





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya- sa Haduth na Marfu-((Sinuman ang makatulog sa Dasal nito na Witr o nakalimot siya nito,magdasal siya nito kapag naalala niya ito.))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSinuman ang maktulog sa dasal nitong Witr hanggang sa kina-umagahan,tunay na magdasal siya nito pagkatapos ng pagsikat ng bukang-liwayway,Paggaganap at hindi pagbabayad,Ipinapahayag sa marangal na Hadith ang pagpapahintulot sa pagdasal ng Witr kahit sa pagtapos ng bukang-liwayway na ikalawa,sa sinumang nakalimot nito o nakatulog rito;sapagkat ito ay isang katanggap-tanggap na dahilan sa Batas ng Islam.
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi:(( Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay tunay na iniiwan niya ang gawain,at siya ay nasisiyahan na gawin ito,dahil sa takot niya na gawin ito ng mga Tao,gagawin nila itong obligado sa kanila,at hindi nagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa dasal na Duha (na palagian) kailanman,at tunay na ako ay nagdadasal rito))
Napagkaisahan ang katumpakanBinabanggit ni `Aishah malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay iniiwan ang mga gawain nito habang siya ay nasisiyahan sa paggawa nito,Upang hindi ito gawin ng mga Tao,mapapahirapan niya sila o di kayay hindi nila ito makakayanan;Pagkatapos ay binabanggit niya-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay hindi kailanman nagdasal ng dasal na Duha;At binigyang kahulugan ito ng mga may kaalaman na ito ay pagtanggi sa gawaing Palagian,ibig sabihun ay;Na siya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsasagwa ng dasal rito sa ibang mga oras,dahil sa kainaman nito,at iniiwan niya ito sa ibang mga oras,dahil sa pagkatakot gawin itong obligado ng kanyang Ummah ,Tulad ng nabanggit niya-malugod si Allah sa kanya-sa simula ng Hadith.
Ayon kay Zaid bin Arqam:katotohanan na nakita niya ang mga tao na nagdarasal ng Duha` at sinabi niya:Hindi ba nia napag-alaman na ang pagdarasal maliban sa oras na ito ay mas mainam?Katotohanan ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi:Ang dasal ng mga nagsisisi ay [isinasagawa] kapag naiinitan ang mga kamelyong inawat sa pagsuso.))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNakita ni Zaid Bin Arqam, malugod si Allah sa kanya-ang ilan sa mga tao na nagdarasal ng Duha` binanggit niya na narinig niya sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagsabi siya;Ang dasal ng mga nagsisisi ay [isinasagawa] kapag naiinitan ang mga kamelyong inawat sa pagsuso. Na ang ibig sabihin ay:Ang pinaka mainam na oras sa pagdasal ng Duha`ay kapag tumindi sa pagtaas ang araw,Kapag nasusunog ang maliit na babaeng kamelyo dahil sa tindi ng init ng araw sa lupa;At iyan ang oras na kung saan ay nagdarasal ang mga mananampalataya kay Allah pagkataas-taas Niya,mga mapagbalik-loob sa Kanya sa dasal ng Duha`.
Ayon kay Jābir bin Yazed bin Al-Aswad,Na siya ay Nagdasal kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya ay batang binata,Nang siya ay magdasal,kung kaya`t mayroon dalawang lalaking hindi nagdasal sa may tabi ng Masjid,ipinatawag niya silang dalawa at dumating sila sa kanilang dalawa na nanginginig ang mga kalamnan nila,Nagsabi siya:((Ano ang pumipigil sa inyong dalawa na magdasal sa amin?)) Nagsabi silang dalawa: Nakapagdasal na kami sa paglalakbay namin,Ang sabi niya:((Huwag ninyo itong gawin,Kapag nakapagdasal ang isa sa inyo sa kanyang paglalakbay at inabutan niya ang Imam na hindi pa nkapagdasal,Magdasal siya kasama niya,sapagkat sa kanya,ito ay [magiging] kusang-loob.
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyNagkukwento si Yazed bin Al-Aswad na siya ay nagdasal kasama ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at siya ay binata pa,At nang natapos ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa pagdarasal niya,nakita niya ang dalawang lalaki na hindi nagdasal sa tabi ng Masjid,Ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga kasamahan niya na papuntahin sila,Dumating sila sa kanila na nanginginig at nababalisa sa takot,Sinabi sa kanilang dalawa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Bakit hindi kayo nagdasal sa amin?Nagsabi silang dalawa:Nakapagdasal na kami sa mga tahanan namin,Ang sabi niya:Huwag ninyong gawin ito sa uulitin.Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa bahay niya at inabutan niya ang Imam na siya ay nagdadasal,Magdasal siyang kasama niya sapagkat sa kanya ito karagdagang gantimpala,at ang una ay magiging obligado at ang ikalawa ay Kusang-loob na dasal.
Ayon kay Anas bin Malik,Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay sumakay sa kabayo,nahulog siya rito at nasugatan ang (kanyang katawan sa) bandang kanan,Nagdasal siya mula sa mga pagdarasal na siya ay naka-upo,nagdasal kami sa likod niya na naka-upo,at nang matapos siya,ay nagsabi;Tunay na kaya ginawa ang Imam upang sundan ito,Kapag nagdasal siya na nakatindig;magdasal din kayo na nakatindig,kapag siya ay nakayuko,yumuko din kayo,at kapag siya ay umangat,umangat din kayo,at kapag sinabi niya: Narinig ni Allah ang sinumang nagpuri sa kanya,Magsabi kayo ng; Panginoon Namin,Ang lahat ng Papuri ay sa Iyo,at kapag nagdasal siya na nakatindig,magdasal din kayo na nakatindig,at kapag nagdasal siya nang naka-upo,magdasal din kayo na naka-upo lahat.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nakasakay sa kabayo at nahulog siya rito,nasugatan ang (kanyang katawan sa) bandang kanan,nagdasal siya sa mga kasamahan g Propeta mula sa mga dasal na siya ay naka-upo,At nagdasal sila sa likod niya na naka-upo,At nang matapos ang pagdarasal,Ipinahayag sa kanila ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na ang mga nagdarasal ay sumusunod sa Imam nito at sinusundan niya ito sa lahat ng bagay,Kapag ito ay nagsagawa ng Takber,siya ay magsasagawa ng Takber,at kapag ito ay yumuko,siya ay yuyuko.at kapag ito ay nagpatirapa,siya ay magpapatirapa,at kapag ito ay nagdasal na nakatindig,magdadasal siya na nakatindig din tulad niya,kapag ito ay nagdasal na naka-upo,magdadasal siya na naka-upo tulad niya,kapag pumasok siya sa pagdarasal na siya ay naka-upo,at ang Imam ay palagian,tulad ng nangyari sa mga kasamahan ng Propeta-ang lugod ni Allah ay sumakanila-sa isang araw ng mahulog siya sa kabayo nito at nasaktan ang kanyang katawan sa bandang kanan,kaya`t nagdasal siya na naka-upo,at nagdasal ang mga kasamahan niya sa likod niya na naka-upo.
Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakita niya sa mga kasamahan niya ang pagpapahuli,Nagsabi siya sa kanila: ((Manguna kayo at sumunod kayo sa akin,at susunod sa inyo ang sinumang darating na huli sa inyo,at mananatili ang mga Tao na nagpapahuli hanggang sa ipagpapahuli din sila ni Allah)
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag sa Hadith na Marangal ang kainaman ng paglapit sa Imam,tulad ng pagpapahayag niya;Na ang mga huling linya ay susunod sa mga linyang malapit sa Imam;at gayundin ang pagpangako niya sa mga nagpapahuli sa huling linya,Ang pagpapahuli sa kanila mula sa Habag Niya o malaking kainaman Niya,at pagpataas ng Katayuan at sa Kaalaman at ang mga tulad pa nito.
Ayon kay 'Abdullah bin 'Abdullah bin 'Utbah,Nagsabi siya:Pumasok Ako kay 'Aishah,sinabi ko sa kanya: Hindi moba sasabihin sa akin ang sakit ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:Oo,Lumalala ng ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: ((Nakapagdasal naba ang mga Tao?))Nagsabi kami: Hindi pa,hinihintay ka nila,Nagsabi siya;(( Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa timba)) Nagsabi siya:(Aisha):Ginawa namin,naligo siya at pumunta siya upang isagawa (ang dasal,ngunit) nawalan siya ng malay,pagkatapos ay nagkamalay siya,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Nakapagdasal naba ang mga tao?))Nagsabi Kami: Hindi pa,sila ay naghihintay sa iyo,O Sugo ni Allah,Nagsabi siya:((Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa timba)) Nagsabi siya ( 'Aishah): Umupo siya at naligo,pagkatapos ay pumunta upang isagawa ( ang dasal,ngunit) nawalan siya ng malay,Pagkatapos at nagkamalay siya,Nagsabi siya:(( Nakapag-dasal mana ang mga Tao?)) Nagsabi kami:Hindi pa O Sugo ni Allah, sila ay naghihintay sa iyo,Nagsabi siya:((Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa Timba))umupo siya at naligo siya,pagkatapos ay pumunta upang isagawa (ang dasal, ngunit nawalan siya ng malay,pagkatapos at nagkamalay siya,Nagsabi siya:((Nakapagdasal naba ang mga Tao?)) Nagsabi kami: Hindi pa,sila ay naghihintay sa iyo, O Sugo ni Allah,at ang mga Tao ay nanatili sa loob ng Masjid,hinihintay nila ang Propeta sumakanya ang pangangalaga sa pagdarasal ng Eishah na pang-huli,Nagpadala ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Abū Bakar,upang (sabihing) magdasal siya sa mga Tao,dumating sa kanya ang sugo at nagsabi: Katotohanang ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nag-utos sa iyo na magdasal ka sa mga Tao,Ang sabi ni AbūBakar-at siya ay lalaking maripok-O 'Umar,magdasal ka sa mga Tao,Nagsabi sa kanya si Umar:Ikaw ang mas karapat-dapat dito,Kaya't nagdasal si AbūBakar sa mga araw na yaon,hanggang sa ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at nakita niya sa kanyang sarili ang pagkasigla,Lumabas siya sa pagitan ng dalawang kalalakihan,una ay si 'Abbās upang magdasal ng Dhuhr,Habang si AbūBakar ay nagdarasal para sa mga tao,at nang makita siya ni AbūBakar,pumunta siya upang ipagpahuli,Nagpahiwatig sa kanya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na huwag magpahuli,Nagsabi siya:umupo kayong dalawa sa tabi niya,at umupo silang dalawa sa tabi ni AbūBakar: Nagsabi siya:At si AbūBakar ay nagdadasal na siya ay sumusunod sa pagdadasal ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Habang ang mga Tao ay (sumusunod) sa pagdadasal ni AbūBakar,at ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay naka-upo,Nagsabi si 'Ubaydallah:Pumasok Ako kay 'Abdullah bin 'Abbās at sinabi ko sa kanya: Gusto mobang sabihin ko sa iyo ang sinabi sa akin ni 'Aishah tungkol sa sakit ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Nagsabi siya:Sabihin mo,at sinabi ko sa kanya ang sinabi niya,At wala siyang tinanggihan sa mga bagay na ito liban sa sinabi niyang: Pinangalanan ba niya sa iyo ang lalaking kasama ni 'Abbās, Nagsabi ako: Hindi,Nagsabi siya: Siya si 'Alī malugod si Allah sa kanya
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinapahayag sa Marangal na Hadith ang ilan sa mga pangyayari sa pagkasakit ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bago ang pagkamatay niya,at kabilang rito ay katotohanang tumindi sa kanya ang sakit,Nagtanong siya sa sinumang nakasama niya;Nakapagdasal naba ang mga Tao?Sinabi sa kanya:Hindi pa,Nagpakuha siya ng lalagyan ng tubig at naligo siya rito ngunit nawalan siya ng malay,at nang magkamalay, inulit niya ang tanong,at inulit niya ang pagligo ngunit nawalan ulit siya ng malay,at naulit ito ng tatlong beses,pagkatapos ay ipinag-utos niya kay AbūBakar na magdasal para sa mga Tao,At nang dumating sa ka nya ang sinugo,inutusan ni AbūBakar si 'Umar na magdasal ( para sa mga tao) ngunit hindi siya nagdasal sa kanila,datapuwat ay pina-una niya si AbūBakar sapagkat siya ay mas karapat-dapat sa kanya,At naramdaman ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa sarili niya ang sigla at lakas at lumabas siya sa pagitan ni 'Abbās at 'Alī malugod si Allah sa kanilang dalawa-Habang si AbūBakar at nagdadasal sa mga Tao ng Dhuhr,At nang makita niya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagtangka itong magpahuli,ngunit ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nag-utos sa kanya na manatili sa kinalalagyan niya at umupo siya sa tabi niya at naging si AbūBakar ay sumusunod sa dasal ni Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga Tao ay sumusunod sa dasal ni AbūBakar-malugod si Allah sa kanya.
Ayon kay Abe Mas-ud Al-Ansarie-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Nagsabi ang isang lalaki; O Sugo ni Allah,muntik nang hindi ako umabot sa pagdarasal dahil sa pagtagal sa amin ni Pulano,Hindi ko pa nakita ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa kanyang pagsesermon na tumindi ang kanyang galit tulad ng oras na iyon,Nagsabi siya;((O kayong mga Tao,tunay na kayo ay mahigpit (sa mga Tao),Sinuman ang magdasal sa inyo sa mga Tao ay (gawin niya itong) magaan, sapagkat kabilang sa kanila ay may sakit at mahihina at may pangangailangan.))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNagreklamo ang isang lalaki sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na siya ay nahuhuli sa pagdarasal ng Jamaah (maramihan kasama ang Imam) minsan,dahil sa pagpapataas ng Imam,Nagalit ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang matinding galit,pagkatapos ay nagbigay siya ng sermon sa mga Tao at ipinahayag niya, na kabilang sa kanila ang naghihigpit sa mga Tao sa pagdarsal,at ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa Imam na pagaanin ito sa kanila,upang maging madali at magaan sa mga mananampalataya,at matatapos sila rito na sila ay nasisiyahan,at dahil din sa kabilang sa mga nagdadasal ang walang kakayahan sa pagpataas,ito ay dahi sa hindi niya makayanan dahil sa kanyang karamdaman o kanyang pangangailangan,At kapag ang nagdadasal ay nag-iisa,maari niya itong habaan hanggat naisin niya,sapagkat hindi siya nakakapinsala ng iba.
Ayon kay Ayūb,buhat kay Abē Qelābah,Ayon kay 'Amr bin Salamah,Nagsabi siya- si Ayūb-:Nagsabi sa akin si Abu Qilābah: Hindi kaba makkikipagtagpo sa kanya at nang sa gayun ay matanong mo siya?-Ibig sabihin ay matanong mo si 'Amr bin Salamah-Nagsabi siya;Nakatagpo ko siya at natanong ko siya,Nagsabi siya: Habang kami ay nasa ( isang lugar ) na pahingaan,na daanan ng mga tao,at dumadaan sa amin ang mga taong nakasakay(sa kani-kanilang kamelyo) at tinanong namin sila: Ano ang mayroon sa mga tao? at Sino ang lalaking ito?Nagsabi sila: Sinasabi niya na si Allah ay nagsugo sa kanya,at (nagbigay) kapahayagan sa kanya, o di kaya'y: Nagpahayag si Allah ng ganito,At isinasa-ulo ko ang mga salitang ito,at ay parang pumapasok sa aking puso,At ang mga Arabo hinihintay nila sa pagyakap nila sa Islam ang Pagbukas (sa Meccah), Sinasabi Nila: Hayaan niyo siya at ang mga Tao niya,Sapagkat ,kapag nagtagumpay siya laban sa kanila,siya ay Totoong Propeta,At nang mangyari sa mga Tao ang tagumpay,nag-unahan ang bawat grupo ng Tao sa pagyakap ng Islam,at nangunguna si Ubayy sa mga grupo ng Tao sa pagyakap ng Islam,at nang dumating siya ay nagsabi: Dumating Ako sa inyo sumpa kay Allah mula sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na totoo,Nagsabi siya:((Magdasal kayo nang dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at kapag dumating ang oras ng pagdarasal,tumawag ng Azān ang isa sa inyo at manguna sa inyo ( sa pagdarasal) ang may pinakamarami sa inyong (naisa-ulo) mula sa Qur-an))Naghanap sila at walang isa sa kanila na may mas maraming naisa-ulo sa Qur-an mula sa akin,at nang Ako at makitagpo sa mga nakasakay (sa kamelyo),pina-una nila ako sa harapan nila at ako ay nasa ika-anim o piton-taong gulang lamang,at sa akin ay may isang Damit,na kapag Ako ay nagpapatirapa,bumabalot ito sa akin,Nagsabi ang isang babae mula sa Nayon: Hindi niyo ba tatakpan ang pribadong bahagi ng Tagabasa ninyo?Bumili sila at gumawa para sa akin ng damit,at hindi pa ako lumigaya sa isang bagay tulad ng pagkaligaya ko sa damit na ito.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNagsabi si Ayyūb Al-Sakhatānī: Nagsabi sa akin si Abē Al-Jurmī: Hindi kaba makikipag-tagpo kay 'Amr bin Salamah,nang sa gayon ay matanong mo siya tungkol sa mga pinagsasabi sa kanya.Nagsabi siya:Nakatagpo ko si 'Amr bin Salamah at tinanong ko siya:Ang sabi ni 'Amr bin Salamah: Kami ay nasa lugar na pinapahingaan namin at ang lugar ay dinadaanan ng mga tao,At dumaan sa amin ang mga nakasakay (sa kanilang kamelyo) At tinanong namin sila tungkol sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang kalagayan ng mga Arabo ng kasama niya,Sinasabi nila:Sinasabi niya na si Allah ay nagsugo sa kanya,at ipinapahayag sa kanya ang mga ganito mula sa mga naririnig nila sa kanya na Quran,at naisa-ulo ko ang Quran na ito nang Hindi nakakalimutan na para bang dumidikit sa puso ko,At ang nga Arabo ay naghihintay at Hindi yumayakap sa Islām hanggang sa mabuksan ang Meccah,Sinasabi nila: Hayaan ninyo sila kasama ang mga Tao niya na Quraysh,sapagkat kapag siya ay nagtagumpay laban sa kanila,katotonang siya ay tunay na Propeta,at nang mabuksan ang Meccah,nagmadali ang bawat grupo ng mga Tao sa pagyakap ng Islām,at nagmadali si Ubayy at unang yumakap sa Islām sa mga Tao niya,at pumunta siya sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nang dumating siya mula sa kanya,nagsabi siya:Dumating Ako sa inyo sumpa kay Allah na mula sa Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na totoo,at ipinaalam niya sa kanila na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagan-ay nagsabi sa kanila: Magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at kapag dumating ang pagdarasal,tumawag ng Āzān ang isa sa inyo at manguna sa inyo,ang may pinaka-maraming naisa-ulo mula sa Quran.Naghanap sila at walang isa sa kanila na may mas maraming (naisa-ulo) mula sa akin,nang ako ay makipagtagpo sa mga nakasakay ( sa kamelyo) at ako ang may pinaka-maraming (naisa-ulo) sa kanila ng Quran,Pina-una nila ako na magdasal sa kanila at ang edad ko sa panahon na iyon ay nasa anim o piton-taong gulang,at sa akin ay may maiksing damit,na kapag ako ay nagpapatirapa,bumabalot ito sa akin at nakikita ang (pribado bahagi) sa akin,Nagsabi ang isang babae mula sa mga kasamahan ko:Hindi niyo ba tatakpan sa amin ang (pribadong bahagi) ng Taga-basa ninyo (ng Quran). Bumili sila para sa akin ng damit,at hindi pa ako lumigaya sa isang bagay tulad ng pagkaligaya ko sa damit na iyon.At hindi pinapatunayan sa Hadith na ito, na hindi kondisyon ang pagtakip ng pribadong bahagi sa Pagdarasal,sapagkat ito ay nangyari sa panahon(Nila),Kaya't may pag-aalinlangan na ito ay bago nila malaman ang panuntunan