





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang bawat isa sa inyo ay tagapangalaga saka pinananagot sa alaga niya. Kaya ang pinuno sa mga tao ay tagapangalaga at siya ay pinananagot sa kanila. Ang lalaki ay tagapangalaga sa sambahayan niya at siya ay pinananagot sa kanila. Ang babae ay tagapangalaga sa bahay ng asawa niya at anak nito at siya ay pinananagot sa kanila. Ang pinapanginoon ay tagapangalaga sa ari-arian ng amo niya at siya ay pinananagot dito. Pansinin, bawat isa sa inyo ay tagapangalaga at bawat isa sa inyo ay pinananagot sa alaga niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa bawat Muslim sa lipunan ay may pananagutang pangangalagaan niya at papasanin niya. Ang tagapanguna at ang pinuno ay tagapangalaga sa ipinangalagaan sa kanya ni Allāh kaya kailangan sa kanya ang mag-ingat sa mga batas nila, ang magsanggalang sa kanila laban sa nang-api sa kanila, ang makibaka sa kaaway nila, at ang hindi magwala sa mga karapatan nila. Ang lalaki sa sambahayan niya ay naatangan ng pagsasagawa sa kanila ng paggugol, kagandahan ng pakikisama, pagtuturo sa kanila, at pagdisiplina sa kanila. Ang babae sa bahay ng asawa niya ay tagapangalaga sa pamamagitan ng kagandahan ng pangangasiwa sa bahay nito at pagpapalaki sa mga anak nito. Siya ay pinananagot doon. Ang tagapaglingkod na minamay-ari o ang upahan ay pinananagot sa ari-arian ng amo niya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pag-iingat sa anumang nasa kamay niya mula sa amo at paglilingkod dito. Siya ay pinananagot doon. Kaya ang bawat isa ay tagapangalaga sa ipinangalagaan sa kanya at ang bawat isa ay pinananagot sa alaga niya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag nag-amen ang imām ay mag-amen kayo sapagkat tunay na ang sinumang natapat ang pag-amen niya sa pag-amen ng mga anghel ay magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinag-utos sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mag-amen kapag nag-amen ang imām dahil iyon ay ang oras ng pag-amen ng mga anghel at ang sinumang natapat ang pag-amen niya sa pag-amen ng mga anghel ay magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa Munābadhah. Ito ay ang paghagis ng lalaki ng damit niya sa pagtitinda sa lalaki bago nakapagsuri iyon dito o nakatingin iyon dito. Ipinagbawal niya ang Mulāmasah. Ang Mulāmasah ay ang pagsalat ng lalaki sa damit nang hindi tumitingin dito."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagtitindang may panlilinlang dahil sa natatamo rito na kapinsalaan sa isa sa nagbibilihan sa pamamagitan ng pagkadaya sa pagtitinda niya o pagbili niya. Iyon ay gaya ng kapag ang paninda ay hindi alam ng nagtitinda o ng mamimili o nilang dalawa. Kabilang dito ang pagtitindang munābadhah kung saan ihinahagis ng tindero ang damit, halimbawa, sa mamimili at napagkakasunduan nila ang bilihan bago natingnan ito o nasuri. Ang tulad nito ay ang mulāmasah gaya ng pagbabatay nila sa pagbibilihan sa paghipo ng damit, halimbawa, bago natingnan ito o nasuri. Ang dalawang paraan ng pagbiling ito ay humahantong sa kawalang-kaalaman at pagkalinlang sa binibili. Ang isa sa nagbibilihan ay nasa ilalim ng panganib bilang nakalalamang o nalalamangan kaya pumapasok sila sa usapin ng sugal na ipinagbabawal.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagtitinda ng mga bunga hanggang sa mahinog. Sinabi: "Ano po ang mahinog?" Nagsabi siya: "Hanggang sa mamula." Nagsabi siya: "Ano sa tingin mo kung pinigilan ni Allāh ang [paghinog ng] bunga? Dahil sa ano itinuturing ng isa sa inyo na ipinahihintulot ang ari-arian ng kapatid niya?"
Napagkaisahan ang katumpakanAng mga bunga ay nahaharap sa maraming peste bago lumitaw ang kaangkupan ng mga ito. Sa pagtitinda ng mga ito ay walang kabutihan para sa mamimili sa panahong iyon kaya pinagbawalan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang tindero at ang mamimili sa pagtitinda ng mga iyon hanggang sa mahinog. Iyon ay ang paglitaw ng kaangkupang ang patunay nito sa bunga ng datiles ay ang pamumula o ang paninilaw. Pagkatapos ay binigyang-dahilan ng tagapagbatas ang pagbabawal sa pagbibilihan ng mga ito na kung sakaling pinuntahan ang mga ito ng isang peste o ang ilan sa mga ito, dahil sa ano magiging ipinahihintulot para sa iyo, o tindero, ang salapi ng kapatid mong mamimili? Papaano mong kukunin ito nang walang panumbas na pakikinabangan niya?
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagbibili ng bunga hanggang sa lumitaw ang kaangkupan nito. Ipinagbawal niya sa tagapagbili at tagapamili.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagbibili ng mga bunga hanggang sa lumantad ang kahinugan nito at ipinagbawal niya iyon sa tagapagtinda at tagapamili.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nagkawanggawa ng katumbas ng isang datiles mula sa mabuting kinita - at hindi tumatanggap si Allah malibang mabuti - tunay na si Allah ay tatanggap niyon sa pamamagitan ng kanang kamay Niya. Pagkatapos ay alalagaan Niya ito para sa nagbigay nito gaya ng pag-aalaga ng isa sa inyo ng kabayong guya niya hanggang sa maging tulad ng bundok."
Napagkaisahan ang katumpakanAng sinumang nagkawanggawa ng tulad sa halaga ng isang datiles na ḥalāl na walang halong pandaraya at panlilinlang yamang hindi tatanggapin ni Allah kung hindi ḥalāl na mabuti, tunay na si Allah ay tatanggap niyon sa pamamagitan ng kanang kamay Niya. Ito ay ayon sa nakalitaw ng kahulugan nito gaya ng naaangkop sa Kanya, napakadakila Niya, nang walang pagpapakahulugan, ni paglilihis. Ang ibig sabihin ay tinanggap Niya ito mula sa kanya gaya ng nasa sanaysay ni Imām Muslim. Palalaguin Niya ito at pag-iibayuhin ang gantimpala gaya ng pag-aalaga ng isa sa inyo ng guyang kabayo o anak ng kabayo hanggang sa lumaki ito.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Ang sinumang makakakaya sa pagpapamilya ay mag-asawa siya sapagkat tunay na ito ay higit na pumipigil sa [bawal na] tingin at higit na nangangalaga sa ari. Ang sinumang hindi makakakaya, kailangan sa kanya ang pag-aayuno sapagkat tunay na ito para sa kanya ay pampigil."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoHumimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nakakakaya sa pakikipagtalik at mga gugulin ng pagpapakasal na mag-asawa sapagkat tunay na ito ay higit na mapag-ingat sa paningin niya laban sa bawal at higit na matindi sa pangangalaga ng kalinisang-puri ng ari niya bilang pagpigil sa pagkakasadlak sa mahalay. Ang sinumang hindi nakakakaya sa mga gugulin ng pagpapakasal samantalang siya ay nakakakaya sa pakikipagtalik, maaari sa kanya ang mag-ayuno sapagkat tunay na ito ay pumuputol sa pagnanasa ng ari.
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: (( Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa mga tao,pagaanin niya ito,sapagkat kabilang sa kanila ang mahina,may sakit,at may pangangailangan,Subalit kapag nagdasal kayo [mag-isa] sa sarili ninyo,habaan niya ito hanggang sa kanyang naisin))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinag-utos ng Propeta sa mga Nasyon na pagaanin ang pagdadasal,ayon sa naaangkop sa Sunnah,At ipinaliwang niya rito, na ang mga nasa likod nila ay may nakikita ang kahinaan,walang lakas,at sa kanila ay may sakit,at sa kanila ay may pangangailangan,Subalit kapag sila ay nagdasal mag-isa,kapag ninais ng isa sa kanila ay pahabain niya ito,at kapag ninais naman niya,ay pagaanin niya ito.
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kaingat kayo sa pagpasok sa kinaroroonan ng mga babae." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa Anṣār: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka po ba sa lalaking kapatid ng asawa?" Nagsabi siya: "Ang lalaking kapatid ng asawa ay ang kamatayan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbigay-babala ang Propeta (s) laban sa pakikipaghalubilo sa mga babaing estranghera. Nagsabi siya: "Mangilag kayo sa mga sarili ninyo na pumasok kayo sa kinaroroonan ng mga babae at ang mga babae na pumasok sila sa kinaroroonan ninyo." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa Anṣār: "Kaya nagsaalang-alang ka po ba sa mga lalaking kamag-anak ng asawa gaya ng lalaking kapatid ng asawa, lalaking anak ng lalaking kapatid niya, tiyuhin niya, lalaking anak ng tiyuhin niya, lalaking anak ng babaing kapatid niya, at tulad nila kabilang sa mga pinapayagan para sa babae na mapangasawa kung sakaling siya ay hindi nakapag-asawa?" Kaya nagsabi ang Propeta (s): "Mag-ingat kayo sa kanya kung paanong nag-iingat kayo sa kamatayan dahil ang pakikipagsarilihan sa mga lalaking kapatid ng asawa ay nagpapahantong sa tukso at kapahamakan sa buhay panrelihiyon. Ang mga lalaking kamag-anak ng asawa na iba pa sa ama at lolo niya at mga lalaking anak niya ay higit na marapat sa pagbabawal kaysa sa estranghero dahil ang pakikpagsariihan sa lalaking kamag-anak ng asawa ay higit sa panganib kaysa sa iba pa sa kanya. Ang kasamaan ay inaasahan mula sa kanya higit sa iba pa sa kanya. Ang tukso sa kanya ay higit na posible dahil sa pagkaposible sa kanya sa pagkaugnay sa babae at pakikipagsarilihan dito nang walang isang nagmamasama sa kanya at dahil siya ay hindi naiiwasan at hindi naisasaposible ang pagharang sa kanya palayo sa babae yayamang umiral ang kaugalian ng pagwawalang-bahala sa kanya kaya nakakapagsariihan ang lalaki sa maybahay ng kapatid niya, kaya naman siya ay nakawawangis ng kamatayan sa pagsasapangit at katiwalian, na kasalungatan ng lalaking estranghero sapagkat ito ay napag-iingatan.