





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi sa araw ng Labanan sa Khaybar: "Talagang ibibigay ko nga ang watawat na ito bukas sa isang lalaking mananaig si Allāh sa pamamagitan ng mga kamay niya. Umiibig siya kay Allāh at sa Sugo Nito at umiibig sa kanya si Allāh at ang Sugo Nito." Kaya minagdamag ang mga tao na nag-iisip-isip sa gabi nila kung alin sa kanila ang bibigyan niyon. Noong inumaga ang mga tao, pumunta sila sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Ang bawat isa sa kanila ay umaasa na bigyan niyon. Nagsabi ito: "Nasaan si `Alīy bin Abī Ṭālib?" Sinabi: "Siya, O Sugo ni Allāh, ay naghihinaing ng mga mata niya." Nagsabi ito: "Magsugo kayo papunta sa kanya." Kaya dinala siya saka dumura ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga mata niya at dumalangin ito para sa kanya saka gumaling siya hanggang sa para bang hindi siya nagkaroon ng isang hapdi. Ibinigay nito sa kanya ang watawat. Kaya nagsabi si `Alīy: "O Sugo ni Allāh, makikipaglaban ako sa kanila hanggang sa sila ay maging tulad natin?" Kaya nagsabi ito: "Humayo ka ayon sa paghihinay-hinay mo hanggang sa makababa ka sa larangan nila. Pagkatapos mag-anyaya ka sa kanila tungo sa Islām at magpabatid ka sa kanila ng kinakailangan sa kanila mula sa karapatan ni Allāh dito; sapagkat sumpa man kay Allāh, ang magpatnubay si Allāh sa pamamagitan mo ng iisang tao ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa magkaroon ka ng mga pulang kamelyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan ng pagwawagi ng mga Muslim laban sa mga Hudyo ng Khaybar mula bukas. Iyon ay sa pamamagitan ng isang lalaking bibigyan niya ng watawat. Ito ay ang bandera na gagawin ng hukbo bilang sagisag para sa kanya. Ang lalaking ito ay may ilang katangian: na siya ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Nito at umiibig sa kanya si Allāh at ang Sugo Nito. Kaya minagdamag ang mga Kasamahan sa gabi nila na tumatalakay at nag-uusap-usap tungkol sa kung kanino ibibigay ang watawat, dala ng pagkaibig sa dakilang karangalang ito. Noong sumapit ang umaga, pumunta sila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Lahat sila ay naghahangad na magtamo ng karangalang ito. Nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol kay `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya). Kaya sinabi: "Tunay na siya ay maysakit, na naghihinaing ng mga mata niya." Kaya ipinasundo si `Alīy ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka inihatid nila siya. Dumura ang Propeta sa mga mata niya ng marangal na laway nito at dumalangin ito para sa kanya saka gumaling naman siya mula sa karamdaman niya. Para bang hindi siya nagkaroon ng sakit. Ibinigay ng Propeta sa kanya ang watawat at inutusan siya na humayo nang marahan hanggang sa makalapit siya sa muog ng kaaway saka mag-aalok siya sa kanila ng pagpasok sa Islām. Kung tumugon sila sa kanya, magpapabatid siya sa kanila ng kinakailangan sa kanila mula sa mga tungkulin. Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Alīy ng kainaman ng pag-aanyaya tungo kay Allāh at na ang tagapag-anyaya, kapag siya ay naging kadahilanan sa kapatnubayan ng iisang tao, iyon ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa magkaroon siya ng mga pulang kamelyo, na pinakamamahaling ari-arian ng mga Arabe, para magmay-ari ng mga ito o magkawanggawa ng mga ito.
Ayon kay Zayd bin Khālid (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang naghanda ng isang tagalusob sa landas ni Allāh, lumusob nga siya. Ang sinumang humalili sa isang tagalusob sa landas ni Allāh nang mabuti, lumusob nga siya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang naghanda para sa tagalusob sa landas ni Allāh ng mga kaparaanan ng paglalakbay nito at kinakailangan nito kabilang sa hindi maiiwasan na sandata, sasakyan, pagkain, panggugol, at iba pa sa mga ito, siya ay nasa uri ng tagalusob at natamo para sa kanya ang gantimpala ng mga tagalusob. Ang sinumang bumalikat ng nauukol sa tagalusob sa kabutihan at humalili sa tungkulin nito sa pag-aaruga sa mag-anak nito sa panahon ng pagkaliban nito, siya ay nasa uri ng tagalusob.
Ayon kay Yaḥyā bin `Umārah Al-Māzinīy na nagsabi: {Nakasaksi ako kay `Amr bin Abī Ḥasan na nagtanong kay Abdullāh bin Zayd tungkol sa wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagpakuha siya ng isang batya ng tubig saka nagsagawa siya ng wuḍū' sa harap nila gaya ng wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagbuhos siya sa kamay niya mula sa batya saka naghugas ng mga kamay niya nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya sa batya saka nagmumog, suminghot ng tubig, at nagsinga – sa tigtatlong salok. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya [sa batya] saka naghugas ng mukha niya nang tatlong ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga kamay niya nang dalawang ulit hanggang sa mga siko. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya [sa batya] saka nagpahid siya sa ulo niya ng mga ito paharap at palikod nang iisang ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga paa niya hanggang bukungbukong.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw si Abdullāh bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya) ng pamamaraan ng pagsasagawa ng wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang anyong praktikal. Kaya humiling siya ng isang maliit na lagayan ng tubig. Nagsimula siya, una, sa paghuhugas ng mga kamay niya. Pagkatapos inihilig niya ang lagayan at nagbuhos ng tubig saka naghugas ng mga ito nang tatlong ulit sa labas ng lalagyan ng tubig. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya sa lagayan saka sumalok mula rito ng tatlong salok, na nagmumumog siya sa bawat salok, nagsisinghot ng tubig, at nagsisinga. Pagkatapos sumalok siya mula sa lagayan saka naghugas ng mukha niya nang tatlong ulit. Pagkatapos sumalok siya mula rito saka naghugas ng mga kamay niya hanggang sa mga siko nang tigdadalawang ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng mga kamay niya sa lagayan saka nagpahid siya sa ulo niya ng mga kamay niya. Nagsimula siya sa harapan ng ulo niya hanggang sa umabot sa batok niya sa ibabaw ng leeg, pagkatapos nagpabalik siya ng mga ito hanggang sa umabot sa bahaging pinagsimulan niya. Pagkatapos naghugas siya ng mga paa niya hanggang sa mga bukungbukong.
Ayon kay Ibn Shamasah Al-Mahriy,siya ay nagsabi:Dumalo kami kay `Amr bin Al-`Ass-malugod si Allah sa kanya-habang siya ay naghihingalo,napaiyak siya ng matagal at ibinaling niya ang mukha niya sa dingding,at sinabi ng anak niya na: O aking ama,Hindi ba`t nagbatid sa iyo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng ganito?iniharap niya ang mukha niya at nagsabing:Ang pinakamainam na dapat nating paghanda ay ang pagsasaksi ng walang ibang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at tunay na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Tunay na ako ngayon nasa tatlong kalagayan:Talagang nakita mo ako,at wala ni isa sa sinuman ang may pinakamatinding pagkamuhi sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-liban sa akin,at wala na akong hinangad maliban sa magkaroon ako ng pagkakataon sa kanya at mapatay ko siya,Kung namatay lamang ako sa kalagayang yaon,ako ay mapapabilang sa mga taong mananahanan sa Impiyerno,At nang ipagkaloob ni Allah ang Islam sa aking puso,Pumunta ko sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi akong: Buksan mo ang kanang kamay mo,at tunay na talagang mangangako ako sa iyo,Binuksan niya ang kanang kamay niya,[ngunit] isinara ko ang kamay ko, Nagsabi siya: (( Ano ang nangyari sa iyo o `Amr?)) Nagsabi ako:Gusto kong magkaroon ng kondisyon,Nagsabi siya: ((Ano ang iyong kondisyon?)) Nagsabi ako: Na patawarin ako,Nagsabi siya: (( hindi mo pa napag-alam na ang Islam ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],ang paglikas ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],ang hajj ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],?)) Wala ng ibang taong higit pang pinakamamahal para sa akin mula sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at wala ng pinakadakila sa mga mata ko maliban sa kanya,at hindi ko kayang ititig ang mga mata ko sa kanya bilang pagdadakila sa kanya,At kahit na tanungin ako na ilarawan ko siya,hindi ko ito makakayanan,dahil hindi ko man lang siya natitigan ng mabuti,At kapag namatay ako sa yaong kalagayan,Ipagsusumamo ko na mapabilang ako sa mga mananahanan sa paraiso,pagkatapos ay pinamahalaan namin ang mga bagay na hindi ko napag-aalaman kong ano ang magiging sitwasyon ko rito, At kapag namatay ako,huwag ninyong isama sa akin ang naghihiyaw,at ni ang apoy,at kapag nailibing ninyo ako,ihulog ninyo sa akin ang lupa ng dahan- dahan,pagkatapos ay manatili kayo sa paligid ng aking puntod na kasing tagal ng pagkatay [sa kamelyo] ng nagkakatay,at ipamahagi niya ang karne nito,nang sa gayon ay mapanatag ako dahil sa inyo,at mapag-iisipan ko ang anumang isasagot ko sa mga sugo ng Panginoon ko
Nagsalaysay nito si Imām MuslimDala-dala ng Hadith ni `Amr bin Al-`As, malugod si Allah sa kanya-na naglalaman ng pamagat na magandang balita at maligayang pagbati sa isang kwento;At ang buod ng dakilang kwentong ;na dumalo sa kanya ang sa mga kasamahan habang siya ay nasa paghihingalo,napaiyak siya ng sobra at ibinaling niya ang mukha niya sa may bandang dingding,-malugod si Allah sa kanya-habang siya ay naghihingalo ,at iiwanan na niya ang mundo,Nagsabi sa kanya ang anak niya: Ano ang iniiyak mo,samantalang ibinatid sa iyo ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang magandang balita sa paraiso? Nagsabi siya: O anak ko! Ako ay nasa tatlong kalagayan,pagkatapos ay binanggit niya ang tatlong kalagayan na ito: Na kinamumuhian niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng matinding pagkamuhi,At wala ni isa sa ibabaw ng lupa na kinamumuhian niya tulad ng pagkamuhi sa kanya,at nilayon niya na kapag nakuha niya ito ay papatayin niya;At ito ay masahol pa sa kawalan ng pananampalataya,Hanggang sa ipinagkaloob ni Allah ang Islam sa puso niya,at dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya ay nagsabi: O Sugo ni Allah! Buksan mo ang palad ng kamay mo upang mangako ako sa iyo sa Islam,At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang siyang nagmamay-ari ng pinakamataas na antas ng pag-uugali sa sangkatauhan;Ibinigay nito ang kamay niya,subalit si `Amr bin Al-`As,ay nagpigil sa sariling kamay niya,Hindi dahil pagmamataas subalit pagpapatibay sa alinsunod na babanggitin niya: Nagsabi siya sa kanya:" Ano ang nangyari sa iyo" Nagsabi siya: O Sugo ni Allah! Ako ay may kondisyon-ibig sabihin sa pagyak niya sa Islam-Nagsabi siya:" Ano ang kondisyon mo"Nagsabi siya: Ikokondisyon ko na pataatawarin ni Allah sa akin ang nauna [kong gawaing] kawalan ng pananampalataya at mga kasalanan,Ito ang pinakamalaking ikinalulungkot niya-malugod si Allah sa kanya-Nagkondisyon siya na si Allah ay magpapatawad sa kanya,inisip niya na si Allah ay hindi magpapatawad sa kanya dahil sa mga naunang gawain niya,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:" hindi mo pa napag-alam na ang Islam ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],ang paglikas ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],ang hajj ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain], Tatlong bagay:" Ang patungkol sa Islam:Tunay na binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],Batay sa nasaad sa maluwalhating Aklat:Nagsabi si Allah-pagtaas-taas Niya: { Ipagbadya sa yaong walang pananampalataya,kung sila ay magsitigil na,patatawarin sa kanila ang anumang mga nauna nilang gawain,at kapag bumalik sila,tunay na lumipas na ang Sunnah ng mga unang henerasyon] { Al-Anfal:38} At ang paglikas:Ito ay kapag lumikas ang isang tao sa lugar niya na siyang painamumuhayan niya na lugar ng mga walang pananampalataya,buburahin sa kanya ang anumang mga nauna niyang [masamang gawain], At ang hajj ay binubura ang anumang mga nauna rito na masamang gawain] dahil sa sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: " Ang hajj na katanggap-tanggap,wala itong ibang gantimpala maliban ang paraiso" Kaya nakipagkasundo siya-malugid si Allah sa kanya-at minahal niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng sobrang pagmamahal,hanggang sa siya ay naging isa sa mga taong pinakamamahal para sa kanya,at ni hindi niya siya kayang titigan dahil sa laki ng respeto niya sa kanya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga- Napakamaluwalhati ng bumabaliktad sa ma puso.! Halos kahapon lamang ay sobra niya itong kinamumuhian,hanggang sa pinangarap niya na kapag nagkaroon siya ng pagkakataon ay papatayin niya ito,At ngayon ay ni hindi niya kayang itaas ang mukha niya sa kanya,dahil sa laki ng respeto niya sa kanya,ni hindi niya kayang itong ilarawan dahil hindi siya palaging nakapaligid sa kanya,dahil ni hindi man lamang niya ito inabutan ng masinsinan,bilang pagdadakila sa kanya-pagapalain siya ni Allah at pangalagaan-: Sinabi niya-malugod si Allah sa kanya-Na kapag namatay siya sa unang kalagayan; Siya ay mapapabilang sa mga mananahanan sa Impiyerno,Sinabi niyang: At kung namatay ako sa yaong kalagayan,ibig sabihin ay ang ikalawang kalagayan,Ipagsusumamo ko na mapabilang ako sa mga mananahanan sa paraiso,Tingnan mo ang pag-iingat,Tunay na napagtiyak niya na kapag namatay siya sa unang kalagayan,siya ay mapapabilang sa mga mananahanan sa Impiyerno, samantalang ang ikalawang kalagayan,dahil sa tindi ng takot niya siya ay nagsabi: Kapag namatay ako sa kalagayang ito,Ipagsusumamo ko na ako ay mapabilang sa mga mananahanan sa paraiso,at hindi niya sinabing siya ay mabibilang sa mga mananahanan sa paraiso,Dahil ang pagsasaksi sa paraiso ay isang mahirap na gawain.Pagkatapos nito ay inako niya ang mga [mahahalagang] bagay-malugod si Allah sa kanya- inako niya ang pamamahala at pamumuno,at nangyari na ang nangyari sa kwento ng pakikipaglaban ni Muawiyah at iba pang [kasamahan] niya,at si `Amr bin Al-`As-ay kilala na isa sa pinakamagaling sa mga arabo at pinakamatalino sa mga arabo, Siya ay nagsasabing:Pinangangambahan ko ang nangyaring ito sa akin,pagkatapos ng nasa gitna ng kalagayan,na mapalibutan ito ng aking gawain.Pagkatapos ay ipinagtagubilin niya-maalugod si Allah sa kanya-na kapag siya ay namatay ay hindi sasama kanya ang [babaing] humihiyaw, At ang humihiyaw ay yaong babaing humihiyaw sa patay at umiiyak sa kanya ng pag-iyak na tulad ng paghiyaw ng ibon, At ipinag-utos niya-malugod si Allah sa kanya- na kapag inilibing nila ito ay manatili sila sa puntod niya sa abot na kakatayin ang isa sa mga kamelyo at maipamahagi ang mga karne nito,hanggang sa masagot niya ang mga [katanungan ng] sugo ng panginoon Niya at sila ang mga Anghel na dumarating sa patay kapag nailibing na. At kapag nailibing na ang patay ,tunay na dumarating sa kanya ang dalawang Anghel at tatabi sila sa puntod nito at magtatanong silang dalawa ng tatlong katanungan: Sasabihin nilang dalawa: Sino ang panginoon mo? Ano ang relihiyon mo? At sino ang Propeta mo?Kaya ipinag-utos ni `Amr bin Al-`As, malugod si Allah sa kanya-sa pamilya niya na manatili sila sa kanya na kasing-tagal ng pagkatay ng nagkakatay at paghahati nito sa mga karne upang mapanatag sila,at ito ay isang patunay na ang isang patay ay nararamdaman niya ang pamliya niya,At tunay na napagtibay buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang patay ay naririniy nito ang mga yapak ng paa nila kapag sila ay nagsipag-alisan na sa paglibing sa kanya,[Hangang] sa yapak ng mga lanaggam na nakalingid ay naririnig ng patay kapag nag-alisan sila sa paglibing sa kanya. At tunay na napagtibay buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hadith ni Hasan,na kapag inilibing ang isang patay,ay tumatayo siya sa kanya at nagsasabing: " Humingi kayo ng kapatawaran para sa kapatid ninyo at humiling kayo para sa kanya ng pagpapatibay,sapagkat siya ngayon ay tinatanong" Kayat mainam,na kapag inilibing ang patay na tumayo ang tao sa puntod niya at sabihin niyang: " O Allah! patatagin ninyo siya! O Allah! patatagin ninyo siya! O Allah! patatagin ninyo siya! O Allah! magpatawad kayo sa kanya! O Allah! magpatawad kayo sa kanya! O Allah! magpatawad kayo sa kanya! Dahil ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay bumabati,bumabati siya ng tatlong beses,at kapag siya ay nananalangin,[siya ay nananalangin] ng tatlong beses. Samakatuwid tunay na si `Amr bin Al-`As,ay nagsabi sa kanya: "Ibinatid sa iyo ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng magandang balita,sa paraiso, At ito ay kabilang sa kabanata ng paghahatid ng magandang balita at paagbati sa kanya
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: ((Dumating ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay naglilinis ng ngipin gamit ang basang siwak,Nagsabi siya: At ang dulo ng siwak ay nasa dila niya,at siya ay nagsasabi ng:Uh,uh [boses ng sumusuka],at ang siwak ay nasa bunganga niya,na para siyang nasusuka))
Napagkaisahan ang katumpakanBinanggit ni Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya.-na siya ay dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay naglilinis ng ngipin gamit ang basang siwak,dahil ang pagdadalisay niya ay ganap,kaya`t hindi niya ito nginunguya sa bunganga,kaya nasasaktan siya.at inilagay niya ang siwak sa dila niya,at nasobrahan siya sa paglilinis [ng ngipin] gamit ang siwak,hanggang sa para siyang nasusuka.
Ayon kay `Ammār bin Yāsir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagpadala sa akin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa isang pangangailangan saka naging junub ako ngunit hindi ako nakatagpo ng tubig. Kaya nagpagulung-gulong ako sa buhanginan kung paanong nagpapagulung-gulong ang hayop. Pagkatapos pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka binanggit ko iyon sa kanya kaya nagsabi siya: "Naging nakasasapat lamang sa iyo na gumawa ka sa mga kamay mo ng ganito." Pagkatapos nagtapik siya ng mga kamay niya sa lupa nang iisang tapik. Pagkatapos nagpahid siya ng kaliwang kamay sa kanang kamay, ibabaw ng mga kamay niya, at mukha niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Ammār bin Yāsir (malugod si Allāh dito) sa isang paglalakbay para sa isa sa mga pangangailangan nito saka dumating sa kanya ang janābah dahil sa pakikipagtalik o paglabas ng punlay nang may pagnanasa ngunit hindi siya nakatagpo ng tubig upang maligo siya mula rito. Hindi siya nakaaalam noon ng patakaran ng pagsasagawa ng tayammum para sa janābah. Nakaaalam lamang siya ng patakaran nito para sa maliit na ḥadath. Kaya nangatwiran siya at nagpalagay siya na kung paanong ipinapahid ang alabok na nasa ibabaw ng lupa sa mga bahaging pinagsasagawaan ng wuḍū' para sa maliit na ḥadath, walang pagkaiwas na ang tayammum dahil sa janābah ay sa pamamagitan ng pagpapahid sa buong katawan ng alabok bilang analohiya sa tubig. Kaya naman nagpagulung-gulong siya sa alabok hanggang sa napahiran ang buong katawan at nagsagawa siya ng ṣalāh. Noong dumating siya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), binanggit niya rito iyon upang malaman niya kung siya ba ay nasa tama o hindi. Naglinaw sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng pamamaraan ng pagsasagawa ng tayammum mula sa maliit na ḥadath gaya ng pag-ihi at malaking ḥadath gaya ng janābah. Ito ay ang magtapik siya ng mga palad niya sa alabok nang iisang tapik, pagkatapos magpahid siya ng kaliwang palad sa kanang kamay, likod ng mga palad niya, at mukha niya.
Ayon kay Tariq bin Shihab Al-Bajli Al-Ahmasi-malugod si Allah sa kanya- Tunay na ang isang lalaki ay nagtanong sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at naipatong na niya ang paa nito sa estribo [Nagsabi siya]:Anong pakikibaka [ sa landas ni Allah] ang pinakamainam? Nagsabi siya: ((Ang pagsabi ng katotohanan sa harap ng Pinunong hindi makatarungan))
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadTinanong ng isang lalaki ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya ay naghanda na sa paglalakbay: Anong uri ng pakikibaka ang may pinakamalaking gantimpala? Ipinahayag sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tungkol sa pinakamainam na pakikibaka [ sa landas ni Allah]; Ito ang mag-utos sa pinunung hindi makatarungan,ng mga kabutihan,at pagbawalan niya ng masasamang gawain,Ang pakikibaka ay hindi lamang sa pamamagitan ng pakikibaka sa mga hindi mananampalataya,Subalit ito ay may mga baitang;At ang nabanggit [sa Hadith] ay ang may pinakamalaking gantimpala;sapagkat ito ay maaaring maging dahilan ng pagkamatay o pagkakulong,dahil sa kasamaan ng pinuno,at dahil sa liit ng bilang ng sumusalungat rito.
Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nangako ako ng katapatan sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, pakikinig at pagtalima, at pagpapayo sa bawat Muslim.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Kasamahang si Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na dumikit siya at nakipagkasunduan siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Tawḥīd at pagganap sa limang isinatungkuling ṣalāh sa araw at gabi kalakip ng mga kundisyon nito, mga haligi nito, mga kinakailangan dito, at mga sunnah nito; sa pagbigay ng zakāh na isinatungkulin, na isang pagsambang pampananalaping kinakailangan, na kinukuha mula sa mayayaman at ibinibigay sa mga karapat-dapat na mga maralita at iba pa sa kanila; at sa pagtalima sa nakatalaga sa pamamahala at pagpapayo sa bawat Muslim sa pamamagitan ng pagsisigasig sa pagpapakinabang dito, pagpapaabot ng kabutihan dito, at pagtaboy ng kasamaan palayo rito sa salita at gawa.
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humawak sa kamay nito at nagsabi siya: "O Mu`ādh, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay umiibig sa iyo." Saka nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta sa bawat katapusan ng salah na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām AḥmadHumawak ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kamay ni Mu`ādh (malugod si Allāh dito) at nagsabi siya rito: "Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang umiibig sa iyo at magtatagubilin sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta na magsabi sa wakas ng bawat salah: "Allāhumma a`innī `alā dhikrika (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo)" sa bawat sinasabi at ginagawang nagpapalapit sa pagtalima. "wa-shukrika ([at] pagpapasalamat sa Iyo)" sa pagkatamo ng mga biyaya at pagkatulak ng mga salot. "wa-ḥusni `ibādatik (at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo)" sa pamamagitan ng pagpapakawagas kay Allāh at sa pakikipagsunuran sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).