





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Zuhayr bin `Umārah bin Ru'aybah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang lulusot sa Impyerno na isa na nagdarasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Sugo ni Allah (s) na walang papasok sa Impiyerno na isang nagdarasal ng salah sa madaling-araw at salah sa hapon at nagpapamalagi sa dalawang ito. Nag-udyok siya sa dalawang salah dahil ang dalawang ito ay ang pinakamabigat sa mga salah at dahil ang oras ng madaling-araw ay nasa kasarapatan ng tulog at ang oras ng hapon ay nasa kaabalahan ng mga trabaho ng maghapon at kalakalan dito. Ang sinumang nangalaga sa dalawang salah na ito kasama ng pagkakaroon ng hirap ay mangangalaga sa natitira sa mga dasal.
Ayon kay Abdullah bin Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinabi niya:((At kung mananatili pa ako sa hinaharap,talagang mag-aayuno ako sa ika-siyam))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim"Kung mananatili pa ako" ay:kung buhay pa ako,"sa hinaharap", Ay;Buhay pa ako sa Muharram na darating,"Talagang mag-aayuno ako",sa Araw"ika-siyam" kasama ang ika-sampu;bilang paglabag sa mga Hudyo,At hindi na dumating ang Muharram sa hinaharap hanggang sa pumanaw siya,Kaya Sunnah ang pag-aayuno nito,kahit na hindi siya rito nakapag-ayuno-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-sapagkat ang lahat na napagtanto niya ay kabilang sa Sunnah,At ang dahilan ng pag-ayuno sa ika-siyam at ika sampu,ay upang hindi maihalintulad sa mga Hudyo sa pag-isa sa ika-sampu,At sinasabi na:pansamantala sa pagkamit ng ika sampu,At ang Unang(salita) ay mas una,tunay na dumating ang mga patunay dito,Si Allah ang higit na Nakaka-alam.
Ayon kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang anumang isang taong Muslim na dinaratnan ng isang ṣalāh na iniatas saka nagpapahusay siya ng pagsasagawa ng wuḍū' dito, kataimtiman dito, at pagyukod dito, malibang ito ay nagiging isang panakip-sala sa anumang bago nito na mga pagkakasala, hanggat hindi siya nakagawa ng isang malaking kasalanan. Iyon ay ang panahon sa kabuuan nito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang anumang Muslim na sumasapit sa kanya ang oras ng ṣalāh na isinatungkulin saka nagpapahusay siya ng pagsasagawa ng wuḍū' nito at nagpapalubos siya nito, pagkatapos nagtataimtim siya sa ṣalāh niya kung kailan ang puso niya at ang mga bahagi ng katawan niya sa kabuuan ng mga ito ay nakatuon kay Allāh habang gumugunita sa kadakilaan Niya at naglulubos ng mga gawain ng ṣalāh gaya ng pagyukod, pagpapatirapa, at iba pa rito, malibang ang ṣalāh na ito ay nagiging isang tagatakip-sala sa bago nito na mga pagsuway na maliliit, hanggat hindi siya gumawa ng isang malaki kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala. Ang kainamang ito ay nakalatag sa paglipas ng panahon at sa bawat ṣalāh.
Ayon kay Ka`b bin `Ujrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May mga binabalik-balikang hindi nabibigo ang tagapagsabi ng mga ito – o ang tagagawa ng mga ito – sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas: Tatlumpu't tatlong pagluluwalhati, tatlumpu't tatlong pagpapapuri, at tatlumpu't apat na pagdadakila."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga dhikr na hindi malulugi at hindi magsisisi ang tagapagsabi ng mga ito, bagkus mayroon siyang gantimpala ng mga pangungusap na ito. Sinasambit ang iba sa mga ito matapos na matapos ng ilan at sinasabi ito matapos na matapos ng ṣalāh na isinatungkulin. Ang mga ito ay ang sumusunod: "Subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh)" na tatlumpu't tatlong ulit, na nangangahulugang: ang pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa bawat kakulangan; "Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)" na tatlumpu't tatlong ulit, na paglalarawan kay Allāh ng kakumpletuhang lubos kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya; at "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" na tatlumpu't apat na ulit, sapagkat si Allāh ay pinakadakila, pinakasukdulan, at pinakamahal kaysa sa bawat bagay.
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang mu'adhdhin, ng: Ashhadu an lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah, wa-anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-muḥammadir rasūlan, wa-bi-l'islāmi dīnā. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, kay Muḥammad bilang Sugo, at sa Islām bilang Relihiyon.), patatawarin para sa kanya ang pagkakasala niya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang mu'adhdhin, ng: "Ashhadu an lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah," (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya)," na nangangahulugang: Naninindigan ako, kumikilala ako, at nagpapabatid ako na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh at ang bawat sinasambang iba sa Kanya ay kabulaanan; "wa anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)," na nangangahulugang: Na siya ay isang lingkod na hindi sinasamba at isang sugo na hindi nagsisinungaling; "Raḍītu bi-llāhi rabban, (Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon,)," na nangangahulugang: Sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya; "wa-bi-muḥammadir rasūlan, (kay Muḥammad bilang Sugo)," na nangangahulugang: Sa lahat ng ipinasugo sa kanya at ipinaabot niya sa atin; "wa-bi-l'islāmi dīnā, (at sa Islām bilang Relihiyon.)," na nangangahulugang: sa lahat ng mga patakaran ng Islām na mga ipinag-uutos at mga sinasaway. Ang "bilang Relihiyon" ay nangangahulugang: bilang paniniwala at bilang pagpapaakay. Ang "patatawarin para sa kanya ang pagkakasala niya" ay nangangahulugang: mula maliliit na kasalanan.
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nakaalam ng pamamana, pagkatapos ay iniwan ito, hindi siya kabilang sa atin o sumuway nga siya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng sinumang natuto ng pagtudla ng palaso at iba pa gaya ng baril sa ngayon sa landas ni Allah, pagkatapos ay itinigil niya ang pagtataguyod nito hanggang sa nakalimutan na niya ito, isinuong nga niya ang sarili niya sa kasalanan at paglayo sa patnubay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Hindi ito nangangahulugang siya ay tumatatangging sumampalataya dahil doon.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang namatay nang hindi nakibaka at hindi naglayon sa sarili niya ng pakikibaka ay namatay sa isang katangian ng isang pagpapanggap."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng bawat lalaking nakakakayang makibaka, na naabutan ng taning ng buhay at hindi nakibaka at hindi naglayon sa sarili niyon: hindi kinausap ang sarili niya para makibaka. Ang kahulugan ay hindi nagpasyang makibaka. Sa kanya ay may isang bahagi ng pagpapanggap ng pananampalataya. Kabilang sa mga tanda nito sa hayagan ay ang paghahanda ng kasangkapan ng pakikibaka. Nagsabi si Allah (Qur'ān 6:46): "Kung sakaling ninais nila ang paghayo, talagang naghanda na sana sila para roon ng isang paghahanda..." Ang sabi niya: "namatay sa isang katangian ng isang pagpapanggap" ay nangangahulugang: sa isa sa mga uri ng pagpapanggap ng pananampalataya. Nangangahulugan ito: "Namatay siya sa ganito sapagkat nakawangis niya ang mga nagpapanggap ng pananampalataya at ang mga nagpapaiwan sa pakikibaka. Ang sinumang nagpakawangis sa isang pangkat ng mga tao, siya ay kabilang sa kanila. Kaya kinakailangan sa bawat Mananampalataya na maglayon ng pakikibaka."
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: "Wala nang araw na higit na marami sa pagpapalaya si Allāh doon ng alipin mula sa Impiyerno kaysa sa Araw ng `Arafah. Tunay na Siya ay talagang lumalapit. Pagkatapos ay ipinagkakapuri Niya sila sa mga anghel at nagsasabi: Ano ang ninais ng mga ito?"
Nagsalaysay nito si Imām Muslim"Wala nang araw na higit na marami sa pagpapalaya si Allāh ng alipin mula sa Impiyerno kaysa sa Araw ng `Arafah." Nangangahulugan ito: Walang araw mula sa mga araw na higit na marami sa araw ng `Arafah sa pagliligtas at pagsasagip ni Allāh ng sinumang niloob Niya mula sa Impiyerno. "Tunay na Siya ay talagang lumalapit. Pagkatapos ay ipinagkakapuri Niya sila sa mga anghel..." Inilalantad Niya sa mga anghel ang kalamangan ng mga nagsasagawa ng ḥajj at karangalan nila. Ang mga alagad ng Sunnah at Pagbubuklod ay naniniwalang si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay malapit sa mga lingkod Niya sa totoong kahulugan gaya ng naangkop sa kamahalan Niya at kadakilaan Niya. Siya ay nakaluklok sa trono Niya at nakahiwalay sa nilikha, at na Siya ay napalalapit sa kanila sa tunay na kahulugan at lumalapit sa kanila sa tunay na kahulugan. Ang "at nagsasabi: Ano ang ninais ng mga ito?" ay nangangahulugang: Aling bagay ang ninais ng mga ito yayamang iniwan nila ang mga mag-anak nila at ang mga bayan nila, ginugol nila ang mga yaman nila, at pinagod nila ang mga katawan nila? Nangangahulugan ito: Wala silang ninais kundi ang kapatawaran, ang lugod, ang pagkakalapit, at ang pakikipagtagpo [kay Allāh]. Ang ninais nila, ito ay magaganap sa kanila. Ang mga antas nila ay kasukat ng mga layunin nila.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: May nagtanong na isang lalaki sa Propeta (s) sapagkat nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami ay sumasakay sa [sasakyang] dagat at nagdadala kasama namin ng kaunting tubig. Kaya kung magsasagawa kami ng wuḍū' sa pamamagitan nito, mauuhaw kami. Kaya magsasagawa po ba kami ng wuḍū' mula sa dagat?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh (s): "Ito ay ang naipandadalisay ang tubig nito, ang ipinahihintulot ang patay nito."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadMay nagtanong na isang lalaki sa Propeta (s) sapagkat nagsabi ito: "Tunay na kami ay sumasakay sa mga daong sa dagat para sa pangingisda o pangangalakal at ng nakawangis niyon at nagdadala kasama namin ng kaunting tubig na naaangkop para inumin. Kaya kung gagamit kami ng tubig na pang-inom para sa pagsasagawa ng wuḍū' at paghuhugas, mauubos ito at hindi kami makatatagpo ng iinumin. Kaya pinapayagan kaya sa amin na magsagawa kami ng wuḍū' mula sa tubig ng dagat?" Kaya nagsabi ang Propeta (s) tungkol sa tubig ng dagat: "Ang tubig nito ay dalisay na nakapagdadalisay. Pinapayagan ang pagsasagawa ng wudu mula rito at ang pagpaligo nito. Ipinahihintulot ang pagkain ng lumalabas mula rito na mga isda, mga balyena, at iba pa sa mga ito, kahit pa natagpuan ang mga ito na lumutang na sa ibabaw nito nang hindi pinangisda."