





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi ba natatakot ang isa sa inyo (o hindi ba matatakot ang isa sa inyo), kapag nag-angat siya ng ulo niya bago ng imām, na gumawa si Allāh sa ulo niya na maging isang ulo ng isang asno o gumawa si Allāh sa anyo niya na maging isang anyo ng isang asno?"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNililinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang matinding banta sa sinumang nag-aangat ng ulo nito bago ng imām nito na gawin ni Allāh ang ulo nito na maging isang ulo ng isang asno o gawin Niya ang anyo nito na maging isang anyo ng isang asno.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-aangat noon ng mga kamay niya katapat ng mga balikat niya kapag nagpasimula siya ng pagsasagawa ng ṣalāh, kapag nagsagawa siya ng takbīr para sa pagyukod, at kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod, nag-aangat siya ng mga ito nang gayon din at nagsasabi siya ng: "Sami`a -llāhu li-man ḥamidah. Rabbanā wa-laka -lḥamd. (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya. Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri.)"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-aangat ng mga kamay niya sa tatlong posisyon ng ṣalāh nang katapat o kaharap sa balikat, na pinagsasalubungan ng mga buto ng balagat (shoulder blade) at bisig. Ang Unang Posisyon: Kapag nagpasimula siya ng pagsasagawa ng ṣalāh sa sandali ng pagsasagawa ng takbīr ng pagsisimula. Ang Ikalawang Posisyon: Kapag nagsagawa siya ng takbīr para sa pagyukod. Ang Ikatlong Posisyon: Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod at magsasabi siya ng: "Sami`a -llāhu li-man ḥamidah. Rabbanā wa-laka -lḥamd. (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya. Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri.)" Hindi siya nag-aangat ng mga kamay niya sa sandali ng pagpapasimula ng pagpapatirapa ni sa sandali ng pag-angat mula rito.
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Itinuro sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang ang kamay ko ay nasa pagitan ng mga kamay niya, ang tashahhud kung paanong itinuturo niya sa akin ang kabanata mula sa Qur'ān: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sa kanya at sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)" Sa isang pananalita batay sa dalawa: Tunay na si Allāh ay ang Sakdal. Kaya naman kapag naupo ang isa sa inyo sa ṣalāh, sabihin niya: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sa amin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh.)" Kapag nagsabi siya nito, mapatutungkol ito sa bawat maayos na lingkod ni Allāh sa lupa at langit. [Pagkatapos sabihin:] "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh, at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)" Pagkatapos makapipili siya mula sa mahihiling ng anumang niloloob niya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoItinuro ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) ang tashahhud na sinasabi sa ṣalāh. Inilagay nga ng Propeta ang kamay ni Ibnu Mas`ūd sa mga kamay niya upang mabaling ang pansin nito sa kanya gaya ng pagtuturo niya rito ng kabanata mula sa Qur'ān, na nagpapatunay sa pagmamalasakit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tashahhud na ito sa bigkas at sa kahulugan. Nagsabi siya: "Attaḥīyātu lillāhi (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh,)": Ang mga ito ay bawat sinasabi o ginagawang nagpapahiwatig ng pagdakila, na ang lahat ng mga ito ay karapat-dapat kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). "wa-ṣṣalawātu (at ang mga dasal)": Ang mga ito ay ang ṣalāh na nakilala, ang tungkulin sa mga ito at ang kusang-loob sa mga ito ay ukol kay Allāh (napakataas Siya). "wa-ṭṭayyibāt (at mga kaaya-aya)": Ang mga ito ay ang mga sinasabi, ang mga ginagawa, at ang mga paglalarawang kaaya-aya at nagpapatunay sa kalubusan, na ang lahat ng mga ito ay karapat-dapat kay Allāh (napakataas Siya). "Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh, (Ang pangangalaga ay sumaiyo, o Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya.)": Isang panalangin para sa kanya ng pagkaligtas sa bawat salot at kinasusuklaman at ng dagdag at dami ng bawat kabutihan. "Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn (Ang pangangalaga ay sa amin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh)": Isang panalangin ng pagkaligtas para sa tagapagsagawa ng ṣalāh at para sa bawat maayos na lingkod sa langit at lupa. "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh,)": Ibig sabihin: Kumikilala ako sa isang tiyakang pagkilala rito na walang sinasambang totoo kundi si Allāh. "wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh (at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)": Kumikilala ako para sa kanya ng pagkamananamba at pagkasugong pangwakas. Pagkatapos hinimok ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang tagapagsagawa ng ṣalāh na mamili mula sa panalangin ng anumang niloob niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nananalangin at nagsasabi: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min `adhābi -lqabri wa-min `adhābi -nnāri wa-min fitnati -lmaḥyā wa-lmamāti wa-min fitnati -lmasīḥi -ddajjāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan at laban sa pagdurusa sa Apoy, laban sa ligalig ng buhay at kamatayan, at laban sa ligalig ng Bulaang Kristo.)"} Sa isang pananalita ni Imām Muslim: "Kapag nakatapos ang isa sa inyo sa pagsambit ng Huling Tashahhud, dumalangin siya ng pagkupkop ni Allāh laban sa apat: laban sa pagdurusa sa Impiyerno, laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa ligalig ng buhay at kamatayan, at laban sa kasamaan ng Bulaang Kristo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humihiling ng pagkupkop ni Allāh laban sa apat matapos ng Huling Tashahhud at bago ng salām sa ṣalāh. Nag-utos siya sa atin na humiling tayo ng pagkupkop ni Allāh laban sa mga ito. 1. Laban sa pagdurusa sa libingan. 2. Laban sa pagdurusa sa Apoy. Iyon ay sa Araw ng Pagbangon. 3. Laban sa ligalig ng buhay at kamatayan: laban sa mga ipinagbabawal na ninanasa sa Mundo, laban sa mga tagapagligaw na maling akala rito, laban sa ligalig ng kamatayan, ibig sabihin: ang oras ng paghihingalo, laban sa pagkaliko palayo sa Islām o Sunnah, o ligalig sa libingan gaya ng pagtatanong ng dalawang anghel. 4. Laban sa ligalig ng Bulaang Kristo na lalabas sa wakas ng panahon, na susubukin ni Allāh sa pamamagitan nito ang mga lingkod Niya. Nagtangi siya rito sa pagbanggit dahil sa bigat ng ligalig nito at pagpapaligaw nito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsagawa siya ng takbīr sa ṣalāh, ay nanahimik nang saglit bago siya bumigkas. Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sa pamamagitan ng ama ko at ina ko ikaw ay tubusin nawa, nakapansin ka po ba sa pananahimik mo sa pagitan ng takbīr at pagbigkas? Ano po ang sinasabi mo?" Nagsabi siya: "Nagsasabi ako ng: Allāhumma bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -lmashriqi wa-lmaghribi. Allāhumma naqqinī mina -lkhaṭāyā kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanas. Allāhumma -ghsilnī min khaṭāyāya bi-lmā'i wa-ththalji wa-lbarad. (O Allāh, magpalayo Ka sa pagitan ko at ng mga kamalian ko kung paanong nagpalayo Ka sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, magdalisay Ka sa akin mula sa mga kamalian kung paanong dinadalisay ang puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, maghugas Ka sa akin mula sa mga kamalian ko ng tubig, niyebe, at yelo.)"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsagawa siya ng takbīr para sa ṣalāh, ay nananahimik nang isang bahagyang pananahimik bago siya bumigkas ng Al-Fātiḥah. Nagpapasimula siya rito ng ṣalāh niya sa pamamagitan ng ilan sa mga panalangin. Kabilang sa nasaad mula sa mga panalanging ito ang sabi niya: "Allāhumma bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -lmashriqi wa-lmaghribi.* Allāhumma naqqinī mina -lkhaṭāyā kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanas. Allāhumma -ghsilnī min khaṭāyāya bi-lmā'i wa-ththalji wa-lbarad. (O Allāh, magpalayo Ka sa pagitan ko at ng mga kamalian ko kung paanong nagpalayo Ka sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, magdalisay Ka sa akin mula sa mga kamalian kung paanong dinadalisay ang puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, maghugas Ka sa akin mula sa mga kamalian ko ng tubig, niyebe, at yelo.)" Siya ay dumadalangin kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na magpalayo sa pagitan niya at ng mga kamalian sa pamamagitan ng hindi niya pagkasadlak sa mga ito, sa isang pagpapalayong walang mangyayari sa kanya na isang pakikipagkita kung paanong walang pakikipagkita sa pagitan ng silangan at kanluran magpakailanman. Kung nasadlak siya sa mga ito, dalisayin nawa siya mula sa mga ito at alisin nawa ang mga ito kung paanong naaalis ang karumihan mula sa puting kasuutan at na hugasan nawa siya mula sa mga kamalian niya at palamigin nawa ang lagablab ng mga ito at ang init ng mga ito sa pamamagitan ng mga malamig na tagapagdalisay na ito: ang tubig, ang niyebe, at ang yelo.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya.-Hadith na Marfu: ((Ituwid ninyo [ang inyong katawan] sa pagpatirapa,at huwag ilatag ng isa sa inyo ang kanyang dalawang braso,tulad ng paglatag ng aso [sa kanyang dalawang braso]))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinag-uutos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagtuwid sa pagpapatirapa,upang ang nagdadasal ay nasa mahusay nitong larawan sa pagpapatirapa,Ilalagay niya ang dalawang palad ng kamay niya sa lupa,at itataas nito ang dalawang braso niya,at ilalayo sa dalawang tagiliran niya.Dahil ang kalagayang ito,ay pinagmumulan ng kasiglaan at kasiyahan na siyang kinakailangan sa pagdarasal.At dahil sa ang magandang paglalarawang ito ay nagpapatibay sa lahat ng mga kalamnan sa pagpapatirapa,mula sa pagsasaganap sa tungkulin nito sa pagsamba.At ipinagbawal nito ang paglatag sa dalawang braso sa pagpapatirapa,sapagkat ito ay nagpapatunay sa katamaran at pagka-inip,at ito ay naikukumpara sa aso,at ito ay pagkukumpara sa hindi nararapat.
Ayon kay Maslamah bin Said bin Yazid;nagsabi siya:Tinanong si Anas bin Malik: Kung ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ba ay nagdadasal gamit ang tsinilas nito? Nagsabi siya: ((Oo))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyKabilang sa mga layunin ng Batas ng Islam,ang pagsalungat sa mga Taong Aklat at pagtanggal sa lahat ng mga bagay na nagdudulot ng paghihirap at pagdurusa sa Muslim,At tunay ng tinanong ni Said bin Yazid;at siya ay kabilang sa mga mapagkakatiwalaan pagkatapos [ng panahon ng mga kasamahan ng Propeta] si Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya-buhat sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-;Kung siya ba ay nagdadasal gamit ang tsinilas niya upang maging tularan siya rito? O para bang inilalayo lamang niya ito dahil sa mga dumi at pinsala rito sa kadalasan? Sinagot ito ni Anas: Oo,Siya ay nagdadasal sa mga tsinilas niya,at ito ay kabilang sa mga Sunnah niya na dalisay,at ito ay hindi lamang para sa lugar o panahon na naitalaga.
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag uminom ang aso sa lalagyan ng isa sa inyo, hugasan niya ito nang pitong ulit."} Batay kay Imām Muslim: "Ang una sa mga ito ay sa pamamagitan ng alabok."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paghuhugas ng lalagyan nang pitong ulit kapag nagpasok dito ang aso ng dila nito, na ang una sa mga ito ay nasasamahan ng alabok upang ilapat ang tubig matapos nito para matamo ang ganap na kalinisan mula sa karumihan nito at pinsala nito.
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok siya sa palikuran, ay nagsasabi ng: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lkhubthi wa-lkhabā'ith. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga lalaking demonyo at mga babaing demonyo.)"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais siyang pumasok sa lugar na pagtutugunan niya ng tawag ng kalikasan niya sa pag-ihi o sa pagdumi, ay humihiling ng pagkupkop kay Allāh at nagpapakanlong sa Kanya na magsanggalang sa kanya sa kasamaan ng mga demonyo na mga lalaki at mga babae. Ipinakahulugan din ang khubth at ang khabā'ith bilang kasamaan at mga karumihan.