





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Asim,Nagsabi siya:Tinanong ko si Anas-malugod si Allah sa kanya-tungkol sa Pananalangin,Nagsabi siya:Bago ang pagyuko,Nagsabi ako: Tunay na si Pulano ay nag-aangking nagsabi ka na pagkatapos ng pagyuko? Nagsabi siya: Nagsinungaling siya,Pagkatapos ay kinausap kami buhat sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Katotohanang siya ay nanalangin ng isang buwan pagkatapos yumuko,Nanalangin siya sa mga tribu mula sa mga Anak ni Sulaym)),Nagsabi siya:((Nagpadala siya ng Apatnapo-o Pitumpo nag-aalinlangan siya rito-mula sa mga [mahusay na]Tagabasa[ at nakasa-ulo ng Qur-an] sa mga tao na Walang pananampalataya,)) ipinadala sila sa kanila,ngunit pinatay lang sila,At sa pagitan nila at pagitan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay Kasunduan,((Hindi kopa siya nakitang magalit sa isang tao tulad ng pagkagalit niya sa kanila))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag sa marangal na Hadith ang pagpapahintulot sa Pananalangin sa mga pagbaba,at ito ay gaganapin pagkatapos ng pagbangon mula sa pagyuko,dahil sa gawain ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kung kailan ay linabag ng mga Anak ni Sulaym ang kasunduan sa pagitan nila at sa pagitan ng mga Muslim,dahil sa pagpatay nila sa pitumpo o apatnapo Tagabasa[ at nakasa-ulo ng Qur-an] na silang ipinadala ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanila,Kaya`t nanalangin siya sa loob ng isang Buwan upang ipanalangin sila,pagkatapos ng pagyuko.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan : ay hindi nanalangin sa [Qunut] maliban kapag ipinapanalangin niya ang mga taong [Muslim] o ipinapanalangin niya ang mga taong [Hindi mananampalataya]
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu KhuzaymahIpinapahayag sa Marangal na Hadith ang mga lugar na nanalangin [ng Qunut] rito ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.at ito sa:kalagayang pananalangin niya sa mga Taong [Muslim],o sa kalagayang pananalangin niya sa mga Taong [ Hindi mananampalataya],At dito ay nalalaman ang pagpapahintulot sa pananalangin ng [Qunut] sa mga [oras ng] kalungkutan,at hindi naisalaysay sa mga obligadong pagdarasal ang mga pananalangin ng [Qunut] liban rito,At ito ay ginaganap lamang sa mga kasalukuyang pangyayari at sa [oras ng] kalungkutan,Sapagkat ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nanalangin ng [Qunut] maliban kapag ipinapanalangin niya ang mga Taong Muslim o -ipinapanalangin niya ang mga Taong hindi mananampalataya,at ang pananalanging [Qunut] na ito ay hindi nakatalaga sa isang dasal lamang na wala sa ibang mga dasal,Datapuwat nararapat ang pagganap rito sa lahat ng mga dasal.
Ayon kay Abe Malik Al-Ashja-`ie Sa`ad bin Tariq-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya: Sinabi ko sa aking ama: O aking ama! Tunay na nakapagdasal ka sa likod ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ni Abu Bakar,`Umar,`Uthman at `Ali doon sa Al-Kufah,sa loob ng limang taon (( Sila ba ay nananalangin ng Qunut sa Al-Fajr)) Nagsabi siya: O aking anak,ito ay makabago [sa relihiyon]
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag ng marangal na Hadtih na ang ang pananalangin [ng Qunut] sa dasal na Al-Fajr,kung hindi dahilan sa nakatalagang pagsubok,ito ay isang Bid`ah o makabago sa relihiyon. Nagsabi si Shiekh Al-Islam: walang pananalanging Qunut na maliban sa Witr,maliban kung bumagsak sa mga Muslim ang isang pagsubok,dito ay mananalangin ng Qunut ang bawat nagdarasal sa lahat ng dasal,ngunit sa [dasal na ] Al-Fajr at Al-Maghrib ay siguraduhin,dahil sa naaangkop sa pagsubok na yaon, At ang sinuman ang nakakaunawa sa Sunnah,malalaman niya nang tiyak na kaalaman na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nanalangin ng Qunut ng palagian sa mga pagdarasal. Tawdih Al-Ahkam (250/2)
Ayon kay `Abdullah bin Zubayr-malugod si Allah sa kanilang dalawa- ay nagsabi:((Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay umupo, siya ay nananalangin,at inilalagay niya ang kamay niyang kanan sa hita niyang kanan,at ang kamay niyang kaliwa sa hita niyang kaliwa,at itinuro nito ang daliri niyang hintuturo,at inilalagay niya ang hinlalaki niya sa daliri niyang hinlalato,at itinikom niya ang kaliwang kamay niya sa tuhod niya.))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng Hadith: "Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay umupo, siya ay nananalangin" ibig sabihin ay: umupo siya sa pagsasagawa ng Tashahhud,at pinagtitibay ito sa Hadith ni Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-:( Kapag siya ay umupo upang magsagawa ng Tashahhud,inilalagay niya ang kamay nitong kaliwa sa tuhod nitong kaliwa) Isinaysay ito ni Imam Muslim, At ang Tashahhud ay ang pagbasa ng:"Ang lahat ng mga pagbati ay para sa Allah,ang mga dasal at ang mga mabubuting bagay ay para sa Allah,Sumaiyo nawa ang Pangangalaga o Propeta at ang habag at ang pagpapala ni Allah,Ang Pangangalaga ay mapasa-amin at mapasa mga ( taong) gumagawa ng mga makatarungang (paglilingkod sa Allah)" at tinawag itong pananalangin dahil sa pagpapaloob rito ng mga panalangin,sapagkat ang sinabi niya: " Sumaiyo nawa ang pangangalaga" at " Mapasa-amin ang pangangalagan" ay Panalangin. Sinabi niya:"inilalagay niya ang kamay niyang kanan sa hita niyang kanan,at ang kamay niyang kaliwa sa hita niyang kaliwa": Ibig sabihin ay; Kapag umupo siya upang magsagawa ng Tashahhud,ipinapalad niya ang kamay niyang kanan sa hita niyang kanan at gayundin ang kaliwa,at ang layunin sa paglagay rito sa tuhod o sa ibabaw ng tuhod o sa hita,ay pagpipigil rito sa panghihina,at ang paglalagay ng kamay sa hita ay hindi sumasalungat sa paglagay nito sa tuhod,sapagkat kabilang sa pagpapanatili sa paglagay ng kamay nito sa hita,ang pag-abot ng dulo ng mga daliri nito sa tuhod,At sa isang salaysay ni Wael ibn Hujr-malugod si Allah sa kanya-ayon sa (salaysay ni Imam An-Nisa-ie at sa mga kasamahan niya,Na ang Propeta-pagpalain siya ji Allah at pangalagaan-:((Inilagay niya ang kaliwang kamay niya sa hita niya at kaliwang tuhod niya,at inilagay niya ang dulo ng siko niyang kanan sa hita niyang kanan," At ang sinabi niya-malugod si Allah sa kanya;"inilagay niya ang dulo ng siko niyang kanan sa hita niyang kanan" Kapag inilagay ng taong nagdarasal ang dulo ng siko niya sa hita niya,tunay na walang pagdududa,Na ang mga dulo ng mga daliri niya ay aabot hanggang sa tuhod.Nagsabi si Imam An-Nawawie,kaawaaan siya ni Allah-Napagkaisahan ng mga may kaalaman ang kainaman ng paglagay rito sa tuhod o sa ibabaw ng tuhod,at ang iba ay nagsasabi,sa pagdikit ng mga daliri nito sa tuhod,at ito ang kahulugan ng sinabi niya:at "itinikom niya ang kaliwang kamay niya sa tuhod niya" at ang sinabi niya: " at inilagay niya ang kamay niya" ang ipinapahiwatig sa kamay dito ay: mula sa dulo ng mga daliri hanggang sa siko,at sa nakikita sa Hadith: Maging ito man ay sa Unang Tashahhud o sa pangalawa.Ang sinabi niyang: "at itinuro nito ang daliri niyang hintuturo" at sa isang salaysay din ni Imam Muslim,mula sa Hadith ni `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na ang Sugo ni Alla-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay umupo upang magsagawa ng Tashahhud,inilalagay niya ang kamay niyang kaliwa sa hita niyang kaliwa,at inilalagay niya ang kamay niyang kanan sa hita niyang kanan,at binibilog niya ng limamput-tatlo at itinuturo niya ang hintuturo" At ang katulad nito: Hadith ni Wael bin Hujr-maugod si Allah sa kanya-mula sa salaysay ni Imam Abu Dawud,at nabibilang rito:(( Pagkatapos ay umupo siya pinatag nito ang kaliwang paa niya,at inilagay niya ang kamay niyang kaliwa sa hita niyang kaliwa at inilagay ang dulo ng siko niyang kanan sa hita niyang kanan,at pianghawak niya ang dalawa at binilig ito ng pabilog,at nakita kong nagsabi siya ng ganito: at binilog niya ang dulo balat ng hinlalaki at ang hinlalato at itinuro ang hintuturo" Nagsabi si Ibn Hajr-kaawaan siya ni Allah-;" mula sa unang pag-upo nito sa pagsasagawa ng Tashahhud,tulad ng naipatunay rito ng iba pang mga salaysay",at ito ang ipinag-bigay alam sa Fatwah ni Shiekh ibn Baz-kaawaan siya ni Allah-at ng Lajnatu Da-emah.Ang sinabi niya:" at inilalagay niya ang hinlalaki niya sa daliri niyang hinlalato" ibig sabihin ay:binilog niya ang hinlalaki niya at ang hinlalato at itinuturo niya ang Hintuturo.Ang sinabi niya:" at itinuro niya ang daliri niya: ibig sabihin ay:itinuturo niya ang hintuturo;at ito ay gawin niyang gaganapin niya sa lahat ng sitwasyong nauna.at ang layunin sa pagtuturo rito,Na ang sinasamba,Napakamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya ay Nag-iisa,upang pagsamahin sa Pagpapa-isa niya ang salita at gawa at paniniwala, At sa Hadith ni Ibn`Umar na -Marfu-sa Musnad ni Imam Ahmad;" tunay na ito mas matindi kay Satanas mula sa bakal".Ang sinabi niyang" at itinuro niya ang daliri nito" Ang nakikita sa Hadith: Na ito ay hindi niya iginagalaw; dahil ang pagtuturo ay iba sa pagpapagalaw, Ang sinabi niyang: ",at itinikom niya ang kaliwang kamay niya sa tuhod niya" ibig sabihin ay:ipinapasok niya ang tuhod niya sa palad ng kamay niyang kaliwa at hinaawakan niya ito,hanggang sa maging ang tuhod nito ay parang subo sa kamay niya. At ang pangalawang sitwasyon: ay ang ipalad ang kamay niyang kaliwa sa tuhod nito na hindi niya hinahawakan tulad ng nasa Hadith ni Ibn Umar-malugod si Allah sa kanya-sa salaysay ni Imam Muslim: "Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay; kapag siya ay umupo sa pagdarasal,inilalagay niya ang kamay niya sa tuhod niya at ang kamay niyang kaliwa sa tuhod niyang kaliwa na ipinapalad niya rito" At dahil rito: Ang Sunnah sa paglalagay ng dalawang kamay sa pagsasagawa ng Tashahhud ay naiulat sa dalawang sitwasyon,at kahit saan rito ang kunin ay tunay na naitama ang Sunnah, ngunit pinaka-una at pinaka-mainam ay ang isagawa ito minsan, at ito naman minsan,bilang pagsasakatuparan sa lahat ng naisalaysay mula sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
Ayon kay Ibnu Abbas malugod si Allah sa kanya ay nagsabi;Ang Sugo ni Allah pagpalai siya ni Allah at pangaagaan ay nagtuturo sa amin ng Tashahhud tulad ng pagtuturo niya sa ami ng kabanata ng Qur-an,At siya ay nagsasabi; ((Ang lahat ng mga pagbati ay para kay Allah,at ang mga dasal at mabubuting bagay ay para kay Allah,Sumaiyo nawa ang pangangalaga o propeta at habag ni Allah at pangangalaga,Ang pangangalaga ay mapasa-amin at mapasa mga taong gumagawa ng mga makatarungang paglilingkod sa Allah,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad au Sugo ni Allah)) at sa salaysay ni Ibnu Rumhin;tulad ng pagtuturo niya sa amin ng Qur-an.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag ng maluwalhating Hadith ang bibigkasin sa Tashahhud,at ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsusumikap sa pagtuturo sa kanila tulad ng ( pagsusumikap niya) ng pagtuturo sa kanila sa mga talata ng Qur-an, at ang bibigkasin ay;(Ang lahat ng mga pagbati ay para kay Allah,at ang mga dasal at mabubuting bagay ay para kay Allah,Sumaiyo nawa ang pangangalaga o propeta at habag ni Allah at pangangalaga,Ang pangangalaga ay mapasa-amin at mapasa mga taong gumagawa ng mga makatarungang paglilingkod sa Allah,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad au Sugo ni Allah) at ito ay kahalintulad sa binibigkas na Tashahhud na naging kilala,na nakasaad buhat kay Ibnu Mas-ud,-malugod si Allah sa kanya-at ang pagkakaiba lamang ay ang pagdagdag sa salitang Pagpapala, at ang pagtanggal sa letrang (wa) sa pagitan ng dalawang salita pagkatapos nito,At ipinapahintulot ang paggamit sa dalawang bigkas na nakasaad sa Tashahhud.
Ayon kay Jaber bin `Abdullah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-:Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay bumista sa isang may sakit,Nakita niya ito nagdadasal sa unan,Kinuha niya ito at itinapon ito,Kinuha niya ulit ito at nagdasal rito,Kinuha din [ulit ng Propeta] at itinapon ito,At sinabi niya:(( Magdasal ka sa Lupa kung kaya mo,at kung hindi bumaba ka ng pagpapababa,at gawin mong ang pagpapatirapa mo ay higit na mababa mula sa pagyuko mo))
Isinaysay ito ni Al-Bazar - Isinaysay ito ni Imam Al-BayhaqieIpinapahayag sa Marangal na Hadith ang pamamaraan ng pagdasal nang may sakit,na walang kakayahang ilagay ang nuo niya sa lupa,Na kung saan ang nararapat sa kanya ay ang pagdarasal sa abot ng [kanyang] makakaya,At ang pagpapababa sa kalagayan ng pagyuko at pagpapatirapa,at ang pagpapatirapa niya ay higit na mababa mula sa pagyuko niya.
Ayon kay Ziyad bin `Alaqah,Nagsabi siya:Nagdasal sa amin si Al-Mughirah bin Sha`bah,at tumayo siya sa pangalawang tindig,Nagsabi kami:Napakamaluwalhati ni Allah,Ang sabi niya:Napakamaluwalhati ni Allah,at nagpatuloy siya,At nang makompleto niya ang pagdarasal niya at nagsagawa ng Taslem,Nagpatirapa siya ng dalawang pagpapatirapa na Sahwu,At nang lumabas siya,Nagsabi siya:((Nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,gumawa tulad ng ginawa ko.))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyIpinapahayag sa Hadith ang ilan sa mga gawain ni Al-Mughirah bin Shu`bah, malugod si Allah sa kanya-Na siya ay nakalimot sa pagdarasal niya,hindi siya nagsagawa ng Tashahhud,at Nagluwalhati ang mga tao sa likod niya,kaya naalala niya ito ngunit ipinagpatuloy parin niya ang pagdarasal niya,at pagkatapos niya magsagawa ng Taslem,nagpatirapa siya ng dalawang beses na pagpapatirapa na Sahwu;at ipinagmalaki niya ang ginawa niyang sa gawain ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Ang pinakatumpak;Ang pagpapatirapa na Sahwu ay gaganapin bago ang isagawa ang Taslem,dahil sa Hadith ni `Abdullah bin Malik Ibn Buhaynah,Napagkaisahan sa Katumpakan.
Ayon kay Abe Rafi,Na si Abe Hurayrah ay nagbasa sa kanila:{ Kapag ang langit ay lansag-lansag na mabiyak} nagpatirapa siya rito,at nang siya ay umalis,sinabi niya sa mga tao na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpatirapa rito
Napagkaisahan ang katumpakanBinanggit ni Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya-na siya ay nagbasa ng Kabanatang Inshiqaq,at nagpatirapa siya rito,sa Pagkasabi Niya-Pagkataas-taas Niya:{At kung ang Qur-an ay binabasa sa kanila sila ay hindi nagpapatirapa [sa kapakumbabaan]," at sinabi sa kanya doon" ibig sabihin ay:Nagtanggi sa kanya si Abu Rafi-malugod si Allah sa kanya-sa pagpapatirapa rito, Tulad ng nasa ibang salaysay,buhat kay Abe Rafi,malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:" Nagsabi ako,Ano ang pagpapatirapang ito?"at tunay na ito ay pagtanggi niya sa kanya,ayon sa naisalasay buhat sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Na siya ay hindi nagpatirapa sa naipaliwanag mula ng paglipat niya sa Madinah,Nagsabi si Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya;" Kung hindi ko nakita ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagpatirapa ay hindi ako magpapatirapa"Ibig sabihin: Kaya ako nagpatirapa bilang pagsunod sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
Ayon kay Zaid Bin Thabit, malugod si Allah sa kanya.Nagsabi siya: (( Binasa ko sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang " Ako si [Allah] ay nanununumpa sa Bituin,At hindi siya nagpatirapa rito))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyKatotohang si Zaid bin Thabit-malugod si Allah sa kanya-ay nagbasa sa Propeta-pagpalan siya ni Allah at pangalagaan-sa kabanata ng An-Najm,at nang dumaan siya sa talata na may pagpapatirapa,hindi siya nagpatirapa rito,at iniwan niya ang pagpapatirapa sa kalagayang ito,ngunit hindi nagpapatunay sa pag-iwan nito sa pangkalahatan;dahil maaari na ang dahilan sa pag-iwan niya nito ay upang ipahayag [rito] ang pagpapahintulot,at ito ang sinang-ayunan sa mga [karamihang opinyon] at ito rin ang sinang-ayunan ni Imam Ash-shafi`ie,sapagkat kung ito man ay obligado,ipag-uutos niya sa kanya na magpatirapa,kahit pagkatapos niya doon.