





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:(( Nag-away ang dalawang kababaihan mula sa Hudhayl.Nagbatuhan ang bawat isa sa kanila ng bato,Napatay niya ito at ang nasa sinapupunan nito.Nagpahatol sila sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Naghatol ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang kabayaran sa (namatay) na sanggol ay alipin-lalaki man o babae-At naghatol siya sa kabayaran ng babaeng (namatay), sa kamag-anak (ng nakapatay),at ipapamana niya ang mamanahin niya sa anak niya at sa sinumang mga kasamahan niya,Tumayo si Hamal bin Al-Nabigah Al-Hudhalie,Nagsabi siya: O Sugo ni Allah-Papaano ko babayaran ang uminom na hindi naman kumakain at hindi nakakapagsalita at hindi narinig ang boses niya;Ang katulad nito ay dapat binabali-wala? Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Tunay na ito ay kabilang sa mga kapatid ng Manghuhula)) dahil sa pagtutula nito na tinula niya.
Napagkaisahan ang katumpakanNagpahatol ang dalawang kababaihan na may asawa mula sa tribo ng Hudhayl,Nagbatuhan ang bawat isa sa kanila ng maliliit na bato na hindi pangkaraniwang nakakamatay,Ngunit napatay niya ito at napatay din ang bata sa sinapupunan niya,Naghatol ang Propeta pagpalain siya ni Allah at :Na ang kabayaran sa sinapupunan ay, aliping lalaki o babae,maging ang sanggol man ay lalaki o babae,At ang kabayaran ay sa babaeng nakapatay,at naghatol siya sa babaeng namatay ng kabayaran dahilan sa ang pagkamatay niya ay kahalintulad nang sinadya,at ito ay (mababayaran) nang kamag-anak ng babaeng (nakapatay) Sapagkat ang tinitingnan rito ay sa pagtutulungan at pagpapantay,At gayundin dahil sa ang uri ng Pagpatay ay hindi sinasadya,At dahil sa ang Kabayaran ay ang Mana pakatapos ng napatay, tunay na makukuha ito ng anak niya at sinumang kasamahan niya na tagapag-mana,at wala sa mga kamag-anak ng (nakapatay ang mamanahin) kahit na maliit na bagay,Nagsabi si Hamal bin An-Nābigah-Na siyang ama ng nakapatay-O Sugo ni Allah,Papaano namin babayaran ang nahulog na patay,hindi nakakain at hindi naka-inom at hindi narinig ang boses upang malaman ang pagkabuhay nito?Sinasabi niya ito sa paraan na pakikipag-usap na patalinghaga.Ikinamunghi ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - ang salita niyang ito,Dahil sa napapaloob dito na pagtanggi sa Panuntunan ng Islam dahil sa patalinghagang ito na nag-uutos,na kahalintulad sa patalinghagang (salita) ng mga Manghuhula at sila ay ang kumakain sa mga kayamanan ng mga Tao,na ipinagbabawal.
Ayon kay `Imraan bin Husain-malugod si Allah sa kanya-(( Tunay na ang isang lalaki ay kinagat nito ang kamay ng isang lalaki,tinanggal nito ang kamay niya rito,Nahulog ang ngipin niya,Nagpahatol sila sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Nagsabi siya: ((Kinakagat ng isa sa inyo ang kapatid niya tulad ng pagkagat ng lalaking [kamelyo o kabayo],Walang kabayaran para sa iyo))
Napagkaisahan ang katumpakanNanadya ang isang lalaki sa ibang [lalaki] at kinagat niya ang kamay nito,Tinanggal ng nakagat ang kamay niya mula sa bunganga ng nangagat,at nahulog ang dalawang ngipin nito,Nagpahatol sila sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang nangagat ay humihingi ng kabayaran dahil sa dalawang ngipin nitong natanggal,habang ang nakagat ay nagtatanggol sa kanyang sarili,na ninais lamang niyang iligtas ang kanyang kamay mula sa mga ngipin niya.Tumanggi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa namamaratang,ang nangagat.Papaano niya nagawa ang katulad ng ginagawa ng mabangis na hayop,at nagsabi siya: Kinakagat ng isa sa inyo ang kapatid niya,pagkatapos nito ay darating siya upang humingi ng kabayaran sa kasalanang nagawa sa mga ngipin niya?! Walang kabayaran para sa iyo.Sa hayag ay siya ang nanadya.
Ayon kay `Aishah-malugod si Allah sa kanya-(( Na ang mga Quraysh ay nagdalamhati sila sa kapakanan ng Makhzumiyyah na nagnakaw;Nagsabi sila: Sino ang makikipag-usap rito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-? sinabi nila: Sino pa ang may kakayahang makipag-usap sa kanya maliban kay Usamah bin Zaid,na iniibig ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Kinausap siya ni Usamah,Nagsabi siya:Namamagitan kaba sa Alituntunin mula sa mga Alituntunin ni Allah?Pagkatapos ay tumindig siya,at nagbigay ng Sermon Nagsabi siya:Katotohanan na kaya nilipol ang mga( Taong) nauna sa inyo,Sapagkat sila,Kapag nagnakaw sa kanila ang mga may karangyaan,ay iniiwan ito,Ngunit kapag ang nagnakaw sa kanila ay ang mahihina,ipinapatupad nila ang Alituntunin,At Sumpa kay Allah,Kahit si Fatimah bint Muhammad ang nagnakaw,tunay na puputulin ko ang kamay niya)) At sa isang pananalita:(( Ang isang babae ay naghihiram ng gamit at kinuha niya ito,Kaya`t ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na putulin ang kamay niya))
Napagkaisahan ang katumpakanAng isang babae mula sa Makhzum ay nanghihiram ng gamit sa mga Tao na nandadaya,pagkatapos ay pinabulaanan niya ito,Nanghiram ulit ito ng alahas at pinabulaanan din niya ito,natagpuan ito sa kanya at naipadala ang ginawa niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tiniyak niya na ipapatupad ang Alituntunin ni Allah-Pagkataas-taas Niya na pagputol sa kamay niya,At siya ay may karangyaan at nagmula sa pamilya na `Ariqah sa Quraysh.Nagdalamhati ang mga Quraysh sa kanya at sa Panuntunan na ipapataw sa kanya,at nagpulong-pulong sila kung sino ang gagawin nilang pamagitan sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang kausapin ito sa paglaya niya,At wala silang nakita na nangunguna kay Usama bin Zaid,sapagkat siya ay napakalapit na iniibig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Kinausap siya ni Usamah,at nagalit siya sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi sa kanya-bilang pagtanggi sa kanya-"Namamagitan kaba sa Alituntunin mula sa mga Alituntunin ni Allah?" Pagkatapos ay tumayo siya at nagsermon sa mga Tao,upang ipahayag sa kanila ang dalang panganib na ganitong Pamamagitan,na kung saan nagpapawalang-bisa sa Alintuntunin ni Allah;At dahil sa ang Paksa ay nagdadala ng dalamhati sa karamihan sa kanila,Ipinahayag niya sa kanila na ang dahilan ng Pagkalipol ng mga nauna sa kanila sa Relihiyon nila at sa Mundo nila,Dahil silay ay nagpapatupad sa Alituntunin ni Allah sa mga mahihina at mga dukha,at iniiwan nila ang mga Malalakas at mga marangya,Kaya`t nangibabaw sa kanila ang kaguluhan at kasamaan at katiwalian,Kaya`t nararapat sa kanila ang poot ni Allah at Parusa Niya,Pagkatapos ay Sumumpa siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na siya ang pinaka-tapat sa lahat ng Tapat-Kung mangyayari man ang pangyayaring ito sa Pinuno ng mga kababaihan sa Mundo,sa anak niya na si Fatimah-nagpapakopkop siya sa Allah rito-Ipagsasakatuparan niya rito ang Panuntunan ni Allah-Pagkataas-taas Niya;Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya.siya ay nagsabi: (( Nasindak namin ang isang kuneho sa lugar na " Mar Dhahran" hinabol ito ng mga tao ngunit napagod sila,at inabutan ko ito at hinuli ko,dinala ko ito kay Abe Talhah,kinatay niya ito,at ipinadala niya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang balakang nito at ang dalawang hita nito,at tinanggap niya ito))
Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan nito ay nasa gitna ng paglalakbay,at marahil ay nakapagpahinga na sila noon sa lugar na ito na tinatawag na Mar Dhahran,Katotohanang nagpahinga sa lugar na ito ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sampu ng kanyang mga kasamahan sa taon ng Al-Fath [Pagtagumpay sa Meccah],nasindak nila ang isang kuneho,ito ang kahulugang,nasindak namin,hinabol ito ng mga tao upang huliin,,Nagsabi siya: napagod sila,at inabutan ko ito,At si Anas bin Malik sa mga oras na yaon ay nasa panahon ng kanyang pagbibinata,hinuli niya ito at dinala niya sa asawa ng nanay niya,na si Abu Talhah-malugod si Allah sa kanya-kinatay niya ito at ibinigay niya bilang regalo sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang balakang nito,tinanggap niya ito at marahil ay kumain siya rito.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Siya ay nagsabi: Pinalaya ng isang lalaki mula sa Tribo ng Ansar [kapag siya ay namatay] ang kanyang alipin-At sa isang pananalita; Naiparating ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Na ang isang lalaki mula sa kasamahan niya ay nagpapalaya ng kanyang alipin ;kapag pumanaw na siya -Wala siyang ibang kayamanan maliban rito,Kaya ibininta ito ng Sugo ni Allah-sa halagang walondaang dirham,Pagkatapos ay ipinadala niya ang halagang ito sa kanya.
Napagkaisahan ang katumpakanIsinalalay ng isang lalaki mula sa Tribo ng Ansar ang pagpapalaya sa alipin nito ,sa kanyang pagkamatay.At wala siyang ibang kayamanan maliban rito,Naiparating ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Subalit itinuring niya sa pagpalaya [ng aliping ito] ay kabilang sa kapabayaan,at hindi niya pinayagan ang ganitong gawain.Ibinalik niya ito at ibininta niya ang alipin nito sa halagang walondaang dirham.Ipinadala niya ito sa kanya,Dahil ang paggugol niya rito para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ay mahalaga at mainam mula sa pagpapalaya [ng alipin],at nang sa gayun ay hindi siya maging palaasa sa mga tao.At sa mga katulad ng ganitong mga Hadith,napapaloob rito ang mga panuntuntunan na dapat maintindihan ng mga tao kahit na hindi niya ito gawin.At hindi dapat isawalang-bahala ang pag-aaral at pag-unawa sa mga ito,sa katibayang wala ng matatagpuang alipin sa mga araw na ito,Sapagkat ang mga alipin ay matatagpuan lamang sa mga lugar ng Africa,At marahil ay mauulit pa ito,At ito ay mayroon din sa Angkan ni Adan hanggang sa dumating ang Islam,at sa pagkatapos nito.Subalit ang Islam ay naghahangad o naghahanap ng kalayaan at pagpapalaya kapag nangyari ang pag-aalipin.
Ayon kay Abē Hurayrah -malugod si Allah sa kanya-at Zaid bin Khālid Al-Juhanīy- malugod si Allah sa kanya-Tunay na tinanong ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa [kaparusahan ng] babaing alipin,kapag siya ay nangalunya at walang asawa? Nagsabi siya: ((Kapag siya ay nangalunya,hagupitin ninyo siya,Pagkatapos, kung siya ay nangalunya [ulit],hahagupitin ninyo siya,Pagkatapos, kung siya ay nangalunya [ulit],hahagupitin ninyo siya,pagkatapos ay ibinta ninyo kahit sa halaga ng murang lubid)) Nagsabi si Ibn Shihab : (( At hindi ko na alam ,kung ano ang pagkatapos ng ikaapat o ikalima))
Napagkaisahan ang katumpakanTinanong ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa kaparusahan ng babaing alipin kapag siya ay nangalunya at wala siyang asawa;Ibig sabihin ay hindi nakasal;Ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na sa kanya ay nararapat ang [ang kaparusahang] hagupit,At ang paghagupit sa kanya ay kalahati sa hagupit ng malayang [babae] mula sa kanyang kaparusahan. At ito ay magiging limampong hagupit;Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya; {At kung sila ay punakasalan na,at nagkasala ng kahalayan,ang kanilang kaparusahan ay kalahati ng [kaparusahan] ng isang malayang babae},Pagkatapos kapag siya ay nangalunya sa ikalawang beses;Hahagupitin din siya ulit nang limampong beses,marahil ay upang mapipigilan na siya sa kanyang pangangalunya.At kapag nangalunya siya sa ikatlong beses at hindi siya napigilan ng pagpaparusa,at hindi rin siya nagbalik-loob sa Allah-Pagkataas-taas Niya-at pinangangambahan na ang [paglaganap] ng kahihiyan sa mga oras na ito,ipataw ninyo sa kanya ang kaparusahan ng hagupit at ibinta ninyo ito.kahit sa kaunting halaga,at ito ang [halaga ng] ng murang lubid,Sapagkat walang maidudulot na kabutihan sa pananatili niya, At ang paglayo sa kanya ay higit na mainam mula sa pagiging malapit niya,upang hindi maging sanhi ng kasamaan sa bahay kung saan ka naninirahan.
Ayon kay Ibn 'Abbās-malugod si Allah sa kanilang dalawa-nagsabi siya:((Pumasok ako at si Khālid bin Walēd kasama ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa bahay ni Maymūnah,iihanada niya ang bayawak na inihaw, inabot ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pabgalagaan-sa kamay niya,Nagsabi ang mga kababaihan sa loob ng bahay ni Maymūnah:Ipaalam ninyo sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kung ano ang gusto niyang kainin,itinaas ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kamay niya,nagsabi ako:ipinagbabawal ba ito, O Sugo ni Allah?Nagsabi siya: Hindi;ngunit wala ito sa lugar ng mga tao ko,kaya't nakikita niyo sa akin na namumunghi rito,kumuha Ako rito at kinain ko.at ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tumitingin))
Napagkaisahan ang katumpakanDumating si Umma Hafēd bint Al-Hārith at siya ay si Huzaylah bint Al-Hārith,dumating siya sa kapatid niya na si Maymūnah,na bumibisita sa kanya at may dala siyang bagay na mga regalo,at kabilang sa mga napapaloob sa mga regalo ay ang bayawak.At tunay na nakasama nila sa pananghalian na ito ang mga anak ng mga kapatid ni Maymūnah,At si Khālid bin Walēd,siya ay anak ng kapatid niya;at si Maymūnah at tiyahin niya,At si 'Abdullah bin 'Abbās at Al-Fadl bin 'Abbās,siya ay tiyahin din nilang dalawa.At nang mailatag na ang pananghalian at inabot ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kamay niya sa karne upang kumain rito,Nagsabi ang mga kababaihan na nasa loob ng bahay;Ipaalam niyo sa Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kung Ano ang gusto niyang kainin,Sinabi sa kanya; Ito ay karne ng bayawak,nai-angat niya ang kamay niya at hindi siya kumain,Sinabi sa kanya ni Khālid: Ipinagbabawal ba ito,O Sugo ni Allah?Nagsabi siya: Hindi;Ngunit wala ito sa lugar ng mga Tao ko kaya't nakikita ninyo sa akin ba namumunghi rito.ibig sabihin ay: nandidiri ako rito, Nagsabi si Khālid: kumuha ako rito at kumakain ako at ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tumitingin
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa:((Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naghati sa nadambong: Para sa [mandirigmang] nakasakay sa kabayo ay may dalawang bahagi,at para sa lalaking [walang kabayo] ay isang bahagi))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ni `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naghati ng mga nadambong na ang paras sa mga [mandirigmang] nakasakay sa kabayo ay may dalawang bahagi at ang para sa lalaking [walang kabayo] ay isang bahagi lamang,ito ay dahil sa ang naitutulong at pakinabang ng [mandirigmang] nakasakay sa kabayo sa pakikipaglaban ay higit na marami mula sa naitutulong at pakinabang ng nag-iisang lalaking walang kabayo,At pinapatunayan ito ng Maluwalhating Qur-an,sapagkat sinabi Niya-Pagkataas-taas Niya: ( At gumagalugad sa pagsalakay sa bukang liwayway-At nagpupumilit na makapasok sa gitna [ng kaaway]) [Al-Adiyat-3-5],Sa talatang ito ay binanggit ang kabayo at nagpapatnubay ng pagtulong niya sa [gitna ng] pakikipaglaban,At sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-( Ang kabayo, sa noo nito ay kabutihan hanggang sa Araw ng Pagkabuhay)
Ayon kay 'Abdullah bin ' Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa:(( Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -ay nagbibigay sa iba ng mga karagdagang [biyaya] na napagtanto para lamang sa mga sarili nila,sa sinumang ipinapadala niya sa hukbo ng sandatahan,Maliban pa sa ibinabahagi sa pangakalahatang Hukbo ng sandatahan))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ni 'Abdullah bin ' Umar malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -ay nagbibigay sa iba ng mga karagdagang [biyaya] na napagtanto para lamang sa mga sarili nila,sa sinumang ipinapadala niya sa hukbo ng sandatahan,Ibig sabihin ay binibigyan niya sila ng bahin na napagtanto mula sa mga nadambong nila, na wala sa mga ibang hukbo ng sandatahan, at ito ay bilang paghihimok at paghihikayat sa kanila sa Pakikipaglaban [sa landas ni Allah]