





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abe Hurayrah at `Abdullah bin `Amr at `Aishah-malugod si Allah sa kanila-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Tunay na siya ay nagsabi: Ang kaparusahan ay para sa sakong [ng paa] sa Apoy [ng Impiyerno]
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niyaNagbibigay babala ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa kapabayaan sa pagsasagawa ng Wudhu at sa kawalang-ingat rito,At hinihimuk niya ang pangangalaga sa pagpapaganap rito,Ngunit ang sakong ng paa-sa kadalasan-ay hindi inaabot ng tubig sa [pagsasagawa ng] Wudhu,Kaya`t nagkakaroon ng kamalian sa Pagdadalisay at Pagdarasal.Sinabi niya na ang kaparusahan ay nagmumula rito at sa taong nagmamay-ari nito na nagpapabaya sa kadalisayan niya sa Batas ng Islam.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbas, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na Marfu: ((Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagpahuli ng pagdarasal ng Eishah sa malalim na gabi.Lumabas si `Umar,Sinabi niya: Ang pagdarasal o Sugo ni Allah,Tulog na ang mga kababaihan at mga bata.Lumabas siya at ang ulo niya ay pumapatak [ng tubig] Sinabi niyang: Kung hindi ko lamang mapapahirapan ang aking Nasyon-o sa mga tao-Ipinag-utos ko sa kanila ang pagdarasal na ito sa ganitong oras))
Napagkaisahan ang katumpakanNahuli ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagdarasal ng Eishah,hanggang sa naging malalim ang gabi,at nakatulog ang mga babae at mga bata,sa sinumang nawala sa kanila ang lakas at hindi makatiis sa tagal ng paghihintay.Dumating sa kanya si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-at nagsabi siya: Ang pagdarasal,Nakatulog ang mga babae at mga bata.Lumabas siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa bahay niya ,papunta sa Masjid,habang ang ulo niya ay pumapatak ng tubig mula sa pagligo,At nagsabi siya bilang pagpapahayag na ang pinakamainam sa Eishah ay ang pagpapahuli,Kung hindi lamang dahil sa paghihirap na mararamdaman ng naghihintay sa pagdarasal-: "Kung hindi ko lamang mapapahirapan ang aking Nasyon-o sa mga tao-Ipinag-utos ko sa kanila ang pagdarasal na ito sa ganitong oras"
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya." Ang pag-aayuno ay kalasag. Kapag araw ng pag-aayuno ng isa sa inyo, huwag siyang humalay at huwag siyang mag-ingay; saka kung nakipag-alipustaan sa kanya ang isa o nakipag-away ito sa kanya, magsabi siya: "Tunay na ako ay nag-aayuno." Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk. Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa, na natutuwa siya sa dalawang ito: Kapag tumigil-ayuno siya, matutuwa siya; at kapag nakipagkita siya sa Panginoon niya, matutuwa siya dahil sa pag-aayuno niya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsasabi sa banal na hadith: "Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay pinag-iibayo ang magandang gawa katumbas ng sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ibayo maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin yayamang hindi naganap dito ang pagpapakitang-tao at Ako ay gaganti sa Kanya." Namukod-tangi si Allāh sa kaalaman sa sukat ng gantimpala Niya at pagpapaibayo ng [gantimpala sa] mga magandang gawa ng tao. Pagkatapos nagsabi siya: "Ang pag-aayuno ay kalasag," pananggalang, panakip, at muog na matibay laban sa Impiyerno dahil ito ay pagpigil sa mga pagnanasa at pagkasadlak sa mga kasalanan. Ang Impiyerno ay napaliligiran ng mga pagnanasa. "Kapag araw ng pag-aayuno ng isa sa inyo, huwag siyang humalay" sa pamamagitan ng pakikipagtalik at mga pauna nito ni ng mahalay na pananalita, nang walang pasubali. "at huwag siyang mag-ingay" sa pamamagitan ng pakikipag-alitan at pagsigaw. "saka kung nakipag-alipustaan sa kanya ang isa o nakipag-away ito sa kanya," sa Ramaḍān, "magsabi siya: Tunay na ako ay isang taong nag-aayuno" nang harinawa ito ay magpipigil niyon ngunit kung ipinagpilitan nito ang pakikipag-away nang totohanan, ang pagsanggalang dito ay sa pamamagitan ng pinakamagaan saka ng pinakamagaan pa, gaya ng sumusugod. Pagkatapos sumumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nanumpa siya sa Kanya na ang kaluluwa niya ay nasa kamay Niya, na ang pag-iba ng amoy ng bibig ng tagapag-ayuno dahilan sa pag-aayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh sa Araw ng Pagbangon kaysa sa halimuyak ng musk sa ganang inyo at higit na marami sa gantimpala kaysa sa iminumungkahing paggamit ng musk sa mga Biyernes at mga sesyon ng pagsambit ng dhikr. "Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa, na natutuwa siya sa dalawang ito: Kapag tumigil-ayuno siya, matutuwa siya" dahil sa pagkatigil-ayuno niya dahil sa paglaho ng gutom niya at uhaw niya yayamang pinayagan sa kanya ang pagtigil-ayuno; at natuwa siya dahil sa pagkalubos ng ayuno niya, pagkawakas ng pagsamba niya, pagpapagaan mula sa Panginoon niya, at tulong sa hinaharap ng pag-aayuno niya. "at kapag nakipagkita siya sa Panginoon niya, matutuwa siya dahil sa pag-aayuno niya" dahil sa ganti sa kanya at gantimpala sa kanya.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagdarasal noon ng dasal niya sa gabi habang ito ay nakapahalang sa harapan niya; at kapag natira ang witr, ginigising niya ito kaya nagdarasal ito ng witr." Sa isang sanaysay niya: "at kapag natira ang witr, nagsasabi siya: Bumangon ka at magdasal ka ng witr, o `Ā’ishah."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng ḥadīth: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagdarasal noon ng dasal niya sa gabi habang si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, ay nakapahalang sa harapan niya. Sa isang sanaysay ni Imām Al-Bukhārīy: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagdarasal noon sa isang bahagi ng gabi habang ako ay nakapahalang sa pagitan niya at ng Qiblah gaya ng paghahalang ng bangkay [na dinadasalan]." Kapag natapos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa ṣalāh na tahajjuid at bago siya magsimula sa ṣalāh na witr, ginigising niya si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, upang magsagawa ito witr. Sa isang sanaysay ni Imām Muslim: "kapag natira [sa isasagawa] ang witr, nagsasabi siya: Bumangon ka, at magsagawa ka ng witr, o `Ā’ishah." Sa isang sanaysay ni Imām Abū Dāwud: "hanggang sa kapag ninais niyang magsagawa ng witr, ginigising niya ito at nagsasagawa ito ng witr." Ang kahulugan: Hinayaan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, sa simula ng gabi at hindi niya ginising ito hangang sa nang natapos siya sa ṣalāh niya at walang natitira sa isagawa kundi ang witr ay saka niya ginising ito upang maabutan nito ang witr nito at nagdali-dali naman ito sa pagsasagawa ng witr kaagad pagkagising upang hindi manaig dito ang katamarang dahil sa antok. Kung sakaling nagpabagal-bagal ito, hindi sana nito naisagawa iyon.
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nawalay ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang gabi mula sa higaan. Kinapa ko siya saka bumagsak ang kamay ko sa talampakan ng mga paa niya habang siya ay nasa masjid habang ang dalawang ito ay nakatukod habang siya ay nagsasabi: "Allāhumma, innī a`ūdhu bi-riḍāka min sakhaṭika, wa-bimu`āfātika min `uqūbatika, wa-a`ūdhu bika minka; lā uhṣī thanā’an `alayka, anta kamā athnayta `alā nafsika. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa pagkalugod Mo laban sa pagkayamot Mo at sa pagpapaumanhin Mo laban sa pagpaparusa Mo at nagpapakupkop sa Iyo laban sa Iyo. Hindi ako nakabibilang ng pagbubunyi sa Iyo. Ikaw ay kung paanong nagbunyi Ka sa sarili Mo.)"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagsabi si `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Ako minsan ay natutulog sa tabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nawalay ako sa kanya isang gabi. Kinapa ko ng kamay ko ang puwesto na dinadasalan niya sa silid ngunit siya pala ay nakapatirapa at ang mga paa niya ay nakatukod at biglaang siya ay nagsasabi: {nagpapakupkop [ako]} at nagsusumamo {sa pagkalugod Mo laban sa pagkayamot Mo} sa akin o sa Kalipunan ko. Humihiling ako ng pagkupkop {sa pagpapaumanhin Mo) at paumanhin Mong marami {laban sa pagpaparusa Mo}. {at nagpapakupkop [ako] sa Iyo laban sa Iyo} at sa mga katangian ng karikitan Mo laban sa mga katangian ng kapitaganan sa Iyo yayamang walang nagkukupkop laban sa Iyon kundi Ikaw. Walang maliligtasan at walang madudulugan laban kay Allāh kundi sa Kanya! {Hindi ako makabibilang ng pagbubunyi sa Iyo}: hindi ako makakakaya at hindi ako makaaabot sa takda at sa bilang dahil sa kawalang-kakayahan ko sa pagbilang sa biyaya Mo at paggawa Mo ng maganda, kung paanong nagiging karapat-dapat Ka kahit pa man nagsumikap ako roon. {Ikaw ay kung paanong nagbunyi Ka sa sarili Mo} sapagkat Ikaw ang nagbunyi sa sarili mo nang pagbubunying naaangkop sa Iyo, kaya sino ang makakakaya sa pagganap ng totoong pagbubunyi sa Iyo?
Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Tinanong ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kung aling pagdarasal ang pinakamainam? Nagsabi siya: Ang matagal ang pagtayo."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagtanong ang mga kasamahan ng Propeta, ang pagkalugod ni Allah ay sumakanila, sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Aling pagdarasal ang pinakamainam? Ang tanong na ito ay dahil sa kasigasigan nila sa pagtamo ng higit na maraming bilang ng mga magandang gawain. Ang ibig sabihin nito: Alin sa mga uri ng mga dasal ang pinakamainam? O Alin sa mga gawain sa dasal ang pinakamainam? Ang pagtayo o ang pagyukod o ang pagpapatirapa? Ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ito ay ang matagal ang pagtayo sa pagsasagaw niyo.
Ayon kay Shurayḥ bin Hāni' na nagsabi: {Nagtanong ako kay `Ā'ishah. Nagsabi ako: "Sa aling bagay noon nagsisimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag pumasok siya sa bahay niya?" Nagsabi ito: "Sa siwāk."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBahagi ng paggabay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsimula siya sa paggamit ng siwāk kapag pumasok siya sa bahay niya sa alinmang oras sa gabi o maghapon.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May binanggit sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking natulog sa gabi nito hanggang sa nag-umaga. Nagsabi siya: "Iyan ay lalaking umihi ang demonyo sa mga tainga niya," o nagsabi siya: "sa tainga niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay binanggit sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking natulog hanggang sa nag-umaga, sumikat ang araw, at hindi bumangon para magsagawa ng ṣalāh na isinatungkulin. Kaya naman nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na iyon ay lalaking umihi ang demonyo sa tainga niya."
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya: "May sampung pagkalikas: ang paggupit ng bigote, ang pagpapalago ng balbas, ang paggamit ng siwāk, ang paglinis ng ilong ng tubig, ang pagputol ng mga kuko, ang paghugas ng mga kasukasuan ng daliri, ang pagbunot ng buhok sa kilikili, ang pag-ahit ng buhok sa ari, at ang paggamit ng tubig [kapag umihi o dumumi]." Nagsabi ang mananaysay: "Nakalimutan ko ang ikasampu ngunit malamang na ito ay ang pagmumog." Sinabi ito ni Wakī`, na isa sa mga mananaysay nito. Ang paggamit ng tubig [kapag umihi o dumumi] ay nangangahulugang istinjā'.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid si `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang kabuuan ng mga sunnah ng pagkalikas. Ang "pagkalikas'" ay ang pagkakalikhang nilikha ni Allāh ang mga lingkod Niya alinsunod doon, at ginawa Niya silang mga katutubo sa paggawa niyon. Ito ay kabilang sa kabutihan. Ang tinutukoy roon ay ang pagkalikas na maayos dahil ang pagkalikas na nalihis ay hindi maisasaalang-alang dahil ang sabi ng Propeta: "Ang bawat sanggol ay ipinanganganak sa pagkalikas ngunit ang mga magulang niya ay nagpapahudyo sa kanya o nagpapakristiyano sa kanya o nagpapamago sa kanya." Ang una rito ay ang paggupit ng bigote: ang pagtabas nito hanggang sa lumitaw ang labi yayamang iyon ay bahagi ng kalinisan at pag-iwas sa inilalabas ng ilong sapagkat tunay ang bigote, kapag nakalugay sa bibig, ay didiit dito ang kinakain at iniinom kalakip ng pagpapangit ng anyo dahil sa kapal nito, kahit pa man minamagaling ito ng hindi nagbibigay-pansin dito. Kaya nararapat sa Muslim na mangalaga sa bigote niya sa pamamagitan ng paggupit o pagtabas. Huwag itong hahayaan nang higit sa 40 araw batay sa isinaysay ni Imām Muslim ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: "Nagtakda ng panahon para sa amin sa paggupit ng bigote, pagputol ng mga kuko, pagbunot ng buhok sa kilikili, at pag-ahit sa buhok sa ari, na hindi hahayaan nang higit sa apatnapung gabi." Tungkol naman sa "pagpapalago ng balbas," ang balbas ang anumang tumubo sa baba at mga panga. Ang tinutukoy ng "pagpapalago" nito ay ang hayaan itong maging makapal nang hindi isinasailalim sa pag-aahit o pagpapaikli nang kaunti ni nang marami dahil ang "pagpapalago" ay hinango sa "dami" at "pagpapasagana" kaya palaguin ninyo ito at paramihin ito gaya ng sabi ni Allāh (Qur'ān 7:95): "hanggang sa lumago sila at nagsabi..." Nasaad sa maraming ḥadīth ayon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pag-uutos sa pagpapalago sa balbas sa sarisaring pananalita. Nasaad ito sa pananalitang "pasaganain ninyo" at "ilugay ninyo" at sa pananalitang "palaguin ninyo." Ang lahat ng mga ito ay nagpapatunay sa pag-uutos na panatilihin ito at hindi pakialaman. Alinsunod dito, hindi ipinahihintulot sa Muslim na mag-ahit ng balbas niya sa anumang kalagayan. Kung ginawa niya, sumalungat nga siya sa daan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sumuway siya sa utos nito, at nasadlak siya sa pakikipagwangis sa mga Mushrik. Ang "paggamit ng siwāk" ay nangangahulugang: Ang paggamit ng siwāk ay kabilang sa mga katangian ng pagkalikas na ipinaiibig ng Batas ng Islām. Ito ay pandalisay sa bibig at pampalugod sa Panginoon. Dahil dito, itinatagubilin ito sa bawat oras. Natitiyak ito sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū', ng ṣalāh, at ng pagkamalay mula sa pagkatulog. Binabago nito ang bibig, ang paninilaw ng ngipin, at tulad nito. Ang "paglinis ng ilong ng tubig" ay nangangahulugang: Ang paglinis ng ilong ng tubig ay bahagi ng pagkalikas dahil ito ay paglilinis at pag-aalis ng nasa ilong ng mga duming maaaring magsanhi rito ng kapinsalaan at pinsala. Ang paglilinis ng ilong ay nagaganap sa wuḍū' at nagaganap din sa hindi wuḍū' sa tuwing mangailangan ng paglilinis ng ilong. Singhutin mo ang tubig at linisin mo ang ilong mo. Ito ay nagkakaiba ayon sa pagkakaiba-iba ng mga tao. May mga taong hindi nangangailangan nito maliban sa wuḍū' at may mga taong nangangailangan nito nang madalas. Kabilang din roon sa mga sunnah ng pagkalikas ay ang pagmumog sapagkat tunay na ito ay bahagi ng pagkalikas yamang ang bibig at ang ilong ay pinagpupuntahan ng marami sa mga dumi kaya naman bahagi ng pagkalikas ang pangalagaan ang dalawang ito. Ang "paggupit ng mga kuko" ay nangangahulugang bahagi ng mga katangian ng pagkalikas ang pagputol ng mga kuko. Ang tinutukoy roon ay ang mga kuko ng mga kamay at mga paa. Hindi hahayaan ang mga ito nang higit sa apatnapung araw batay sa naunang ḥadīth. Ang "paghugas ng mga kasukasuan ng daliri" ay nangangahulugang ang paghugas sa panlabas at panloob na mga kasukasuan ng mga daliri dahil ang mga ito ay mga bahaging pinagtitipunan ng mga dumi dahil sa pangungulubot ng mga ito at pag-urong ng mga ito sapagkat maaaring hindi umabot sa mga ito ang tubig. Kapag binigyang pansin ang mga ito sa pamamagitan ng pagkiskis at pagpaparaan sa mga ito ng kabilang kamay, tunay na ang tubig ay aabot sa mga ito. Bahagi ng pagkalikas ang pangangalaga sa mga ito. Naisasama sa mga kasukasuan ng daliri ang lahat ng bahagi ng katawan na pinagtitipunan ng dumi dahil sa pawis o iba pa gaya ng lagusan ng tainga, mga likuran ng mga hita, at iba pa sa mga ito na nagiging madalas na makubli. Ang "pagbunot ng buhok sa kilikili" ay nangangahulugang kabilang sa mga katangian ng pagkalikas ang pagbunot ng buhok sa kilikili. Iyon ay dahil sa buhok na ito ay nasa isang bahagi ng dumarami rito ang pawis, natitipon dito ang mga dumi, at nababago kasama nito ang amoy. Hindi ito hahayaan nang higit sa 40 araw batay sa naunang nabanggit sa ḥadīth ayon kay Anas, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang pinakamainam ay bunutin ito kung kakayanin ito. Kapag ang pagbunot ay nagiging mahirap, walang masamang ahitin ito o gamitan ng kremang pang-alis dahil ang layon, ang pag-aalis ng buhok at ang paglilinis sa kilikili, ay naganap nga. Ang "pag-ahit ng buhok sa ari" ay nangangahulugang kabilang sa mga katangian ng pagkalikas ang pag-aalis ng buhok sa ari. Ang tinutukoy ng "buhok sa ari" ay ang magaspang na buhok na tumutubo sa paligid ng ari ng babae at lalaki. Bahagi ng pagkalikas ang pag-aalis nito sa pamamagitan ng pag-ahit o pagbunot o paggupit o paggamit ng mga takdang makabagong gamot dahil ang layon ay ang paglilinis at nakakamit sa pamamagitan nito ang hinihiling. Ang mahalaga ay hindi hahayaan ito nang higit sa 40 araw batay sa naunang nabanggit mula sa ḥadīth ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya. Ang "paggamit ng tubig [kapag umihi o dumumi]" ay nangangahulugang bahagi ng pagkalikas ang paggamit ng tubig [kapag umihi o dumumi]. Ipinakahulugan ito bilang istinjā'. Kinakatigan ang kahulugang ito ng sanaysay nina Imām Abū Dāwud at Imām Ibnu Mājah ayon kay `Ammām bin Yāsir, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Bahagi ng pagkalikas ang pagmumog, ang paglinis ng ilong...ang paghugas ng ari." Ang istinjā' ay ang pag-aalis ng lumalabas sa puwit at ari sa pamamagitan ng isang malinis na bagay gaya ng tubig, bato, basahan, tissue, at tulad nito na nagtataglay ng katangian ng pag-aalis. Nagsabi ang mananaysay: "Nakalimutan ko ang ikasampu ngunit malamang na ito ay ang pagmumog." Ito ay isang pagdududa ng mananaysay. Ang buod nito: Ang mga gawaing ito, ang lahat ng mga ito, ay lumulubos sa panlabas ng tao, nagdadalisay sa kanya, naglilinis sa kanya, at nagtataboy sa kanya ng mga bagay na nakapipinsala at minamarumi.