





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtalumpati sa mga tao sa araw ng pagsakop sa Makkah sapagkat nagsabi siya: "O mga tao, tunay na si Allāh ay nag-alis nga sa inyo ng kapalaluan ng Kamangmangan at pagsasadakila nito sa mga ninuno nito. Ang mga tao ay dalawang tao: isang mabuting-loob na mapangilagin magkasala na marangal kay Allāh at isang masamang-loob na malumbay na hamak kay Allāh. Ang mga tao ay mga anak ni Adan. Lumikha si Allāh kay Adan mula sa alabok. Nagsabi si Allāh: {O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.} (Qur'ān 49:13)"}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu ḤibbānNagtalumpati ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tao sa araw ng pagsakop sa Makkah sapagkat nagsabi siya: "O mga tao, tunay na si Allāh ay pumawi at nagtanggal sa inyo ng pagmamalaki ng Kamangmangan, kahambugan nito, at pagyayabang ng mga ninuno. Ang mga tao ay dalawang uri lamang: maaaring isang mananampalatayang mabuting-loob na mapangilagin magkasala na tagatalimang mananamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – ito ay marangal kay Allāh, kahit pa siya ay hindi naging may kamaharlikaan at kaangkanan sa ganang mga tao; at maaaring isang tagatangging sumampalataya na masamang-loob na malumbay – Ito ay hamak na aba kay Allāh at hindi pumapantay sa anuman, kahit pa siya ay naging may kamaharlikaan at may reputasyon at awtoridad. Ang mga tao sa kalahatan nila ay mga anak ni Adan. Lumikha si Allāh kay Adan mula sa alabok. Kaya naman hindi naangkop sa sinumang ang pinagmulan niya ay mula sa alabok na magpakamalaki at humanga sa sarili niya. Ang pagkatotoo niyon ay ang sabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.} (Qur'ān 49:13)
Ayon kay Az-Zubayr bin Al-`Awwām na nagsabi: {Noong bumaba ang (Qur'ān 102:8): {Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.}, nagsabi si Az-Zubayr: "O Sugo ni Allāh, alin pong kaginhawahan ang tatanungin kami tungkol doon? Ang dalawang ito ay ang dalawang itim lamang: ang datiles at ang tubig." Nagsabi siya: "Ngunit tunay na ito ay mangyayari."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu MājahNoong bumaba ang talatang (Qur'ān 102:8): {Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.} Ibig sabihin: Tatanungin kayo tungkol sa pagsasagawa ng pagpapasalamat sa ibiniyaya ni Allāh sa inyo na mga biyaya. Nagsabi si Az-Zubayr bin Al-`Awwām (malugod si Allāh sa kanya): "O Sugo ni Allāh, alin pong kaginhawahan ang tatanungin kami tungkol doon? May dalawang biyaya lamang na hindi kabilang sa nagpapanawagan ng paghingi: ang datiles at ang tubig." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ngunit tunay na kayo ay tatanungin tungkol sa kaginhawahan sa kabila ng kalagayang ito na kayo ay nariyan sapagkat tunay na ang dalawang ito ay dalawang dakilang biyaya mula sa mga biyaya ni Allāh (napakataas Siya)."
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang paghahalintulad lamang sa kasamahan ng Qur'ān ay katulad ng kasamahan ng mga kamelyong nakabigkis. Kung nagmalasakit siya sa mga ito, pipigil siya sa mga ito. Kung nagpawala siya sa mga ito, aalis ang mga ito."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagwangis ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sinumang nag-aral ng Qur'ān at nawili sa pagbigkas nito – maging sa pagtingin sa Muṣḥaf o buhat sa memorya – sa kasamahan ng mga kamelyong nakabigkis sa lubid na ipinanggapos sa tuhod ng kamelyo. Kung nagmalasakit siya sa mga ito, magpapatuloy ang pagkapigil niya sa mga ito. Kung nagpawala siya sa pagkagapos sa mga ito, aalis ang mga ito at pupuslit. Kapag nag-aruga ang kasamahan ng Qur'ān kaya bumasa siya nito, makaaalaala siya nito. Kapag hindi siya nag-aruga rito, makalilimot siya nito. Kaya hanggat hindi natigil ang pagmamalasakit sa pagiging nariyan, ang pagkasaulo ay nariyan.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Samantalang si Anghel Gabriel ay nakaupo sa tabi ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), nakarinig siya ng isang langitngit mula sa ibabaw niya kaya nag-angat siya ng ulo niya saka nagsabi siya: "Iyon ay isang pinto mula sa langit, na binuksan ngayong araw, na hindi iyon binuksan kailanman kundi ngayong araw." May bumaba mula roon na isang anghel kaya nagsabi siya: "Ito ay isang anghel na bumaba papunta sa Lupa, na hindi ito bumaba kailanman kundi ngayong araw." Bumati ito at nagsabi ito: "Magalak ka sa dalawang liwanag na walang binigyan ng dalawang ito na isang propeta bago mo: ang Pambungad ng Aklat at ang mga Pangwakas ng Kabanatang Al-Baqarah. Hindi ka bibigkas ng isang titik mula sa dalawang ito malibang bibigyan ka [ng hiling mo]."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSi Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ay minsang nakaupo sa tabi ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) saka nakarinig siya ng isang tunog mula sa langit gaya ng tunog ng pinto kapag binuksan ito. Kaya nag-angat si Anghel Gabriel ng ulo niya at paningin niya sa langit. Pagkatapos nagpabatid siya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na iyon ay isang pinto mula sa langit, na binuksan ngayong araw at hindi pa naunang binuksan iyon kailanman kundi ngayong araw. Bumaba mula roon ang isang anghel, kabilang sa mga anghel, papunta sa Lupa, na hindi ito bumaba kailanman kundi ngayong araw. Bumati ang anghel sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi ito sa kanya: "Magalak ka sa dalawang liwanag na walang binigyan ng dalawang ito na isang propeta bago mo. Ang dalawang ito ay ang Kabanatang Al-Fātiḥah at ang huling dalawang talata mula sa Kabanatang Al-Baqarah." Pagkatapos nagsabi pa ang anghel: "Hindi bibigkas ang isa ng isang titik mula sa dalawang ito malibang bibigyan siya ni Allāh (napakataas Siya) na nasa dalawang ito na kabutihan, panalangin, at hiling.
Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Bigkasin ninyo ang Qur'ān sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagbangon bilang mapagpamagitan sa mga tagatangkilik nito. Bigkasin ninyo ang dalawang makinang: ang Kabanatang Al-Baqarah at ang Kabanatang Āl `Imrān sapagkat tunay na ang dalawang ito ay darating sa Araw ng Pagbangon na para bang ang dalawang ito ay dalawang ulap o para bang ang dalawang ito ay dalawang lilim o para bang ang dalawang ito ay dalawang kawan ng mga ibon na mga nakahanay na makikipangatwiran para sa mga tagatangkilik ng dalawang ito. Bigkasin ninyo ang Kabanatang Al-Baqarah sapagkat tunay na ang paghawak dito ay biyaya at ang pag-iwan dito ay isang panghihinayang. Hindi nakakakaya rito ang mga manggagaway."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHumimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapamalagi ng pagbigkas ng Qur'ān sapagkat tunay na ito ay mamamagitan sa Araw ng Pagbangon para sa mga tagabigkas nito, na gumagawa ayon dito. Pagkatapos nagbigay-diin siya sa pagbigkas ng Kabanatang Al-Baqarah at Kabanatang Āl `Imrān at tumawag sa dalawang ito bilang ang dalawang makinang na tagapagbigay-liwanag dahil sa liwanag ng dalawang ito at kapatnubayan ng dalawang ito. Ang pabuya at ang gantimpala sa pagbigkas sa dalawang ito, pagninilay-nilay sa mga kahulugan ng dalawang ito, at paggawa ayon sa nasaad sa dalawang ito ay darating sa Araw ng Pagbangon gaya ng dalawang ulap o iba pa sa dalawang ito o para bang ang dalawang ito ay dalawang pangkat ng mga ibon habang naglaladlad ng mga pakpak ng mga ito habang nagkakarugtong sa isa't isa sa mga ito, na naglilim sa tagatangkilik ng dalawang ito at nagtatanggol para rito. Pagkatapos nagbigay-diin siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapatuloy sa pagbigkas ng Kabanatang Al-Baqarah, pagnilay-nilay sa mga kahulugan nito, at paggawa ayon sa nasaad dito. Iyon ay may dulot na pagpapala at dakilang kapakinabangan sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang pagwaksi niyon ay may dulot na panghihinayang at pagsisisi sa Araw ng Pagbangon. Kabilang sa kainaman ng Kabanatang ito ay na ang mga manggagaway ay hindi nakakakaya na maminsala sa sinumang bumibigkas nito.
Ayon kay Jundub bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami noon ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang kami ay mga binatilyong matitipuno. Natutuhan namin ang pananampalataya bago namin matutuhan ang Qur'ān, pagkatapos natutuhan namin ang Qur'ān kaya nadagdagan kami dahil dito ng pananampalataya.}
Nagsalaysay nito si Imām Ibnu MājahNagsabi si Jundub bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Kami noon ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang kami ay mga binatilyong nalapit sa pagkabinatang malalakas na matitindi. Natutuhan namin sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pananampalataya bago namin matutuhan ang Qur'ān, pagkatapos natutuhan namin ang Qur'ān kaya nadagdagan kami dahil dito ng pananampalataya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang kabilang sa mga propeta na isang propeta malibang binigyan ng tulad nito, na natiwasay sa kanya ang tao. Tanging ang ibinigay sa akin noon ay isang kasi na ikinasi ni Allāh sa akin. Kaya nag-aasam ako na ako ay maging pinakamarami sa kanila sa tagasunod sa Araw ng Pagbangon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoBumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga propeta sa kabuuan nila ay inalalayan ni Allāh at binigyan ng mga tanda at mga himalang pambihira na naisasapatunay sa pamamagitan ng mga iyon sa pagkapropeta nila at nag-aatas ng pananampalataya ng sinumang nakasaksi sa mga iyon hinggil sa katapatan nila at na siya ay napanaigan sa hamon sa punto na hindi siya nakakakaya sa pagtulak sa mga iyon palayo sa sarili niya subalit maaaring magkaila siya saka magmatigas siya. Tunay na ang tanda niya at ang himala niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang Qur'ān na ikinasi ni Allāh sa kanya dahil sa nilaman nito na maliwanag na nagpapatuloy na pagpapawalang-kakayahan sa iba dahil sa dami ng benepisyo nito at pagkapangkalahatan ng kapakinabangan nito dahil sa pagkasaklaw nito sa pag-anyaya, katwiran, at pagpapabatid hinggil sa mangyayari. Kaya naisapangkalahatan ang kapakinabangan nito sa sinumang nakadalo at sinumang nakaliban at sinumang nakatagpo at sinumang matatagpuan. Pagkatapos nagsabi siya: "Kaya nag-aasam ako na ako ay maging pinakamarami sa kanila sa tagasunod sa Araw ng Pagbangon."
Ayon kay Qatādah (kaawaan siya ni Allāh) na nagsabi: {Tinanong si Anas kung papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagsabi ito: "Ito noon ay pagpapahaba." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 1:1): "Bismi -llāhi -rraḥmāni -rraḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain)." Nagpapahaba siya sa: "Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)," nagpapahaba siya sa: "-rraḥmāni -rraḥīm ([ang] Napakamaawain, ang Maawain)," at nagpapahaba siya sa: "-rraḥīm ([ang] Maawain)."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyTinanong si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) kung papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng Qur'ān. Kaya nagsabi siya: "Siya noon ay nagpapahaba ng tinig niya sa pagbigkas sa isang pagpapahabang pinahahaba ang LA na bago ng H ng pangalang Allāh, pinahahaba ang MA na bago ng N ng RaḥMĀN, at pinahahaba ang ḤI ng RaḤĪm."
Ayon sa Anak ni Abū Mulaykah: ayon sa isa sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Nagsabi si Abū `Āmir: Nagsabi si Nāfi`: Nakakita ako sa kanya, kay Ḥafṣah, na ito ay tinanong tungkol sa pagbigkas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "Tunay na kayo ay hindi makakakaya niyon." Nagsabi iyon: Kaya sinabi rito: "Magpabatid ka sa amin hinggil doon." Nagsabi iyon: Kaya bumigkas ito ng pagbigkas na nagpapakahinay-hinay ito roon. Nagsabi si Abū `Āmir: Nagsabi si Nāfi`: Kaya gumaya para sa amin ang Anak ni Abū Mulaykah: "Alḥamdu lillāhi rabbi -l`ālāmin (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang) (Qur'ān 1:2) pagkatapos huminto siya, "Arraḥmāni -rraḥīm (ang Napakamaawain, ang Maawain)." (Qur'ān 1:3) pagkatapos huminto siya, "Māliki yawmi -ddīn (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas) (Qur'ān 1:3)"}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadTinanong si Ḥafṣah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): "Papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng Qur'ān?" Kaya nagsabi ito: "Tunay na kayo ay hindi makapagkakaya sa tulad niyon." Kaya sinabi rito: "Magpabatid ka sa amin." Nagsabi si Nāfi`: Kaya bumigkas para sa amin ang Anak ni Abū Mulaykah ng pagbigkas ng pagdadahan-dahan dito upang magaya at mapalapit para sa kanila ang pamamaraan ng pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumigkas siya: "Alḥamdu lillāhi rabbi -l`ālāmin (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang) (Qur'ān 1:2) pagkatapos huminto siya sa pagbigkas, "Arraḥmāni -rraḥīm (ang Napakamaawain, ang Maawain)." (Qur'ān 1:3) pagkatapos huminto siya sa pagbigkas, "Māliki yawmi -ddīn (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas) (Qur'ān 1:3)"