Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way






























Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang panakip-sala ng pamamanatang walang-pasubali kapag hindi nagtakda sa ninanais mula sa panata at hindi bumanggit nito ay ang panakip-sala sa panunumpa.
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naliligo mula sa janābah sa pamamagitan ng isang ṣā` at nagsasagawa ng wuḍū' sa pamamagitan ng isang mudd. Ang isang ṣā` ay apat na mudd. Ang mudd ay ang sukat ng isang pagkapuno ng dalawang kamay ng taong katamtaman ang pisikal na anyo.
Umihi si Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya), pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at nagkasya sa pagpahid sa khuff niya at hindi naghugas ng mga paa niya, saka nagsabi sa kanya ang nasa paligid niya: "Gumagawa ka niyan?" Kaya nagsabi siya: "Oo. Nakakita ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na umihi siya, pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahid sa khuff niya." Si Jarīr ay umanib nga sa Islām nang huli matapos ng pagbaba ng Kabanatang Al-Mā'idah na nasaad dito ang talata ng pagsasagawa ng wuḍū', na nagpapahiwatig doon na ang pagpahid sa khuff ay hindi napawalang-bisa ng talatang iyon.
Bahagi ng Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya, kapag nakapagdasal siya sa madaling-araw, ay umuupo sa dasalan niya hanggang sa sumikat ang araw nang mataas. Hindi siya noon tumatayo mula sa dasalan niya na pinagdasalan niya ng dasal sa madaling-araw hanggang sa sumikat ang araw. Kapag nakasikat ang araw, tumatayo siya at nag-uusap sila. Nagsisimula sila sa pagbanggit ng ilan sa usapin nila bago ng Islām habang siya naman ay nanahimik saka tumatawa sila at marahil ngumingiti naman siya kasama nila.
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa walīy at tagapanagot sa kanya laban sa pagpigil sa mga babae sa pagpasok sa mga masjid. Nag-utos siya sa mga babae sa sandali ng paglabas na lumabas sila nang hindi mga nakapabango at hindi mga nagtatanghal ng gayak nang sa gayon sila ay hindi maging kadahilanan ng pagkatukso ng mga lalaki.
Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na kapag nagnais ito na pumasok sa masjid ay bumati siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Allāhumma ṣalli `alā Muḥammad. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad.)" pagkatapos magsabi siya ng: "Allāhumma -ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pintuan ng awa Mo)." Kapag naman lumabas siya, bumati rin siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at magsabi siya ng: "Allāhumma -`ṣimnī mina shshayṭāni -rrajīm. (O Allāh, magsanggalang Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa.)" Sa isang salaysay naman ni Al-Ḥākim: "... at magsabi siya ng: 'Allāhumma -`ṣimnī mina shshayṭāni -rrajīm. (O Allāh, magkalinga Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa.)'"
Nagpabatid si Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na siya noon ay nakakikita sa kaputian ng pisngi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa tindi ng paglingon nito kapag bumati ito sa ṣalāh nito sa gawing kanan nito para sa unang taslīm at sa gawing kaliwa nito para sa ikalawang taslīm.
Pumasok si `Ammār bin Yāsir (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa masjid saka nagdasal siya ng isang kinukusang-loob, na isang magaang ṣalāh. Noong nakalabas siya mula sa masjid, sinundan siya ni `Abdullāh bin `Anamah at nagsabi ito sa kanya: "O Abu Al-Yaqḍ̆ān, talaga ngang nakakita ako sa iyo na nagpagaan ka ng pagdarasal mo." Nagsabi si `Ammār: "Nakakita ka kaya sa akin na nagkulang ako mula sa mga haligi nito o mga kinakailangan dito o mga kundisyon nito ng anuman?" Nagsabi ito: "Hindi." Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpagaan nito bago makaabala sa akin ang demonyo. Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na ang tao ay talagang nagdarasal ng dasal, na hindi nagtala para sa kanya mula sa pabuya nito kundi ng ikapu nito, o ikasiyam nito, o ikawalo nito, o ikapito nito, o ikaanim nito, o ikalima nito, o ikaapat nito, o ikatlo nito, o kalahati nito."
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa pagitan ng bawat adhān at iqāmah ay may ṣalāh na pangkusang-loob. Umulit siya niyon nang makatatlo. Nagpabatid siya sa ikatlong pagkakataon na iyon ay isinakaibig-ibig para sa sinumang nagnais na magdasal.