





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi matitigil ang mananampalataya sa pagiging nasa isang kaluwagan mula sa Relihiyon niya hanggat hindi siya nagbuhos ng isang dugong bawal."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mananampalataya ay hindi matitigil sa pagiging nasa isang kaluwagan at lawak ng mga gawain niyang maayos at pag-asa sa awa ni Allāh at kapatawaran Nito at paumanhin Nito hanggang sa pumatay siya ng isang taong ipinagbabawal patayin sapagkat sisikip sa kanya ang mga gawain niya dahil ang mga ito ay hindi makatutumbas sa timbang ng pagpatay at pagkakasala niyang mabigat.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na mga taong mula sa `Ukl o `Uraynah saka napangitan sila sa Madīnah. Kaya naman nag-utos sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [na pumunta] sa mga gatasang kamelyo at na uminom mula sa mga ihi ng mga ito at mga gatas ng mga ito. Kaya humayo naman sila; ngunit noong lumusog sila, pinatay nila ang pastol ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at itinaboy nila ang mga kamelyo. Nakarating [sa Propeta] ang balita sa simula ng umaga kaya nagpadala siya [ng tutunton] sa mga bakas nila. Noong nagtanghali, inihatid sila saka nag-utos siya, saka ipinaputol ang mga kamay nila at ang mga paa nila at pinakuan ang mga mata nila. Itinapon sila sa Al-Ḥarrah. Humihingi sila ng maiinom ngunit hindi sila pinaiinom. Nagsabi si Abū Qilābah: "Ang mga ito ay nagnakaw, pumatay, tumangging sumampalataya matapos ng pagsampalataya nila, at nakipagdigmaan kay Allāh at sa Sugo Niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mga lalaking kabilang sa lipi ng `Ukl at Lipi ng `Uraynah bilang mga Muslim. May dumapo sa kanila na sakit at karamdamang lumaki dahil dito ang mga tiyan. Kinasuklaman nila ang pananatili sa Madīnah yayamang tunay na hindi sumasang-ayon sa kanila ang pagkain doon at ang klima roon. Kaya naman nag-utos sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pumunta sila sa mga kamelyo ng kawanggawa at na uminom sila mula sa mga ihi ng mga ito at mga gatas ng mga ito. Kaya humayo naman sila; ngunit noong lumusog sila, tumaba sila, at bumalik sa kanila ang mga kulay nila, pinatay naman nila ang pastol ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at itinaboy nila ang mga kamelyo. Nakarating [sa Propeta] ang balita sa simula ng umaga kaya nagpadala siya [ng tao] sa paghahanap sa kanila saka naabutan naman sila. Noong nagtanghali, inihatid sila, bilang mga bihag, sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nag-utos siya na putulin ang mga kamay nila at ang mga paa nila at tusukin ang mga mata nila dahil sila ay gumawa niyon sa pastol. Itinapon sila sa Al-Ḥarrah. Humihingi sila ng maiinom ngunit hindi sila pinaiinom hanggang sa namatay sila. Nagsabi si Abū Qilābah na sila ay nagnakaw, pumatay, tumangging sumampalataya matapos ng pagsampalataya nila, at nakipagdigmaan kay Allāh at sa Sugo Niya.
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagindapat sa isang takdang parusa saka minadali siya sa kaparusahan sa kanya sa Mundo, si Allāh ay higit na makatarungan kaysa sa magdoble Siya sa lingkod Niya sa kaparusahan sa Kabilang-buhay. Ang sinumang nagindapat sa isang takdang parusa saka nagtakip nito si Allāh sa kanya at nagpaumanhin Siya sa kanya, si Allāh ay higit na mapagbigay kaysa sa bumalik Siya sa anumang nagpaumanhin na Siya sa kanya."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu MājahNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakagawa ng isang pagsuway kabilang sa mga pagsuway na nag-oobliga ng pangkapahayagang takdang parusa, gaya ng pangangalunya at pagnanakaw, saka nagtamo ng parusa niya at ipinatupad sa kanya ang takdang parusa sa Mundo, tunay na ang takdang parusang iyon ay magpapawi sa kanya ng pagsuway na iyon at mag-aalis sa kanya ng kaparusahan nito sa Kabilang-buhay dahil si Allāh ay higit na mapagbigay at higit na maawain kaysa sa magtipon Siya sa lingkod Niya ng dalawang kaparusahan. Ang sinumang tinakpan ni Allāh sa Mundo at hindi pinarusahan sa pagsuway na iyon, magpapaumanhin si Allāh sa kanya at magpapatawad sa kanya sapagkat si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay higit na mapagbigay at higit na galante kaysa sa bumalik Siya sa pagpaparusa sa isang pagkakasalang nagpatawad na Siya nito at nagpaumanhin na Siya sa kanya.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaki sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pangalan ay `Abdullāh. Ito noon ay tinatagurian bilang Ḥimār. Ito noon ay nagpapatawa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humagupit dito dahil sa pag-inom [ng alak]. Dinala na naman ito isang araw saka hinagupit ito kaya may nagsabing isang tao kabilang sa mga tao: "O Allāh, sumpain Mo siya! Anong dami ng paghahatid sa kanya!" Kaya nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ninyo siyang sumpain sapagkat sumpa man kay Allāh, ang nalaman ko ay na siya ay nagmamahal kay Allāh at sa Sugo Niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNoong panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may isang lalaking ang pangalan ay `Abdullāh at tinatagurian bilang Ḥimār. Ito noon ay nagpapatawa sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ilan sa pananalita nito. Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humagupit nga rito dahil sa pag-inom ng alak, saka inihatid na naman ito isang araw dahil sa pag-inom ng alak kaya nag-utos siya na parusahan ito saka hinagupit ito. Inalipusta ito ng isa sa mga nakadalo at sinabi niyon: "Sumpain siya ni Allāh! Anong dami ng paghahatid sa kanya! Uminom na naman siya ng alak!" Kaya nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong manalangin sa kanya ng pagtaboy mula sa awa ni Allāh sapagkat sumpa man kay Allāh, wala akong nalaman kundi na siya ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya."
Ayon kay Abu Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa higit na mainam kaysa sa antas ng ayuno, dasal, at kawanggawa?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Ang pag-aayos sa may namagitang alitan sapagkat tunay na ang pagkasira sa may namagitang alitan ay ang tagapag-ahit."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-TirmidhīyNagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya: "Magpapabatid ba ako sa inyo hinggil sa higit na mainam kaysa sa pabuya ng pagpapabuya ng kinukusang-loob na ayuno, dasal, at kawanggawa?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: Ang pagsasaayos sa pagitan ng mga nag-aalitan ay yayamang nagbubunsod ang pag-aalitan ng pagkawatak-watak, pagkailang, pagmumuhian, at pagtatalikuran sa pagitan ng mga tao sapagkat tunay na ang inireresulta sa kaguluhan ng may namagitang alitan ay ang katangian na kabilang sa pumapatungkol dito na magpasawi ito at magtanggal ito ng buhay panrelihiyon at buhay pangmundo kung papaanong nagtatanggal ang labaha ng buhok.
Ayon kay As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allah sa kanya: "Nagsagawa ng ḥajj para sa akin kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa Ḥajj ng Pamamaalam samantalang ako ay pitong taong gulang."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīySi As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allah sa kanya, ay isang batang kasamahan, na pinagsagawaan ng ḥajj ng mag-anak niya noong panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Naabutan niya ang Ḥajj ng Pamamaalam. Kinilala ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang ḥajj ng mga bata. Ibibilang ito sa bata na ḥajj na kusang-loob ngunit kapag tumuntong na ito sa sapat na gulang ay inoobliga siyang magsagawa ng isa pang ḥajj. Gagawin ng bata sa ḥajj ang tulad ng ginagawa ng nakatatanda gaya ng iḥrām, paghuhubad ng may tahi, talbiyah, at mga tulad nito. Kapag hindi niya kayang gawin ito, ang walīy niya gaya ng ama niya o ina niya ang magsasagawa. At-Tawḍīh li Sharḥ Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaḥīḥ 473/12, `Umdah Al-Qāri’ 218/10, Nuzhah Al-Muttaqīn 898/2, at Sharḥ Riyād Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 326/327-5.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsagawa ng ḥajj sakay ng sasakyang kamelyo at ito ay tagapasan niya."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng ḥajj ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay lulan ng kamelyo nang walang karga: ang bagay na inilalagay sa kamelyo. Wala siyang iba pang kamelyo na magpapasan ng pagkain niya at mga gamit niya, bagkus inilalagay niya ang mga ito kasama niya sa kamelyong ito. Ito ay kabilang sa nagpapatunay sa kawalan niya ng kamunduhan at pagkakasya niya sa kaunti sa Mundo. Ang ḥadīth ay hindi nagpapahiwatig ng pagbabawal sa pagsakay sa maginhawa at magarang sasakyang hayop sa ḥajj. Ang pagkakasaya sa kaunting karangyaan at luho sa ḥajj ay ang pinakamainam bilang pagtulad sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang `Ukāđ, ang Mijannah, at ang Dhulmajāz ay mga palengke noong Panahon ng Kamangmangan. Nangamba silang magkasala sa pangangalakal sa mga panahon [ng ḥajj] kaya bumaba [ang talata]: Hindi kasalanan para sa inyo na maghanap kayo ng kagandahang-loob mula sa Panginoon ninyo. (Qur'an 2:198) sa mga panahon ng ḥajj."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng mga lugar na ito noon ay mga palengke ng mga Mushrik. Nagkakalakalan sila sa mga ito sa mga araw ng ḥajj. Nangamba ang mga Kasamahan, malugod si Allah sa kanila, na magkasala kapag nakipagkalakan sila sa mga ito sa araw ng ḥajj. Ibinaba ni Allah ang nabanggit na talatang ito upang linawin sa kanila na ang pangangalakal sa panahon ng ḥajj ay hindi nakasisira rito kasabay ng pagsasagawa ng mga rituwal sa paraang ayon sa Sharī`ah. Ang pangangalakal sa ḥajj ay ipinahihintulot subalit ang karapat-dapat at ang pinakamagaling ay ang italaga ang sarili sa pagsasagawa sa mga gawain ng ḥajj. Ito ang pinakamainam.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya-Tunay na siya ay komunsulta sa mga Tao [tungkol] sa nakunan na babae,Nagsabi si Al-Mugherah bin Shu`bah:((Nasaksihan ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na humatol rito ng Aliping-lalaki o babae-Nagsabi siya:Maghanap ka ng kasama mong magsasaksi,at nagsaksi kasama niya si Muhammad bin Maslamah))
Napagkaisahan ang katumpakanNalaglag ng babae ang anak niya na patay bago sumapit ang kapanganakan nito dahil sa epekto ng mabigat na kasalanan sa kanya.At kabilang sa naka-ugalian ng Makatarungang Khalifah na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya-ang komunsulta sa mga kasamahan niya at mga may kaalaman sa kanila sa mga gawain niya at paghahatol niya,At nang malaglag ng babaing ito ang [kanyang] sinapupunan na namatay at hindi kompleto [sa kabuwanan],Naging mahirap para sa kanya ang paghatol sa kabayaran nito.Kaya komunsulta siya sa mga kasamahan ng Propeta,malugod si Allah sa kanila-dahil dito.Sinabi sa kanya ni Al-Mugerah bin Shu`bah, na nasaksihan niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na humatol sa kabayaran ng sinaapupunan nang "Alipin" lalaki o babae.Kaya`t inibig ni `Umar na pagtibayin ang hatol na ito,na siyang magiging Batas ng Pangkalahatan hanggang sa Araw ng Pagkabuhay,Kaya`t ipinasigurado niya kay Al-Mughera na kumuha ng magsasaksi na magpapatunay na totoo ang sinabi niya at pagkatumpak ng pagbalita niya.Kaya nagsaksi si Muhammad bin Maslamah Al-Ansari sa pagpapatotoo sa nasabi niya.Malugod si Allah sa kanilang lahat.