





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May isang babaing natagpuan sa isa sa mga pagsalakay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na napatay. Nagmasama ang Sugo ni Allāh sa pagpatay ng mga babae at mga paslit.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNakakita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang babaing napatay sa isa sa mga paglusob. Nagmasama siya sa pagpatay sa mga babae at mga munting paslit na hindi pa umabot sa pagbibinata.
Ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya ay sumaway laban sa pamamanata at nagsabi: "Tunay na ito ay hindi naghahatid ng isang kabutihan. Ipinangkukuha lamang ito mula sa maramot."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pamamanata. Ito ay ang pag-oobliga ng tao sa sarili niya ng isang bagay na hindi inobliga sa kanya ng Tagapagbatas. Nagsabi siya na ang pamamanata ay hindi nagpapauna ng isang bagay at hindi nagpapahuli nito. Ipinangkukuha lamang ito mula sa maramot na walang ginagawa kundi ang kailangan sa kanya at na ang pamamanata ay hindi naghahatid ng isang anuman, na hindi nangyaring naitakda na para sa kanya.
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Pumunta ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama ng isang pulutong mula sa mga Ash`arīy upang humiling ako ng masasakyan ngunit nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, hindi ako makapagsasakay sa inyo; wala akong maipasasakay sa inyo." Pagkatapos nanatili kami hanggat niloob ni Allāh saka may dinalang mga kamelyo kaya nag-utos siyang magbigay sa amin ng tatlong kamelyo. Noong lumisan kami, nagsabi ang ilan sa amin sa iba: "Hindi nagpapala si Allāh sa atin. Pumunta tayo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang humiling tayo ng masasakyan ngunit sumumpa siya na hindi siya makapagsasakay sa atin ngunit nagpasakay siya sa atin." Nagsabi si Abū Mūsā: "Kaya pumunta kami sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumanggit kami sa kanya niyon." Nagsabi naman siya: "Hindi ako nagpasakay sa inyo; bagkus si Allāh ay nagpasakay sa inyo. Tunay na ako, sumpa man kay Allāh , ay hindi sumusumpa ng isang sumpa saka makakikita ako ng higit na mainam kaysa roon malibang nagtatakip-sala ako sa sumpa ko at gumagawa ako ng siyang pinakamabuti."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid si Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay pumunta sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at may kasama sa kanya na isang pangkat na kabilang sa lipi niya. Ang layon nila ay na magbigay sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamelyo na sasakyan nila para makakaya sa pakikilahok sa pakikibaka ngunit sumumpa siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na hindi siya makapagsasakay sa kanila at wala siyang taglay na mapasasakyan niya sa kanila. Kaya bumalik sila at nanatili sila nang sandali. Pagkatapos may dumating sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na tatlong kamelyo kaya nagpadala siya ng mga ito sa kanila. Nagsabi naman ang ilan sa kanila sa iba: "Hindi nagpapala si Allāh sa atin sa mga kamelyong ito dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumumpa na hindi siya makapagsasakay sa atin." Kaya pumunta sila sa kanya at nagtanong sila sa kanya. Kaya nagsabi ang Propeta at ang pangangalaga): "Ang nagpasakay sa inyo ay si Allāh (napakataas Siya) dahil Siya ay ang nagtutuon at ang nagtutustos samantalang ako lamang ay isang kadahilanang nangyari iyon sa kamay ko." Pagkatapos nagsabi pa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako, sumpa man kay Allāh, kung loloobin ni Allāh, ay hindi sumusumpa ng isang anuman na gagawin ko o na ititigil ko at makakikita ako na ang iba sa sinumpaang iyon ay higit na mabuti kaysa rito at higit na mainam malibang gagawin ko ang pinakamainam at iiwanan ko ang sinumpaan at magtatakip-sala ako sa sumpa ko."
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa lalaki: nakikipaglaban dala ng katapangan, nakikipaglaban dala ng pagkamakalahi, at nakikipaglaban dala ng pakitang-tao. Ang alin doon ay sa landas ni Allāh? Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakipaglaban upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas, siya ay nasa landas ni Allāh."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoTinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagkakaiba-iba ng mga pakay ng mga nakikipaglaban: ang nakipaglaban dala ng katapangan o dala ng pagkamakalahi o upang magpakita ng katayuan niya sa mga tao o iba pa roon kung ang alin sa mga ito ay sa landas ni Allāh. Kaya naman nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang nakikipaglaban sa landas ni Allāh ay ang sinumang nakipaglaban upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag narinig ninyo ang panawagan [ng ṣalāh], sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoHumihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtugon sa mu'adhdhin sa sandali ng pagkarinig sa kanya. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsabi ng tulad ng sinasabi niya pangungusap sa pangungusap. Kaya kapag nagsasabi siya ng takbīr, magsasabi tayo ng takbīr matapos niya; at kapag sumasambit siya ng Dalawang Pagsaksi, sasambit tayo ng dalawang ito matapos niya. Itinatangi ang pananalitang: "Ḥayya `ala -ṣṣalāh (Hali na sa ṣalāh)" at "Ḥayya `ala -falāḥ (Hali na sa tagumpay)" sapagkat tunay na sinasabi matapos ng dalawang ito ang: "Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh)."
Ayon kay Al-Mughīrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay saka bumaba ako upang magtanggal ng khuff niya ngunit nagsabi siya: "Hayaan mo iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok niyan [sa paa] habang dalisay pa." Kaya nagpahid siya rito.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang nasa isa sa mga paglalakbay niya saka nagsagawa siya ng wuḍū'. Noong umabot siya sa paghuhugas ng mga paa, inaabot ni Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanya) ang mga kamay niya upang tanggalin ang nakasuot sa paa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na khuff para hugasan ang mga paa niya. Ngunit nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hayaan mo ang mga iyan at huwag mong tanggalin ang mga iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok ng mga paa ko sa khuff samantalang ako ay nasa kadalisayan. Kaya nagpahid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa khuff niya sa halip na maghugas ng mga paa niya.
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Si Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh ay nagtanong sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ito: "Tunay na ako ay nagdurugo kaya hindi ako nadadalisay. Kaya titigil po ba ako sa pagdarasal?" Nagsabi siya: "Hindi; tunay na iyon ay [pagdurugo ng] isang ugat subalit tumigil ka sa pagdarasal ayon sa mga araw na ikaw dati ay nagreregla sa mga iyon, pagkatapos maligo ka at magdasal ka."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoTinanong ni Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi hinihintuan ng pagdurugo at nagpapatuloy ito hanggang sa hindi panahon ng pagreregla. Kaya ang hatol kaya niyon ay ang hatol ng regla para tumigil ako sa pagsasagawa ng ṣalāh?" Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na iyon ay dugo ng istiḥāḍah." Ito ay dugo ng karamdamang namumutawi buhat sa pagkaputol ng isang ugat sa sinapupunan at hindi dugo ng regla. Kapag dumating ang panahon ng regla na ikaw dati ay nagreregla ayon sa buwanang dalaw mo bago ka magkasakit ng istiḥāḍah, itigil mo ang ṣalāh, ang pag-aayuno, at ang iba pa sa dalawang ito kabilang sa gawaing pinipigilan dito ang nagreregla sa panahon ng regla. Kapag nagwakas naman ang sukat ng yugtong iyon, ikaw ay magiging nadalisay na sa pagreregla. Kaya hugasan mo ang kinalalagyan ng dugo, pagkatapos paliguan mo ang katawan mo sa isang kumpletong pagpaligo para mapawi ang ḥadath, pagkatapos magsagawa ka ng ṣalāh.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpantay kayo ng mga linya ninyo sapagkat tunay na ang pagpapantay ng linya ay kabilang sa pagkalubos ng pagdarasal."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tagapagsagawa ng ṣalāh na magpantay sila ng mga linya nila, na hindi umuna ang iba sa kanila sa iba pa at hindi humuli, na ang pagpapantay ng mga ito ay bahagi ng pagkalubos ng pagsasagawa ng ṣalāh at kakumpletuhan nito, at na ang kabaluktutan ng linya ay kasiraan at kakulangan dito.
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang isa sa inyo, maglagay siya ng tubig sa ilong niya, pagkatapos magsinga siya nito. Ang sinumang mag-iwang, gawin niya sa gansal na bilang. Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, maghugas siya ng kamay niya bago siya magpasok nito sa panghugas niya sapagkat tunay na ang isa sa inyo ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya."} Ang pananalita ni Imām Muslim: "Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, huwag siyang maglubog ng kamay niya sa lalagyan hanggang sa makapaghugas siya nito nang tatlong ulit sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga patakaran ng ṭahārah. Kabilang sa mga ito: A. Ang sinumang nagsasagawa ng wuḍū', kailangan sa kanya na magpasok ng tubig sa ilong niya sa pamamagitan ng paghinga, pagkatapos magpapalabas siya nito sa pamamagitan ng paghinga rin. B. Ang sinumang nagnais na maglinis ng karumihang lumalabas mula sa kanya at mag-alis nito sa pamamagitan ng iba pa sa tubig gaya ng bato at tulad nito, ang paglilinis niya ay ayon sa bilang na may butal, na ang pinakakaunti nito ay tatlo at ang pinakamarami nito ay ang anumang naaalis sa pamamagitan nito ang karumihang lumalabas at nalilinis ang labasan. C. Ang sinumang nagising mula sa pagkatulog sa gabi ay hindi magpapasok ng kamay niya sa lalagyan ng tubig upang magsagawa ng wuḍū' hanggang sa makapaghugas siya nito nang tatlong ulit sa labas ng lalagyan sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya, kaya hindi siya nakatitiyak sa karumihan ng kamay. Maaaring mangyaring kumalikot nito ang demonyo at nagdala rito ng mga bagay na nakapipinsala sa tao o nakasisira sa kadalisayan ng tubig.