





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nagbubuhol ang demonyo sa batok ng ulo ng isa sa inyo, kapag ito ay natulog, ng tatlong buhol, na nagtatapik siya sa bawat buhol [at nagsasabi]: Sumaiyo ay isang gabing mahaba, kaya matulog ka. Kung nagising ito saka umalaala ito kay Allāh, may nakakalag na isang buhol; saka kung nagsagawa siya ng wuḍū', may nakakalag na isang buhol; saka kung nagdasal siya, may nakakalag na isang buhol; saka uumagahin siyang masigla, na kaaya-aya ang kaluluwa; at kung hindi, uumagahin siyang karima-rimarim ang kaluluwa, na tamad."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa kalagayan ng demonyo at pakikihamok nito sa tao na nagnanais magsagawa ng salah sa gabi o madaling-araw. Ang mananampalataya kapag natulog, nagbubuhol ang demonyo sa batok niya – ibig sabihin: sa hulihan ng ulo niya – ng tatlong buhol. Kapag nagising ang mananampalataya, umalaala kay Allāh (napakataas Siya), at hindi tumugon sa mga pasaring ng demonyo, may nakakalas na isang buhol. Kung nagsagawa naman siya ng wuḍū', nakakalas ang isa pa Kung bumangon siya saka nagdasal, nakakalas ang ikatlong buhol at uumagahin siyang masigla, na kaaya-aya ang kaluluwa dahil sa kasiyahan niya sa pagkatuon sa kanya ni Allāh sa pagtalima, habang nagagalak sa ipinangako sa kanya ni Allāh na gantimpala at kapatawaran kasama ng naalis sa kanya mula sa mga buhol ng demonyo at pagpapatamlay nito; at kung hindi, uumagahin siyang karima-rimarim ang kaluluwa, na pinalungkot ang puso, na tamad sa mga gawain ng kabutihan at pagsasamabuting-loob dahil siya ay iginapos sa gapos ng demonyo at inilayo sa kalapitan sa Napakamaawain.
Ayon kay Ma`dān bin Abī Ṭalḥah Al-Ya`marīy na nagsabi: {Nakatagpo ko si Thawbān na alila ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ako: "Magpabatid ka sa akin hinggil sa isang gawaing gagawin ko, na magpapapasok sa akin si Allāh dahil dito sa Paraiso." O nagsabi ako: "... hinggil sa pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh." Nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya saka nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya sa ikatlong pagkakataon saka nagsabi siya: "Nagtanong ako tungkol doon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: 'Mamalagi ka sa dami ng pagpapatirapa kay Allāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpapatirapa ng isang pagpapatirapa malibang mag-aangat sa iyo si Allāh dahil dito ng isang antas at magbababa Siya buhat sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali.'" Nagsabi si Ma`dān: "Pagkatapos nakatagpo ko si Abu Ad-Dardā' saka nagtanong ako sa kanya saka nagsabi naman siya sa akin ng tulad sa sinabi sa akin ni Thawbān."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimTinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa gawain na magiging isang kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso o tungkol sa pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh. Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tagapagtanong: "Manatili ka sa dami ng pagpapatirapa sa ṣalāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpatirapa kay Allāh ng isang pagpapatirapa malibang nag-angat Siya sa iyo dahil dito ng isang antas at nagpatawad Siya sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali."
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsisipag sa huling sampung araw [ng Ramaḍān] ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag dumating ang huling sampung araw ng Ramaḍān, ay nagsisipag sa mga ito sa pagsamba at pagtalima at nagpapalabis sa mga uri ng mga kabutihan at mga klase ng mga pagsasamabuting-loob at mga pagsamba higit kaysa sa pagsisipag niya sa iba rito. Iyon ay dahil sa kadakilaan at kainaman ng mga gabing iyon at dala ng paghahangad sa Gabi ng Pagtatakda.
Ayon kay Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi:Inihahanda namin para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Siwak niya at pampalinis niya,Gigisingin Siya ni Allah sa anumang [oras] na naisin Niya itong gisingin sa gabi,Maglilinis siya sa kanyang mga ngipin [gamit ang Siwak],at magsasagawa ng Wudhu at magdadasal
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-na inihahanda niya para sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Siwak niya at tubig na gagamitin niya sa pagsasagawa ng Wudhu sa gabi,Pagkatapos ay Gigisingin siya ni Allah-Mapagpala Siya at Pagkataas-taas- mula sa pagtulog niya sa kahit anong oras ng gabi,At kapag nagising na siya,ginagawa niya ang paglilinis sa mga ngipin niya gamit ang Siwak,upang matanggal ang kakaibang amoy ng bunganga na kadalasang nangyayari sa pagtulog,Pagkatapos ay nagsasagawa siya ng Wudhu para sa pagdarasal,pagkatapos ay nagdadasal siya ng dasal sa gabi.
Ayon kay Abū `Abs `Abdirraḥmān Bin Jabr (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang naalikabukang mga paa ng isang tao sa landas ni Allāh saka sasaling sa kanya ang Apoy."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagbalita ng nakagagalak ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang tumama sa mga paa niya ang alikabok, habang siya ay nakikibaka sa landas ni Allāh, hindi sasaling sa kanya ang Apoy.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Walang nadarama ang martir na hapdi ng kamatayan malibang gaya ng nadarama ng isa sa inyo na hapdi ng kurot."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyAng kahulugan ng ḥadīth ay na ang tao, kapag nagkamit ng pagkamartir sa landas ni Allāh, tunay na ang dumadapo sa kanya na hapdi ng pagpatay - na sa sanaysay ni Imām Ad-Dārimīy: "mula sa sakit ng pagpatay" - ay hindi niya nadarama malibang gaya ng nadarama ng isa sa atin na kagat ng langgam - na sa sanaysay ni Imām Ad-Dārimīy: "mula sa sakit ng kagat." Ang kahulugan ay na ang martir ay hindi dumaranas ng tindi ng sakit ng kamatayan at ng mga hapdi nito gaya ng kalagayan ng mga taong iba sa kanya. Bagkus tunay na ang pinakamatinding mararamdaman niya at titiisin niya sa pagkamatay niya ay ang nararamdaman natin mula sa kagat ng langgam na idinudulot nito na sakit kasabay ng bilis ng paglaho ng sakit. Kaya naman hindi niya ito nararamdaman. Ito ay bahagi ng kabutihang-loob ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa martir sapagkat noong inialay niya ang kaluluwa niya sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, pinagaan ni Allāh sa kanya ang sakit ng pagkapatay.
Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay humanap sa isang nagkautang sa kanya ngunit nagtago ito sa kanya, pagkatapos natagpuan niya ito kaya nagsabi ito: "Tunay na ako ay nagigipit." Kaya nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh?" Nagsabi ito: "Sumpa man kay Allāh!" Nagsabi siya: "Sapagkat tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: 'Ang sinumang nagpagalak sa kanya na magligtas sa kanya si Allāh mula sa mga pighati ng Araw ng Pagbangon, pumawi siya [ng pighati] sa isang nagigipit o mag-alis siya ng utang nito.'"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSi Abū Qatādah Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) ay naghahanap ng isang nagkakautang sa kanya na nagkukubli sa kanya saka natagpuan niya ito. Kaya naman nagsabi ang nagkautang: "Tunay na ako ay nagigipit. Wala akong salapi para ipambayad ko sa utang sa iyo." Kaya nagpasumpa rito si Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) kay Allāh na wala itong yamang taglay nito. Kaya sumumpa naman ito kay Allāh na ito ay tapat sa sinasabi nito. Kaya nagsabi si Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na tunay na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagpagalak sa kanya at nagpatuwa sa kanya na magligtas sa kanya si Allāh mula sa mga pighati ng Araw ng Pagbangon, mga kasawiangpalad dito, at mga hilakbot dito, pumawi siya [ng pighati] sa isang nagigipit sa pamamagitan ng pagpapatagal at pagpapaliban ng pagsingil sa utang o magpatawad siya ng isang bahagi ng utang o kabuuan nito."}
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang [laging] nagdarasal sa dalawang malamig na oras ay papasok sa Paraiso."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoHumimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagsisigasig sa pagdarasal sa dalawang malamig na oras, ang ṣalāh sa madaling-araw at hapon. Nagbalita siya ng nakagagalak sa sinumang nagsagawa ng dalawang ito ayon sa karapatan ng dalawang ito na oras, konggregasyon, at iba pa rito, na ang dalawang ito ay magiging isang kadahilanan sa pagpasok sa Paraiso.
Mula kay Abū Qatādah Al-Ḥārith bin Rib`īy -Malugod ang Allah sa kanya- mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- : Katotohanan na Siya ay tumayo sa kanila, at binanggit sa kanila na ang Jihad sa landas ng Allah, at pananampalataya sa Allah ay pinakainam na gawain, at biglang tumayo ang isang lalaki, at sabi: O Sugo ni Allah, sa tingin mo ba kapag ako ay napatay sa landas ng Allah, mabubura sa akin ang aking mga kasalanan? sabi ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Oo, kapag ikaw ay napatay sa landas ng Allah at ikaw ay matimpihin at madalisay, sumusulong hindi umaatras)) Pagkatapos sabi ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Papaano o ano ang sabi mo?)) Sabi niya: Nakita mo ba kapag ako ay napatay sa landas ng Allah, mabubura sa akin ang aking mga kasalanan? sabi ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Oo, at ikaw ay matimpihin at madalisay, sumusulong hindi umaatras, maliban sa utang; dahil si Jibreel -Sumakanya ang pangangalaga- sinabi niya sa akin iyon)).
Nagsalaysay nito si Imām MuslimTumayo ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa mga kasamahan niya na nagsalita, at binanggit sa kanila na ang Jihad (pakikibaka) para maiangat ang salita ng Allah at ang pananampalataya sa Allah ay pinakamainam na gawain, bigla tumayo ang isang lalaki at tinanong ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Sa tingin Mo kapag ako ay napatay para maiangat ang salita ng Allah papatawarin ba ang mga kasalanan ko? Sabi ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Oo, pero sa isang kondisyon na kapag mapatay ka na nagtitimpi nagtitiis sa mga dumating sa iyo, dalisay sa dakilang Allah, hindi umaalis sa plasa ng Jihad, pagkatapos isinambit ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang isang bagay na siya ay utang, nagbabala na ang Jihad at Pagmamartir ay hindi mabubura ang mga karapatan ng mga tao.