





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Ali bin Abe Talib at Muadh bin Jabal- malugod si Allah sa kanilang dalawa-Sa Hadtih na Marfu- (( Kapag dumating ang isa sa inyo sa pagdarasal at ang Imam ay sa kalagayan niya,Isagawa ninyo ang tulad ng ginagawa ng Imam))
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyKapag dumating ang isa sa inyo sa pagdarasal at ang Imam ay nasa kanyang kalagayan mula sa pagyuko o pagpapatirapa o pag--upo,Gayahin ninyo ang Imam sa anumang mayroon siya [sa kalagayan niya] mula sa pagtindig o pagyuko o maliban pa rito,at huwag maghintay hanggang sa tumindig ang Imam tulad ng ginagawa ng karamihan
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagturo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng talumpati ng pangangailangan: "Inna –lḥamda lillāh, nasta`īnuhu wa-nastaghfiruhu wa-na`ūdhu bihi min shurūri anfusinā. Man yahdi –llāhu, fa-lā muḍilla lah; wa-man yuḍlil, fa-lā hādiya lah. Wa-ashhadu al lā ilāha illa –llāhu wa-ashhadu anna Muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Yā ayyuha –nnāsu –ttaqū rabbakumu –lladhī khalaqakum min nafsin wāḥidatin wa-khalaqa minhā zawjahā wa-baththa minhumā rijālan kathīran wa-nisā'an wa-ttaqu –llāha –lladhī tasā'alūna bihi wa-l'arḥām; inna –llāha kāna `alaykum raqībā. (Qur'ān 4:1) Yā ayyuha –lladhīna āmanu –ttaqu –llāha ḥaqqa tuqātihi wa-lā tamūtunna illa wa-antum muslimūn. (Qur'ān:102) Yā'ayyuha –lladhīna āmanu –ttaqu –llāha wa-qūlū qawlan sadīdan yuṣliḥ lakum a`mālakum wa-yaghfir lakum dhunūbakum; wa-man yuṭi`i –llāha wa-rasūlahu fa-qad fāza fawzan `aḍ̆īmā. (Qur'ān 33:70-71) (Tunay na ang papuri ay ukol kay Allāh; nagpapatulong tayo sa Kanya, humihingi tayo ng tawad sa Kanya, at nagpapakupkop tayo laban sa mga masama sa mga sarili natin. Ang sinumang pinatnubayan ni Allāh ay walang magliligaw rito at ang sinumang iniligaw ni Allāh ay walang magpapatnubay rito. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga sinapupunan. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh nang totoong pangingilag magkasala sa Kanya, at huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga Muslim. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at magsabi kayo ng sinasabing tama, magsasaayos Siya para sa inyo ng mga gawain ninyo at magpapatatawad Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtamo nga ng isang pagkatamong sukdulan.)"
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagpapabatid si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagturo sa kanila ng talumpati ng pangangailangan. Ito ang sinasabi sa sandali ng pagpapasimula ng pananalita sa mga talumpati at sa harap ng pangangailangan nila, gaya ng talumpati ng pagkakasal, talumpati sa ṣalāh sa Biyernes, at iba pa sa mga ito. Ang talumpating ito ay naglaman ng mga dakilang kahulugan gaya ng paglilinaw sa pagkakarapat-dapat ni Allāh sa lahat ng mga uri ng papuri, paghiling ng pagpapatulong mula sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya, pagtatakip ng mga pagkakasala at pagpapalampas sa mga ito, at pagdulog sa Kanya laban sa lahat ng mga kasamaan ng sarili at iba pa sa mga ito. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kapatnubayan ay nasa kamay ni Allāh, kaya ang sinumang pinatnubayan Niya ay walang magliligaw rito at ang sinumang iniligaw ni Allāh ay walang magpapatnubay rito. Pagkatapos binanggit niya ang pagsaksi sa Tawḥīd: na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh; at ang pagsaksi sa pagkasugo: na si Muḥammad ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya. Winakasan niya ang talumpating ito sa pamamagitan nitong tatlong talatang naglalaman ng pag-uutos ng pangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya bilang paghahangad ng kaluguran ng mukha Niya. Ang ganti sa sinumang gumawa niyon ay ang kaayusan ng mga ginagawa at mga sinasabi, ang pagtatakip-sala sa mga masagwang gawa, ang kapatawaran sa mga pagkakasala, ang kaaya-ayang buhay sa Mundo, at ang pagtamo ng Paraiso sa Araw ng Pagbangon.
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang kasal malibang may isang walīy."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang babae ay hindi natutumpak pakasalan malibang may isang walīy na magsasagawa ng kontrata ng pagkakasal.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pumatay ng isang kinasunduan, hindi siya makaaamoy ng amoy ng Paraiso. Tunay na ang amoy nito ay natatagpuan sa [layo ng] paglalakbay na apatnapung taon."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNililinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang matinding banta na ang sinumang pumatay ng isang kinasunduan – ang sinumang pumasok kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sa Tahanan ng Islām nang may kasunduan at seguridad – ay hindi makalalanghap ng amoy ng Paraiso. Tunay na ang amoy nito ay abot sa layo ng paglalakbay na apatnapung taon.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang nanunuhol at ang nagpapasuhol sa paghahatol.}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām AḥmadDumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagtataboy at pagpapalayo sa awa ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) para sa tagapagbayad ng suhol, tagakuha nito, at tagahawak nito. Kabilang doon ang ibinabayad sa mga hukom upang magwalang-katarungan sa paghahatol na binabalikat nila upang umaabot dahil dito ang tagapagbigay sa ninanais niya nang walang katwiran.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Bumalik kami kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah mula sa Makkah. Hanggang sa nang kami ay nasa isang tubigan sa daan, nagmadali ang mga tao sa sandali ng [ṣalāh sa] hapon. Nagsagawa sila ng wuḍū' habang sila ay nagmamadali, saka nakarating kami sa kanila samantalang ang mga sakong nila ay nangingintab na hindi nasaling ng tubig. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapighatian sa mga sakong mula sa Impiyerno. Lubus-lubusin ninyo ang pagsasagawa ng wuḍū'."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglakbay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Makkah papuntang Madīnah kasama ng mga Kasamahan niya. Sa daan nila ay nakatagpo sila ng tubig kaya nagmabilis sa pagsasagawa ng wuḍū' para sa ṣalāh sa hapon ang ilan sa mga Kasamahan hanggang sa ang hulihan ng mga paa nila ay lumilitaw sa nakatingin ang katuyuan ng mga ito sa tubig. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pagdurusa at kapahamakan sa Impiyerno sa mga nagkukulang sa paghugas ng hulihan ng paa kapag nagsasagawa ng wuḍū'." Nag-utos siya sa kanila na magpalabis sa pagkumpleto ng wuḍū'.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagsabi ang mu`adhdhin ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila.) saka nagsabi naman ang isa sa inyo ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –ṣṣalāh (Halina sa ṣalāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –falāḥ (Halina sa tagumpay) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar [saka] nagsabi naman siya ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: lā ilāha illa –llāh [saka] nagsabi naman siya ng: lā ilāha illa –llāh, matapos niyon; papasok siya sa Paraiso."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng adhān ay ang pagpapahayag sa mga tao ng pagsapit ng oras ng ṣalāh. Ang mga pangungusap ng adhān ay mga pangungusap na sumasaklaw sa paniniwala ng Pananampalataya. Sa ḥadīth na ito, nilinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang isinasabatas sa sandali ng pagkarinig ng adhān: na magsabi ang nakaririnig ng tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin. Kaya kapag nagsabi ang mu'adhdhin ng: Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila), magsasabi ang nakaririnig ng: Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Gayon nga, maliban sa sandali ng pagsabi ng mu'adhdhin ng: Ḥayya `ala –ṣṣalāh (Halina sa ṣalāh) at Ḥayya `ala –falāḥ (Halina sa tagumpay) sapagkat magsasabi ang nakaririnig ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh). Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nag-ulit-ulit, kasama ng mu'adhdhin, nang wagas mula sa puso niya, papasok siya sa Paraiso. Ang mga Kahulugan ng mga Pananalita ng Adhān: Ang "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" ay nangangahulugang: si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay pinakadakila, pinakakapi-pitagan, at pinakamalaki kaysa sa bawat anuman. Ang "Ashhadu an lā ilāha illa –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh)" ay nangangahulugang: walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. Ang "Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh)" ay nangangahulugang: kumikilala ako at sumasaksi ako sa pamamagitan ng dila ko at puso ko na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, na nagsugo sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at kinakailangan ang pagtalima sa kanya. Ang "Ḥayya `ala –ṣṣalāh (Halina sa ṣalāh)" ay nangangahulugang halikayo sa ṣalāh. Ang sabi naman ng nakaririnig ng "Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh)" ay nangangahulugang walang kaparaanan sa pagkaalpas sa mga tagapigil ng pagtalima, walang lakas sa paggawa nito, at walang kakayahan sa anuman sa mga bagay kundi sa pamamagitan ng paggabay ni Allāh (napakataas Siya). Ang "Ḥayya `ala –falāḥ (Halina sa tagumpay)" ay nangangahulugang halikayo kayo sa kadahilanan ng tagumpay: ang pagtamo ng Paraiso at kaligtasan sa Impiyerno.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nakalimot ng isang ṣalāh ay magdasal nito kapag nakaalaala nito; walang panakip-sala para rito kundi iyon (Qur'ān 20:14): {...at magpanatili ka ng pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin.}"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakalimot sa pagganap ng alinmang ṣalāh na isinatungkulin hanggang sa lumampas ang oras nito, kailangan sa kanya na magdadali-dali at magmabilis sa pagbabayad-pagsasagawa nito sa sandali ng pagkasaalaala nito sapagkat walang pagbura at pagtatakip sa isang pagkakasala ng pag-iwan nito maliban na dasalin ito ng Muslim sa sandali ng pagkasaalaala nito. Nagsabi si Allāh sa Marangal na Aklat niya: {at magpanatili ka ng pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin} (Qur'ān 20:14) Ibig sabihin: magsagawa ka ng ṣalāh na nakalimutan kapag nakaalaala ka nito.