





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kailangan sa amin ang pagpapastol ng mga kamelyo saka dumating ang toka ko kaya umakay ako sa mga ito sa isang hapon saka nakaabot ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nakatayong nagsasalita sa mga tao saka nakaabot ako mula sa sabi niya: "Walang anumang Muslim na nagsasagawa ng wuḍū' – saka nagpapagaling ng wuḍū' niya, pagkatapos tumatayo saka nagdarasal ng dalawang rak`ah, habang nakatuon sa dalawang ito sa pamamagitan ng puso niya at mukha niya – malibang magigindapat para sa kanya ang Paraiso." Nagsabi ako: "Anong galing nito!" Saka biglang may nagsasalita sa harapan niya, na nagsasabi: "Ang bago nito ay higit na magaling." Kaya tumingin ako saka biglang si `Umar ay nagsabi: "Tunay na ako ay nakakita nga sa iyo na dumating kanina." Nagsabi siya: "Walang kabilang sa inyo na isa mang nagsasagawa ng wuḍū' saka nagpaparubdob – o naglulubus-lubos – ng wuḍū', pagkatapos nagsasabi: Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu wa-anna muḥammadan `abdu –llāhi wa-rasūluh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya), malibang bubuksan para sa kanya ang walong pinto ng Paraiso, na papasok siya mula sa alinman sa mga ito na loloobin niya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang siya ay nagsasalita sa mga tao, ng dalawang dakilang kalamangan: A. Na ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpahusay ng wuḍū', naglubus-lubos nito, nagpalubos nito, nagkumpleto nito sa paraang batay sa sunnah, at nagbigay sa bawat bahagi ng karapatan nito sa tubig, pagkatapos nagsabi: "Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu wa-anna muḥammadan `abdu –llāhi wa-rasūluh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya)," malibang bubuksan para sa kanya ang walong pinto ng Paraiso, na papasok siya mula sa alinman sa mga ito na loloobin niya. B. Na ang sinumang nagsagawa ng ganitong wuḍū' na ganap na kumpleto, pagkatapos tumayo matapos ng wuḍū' na ito saka nagdasal ng dalawang rak`ah, habang nagtutuon sa dalawang ito sa pamamagitan ng puso niya sa pagpapakawagas at kataimtiman, at nagpakumbaba sa pamamagitan ng mukha at lahat ng mga bahagi ng katawan niya kay Allāh, magigindapat para sa kanya ang Paraiso.
Ayon kay Abdu Khayr,buhat kay`Ali malugod si Allah sa kanya,ay nagsabi; Kung ang Relihiyon ay (nakabatay lang)sa opinyon,ang pagpupunas sa ilalim ng sandal ay mas nararapat sa ibabaw nito,at katotohanang ((Nakita ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagpupunas sa ibabaw ng sandal nito))
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudIpinapahayag ni `Ali-malugod si Allah sa kanya-na kung ang Relihiyon ay nakabatay lamang sa pag-iisip at hindi sa nakasulat,ang pagpupunas sa ilalim ng sandal ay mas nararapat sa pagpunas,sa ibabaw nito;sapagkat ang ang ilalim ng sandal ay deretsong nakaapak sa lupa at mga basura at dumi,kung-kaya`t ito ay mas nararapat sa pagpunas mula sa pagbabatay sa pag-iisip,Ngunit ang batas (ng Islam) ay sumasalungat rito.Kaya`t ang pagsasagawa rito at pag-iwan sa opinyon na sumasalungat sa nakasaad sa Qur-an.At katotothanan na nakita niya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagpupunas sa ibabaw ng sandal,at ang ginawa nito ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan aykatanggap-tanggap sa pag-iisip sa kabilang dako,sapagkat kapag pinunasan niya ang ilalim ng sandal nito gamit ang tubig ay magiging dahilan sa pagdadala nito ng dumi,kaya`t`ginawa na ang pagpupunas ay sa ibabaw nito upang tanggalin ang mga nakadikit rito na alikabok;sapagkat ang ibabaw ng sandal ang siyang nakikita,kung-kaya`t ang pagpupunas rito ay mas nararapat,at ang lahat ng Hatol sa Batas ng Islam ay hindi sumasalungat sa matinong kaisipan,ngunit minsan, ito ay naitatago sa mga nagmamay-ari ng kaisipan.
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (pagpalain siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay nagsabi: "Kapag nagsagawa ng wudu ang isa sa inyo at nagsuot siya ng khuff niya, magdasal siya nang nakasuot nito at magpahid siya sa ibabaw nito, pagkatapos maghubad siya nito kung niloob niya, malibang dahil sa janābah."}
Nagsalaysay nito si Imām Ad-DāraquṭnīyNaglilinaw ang Propeta (s) na kapag nagsuot ang Muslim ng khuff niya matapos na nagsagawa siya ng wudu, pagkatapos nawalang-bisa ito matapos niyon at nagnais siya na magsagawa ng wudu, ukol sa kanya ang magpahid dito kung nagnais siya niyon. Magdasal siya nang nakasuot nito at huwag siyang maghubad nito sa isang yugtong nalalaman; malibang kapag junub siya, kakailanganin sa kanya ang maghubad ng khuff at ang maligo.
Ayon kay `Urwah, ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay humalik sa isa sa mga maybahay niya. Pagkatapos ay lumabas siya papunta sa masjid at hindi na nagsagawa ng wuḍū'. Nagsabi si `Urwah: "Nagsabi ako: Sino siya kundi ikaw?" Kaya tumawa ito.
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinababatid ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, sa ḥadīth na ito na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay humalik sa isa sa mga maybahay niya. Pagkatapos ay pumunta siya sa masjid para magdasal at hindi na nagsagawa ng wuḍū'. Pagkatapos tunay na si `Urwah, malugod si Allāh sa kanya, ay ang tagasanaysay buhat kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya. Natalos niya ang bagay na ito at nalaman niya na ang maybahay na tinutukoy rito sa ḥadīth ay si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya. Kayo noong ipinabatid ni `Urwah kay `Ā’ishah iyon, tumawa ito, malugod si Allāh sa kanya, bilang pagkilala sa panig nito sa pagkaunawa niya. "hindi na nagsagawa ng wuḍū'". Ito ay ang pangunahing panuntunan: na ang paghipo ng lalaki sa maybahay niya o paghalik dito ay lubusang hindi nakasisira sa wuḍū', may pagnanasa man o walang pagnanasa, dahil ang pangunahing panuntunan ay ang pananatili ng wuḍū' at ang pananatili ng ṭahārah. Kaya hindi ipinahihintulot ang magsabing ito ay nakasisira sa anuman malibang may umiiral na argumentong walang sumasalungat. Lubusang wala ritong umiiral na argumentong nagpapatunay sa pagkasira ng wuḍū' dahil sa paghipo sa maybahay. Ang pangunahing panuntunan ay ang pananatili ng ṭahārah. Tungkol naman sa sabi ni Allāh (Qur'ān 4:43): "o sumaling kayo ng mga babae", ang tama sa pagpapaliwanag nito ay na ang tinutukoy rito ay ang pakikipagtalik at gayon din sa ibang pagkakabasa. Ayon kay Ibnu `Abbās at sa isang pangkat ng mga may kaalaman, ang tinutukoy rito ay ang pakikipagtalik. Ito ay dahil sa ang madalas sa paghalik ng lalaki sa maybahay niya ay dala ng pagnanasang seksuwal kaya nagpatunay iyon na ang paghipo sa asawa nang may pagnanasa ay hindi nakasisira sa wuḍū' malibang kapag nasamahan iyon ng paglabas ng punlay at dito ay nasisira ang wuḍū' dahil sa paglabas ng punlay. Majmū` Fatāwā Ash-Shaykh Ibnu Bāz 17/219 at Fatḥ Dhī Al-Jalāl wa Al-Ikrām 1/253-255.
Ayon kay `Alīy bin Ṭalaq, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Pumunta kami sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at may dumating na isang lalaking para bang ito ay Arabeng-disyerto at nagsabi: "O Propeta ni Allāh, Ano po ang tingin mo sa lalaking humipo sa ari niya matapos siyang nagsagawa ng wuḍū'?" Nagsabi siya: "Ito ay isang piraso lamang mula sa kanya." O nagsabi siya: "isang bahagi lamang mula sa kanya."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan ng ḥadīth: "ano po ang tingin mo sa lalaking humipo sa ari niya matapos siyang nagsagawa ng wuḍū'?" Nangangahulugan ito: Ano ang inobliga sa lalaki ng Batas ng Islām kapag hinipo niya ang ari niya matapos magsagawa ng wuḍū', may pananagutan ba siya? Sa isang sanaysay sa ganang kay Aḥmad: "Ang lalaki ay humipo ng ari niya sa ṣalāh, tungkulin ba niyang magsagawa ng wuḍū'? Nagsabi siya: "Hindi; ito ay bahagi mo." Ang "Ito ay isang piraso lamang mula sa kanya" ay nangangahulugang: Ang ari ay gaya ng nalalabing mga bahagi ng katawan. Kaya kapag hinipo ng nakapagsagawa ng wuḍū' ang kamay niya o ang paa niya o ang ilong niya o ang ulo niya, hindi nasisira ang wuḍū' niya dahil doon. Gayon din kapag hinipo niya ang ari niya. Ang ḥadīth na ito ay alin sa dalawa: pinawalang-bisa o maipakakahulugang ang paghipo ay sa likod ng harang. Tungkol naman sa pagkakadiit ng ari sa kamay, nasisira ang wuḍū' batay sa ibang mga ḥadīth. Subul As-Salām 1/96, Fatḥ Dhi Al-Jalāl wa Al-Ikrām 1/259, at Tashīl Al-Ilmām 1/185.
Ayon kay Anas malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Dumaan sila sa isang ililibing,pinuri nila ito ng maganda,Nagsabi ang propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((karapat-dapat)),pagkatapos ay dumaan sa kanila ang isa pa,pinuri nila ito ng masama,Nagsabi ang propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((karapat-dapat)).Nagsabi si Umar malugod si Allah sa kanya: Anu ang karapat-dapat?Nagsabi siya:(( Itong pinuri ninyo ng maganda,karapat-dapat sa kanya ang Paraiso,itong pinuri ninyo ng masama,karapat-dapat sa kanya ang Impeyerno,kayo ay mga saksi ni Allah sa lupa))
Napagkaisahan ang katumpakanNa ang ilan sa mga kasamahan ng propeta ay dumaan sila sa isang ililibing,at nagsaksi sila rito ng maganda sa kabutihan at pagtuwid sa batas ni Allah,at nang marinig ng propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang pagpuri nila rito,Nagsabi ang propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan(karapat-dapat)pagkatapos ay dumaan sila sa isa pang libingan,at nagsaksi sila rito ng masama,Nagsabi ang propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan(karapat-dapat).Nagsabi si Umar bin khattab malugod si Allah sa kanya: Ano ang ibig sabihin ng karapat-dapat sa dalawang lagay?Na pinagsaksihan niyo rito ng maganda sa kabutihan at pagtuwid ,ito ay karapat-dapat sa kanya ang Paraiso,at ang pinagsaksihan niyo rito ng masama,karapat-dapat sa kanya ang impyerno,at marahil ay nakilala ito sa pagkukunwari at katulad pa nito.pagkatapos ay ipinahayag niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na ang magsasaksi sa kanya na taong tapat at mainam at kabutihan at makatwiran kabilang sa karapatan nito ang Paraiso o ang Impyerno ay magiging doon.
Ayon kay As-Sā’ib bin Yazīd na Kasamahan, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ako noon ay nasa masjid at binato ako ng isang lalaki. Tumingin ako at si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, pala. Nagsabi siya: Umalis ka at dalhin mo sa akin ang dalawang iyan. Dinala ko silang dalawa at nagsabi siya: Taga saan kayong dalawa? Nagsabi silang dalawa: Kabilang sa mga mamamayan ng Ṭā’if. Nagsabi siya: Kung nagkataong kayong dalawa ay kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah, talagang sinaktan ko na sana kayong dalawa. Itinataas ninyong dalawa ang mga tinig ninyong dalawa sa masjid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNagpapabatid si As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allah sa kanya, ng tungkol sa isang pangyayaring naganap sa harap niya. Ito ay tungkol sa dalawang lalaking nagtataas ng mga tinig nilang dalawa sa masjid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Narinig iyon ni `Umar, malugod si Allah sa kanya kaya binato niya si As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allah sa kanya. Iyon ay upang dalhin nito sa kanya ang dalawang lalaki. Nagsabi si As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allah sa kanya: Kaya dinala ko sa kanya silang dalawa at tinanong niya silang dalawa kung tagasaan silang dalawa. Nagsabi silang dalawa: "Kabilang sa mga mamamayan ng Ṭā’if." Nagsabi naman siya: "Kung nagkataong kayong dalawa ay kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah, talagang sinaktan ko na sana kayong dalawa. Itinataas ninyong dalawa ang mga tinig ninyong dalawa sa masjid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan." Nangangahulugan ito: "Kung nagkataong kayong dalawa ay kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah, talagang pinarusahan ko na sana kayong dalawa dahil sa pagtataas ninyong dalawa ng mga tinig sa masjid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Yamang kayo ay hindi kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah, pagpapaumanhinan kayong dalawa dahil sa kamangmangan ninyong dalawa dahil ang madalas ay nakalingid ang mga patakaran ng Batas ng Islam sa sinumang ang kalagayan ay tulad ng kalagayan nilang dalawa."
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi, siya ay nagtalumpati sa isang araw ng Biyernes at nagsabi sa talumpati: "Pagkatapos tunay na kayo, o mga tao, ay kumakain ng dalawang halamang wala akong naaamoy sa dalawang ito kundi masama: ang sibuyas at ang bawang. Talaga ngang nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na kapag nakatagpo siya ng amoy ng dalawang ito sa isang lalaki sa masjid, mag-uutos siya na ilabas ito sa Al-Baqī`. Kaya ang sinumang kakain ng dalawang ito, patayin niya ang [amoy ng] dalawang ito sa pagluluto."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng hadith. Ipinababatid ni `Umar, malugod si Allah sa kanya, sa mga dumalo sa talumpati niya na sila ay kumakain ng dalawang masamang halaman: ang sibuyas at ang bawang. Ang ibig sabihin ng masama rito ay ang mabaho. Ang mga Arabe ay nagtataguri ng masama sa bawat pinipintasan at kinasusuklamang pananalita o gawain o ari-arian o pagkain o tao. Nagpapatunay roon ang hadith ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang sinumang kumain ng mabahong halamang ito ay huwag nga siyang lalapit sa masjid natin." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Napabibilang sa sibuyas at bawang ang bawat may masamang amoy gaya ng labanos, puero (leek), at iba pa lalo na ang tabako at ang sigarilyo. Itinangi lamang ang bawang at ang sibuyas sa pagbangggit dahil sa dalas ng pagkain sa dalawang ito. Nabanggit ang puero (leek) sa hadith ayon kay Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanya, ayon kay Imām Muslim. "kapag nakatagpo siya ng amoy ng dalawang ito sa isang lalaki sa masjid, mag-uutos siya na ilabas ito sa Al-Baqī`." Ito ay dahil sa iyon ay kabilang sa nakaliligalig sa mga tao at gayon din ang mga anghel gaya ng nasaad sa tumpak na hadith. Ang "ilabas ito sa Al-Baqī`" ay nangangahulugang ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi nagkasya sa pagpapalabas sa kanya mula sa masjid, bagkos ay inilayo siya sa masjid hanggang sa dinala siya sa Al-Baqī bilang parusa sa kanya. Sa sanaysay ni Ibnu Mājah: "Talaga ngang nakakikita ako ng lalaki sa panahon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na kapag napansin ang masamang amoy niya mula sa kanya, hinahawakan ang kamay niya hanggang sa mailabas siya sa Al-Baqī." Ang "Kaya ang sinumang kakain ng dalawang ito, patayin niya ang [amoy ng] dalawang ito sa pagluluto." ay nangangahulugang ang sinumang ibig kumain ng dalawang ito ay patayin niya muna ang amoy ng dalawang ito sa pagluluto dahil ang pagluluto ay nag-aalis ng mabahong amoy ng mga ito. Kapag naalis ang mabahong amoy, ipinahihintulot pumasok sa masjid matapos niyon dahil sa pagkakaalis ng kadahilanang humahadlang. Sa hadith ayon kay Mu`āwiyah bin Qurrah, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Kung kayo ay hindi makaiiwas kumain ng dalawang ito, patayin ninyo ang [amoy ng] dalawang ito sa pagluluto." Isinaysay ito ni Abū Dāwud. Ito ay isang sunnah na matibay buhat sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Ang panahon ng pagpatay sa [amoy ng] dalawang ito sa pagluluto ay kapag ninais pumasok sa masjid para magdasal o para sa dahilang iba pa sa pagdarasal. Kapag naman hindi oras ng pagdarasal o wala sa oras ng pagdarasal, walang masama sa pagkain ng dalawang ito nang hilaw dahil ipinahihintulot naman talagang kainin ang mga ito. Dumating lamang ang utos ng pagluluto dahil sa nakaliligalig ito. Ikmāl Al-Mu`allim 2/500, Marqāh Al-Mafātīḥ 2/617, Mar`āh Al-Mafātīḥ 448,449, Sharḥ Riyāḍ aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 6/447.
Ayon kay Buraydah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah: Ang sinumang sumumpa at nagsabi: Tunay na ako ay walang kaugnayan sa Islam; kung siya ay nagsisinungaling, siya ay gaya ng sinabi niya; kung siya naman ay nagsasabi ng totoo, hindi siya babalik sa Islam nang buo."
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan ng hadith: Ang sinumang nanumpa at nagsabing siya ay walang kaugnayan sa Islam o nagsabing siya ay Hudyo o Kristiyano o Kāfir o Ateista, ang kalagayan niya ay hindi makalalabas sa dalawang kalagayan: Ang Unang Kalagayan: Na siya ay nagsisinungaling sa panunumpa niya, gaya ng pagsumpa niya, halimbawa, na siya ay walang kaugnayan sa Islam. Kung ang usapin ay ganito samantalang siya ay nagsisinungaling sa ipinapahayag niya, gaya ng kung sakaling ibinalita niya na si Zayd ay dumating ngayong araw mula sa biyahe at nanumpa siya sa kawalang kauganyan sa Islam o na siya ay Hudyo o Kristiyano o Mushrik habang nalalaman niya ang pagsisinungaling ng sarili niya, siya ay gaya ng sinabi niya na kawalang kaugnayan sa Islam o pagiging Hudyo o Kristiyano. Ang Ikalawang Kalagayan: Na siya ay tapat sa sinabi niya, gaya ng kung sakaling nanumpa siya sa kawalang kaugnayan sa Islam o pagiging Hudyo o Kristiyano o na si Zayd ay dumating ngayong araw mula sa biyahe niya o hindi niya ginawa ang bagay na ito samanalang siya ay tapat sa isinumpa niya, siya sa kalagayang ito ay hindi makababalik sa Islam nang buo gaya ng sinabi ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Mababawasan ang kalubusan ng pagiging Muslim niya dahil sa namutawi sa kanya na pananalitang ito dahil ng karumalan nito at kapangitan nito. Ṭarḥ At-Tadrīb 7/167 at Sharḥ Riyāḍ aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 6/453.