





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi:Nagsabi ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-- Sa kabanata ng Hajj ba ay may dalawang pagpapatirapa? Ngasabi siya: Oo,at ang sinumang hindi magpatirapa sa dalawang ito,ay huwag magbasa sa dalawang ito))
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudSa hadith na ito ay nagtatanong si `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allāh sa kanya-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagtatanong siya sa kanya tungkol sa kabanata ng Hajj,kung mayroon ba ritong dalawang pagpapatirapa? Sinagot siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng;Oo,mayroon ditong dalawang pagpapatirapa, Pagkatapos ay nagdagdag siya rito ng ibang panuntunan,ito ay : "at ang sinumang hindi magpatirapa sa dalawang ito,ay huwag magbasa sa dalawang ito" Ibig sabihin ay: Ang sinuman ang dumating sa dalawang talatang ito at hindi niya gustong magpatirapa rito,at huwag magbasa sa dalawang ito, At ang pagbabawal,ay hindi nangangahulugang haram,ngunit ito ay pagkamuhi,at ang pagganap sa Sujud Attilawah ay isang sunnah
Ayon kay Abe Bakrah,buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Katotohanang siya ay:((Kapag dumating sa kanya ang bagay na nakakapag-pasaya ( sa kanya) o magandang balita sa kanya lumulugmok siya sa pagpapatirapa bilang pagpapasamat sa Allah))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag ng marangal na Hasdith ang gawain ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa tuwing darating sa kanya ang bagay na nakakapag-paligaya sa kanya o pagbabalita (sa kanya) sa mga bagay na magaganda; Na siya ay lumulugmok na nagpapatirapa,na pagpapatirapa sa pagpapasalamat sa Allah-Pagkataas-taas Niya,Ang pagpapatirapa sa pagpapasalamat sa Allah ay ipinapahintulot kapag may mga biyayang pabago-bago.Ngunit ang biyayang nanatili,tulad ng biyaya ng Relihiyong Islam at biyaya ng kalusugan at yaman ng mga tao,at ang tulad pa nito,Sa mga ito ay hindi ipinapahintulot ang pagpapatira ng pagpapasalamat,dahil ang biyaya ng Allah ay nanatili at hindi napuputol,at kung ipinapahintulot lamang ang pagpapatirapa sa mga ito,mauubos na lamang ang buhay ng tao sa pagpapatirapa,Subalit ginaganap ang pagpapasalamat sa mga biyayang ito at ang iba pa sa dalawang ito sa pamamagitan ng pagsamba at pananampalataya sa Allah-Pagkataas-taas Niya.
Ayon kay Abdullah bin Al-Maznie,nasabi siya,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-( Magdasal kayo bago sumapit ang Maghrib ng dalawang tindig))pagkatapos ay nagsabi siya;((Magdasal kayo bago sumapit ang Maghrib ng dalawang tindig,sa sinumang mag-nais)) Pagkatakot na baka gawin ito ng mga Tao na Sunnah.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīySa marangal na Hadith na ito,ay ang pagsusumikap sa pagsasagawa ng dalawang tindig na dasal bago sumapit ang Naghrib,at ito ay pagkatapos ng pagsasagawa ng Azan,kusang-loob sa sinumang magnais.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nasa pulpito: "Ano po sa tingin mo ang salah sa gabi?" Nagsabi siya: "Dala-dalawahang [rak`ah]; ngunit kapag natakot siya na umabot sa madaling-araw, magdarasal siya ng iisang rak`ah saka magiging witr para sa kanya ang dinasal niya." Tunay na siya noon ay nagsasabi: "Gawin ninyo ang kahuli-hulihan sa salah ninyo bilang witr. Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos nito.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagtanong ang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nagtatalumpati sa ibabaw ng pulpito: "O Sugo ni Allāh, nagturo ka sa akin kung papaano akong magsasagawa ng kusang-loob na ṣalāh sa gabi?" Nagsabi naman siya: "Magsasagawa ka ng ṣalāh at magsasagawa ka ng taslīm sa bawat dalawang rak`ah; ngunit kapag nangamba ka na umabot sa pagsapit ng madaling-araw, magdasal ka ng isang rak`ah na magiging witr para sa iyo ang dinasal niya." Tunay na siya noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtatagubilin na gawin ang kahuli-hulihan sa ṣalāh sa gabi bilang witr.
Ayon kay Ayyūb Al-Ansārī-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:((Ang dasal na Witr ay tunay,Sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang pitong (tindig),at sinuman ang magnais,at magdasal ng Witr nang limang tindig,at sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang tatlong tindig at sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang isang tindig))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng kahulugan ng Hadith: "Ang dasal na Witr ay tunay" Ang Tunay:darating na ang kahulugan ay Napanatili,ibig sabihin ay: Napanatili sa Sunnah,ay dito at may uri ng pagpapatatag,at darating din sa kahulugang Obligado,at ang nais ipahiwatig dito at ang una:Ipinapatatag ang pagpapahintulot dito;dahil sa mga naisalasay na mga patunay na hayag,na nagpapatunay sa hindi pag-oobliga dito. Kabilang dito: Ang naisalaysay ng dalawang Shiekh mula sa Hadith ni Talhah bin 'Ubaydillah,nagsabi siya:Dumating ang isang lalaki sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa naninirahan sa Najd,ayon sa Hadith,at napapaloob rito,Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(Limang beses na Pagdarasal sa Araw at Gabi) Nagsabi siya:" Mayroon pa bang iba ( obligadong gawain )sa akin, maliban dito" Nagsabi siya: Wala na,maliban sa pagganap mo ng dasal na Kusang-loob) Kung ito Obligado,binanggit niya ito kasama ang Limang beses ng Pagdarasal.At kabilang din dito;Ang Sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Limang beses na pagdarasal,na inobliga ni Allah sa kanyang mga alipin,Sinuman ang gumanap sa mga ito,ay hindi magpapasawalang-bahala mula rito kahit kaunti lamang,bilang pagtugon sa mga karapatan nito,mapapasakanya mula kay Allah,ang pangako na mapapasok siya sa Paraiso.)) At kabilang pa sa mga patunay sa Hindi pagiging obliga nito: Ang naisalaysay dito ng dalawang Shiekh mula sa Hadith ni 'Abbās-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay "Ipinadala niya si Muaz sa Yaman ayon sa Hadith" At napaloob dito;" Ipaalam mo sa kanila na si Allah ay nag-obliga sa kanila ng Limang beses na pagdarasal sa Araw at Gabi" at ito and pinakamainam na gawing patunay rito;Dahil ang pagppadala kay Muadh ay naganap bago siya pumanaw-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa napakadali-At kabilang din sa mga patunay,Ayon kay 'Alī-malugod si Allah sa kanya-:((Ang Dasal na Witr at hindi inoobliga)) at dahil dito,ang magiging nais ipahiwatig:sa pagsabi niyang:" Tunay" Ay Karagdagan sa pagpapatibay nito at kainaman nito at ito ay Pinagtibay na Sunnah at ito ay tunay."Sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang pitong tindig at sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang limang tindig" Ang kahulugan nito: Magdasal ng dalawang tindig,dalawang tindig,pagkatapos ay magdasal ng Witr nang isang tindig,At ang siyang Panimula; Dahil sa sinabi niya-Ang dasal na Gabi ay dalawa,dalawa)Napagkaisahan sa Katumpakan.At malamang siya ay nagbabasa rito g nagbabasa at Hindi siya umuupo maliban sa panghuling tindig,at ito ay ipinapahintulot,at naisalaysay mula sa mga gawain niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tulad ng naisaad sa Musnad ni Imām Ahmad (aklat),mula sa Hadith ni Ummi Salamah-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya: " Nagdarasal siya ng Witr nang pitong tindig at limang tindig,Hindi niya pinaghihiwalay ang mga ito sa Taslēm at hindi sa salita"At sa salaysay ni Imām Abē Dawūd mula sa Hadith ni 'Āishah-malugod si Allah sa kanya-: " At siya at nagdarasal ng Witr nang limang tindig,hindi siya umuupo sa mga pagitan nito maliban sa panghuli nito" At sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang tatlong tindig"Ang kahulugan nito:Magdasal ng dalawang tindig lagkatapos magsagawa ng Taslēm,pagkatapos ay magdasal ng isang tindig;dahil sa sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(Ang dasal na gabi ay dalawang tindig,dalawang tindig) Napagkaisahan sa Katumpakan.At malamang na ang nais ipahiwatig ay: Binasa niya ito ng (tuloy-tuloy),Ibig sabihin ay;Nagdarasal siya ng tatlong tindig na tuloy-tuloy,Hindi siya umuupo maliban sa panghuling tindig,at ito ay naipanatili mula sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa Hadith ni Ubayy bin Ka'b,Nagsabi siya:Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagbabasa sa Dasal na Witr ang, Luwalhatiin ang Pangalan ng Panginoon Mo,na Napakataas,at sa Pangalawang tindig ay: Ipagbadya mo (O Muhammad),O kayong mga Hindi mananampalataya,at sa Pangatlo at: Ipagbadya mo (O Muhammad), Siya si Allah,Nag -iisa, at hindi siya nagsasagawa ng Taslēm maliban sa pinakahuli nito" Isinalaysay ito ni Imām An-Nisā-ie, At ayon kay 'Āishah-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Siya ay Hindi nagsasagawa ng Taslēm sa dalawang tindig ng Witr"Isinaysay ito ni Imām An-Nisā-ie. Nagsabi si Shiekh Ibn 'Uthaimēn-kaawaan siya ni Allah-:" ipinapahintulot ang pagdarasal ng Witr nang tatlong tindig,at ipinapahintulot sa limang tindig,at ipinapahintulot sa pitong tindig,at ipinapahintulot sa siyam na tindig,at kapag nagdasal siya ng tatlong tindig,maigaganap niya ito sa dalawang katangian,at ang bawat isa rito ay ipinapahintulot: Ang Unang Katangian:Ang pagpapatuloy niya ng tatlong tindig sa iisang Tashahhud lamang.Ang Pangalawang Katangian:Ang magsagawa ng Taslēm mula sa ikalawang tindig,pagkatapos ay magdasal ng Witr ng isang tindig" At ang pinaka-mainam ay magsagawa ng Taslēm sa bawat dalawang tindig,pagkatapos ay magdasal ng isang tindig bilang Witr niya sa mga naiganap niyang dasal,Sapagkat napapaloob rito ang karagdagang gawain at ito ay higit mula sa mga Gawain niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-."At sinuman ang magnais at magdasal ng Witr nang isang tindig " Ibig sabihin ay: Tindig na mag-iisa na Hindi masasamahan ng pares.
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Buwan ng Ramadhan ng walong Tindig at [dasal] na Witr,At nang dumating ang sumunod nito,nagtipon kami sa Masjid at hiniling namin na lumabas siya sa amin,ngunit hindi siya dumating sa Masjid hanggang sa inumagahan kami,Kayat pumasok kami sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi kami sa kanya-Hiniling namin na lumabas ka sa amin at magdasal ka sa amin:Nagsabi siya: (( Natakot ako na maging obligado sa inyo ang Dasal na Witr))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu KhuzaymahAng kahulugan ng Hadith: "Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Buwan ng Ramadhan ng walong Tindig at [dasal] na Witr"Ibig sabihin:Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at ang mga ksamahan niya sa Masjid ng walong tindig at dasal na Witr at ito ay naganap sa [buwan] ng Ramadhan."At nang dumating ang sumunod nito," ibig sabihin ay sa sumunod nito na gabi."nagtipon kami sa Masjid" ibig sabihin ay: Dumalo ang mga kasamahan ng Propeta malugod si Allah sa kanila-at inakala nila na Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at panagalagaan- ay lalabas at magdadasal sa kanila tulad ng naunang gabi,kaya`t nasabi nila:"at hiniling namin na lumabas siya sa amin" ibig sabihin ay: lumabas siya sa kanila at magdasal sa kanila ng dasal na gabi."ngunit hindi siya dumating sa Masjid hanggang sa inumagahan kami"Ibig sabihin ay: Sila ay naghintay sa kanya sa loob ng Masjid hanggang sa sumikat sa kanila ang bukang liwayway."Kayat pumasok kami sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan" ibig sabihin ay :Dumating sila sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang itanong nila sa kanya ang dahilan nang hindi niya pagpunta upang makapagdasal sa kanila."Nagsabi kami sa kanya-Hiniling namin na lumabas ka sa amin at magdasal ka sa amin" ibig sabihin ay: Hinangad namin at pinangarap namin ang paglabas mo,upang maipagdasal mo kami,tulad ng [ginawa mo noong] nakaraang gabi."Natakot ako na maging obligado sa inyo ang Dasal na Witr" Ipinaliwanag ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang dahilan ng hindi niya paglabas sa kanila,Na siya ay natakot na maging obligado ang dasal na Witr,At sa isang salaysay:" Natakot ako na maging obligado ito sa inyo"at sa isang pananalita:" Natakot ako na maging obligado sa inyo dasal na gabi" At ito ang naging dahilan kung bakit ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nahadlangan sa paglabas sa kanila,at ito ay kabilang sa habag niya sa kanyang Ummah,at awa niya sa kanila-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At tunay na inilarawan siya ng Allah sa pagkasabi niya: {Katotohanang may dumatal sa inyo na isang Sugo [Muhammad] mula sa inyong lipon,Nakakapagpalumbay sa kanya ang inyong dinaranas,Siya ay nagmamalasakit sa para inyo,at siya sa mga sumasampalataya ay mabait at maunawain } [Attawbah;128],At ang orihinal sa Hadith ay mula sa Sahehayn mula sa Hadith ni `Aishah malugod si Allah sa kanya- Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay lumabas sa isang gabi sa [oras] ng hating gabi,Nagdasal siya sa Masjid,At nagdasal din ang [ilang]kalalakihan sa dasal niya,[hanggang sa] sumapit ang umaga sa mga tao,at nag-uusap-usap sila,Nagtipon-tipon pa ang karamihan sa kanila,at nagdasal [ na naman] kasama niya,[hanggang sa] sumapit ang umaga sa mga tao,at nag-uusap-usap sila,Hanggang sa dumami ang mga tao sa Masjid sa ikatlong gabi,Lumabas ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nagdasal siya sa dasal niya,At nang [dumating] ang ika-apat na gabi,Hindi na siya pumunta sa Masjid para sa pamilya niya,Hanggang sa lumabas siya upang magdasal ng Subh,At nang matapos ang dasal na Fajr,Lumapit siya sa mga tao,At Nagsaksi siya [ Na walang ibang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah] pagkatapos ay nagsabi siya:((Hanggang sa sinabi niya- kaawaan siya ni Allah),Katotohanan na hindi naikukubli sa akin ang inyong kalagayan,Ngunit natatakot ako [na ito ay maging] obligado sa inyo,at wala kayong kakayahang gampanan ang mga ito))
At ayon kay Abdullah bin Am`r bin Al-A`s-malugod si Allah sa kanilang dalawa-nagsabi siya: Nagsabia sa akin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( O Alipin ni Allah, huwag kang maging tulad ni pulano,dati ay tumitindig(nagdadasal) sa gabi,Hanggang sa iniwan na niya ang pagtindig(pagdasal) sa gabi.))
Napagkaisahan ang katumpakanPinapa-ingat ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-si Abdullah bin Amr,tungkol sa pag-iwan sa dasal na pang-gabi tulad ng ginawa ni pulano mula sa mga tao,at hindi niya binanggit ang pangalan nito bilang pagtakip sa kanya,at nararapat sa isang Muslim na mabalaan mula sa pagdidiin sa pagsamba at pagtatalaga sa sarili na higit sa makakaya nito mula sa pananampalataya,at sinuman ang gumawa nito,mapupuksa siya ng relihiyon nito dahil sa dami ng mga gawain at pananampalataya,at ang magiging huling mangyayari sa kanya,ay ang walang kakayahan at ang pagputol( sa pagsamba).Sapagkat si Allah-pagkataas-taas Niya,ay nag-obliga sa mga lingkod niya ng mga tungkulin mula sa pananampalataya sa takdang-oras na wala sa ibang oras,bilang pagpapagaan at habag,At sapagkat ang tao,kapag kinuha nito ang layunin,mananatili ang gawain nito,at magagawa niyang gampanan ang lahat ng mga karapatan.,karapatan ni Allah-pagkataas-taas Niya,at karapatan ng sarili,at karapatan ng pamilya at mga kasamahan sa pamamaraan na magaan at maluwag, At sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Ang pinaka-ibig sa mga gawain para kay Allah,ay ang palagian nito,maging ito ay iilan lang.))[804],kayat mararapat sa tao na magkaroon siya ng pag-alala sa gabi sa abot nitong makakaya.
Ayon kay Ali malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( O mga Taong Qur-an,Magdasal kayo ng Witr,Sapagkat si Allah ay Witr,Naiibigan niya ang Witr))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSa pinakamamahal na Hadith,ipinag-utos sa mga pamilya ng Qur-an na sila ang mga pamilya ni Allah at pinili nito,na magdasal ng dasal na Witr,Sapagkat si Allah ay isa, nag-iisa siya sa pansarili nito at sa mga katangian nito at mga gawain nito,naiibigan niya ang Witr Napaka-maluwalhati Niya.Ang ipinapahiwatig sa mga pamilya ng Qur-an ,Ang kabuuang mananampalataya,sinuman ang nagbasa at sinuman ang hindi nagbabasa,At kung para sa mga taong nagbabasa ay mas-una na sinasabihan sa pagsasa-ulo nito At Nagsabi si Al-Khattabi:Ang ipinapahiwatig nito:Ang mga Mambabasa at ang mga Nakasa-ulo ng Qur-an,at pinili sila sa pagbanggit upang madagdagan ang Karangalan at pagpapahalaga sa kanila,Kaya`t marapat-dapat sa Pamilya ng Qur-an,ang pag-aalaga sa Witr,kahit ito ay hinihiling sa kabuuan ngunit ang Pamilya ng Qur-an ay may pribilehiyo sa iba ,Dahil sila ay modelo,at dahil sila ay nagtataglay ng kaalaman na siyang maghihikayat sa pagpaligsahan sa paggawa ng mga mabubuting-gawa at mga gawaing pagsamba,na wala sa mga iba,Kaya`t ang mga gawain sa karapatan nila ay sigurado.Ipinagkaloob ng Pinaka-maalam
Ayon kay Qays bn Talaq,Nagsabi siya: Binisita kami ni Talq anak ni Ali sa isang araw sa buwan ng Ramadhan,at nagpagabi sila sa amin at kumain [Iftar], Pagkatapos ay tumindig siya sa amin ng pagdarasal sa gabi,at nagdasal sa amin ng Witr,Pagkatapos ay bumaba siya sa Masjid niya,Nagdasal siya sa mga kasamahan niya,Hanggang sa ang natira ay dasal na Witr [lamang],Nanguna ang isang lalaki at Nagsabi siya :Ipagdasal mo ng Witr ang mga kasamahan mo,Dahil narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagsasabi:((Walang dalawang beses na pagdarasal ng Witr sa isang gabi.))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag sa atin ng isang marangal na kasamahan ng Propeta si Talq bin `Alīy , malugod si Allāh sa kanya.sa marangal na Hadith mula sa mga gawain niya,Na siya ay nagdasal ng Witr sa unang gabi sa pamilya niya,pagkatapos ay nagdasal siya para sa mga tao niya at hindi siya nagsagawa ng Witr,ngunit pina-una niya ang iba sa kanya sa dasal na Witr,at ito dahil sa narinig niya ang pagbabawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa pagdasal ng tao ng Witr ng dalawang beses sa isang gabi.