





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Mālik bin Aws bin Al-Ḥadathān, siya ay nagsabi: {Dumating ako na nagsasabi: "Sino ang makikipagpalitan ng mga dirham?" Kaya nagsabi si Ṭalḥah bin `Ubaydillāh habang siya ay nasa piling ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allah sa kanilang dalawa): "Ipakita mo sa amin ang ginto mo, pagkatapos pumunta ka sa amin. Kapag dumating ang tagapaglingkod namin, ibibigay namin sa iyo ang pilak mo." Kaya nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb: "Aba'y hindi! Sumpa man kay, talagang ibibigay nga ninyo sa kanya ang pilak niya o talagang isasauli nga ninyo sa kanya ang ginto niya sapagkat tunay na ang Sugo ni Allah (s) ay nagsabi: Ang pilak kapalit ng ginto ay patubo, malibang kaliwaan. Ang trigo kapalit ng trigo ay patubo, malibang kaliwaan. Ang sebada kapalit ng sebada ay patubo, malibang kaliwaan. Ang datiles kapalit ng datiles ay patubo, malibang kaliwaan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Tagasunod na si Mālik bin Aws na siya noon ay may mga dinar na ginto at nagnanais siya na ipagpalit ang mga ito sa mga dirham na pilak. Kaya nagsabi sa kanya si Ṭalḥah bin `Ubaydillāh (malugod si Allah dito): "Iabot mo sa amin ang mga dinar mo upang makita ko ang mga ito." Pagkatapos nagsabi ito sa kanya matapos na pinagpasyahan nito ang pagbili: "Puntahan mo kami. Kapag dumating ang tagapaglingkod namin mamaya, talagang ibibigay namin sa iyo ang mga dirham ng pilak." Si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allah sa kanya) ay naroon sa pagtitipon kaya minasama niya ang uring ito ng transaksiyon. Sumumpa si `Umar na si Ṭalḥah ay magbabayad ng pilak ngayon o magsasauli kay Mālik ng ginto niya na kinuha nito sa kanya. Nilinaw ni `Umar ang kadahilanan niyon na ang Sugo ni Allah (s) ay bumanggit na ang pagtitinda ng pilak kapalit ng ginto o ang kabaliktaran ay kinakailangan na kunin ang kapalit kaagad-agad at ang bilihang iyon ay hindi magiging patubong ipinagbabawal at pagtitindang walang-saysay. Kaya naman hindi ipagbibili ang ginto kapalit ng pilak ni ang pilak kapalit ng ginto malibang sa paraang kamay sa kamay at isasagawa ang abutan; hindi ipagbibili.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na magtinda ang isang taga-bayan para sa isang taga-ilang. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag pagbentahan ng lalaki ang pinagbebentahan ng kapuwa niya at huwag siyang mag-alok ng kasal sa napangakuan nito ng kasal. Huwag hilingin ng babae na diborsiyuhin ang kapatid niya upang lumuklok siya kinalalagyan nito."
Napagkaisahan ang katumpakanAng batas ng Islām ay masigasig sa pag-aalis ng bawat magdadahilan ng pag-aaway at pagkamuhi sa mga kasapi ng lipunang Muslim. Lumilitaw ito nang maliwanag sa pamamagitan ng tekstong ito. Ipinagbawal nito ang pagdaragdag sa presyo ng paninda kung walang layuning bilhin at para lamang sa kapakinabangan ng nagtitinda sa pamamagitan ng pagdagdag sa presyo o pamiminsala sa mamimili sa pamamagitan ng pagpapamahal ng paninda para sa kanya. Ipinagbawal ito dahil sa ibinubunga nitong pagsisinungaling, pandaraya sa mga mamimili, at pagtataas ng presyo ng mga paninda sa pamamagitan ng panggugulang at panlilinlang. Ipinagbawal din na magtinda ang taga-bayan para sa taga-ilang ng paninda nito dahil ang taga-bayan ay nakatatalos sa presyo nito kaya naman wala nang matitirang anuman mula rito na pakikinabangan ng mga mamimili. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi: "Hayaan ninyo ang mga tao; tinutustusan ni Allāh ang iba sa kanila mula sa iba sa kanila." Kapag ipinagbili ito ng may-ari nito, makapagdudulot ito ng isang bahagi ng kaluwagan sa mga mamimili. Ang pagbabawal sa pagtitinda ng taga-bayan para sa taga-ilang ay dahil nagdudulot ito ng panggigipit sa mga nananahan. Ang pagbabawal sa pag-aalok ng kasal sa babaing inaalok na ng kasal ng kapuwa niya ay hanggang sa malaman na ang naunang nag-alok ay tinanggihan sa alok niya at hindi tinugon. Ito ay dahil nagdadahilan ang pag-alok ng kasal sa babaing inalok na ng iba ng pag-aawayan, pagkamuhi, at pagkakaharap sa pagputol ng panustos ni Allāh. Ang pagbabawal sa paghiling ng babae sa asawa niya na diborsiyuhin nito ang isa pang maybahay nito o ang pagpapainis dito roon o ang pagpapasigalot sa kanilang dalawa upang maganap ang masama sa pagitan nila ay ipinagbabawal dahil sa tinataglay nito na malalaking kasiraang gaya ng pagbubunsod ng mga awayan, pagdudulot ng pagkamuhi, at pagkaputol ng panustos sa babaing diniborsiyo na sa literal na kahulugan ng ḥadīth ay tinaguriang ang pagtataob sa anumang nasa lalagyan niya na mabuti na ang dahilan nito ay ang pag-aasawa at ang anumang inoobliga nito na paggugol, pagpapadamit, at iba pa na bahagi ng mga karapatang pangmag-asawa.
Ayon kay Abū Al-Minhāl: "Tinanong ko sina Al-Barrā’ bin `Āzib at Zayd bin Arqam tungkol sa palitan ng ginto't pilak sapagkat ang bawat isa ay nagsasabi: Ito ay higit na mabuti para sa akin, at ang kapwa sa kanila ay nagsasabi: Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagtitinda ng ginto kapalit ng pilak bilang utang."
Napagkaisahan ang katumpakanTinanong ni Abū Al-Minhāl sina Al-Barrā’ bin `Āzib at Zayd bin Arqam tungkol sa hatol sa palitan, ang pagbibilihan ng mga paninda. Bahagi ng pag-iwas nilang dalawa sa kasalanan, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, nagsimula silang dalawang magpalitan ng fatwā. Hinahamak ng bawat isa sa kanilang dalawa ang sarili niya sa tabi ng kasama niya subalit nagkaisa silang dalawa sa pagkakatanda nilang dalawa na: ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay sumaway sa pagtitinda ng ginto kapalit ng pilak bilang utang dahil sa pagkakasama nila sa kadahilanan ng patubo kaya sa sandaling iyon ay kailangan ang abutan sa lugar ng transaksyon dahil kung hindi, hindi tutumpak ang palitan at magiging isang patubo sa pamamagitan ng nasī’ah (pagpapaliban sa pagbabayad). Tawag-pansin: Ang patubo (ribā) ay transaksyong pampananalaping ipinagbabawal. Nahahati ito sa dalawang bahagi: Una: ang patubo sa mga pautang, na nagdaragdag sa kantidad ng utang, na naunang itinakda kapalit ng pagdaragdag sa taning ng pagbabayad; ikalawa: ang patubo sa mga pagtitinda, na pagdaragdag o pagpapaliban sa pagbabayad sa mga takdang uri ng paninda. Tinatawag ang mga uri ng pagpapatubo na ganito, tulad ng ginto kapalit ng ginto at trigo kapalit ng trigo.
Ayon kay Abū Bakrah Nufay` bin Al-Ḥārith Ath-Thaqafīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagtitinda ng pilak kapalit ng pilak, at ng ginto kapalit ng ginto malibang kapantay kapalit ng kapantay. Ipinag-utos niya sa amin na bumili kami ng pilak kapalit ng ginto papaano man namin loobin at bumili ng ginto kapalit ng pilak papaano man namin loobin." May nagsabi: "Kaya tinanong siya ng isang lalaki at nagsabi: Abutan? Nagsabi siya: Gayon ang narinig ko."
Napagkaisahan ang katumpakanYayamang ang pagtitinda ng ginto kapalit ng ginto at ng pilak kapalit ng pilak habang nagkakaibahan sa timbang ay patubo, ipinagbawal niya ang bilihang hindi magkapantay ang timbang ng pambili sa timbang ng binili. Ang pagtitinda naman ng ginto kapalit ng pilak o ng pilak kapalit ng ginto ay walang masama kahit pa nagkakaibahan sa timbang alinsunod sa kundisyong kinakailangan sa katumpakan ng pagtitindang iyon ang abutan sa lugar ng transaksiyon - at kung hindi ito ay magiging ipinagbabawal na patubong nasī'ah - dahil tunay na kapag nagkaiba ang uri ay ipinahihintulot ang pagkakaibahan ng timbang ngunit nananatili ang kundisyon ng abutan ng paninda at bayad dahil sa ikadadahilan ng patubong nag-uugnay sa mga ito.
Ayon kay `Uthmān bin Abi Al-`Āṣṣ Ath-Thaqafīy (r): {Siya ay dumaing sa Sugo ni Allah (s) ng isang pananakit na natatagpuan niya sa katawan niya magmula ng umanib siya sa Islam, kaya naman nagsabi sa kanya ang Sugo ni Allah: "Maglagay ka ng kamay mo sa nananakit na bahagi ng katawan mo. Magsabi ka ng bismi -llāh (sa ngalan ni Allah) nang makatatlo. Magsabi ka nang pitong ulit ng: A`ūdhu bi-llāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu wa-uḥādhir (Nagpapakupkop ako kay Allah at sa kapangyarihan Niya laban sa kasamaan ng nararamdaman ko at pinangingilagan ko)."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimDinapuan si `Uthmān bin Abi Al-`Āṣṣ Ath-Thaqafīy (r) ng isang pananakit na halos magpasawi sa kanya kaya pinuntahan siya ng Propeta (s) upang dumalaw sa kanya at magturo sa kanya ng isang panalanging papawiin ni Allah buhat sa kanya ang bumaba sa kanya na karamdaman. Ito ay maglagay siya ng kamay niya sa parte na idinadaing niya, magsabi siya ng: "bismi -llāh (sa ngalan ni Allah)" nang makatatlo, pagkatapos magsabi siya nang pitong ulit na: "A`ūdhu (Nagpapakupkop ako) – dumudulog ako, nangungunyapit, at nagpapamuog ako – "billāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu (kay Allah at sa kapangyarihan Niya laban sa kasamaan ng nararamdaman ko)" – laban sa hapdi sa kasakulukuyang oras – "wa-uḥādhir (at pinangingilagan ko)" – at pinangangambahan kong mangyari sa hinaharap na kalungkutan at pangamba o laban sa pagpapatuloy ng karamdamang ito at pagkalat ng hapdi nito sa katawan.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Itinalaga lamang ang imām upang sundan kaya huwag kayong umiba sa kanya. Kapag nagsagawa siya ng takbīr, magsagawa kayo ng takbīr. Kapag yumukod siya, yumukod kayo. Kapag nagsabi siya ng Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Dinggin nawa ni Allāh ang sinumang nagpuri sa Kanya), magsabi kayo ng Rabbanā wa laka -lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri). Kapag nagpatirapa siya, magpatirapa kayo. Kapag nagdasal siya nang nakaupo, magdasal kayo nang mga nakaupong lahat.
Napagkaisahan ang katumpakanPinatnubayan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga Mananampalataya hinggil sa kasanhian ng pagtalaga sa imām. Ito ay upang tularan siya ng mga nagdarasal sa dasal nila. Hindi sila iiba sa kanya sa isa man sa mga gawain ng ṣalāh. Sinusubaybayan lamang ang mga paglipat niya ng posisyon ayon sa pagkakasunud-sunod. Kapag nagsagawa ang imām ng takbīr para sa pagpapasimula ng ṣalāh, magsagawa kayo ng gayon din. Kapag yumukod siya, yumukod kayo matapos niya. Kapag pinaalalahanan niya kayo na si Allāh ay tumutugon sa sinumang nagpuri sa Kanya sa pamamagitan ng pagsabi ng Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Dinggin nawa ni Allāh ang sinumang nagpuri sa Kanya), purihin ninyo Siya, pagkataas-taas Niya, sa pamamagitan ng pagsabi ng Rabbanā laka -lḥamd (Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri). Gayon din sa anumang nasaad sa ibang mga anyo, halimbawa: Rabbanā wa laka -lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri), Allāhumma rabbanā wa laka -lḥamd (O Allāh, Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri), at Allāhumma rabbanā laka -lḥamd (O Allāh, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri). Kapag nagpatirapa siya, sundan ninyo siya at magpatirapa kayo. Kapag nagdasal siya nang nakaupo dahil sa kawalang-kakayahan niya sa pagtayo, bilang pagsasakatuparan sa pagsunod, magdasal kayo nang mga nakaupo, kahit pa man kayo ay nakakakayang tumayo.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi ipinakakasal ang babaing dating nakapag-asawa hanggang sa nasangguni siya at hindi ipinakakasal ang birhen hanggang sa pinagpaalaman siya." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allah, kaya papaano po ang pagpapahintulot niya?" Nagsabi siya: "Na manahimik siya."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kasunduan ng pagpapakasal ay isang kasunduang mapanganib. Naipahihintulot sa asawa sa pamamagitan nito ang pinakamatindi sa pinag-iingatan ng babae: ang katawan niya. Sa pamamagitan ng kasunduang ito, siya ay magiging "bihag" sa piling ng asawa niya. Dahil dito, itinalaga para sa kanya ng Tagapagbatas na Makatarungan na Maawain na Marunong na makapili siya ng katambal ng buhay niya at na hirangin niya ito sa pamamagitan ng pagtingin niya sapagkat siya ang magnanais na makisama roon at siya ay higit na nakaaalam sa hilig niya at nais niya. Dahil dito, ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mag-asawa ang dati nang nakapag-asawa kapag hindi tinanggap ang utos niya at nag-utos siya. Ipinagbawal din ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagpapakasal sa birhen nang hindi hinihingi ang pahintulot niya roon din at nagpahintulot siya. Dahil sa nananaig ang hiya sa birhen, makasasapat mula sa kanya ang anumang higit na magaan sa pag-uutos. Ito ay ang pahintulot at makasasapat ang pananahimik niya bilang patunay sa pagkalugod niya.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao. Siya noon ay ang pinakagalante sa Ramaḍān kapag nakikipagtagpo sa kanya si Anghel Gabriel. Siya noon ay nakikipagtagpo rito sa bawat gabi ng Ramaḍān saka nakikipag-aralan siya rito ng Qur'ān. Kaya talagang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa kabutihan kaysa sa hanging isinugo.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakadakila sa mga tao sa pagkamapagbigay. Siya noon ay nagpaparami ng pagkamapagbigay niya sa buwan ng Ramaḍān yayamang siya noon ay nagbibigay ng nararapat sa sinumang nararapat. Ang kadahilanan sa karagdagan ng pagkamapagbigay niya ay dalawang bagay: A. Ang pakikipagkita niya kay Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga). B. Ang pakikipag-aralan niya ng Qur'ān, na pagbigkas ng Qur'ān buhat sa memorya. Nakikipag-aralan sa kanya si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ng lahat ng bumaba mula sa Qur'ān. Talagang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pinakamapagbigay, pinakamarami sa pagbibigay at sa paggawa ng kabutihan, at pinakamabilis sa pagpapakinabang sa nilikha kaysa sa kaaya-ayang hangin na isinugo ni Allāh kalakip ng saklolo at awa.
Ayon kay Aieshah-malugod si Allah sa kanya-siya nagsabi:Hindi ginawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na mag-ayuno ng maraming beses sa mga buwan maliban sa Sha`ban,Sapagkat siya ay nag-aayuno sa lahat ng (Araw) Sha`ban.At sa isang salaysay: Siya ay nag-aayuno sa (Araw ng) Sha`ban maliban sa iilang araw lamang.
Napagkaisahan ang katumpakanAyon kay Aieshah-malugod si Allah sa kanya-siya nagsabi:Hindi ginawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na mag-ayuno ng maraming beses sa mga buwan maliban sa Sha`ban,Sapagkat siya ay nag-aayuno sa lahat ng (Araw) Sha`ban.At sa isang salaysay: Siya ay nag-aayuno sa (Araw ng) Sha`ban maliban sa iilang araw lamang.Ang Pangalawa(Hadith) ay nagbibigay kahulugan sa Una(Hadith),at nagpapahayag na; ang sinabi nito na "lahat" ay;karamihan dito, At ang sinasabi na "Siya ay nag-aayuno sa lahat (ng Araw) ng Sha`ban sa oras na yaon,at Nag-aayuno sa ilang araw nito sa ibang taon.", At sinasabi din na" Siya ay nag-aayuno minsan sa unang lingo nito,at minsan ay sa huling lingo nito,at minsan ay sa pagitan ng dalawang ito," At hindi niya hinahayaan dito na hindi siya makapag-ayuno sa mga taon,Kaya dahil dito, nararapat sa mga tao na paramihin ang pag-aayuno sa buwan ng Sha`ban,na higit na marami sa ibang buwan.Sapagkat ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-aayuno dito,At ang layunin doon ay ang paghaharap sa(pagsapit ng )Ramadhan,tulad ng pagsasagawa ng (Kusang-loob na dasal) Rawatib sa paghaharap(pagsapit ng) sa Dasal na Obligado.At sinasabi din: Sa paglalaan sa buwan ng Sha`ban ng maraming pag-aayuno,sapagkat dito ay itinataas ang mga gawain ng lingkod niya,tulad ng napatunayan sa Sunnah.