





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi.((Ang mga kayamanan ng Tribo na Nadher:ay kabilang sa ipinagkaloob ni Allah na labi ng digmaan [Fai] sa kanyang Sugo-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na hindi kabilang sa mga iniudyok ng mga Muslim rito [sa pamamagitan] ng Kabayo o Kamelyo.At sa Sugo ni Allah ay may nakatalaga para sa kanya lamang,Hinihiwalay niya rito ang ginugugol niya sa pamilya niya sa liib ng isang taon,pagkatapos ay inilalagay niya ang mga natitira sa para sa mga kabutihan [ng mga Muslim,at sa mga sandata bilang paghahanda sa[ pakikipaglaban] sa daan kay Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-))
Napagkaisahan ang katumpakanNang dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Madinah na bilang tagalikas,Natagpuan niya sa paligid niya ang mga grupo g mga Hudyo,nakipagkasundo sa kanila at nakipag-ayos na mapapanatili sila sa relihiyon nila at hindisiya makikipaglaban sa kanila,at hindi niya tutulungan [ang sinuman] sa kanya ay kumalaban,Nakapatay ang isang lalaki mula sa mga kasamahan ng Propeta,na tinatawag sa pangalan na `Amr bin `Umayyah Addamri-malugod si Allah sa kanya-ng dalawang lalaki mula sa Tribo ni `Amer,inakala niya na sila ay kalaban ng mga Muslim,Tinanggap ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kabayaran sa dalawang lalaki,at lumabas siya sa nayon na tribo ng Annadher,upang humingi ng tulong sa dalawang kabayaran.Habang siya ay naka-upo sa isang lugar sa loob ng merkado nila at naghihintay ng tulong nila,pangako nila at pinagtangkaan nila siyang patayin,Dumating sa kanya ang Kapahayagan mula sa kalangitan sa pagtataksil nila,kaya lumabas siya mula sa nayon nila na naglilinlang sa kanila at sa mga naroroon sa mga kasamahan niya na siya ay tumayo upang pumunta sa palikuran at pumunta siya sa Madinah,at nang naantala niya ang mga kasamahan niya,lumabas sila sa palatandaan niya,at ipinagbigay alam niya sa kanila ang pagtataksil ng mga Hudyo-Naway ang Kapintasan ay mapasa kanila mula kay Allah-at napalibutan sila sa lugar nila ng anim na araw,hanggang sa naging ganap ang kasunduan na sila ay lalabas sa Sham,Herah,at Khaybar,At ang mga kayamanan nila [na ipinagkaloob ni Allah] ay Fai [labi ng digmaan] ng hindi magkasundong dalawang grupo,nakamit ito ng walang halong paghihirap na sumalubong sa mga Muslim,at hindi kayo nag-udyok rito [ng madaliang paglalakbay] sa pamamagitan ng mga kabayo at hindi rin sa mga Kamelyo,Ang mga kayamanan nila ay pagmamay-ari ni Allah at ng kanyang Sugo,Itinatago ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagkain ng pamilya niya sa loob ng isang taon,at ginugugol niya ang natitira sa mga bagay na makakabuti para sa pangkalahatang mga Muslim,At ang pinaka -una nito sa mga oras na yaon ay paghahanda sa pakikipaglaban mula sa [pagbili ng] mga kabayo at sandata,at sa lahat ng oras ay may tamang pagkakataon sa paggugol,para sa kabutihan ng Pangkalahatan.
Ayon kay 'Abdurrahmān bin Abē Bakrah,Nagsabi siya:(( Sumalat ang ama ko-o sumulat Ako sa kanya-para sa anak niya na si 'Ubaydallah bin Abē Bakrah bin Abē Bakrah at siya ay isang Taga-Hatol sa Sijistān: Na huwag kang humatol sa pagitan ng dalawa na ikaw ay galit,sapagkat narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: Huwag humatol ang isa sa inyo sa pagitan ng dalawa na siya ay galit)) At sa isang salaysay:(( Huwag na huwag humatol ang Taga-Hatol sa pagitan ng dalawa na siya ay galit))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbawal sa Batas ng Islām na may tingib na Karunungan,Na humatol ang Taga-hatol sa pagitan ng mga Tao na siya ay galit; ito ay dahil sa ang galit ay nakaka-apekto sa pagbabalanse sa pagkatao ng Tao,Kung kaya't hindi sigurado na (hindi siya makapag-hatol ng) hindi makatarungan o gawing mali ang tama sa oras na nagagalit siya.At ito ay magiging hindi makatarungan sa hinahatulan niya at isang kasawian sa Taga-Hatol at kaparusahan sa kanya.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Sinuman ang magpalaya mula sa mga kasamahan nito ng isang alipin,At nagkaroon siya ng yaman na umabot sa halaga ng alipin,:ihalintulad niya ito sa halaga na matuwid,at ibigay sa mga kasamahan nito ang mga bahagi(pagmamay-ari) nila,at palayain sa kanya ang alipin,at kung hindi ay pinalaya nito ang pinalaya lamang niya.
Napagkaisahan ang katumpakanSinuman ang nagkaroon ng kasamahan,at kahit na iilan,sa isang alipin lalaki o babae,pagkatapos ay pinalaya ang ilang bahagi nito,palayain niya ang bahagi(pagmamay-ari) niya rito sa halaga ng pagpapalaya,kapag ang pinapalaya ay magaan sa halaga-at kaya niyang bayaran ang halaga ng bahagi (pagmamay-ari)ng kasamahan nito-ay palayain niya ang alipin sa kabuuan nito,-bahagi(pagmamay-ari) ng pinapalaya at bahagi(pagmamay-ari) ng kasamahan nito,at tingnan niya ang halaga ng bahagi(pagmamay-ari) na ibibigay sa kasamahan nito,na dapat ay katumbas ito ng halaga sa pinagbibintahan,at ibigay sa kasamahan nito ang nararapat na halaga.At kung hindi ito naging magaan sa halaga-at hindi siya nagkaroon ng halaga na ibabahagi(pagmamay-ari) sa kasamahan niya-ay hindi niya mapipinsala ang kasamahan nito,at mapapalaya niya ang bahagi(pagmamay-ari) nito lamang,at mananatili ang bahagi(pagmamay-ari) ng kasamahan niya na magaan tulad ng dati.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-suya ay nagsabi :(( Sinumaan ang magpalaya ng alipin [sa paraan na] hulug-hulugan-o bahagi nito,Isinasatungkulin sa kanya na palayain siya ng ganap sa yaman nito,At kung wala siyang sapat na yaman,kukwentahin ng pinuno [ng alipin] ang makatarungang halaga [nito],pagkatapos ay magtatrabaho ang alipin [bilang kabayaran ng paglaya niya],ng walang halong pagpapahirap sa kanya))
Napagkaisahan ang katumpakanSinuman ang magpalaya [sa pamamagitan ng] bahaging gugulin niya sa isang alipin,isinasatungkulin sa tagapagpalaya na palayain ang alipin mula sa lahat [ng nagmamay-ari sa kanya],kung mayroon siyang sapat na yaman.Ibig sabihin;ang tagapagpalaya ay may yaman na makakayanan [ang pagpapalaya] rito,sa pamamagitan ng pagbabayad sa bawat kasamahan niya sa halagang naging bahagi nila sa alipin,upang ito ay mapalaya,Subalit kapag wala siyang yaman,o mayroon siyang yaman subalit hindi makakayanan nito [ang pagpapalaya rito], o magkakaroon siya ng pinsala dahil dito,ang dapat niyang gawin sa kalagayang ito ay papiliin ang alipin sa dalawang bagay; Una;Ang panatilihin nito ang sarili niya sa pamamahala [bilang alipin] sa halaga ng bahaging natitira.at siya ay magiging iilan,Ibig sabihin ay alipin sa iba at malaya sa iba,Sapagkat ipinapahintulot para sa kanya ang ganitong kalagayan,ang manatiling alipin sa iba.Pangalawa: Ang magtrabaho siya ,upang mabayaran ang halaga ng sinumang hindi nagpalaya sa kanya sa bahagi nito,pagkatapos gawin ng [pinuno ng alipin] ang makatarungang halaga,at tinatawag itong "Istis-'ā".
Ayon kay Abdullah bin Awfa`-malugod si Allah sa kanilang dalawa-((Nakipag-darambong kami kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang pitong beses na pagdarambong,kumakain kami ng balang))
Napagkaisahan ang katumpakanNa si Allah- Napaka-maluwalhati Niya at Pagka-taas-taas Niya,ay Biniyayaan Niya ang mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang Pitong Pandarambong,nangunguha sila ng Balang,dahil sa wala na silang matagpuang pagkain nila,at gayunding nangunguha sila ng Balyena na lumilitaw mula sa karagatan,kinain nila ito sa naganap na ibang Pandarambong.
Ayon kay `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa- (( Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Meccah mula sa Taas [ng Meccah] sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa itaas kung saan ay matatagpuan sa Batha [malawak na lupain sa Meccah],at lumabas siya sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa ibaba.))
Napagkaisahan ang katumpakanNagsagawa ng Hajj ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng Hajj ng Pamamaalam. Nagpalipas siya ng magdamag sa gabi ng pagpasok niya sa Dhi Tuwa sa ikaapat ng Dhulhijjah. Kinaumagahan, pumasok siya sa Makkah mula sa Thaniyah `Ulya' dahil ito higit na madali para pagpasok niya dahil siya ay dumating mula sa Madinah. Noong natapos siya sa mga pagsamba niya, lumabas siya ng Makkah patungong Madinah mula sa pinakamababang bahagi ng Makkah. Ito ay ang daang humahantong sa Jarul. Marahil sa pagsalungat sa dalawang daan ay may pagpaparami ng mga pook ng pagsamba, gaya ng ginawa niya,-pagpalain siya ni Allah at pangalagaaan-, sa pagpunta sa `Arafah at pagbalik mula roon, at para sa salah sa eid at salah na sunnah sa hindi lugar ng salah na isinatungkulin, upang sumakasi ang lupa sa gawain niya sa ibabaw nito sa Araw na magsasalaysay ito ng mga balita nito o dahil sa ang pasukan nito at ang labasan nito ay mga naaangkop para sinumang dumating mula sa Madinah at pumunta roon. Si Allah ay higit na nakakaalam.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa."Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay lumalabas mula sa daan na may mga punong-kahoy,at pumapasok mula sa daan na [Al-Muarras],At kapag pumasok sa Meccah,pumapasok siya sa daan na mataas,at lumalabas sa daan na mababa"
Napagkaisahan ang katumpakanAng Hadith ni `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay tumatalakay sa pagnanais sa pagsalungat sa daan sa Eid at Jumuah at iba pa rito sa mga pagsamba.at ang kahulugan ng pagsalungat sa daan:Ang pagpunta ng isang Muslim sa pagsamba sa isang daan at bumalik sa ibang daan;Halimbawa:pupunta sa bandang kanan at babalik sa bandang kaliwa;at ito ay naipanatili mula sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa dalawang Eid,tulad ng naisalaysay ni Jaber-malugod si Allah sa kanya-na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag sa Araw ng `Eid ay sinasalungat ang daan;ibig sabihin ay;lumalabas sa isang daan at bumabalik sa ibang daan,at gayundin sa Hadith na nasa atin,at nagkakaiba ang mga salita ng may kaalaman sa layunin ng pagsalungat sa daan sa ibat-ibang pananalita,at ang pinaka-kilala dito ay:1-Upang magsaksi sa kanya ang dalawang daan sa raw ng Pagkabuhay;Dahil ang Lupa sa Araw ng Pagkabuhay ay magsasaksi sa anumang ginawa rito mula sa kabutihan at kasamaan,at kapag pumunta siya sa isang daan at bumalik sa iba,magsasaksi sa kanya ang dalawa sa Araw ng Pagkabuhay na siya ay gumanap ng Pagdarasal na Eid.2-Para sa pagpapakita ng Palatandaan;Palatandaan ng Eid,hanggang sa magsiksikan ang mga Merkado mula dito hanggang doon,at kapag lumaganap ito sa mga daan sa Madinah,ito ay lalabas na bilang pagpapakita sa palatandaan na ito,dahil ang Pagdarasal sa Eid ay kabilang sa mga Patandaan sa Relihiyon,at ang katibayan nito ay ;Ang mga tao ay ipinag-uutos sakanila na lumabas bilang pagpapakita rito at pag-aanunsiyo rito.3-Kaya sinasalungat ang daan ay para sa mga mahihirap,na naroroon sa mga merkado,maaaring ang mayroon sa daang ito ay hindi matatagpuan sa ibang daan na ito,at magkakawang-gawa sa kanila at sa kanila.Ngunit ang pinakamalapit,Si Allah ang higit na nakaka-alam,ay Para sa pagpapakita sa Palatandaang ito,,hanggang sa makita ang Palatandaan sa pagdarasal ng Eid dahil sa paglabas dito sa lahat ng mga daan sa lugar.At ang pagsasagawa ng Hajj tulad ng dumating sa isang Hadith na nasa atin,Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay sinasasalungat niya ang daan pagpasok niya sa Meccah,pumasok siya sa mataas [na lugar] nito at lumabas siya sa mababang [lugar] nito.at gayundin sa pagpunta niya sa Arafah,pumunta siya sa isang daan at bumalik sa ibang daan,At nagkakaiba din ang mga may kaalaman sa talakayang ito,Kung ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay ginawa niya ito bilang paraan sa pagsamba, o dahil ito ang pinakamadaling [paraan] sa pagpasok niya at paglabas niya? Sapagkat ito ang pinakamadali sa pagpasok niya,ang pumasok sa itaas at sa paglabas niya ay ang lumabas siya sa ibaba.Sinuman ang nagsabi mula sa mga may kaalaman,na nagsasabi sa Una:Nagsabi siya na ito ay Sunnah,na pumasok sa itaas nito: ibig sabihin ay sa itaas ng Meccah at lalabas sa ibaba niya,at Sunnah ang pagpunta sa Arafah sa isang daan at bumalik sa ibang daan. At kabilang sa kanila ang nagsabi:Ang mga ito ay batay sa pagpapagaan sa daan,dumaan ka sa magaan maging ito man ay itaas o sa ibaba,At sa lahat ng kalagayan;kapag naging madali para sa nagsasagawa ng Hajj at Umrah na pumasok sa itaas at lumabas sa ibaba nito,ito ay higit na mainam.At kung ito ay isang pagsamba ,tunay na nagampanan niya,at kung hind ito pagsamba,hindi siya mapipinsala rito.At kapag hindi ito naging madali sa kanya,huwag niya itong piliting gawin tulad ng nangyayari ngayon sa kasalukuyan,Sapagkat ang mga daan ay isa lang ang pinatutunguhan,at hindi maaari sa tao na sumalungat sa taga-pangalaga.Ang lahat ng Papuri ay kay Allah,At ang bagay [na ito ay] napakalawak.
Ayon kay Abe Sulaymān bin Al-Huwayrith, malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya:Dumating kami sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kami mga binata na magkakalapit sa gulang,Nanatili kami sa kanya sa loob ng dalawampung gabi,At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tunay na ,mahabagin at maawain,Inakala niyang nananabik kami sa aming pamilya,Tinanong niya sa amin kung sino ang naiwan namin sa aming mga pamilya ,Sinabi namin ito sa kanya,Nagsabi siya: ((Umuwi kayo sa inyong pamilya,at manatili kayo sa piling nila,turuan ninyo sila at pag-utusan ninyo sila,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng ganito sa oras na ganito,at kapag sumapit ang pagdarasal,manawagan ng Azan ang isa sa inyo at mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo))
Napagkaisahan ang katumpakanNagsabi si Malik-malugod si Allah sa kanya-"Dumating kami sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kami mga binata na magkakalapit sa gulang",At ito ay sa taon ng Wufud,sa ika-siyam na taon ng Hijri,At sila ay mga binata,Nanatili sila sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng dalawampung gabi.Dumating sila sa layuning magkaroon ng kaalaman sa Relihiyon ni Allah,Nagsabi si Malik :",At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tunay na ,mahabagin at maawain,Inakala niyang nananabik kami sa aming pamilya," ibig sabihin ay nananabik kami sa kanila,"Tinanong niya sa amin kung sino ang naiwan namin sa aming mga pamilya ,Sinabi namin ito sa kanya,Nagsabi siya: "Umuwi kayo sa inyong pamilya,at manatili kayo sa piling nila,turuan ninyo sila at pag-utusan ninyo sila,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng ganito sa oras na ganito,at kapag sumapit ang pagdarasal,manawagan ng Azan ang isa sa inyo at mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo" Dinagdagan ito ni Imam Al-Bukhari: " At magdasal kayo,tulad ng nakita ninyo sa akin na pagdarasal ko" Pinapatunayan nito na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay kilala sa pagiging mahabagin at maawain,Siya ang pinakamabait sa mga tao sa lahat ng sangkatauhan,-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-mahabagin at maawain,At nang makita niya na sila ay nananabik sa kanilang pamilya,tinanong niya sila kung sino ang iniwan nila sa paglisan nila,at sinabi nila ito sa kanya,at ipinag-utos niya sa kanila na bumalik sa mga pamilya nila."at mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo" Pagpapatunay nang pag-uuna sa nakakatanda sa Imam [Pamumuno sa pagdarasal], At ito ay hindi nagpapawalang bisa sa pagsabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga: " Mamumuno [sapagdarasal] mula sa lipon ng mga tao ang pinakamagaling sa kanila sa pagbabasa sa Aklat [Qur-an] ni Allah" Dahil lahat silang mga binata ay magkakasabay sa isang oras.At ang nahahayag ay hindi nagkakalayo ang bawat isa sa kanila sa [galing ng] pagbabasa sa Qur-an,at silang lahat ay magkakasing-galing.Hindi nakakalamang ang bawat isa sa iba,sa pagbabasa;kung kaya`t sinabi sa kanila na "Mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo" Sapagkat sila ay magkakapareho sa pagbabasa at gulang at sa paglikas,Kaya`t babalik sila,kung sino ang pinakamatanda sa gulang at pauunahin nila ito.At sa pagsabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: " " At magdasal kayo,tulad ng nakita ninyo sa akin na pagdarasal ko"ito ay nagpapatibay sa mga bagay na may pagpapatnubay ng Propeta-mula sa pagtuturo sa sangkatauhan sa pamamagitan ng salita at sa gawa.Tinuruan niya ang mga nagdadasal nang walang katahimikan sa pagsabi niya: Nagsabi siya: "Kapag ikaw ay nag-alay na dasal,gawing ganap ang pagsasagawa ng Wudhu,pagkatapos ay humarap ka sa Qiblah,Magdakila [kay Allah],Pagkatapos ay basahin mo ang pinakamagaan para sa iyo mula sa Qur-an,pagkatapos ay yumuko ka" Hanggang sa huli nito.Ngunit silang mga binata,itinuro niya sa kanila ang galaw.
Ayon kay `Emran bin Husayn-malugod si Allah sa kanilang dalawa- Nagsabi siya: ((Ibinaba ang talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at Hajj na pinahihiwalay]sa Aklat ni Allah Pagkataas-taas Niya-at isinagawa namin ito kasama ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-;At wala nang naibabang [talata] sa Qur-an na nagbabawal rito,at hindi rin niya ito ipinagbawal hanggang sa siya ay mamatay,Nagsabi ang isang lalaki sa opinyon niya,anuman ang naisin niya)) Nagsabi si Imam Al-Bukhari;( sinasabi na ito si `Umar)) At sa isang salaysay:((Naibaba ang talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at Hajj na pinahihiwalay]-ibig sabihin ay: Mut`ah sa Hajj-At ipinag-utos sa amin ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Pagkatapos ay hindi na naibaba ang talata na nagpapawalang-bisa sa talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at Hajj na pinahihiwalay] At hindi rin ito ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan hanggang sa siya ay namatay)) at sa dalawang ito ay may parehong kahulugan
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanNabanggit ni `Imraan bin Husain-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Ang Mut`ah sa pagsasagawa ng `Umrah sa Hajj,Nagsabi siya:Katotohanang ito ay ipinahintulot sa Aklat ni Allah at sa Sunnah ng Sugo niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At ang sa Aklat,Sinabi niya na: {Sinuman ang magsagawa ng [Hajj at Tamattu bilang pagpapatuloy sa ] ng `Umrah hanggang Hajj,siya ay nararapat na mag-alay ng Hady ayon sa kanyang kakayahan} At ang sa Sunnah: Ang gawain ng Propeta pagapalain siya ni Allah at pangalagaan-rito,at ang Pagsang-ayon niya rito,at walang naipahayag sa Qur-an na [nagpapatunay na] nagbabawal rito,at hindi rin ito ipinagbawal ng Sugo niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-hanggang sa namatay na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ito ay nanatili paring hindi napawalang-bisa pagkaraan nito,Kaya`t papaano masasabi ng isang lalaki ang sarili nitong opinyon at ipapatigil niya ito?Ipinapahiwatig nito ang pagpapatigil ni `umar bin Al-Khattab malugod si Allah sa kanya-sa Buwan ng Hajj-mula sa pagsisikap niya upang dumami ang bumibisita sa Bahay ng Allah sa buong taon;Sapagkat kapag dumating sila rito na may kasamang Hajj,hindi na sila babalik rito sa hindi panahon ng Hajj,At hindi ibig sabihin ng pagpapatigil ni `Umar rito-malugod si Allah sa kanya-ay Pagbabawal o Pag-iwan sa gawain sa Qur-an at Sunnah,datapuwat ito ay pansamantalang pagpipigil para sa kabutihan ng Pangkalahatan,