





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang kumain ng bawang o sibuyas ay magpakalayu-layo siya sa amin." – o nagsabi: "ay magpakalayu-layo siya" – "sa masjid namin at manatili siya sa bahay niya."} Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dinalhan ng isang kaldero na may mga gulay mula sa mga legumbre. Nakatagpo siya rito ng isang amoy kaya nagtanong siya. Ipinabatid sa kanya hinggil sa narito na mga legumbre kaya nagsabi siya na ilapit ito sa isa sa mga kasamahan niya na kasama niya. Noong nakita niyon ito, nasuklam iyon na kainin ito. Nagsabi siya: "Kumain ka sapagkat ako ay nakikipagniig sa kanya na hindi ka nakikipagniig."} Batay kay Imām Muslim, ayon kay Jābir bin `Abdillāh, ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang kumain mula sa legumbreng ito: ang bawang," – nagsabi siyang muli – "ang sinumang kumain ng sibuyas, bawang, at puero ay huwag nga siyang lalapit sa masjid natin sapagkat tunay na ang mga anghel ay napeperhuwisyo mula sa ikinapeperhuwisyo ng mga anak ni Adan."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang kumain ng bawang o sibuyas na huwag pumunta sa masjid nang sa gayon hindi ito makaperhuwisyo sa mga kapatid nito na mga dumadalo sa ṣalāh sa konggregasyon dahil sa amoy ng dalawang iyan. Iyon ay isang pagsaway ng pag-iwas sa pagpunta sa masjid hindi sa pagkain ng dalawang iyan dahil ang dalawang iyan ay kabilang sa mga pagkaing pinapayagan. Dinalhan nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang kalderong may mga gulay; ngunit noong nakaamoy siya rito ng isang amoy at ipinabatid sa kanya hinggil sa narito, tinanggihan niya ang pagkain nito at inilapit ito sa isa sa mga Kasamahan niya upang kumain mula rito ngunit nasuklam iyon sa pagkain bilang pagtulad sa kanya. Kaya noong nakita iyon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagsabi siya: "Kumain ka sapagkat tunay na ako ay nakikipagniig sa mga anghel sa pamamagitan ng pagkasi." Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga anghel ay napeperhuwisyo sa mga masamang amoy kung paanong napeperhuwisyo ang mga tao sa mga iyon.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: May nakatalaga noon sa pasanin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na isang lalaking tinatawag na Kirkirah at namatay ito. Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Siya ay [papasok] sa Impiyerno." Kaya pumunta sila upang tingnan dahilan nito. Nakatagpo sila ng isang balabal na inumit nito.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyMay nakatalaga sa mga abubot ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na isang lalaking ang pangalan ay Kirkirah at namatay ito. Ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na siya ay mapupunta sa Impiyerno upang pagdusahin dahil sa pagsuway niya o na siya ay mapupunta sa Impiyerno kung hindi magpapaumanhin sa kanya si Allah. Kaya pumunta ang mga Kasamahan upang saliksikin ang dahilan kaugnay roon. Nakatagpo sila ng isang balabal na ninakaw niya mula sa mga nasamsam sa digmaan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Sa tingin ba ninyo kung sakaling may isang ilog sa tabi ng pinto ng isa sa inyo, na naliligo siya mula rito sa bawat araw nang limang ulit, magsasabi ka bang iyon ay magtitira pa mula sa karumihan niya?" Nagsabi sila: "Hindi po iyon magtitira mula sa karumihan niya ng anuman." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay tulad ng limang ṣalāh: nagpapawi si Allāh sa pamamagitan ng mga ito ng mga kasalanan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagwangis ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa limang ṣalāh sa bawat araw at gabi sa pag-aalis ng mga ito at pagtatakip-sala ng mga ito sa maliliit sa mga pagkakasala at mga pagkakamali sa isang ilog sa tabi ng pinto ng tao, na naliligo siya mula rito sa bawat araw nang limang ulit kaya walang natitira mula sa karumihan niya at pagkamarumi niya na anuman.
Ayon kay Zayd bin Arqam-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:(( Kami ay nagsasalita sa oras ng pagdadasal,kinakausap ng isang lalaki ang kasamahan nito habang ang nasa tabi niya ay nasa pagdarasal,hanggang sa naipahayag ang: (( At inyong isagawa ang pagdadasal na may pagpapakumbaba kay Allah)) Napag-utusan kami na manahimik at napagbawalan kami sa pagsasalita))
Napagkaisahan ang katumpakanAng pagdadasal ay koneksiyo sa pagitan ng alipin at Panginoon niya,Hindi nararapat na maging abala ang nagdadasal sa [mga bagay na walang kinalaman] sa pananalangin kay Allah,Ipinapahayag ni Zayd bin Arqam malugod si Allah sa kanya-Na ang mga Muslim sa unang gawain nila ay nagsasalita sa oras ng pag-aalay ng dasal,sa abot ng pangangailangan nila sa pagsasalita,Tunay na ang isa sa kanila ay kinaka-usap ang kasamahan niya sa tabi niya tungkol sa pangangailangan niya,At ito ay naririnig ng Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ngunit hindi niya ito ipinagbawal sa kanila, At nang mangyaring ang pag-uusap sa mga likha ay nakakaabala sa pananalangin kay Allah sa oras ng pagdarasal,Ipinag-utos sa kanila ni Allah-Mapagpala Siya at Pagkataas-taas-ang Pangangalaga sa mga Dasal,at Nag-utos Siya sa kanila ng Pananahimik at nagbawal sa kanila ng Pagsasalita, Ipinahayag ni Allah Pagkatas-taas Niya:{ Inyong pangalagaan ang pag-aalay ng Dasal,Lalung-lalo na ang pagdarasal sa Panggitnang panalangin o Panghapong pagdarasal [ Dasal ng Al-`Asr],At inyong isagawa ang Dasal na may pagpapakumbaba kay Allah}Napag-alamn ng mga kasamahan ng Propeta rito ang pagbabawal sa kanila sa pagsasalita sa oras ng pag-aalay ng dasal at tinigilan nila ito,Malugod si Allah sa kanila.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.(( Tunay na ang Araw ay naglaho sa panahon ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagpadala siya ng Mananawag na magtatawag ng dasal sa pangkalahatan,Nagtipon-tipon sila at nanguna siya,at Nagdakila [sa Allah] at nagdasal sa apat na tindig ng dalawang tindig at apat na pagpapatirapa))
Napagkaisahan ang katumpakanNaglaho ang Araw ay sa panahon ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagpadala siya ng Mananawag sa mga daanan at mga palengke,tumatawag sa mga tao (Sa dasal na pangkalahatan),upang makapagdasal sila,at nananalangin siya sa Allah,mapagpala siya at pagkataas-taas.na patawarin sila at maging habag sa kanila,at mapanatili sa kanila ang mga biyaya hayag at lingid.At nagtipon-tipon sila sa Masjid niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at nanguna siya sa kinalalagyan niya sa pinagdadasalan niya sa kanila,Nagdasal siya sa kanila ng dasal na walang katulad niya sa mga naka-ugalian ng mga tao sa pagdarasal nila,dahil sa mga likas na palatandaan na hindi pangkaraniwan;kayat ito ay walang Iqamah,Nagdakila siya [sa Allah] at nagdasal ng dalawang tindig sa dalawang pagpapatirapa at dalawang tindig sa dalawang pagpapatirapa,ibig sabihin ay;sa bawat tindig ay may dalawang pagyuyuko at dalawang pagpapatirapa.
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya,siya ay nagsabi:(( Sa bawat gabi ay nagdadasal ng Witr ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: mula sa unang gabi,at kalagitnaan nito at huli nito,at natatapos ang pagdadasal niya ng Witr sa huling bahagi ng gabi.))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayg ni `Aishah,ina ng mga mananampalataya,malugod si Allah sa kanya-ang oras na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal ng Witr dito sa gabi,at tunay na siya ay hindi nagtatalaga ng oras liban sa iba,Sa bawat mga oras ng gabi ay nagdadasal siya ng Witr,Minsan ay sa unang (bahagi nito) sa oras na nagdadasal siya ng Eishah at sa anumang naisin ni Allah pagkatapos nito,at minsan ay sa kalagitnaan nito pagkalipas ng unang ikatlong bahagi,at minsan ay sa panghuli nito pagkalipas ng dalawang ikatlong bahagi hanggang sa pagsapit ng huling oras ng gabi.
Ayon kay `Amr bin Shu`ayb, ayon sa ama niya, ayon sa lolo niya na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-utos kayo sa mga anak ninyo ng pagdarasal kapag sila ay pitong taong gulang. Mamalo kayo sa kanila dahil [sa pagkukulang] dito kapag sila ay sampung taong gulang. Magpahiwalay kayo sa kanila sa mga higaan."}
Nagsalaysay nito si Imām Abū DāwudNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kailangan sa ama na mag-utos sa mga anak niya, na mga lalaki at mga babae, na magsagawa ng ṣalāh kapag ang mga edad nila ay pitong taon at magturo sa kanila ng kinakailangan nila para sa pagpapanatili nito. Kapag umabot sila sa edad na sampung taon, magdaragdag siya sa pag-uutos sapagkat mamamalo siya sa pagkukulang sa mga ito. Magpapahiwalay siya sa kanila sa mga higaan.
Ayon kay `Abdurraḥmān bin Abī Laylā na nagsabi: {Nakipagtagpo sa akin si Ka`b bin `Ujrah saka nagsabi ito: "Hindi ba ako magreregalo sa iyo ng isang regalo? Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas sa amin saka nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nakaalam na kami kung papaano kaming babati sa iyo kaya naman papaano kaming dadalangin ng basbas sa iyo?" Nagsabi siya: "Kaya magsabi kayo: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli Muḥammad, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagtanong ang mga Kasamahan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pamamaraan ng pagdalangin ng basbas sa kanya matapos ng pagkaalam nila ng pamamaraan ng pagdalangin ng pangangalaga sa kanya sa taḥiyāt: "... assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh, ... (Ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga biyaya Niya. ...)" Kaya nagpabatid sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa pamamaraan ng pagdalangin ng basbas sa kanya. Ang kahulugan nito: "Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli Muḥammad, (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad)" Ibig sabihin: Magbunyi Ka sa kanya sa marikit na pagbanggit sa konsehong pinakamataas, sa mga tagasunod niya sa Relihiyon niya, at mga mananampalataya mula sa kamag-anakan niya. "kamā ṣallayta `alā ibrāhīma ... (... gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham)" Kung paanong nagmabuting-loob ka sa mag-anak ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga): sina Abraham, Ismael, Isaac, at ang mga supling nila at ang mga tagasunod nila na mga mananampalataya, mag-ugnay ka ng kabutihang-loob mo kay Muḥammad (ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya). "innaka ḥamīdum majīd. tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal." Ibig sabihin: Ang pinapupurihan sa sarili Mo, mga katangian Mo, at mga gawa Mo, ang Malawak sa kadakilaan Mo, kapamahalaan Mo, at pagbibigay Mo. "Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma ... (O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham ...)" Ibig sabihin: Magbigay Ka sa kanya mula sa kabutihan at karangalan ng pinakadakila rito, magdagdag Ka nito, at magpatibay Ka nito.
Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang ṣalāh sa sinumang hindi bumigkas ng Pambungad ng Aklat."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang ṣalāh ay hindi natutumpak malibang may pagbigkas ng Sūrah Al-Fātiḥah sapagkat ito ay isang haligi kabilang sa mga haligi ng ṣalāh sa bawat rak`ah.