





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang naligo sa araw ng Biyernes ng paligo ng janābah, pagkatapos pumunta, ay para bang nag-alay siya ng isang kamelyo. Ang sinumang pumunta sa ikalawang yugto ay para bang nag-alay siya ng isang baka. Ang sinumang pumunta sa ikatlong yugto ay para bang nag-alay siya ng isang tupang may sungay. Ang sinumang pumunta sa ikaapat na yugto ay para bang nag-alay siya ng isang manok. Ang sinumang pumunta sa ikalimang yugto ay para bang nag-alay siya ng isang itlog. Kapag lumabas ang imām, dadalo ang mga anghel upang makinig sa pag-aalaala [kay Allāh]."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kainaman ng maagang pagpunta sa ṣalāh sa Biyernes. Nagsisimula ang maagang pagpunta mula sa pagsikat ng araw hanggang sa pagdating ng imām. Ito ay limang yugto. Nahahati ang mga ito sa limang bahagi alinsunod sa oras sa pagitan ng pagsikat ng araw hanggang sa pagpasok ng imām at pag-akyat niya sa mimbar para sa khuṭbah: A. Ang sinumang naligo ng isang kumpletong paligo gaya ng pagpaligo ng janābah, pagkatapos pumunta siya sa masjid ng ṣalāh sa Biyernes sa unang yugto, para bang nagkawanggawa siya ng isang kamelyo. B. Ang sinumang pumunta sa ikalawang yugto, para bang nagkawanggawa siya ng isang baka. C. Ang sinumang pumunta sa ikatlong yugto, para bang nagkawanggawa siya ng isang tupa – lalaking tupa na may sungay. D. Ang sinumang pumunta sa ikaapat na yugto, para bang nagkawanggawa siya ng isang manok. E. Ang sinumang pumunta sa ikalimang yugto, para bang nagkawanggawa siya ng isang itlog. Kapag lumabas na ang imām para sa khuṭbah, tumitigil ang mga anghel na nakaupo sa mga pinto sa pagtatala ng mga pumapasok sa masjid ayon sa pagkakasunud-sunod at pumupunta sila upang makinig sila sa dhikr at khuṭbah.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang pupunta kabilang sa inyo sa ṣalāh sa Biyernes ay maligo siya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbibigay-diin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagnais na pumunta sa ṣalāh sa Biyernes, tunay na isinakaibig-ibig para sa kanya na maligo siya tulad ng pagpaligo para sa janābah.
Ayon kay Abe Hurayrah- malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinuman Ang magsaksi ng ililibing hanggang sa maipanalangin ito,mapapa sa kanya Ang Qiraat (malaking gantimpala),at sinuman ang magsaksi nito hanggang sa mailibing,mapapa sa kanya ang dalawang Qiraat (malaking gantimpala),Sinabi sa kanya;Ano ang dalawang Qiraat? Sinabi niya; Katulad ng dalawang malaking bundok)), At Ayon sa ulat ni Imam Muslim; (( Ang pinaka maliit sa dalawang ito ay tulad ng bundok ng Uhod))
Napagkaisahan ang katumpakanAng Allah Napaka-Mapagpala Niya at Pagkataas-taas Niya ay ubod ng kabaitan sa mga lingkod Niya,at iniibig Niya na ipamalas sa kanila ang mga dahilan ng kapatawaran,Kung kaya`t naisaad ang pangangaral sa pagdarasal sa patay at ang pagsaksi rito.Sapagkat ito ay pamagitan at magiging dahilan sa Habag Niya.Kaya`t ginawa Niya sa sinumang magdasal rito ang Qiraat (malaking gantimpala) mula sa mga gantimpala,at sa sinumang magsaksi nito hanggang sa paglibing ay iba pang Qiraat (malaking gantimpala),at ito ay napakalaking halaga ng gantimpala at napag-alaman ang halaga nito kay Allah-Pagkataas-taas Niya.At nang naging lingid sa mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-ang halaga nito,ihinambing ito ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pinaka malapit na pag-uunawa nila,Na ang bawat Qiraat ay tulad ng malaking bundok,dahil sa napapaloob rito na pagsasagawa sa karapatan ng kapatid nitong Muslim at pananalangin niya sa kanya,At ang pagpapa-alala sa kayamanan at pagmamalaki ng mga Puso ng Ahlul Bayt at iba pa sa mga ito na may kabutihan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpahusay sa pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos pumunta sa [ṣalāh sa] Biyernes saka nakinig at nanahimik, patatawarin para sa kanya ang [kasalanang] nasa pagitan niya at ng Biyernes, at may karagdagan ng tatlong araw. Ang sinumang sumaling ng mga munting bato ay naglilikot nga."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpahusay sa pagsasagawa ng wuḍū' niya sa pamamagitan ng paglubos sa mga haligi nito at pagsasagawa ng mga sunnah nito at mga etiketa nito, pagkatapos pumunta sa ṣalāh sa Biyernes, tumahimik, nakinig sa khaṭīb, at nanahimik, magpapatawad si Allāh sa kanya sa maliliit sa mga pagkakasala nang sampung araw: mula sa ṣalāh sa Biyernes hanggang sa kasunod na Biyernes at may karagdagan ng tatlong araw dahil ang magandang gawa ay tinutumbasan ng sampung tulad nito. Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa kawalan ng pagtuon ng puso sa sinasabi sa khuṭbah na mga pangaral at laban sa pangangalikot ng mga bahagi ng katawan gaya ng paghipo ng bato o iba pa rito kabilang sa mga uri ng pangangalikot at pagkaabala sa iba, na ang sinumang gumawa niyon ay naglilikot nga. Ang sinumang naglilikot ay walang bahagi sa kanya sa pabuya sa buong Biyernes.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pumunta sa umaga sa masjid o pumunta sa gabi, maghahanda si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng isang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya sa gabi."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbalita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nakagagalak sa sinumang pumupunta sa masjid para sa pagsamba o kaalaman o para sa iba pa roon kabilang sa mga pagpapakay ng kabutihan sa alinmang oras: sa simula ng maghapon o sa wakas nito, na si Allāh ay naglaan nga para sa kanya ng isang lugar at isang pagpapanauhin sa Paraiso sa tuwing dumarating siya sa masjid sa isang gabi o isang maghapon.
Ayon kay Abē Mūsā Al-Ash`arīy-malugod si Allah sa kanya-((Sinuman ang dumaan sa mga bagay mula sa aming mga Masjid,o tindahan, at sa kanya ay may palaso,hawakan niya ito o hawakan niya ang ulo ng palaso sa kamay niya,upang hindi tamaan ang isa sa mga muslim mula sa mga bagay na ito))
Napagkaisahan ang katumpakanSinuman ang dumaan sa mga Masjid at mga tindahan at sa mga lugar na pinagtitipunan ng mga muslim at sa kanya ay may sandata mula sa palaso o maliban pa rito,tunay na hawakan niya ito at higpitan niya ang paghawak dito ng mabuti,upang hindi ito tumama sa sinuman sa mga muslim
Ayon kay `Abdullāh bin Salām (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, napasugod ang mga tao sa dako niya at sinabi: "Dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), dumating ang Sugo ni Allāh, dumating ang Sugo ni Allāh" nang tatlong ulit. Kaya dumating ako sa mga tao upang tumingin. Noong nakaaninag ako sa Mukha niya, nalaman ko na ang mukha niya ay hindi isang mukha ng isang palasinungaling. Ang kauna-unahang bagay na narinig ko na sinalita niya ay na nagsabi siya: "O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, magpakain kayo ng pagkain, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog; papasok kayo sa Paraiso nang may kapayapaan."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNoong dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah at nakita siya ng mga tao, nagmamabilis na dumako sila sa kinaroroonan niya. Kabilang sa dumako sa kanya ay si `Abdullāh bin Salām (malugod si Allāh dito), na kabilang noon sa mga Hudyo. Noong nakita nito siya, nalaman nito na ang mukha niya ay hindi isang mukha ng isang palasinungaling dahil sa lumilitaw sa kanya na liwanag, karikitan, at tapat na anyo. Ang kauna-unahang bagay na narinig nito mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay na siya ay humimok sa mga tao sa mga gawaing magiging isang kadahilanan sa pagpasok sa Paraiso. Kabilang sa mga ito: A. Ang pagpapalaganap ng pagbati ng kapayapaan, ang paghahayag nito, at ang pagpaparami nito sa sinumang nakilala mo at hindi mo nakilala. B. Ang pagpapakain ng pagkain sa pamamagitan ng kawanggawa, regalo, at pagpapanauhin. C. Ang pakikipag-ugnayan sa mga kaanak sa mga nauugnay ka sa kanila sa pagkaanak o pagkakamag-anak sa parte ng ama o ina. D. Ang pagsasagawa ng kusang-loob na ṣalāh na qiyāmullayl habang ang mga tao ay tulog.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya: "Alin sa mga tao ang pinakamainam, o Sugo ni Allah? Nagsasabi siya: mananampalatayang nakikibaka sa pamamagitan ng sarili niya at yaman niya tungo sa landas ni Allah. Nagsabi ito: Pagkatapos ay sino? Nagsabi siya: pagkatapos ay isang lalaking nagsasarili sa isa sa mga daanan [sa pagitan ng mga bundok], na sumasamba sa Panginoon niya." Sa isang sanaysay: "nangingilag magkasala kay Allah at nagkakait sa mga tao ng kasamaan niya."
Napagkaisahan sa katumpakan at ang pananalita ay ayon sa kay Imām MuslimTinanong ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kung alin sa mga lalaki ang pinakamainam. Nilinaw niya na siya ay ang lalaking nakikibaka sa landas ni Allah sa pamamagitan ng yaman niya at sarili niya. Sinabi: Pagkatapos ay sino? Nagsabi siya: isang lalaking mananampalataya na nasa isang daanan sa pagitan ng mga bundok, na sumasamba kay Allah at hindi ginagawan ang mga tao ng kasamaan. Ibig sabihin siya nagsasagawa ng pagsamba kay Allah, nagpipigil sa paggawa ng masama sa mga tao, at hindi nagnanais na dumanas ang mga tao ng kasamaan mula sa kanya.
Ayon kay Abe Ali Talaq bin Ali-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-((Kapag inanyayahan ng lalaki ang asawa nito sa pangangailangan niya,ay nararapat na paunlakan niya ito,kahit na siya ay nasa Bangan))
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyKapag pinaki-usapan ng lalaki ang asawa nito na makipag-talik,nararapat sa kanya na tumugon rito kahit na ito ay abala sa trabaho at walang ibang makakagawa nito liban sa kanya,katulad ng paggawa ng tinapay at pagluluto.