





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abu Jamrah -- Nasr bin `Imran Ad-Duba`iy -- na nagsabi: Tinanong ko si Ibnu `Abbas tungkol sa [hajj] tammattu` at ipinag-utos niya sa akin na isagawa iyon. Tinanong ko siya tungkol sa hady at sinabi niya: Mayroon itong kamelyo, o baka, o tupa, o kahati sa alay. Nagsabi siya: Ang mga tao noon ay nasusuklam dito kaya natulog ako. Nakita ko sa panaginip na para bang may isang tao na nananawagan: Hajji na tanggap at sarap na pabago-bago. Kaya pinuntahan ko si Ibnu `Abbas at kinausap ko siya. Sinabi niya: "Ang pinakamalaki sa Sunnah ng Propeta -- pagpalain nawa siya ni Allah at pangalagaan."
Napagkaisahan ang katumpakanTinanong ni Abu Jamrah si Ibn `Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-tungkol sa Tamattu` sa Hajj,at ipinag-utos niya sa kanya na isagawa iyon,pagkatapos ay nagtanong siya tungkol sa Hady,na nakasama kasama sa talatang ito sa pagsabi Niya Pagkataas-taas Niya: {Sinuman ang magsasagawa ng Hajj Attamattu` bilang pagpapatuloy} ng Umrah hanggang Hajj sa buwan ng Hajj,siya ay nararapat na mag-alay ng Hady ayon sa kanyang kakayahan} Sinabi niya sa kanya na ito ay Kamelyo at ito ang pinakamainam,pagkatapos ay ang Baka,pagkatapos ay ang Tupa,o di kayay pitong iaalay o isang Baka,ibig sabihin ay;Ang paghahati kasama ang sinumang maghahati sa kaniang dalawa sa Hady o Iaalay,hanggang sa umabot ang bilang nila ng Pito.At para bang ang isa ay hindi sumasang-ayon kay Aba Hamzah sa Tamattu` niya,kaya nakita niya ang taong sumisigaw na tinatawag siya sa panaginip "Hajji na tanggap at sarap na pabago-bago. Kaya pinuntahan niya si Ibnu `Abbas malugod si Allah sa kanilang dalawa-upang ibalita sa kanya ang magandang panaginip na ito.At dahil sa ang magandang panaginip ay bahagi mula sa mga bahagi ng Propesiya,kaya Natuwa si Ibn `Abbas-malugod si Allah sa kanilang- rito,At natuwa siya dahil sa Pinahintulutan siya ni Allah-Pagkataas taas Niya-sa tama, Sinabi niya: "Ang Allah ay Dakila,Ang pinakamalaki sa Sunnah ng Propeta -- pagpalain nawa siya ni Allah at pangalagaan."
Ayon kay Abū Qatādah Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya-((Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay lumabas ng Hajj [Umrah].Lumabas sila na kasama niya-lumihis ang isang lipon at kasama rito si Abū Qatādah-At nagsabi siya:Dumaan kayo sa baybaying dagat,hanggang sa magkasalubong tayo,Dumaan sila sa tabi ng dagat,at nang umalis sila,Nagsagawa silang lahat ng Ihram,maliban kay Abū Qatādah,dahil hindi nagsagawa ng Ihram,at habang sila ay nasa kaanilang paglalakbay,nakakita sila ng mga Asnong galaa,Hinuli ni Abū Qatādah ang mga Asno at kinatay niya ang mga babae [asno] rito,Namaahinga kami at kumain sa karne nito,Pagkatapos ay nasabi namin:Maaari ba tayong kumain sa karne ng [asno na hinuli] habang tayo ay nasa kalagayan ng Ihram? Dinala namin ang mga natitirang karne nito,Inabutan namin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinanong namin siya tungkol dito?Nagsabi siya: Mayroon bang isa sa inyong nag-utos na huliin ito,o nagturo nito?Nagsabi sila: Wala: Nagsabi siya: [kung gayun] Kumain kayo sa natirang karne nito)) at ibang salaysay :(( Mayroon bang isa sa inyo na nakapagdala nito?Nagsabi ako: Oo,Ibinigay ko sa kanya ang braso nito,at kumain siya nito))
Napagkaisahan ang katumpakanLumabas ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa taon ng Al-Hudaybiyyah-binalak niya rito ang [pagsasagawa] ng Umrah,At bago pa siya dumating sa Madinah,asa lugar na malapit rito ito ang "Zul-Hulayfah" naiparating sa kanya na ang mga kalaban ay nagsidatingan sa may baybay ng dagat ni ninanais niya.Kaya ipina-utos nito sa ilan sa mga kasamahan niya-kabilang na dito si Abu Qatadah-na dumaan sila sa bandang kanan,sa daan ng baybaying [dagat] upang maharangan nila ito.Dumaan sila rito,At nang umalis na sila upang salubungin ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa napagkasunduan nito,Nagsagawa sila ng Ihram, maliban kay Abu Qatadah,na hindi nagsagawa ng Ihram,at sa oras ng paglalakbay nila,nakakita sila ng mga Asnong gala,at pinangarap nila sa kanilang mga sarili na sana ay makita ito ni Abu Qatadah,sapagkat ito ay ipipahintulot,At nang makita niya ito,hinuli niya ito at kinatay niya rito ang mga babaing Asno,at kumain sila sa mga karne nito.Pagkatapos ay nagkaaroon sila ng pag-aalinlangaan sapagpapahintulot ng pagkain rito kapag sila ay nasa kalagayan ng Ihram,Dinala nila ang mga tira-tirang karne nito,hanggang sa nasalubong nila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagtanong sila tungkol dito;at tinanong niya rin sila:Mayroon bang isa sa inyo na nag-utos rito,? o tumulong sa paturo rito,o kahit palatandaan lang?Nagsabi sila:Hindi nangyari ang mga bagay na ito;Napanatag ang mga puso nila na ito ay ipinapahintulot;at ipinag-utos niya sa kanila na kainin ang mga natira dito,at kumain din siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang maging maligaya ang mga puso nila.
Ayon kay Abe Musa Al-Ash-Arie malugod si Allah sa kanya,siya ay nagsabi:Nag-eklips ang araw noong panahon ng sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya`t napatayo siya na nasisindak,natakot siya na dumating na ang huling sandali,hanggang sa dumating siya sa masjid at tumayo siya,nagdasal ng may pinakamahabang pagtayo at pagpapatirapa,na hindi ko nakita sa dasal niya kailanman,pagkatapos ay nagsabi siya:Tunay na ang mga tanda na ito na ipinadadala ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan,ay hindi dahil sa kamatayan ng isang tao o dahil sa pagkabuhay niya,bagkus ipinadadala ni Allah ang mga ito upang gisingin ang takot sa pamamagitan nito ng mga lingkod niya,kaya`t kapag nakakita kayo mula rito ng anuman,magmadali kayo sa pag-alala kay Allah,pagdalangin sa kanya at paghingi ng tawad sa kanya.
Napagkaisahan ang katumpakanNang mawala ang sikat ng araw o ilan sa mga ito,sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,tumayo siya na nasisindak,dahil sa ganap na kaalaman nito sa Panginoon niya-Pagkataas-taas Niya,Na siyang nag-obliga sa kanya upang maging masyadong matakotin at sobrang mapag-matiyag.Dahil sa pagka-ligaw ng karamihang tao sa Mundo at mapag-mataas nila,o ang Takdang Oras ng pag-ihip sa Tambuli ay mangyayari na,Kaya`t pumasok siya sa Masjid at nagdasal sa mga tao ng Dasal sa Eklips,pinataas niya sa taas na hindi pa nagawa noon,bilang pagpapakita ng pagbabalik-loob at pagsisisi;At nang matapos ang Propeta mula sa pagsusumamo niya sa Panginoon nito at paghiling nito,humarap siya sa mga tao at pinayuhan sila,at ipinaliwanag sa kanila na ito ay mga palatandaan na ipinadala ni Allah upang magsilbing aral sa mga lingkod niya,at bilang pag-alala at paggising sa pagkatakot nila,upang magmadali sila sa pagdalangin at paghingi ng tawad,at pag-alala at pagdasal.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya.buhat kay propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan nagsabi siya:Nagbili ang lalaki sa isang lalaki ng ari-arian,natagpuan ng bumili ng ari-arian sa ari-arian nito ang garapon na naglalaman ng ginto.Ang sabi ng nakabili ng ari-arian;Kunin mo ang ginto mo,dahil ang binili kolang ay ang lupa mo at hindi ko binili ang ginto,Ang sabi ng may-ari ng lupa:Ang ibininta ko sa iyo ay ang lupa at ang napapaloob dito.Nagpahatol sila sa isang lalaki:Ang sabi ng naghatol sa kanilang dalawa:Mayron ba kayong anak?Nagsabi ang isa sa kanilang dalawa:mayroon akong binata,At ang sabi ng ikalawa:mayroon akong dalaga.Nagsabi siya:Ipaasawa ninyo ang binata sa dalaga,at gumugol kayo sa kanilang dalawa mula sa ginto at magkawang-gawa kayo.
Napagkaisahan sa katumpakan sa maraming salaysayIpinahahayag sa atin ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,na may isang lalaki ay bumili sa isang lalaki ng lupa,natagpuan ng bumili dito ang ginto,dahil sa sobrang linis ng puso nito,ibinalik niya ang ginto sa nagbinta nito,dahil binili niya ang lupa at hindi niya binili ang ginto na nakatago dito,Tumanggi din ang nagbinta na kunin ito,sa sobrang ingat nito at linis ng puso nito,dahil ibininta niya ang lupa at ang napapaloob dito,nagtalo sila at sinabi nila sa tagapag-hukom,na magpadala ng sinumang maghawak nito at ilagay niya ito sa nararapat dito,Hindi ito pumayag,at tinanong niya silang dalawa,kung mayroon ba silang mga anak?Nagsabi ang isa sa kanila na mayroon siyang binatang lalaki,at sinabi ng ikalawa na mayroon siyang babae,Iminungkahi niya sa kanilang dalawa na ipakasal ang binata sa babae at gumastos sila mula sa halaga ng ginto at magkawang-gawa sila mula rito
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfuo-:Mayroong dalawang babae at kasama nila ang dalawang anak nila,Dumating ang Lobo at at tinangay niya ang isa sa anak nilang dalawa.Ang sabi nang may-ari nito,Tunay na ang tinangay nito ay ang anak mo,At ang sabi naman ng iba; Tunay na ang tinangay nito ay ang anak mo, Nagpahatol silang dalawa kay Propeta Dawūd-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ibinigay niya ang karapatan sa nakakatanda,Pumunta silang dalawa kay Propeta Sulaimān bin Dawūd-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ibinalita nilang dalawa ito,Nagsabi siya: Bigyan ninyo ako ng kutsilyo at hihiwain ko (ang bata) sa pagitan nilang dalawa.Nagsabi ang nakakabata: Huwag mong gawin! Kaawaan ka ni Allah,siya ay Anak niya.At ibinigay niya ang karapatan sa nakakabata.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaalam ng Propeta natin-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kwento ng dalawang babaeng lumabas kasama ang dalawang anak nila.Kinain ng Lobo ang anak ng isa sa kanila.at ang natira ay ang anak ng iba,Nagsabi ang bawat isa sa kanilang dalawa;Tunay na ito ay sa akin,Nagpahatol silang dalawa kay Propeta Dawūd-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ibinigay niya ang karapatan sa nakakatanda sa kanilang dalawa,bilang pagsusumikap rito;Sapagkat ang nakakatanda siguro ay tunay na tumugil na sa panganganak,Ngunit ang nakakabata ay nasa murang edad pa at manganganak pa ng iba rito sa hinaharap,Pagkatapos ay pumunta silang dalawa kay Propeta Sulaimān -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dala Ang anak nito,at ibinalita nilang dalawa ang balita na ito sa kanya,at humiling siya ng kutsilyo,at sinabi niya: hihiwain ko sa inyong dalawa ito ng dalawang hati.Ang nakakatanda ay pumayag ngunit Ang nakakabata ay tumanggi,at sinabi niya na ito ay Anak ng nakakatanda,napagtanto niya ng awa at habag dahil ito ay tunay na anak niya,kaya't nagsabi siya: Ito ay Anak niya O Propeta ni Allah,kaya't ibinigay niya ang karapatan sa nakakabata dahil sa patunay at katibayan na pagiging habag niya sa sanggol,at sinasabi niya na;ito ay pagmamay-ari ng nakakatanda,at Ang manatili itong buhay ay mas magaan sa paghiwa rito ng dalawang hati,kaya't ibinigay niya ang karapatan sa nakakabata.
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu :((Nakipagdarambong ang mga Propeta-ang pagpapala ni Allah at pangangalaga ay mapasakanila-Sinabi niya sa mga tao niya:Hindi susunod sa akin ang lalaking nakasal ngunit hindi niya ito nagalaw,at ang isa na nagpatayo ng bahay ngunit hindi niya naitaas ang bubong nito,at ang isa na bumili ng tupa o kamelyong buntis at hinihintay niya ang panganganak nito,Nakipagdarambong siya,at lumapit siya sa mga tao sa oras ng dasal na Asar o malapit rito,Sinabi niya sa Araw:Tunay na ikaw ay napag-utusan at ako ay napag-utusan,O Allah,pigilan mo ito para sa amin,Napigilan ito hanggang sa igawad ni Allah ang tagumpay sa kanya,Inipon niya ang mga nadambong,Dumating -ang apoy-upang kainin ito,ngunit hindi niya ito nakain,Nagsabi siya:Tunay na sa inyo ay magnanakaw,kaya tunay na manumpa sa akin ang lalaki mula sa bawat tribo.Naging malagkit ang kamay ng isang lalaki sa [paghawak sa] kamay niya.nagsabi siya:Sa inyo ay may magnanakaw,hayaan mong manumpa ang[bawat isa sa] tribo mo,at naging malagkit ang kamay ng dalawang kalalakihan o tatlo sa [paghawak sa] kamay niya,Nagsabi siya:Sa inyo ay may magnanakaw,;Dinala nila ang isang ulo ,tulad ng ulo ng baka na mula sa ginto,Inilagay niya ito,at dumating ang apoy at kinain niya ito,Hindi ipinapahintulot ang mga nadambong sa sinuman sa mga nauna sa amin,Pagkatapos ay ipinahintulot ni Allah sa amin ang mga nadambong,nang makita Niya sa amin ang kahinaan at kawalan ng kakayahan,Ipinahintulot niya ito sa amin.))
Napagkaisahan ang katumpakanSinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ayon sa isang Propeta mula sa mga Propeta-sumakanila ang pagpapala at pangangalaga-na siya ay nakipagdarambong sa mga taong ipinag-utos sa anya ang pakikibaka rito,Subalit siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay humadlang sa lahat ng taong ikinasal sa isang babae at hindi niya ito nagalaw,at sa lahat ng taong nagpatayo ng bahay ngunit hindi pa naitaas ang bubong nito,at sa lahat ng taong bumili ng tupa o kamelyong buntis ngunit hinihintay niya ang panganganak nito,Dahil silang lahat ay magiging abala,sa [mga bagay] na higit na mahalaga sa kanila,Ang lalaking ikinasal,ay magiging abala sa asawa niyang hindi pa niya nagalaw,mananabik siya sa kanya,At gayundin ang lalaking nagpatayo ng bahay ngunit hindi niya [nalagyan ng] bubong,siya rin ay magiging abala sa bahay niya na ninanais niyang tirahan,siya at ang pamilya nito,at gayundin ang nagmamay-ari ng mga buntis na kamelyo at tupa,magiging abala sila sa paghihintay ng panganganak nito.At sa pakikibaka, kinakailangan na ang tao rito ay ibinubuhos niya ang lahat ng kanyang oras ,wala siyang ibang hinahangad maliban sa pakikibaka,Pagkatapos ang Propetang ito ay nakipagdarambong,Bumaba siya sa mga tao sa dasal na Asar,at dumarating na ang gabi.At natakot siya na kapag inabutan sila ng gabi ay walang magaganap na tagumpay;Kayat kinausap niya ang Araw at sinabi niyang:Ikaw ay napag-utusan at ako ay napag-utusan.Subalit ang ipinag-utos sa Araw ay kautusan sa kamunduan,Ngunit ang kautusan Niya ay kautusan sa Relihiyon.Siya ay napag-utusan sa pakikibaka habang ang Araw naman ay napag-utusan sa paggalaw ayon sa ipinag-utos sa kanya ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,Sinabi ni Allah: {At ang araw ay umiinog sa kanyang takdang landas sa [natatanginang] panahon.Ito ang Pagtatakda ng Sukdol sa Kapangyarihan,Ang Ganap na Maalam} [Yasin:38].Buhat ng likhain ito ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,At siya ay gumagalaw ayon sa naipag-utos sa kanya,hindi siya nauuna at hindi siya nagpapahuli,hindi siya bumababa at hindi siya tumataas Nagsabi siya: " O Allah,pigilan ninyo ito sa amin" Pinigilan ni Allah ang Araw at hindi ito lumubog sa oras nito.Hanggang sa nakipagdarambong ang Propetang ito,at nakakuha siya ng napakaraming nadambong,At nang makuha na niya ang mga nadambong,At ang mga nadambong sa mga naunang henerasyon,ay hindi ipinapahintulot para sa mga nandarambong,subalit ipinapahintulot ngayon ang mga nadambong,ito ay kabilang sa kainaman ng Nasyon na ito,Ang lahat ng Papuri ay sa Allah, Ngunit sa mga naunang henerasyon,iniipon nila ang mga nadambong at bumababa rito ang apoy mula sa kalangitan at sinusunog niya ito,kung ito ay tinanggap ni Allah.Inipon nila ang mga nadambong subalit hindi bumaba rito ang apoy at hindi ito nakain,Sinabi [sa kanila ng] Propetang ito: Mayroon sa inyo ang magnanakaw,Pagkatapos ay ipinag-utos niya sa bawat tribo na lumapit ang isa [sa kanila] at manumpa na walang nagnakaw,At nang manumpa sila sa kanya na walang magnanakaw,naging malagkit ang kamay ng isa sa kanila sa [paghawak] sa kamay ng Propeta-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-At nang maging malagkit ito,Nagsabi siya: Mayroon sa inyo ang magnanakaw-Ibig sabihin ay sa Tribong ito-Pagkatapos ay ipinag-utos niya na manumpa sa kanya ang bawat isa sa tribong ito,Kaya naging malagkit ang kamay ng dalawang kalalakihan o tatlo sa kanila,Nagsabi siya: Mayroon sa inyo ang magnanakaw: Dinala nila sa kanya,kung-kaya`t itinago nila ang tulad ng ulo ng baka mula sa ginto,At nang dalhin nila ito sa kanya at nailagay kasama sa mga nadambong,kinain ito ng apoy.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa.-Siya ay nagsabi:(( Nagsagawa ng Hajj na Tamattu` ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hajj ng pamamaalam,sa pamamagitan ng pagsabay ng Umrah sa Hajj at nag-alay siya ng Hadiy [hayop na kakatayin],Isinama niya sa kanya ang mga Hadiy na nagmula pa sa Zul Hulayfah,At nagsimula ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsimula ng Umrah,pagkatapos ay nagsimula ng Hajj.Kaya nagsagawa ng Tamattu` ang mga tao kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsimula sila ng Umrah para sa Hajj.Kabilang sa mga tao ang nag-alay ng Hadiy`,dala-dala nila ang Hadiy mula pa sa Zul-Hulayfah,at ang iba ay hindi nag-alay ng Hadiy,At nang dumating ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sinabi niya sa mga tao; Sinuman ang nag-alay ng hadiy,tunay na hindi ipinapahintulot ang anumang bagay na ipinababawal sa kanya,hanggat hindi niya Natapos ang pagsasagawa niya ng Hajj,At sinuman ang hindi nakapag-alay ng Hadiy,ay magsagawa ng Tawaf sa Bahay ni Allah,at sa Safa at Marwah,magpagupit at magpahintulot,Pagkatapos ay magsimula sa pagsasagawa ng Hajj at mag-alay ng Hadiy,Sinuman ang walang kakayahan sa pag-alay ng Hadiy,ay mag-ayuno ng tatlong araw sa [oras ng] pagsasagawa ng Hajj,at pitong araw ,kapag nakabalik na sa pamilya niya,Nagsagawa ng Tawaf ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang dumating siya sa Meccah,at hinawakan nito ang haligi bago ang anumang gawain,pagkatapos ay nagsagawa ng mabilisang paglalakad sa unang tatlong tawaf mula sa pitong tawaf,at naglakad [ng normal] sa apat nito.at nagsagawa siya ng dalawang tindig na pagdarasal pagkatapos niyang isagawa ang tawaf sa Bahay [ni Allah] sa Maqam ni [Propeta Ibrahim],Pagkatapos ay umalis siya at pumunta sa Safa,At nagsagawa ng tawaf sa Safa at Marwah ng pitong beses ,pagkatapos ay hindi niya ipinahintulot ang lahat ng bagay na ipinagbawal sa kanya hanggang sa natapos niya ang pagsasagawa ng Hajj,At kinatay nito ang Hadiy niya sa Araw ng pagkatay,at nagsagawa ng Tawaf na Ifadah sa Bahay [ni Allah],pagkatapos ay ipinahintulot niya ang lahat ng bagay na ipinagbawal sa kanya,at Gumawa ng sinumang nakapag-alay ng Hadiy,at nagdala ng Hadiy mula sa mga tao-ang tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-)) (( Nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang siya ay dumating sa Meccah,Kapag hinawakan niya ang haliging itim-sa unang pagsasagawa niya ng Tawaf-naglalakad ng mabilisan sa tatlong ikot))
napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niyaNang lumabas ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Zul-Hulayfah." Miqat ng taga Madinah" upang magsagawa ng Hajj nito na pamamaalam sa Bahay [ni Allah],at mga agawain sa Hajj,Nagpaalam siya rito sa mga tao,at ipinarating niya sa kanila ang kanyang mensahe at pinasaksihan niya ito sa kanila,Nagsagwa siya ng Ihram-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-para sa Umrah at Hajj,Ito ay [pagsasagawa ng] Qiran,at ang Qiran ay Tamattu`,Kaya nagsagawa ng Tamattu` ang mga tao kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang ilan sa kanila ay nagsagawa ng Ihram kasabay ang dalawang gawain [ Ang Umrah at Hajj],At ang ilan sa kanila ay nagsagawa ng Ihram para sa Umrah na may kasamang intensiyon sa pagsasagawa ng Hajj ,pagkatapos nyang isagawa ito,at ang ilan sa kanila ay nagsagawa ng Hajj lamang,Pinapili sila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa tatlong pamamaraan na ito.At nagdala siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang ilan sa mga kasama niya ng Hadiy mula sa Zul Hulayfah.at ang ilan ay hindi nakapagdala nito,At nang malapait na sila sa Meccah,Hinimuk ang mga hindi nakapagdala ng Hadiy mula sa mga nagsasagawa ng Mufrid at Qarin na ipalawang bisa ang [intensiyon nilang pagsasagawa ng] Hajj at palitan ito ng Umrah,At nang makapagsagawa sila ng Tawaf at Sa`ye,Sinigurado niya sa kanila na sila ay magpapagupit ng buhok nila at at magpahintulot mula sa gawain nilang Umrah,Pagkatapos ay magsasagawa ng [panibagong] Ihram para sa pagsasagawa ng Hajj at mag-aalay sila ng Hadiy,Upang magampanan nila ang dalawang pamamaraan [Umrah at Hajj] sa isang paglalakbay lang. Sinuman ang walang kakayahan sa pag-alay ng Hadiy,Nararapat sa kanya na mag-ayuno ng sampung-araw,Tatlo sa araw mismo ng pagsasagawa ng Hajj,at magsisimula ang oras nito sa pagsasagawa niya ng Ihram para sa `Umrah,at pitong araw kapag naka-uwi na siya sa kanyang pamilya.At nang dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Meccah-humawak siya sa Haligi nito,nagsagawa siya ng Tawaf ng pitong beses,Nagsagawa ng mabilisang paglalakad para sa [unang] tatlo,dahil sa ito ay Tawaf pagkatapos ng pagdating,At naglakad siya sa apat.Pagkatapos ay nagdasal siya ng dalawang tindig sa Maqam ni Propeta Ibrahim,Pagkatapos ay pumunta siya sa Safa,nagsagawa siya ng tawaf sa pagitan ng Safa at Marwah ng pitong beses,tumatakbo sa pagitan ng dalawang palatandaan at naglalakad sa iba nito.Pagkatapos ay hindi siya nagpahintulot mula sa Ihram niya hanggat hindi niya natapos ang pagsasagawa ng Hajj niya,At kinatay nito ang pang-alay niya Hadiy,sa araw ng Pagkatay,At nang matapos siya sa pagsasagawa niya ng Hajj,at nakapagbato siya sa Jamratu Aqabah,kinatay nito ang Hadiy niya at inahit niya ang buhok niya sa Araw ng pagkatay,Ito ang unang pagpapahintulot,Nagsagawa siya ng Tawaf na Ifadah sa Bahay [ni Allah],nagsagawa siya ng Tawah rito,pagkatapos ay nagpahintulot na siya sa lahat ng bagay na ipinagbawal sa kanya,hanggang sa mga babae,At ginawa nang sinumang nagdala ng Hadiy mula sa mga kasamahan niya-ang tulad nito.
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-(( Katotohanang si `Umar bin Al-khattab-malugod si Allah sa kanya-ay dumating sa Araw ng Khandaq,pagkatapos lumubog ng araw,at iniinsulto niya ang mga Quraysh na hindi mananampalataya,at kanyang sinabi: O Sugo ni Allah,muntik ng hindi ako makapagdasal ng Asr hanggang sa muntik ng lumubog ang araw,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Sumpa sa Allah! Hindi ako nakapagdasal nito,Nagsabi siya: Tumayo kami at [pumunta sa] isang lambak,nagsagawa siya ng wudhu para sa pagdarasal at nagsagawa kaming dalawa ng wudhu sa kanya,Nagdasal siya ng Asr pagkatapos lumubog ng araw ,pagkatapos ay nagdasal siya pagkatapos nito ng Maghrib))
Napagkaisahan ang katumpakanDumating si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya- sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw ng Khandaq,pagkatapos lumubog ng araw habang siya ay iniinsulto ng mga Quraysh na hindi mananampalataya;dahil inabala nila ito sa pagdarsal ng Asr,hindi siya nakapagdarsal nito hanggang sa lumapit ang araw sa paglubog ;Nanumpa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na siyang painakatapat na tao-na hindi siya nakapagdasal nito hanggang ngayon,upang mapanatag si "`Umar-malugod si Allah sa kanya" na nag-aalinlangan sa nangyayari. Pagkatapos ay tumayo ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsagawa siya ng wudhu,at sumama sa kanya ang mga kasamahan niya,Nagdasal siya ng `Asr pagkatapos lumubog ang araw,at pagkatapos nito magdasal ng A`sr ay nagdasal siya ng Maghrib.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Nang mangyari [ang pandarambong sa] Uhud,Tinawag ako ng ama ko sa isang gabi at nagsabi siya:Wala akong ibang naiisip kundi unang-una akong mamatay sa sinumang mamatay sa mga kasamahan ni Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Hinding hindi ko hahayaan ang isa sa sinumang nasa likod ko na maging pinakamamahal para sa akin mula sa iyo,maliban sa buhay ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At tunay na ako ay nag-utang,kaya bayaran ito,At magtagubilin ka sa mga kapatid mo ng kabutihan,At nang inumagahan kami,siya ang unang-unang namatay,at inilibing ko ang iba na kasama sa libingan niya,Pagkatapos ay hindi naging mabuti sa sarili ko na hayaan ko siyang may kasama,kaya inilabas ko siya pagkaraan ng anim na buwan,Kung-kaya`t siya ay kahalintulad sa araw ng paglagay ko sa kanya maliban sa tainga niya,at inilagay ko siya sa isang libingan na nag-iisa.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyGinising ni `Abdullah bin Haram ang anak niya na si Jaber sa isang gabi mula sa mga gabi,At sinabi niya sa kanya;Tunay na inaakala kong ako ang unang-unang mamatay kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ito ay bago mangyari ang pandarambong sa Uhud,pagkatapos ay nagtagubilin siya at nagsabi:Hinding hindi ko hahayaan ang isa sa sinumang nasa likod ko na maging pinakamamahal sa iyo,maliban sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nagtagubilin siya na bayaran ang mga pagkakautang niya at nagtagubilin siya sa mga kapatid niya.Pagkatapos ay nangyari na ang pandarambong,Nakipaglaban siya malugod si Allah sa kanya-at nasawi siya,At ang bilang ng nasawi sa araw na yaon ay pitumpong kalalakihan,kaya mahirap sa mga Muslim na ilibing ang bawat isang lalaki sa isang libingan,Kaya inilibing nila ang dalawa at tatlo sa isang libingan,kaya nailibing si `Abdullah bin haram kasama ang ibang lalaki,Ngunit si Jaber malugod si Allah sa kanya-ay hindi naging masaya ang sarili niya hanggang sa mahiwalay niya ama niya sa sinumang naging kasama nito sa libingan,Kaya hinukay niya ito pagkaraan ng anim na buwan sa paglibing niya at natagpuan niya ito na para bang inilibing lang sa araw na yaon,Walang nabago sa kanya maliban sa isang maliit na bagay sa tainga niya,pagkatapos ay pinag-isa niya ito sa loob ng isang libingan.