





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsaulo ng sampung talata mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya laban sa Bulaang Kristo."} Sa isang salaysay: "mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsaulo ng sampung talata sa puso mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya, sasanggaan siya, at iingatan siya laban sa tukso ng Bulaang Kristo na lilitaw sa wakas ng panahon at mag-aangkin ng pagkadiyos. Ang tukso niya ay magiging pinakamabigat na tukso sa lupa magmula ng nilikha si Adan hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali dahil nagbigay-kapangyarihan sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa paggawa ng ilan sa mga milagro na ipantutukso niya sa sinumang susunod sa kanya. Iyon ay dahil ang unang bahagi ng Kabanatang Al-Kahf ay may mga kababalaghan at mga tanda na higit na dakila malaki kaysa sa ipantutukso ng Bulaang Kristo sa mga tao sapagkat ang sinumang nagnilay-nilay ng mga ito ay hindi matutukso dahil sa Bulaang Kristo. Sa isang salaysay: "sampung talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf." Mula sa sabi ni Allāh (Qur'ān 18:102): {Kaya nag-akala ba ang mga tumangging sumampalataya na makagawa sila ...}
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May pinababa sa akin na mga tanda na hindi nakita ang tulad ng mga ito kailanman, ang dalawang tagapagpakupkop."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid si `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi sa kanya: "Nagpababa si Allāh sa akin kagabi ng mga tanda na hindi nakita ang tulad ng mga ito kailanman." Tinutukoy niya ang paghiling ng pagkupkop, ang dalawang tagapagpakupkop: ang kabanatang: {Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway ...} at ang kabanatang: {Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao, ...}
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako noon ay tagapagpainom ng mga tao sa tahanan ni Abū Ṭalḥah. Ang alak nila noong araw na iyon ay ang faḍīkh. Nag-utos ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang tagapanawagan na manawagan ito: "Pansinin, tunay na ang alak ay ipinagbawal na."} Sinabi: {Kaya nagsabi sa akin si Abū Ṭalḥah: "Lumabas ka saka ibubo mo iyan." Kaya lumabas ako saka ibinuhos ko ito. Kaya dumaloy ito sa mga kalye ng Madīnah. Nagsabi ang ilan sa mga tao: "May pinatay nga na mga tao habang ito ay nasa mga tiyan nila." Kaya nagpababa si Allāh (Qur'ān 5:93): {Walang maisisisi sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos kaugnay sa anumang kinain na nila}.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid si Anas (malugod si Allāh sa kanya) na siya noon ay nasa pagpapainom ng mga nasa tahanan ng asawa ng ina niya, si Abū Ṭalḥah (malugod si Allāh sa kanya). Ang alak nila noong araw na iyon ay ang faḍīkh, ang lahok ng hinog na datiles at bubot nito. Biglang ang tagapanawagan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nananawagan: "Pansinin, tunay na ang alak ay ipinagbawal na." Sinabi: Kaya nagsabi sa akin si Abū Ṭalḥah: "Lumabas ka saka ibuhos mo iyan at iliwat mo iyan." Kaya lumabas ako saka ibinuhos ko ito at iniliwat ko ito. Kaya dumaloy ang alak sa mga kalye ng Madīnah. Nagsabi ang ilan sa mga tao: "Pinatay ang ilan sa mga Kasamahan bago ng pagbabawal nito habang ito ay nasa mga tiyan nila." Kaya nagpababa si Allāh: {Walang maisisisi sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos kaugnay sa anumang kinain na nila} (Qur'ān 5:93) Ibig sabihin: Walang kasalanan sa mga sumampalataya kaugnay sa anumang kinain nila at ininom na alak bago ng pagbabawal nito.
Ayon kay Abū Najīḥ Al-`Irbāḍ bin Sāriyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nangaral sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pangaral, na nasindak dito ang mga puso at tumulo dahil dito ang mga mata. Kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, para bang ito ay isang pangaral ng isang namamaalam kaya magtagubilin ka po sa amin." Nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa inyo ng pangingilag magkasala kay Allāh, at pagdinig at pagtalima kahit pa namuno sa inyo ang isang alipin. Tunay na ang sinumang mamumuhay [nang matagal] kabilang sa inyo ay makakikita ng maraming pagkakaiba-iba. Kaya naman manatili kayo sa sunnah ko at sunnah ng mga Matinong Nagabayang Khalīfah at kumagat kayo rito ng mga bagang [ninyo]. Kaingat kayo sa mga pinauso sa mga bagay-bagay sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan ..."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-TirmidhīyNangaral ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya ng isang marubdob na pangaral na nangamba rito ang mga puso at lumuha dahil dito ang mga mata. Kaya nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, para bang iyan ay isang pangaral ng isang namamaalam." Dahil ito sa nakita nila na pagpapasidhi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pangangaral kaya humiling sila ng isang tagubilin upang kapitan nila matapos niya. Nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa inyo ng pangingilag magkasala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – at iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga kinakailangan at pag-iwan sa mga ipinagbabawal – at ng pagdinig at pagtalima – ibig sabihin: sa mga pinuno – kahit pa namuno sa inyo ang isang alipin o namahala ito sa inyo. Ibig sabihin: ang pinakamababang nilikha ay naging pinuno sa inyo. Kaya huwag kayong mangmata niyon at tumalima kayo sa kanya, dala ng pangamba ng pagpukaw ng mga sigalot sapagkat tunay na ang sinumang mamumuhay kabilang sa inyo ay makakikita ng maraming pagkakaiba-iba. Pagkatapos nilinaw niya sa kanila ang labasan mula sa pagkakaiba-ibang ito. Iyon ay sa pamamagitan ng pagkapit sa Sunnah niya at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah noong matapos niya, na sina Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, `Umar bin `Al-Khaṭṭāb, `Uthmān bin `Affān, at `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanilang lahat), at ng pagkagat dito ng mga bagang-bait – ibig sabihin: ang mga huling bagang. Ipinakakahulugan sa pamamagitan niyon ang pagseseryoso sa pananatili sa Sunnah at pagkapit dito. Nagbigay-babala siya laban sa mga pinausong ginawang bid`ah na gawain sa Relihiyong Islām sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpaabot kayo tungkol sa akin kahit pa isang talata [ng Qur'ān]. Magsanaysay kayo tungkol sa mga anak ni Israel at walang pagkaasiwa. Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya, lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy"Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapaabot ng kaalaman tungkol sa kanya mula sa Qur'ān o Sunnah, kahit pa man ang kaalaman ay kaunti gaya ng isang talata mula sa Qur'ān o isang ḥadīth, sa kundisyon na siya ay maging nakaaalam sa ipinaaabot niya at ipinaaanyaya niya."} Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang masama sa pagsasanaysay tungkol sa mga anak ni Israel hinggil sa naganap sa kanila na mga kaganapan kaugnay sa hindi nakikipagsalungatan sa Batas natin. Pagkatapos nagbigay-babala siya laban sa pagsisinungaling laban sa kanya at na ang sinumang nagsinungaling laban sa kanya nang nananadya, gumawa ito para sa sarili nito ng isang tuluyan sa Impiyerno.
Ayon kay Al-Miqdām bin Ma`dīkarib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pansinin, nalalapit na may isang lalaking aabot sa kanya ang ḥadīth tungkol sa akin habang siya ay nakasandal sa sopa niya saka magsasabi siya: 'Sa pagitan namin at ninyo ay Aklat ni Allāh, kaya ang anumang natagpuan namin dito bilang ipinahihintulot ay magsasapahintulot kami at ang anumang natagpuan dito bilang ipinagbabawal ay magsasabawal kami nito.' Tunay na ang anumang ipinagbawal ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gaya ng ipinagbawal ni Allāh."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Ibnu MājahNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nalapit na ang isang panahon na doon ay may isang uri ng mga tao na nakaupo, na ang isa sa kanila ay nakasandal sa sopa niya, na umaabot sa kanya ang ḥadīth tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka magsasabi: "Ang naghihiwalay sa pagitan namin at ninyo sa mga bagay-bagay ay ang Marangal na Qur'ān kaya ito ay nakasasapat na sa amin sapagkat ang anumang natagpuan namin dito na ipinahihintulot ay gumagawa kami ayon doon at ang anumang natagpuan namin dito na bawal ay lumalayo kami roon." Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat bagay na ipinagbawal niya o sinaway niya sa Sunnah niya, ito sa kahatulan ay tulad ng ipinagbawal ni Allāh sa Aklat Nito dahil siya ay ang tagapagpaabot tungkol sa Panginoon niya.
Ayon kay Al-`Irbāḍ bin Sāriyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw, saka nangaral siya sa amin ng isang marubdob na pangaral na nasindak dito ang mga puso at lumuha dahil dito ang mga mata. Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, nangaral ka po sa amin ng isang pangaral ng isang namamaalam, kaya maghabilin ka po sa amin ng isang habilin." Kaya nagsabi siya: "Manatili kayo ng pangingilag magkasala kay Allāh at pagdinig at pagtalima [sa pinuno], kahit pa siya ay isang aliping Etyope. Makakikita kayo matapos ko ng isang matinding pagkakaiba-iba. Kaya manatili kayo sa Sunnah ko at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah. Kumagat kayo rito ng mga bagang ninyo. Kaingat kayo sa mga bagay-bagay na pinauso sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNangaral ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya ng isang marubdob na pangaral na nangamba rito ang mga puso at lumuha dahil dito ang mga mata. Kaya nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, para bang iyan ay isang pangaral ng isang namamaalam." Dahil ito sa nakita nila na pagpapasidhi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pangangaral kaya humiling sila ng isang tagubilin upang kapitan nila matapos niya. Nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa inyo ng pangingilag magkasala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – at iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga kinakailangan at pag-iwan sa mga ipinagbabawal – at ng pagdinig at pagtalima – ibig sabihin: sa mga pinuno – kahit pa namuno sa inyo ang isang alipin o namahala ito sa inyo. Ibig sabihin: ang pinakamababang nilikha ay naging pinuno sa inyo. Kaya huwag kayong mangmata niyon at tumalima kayo sa kanya, dala ng pangamba ng pagpukaw ng mga sigalot sapagkat tunay na ang sinumang mamumuhay kabilang sa inyo ay makakikita ng maraming pagkakaiba-iba. Pagkatapos nilinaw niya sa kanila ang labasan mula sa pagkakaiba-ibang ito. Iyon ay sa pamamagitan ng pagkapit sa Sunnah niya at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah noong matapos niya, na sina Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, `Umar bin `Al-Khaṭṭāb, `Uthmān bin `Affān, at `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanilang lahat), at ng pagkagat dito ng mga bagang-bait – ibig sabihin: ang mga huling bagang. Ipinakakahulugan sa pamamagitan niyon ang pagseseryoso sa pananatili sa Sunnah at pagkapit dito. Nagbigay-babala siya laban sa mga pinausong ginawang bid`ah na gawain sa Relihiyong Islām sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan.
Ayon kina Samurah bin Jundub at Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsanaysay tungkol sa akin sa isang ḥadīth, na nakikita na ito ay isang kasinungalingan, siya ay isa sa mga sinungaling."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa Muqaddimah NiyaNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagpaabot tungkol sa kanya ng isang ḥadīth habang ito ay nakaaalam o nagpapalagay o nananaig sa palagay nito na iyon ay isang kasinungalingan hinggil sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang tagapagsalaysay niyon ay nakikilahok sa nagkakalat ng kasinungalingang ito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya ay lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsinungaling laban sa kanya nang nananadya sa pamamagitan ng pag-uugnay sa kanya ng isang sinabi o isang ginawa, tunay na ang taong ito sa Kabilang-buhay ay magkakaroon ng isang upuan sa Impiyerno, bilang ganti sa kanya sa pagsisinungaling niya laban sa Propeta.