





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Sahl bin Ḥunayf (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang humiling kay Allāh ng kamartiran nang tapat, magpapaabot sa kanya si Allāh sa mga katayuan ng mga martir., kahit pa namatay siya sa higaan niya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang humiling ng kamartiran at pagkapatay sa landas ni Allāh, habang siya ay tapat na nagpapakawagas sa layunin niyang iyon para kay Allāh (napakataas Siya), magbibigay sa kanya si Allāh ng mga antas ng kamartiran ayon sa tapat na layunin niya, kahit pa namatay siya sa higaan sa hindi pakikibaka.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Ipinag-utos niya sa mga tao,na ang maging huling pagtatagpo nila ay sa Tahanan [ng Allah],subalit hindi niya isinali rito ang babaing may regla
Napagkaisahan ang katumpakanSa banal na Tahanang ito ay nararapat ,pagsasagawa ng pagdadakila at pagpaparangal,Ito ay tanda ng pagsamba sa Allah,pagpapakumbaba,at pagsusumamo sa harapan Niya,[Matatagpuan ] sa kanya ang pagluluwalhati ng mga puso,at sa mga puso ay may pagdadakila ,pananabik,at pagmamahalan.Dahil dito,Ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga nagsasagawa ng Hajj,bago sila lumisan,na dito ang maging huling tagpo nila,At ang pagsasagawa ng huling Tawaf na ito ay tinatawag na Tawah ng pamamaalam,Maliban sa babaing may regla,Dahil sa madudungisan ang Masjid sa pagpasok niya,kaya hindi ipinahintulot sa kanya ang pagsasagawa ng Tawaf nang walang kabayaran,at ang usaping ito ay para lamang sa mga nagsasagawa ng Hajj,hindi kasali ang nagsasagawa ng `Umrah.Taysir Al-Alam-Tanbih-Al-Afham-Tasis Al-Ahkam
Ayon kay Maymūnah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Naglagay ako para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pampaligo saka nagtakip ako sa kanya ng isang kasuutan. Nagbuhos siya sa mga kamay niya saka naghugas ng mga ito. Pagkatapos nagbuhos siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya sa kaliwang kamay niya saka naghugas siya ng ari niya saka tumapik siya ng kamay niya sa lupa saka pumahid nito roon. Pagkatapos naghugas siya nito saka nagmumog siya at suminghot [ng tubig], naghugas siya ng mukha niya, at mga braso niya. Pagkatapos nagbuhos siya sa ulo niya at nagpasagana siya nito sa katawan niya. Pagkatapos tumabi siya saka naghugas ng mga paa niya saka nag-abot naman ako sa kanya ng isang kasuutan ngunit hindi niya kinuha ito saka lumisan siya habang siya ay nagpapagpag ng mga kamay niya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang ina ng mga mananampalataya na si Maymūnah (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa paraan ng pagpaligo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa janābah yayamang naglagay ito para sa kanya ng tubig upang ipampaligo niya at nagtakip ito sa kanya ng isang panakip. Kaya gumawa naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sumusunod: A. Nagbuhos siya ng tubig sa mga kamay niya saka naghugas ng mga ito bago siya nagpasok ng mga ito sa lalagyan ng tubig. B. Nagbuhos siya ng tubig sa pamamagitan ng kanang kamay niya sa kaliwang kamay niya saka naghugas ng ari niya para maglinis nito mula sa anumang kumapit dito na bakas ng janābah. C. Tumapik siya ng kamay niya sa lupa saka pumahid nito, pagkatapos naghugas nito upang maalis ang dumi buhat dito. D. Nagmumog siya sa pamamagitan ng pagpapasok ng tubig sa bibig niya, pagpapakilos ng tubig, at pagpapaikot nito, pagkatapos pagbuga ito. Suminghot siya ng tubig sa pamamagitan ng pagpapasok ng tubig sa ilong niya sa pamamagitan ng hininga niya, pagkatapos pagpapalabas nito upang maglinis nito. E. Naghugas siya ng mukha niya at mga braso niya. F. Nagbuhos siya ng tubig sa ulo niya. G. Nagbuhos siya ng tubig sa nalalabi sa katawan niya. H. Lumipat siya mula sa puwesto niya saka naghugas siya ng mga paa niya sa ibang puwesto kung saan hindi siya naghugas ng mga ito bago pa niyan. Pagkatapos naghatid ang maybahay niya ng isang tela upang ipampunas niya ngunit hindi niya kinuha ito at nagsimula siya na magpunas ng tubig paalis sa katawan niya sa pamamagitan ng mga kamay niya at magpagpag nito.
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag naligo siya dahil sa janābah, ay naghuhugas ng mga kamay niya at nagsasagawa ng wuḍū' niya para sa ṣalāh, pagkatapos naliligo, pagkatapos nagsisingit ng kamay niya sa buhok niya. Hanggang sa kapag nakapagpalagay siya na siya ay nakabasa na ng anit nito, nagbubuhos naman siya rito ng tubig nang tatlong ulit, pagkatapos naghuhugas siya ng nalalabi sa katawan niya.} Nagsabi pa ito: {Naliligo noon ako at ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lalagyan [ng tubig], na sumasalok kami mula rito nang magkasama.}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais siyang maligo dahil sa janābah, ay nagsisimula sa paghuhugas ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsasagawa siya ng wuḍū' kung paanong nagsasagawa siya ng wuḍū' para sa ṣalāh. Pagkatapos nagbubuhos siya ng tubig sa katawan niya. Pagkatapos nagsisingit siya [ng mga daliri] ng mga kamay niya sa buhok ng ulo niya; hanggang sa kapag nagpalagay siya na nakaabot ang tubig sa mga tinutubuan ng buhok at nabasa ang anit, nagbubuhos naman siya ng tubig sa ulo niya nang tatlong ulit, pagkatapos naghuhugas siya ng nalalabi sa katawan niya. Nagsabi si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Naliligo noon ako at ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lalagyan [ng tubig], na sumasalok kami mula rito nang magkasama.}
Mula kay Aliy ibn Al-husain: "Katotohanan nakita niya ang isang lalaki pumunta sa isang puwang na nasa puntod ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at siya'y pumasok dito at manalangin, dahil doon pinigilan niya siya, at nagsabi: Ipagbigay-alam ko sa inyo ang hadith na aking narinig mula sa lolo ko mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na nagsabi:((Huwag ninyong gawin ang aking puntod bilang lugar na palagiang bisitahin, at ang mga bahay niyo na parang mga puntod, at manalangin kayo sa akin, dahil tiyak na ang inyong panalangin ay aabot sa akin kahit saan sulok pa man kayo)).
Isinalaysay ni Ibnu Abī ShaybahIpinahiwatig sa atin ni Ali Ibn Al-husain -Malugod si Allah sa kanya- na nakita niya ang isang lalake nanalangin sa dakilang Allah sa taas ng puntod ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-, at kanya itong pinigilan mula doon dahil sa basehan niya ang hadith ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na nagbabawal na gawin bilang lugar na palagiang bisitahin ang puntod niya, at nagbabawal na abandonahin ang mga kabahayan sa pagsamba sa dakilang Allah at pag-alala sa Kanya, at ang paghambing niya sa mga puntod na nagsabi ang pag-pupugay ng muslim ay aabot din kanya -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kahit saan pa man siya naroon.
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako noon ay lalaking madhdhā'§ at ako noon ay nahihiya na magtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa katayuan ng anak niya kaya nag-utos ako kay Al-Miqdād bin Al-Aswad [na magtanong] saka nagtanong naman ito sa kanya kaya nagsabi siya: "Maghuhugas siya ng ari niya at magsasagawa siya ng wuḍū'.} Batay kay Imām Al-Bukhārīy: {kaya nagsabi siya: "Magsagawa ka ng wuḍū' at maghugas ka ng ari mo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid si Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) na siya noon ay madalas labasan ng madhy. Ito ay isang puting malabnaw na malagkit na likidong lumalabas mula sa ari sa sandali ng pagnanasang seksuwal o bago ng pagtatalik. Hindi niya nalalaman kung papaano ang gagawin niya sa paglabas nito sapagkat nahiya siyang magtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil siya ay asawa ni Fāṭimah na anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya humiling siya kay Al-Miqdād bin Al-Aswad na magtanong sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) tungkol doon. Sumagot naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maghugas siya ng ari niya, pagkatapos magsagawa siya ng wuḍū'.
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-((Kapag kayo ay nagsuot ng damit,at kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu,magsimula kayo sa inyong kanan))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadPinagtibay sa Hadith ni Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-ang talakayan hinggil sa kainaman [ng paggamit] ng kanan sa mga maluwalhating bagay,Naisalaysay na ang Sugo ni Allah ay nagsabi: " Kapag kayo ay nagsuot ng damit" Ibig sabihin,kapag ninais ninyong magsuot" At kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu" Ibig sabihin: kapag ninais ninyo ang pagsagawa nito " Magsimula kayo sa inyong kanan" Pangkaramihan ng isang kanan,at ito ay salungat ng kaliwa,Magsusuot siya sa bandang kanan ng damit,bago ang kaliwa,at unahin niya ang kanang kamay at paa niya sa pagsasagawa ng wudhu,at hindi rin naman tama na unahin ang bandang kanan sa lahat ng gawain sa pagsasagawa ng wudhu,Pagkatapos ay dapat mong malaman na mayroong mga parte ng katawan na hindi mainam rito ang pag-una sa kanan,ito ang dalawang tainga,dalawang palad ng kamay,ang dalawang pisngi,subalit nararapat na linisin niya ito ng isang beses na sabay-sabay,at kapag may mabigat na dahilan tulad ng may kapansanan o ang mga katulad nito,Unahin niya ang kanan
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Aling gawain po ang higit na kaibig-ibig para kay Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagdarasal sa oras nito." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Pagkatapos ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh."} Nagsabi ang tagapagsalaysay: "Nagsanaysay siya sa akin ng mga ito. Kung sakaling nagpadagdag ako sa kanya, talaga sanang nagdagdag siya sa akin."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoTinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Aling gawain ang higit na kaibig-ibig kay Allāh?" Kaya nagsabi siya: "Ang isinatungkuling pagdarasal sa oras nito na tinakdaan ng Tagapagbatas. Pagkatapos ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang sa pamamagitan ng paggawa ng maganda sa kanila, ang pagtataguyod sa karapatan nila, at ang pagwaksi ng pagkasuwail sa kanila. Pagkatapos ang pakikibaka sa landas ni Allāh para sa pagtataas ng Salita ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pagtatanggol sa Relihiyong Islām at mga alagad nito, at pagpapangibabaw sa mga sagisag nito. Iyon ay sa pamamagitan ng sarili at salapi." Nagsabi si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): "Nagpabatid siya sa akin hinggil sa mga gawaing ito. Kung sakaling nagsabi ako sa kanya ng: "Pagkatapos alin po," talaga sanang nagdagdag siya sa akin."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang anumang araw na inuumaga ang mga tao roon malibang may dalawang anghel na bumababa saka nagsasabi ang isa sa kanilang dalawa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagagugol ng isang kabayaran,' at nagsasabi naman ang isa pa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagapagkait ng isang kasiraan.'"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa bawat araw na sumisikat dito ang araw ay may dalawang anghel na bumababa, na nananawagan, na nagsasabi ang isa sa dalawa: "O Allāh, magbigay Ka sa isang tagagugol sa mga pagtalima, sa mag-anak, mga panauhin, at mga pagkukusang-loob ng isang kabayaran; tumumbas Ka sa kanya ng isang kabutihan sa anumang ginugol niya; at magpala Ka sa kanya." Nagsasabi naman ang isa pa: "O Allāh, magbigay Ka sa isang tagapagkait nito ng isang kasiraan at magpahamak Ka ng yaman niya na ipinagkait niya sa mga karapat-dapat dito.