





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae sapagkat tunay na ang unang tukso sa mga anak ni Israel ay sa mga babae."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Mundo ay matamis sa panlasa, luntian sa paningin, kaya nalilinlang ang tao rito, nagugumon siya rito, at gumagawa rito bilang pinakamalaking alalahanin niya. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay gumawa sa ilan sa atin na humahalili sa iba sa makamundong buhay na ito upang tumingin Siya kung papaano tayong gagawa: kung magsasagawa ba tayo ng pagtalima sa Kanya o susuway sa Kanya. Pagkatapos nagsabi siya: "Mag-ingat kayo na makalinlang sa inyo ang natatamasa sa Mundo at ang gayak nito para makapagbuyo sa inyo ang mga ito sa pagwaksi sa ipinag-utos ni Allāh at pagkasadlak sa sinaway Niya sa inyo" Kabilang sa pinakamabigat na kinakailangan ang pag-iingat laban doon mula sa mga tukso ng Mundo ang tukso ng mga babae, na unang tukso na kinasadlakan ng mga anak ni Israel.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: "Nakapagsaulo ako mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung rak`ah: dalawang rak`ah bago ng ḍ̆uhr at dalawang rak`ah matapos nito, dalawang rak`ah matapos ng maghrib sa bahay niya, dalawang rak`ah matapos ng `ishā' sa bahay niya, at dalawang rak`ah bago ng ṣalāh sa fajr, at iyon noon ay oras na walang pumapasok sa kinaroroonan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsanaysay sa akin si Ḥafṣah na siya noon, kapag nanawagan ang mu'adhdhin at sumapit ang fajr, ay nagdarasal ng dalawang rak`ah."} Sa isang pananalita: "na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagdarasal noon ng dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh sa Biyernes."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito sa lahat ng mga pagkasalaysay nitoNaglilinaw si `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na kabilang sa mga kusang-loob na ṣalāh na naisaulo niya buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang sampung rak`ah. Tinatawag ang mga ito bilang mga sunnah rātibah: Dalawang rak`ah bago ng ḍ̆uhr at dalawang rak`ah matapos nito, Dalawang rak`ah matapos ng maghrib sa bahay niya, Dalawang rak`ah matapos ng `ishā' sa bahay niya, Dalawang rak`ah bago ng fajr. Kaya nalubos ang sampung rak`ah. Hinggil naman sa ṣalāh sa Biyernes, nagdarasal siya matapos nito ng dalawang rak`ah.
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumitindig siya [sa pagdarasal] sa gabi, ay nagsisipilyo ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay madalas na gumagamit ng siwāk at nag-uutos nito. Ito ay nabibigyang-diin sa ilan sa mga pagkakataon. Kabilang sa mga ito ang paggamit ng siwāk sa sandali ng pagbangon sa gabi yayamang siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagkukuskos ng ngipin at naglilinis ng bibig sa pamamagitan ng siwāk.
Ayon kay `Abdullāh bin Zaid bin `Asim Al-Mazini, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:((Naireklamo sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang lalaki,na inaakala niya na may nararamdaman siyang bagay sa pagdarasal,Ang sabi niya:Huwag siyang umalis hanggat hindi siya nakarinig ng tunog o nakatagpo ng amoy))
Napagkaisahan ang katumpakanAng Hadith na ito -tulad ng nabanggit ni Imam An-Nawawi-Kaawaan siya ni Allah-ay mula sa Pangkalahatang Panuntunan ng Islam at mga Saligan nito na kung saan ay binubuo rito ang Karamihan sa mga Marangal na Panuntunanan,At ito ay ang: Pagbabasi sa Pagpapanatili sa lahat ng bagay na may katiyakan, sa Panuntunan nito,Hindi ito dapat baguhin dahil lamang sa Pagdadalawang-isip o pag-aalinlangan,maging malakas man ang pagdadalawang-isip o humina,hanggat hindi ito dumarating sa antas ng Katiyakan o paggapi sa pag-aalinlangan,At ang mga halimbawa nito ay napakarami at hindi naikakaila,Kabilang dito ay ang Duming ito, Hanggat nanatili ang isang tao na siya ay nasa katiyakan ng Kalinisan,pagkatapos ay nagdalawang -isip sa Dumi [Kawalang-bisa ng Wudhu],Ang Pinagbabasihan ay ang pagpapanatili sa Kalinisan,At sa gayundin ang kabaliktaran nito; Sinuman ang nakatitiyak na siya ay nasa Dumi [Kawalang-bisa ng Wudhu],at nagdalawang -isip [na siya ay nasa loob ng] kalinisan,Ang pinagbabasihan ay ang Pagpapanatili sa Dumi [Kawalang-bisa ng Wudhu],At kabilang dito ay ang mga damit at mga lugar.Ang pinagbabasihan rito ang Kalinisan maliban sa katiyakan ng pagiging marumi nito,At kabilang din dito ay ang bilang ng mga tindig sa Pagdarasal, Sinuman ang nakatitiyak na siya ay nakapagdasal ng Tatlong tindig,halimbawa,At nagdalawang isip siya sa ika-apat na tindig,Ang pinagbabasihan ay ang kawalan nito [sa pagdadalawang -isip],at nararapat sa kanya na magdasal sa ika-apat na tindig,At gayundin ,sa sinumang nagdalawang isip kung nakapaghiwalay ba siya sa asawa niya,Ang pinagbabasihan ay ang pananatili ng Kasal,At ito ay kabilang sa mga napakaraming Talakayan na hindi naikakaila.
Ayon kay `Ā'ishah,`Abdullah bin `Umar at Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanila-sa Hadith na Marfu: ((Kapag [ipinanawagan] ang pagtindig sa pag-aalay ng dasal at nailatag ang hapunan,Magsimula kayo sa hapunan))
Napaagkaisahan sa Katumpakan sa buong naisalaysay niyaKapag [ipinanawagan] ang pagtindig sa pag-aalay ng dasal,ay ang pagkain o inumin ay nailatag,Nararapat ang pagsisimula sa pagkain at inumin nang sa gayun ay mawala ang katakawan ng taong nagdadasal,at hindi mauugnay ang isip niya rito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mamuhi ang isang lalaking mananampalataya sa isang babaing mananampalataya. Kung nasuklam siya rito sa isang kaasalan, malulugod naman siya rito sa iba."} O nagsabi siya: "sa iba pa rito."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa asawa laban sa pagkamuhi sa maybahay nito ng isang pagkamuhing nauuwi sa paglabag sa katarungan sa maybahay, pag-iwan dito, at pag-ayaw rito. Tunay na ang tao ay isinakalikasan sa pagkakulang. Kung nasuklam siya sa maybahay sa isang kaasalang masagwa, makatatagpo naman siya rito ng ibang kaasalang maganda kaya malulugod siya sa maganda na sinasang-ayunan niya at magtitiis sa hindi niya kinalulugdan sa masagwa, na magsasanhi sa kanya na magtiis at hindi masuklam dito sa isang pagkasuklam na magbubuyo sa kanya sa pakikipaghiwalay rito.
Ayon kay Abū Ayyūb Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag pumunta kayo sa palikuran, huwag kayong humarap sa qiblah at huwag kayong tumalikod doon bagkus magpasilangan kayo o magpakanluran kayo." Nagsabi si Abū Ayyūb: "Dumating kami sa Shām saka nakatagpo kami ng mga kubeta na itinayong paharap sa qiblah kaya lumilihis kami at humihingi kami ng tawad kay Allāh (napakataas Siya)."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nagnais tumugon sa tawag ng kalikasan niya na pag-ihi o pagdumi laban sa pagharap sa qiblah sa dako ng Ka`bah at laban sa pagtalikod doon sa pamamagitan ng paglagay niya rito sa likuran ng likod niya; bagkus kailangan sa kanya na lumihis paiwas doon sa dako ng silangan o kanluran kapag ang qiblah niya ay gaya ng qiblah ng mga naninirahan sa Madīnah. Pagkatapos nagpabatid si Abū Ayyūb (malugod si Allāh sa kanya) na sila, noong dumating sila sa Shām, ay nakatagpo roon na ang mga kubetang inihanda para sa pagtugon sa tawag ng kalikasan ay itinayo ngang nakaharap tungo sa Ka`bah kaya sila noon ay naglilihis ng mga katawan nila palayo sa qiblah at sa kabila niyon humihingi sila ng tawad kay Allāh.
Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ngang hahawak ang isa sa inyo sa ari niya sa pamamagitan ng kanang kamay niya habang siya ay umiihi. Huwag siyang magpahid-pahid mula sa palikuran sa pamamagitan ng kanang kamay niya. Huwag siyang huminga sa lalagyan ng inumin."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga etiketa yayamang sumaway siya na humawak ang lalaki sa ari nito ng kanang kamay nito sa sandali ng pag-ihi at na alisin ang karumihan mula sa puwit o tumbong sa pamamagitan ng kaliwang kamay dahil ang kanan ay inihanda para sa mga marangal. Sumaway rin siya na huminga ang tao sa lalagyan na iniinuman niya.
Ayon kay `Abdullah bin `Abbas-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: ((Nagsaksi sa akin ang mga kalalakihan na kinalulugdan-at kinalulugdan ko sa kanila,para sa akin ay si `Umar-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbawal ng pagdarasal,pagkatapos ng Subh hanggang sa pagsikat ng araw,at pagkatapos ng `Asr hanggang sa paglubog)) At ayon kay Abe Said-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: (( Walang pagdarasal pagkatapos ng Subh hanggang sa tumaas ang araw,at walang pagdarasal pagkatapos ng Asr hanggang sa lumubog ang araw))
napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niyaIpinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa dalawang Hadit na ito-ang pagdarasal ,pagkatapos ng dasal na Subh hanggang sa sumikat ang araw at tumaas sa guhit ng dulo ng palaso sa paningin ng mata,na may sukat na kasing haba ng palaso na nakaguhit sa kalangitan,at ito ay nasusukat ng ilang minuto,at nagkakaiba [ng opinyon] ang mga eskolar sa pagtatalaga nito mula sa lima hanggang sa labinlimang minuto. At gayunding ipinagbawal niya ang pagdarasal ,pagkatapos ng dasal na `Asr,hanggang sa paglubog ng araw,ibig sabihin mula sa pagsisimula ng Adhan ng Maghrib ng mga ilang minuto.Dahil ang pagdarasal sa dalawang oras na ito,ay tulad ng panggagaya sa mga walang pananampalataya,na kung saan ay sinasamba nila ito, sa pagsikat at paglubog nito.At tunay na ipinagbawal sa atin ang panggagaya sa kanila sa [pamamaraan] ng pagsamba nila;Sapagkat sinuman ang gumaya sa isang grupo ng tao ay mapapabilang siya sa kanila.