





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, (s): "Kapag lumapit ang gabi mula rito at lumayo ang maghapon mula rito, titigil nga sa pag-aayuno ang nag-aayuno."
Napagkaisahan ang katumpakanAng oras ng pag-aayunong ayon sa Batas ng Islam ay mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw. Dahil dito, itinuro nga ng Propeta, (s), sa Kalipunan niya na ito ay kapag lumapit ang gabi mula sa dakong silangan at lumayo ang maghapon mula sa dakong kanluran sa pamamagitan ng paglubog ng araw, gaya ng sa isang sanaysay: "Kapag lumapit ang gabi mula rito, lumayo ang maghapon mula rito, at lumubog ang araw, titigil nga sa pag-aayuno ang nag-aayuno." Pumasok na ang nag-aayuno sa oras ng pagtigil sa pag-aayuno na hindi nararapat para sa kanya na ipagpaliban iyon sa kanya, bagkus mapipintasan siya dahil doon, bilang pagsunod sa utos ng Tagapagbatas, bilang pagsasakatuparan sa pagtalima, bilang pagkilala sa oras ng pagsamba bukod sa iba pang oras, at bilang pagbibigay sa kaluluwa ng karapatan nito sa ipinahihintulot na mga kasiyahan ng buhay. Ang sabi niya: "...titigil nga sa pag-aayuno ang nag-aayuno" ay nagtataglay ng dalawang posibleng kahulugan: A. Na siya ay tumigil sa pag-ayuno ayon sa kahatulan ng pagsapit ng oras ng pagtigil sa pag-aayuno kahit hindi pa uminom o kumain ng anuman; at ang paghimok sa pagmamadali sa pagtigil sa pag-aayuno sa ilan sa mga hadith ay nangangahulugan ng paghimok sa pisikal na pagsasagawa ng pagtitigil sa pag-aayuno upang umayon sa kahulugang legal. B. Na ang kahulugan ay sumapit ang oras ng pagtigil sa pag-aayuno at ang paghimok sa pagmamadali sa pagtigil sa pag-aayuno ay magiging ayon dito at ito ay higit na karapat-dapat at kinakatigan ng sanaysay sa Al-Bukhārīy: "sumapit na ang pagtigil sa pag-aayuno."
Mula kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy -Malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah (pagpalain siya ni Allah at pangalagaan): ((Walang Sadaqah ang mababa sa limang onsa (ng pilak), at wala ding Sadaqah kapag mababa sa limang kamelyo, at wala ding Sadaqah kapag mababa sa limang Awsuq)).
Napagkaisahan ang katumpakanAng Zakah (Sadaqah) ay isang aliw sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, kaya tiyak na hindi kukunin mula sa taong kokonti lang ang kanyang kayamanan hindi maituring na mayaman siya sa kanya. Kaya ang batas ay pinaliwanag ang pinakamababang limit sa sinumang obligado mag Zakah, kaya't sinuman ang nagmamay-ari ng mababa sa pinakababang limit siya ay maituturing kapos at hindi pwede kukunan ng kung anu-ano. At ang may-ari ng pilak ay hindi obliga sa kanya ang Zakah maliban na lamang kung magkaroon siya ng limang onsa, at bawat isang onsa ay apatnaput dirham, sa makatuwid magiging dalawang-daan dirham ang kanyang Nisab (limit) na katumbas ng 590 gramo. At ang may-ari ng kamelyo hindi obliga sa kanya ang Zakah maliban na lamang kung magkaroon siya ng lima at pataas, at kung mababa doon ay wala ng Zakah. At ang may-ari ng pananim at bungang-kahoy hindi obliga sa kanya ang Zakah maliban na lamang kung magkaroon siya limang Awsuq (ang bawat isang wasq ay katumbas ng 60 Sa'), sa makatuwid ang limit niya ay 300 Sa' (ang Sa' ay isang sisidlan na naglalaman ng halos 3 kilo).
Mula kay Umar Bin Al-khattab -Malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: sabi ko: ((Oh Sugo ni Allah, katotohanan ako ay nakasumpa sa panahon ng kamangmangan na mag-i'tikaf (pamamalagi sa masjid upang magsagawa ng ibadah) sa isang gabi, at sa isang salaysay: sa isang araw- sa Masjid Haram? ang sabi Niya: Kung ganon tuparin mo ang iyong sumpa)).
Napagkaisahan ang katumpakanNakasumpa si Umar bin Al-Khaṭṭāb -malugod si Allah sa kanya- sa panahon ng kamangmangan na magsagawa ng I'tikaf ng isang gabi sa Masjid Haram, kaya tinanong niya ang Propeta tungkol sa hatol ng sumpa niya na kung saan nangyari ito sa kanya sa kapanahunan ng kamangmangan, dahil doon inutusan siya ng Propeta -Sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga- na tuparin ang kanyang sumpa. Tayseer Al-allam (p353) Tanbeeh Al-afham (p480/v3)
Ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag nakita ninyo iyon ay mag-ayuno kayo at kapag nakita ninyo iyon ay tumigil-ayuno kayo ngunit kapag pinalabo sa inyo ay magtaya kayo para rito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng palatandaan ng pagpasok ng buwan ng Ramaḍān at paglabas nito sapagkat nagsabi siya: "Kapag nakita ninyo ang bagong buwan ng Ramaḍān, mag-ayuno kayo; ngunit kung may humarang sa pagitan ninyo at niyon na ulap at tinakpan iyon sa inyo, ibilang ninyo na may 30 araw para sa buwan ng Sha`bān. Kapag nakita ninyo ang bagong buwan ng Shawwāl, tumigil-ayuno kayo; ngunit kung may humarang sa pagitan ninyo at niyon na mga ulap at tinakpan iyon sa inyo, ibilang ninyo na may 30 araw para sa buwan ng Ramaḍān."
Ayon kay Abu Al-Ḥawzā' As-Sa`dīy na nagsabi: {Nagsabi ako kay Al-Ḥasan bin Alīy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ano ang naisaulo mo mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?" Nagsabi ito: "Naisaulo ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo sapagkat tunay na ang katapatan ay kapanatagan at tunay na ang kasinungalingan ay pag-aalinlangan."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām AḥmadNag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pag-iwan ng nagpapaduda kabilang sa mga sinasabi at mga ginagawa – kung ito ba ay sinasaway o hindi, kung ito ba ay bawal o pinahihintulutan – tungo sa walang duda roon kabilang sa anumang nakapagtiyak ka sa kagandahan nito o pagkaipinahihintulot nito. Tunay na ang puso ay napapanatag doon at natatahimik. Ang anumang may pag-aalinlangan, nababagabag ang puso roon at naliligalig.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang dasal ng lalaki sa isang kongregasyon ay nakahihigit sa dasal niya sa bahay niya at sa dasal niya sa palengke niya nang higit sa dalawampu't higit pang antas. Iyon ay dahil sa ang isa sa kanila – kapag nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahusay siya sa pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos pumunta siya sa masjid, na walang nag-uudyok sa kanya kundi ang pagdarasal, na walang ninanais kundi ang pagdarasal – walang hahakbanging hakbang malibang mag-aangat para sa kanya dahil dito ng isang antas at mag-aalis sa kanya dahil dito ng isang kasalanan hanggang sa makapasok siya sa masjid. Kapag naman nakapasok siya sa masjid, siya ay nasa pagdarasal hanggat ang pagdarasal ay nagpapanatili sa kanya. Ang mga anghel ay dumadalangin ng basbas sa isa sa inyo hanggat siya ay nasa inuupuan niya na pinagdasalan niya, na nagsasabi: 'O Allāh, maawa Ka sa kanya; O Allāh, magpatawad Ka sa kanya; O Allāh, tumanggap Ka ng pagbabalik-loob sa kanya.' hanggat hindi siya namemerhuwisyo rito, hanggat hindi siya nasisiraan ng wuḍū' rito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag nagdasal ang Muslim sa isang konggregasyon, ang pagdarasal niyang iyon ay higit na mainam kaysa sa pagdarasal niya sa bahay niya o palengke niya nang higit sa dalawampu't higit pang ulit. Pagkatapos binanggit niya ang kadahilanan kaugnay roon: na ang lalaki – kapag nagsagawa siya ng wuḍū' saka nagpalubos siya ng pagsasagawa ng wuḍū' at nagpahusay nito, pagkatapos lumabas siya papuntang masjid, na walang nagpalabas sa kanya kundi ang pagnanais ng pagsasagawa ng ṣalāh – ay walang hinahakbang na isang hakbang malibang mag-aangat para sa kanya dahil dito ng isang baytang at isang antas at magpapawi sa kanya dahil dito ng isang kasalanan. Kapag pumasok siya sa masjid at naupo habang naghihintay ng ṣalāh, tunay na siya ay kumukuha ng pabuya ng ṣalāh at gantimpala nito hanggat naghihintay siya ng ṣalāh. Ang mga anghel naman ay dumadalangin para sa kanya hanggat nananatili siya sa inuupuan niyang pinagdasalan, habang nagsasabi: "O Allāh, magpatawad Ka sa kanya. O Allāh, maawa Ka sa kanya. O Allāh tumanggap Ka ng pagbabalik-loob sa kanya." Ito ay hanggat hindi nasisira ang wuḍū' niya o hindi siya gumagawa ng ikinapiperhuwisyo ng mga tao o mga anghel.
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi nalalabag ang buhay ng isang taong Muslim malibang dahil sa isa sa tatlo: ang nakapag-asawang nangalunya, ang buhay kapalit ng buhay, at ang nag-iiwan ng Relihiyon niya na nakikipaghiwalay sa Bukluran."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang buhay ng Muslim ay bawal labagin maliban kung gumawa siya ng isa sa tatlong pagsalansang: Ang Una: Ang sinumang nasadlak sa kahalayan ng pangangalunya samantalang nakapag-asawa na sa isang tumpak na kontrata, ipahihintulot ang pagpatay sa kanya sa pamamagitan ng pagbato. Ang Ikalawa: Ang sinumang pumatay ng isang taong pinangangalagaan, nang sadyaan nang walang katwiran, papatayin siya ayon sa mga kundisyon nito. Ang Ikatlo: Ang lumabas sa Bukluran ng mga Muslim, na maaaring dahil sa pag-iwan ng Relihiyon niyang Islām sa kabuuan nito dahil sa pagtalikod, o ang nakikipaghiwalay nang walang pagtalikod sa pamamagitan ng pag-iwan sa isang bahagi nito gaya ng mga kampon ng paghihimagsik, mga mandarambong sa daan, at mga nakikipagdigmaan gaya ng Khawārij at iba pa sa kanila.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa pag-aangkin nila, talaga sanang may nag-angkin na mga lalaki ng mga yaman ng mga tao at mga buhay ng mga ito; subalit ang katunayan ay nasa nag-aangkin at ang pa ay nasa sinumang nagkaila."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BayhaqīyNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa simpleng pag-aangkin nila nang walang mga patunay ni mga katibayan, talaga sanang may nag-angkin na mga tao ng mga yaman ng mga ibang tao at mga buhay ng mga ito; subalit kinakailangan sa tagapag-angkin ang paghahain ng katunayan at patunay sa anumang hinihiling niya. Kung hindi siya nagkaroon ng isang katunayan, ilalahad ang pag-aangkin sa inaangkinan. Kung nagkaila nito ang inaangkinan, kailangan sa kanya ang sumumpa at mapawawalang-sala siya.
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag hindi nakapagsagawa ng dasal sa gabi dahil sa isang sakit o iba pa rito, ay nagdarasal sa araw ng labindalawang rak`ah dahil siya noon, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagdarasal ng witr na labing-isang rak`ah. Kapag lumipas ang gabi at hindi siya nakapagdasal ng witr dahil sa pagkatulog o kahawig nito, binabayaran niya ang dasal na ito; subalit kapag nakaalpas ang oras ng witr, ang itinatagubilin ay gawin niya ito bilang isang dasal na tukol.