





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abe Mas-ud malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Mangunguna sa mga tao [sa pagdarasal] ang pinakamahusay sa kanila sa pagbasa sa Aklat ni Allah,At kapag sa pagbabasa ,sila ay magkapantay,[piliin] ang pinakamainam sa kanila sa Sunnah,At kapag sa Sunnah sila ay magkapantay,[piliin] Ang pinaka-una sa kanila sa Paglikas,at sa Paglikas sila ay magkapantay,[piliin] ang pinaka-una sa kanila sa pagyakap sa Islam,At hinding-hindi mangunguna [sa pagdarasal] ang isang lalaki sa isang lalaki na nasa loob ng pamamahala niya,at hindi siya uupo sa loob ng bahay niya,sa kama niya liban sa Pahintulot niya.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag sa Marangal na Hadith ang napakaraming bagay:Una nito:Ang nagmamay-ari ng karapatan sa pagiging Imam,siya ay yaong may pinamaraming naisa-ulo sa Qur-an,Ngunit dapat din na may taglay na kaalman sa Panuntunan ng Pagdarasal;Sapagkat hindi nararapat sa isang mangmang sa panuntunan ng pagdarasal na maging Imam sa mga Tao,At kapag nagkapantay sa naisa-ulo,[Piliin] ang pinakamaalam sa Sunnah,at kapag nagkapantay sila dito,[Piliin] ang nangunguna sa kanila sa Paglikas,at kapag nagkapantay sila dito,[Piliin] ang nangunguna sa kanila sa pagyakap sa Islam,Ang ikalawa nito:Ang Hindi mangunguna ang bisita sa may-ari ng bahay sa pagiging Imam,Liban kung ito ay pinahintulutan niya,Sapagkat ang may-ari ng bahay ang higit na karapat-dapat dito kaysa bisita,Ang ikatlo nito:Ang hindi pag-upo ng bisita sa higaan ng may-ari ng bahay na para lamang sa kanya;liban sa pahintulot niya.
Ayon kay bn Abbas malugod si Allah sa kanilang dalawa,Nagsabi siya:Natulog ako kay Maymunah,Tumayo ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at ginawa niya ang mga pangangailangan niya, hinugasan niya ang mukha niya at dalawang kamay niya,pagkatapos ay natulog siya,pagkatapos ay bumangon siya,kumuha siya lalagyan [ng tubig] at kinalas niya ang sinulid nito,pagkatapos ay nagsagawa siya ng Wudhu sa pagitan ng dalawang wudhu,hindi siya nagparami ngunit ito ay ganap,nagdasal siya at bumangon ako at humiga ako [ulit],bilang pagkamunghi na makita niyang ako ay sumusubaybay sa kanya,Nagsagawa ako ng wudhu,Tumayo siya upang magdarasal,at tumindig ako sa kaliwa niya,kinuha niya ang tainga ko at hinila niya sa banda niyang kanan,Naging ganap ang pagdarasal niya ng labin tatlong tindig,pagkatapos ay humiga siya at natulog hanggang sa nakahilik,Ipinaalam ni Bilal sa kanya ang pagdarasal at nagdasal siya na hindi nagsagawa ng Wudhu at sinasabi niya sa pananalangin niya:(( O Allah! Gawin Mong sa puso ko ay may liwanag at sa paningin ko ay may liwanag,at sa pandinig ko ay may liwanag,at sa bandang kanan ko ay may liwanag,at sa bandang kaliwa ko ay may liwanag,at sa itaas ko ay may liwanag,at sa ilalim ko ay may liwanag,at sa harapan ko ay may liwanag,at sa likod ko ay may liwanag,At gawin Mo sa akin ang liwanag))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaalam ni Ibn Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-sa Hadith na ito na siya ay natulog sa tiyahin niya na si Maymunah,Asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nalugod siya sa kanya-"Ginawa niya ang mga pangangailangan niya" Ibig sabihin ay;Ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga kailangan niya mula sa pag-ihi at pagdudumi,"Hinugasan niya ang mukha niya at dalawang kamay niya,pagkatapos ay natulog siya,"Pagkatapos niyang gawin ang pangangailangan niya-pagpalain siya ni Allah pangalagaan-Hinugasan niya ang mukha niya,upang maging masigla at ang dalawang kamay niya upang maging malinis,",pagkatapos ay bumangon siya,kumuha siya lalagyan [ng tubig] at kinalas niya ang sinulid nito" ibig sabihin ay pagkatapos gumising ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa pagtulog niya,kinuha niya ang lalagyan [ng tubig] at kinalas niya ang sinulid na nakahigpit sa bunganga nitong ini-inuman,upang mapangalagaan ang nasa loob nitong tubig at iba pang tulad nito," Pagkatapos ay nagsagawa siya ng Wudhu" Wudhu sa pagdarasal" Pagsasagawa ng Wudhu sa pagitan ng dalawang Wudhu" ibig sabihin ay: Nagsagawa ng Wudhu ng walang sunod-sunod at hindi ganap,ito ay sa pagitan ng dalawang bagay,kaya`t sinabi na:" Hindi nagparami"Ibig sabihin ay:Sapat na sa kanya na higit na maliit sa bilang na tatlong beses,at ito ay ipinapahintulot.at ang Sunnah ay pagganap ng tatlong beses,"at ito ay ganap" ibig sabihin ay:Naging ganap ang pagsasagawa niya ng Wudhu,at naiparating niya ito [sa mga bahagi ng katawan] na nararapat itong paratingin,at ito ang sukat na obligado,"Nagdasal siya" Ng Gabing Dasal,Tumayo ako at humiga ako" Sinabi ni Ibn `Abbas malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na siya ang nagsusubaybay sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga gawain niya,pagkatapos ay humiga siya at ipinakita ang sumasalungat na mga bagay na nasa kanya,Nang sa gayun ay hindi maramdaman ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na siya ay binabantayan niya,kaya dito ay sinabi: "Bilang pagkamunghi na makita niyang ako ay sumusubaybay sa kanya" Ibig sabihin ay: Binabantayan ko siya at sinusubaybayan ko siya sa mga gawain niya. Kaya ito ang dahilan ng paghiga ni Ibn Abbas malugod si Allah sa kanilang dalawa-at ang paggawa niya ng paghihiga, At kaya niya ginawa iyon,dahil ang kadalasan sa Tao kapag walang kasama sa bahay niya,maaari siyang gumawa ng mga gawaing ayaw siyang makita rito ng ibang tao,o di kaya`y nangangamba siya na maiwan ang mga ilang gawain niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa pagsusubaybay sa kanya,tulad ng mga pangyayari mula sa kaugalian niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na siya ay nag-iiwan ng mga ilang gawain dahil sa takot na maging obligado ito sa kanyang Ummah,Kaya`t inibig niyang itago ang mga gawain niyang ito,upang makuha niyamula sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang lahat ng malalalim ng ginagawa niya mula sa paggising niya hanggang sa dumating sa kanya ang mananawag ng Azan sa dasal na Fajr-at ito ay kabilang sa pagsusumikap niya-malugod si Allah sa kanilang dalawa-sa pagkamit ng kaalaman sa pinanggalingan nito.Nagsabi siya: "nagsagawa ako ng Wudhu" at sa isang salaysay;Nagsagawa ako ng Wudhu tulad ng isigawa niyang Wudhu" At sa salaysay ni Imam Al-Bukhari " Tumayo ako at ginawa ko ang tulad ng ginawa niya","Tumayo siya upang magdarasal,at tumindig ako sa kaliwa niya," Ibig sabihin:Na si Ibn Abbas,nang makita niya ang Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-sumali siya sa pagdarasal niya,Nagsagawa siya ng Wudhu at inabutan niya ang Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-Liban lang sa siya ay tumayo sa bandang kaliwa ng Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-" Kinuha niya ang tainga ko" ibig sabihin : Na si Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-ay kinuha niya ang tainga niya pagkatapos ay inilipat niya sa vandang kanan,At sa isang salaysay:"Inilagay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang kamay niya sa ulo ko,at kinuha niya ang tainga kong kanan at binaluktot niya ito sa kamay niya" At inilagay niya muna ang kamay niya upang magawa niyang hawakan ang tainga,o di kaya`y dahil ito ay hindi pa nangyari maliban sa kanya,o di kaya`y upang maibaba ang mga pagpapala sa kanya upang maunawaan niya ang lahat ng gawain niya-sumakanya ang pangangalaga-sa lugar na ito at sa iba pa," at binaluktot niya" Ito ay upang bigyan niya ng babala sa pagsuway niya sa Sunnah o upang madagdagan ang pagkagising niya upang maisa-ulo ang mga agwaing ito,o upang alisi ang anumang [nararamdaman niyang] antok,o dahil ninais niyang ilipat mula sa kaliwa papunta sa kanan o pagpapa-amo nito [sa kanya],dahil sa naganap ang[pangyayaring yaon] sa dilim ng gabi,tulad ng naging hayag sa Hadith ni Ibn Abbas,sa naisalaysay ni Imam Al-Bukhari,o dahil sa gigisingin niya ito,o di kaya`y upang ipakita sa kanya ang pagmamahal niya,sapagkat ang kalagayan niya ay kadalasang nangyayari ito dahil sa liit ng gulang niya," Inikot niya ako sa bandang kanan niya" ibig sabihin ay: inikot siya mula sa bandang kaliwa patungo sa bandang kanan,na kung saan ay tinatayuan ng nag-iisang Ma`mum mula sa Imam." Ginawa niyang ganap ang pagdarasal niya" Binigyan ito ng kahulugan sa pagsabi niya:"Labintatlong tindig" ibig sabihin ay: Ang Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdasal sa gabing iyon ng labintatlong tindig kasama ang mga tindig ng dasal na Witr,ay pinaghihiwalay ito sa bawat dalawang tindig,sa pagsasagawa ng Taslem,Tulad ng naisalaysay ni Imam Al-Bukhari:" Nagsasagwa siya ng Taslem sa bawat dalawang tindig" At sa salaysay ni Imam Al-Bukhari at Imam Muslim: "Pagkatapos ay nagdasal siya ng dalawang tindig,pagkatapos ay dalawang tindig,pagkatapos ay dalawang tindig,pagkatapos ay dalawang tindig,pagkatapos ay dalawang tindig,pagkatapos ay dalawang tindig,pagkatapos ay nagdasal ng Witr" Ibig sabihin ay: Nang isang tindig lamang,na nahihiwalay sa dalawang tindig;Dahil kapag nagdasal siya ng dalawa-dalawang beses magiging anim na beses na may kasamang pagpapahiwalay sa bawat pagitan ng dalawang tindig,ang maggiging kabuuan nito ay labindalawang tindig,hindi kasama ang isang ting tindig ng Witr, At ang kabuuan ng pagdarasal niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay labintatlong tindig,Wala ng natira sa dasal na Witr liban sa isang tindig lamang."Pagkatapos ay humiga siya at natulog hanggang sa nakahilik" Ibig sabhin : siya ay humihinga na may tunog hanggang sa naririnig mula sa kanya ang tunog ng umiihip," At siya kapag nakatulog ay humihilik,Ipinaalam ni Bilal sa kanya ang pagdarasal" Ipinaalam niya sa kanya ang dasal na Subh, "Nagdasal siya" Ng Kusang-loob na dasal sa Fajr sa una,pagkataos ay lumabas siya sa Masjid at nagdasal siya ng Subh na Jama`ah," At hindi siya nagsagawa ng Wudhu" Ngunit naging sapat na sa kanya ang una niyang Wudhu,At ito ay kabilang sa mga gawaing nararapat lamang sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Na ang pagtulog niya ay hindi nakakapag-pawalang bisa ng Wudhu,dahil ang mga mata niya ay natutulog ngunit hindi natutulog ang puso niya,kayat kung may lumabas man na marumi,ay mararamdaman niya ito,at hindi ito katulad ng ibang tao.Kung kaya`y nang sabihin ni `Aishah malugod si Allah sa kanya- Natutulog kaba bago ka magsagawa ng dasal na Witr? Ang sabi niya:(( O `Aishah tunay na ang dalawang mata ko ay natutulog at hindi natutulog ang puso ko) At sinasabi niya sa pananalangin niya:"ibig sabihin sa kabuuan ng mga panalangin niya sa gabing yaon ay ang pananalanging ito:" O Allah! Gawin Mong sa puso ko ay may liwanag at sa paningin ko ay may liwanag,at sa pandinig ko ay may liwanag,at sa bandang kanan ko ay may liwanag,at sa bandang kaliwa ko ay may liwanag,at sa itaas ko ay may liwanag,at sa ilalim ko ay may liwanag,at sa harapan ko ay may liwanag,at sa likod ko ay may liwanag,At gawin Mo sa akin ang liwanag" Hiniling niya ang Liwanag sa mga bahagi ng katawan niya at sa mga lugar niya,at ang ibig sabihin nito ay pagpapahayag ng katotohanan at pagliwanag nito at ang patnubay sa kanya,kaya hiniling niya ang ;iawanag sa lahat ng bahagi niya at katawan niya at sa mga galaw niya at sa mga pagbaliktad niya at sa mga kalagayan niya at ang kabuuan nito sa mga anim na lupalop upang walang lumihis na kahit na anong bagay mula sa kanya
Ayon kay Anas bin Malik,nagsabi siya:(( Nagdasal ako kasama ang isang ulila sa bahay namin sa likod ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at ang nanay ko na si Ummu Sulaym ay nasa likod namin)) Isinaysay ni Imam Al-Bukharie sa kanyang Saheeh
Napagkaisahan ang katumpakan. Ang pananalita ay kay Imām Al-BukhārīyIpinahiwatig sa atin ni Anas-malugod si Allah sa kanya-na ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdasal kay Anas at ang isang ulila,at ang posisyon nilang dalawa,malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay sa likod ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,-Ipinahiwatig din ni Anas na ang nanay niya na may palayaw na Ummu Sulaym malugod si Allah sa kanya-ay nagdarasal sa likod nila,At ang linya nila ay tulad ng mga sumusunod:Posisyon ng Imam: sa Unahan,Posisiyon ng dalawang bata sa likod ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Posisyon ng babae;Sa likod nila.
Ayon kay Al-Hasan,katotohanan si Aba Bakrah ay dumating habang ang Sugo ni Allah ay nakayuko,yumuko siya na wala sa linya pagkatapos ay naglakad siya patungo sa linya at nang matapos ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa pagdarasal niya,ay nagsabi siya;(( Sino sa inyo ang yumuko na wala sa linya pagkatapos ay naglakadpatungo sa linya? nagsabi si Aba Bakrah; Ako, Nagsabi ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Naway dagdagan pa ni Allah ang iyong pagpupursige at huwag mo na itong ulitin))
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadKatotohanan si Aba Bakrah ay pumasok sa Masjid,nadatnan niya ang Propeta-pagpalai siya ni Allah at pangalagaan-at ang kanyang mga kasamahan ay nakayuko,kaya`t nagmadali siya sa pagyuko bago ito dumating sa linya,upang maabutan niya ang pagtindig,pagkatapos ay naglakadsiya patungo sa linya na siya nakayuko,hanggang sa pumasok siya kasama ang mga nagdarasal sa linya,Ang Propeta-pagpalai siya ni Allah at pangalagaan- ay naramdaman niya ang nagmamdali sa likod ng linya,na mayroon dumating na nagmamadali at yumuko bago dumating sa linya,datapuwat kabilang sa mga katangian niya ay nakikita niya ang sinumang nasa likod nito sa pagdarasal,tulad ng pagkakita niya sa sinumang nasa harapan niya,,at nang matapos ang Propeta-pagpalai siya ni Allah at pangalagaan-sa pagdarasal niya,nagtanong siya kung sino ang yumuko bago dumating sa linya pagkatapos ay naglakad papunta sa linya? Ang sabi ni Abu Bakrah; Ako,ibig sabihin ay; ako ang gumawa ng binabanggit mo o Sugo ni Allah,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Naway dagdagan pa ni Alah ang iyong pagnanais at pagsusumikap sa kabutihan at pagpaligsahan rito,at huwag mo nang ulitin ang pagmamadali sa paglalakad para lang abutan mo ang pagtindig at gayundin ang pagyuko bago (dumating) sa linya, sapagkat ang pagmamdali ay sumasalungat sa katahimikan at katiwasayan,at katotohanang sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-( Walang (gantimpala sa) pagdarasal na nag-iisa sa likod ng linya),At ang ginawa ni Abu Bakrah ay hindi kasali rito,sapagkat ito ay pag-iisa sa magaan na gawain,tulad ng sinumang yumuko na nag-iisa pagkatapos ay inabutan ng iba at naglinya kasama nito sa sitwasyong nakayuko,Ngunit ito ay hindi ipinapahintulot,Dahil sa sinabi niya; ( At huwag mo na itong ulitin)
Ayon kay Ummu Warqah bint `Abdullah bin Al-Harith Al-Ansari,at tunay na inipon niya ang Qur-an- at ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pinag-utusan siya na maging Imam sa mga nanahanan sa bahay niya,at sa kanya ay may tagapanawagan ng Azan,at siya ay nag iimam sa mga nananahanan sa bahay niya.
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadKatotohanang si Ummu Warqah bint `Abdullah bin Al-Harith Al-Ansari-malugod si Allah sa kanya-"Inipon niya ang Qur-an" Ibig sabihin ay:Naisa-ulo niya sa puso niya-malugod si Allah sa kanya."at ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pinag-utusan siya na maging Imam sa mga nanahanan sa bahay niya" ibig sabihin ay:Siya ang maging Imam sa mga nananahanan sa bahay niya sa limang beses na pagdarasal,"At sa kanya ay may tagapanawagan ng Azan,Na nananawagan sa kanya sa limang beses na pagdarasal,at siya ay nag-iimam sa mga nananahanan sa bahay niya" mula sa mga kababaihan,Batay sa naisalysay ni Imam Addaraqutniy:(At nag-iimam sa mga kababaihan niya),Nagpapatunay na ang pagiging Imam niya ay naitalaga lamang sa mga kababaihan.
Ayon kay Anas-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay [itinalaga niyang] Tagapangalaga si Ibn Ummi Maktum,Nag iimam sa mga Tao kahit na siya ay bulag.
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadGinawa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan si Ummu Maktum malugod si Allah sa kanya na tagapamahala niya sa mga ilang paglalakbay niya,Siya ay nagdarasal sa mga tao na Imam bilang kapalit niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa mga panahon na wala siya,at ang dahilan sa pagpili niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Ibn Maktum na wala sa iba ay ang pagiging una niya sa pagyakap sa Islam,Siya ay kabilang sa mga unang Nagsilikas,at kabilang sa mga Tanyag na Mambabasa ng Qur-an at may Kaalaman,Kaya nararapat sa kanya ang pagiging Imam dahil sa mga kainamang ito at iba pa, At ang pagpapamahala ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa kanya ay hindi limitado sa pagdarasal lamang,Datapuwat ito ay pamamahala sa pangkalahatan sa pagdrasal at sa iba pa rito,Maaari sa kanya ang magbigay ng Fatwa [Kasagutan sa mga katanungan] at maaari sa kanya ang maghatol sa pagitan ng mga tao,at mamahala sa lahat ng mga kapakanan ng mga nananahanan sa Madinah sa panahon na wala ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan At pinagtitibay ito sa naisalaysay ni Imam Attabarani buhat kay `Ata mula kay Ibn Abbaa Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -ay ginawa niyang pinuno si Ibn Ummi Maktum sa pagdarasal at sa iba pa,mula sa mga gawain sa Madinah,Ginawa itong Maganda [antas ng Hadith] ni Imam Albani sa Aklat na `Erwael Galil;sa salaysay ni Imam Abe Dawud na iba: Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay ginawa niyang tagapamahala si Ibn Ummi Maktum sa Madinah ng dalawang beses
Ayon kay `Ikrimah: {Si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) ay sumunog ng mga tao saka nakarating iyon sa Anak ni `Abbās kaya nagsabi siya: "Kung sakaling naging ako siya, hindi ako magsusunog sa kanila dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: 'Huwag kayong magparusa ng pagdurusang dulot ni Allāh.' Talagang pagpapatayin ko sila gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Ang sinumang nagpalit ng relihiyon ay patayin ninyo.'"}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpasya si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) kaya sumunog ito sa apoy ng mga taong kabilang sa mga ereheng tumalikod sa Islām saka nakarating iyon kay `Abdullāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Kumatig naman siya roon sa pagpatay sa kanila subalit tumutol siya sa pagsunog sa kanila sa apoy. Nagsabi siya: "Kung sakaling ako ay naging nasa lugar niya, talagang hindi ako magsusunog sa kanila dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naglinaw na walang magpaparusa sa pamamagitan ng apoy kundi si Allāh subalit makasasapat ang pagpatay sa kanila yayamang nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang tumalikod sa Islām at nagpalit ng relihiyon niya ng iba pang relihiyon ay patayin ninyo."
Ayon kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong nagtalaga ito sa kanya sa Yemen, ay nag-utos sa kanya na kumuha ka mula sa mga baka mula sa bawat tatlumpu ng isang lalaking tabī` o isang babaing tabī` at mula sa bawat apatnapu ng isang musinnah; at mula sa bawat lalaking adulto ng isang dinar o katumbas nito na mu`āfir, na mga damit sa Yemen.}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagpadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) sa Yemen para magturo sa mga tao at mag-anyaya sa kanila. Kabilang sa ipinag-utos sa kanya na kumuha siya mula sa mga Muslim ng zakāh ng mga baka nila, na sa bawat tatlumpung baka ay kukuha siya ng isang lalaking guya o isang babaing guya, na nalubos sa isang taong gulang; at sa bawat apatnapung baka ay kukuha siya ng isang bakang musinnah, na nalubos sa dalawang taong gulang; na kumuha siya ng jizyah mula sa mga May Kasulatan na mga Hudyo at mga Kristiyano, na para sa bawat lalaking adulto ay isang dinar o nakapapantay sa isang dinar mula sa mga damit sa Yemen, na tinatawag na mu`āfir.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: sumaway laban sa [pagkain ng] bawat may pangil mula sa mga mabangis na hayop at laban sa [pagkain ng] bawat may kukong pandagit mula sa mga ibon.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagkain ng bawat mabangis na hayop kabilang sa mga hayop na naninila na nanghuhuli sa pamamagitan ng pangil ng mga ito at laban sa pagkain ng bawat ibon na pumuputol at dumadaklot sa pamamagitan ng kukong pandagit.