





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog sa unang bahagi ng gabi at gumigising sa huling bahagi nito at nagdadasal.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaalam ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog sa unang bahagi ng gabi,at ito ay pagkatapos ng Dasal ng `Eishah,at tumitindig (ng Dasal) sa huling bahagi nito;at ito ay ang ikalawa mula sa tatlong bahagi ng gabi,at kapag natapos siya sa kanyang pagdadasal,babalik siya sa kanyang higaan upang matulog,at ito ay ang ika-anim na huling gabi;upang maipagpahinga niya ang katawan niya mula sa pagod ng pagtindig (sa dasal ng) sa gabi,at rito ay mayroon din kabutihan sa paghahanda sa dasal ng Madaling-araw,at Pag-aalaala sa araw na may sipag at sigla;at dahil ito ay mas malapit sa pag-iwas sa pagkukunwari,sapagkat sinuman ang nakatulog sa huling ika-anim na bahagi ng gabi,ay magiging kapansin-pansin ang kulay,malusog at malakas,at ito ay mas malapit hanggang sa ( mas nanaisin niyang) itago niya ang mga gawain niyang nakalipas mula sa pagpapakita niya.Kung kaya`t naisalaysay na ang Unang Azan; ay uppang gisingin ang natutulog,at magpahinga ang tumitindig(ng dasal),Ang tumitindig (ng dasal) ay babalik sa pagtulog,upang makakuha ang katawan nito ng sapat na lakas at sigla,At ang natutulog,ay gigising upang maghanda sa pagdarasal,at nang sa gayon ay ,makapagdasal ng Witr kung hindi nakapagdasal ng Witr sa unang bahagi ng gabi.
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon akong dalawang kapit-bahay kaya sa alin sa kanilang dalawa ako magreregalo?" Nagsabi siya: "Sa pinakamalapit sa kanilang dalawa sa iyo sa pintuan."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNagtanong si`Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na mayroon akong dalawang kapit-bahay at inutusan nga akong magparangal sa kapit-bahay nang lubusan ngunit hindi ko kakayanin ang pagreregalo sa kanilang dalawa nang magkasabay kaya sa alin sa kanilang dalawa ako magreregalo upang matupad sa akin ang pagkabilang sa pangkat ng mga nagsasagawa ng pagpaparangal sa kapit-bahay?" Nagsabi siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Sa pinakamalapit sa kanilang dalawa sa iyo sa pintuan."
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pagkapasuso ay nagbabawal sa [gaya ng] ipinagbabawal ng pagkapanganak."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ipinagbabawal dahil sa pagpapasuso ang ipinagbabawal dahil sa pagkapanganak at kaangkanan gaya ng isang tiyuhin sa ina o isang tiyuhin sa ama o isang lalaking kapatid ... at nagpapahintulot ang pagkapasuso ng nagpapahintulot ang pagkapanganak mula sa mga patakaran.
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: ((Hinding hindi mag-aayuno ang isa sa inyo sa araw ng Biyernes,maliban kapag siya ay nag-ayuno ng isang araw bago ito o [mag-aayuno] sa kasunod nito))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-aayuno sa araw ng Biyernes,maliban kapag sinundan niya ng pag-aayuno ng isang araw bago nito o kasunod nito,o mapapabilang siya sa mga araw na karaniwang pinag-aayunuhan
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Nagsabi: ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa araw ng pagsakop sa Makkah: "Walang paglikas matapos ang pagsakop ngunit may pakikibaka at layunin. Kapag pinahayo kayo [sa labanan] ay humayo kayo." Nagsabi siya: "Sa araw ng pagsakop sa Makkah, tunay na ang bayang ito binanal ni Allāh sa araw na nilikha ni Allāh ang mga langit at lupa. Ito ay banal dahil sa kabanalan ni Allāh hanggang sa Araw ng Pagkabuhay. Tunay na hindi ipinahihintulot ang pakikipaglaban sa loob nito sa isa man matapos ko at hindi ito ipinahintulot sa akin malibang sa isang saglit sa maghapon. Banal ito dahil sa kabanalan ni Allāh hanggang sa araw ng pagkabuhay. Hindi binabakli ang halamang matinik nito, hindi tinutugis ang pinangangasong hayop nito, hindi pinupulot ang mapupulot dito maliban ng sinumang nagpahayag nito, at hindi pinuputol ang damo nito." Nagsabi si Al-`Abbās: "O Sugo ni Allāh, maliban sa tanglad sapagkat tunay na ito ay para sa mga panday nila at mga bahay nila?" Nagsabi siya: "Maliban sa tanglad."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid ni `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay tumindig upang magtalumpati sa araw ng pagsakop sa Makkah at nagsabi: "Walang paglikas..." Nangangahulugan ito: Mula sa Makkah dahil ito ay naging bayan ng Islām ngunit nanatili ang pakikibaka. Ang pag-uutos sa sinumang hiniling na humayo sa pakikibaka ay humayo bilang pagtalima para kay Allāh, para sa Sugo Niya, at sa mga may kapamahalaan. Pagkatapos ay binanggit niya ang kabanalan ng Makkah, na iyon ay magmula ng nilikha ni Allāh ang mga langit at lupa, na hindi ipinahihintulot ang labanan doon sa sinuman bago ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hindi ipahihintulot ito roon sa sinuman matapos niya, at na ipinahintulot lamang ito sa isang saglit sa maghapon. Pagkatapos ay nanumbalik ang kabanalan nito. Pagkatapos ay binanggit ang kabanalan ng Makkah, na hindi babakliin ang tinik doon, hindi tutugisin ang ang hayop na napangangaso roon, hindi pupulutin ang mapupulot doon maliban sa sinumang nagnanais ipahayag ito, at hindi kukunin ang damo nito: ang kumpay. Itinangi roon ang tanglad para sa mga kapakanan ng mga mamamayan ng Makkah. Taysīr Al-`Allām p. 304, Tanbīh Al-Afhām 3/515, at Ta’sīs Al-Aḥkām Sharḥ Ḥadīth numero 3/351.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: Si Ḥamzah bin `Amr Al-Aslamīy ay nagsabi sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “Mag-aayuno po ako sa paglalakbay?” Ito noon ay madalas mag-ayuno kaya nagsabi siya: "Kung ninais mo, mag-ayuno ka; at kung ninais mo, tumigil ka."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinabatid ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, na si Ḥamzah bin `Amr Al-Aslamīy, malugod si Allāh sa kanya, ay nagpabatid sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kung siya ba ay mag-aayuno sa paglalakbay? Pinapili siya ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pag-aayuno o pagtigil sapagkat sinabi niya: "Kung ninais mo, mag-ayuno ka; at kung ninais mo, tumigil ka." Ang tinutukoy nito sa pag-aayuno rito ay ang pag-aayunong isinatungkulin dahil ang sabi ng Propeta: "Ito ay kapahintulutan mula kay Allāh." Ito ay nakadarama na siya ay nagtanong tungkol sa pag-aayunong isinatungkulin. Nagpapatunay roon ang itinala ni Imām Abū Dāwud: "Nagsabi ito, malugod si Allāh dito: O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay may sasakyang pinatatakbo ko; naglalakbay ako sakay nito, at pinauupahan ko ito. Tunay na natapat sa akin ang buwang ito - tinutukoy niya ang Ramaḍān - habang ako ay nagtataglay ng lakas." Mula rito, lumilinaw na ang pagtigil sa pag-aayuno sa paglalakbay ay isang kapahintulutan mula kay Allāh. Kaya ang sinumang nagsagawa ng kapahintulutan, tama siya; at ang sinumang nag-ayuno, ipinahihintulot sa kanya iyon at itinuturing na ang pag-aayuno niya ay humantong sa isinasatungkulin sa kanya. Taysīr Al-`Allām pahina 325, Tanbīh Al-Afhām tomo 3/429-510, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/237.
Ayon kay `Aishah at Umm Salamah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na marfu:(( Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay muntik na siyang inaabutan ng Fajr at siya ay nasa kalagayan ng Junub sa kanyang asawa,pagkatapos ay naliligo siya at nag-aayuno))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaalam ni `Aishah at Umm Salamah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakikipagtalik sa gabi,at marahil ay inaabutan siya ng Fajr at siya ay nasa kalagayan ng Junub at hindi pa naliligo,at ipinagpapatuloy niya ang pag-aayuno niya at hindi ito pinapalitan, At ang pagpapaalam nilang dalawa sa mga ito ay bilang sagot kay Marwan bin Al-Hakam,nang siya ay mapag-ipadala sa kanilang dalawa,upang tanungin sila tungkol rito.At ang panuntunang ito ay para sa buwan ng Ramadhan at sa maliban rito
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya- hadith na marfu- ((Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-aayuno sa dalawang araw: Ang Eid Al-Fitr at Eid Al-Adha,at ang pagsuot sa damit na walang butas,at ang pag-upong patingkayad ng isang lalaki sa nag-iisang damit,at ang pagsadarasal pagkatapos ng Subh at `Asr))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa hadith na ito ang pag-aayuno sa dalawang araw at ang pagsuot sa dalawang kasuutan,at ang dalawang pagdarasal.Ang tungkol sa dalawang araw kung saan ay ipinagbabawal ang pag-aayuno rito,ay ang araw ng Eid Al-Fitr,at araw ng Eid Al-Adhah,at ang layunin sa pagbabawal ng pag-aayuno sa dalawang araw na ito ay dahil hindi naaangkop ang pag-aayuno sa araw ng pagkain at kasiyahan,at ang tungkol sa dalawang kasuutan,ay ang ang pagsuot sa damit na walang butas,at ang pag-upong patingkayad ng isang lalaki sa nag-iisang damit,at tunay na naidetalye ito sa salaysay ni Imam Al-Bukhariy: " Kapag wala sa ari niya ang kahit na anong kasuutan" At ang tungkol sa dalawang pagdarasal;ay ang pagdarasal pagkatapos ng dasal na Subh [madaling araw] at ang pagdarasal pagkatapos ng dasal na `Asr [hapon], bilang pag-iiwas o pangangalaga, sa panggagaya sa mga walang pananampalataya,na silang nagpapatirapa sa araw sa oras ng pagsikat nito at paglubog nito,subalit ipinapahintulot ang pagdarasal rito ng obligadong dasal kung siya ay hindi nakapagdasal nito,at gayundin ang [iba pang] mayroong kadahilanan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng [salah na] ḍuḥā, at na magsagawa ako ng [salah na] witr bago ako matulog.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na ang mahal niya at ang kasamahan niya, ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtagubilin sa kanya ng tatlong gawain: 1. Pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan. 2. Dalawang rak`ah ng [salah na] ḍuḥā bawat araw. 3. Pagsasagawa ng [salah na] witr bago matulog at iyon ay ukol sa sinumang nangangamba na hindi magising sa huling bahagi ng gabi.