Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way






























Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
Tinanong ang Propeta (s) tungkol sa kahatulan ng kadalisayan ng tubig na pinupuntahan ng mga maamong hayop mga mabangis na hayop para inuman at tulad nito, kaya nagsabi siya (s) na ang tubig, kapag umabot ang sukat nito sa dalawang malaking tapayan na nakatutumba sa 210 litro, tunay na ito ay tubig na marami na hindi nagiging najis malibang kapag nag-iba dahil sa isang karumihan ang isa sa tatlong pagkakalarawan dito: ang kulay nito o ang lasa nito o ang amoy nito.
Nagpapabatid si Ibnu `Umar ng isang kahatulang pambatas at legal na nauugnay sa pagkaipinahihintulot ng pagkain ng ilan sa mga bagay: Una: Ang pagpapahintulot sa pagkain ng namatay na balang at balyena, at Ikalawa: Ang pagkaipinahihintulot ng pagkain ng dalawang uri ng dugo: ang atay at ang lapay. Ang dalawang kahatulang ito ay dalawang kataliwasan mula sa pagbabawal sa pagkain ng namatay at dugo. Fatḥ Dhi Al-Jalāl wa Al-Ikrām bi-Sharḥ Bulūgh Al-Murām Tomo 1, 103.
Nagpabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng tungkol sa langaw kapag bumagsak ito sa inumin. Tunay na ito ay hindi nakaaapekto sa inumin, bagkus kailangang ilubog ito nang buo roon. Iyon ay dahil sa ang isa sa mga pakpak nito ay may sakit, at ito ang pakpak na inilulubog sa tubig, at sa kabila ay may kalunasan sa sakit na iyon. Napatunayan na ng makabagong medisina ang katumpakan ng impormasyong ito na nalaman ng mga Muslim ilang siglo na ang nakalipas. Ang papuri ay ukol kay Allāh dahil sa biyaya ng Islām.
Humihimok ang Propeta (s) sa sinumang gumising mula sa pagkatulog niya na suminghot siya ng tubig at magsinga nito nang tatlong ulit. Tinatawag ito na istinthār: ang pagpapalabas ng tubig mula sa ilong matapos ng pagpapasok nito. Iyon ay dahil ang demonyo ay nagpapagabi sa butas-ilong niya, na ilong sa kabuuan nito.
Ipinapahayag ni Abdullah bin Zaid-malugod si Allah sa kanya-Ang pamamaraan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(sa pagsasagawa) ng Wudhu,Ipinahayag niya na siya ay nagsagawa ng Wudhu,ipinasok niya ang tubig sa bunganga nito,pagkatapos ay minugmog niya ito pagkatapos ay inilabas ito,pagkatapos ay ipinasok niya ang tubig sa ilong niya,at inilabas ang anumang napapaloob dito mula sa mga uhog at iba pa Pagkatapos ay hinugasan niya ang mukha niya nang tatlong beses,Pagkatapos ay hinugasan niya ang kamay niya hanggang siko nang tatlong beses,Pagkatapos ay ang kaliwang kamay hanggang siko nang tatlong beses,Pagkatapos ay pinunasan niya ang ulo niya ng tubig na bago,Pagkatapos ay hinugasan niya ang dalawang paa niya hanggang sa bukong-bukong,hanggang sa natanggal ang dumi sa dalawang paa niya.
Ipinapaalam ni Al-Mughīrah bin Shu'bah-malugod si Allāh sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay pinunasan niya ang noo niya-at ito ang buhok na nasa harapan ng ulo,pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang pagpupunas sa turban, at hindi siya naging pabaya sa pagpupunas ng ilang bahagi ng ulo datapuwat ay ginanap niya ang pagpupunas sa turban, At kabilang sa patnubay niya-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay ang pagpupunas sa dalawang Al-Khuff [ medyas na yari sa balat], tulad ng nasa Hadith na ito at sa iba pa.Subul -Assalām (81,1/72) Tashīl Al-ilmām(1/135)
Ipinapahayag ng Hadith na kabilang sa isinasatungkulin sa pagsasagawa ng wudhu ay ang paghuhugas ng dalawang kamay hanggang sa dalawang siko,at ang pagpapatibay sa kabuuan ng dalawang siko ay ipinapahayag ang pagkabilang nila sa paghuhugas ng dalawang kamay,at ang Hadith ,kahit na ito ay mahina ,subalit ang kabuuang pinapatunayan niya ay nagpapatunay sa kahulugan nito.
Nagpabatid si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakakita sa isang lalaking nakatapos sa pagsasagawa ng wuḍū' nito ngunit nakaiwan ito ng isang bahagi ng kuko sa paa nito, na hindi naabot ng tubig ng wuḍū'. Kaya nagsabi siya rito habang itinuturo ang parte ng pagkukulang: "Bumalik ka saka magpahusay ka ng pagsasagawa mo ng wuḍū' mo, maglubos ka nito, at magbigay ka sa bawat bahagi ng karapatan nito mula sa tubig." Kaya bumalik naman ang lalaki sapagkat naglubos ito ng pagsasagawa ng wuḍū' nito, pagkatapos nagdasal ito.
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naliligo mula sa janābah sa pamamagitan ng isang ṣā` hanggang sa limang mudd at nagsasagawa ng wuḍū' sa pamamagitan ng isang mudd. Ang isang ṣā` ay apat na mudd. Ang mudd ay ang sukat ng isang pagkapuno ng dalawang kamay ng taong katamtaman ang pisikal na anyo.