Iyo ang kayamanan [nito],Nagsabi si Al-Hakam: Binanggit ko ito kay `Abdurrahman bin Abe Layla,at siya ay nagsabing: Narinig ko si `Al-Barra`bin A`zib,-na nagsasabing: ((Ang pagdarasal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagyuko niya,[at gayundin] kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,at ang pagpapatirapa niya, At ang pagitan ng dalawang pagpapatirapa niya ay malapit sa pagkakapareho)) Nagsabi si Shu`bah:Binanggit ko ito kay `Amr bin Murrah,at nagsabi siya: Tunay na nakita ko si Ibn Abe Layla,ngunit ang pagdarasal niya ay hindi naging ganoon
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNanatili sa Kufa ang isang lalaking -tinatawag sa pangalang- Zaman Bin Al-Ash-ath, Ipinag-utos niya kay Aba `Ubaydah bin `Abdullah na magdasal sa mga tao"At ang lalaking ito ay si Matar bin Najiyah-tulad ng itinawag sa kanya sa ikalawang salaysay,at si Abu `Ubaydah ay si Bin `Abdullah bin Mas`ud-malugod si Allah sa kanya- "At siya ay nagdarasal,At kapag itinaas niya ang ulo mula sa pagyuko,tumatayo siya sa tagal ng pagsabi ko ng: O Allah! Panginoon namin ang lahat ng papuri ay sa Iyo" At ang tagal na ito ay isang obligado mula sa mga obligado ng pagdarasal,At ang naidagdag rito na:"napupuno ang langit" ay isang sunnah;dahil sa sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kapag sinabi ng Imam na: Naririnig ni Allah ang sinumang pumuri sa Kanya;Sabihin ninyong: Panginoon namin,ang lahat ng papuri ay ukol sa Iyo lamang) At ang kahulugan ng " O Allah! panginoon namin ang lahat ng papuri ay ukol sa Iyo lamang" Ang panalangin at ang pag-amin; Ibig sabihin ay :Panginoon namin! tumugin Ka sa amin,at ang lahat ng papuri ay ukol lamang sa Iyo sa patnubay Mo at paggabay Mo sa amin, "napupuno ang langit at napupuno ang kalupaan "Ipinapahiwaatig rito ang dakila ng halaga nito,at ang dami ng bilang nito.,At ang kahulugan ay: Katotohanang Ikaw,O Panginoon namin ay karapat-dapat sa papuri na ito,kung saan ,kapag ito ay mga katawan lamang,tunay na napuno niya ang lahat ng ito, "at napupuno ang anumang ibigin Mo sa anumang bagay pagkatapos nito, Ibig sabihin ay mula sa mga bagay na hindi namaan napag--alaman sa Iyong malawak na kaharian, "Ang karapat-dapat sa pagpuri at pagdakila" Ibig sabihin ay:Katotohanang Ikaw,O Panginoon namin ay karapat-dapat na purihin, At ang papuri: ang pagpapala;At ang dakila, Siya ang dakila at hari at may walang-hanggang kaluwalhatian, At ang nagmamay-ari ng karapat-dapat na pagluwalhati at walang-hanggang kadakilaan ay si Allah-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan;"Walang nakahahadlang sa anumang ipinagkakaloob mo" Ibig sabihin ay walang nakahahadlang sa anumang ibigin Mong ipagkaloob Mo, " At walang nakapagkakaloob sa anumang hinahadlangan mo" Ibig sabihin ay walang nakapagkakaloob sa sinumang ibigin Mong ipagbawal mo sa kanya ang mga biyaya dahil sa karunungan Mo at pagiging makatarungan Mo; "At hindi pakikinabangan ng nagmamay-ari ng kayamanan, sa Iyo ang kayamanan [nito]": Ito ang kayamanan at ang swerte; Ibig sabihin ay hindi pakikinabangan ng nagmamay-ari ng kayamanan,sa Iyo,ang kayamanan nito at ang swerte nito,hindi siya maililigtas nito mula sa kaparusahan,at wala siyang pakikinabangan rito kahit na kaunti mula sa mga gantimpala,dahil ang nakakapakinabang,ay ang anumang nauugnay batay sa Iyong kagustuhan lamang."Nagsabi si Al-Hakam: Binanggit ko ito kay `Abdurrahman bin Abe Layl,at siya aynagsabing: Narinig ko si `Al-Barra`bin A`zib,-na nagsasabing: ((Ang pagdarasal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagyuko niya,[at gayundin] kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,at ang pagpapatirapa niya, At ang pagitan ng dalawang pagpapatirapa niya ay malapit sa pagkakapareho)) Ang kahulugan nito ay: Ang pagdarsal niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay halos magkakapareho sa tagal ng haligi nito,kahit na sa pagitan nito ay may kaunting pagkakaiba,at kapag nagtagal siya sa pagtayo,nagtatagal din siya sa pagyuko,ng halos maging kapareho ng pagtayo niya,at ganon din ang mga natitira pang mga haligi.At kapag pinagaan niya ang pagtayo,pinagagaan din niya ang pagyuko ng halos maging kapareho ng pagtayo niya,at ganon din ang mga natitira pang mga haligi.At ang hadith na ito ay nagpapailalim sa ilang mga kalagayan,dahil tunay na siya ay nagpapahaba ng pagdarasal minsan-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, At dahil rito: Ang hadith na ito ay nangyayari sa ibang mga oras.At sa kabuuan nito: Tunay na ang pagdarasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay magkakalapit sa tagal nito, Ang pagyuko niya,ang pagtaas niya mula sa pagyuko,ang pagpapatirapa niya,ang pag-upo niya sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa ay malapit sa pagkakapareho nito sa tagal, At kaya lamang siya nagtatagal sa pagtayo ay dahil pagbabasa sa ibang pagkakataon.
Ayon kay Wa`el bin Huj`r-malugod si Allah sa kanya-Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay yumuyuko,ay ibinubuka niya ang mga daliri nito,at kapag siya ay nagpatirapa ay pinagdidikit niya ito.
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Habba`nAng kahulugan ng Hadith:" Kapag siya ay yumuyuko,ay binubuka niya ang mga daliri nito,at kapag siya ay nagpatirapa,ay pinagdidikit niya ang mga daliri nito" ibig sabihin ay;Na ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay nakayuko,hinahawakan niya ang tuhod niya sa dalawang palad niya at binubuka niya ang mga daliri nito;sapagkat ito ay mas mainam sa pagyuko at mas matatag sa pagsasagawa nang pagpapantay sa likod niya at ulo niya.At sa pagpatirapa, inilalagay niya ang dalawang palad niya sa lupa,at ibinubuklod niya ang mga daliri niya at pinagdidikit ang bawat isa nito;upang maisagawa nito ang ganap na pagharap sa Qiblah rito.at ito ang pinaka-mainam na tulong sa pagtitiis niya habang nakapag-patirapa.
Ayon kay Malik bin Al-Huwayrith-malugod si Allah sa kanya-Katotohanang nakita niya ang Propeta-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagdarasal,Kapag siya ay sa dasal na Witr,Hindi siya tumatayo hanggang sa mapagpantay niya ang kanyang pag-upo
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyKabilang sa kanyang patnubay sumakanya ang pangangalaga,kung siya ay tumatayo mula sa unang tindig para sa ikalawa at mula sa ikatlong tindig para sa ika apat ,Hindi siya tatayo kaagad hanggang sa manatili mona siyang naka-upo,nang pag-upong panandalian pagkatapos ay tatayo siya,at tinatawag ang pag-upong ito na pag-upong pamamahinga,at tunay na naisalaysay niya ito sumakanya ang pangangalaga sa lahat ng kanyang kasamahan