





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Hafsah -asawa ng Propeta-malugod si Allah sa kanya- siya ay nagsabing: (( O Sugo ni Allah! Ano ang nangyari sa mga tao,nagsagawa sila ng tahallul sa umrah kahit na hindi ka pa nagsagawa ng tahallul sa iyong umrah, Nagsabi siya: Sapagkat tunay na hinigpitan ko ang [buhok sa] aking ulo at linagyan ko ng kwentas ang aking hayop na pang-alay [bilang palatandaan],kaya`t hindi ako magsasagawa ng tahallul hanggat hindi ako makapag-katay))
Napagkaisahan ang katumpakanNagsagawa ng Ihram ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa Hajj ng pamamaalam-para sa Umrah at Hajj,at nagdala siya ng hayop na pang--alay,at hinigpitan nito ang [buhok sa] ulo niya ng bagay na pipigil rito sa pagkalat,dahil ang pagsasagawa niya ng ihram ay magtatagal,at nagsagawa rin ng ihram ang mga kasamahan niya tulad ng pagsasagawa niya ng ihram,at ang iba sa kanila ay nagsagawa ng ihram para sa umrah na Tamattu` para sa pagsasagawa ng hajj,at ang marami sa kanila ay hindi nakapagdala ng hayop na pang--alay at ang iba naman ay nakapagdala,At nang dumating sila sa Meccah,at nakapagsagawa sila ng tawaf,at sa`ye,Ipinag-utos niya sa sinumang hindi nakapagdala ng hayop na pang-alay mula sa mga nagsagawa ng [Hajj] na mufrid at qarin,na ipawalang-bisa nila ang kanilang hajj, at gawin itong umrah,at magsagawa sila ng tahallul,subalit siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang sinumang nakapagdala ng hayop na pang-alay mula sa kanila,ay nanatili sila sa kalagayan ng kanilang ihram at hindi sila nagsagawa ng tahallul,,Tinanong siya ng asawa niyang si Hafsah,kung bakit nagsagawa ng tahallul ang mga tao habang siya ay hindi pa nagsagawa ng tahallul, Nagsabi siyang: sapagkat hinigpita ko ang [buhok sa] ulo ko at linagyan ko ng kwentas ang aking hayop na pang-alay [bilang palatandaan],at dinala ko ito,at ito ang pumipigil sa akin sa pagsasagawa ng tahallul hanggang sa umabot ang hayop na pang-alay sa kalalagyan nito,at ito ang araw ng pagsasagawa ng hajj,ang araw ng pagkatay.
Ayon kay ' Abdullah bin 'Abbās-malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi: (( Natulog ako sa tiyahin kong si Maymūnah, Tumayo ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang magdasal sa [Hating] gabi. Tumayo ako sa bandang kaliwa niya,Kinuha niya ang ulo ko at pinatayo niya ako sa bandang kanan niya))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ng Marangal na kasamahan ng Propeta na si Ibn 'Abbās malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na siya ay natulog sa tiyahin niya-asawa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang makita niya -mismo sa sarili niya-ang pagdadasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Tahajjud. At nang tumayo siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang magdasal [ng hating] gabi,Tumayo si Ibn 'Abbās kasama niya upang magdasal sa pagdarasal niya,At sa bandang kaliwa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[nakatayo ang] Ma'mum [Sumusunod sa Imām sa pagdarasal], At sapagkat ang bandang kanan ang siyang pinakamarangal,at ito ang tinatayuan ng Ma'mum[ Sumusunod sa Imām sa pagdarasal] nila sa Imām kapag ito ay nag-iisa. Kinuha ng Propeta pagpalain siya ni Allah at Pangalagaan-ang ulo niya.pina-ikot niya ito sa likod niya, at pinatayo sa bandang kanan niya.
Ayon kay `Ali bin Abe Talib-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu-:((Naway punuin ni Allah ang mga libingan nila at mga bahay nila ng Apoy,Tulad ng Pang-aabala nila sa amin sa Pagdarasal sa Kalagitnaan [Ng Araw] hanggang sa lumubig ang Araw)) At sa isang pananalita ni Imam Muslim: ((Inabala nila kami sa Pagdarasal [ Sa kalagitnaan ng Araw]- Dasal na Al- `Asr], Pagkatapos ay idinasal niya ito sa pagitan ng Al-Maghrib at Al-`Eishah)).At sa kanya,Ayon kay `Abdullah bin Mas-`ud,siya ay nagsabi: ((Pinigilan ng mga Mushrikin [Hindi Mananampalataya,Sumasamba sa mga Diyus-diyosan] Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Pagdarasal ng Al-`Asr,Hanggang sa pumula ang kalangitan at nanilaw,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Inabala nila kami sa Pagdarasal [ Sa kalagitnaan ng Araw]- Dasal na Al-`Asr-,Naway punuin ni Allah ang mga tiyan nila at mga libingan nila ng Apoy ( Naway siksikan ni Allah ang mga tiyan nila at libingan nila ng Apoy))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanInabala ng mga Mushrikun [ Hindi mananampalataya o Sumasamba sa mga Diyus-diyosan] Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila,sa pagmamanman at pagpapabantay sa kanila sa Madina at sa mga sarili nila sa Pagdarasal ng Al-`Asr hanggang sa lumubog ang Araw.Hindi rito nakapagdasal ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya malugod si Allah sa kanila-liban sa pagkatapos ng Al-Maghrib;Nanalangin sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naway punuin ang mga tiyan, bahay, at mga libingan nila ng Apoy.Bilang kabayaran sa pagpapakasakit nila sa kanya at sa mga kasamahan niya,At pang-aabala nila sa kanila sa pagdarasal ng Al-`Asr,Na siyang pinakamainam sa mga dasal.
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "May tatlong magkakamit ng dalawang gantimpala. Isang taong kabilang sa mga may kasulatan na sumampalataya sa propeta niya at sumampalataya kay Muḥammad. Ang aliping minamay-ari kapag ginampanan niya ang karapatan ni Allāh at ang karapatan ng amo niya. Isang lalaking may babaeng alipin, na hinubog niya ang kaasalan nito at hinusayan niya ang paghubog sa kaasalan nito, tinuruan niya ito at hinusayan niya ang pagtuturo niya rito, pagkatapos ay pinalaya niya ito at pinakasalan niya ito, kaya siya ay may dalawang gantimpala."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyTatlong uri ng tao kung saan ay pararamihin sa kanila ang gantimpala ng dalawang beses sa Araw ng pagkabuhay.Pagkatapos ay binanggit niya:" Ang isang lalaki mula sa mga may kasulatan" mula sa Hudyo at Kristiyano. Naniniwala siya sa Propetang ipinadala sa kanya noon, ito ay sina Mūsa at Īsah sumakanila ang pagpapala at pangangalaga,ito ay bago maipadala ang Propeta pagapalain siya ni Allāh at pangalagaan-at bago dumating sa kanya pag-aanyaya niya.At nang maipadala ang Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at naiparating sa kanya ang pag aanyaya niya, naniwala siya sa kanya.kaya sa kanya ay may dalawang gantimpala.Gantimpala sa paniniwala niya sa Sugo na ipinadala sa kanya noon,at ang gantimpala sa paniniwala niya kay Muhammad pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at ang aliping minamay-ari,kapag isinagawa niya ang pagsamba kay Allāh pagkataas-taas Niya,at ginampanan niya ang anumang inobliga sa kanya ng amo niya sa magandang pamamaraan,mapapasakanya ang dalawang gantimpala.At ang isang lalaki na may babaing alipin,dinisiplina niya ito ng mabuting disiplina,at itinuro niya ang mga [katuruan] sa relihiyon niya mula sa ipinapahintulot at ipinagbabawal, Pagkatapos ay pinalaya niya ito sa pagiging alipin, Pagkatapos ay pinakasalan niya,mapapasakanya ang dalawang gantimpala,Ang unang gantimpala:Dahil sa pagtuturo niya at pagpapalaya niya,At ang ikalawang gantimpala:Dahil sa pagiging mabuti niya sa kanya pagkatapos niya itong palayain at hindi siya pinabayaan, datapuwat ay inasawa niya ito at inilayo [sa kapahamakan] at napabuti [dahil]sa kanya ang ari nito
Ayon kay Abū Ṣafwān Suwayd bin Qays, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Umangkat ako at si Makhramah Al-`Abdīy ng mga kasuutan mula sa Hajar. Pinuntahan kami ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nakipagtawaran siya sa amin ng isang salawal. Sa tabi ko ay may isang tagatimbang na nagtitimbang kapalit ng upa na nagtitimbang kapalit ng upa. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa tagatimbang: Timbangin mo at pabigatan nang kaunti."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīySina Ṣafwān bin Suwayd at Makhramah Al-`Abdīy, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ay nagdala ng mga kasuutan mula sa isang bayang tinatawag na Hajar. Ang "Pinuntahan kami ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nakipagtawaran siya sa amin ng isang salawal" ay nangangahulugang ninais ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na bumili sa kanila ng isang salawal at nakipagtawaran siya sa kanilang dalawa sa presyo. Sa isang sanaysay ni Imām An-Nasā'īy: "at bumili siya sa amin ng isang salawal." Hindi nabanggit ang tawaran. Ang "Sa tabi ko ay may isang tagatimbang na nagtitimbang kapalit ng upa" ay nangangahulugang mayroon sa palengke na isang lalaking may timbangan. Ang mga tao ay nagpapatimbang sa kanya at binibigyan nila ito ng upa sa pagtitimbang. Ang "Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa tagatimbang: Timbangin mo at pabigatin nang kaunti" ay nangangahulugang nag-utos ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa tagatimbang na magdagdag siya sa kamay ng timbangan na kinalalagyan ng paninda na tinitimbang nang sa gayon ay kumiling at bumigat kaysa sa kabilang kamay. HIndi naman nangangahulugan iyon na kikiling ito nang malaking pagkiling sapagkat ito ay maaaring magdulot ng kalugihan sa nagtitinda, bagkus kikiling ang timbangan nang kaunting pagkiling sa paraang matitiyak na ang mamimili ay makakukuha ng karapatan niya nang walang bawas.
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, hinggil sa kuwento ni Barīrah at asawa nito ay nagsabi siya: "Nagsabi sa kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Kung bumalik ka sana sa kanya. Nagsabi ito: O Sugo ni Allah, inuutusan mo po ba ako? Nagsabi siya: Namamagitan lamang ako. Nagsabi ito: Walang pangangailangan sa akin sa kanya."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng asawa ni Barīrah noon, malugod si Allah sa kanya, ay isang alipin na tinatawag na Mughīth, malugod si Allah sa kanya. Si Barīrah noon ay naglilingkod kay `Ā'ishah bago siya nabili. Noong napalaya siya nito ay pinapili siya: ang manatili kay Mughīth o ang makipaghiwalay. Nakipaghiwalay si Barīrah, malugod si Allah sa kanya, rito. Kaya si Mughīth, malugod si Allah sa kanya, matapos ang pagkasirang ito ng mag-anak, ay sumusunud-sunod sa kanya sa mga lansangan at mga daan ng Madīnah, na umiiyak at ang mga luha nito ay dumadaloy sa balbas nito. Ito ay dahil sa tindi ng pag-ibig niya kay Barīrah, malugod si Allah sa kanya. Umaasa ito na bawiin niya ang pakikipaghiwalay at bumalik siya rito. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kay Barīrah, malugod si Allah sa kanya: "Kung bumalik ka sana sa kanya, talagang magkakaroon ka ng gantimpala." Nagsabi si Barīrah, malugod si Allah sa kanya: "O Sugo ni Allah, inuutusan mo po ba ako na bumalik sa kanya bilang tungkulin?" Nagsabi siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Pumapagitna lamang ako para sa kanya." Nagsabi ito: "Wala akong balak ni pagkaibig sa pakikipagbalikan sa kanya."
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Si Abū Ṭalḥah, malugod si Allāh sa kanya, ay ang pinakamarami sa Anṣār sa Madīnah sa ari-ariang punong datiles. Ang pinakakaibig-ibig sa mga ari-arian niya para sa kanya ay ang Bayraḥā'. Ito noon ay nakaharap sa masjid. Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumapasok noon doon at umiinom mula sa kaaya-ayang tubig doon. Nagsabi si Anas: Noong bumaba ang talatang ito [ng Qur'ān 3:92]: "Hindi ninyo matatamo ang pagpapakabuting-loob hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo," tumayo si Abū Ṭalḥah [upang pumunta] sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na si Allāh ay nagbaba sa iyo: 'Hindi ninyo matatamo ang pagpapakabuting-loob hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo.' Tunay na ang pinakakaibig-ibig na ari-arian ko para sa akin ay ang Bayraḥā'. Tunay na iyon ay kawanggawa na alang-alang kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Minimithi ko ang kabutihan niyon at ang pag-impok niyon sa kay Allāh, pagkataas-taas Niya, kaya ilagay mo po iyon, o Sugo ni Allāh, saan man ipakita sa iyo ni Allāh." Nagsabi ang Sugo ni Allāh: "Magaling! Iyon ay ari-ariang tutubo! Iyon ay ari-ariang tutubo! Narinig ko nga ang sinabi mo. Tunay na ako ay nagtuturing na ilaan mo ito sa mga kaanak." Nagsabi si Abū Ṭalḥah: "Gagawin ko, o Sugo ni Allāh." Kaya hinati-hati iyon ni Abū Ṭalḥah sa mga kaanak niya at mga anak ng tiyuhin sa ama niya.
Napagkaisahan ang katumpakanSi Abū Ṭalḥah, malugod si Allāh sa kanya, ay ang pinakamarami noon sa Anṣār sa Madīnah sa mga sakahan. Mayroon siyang pataniman noon sa harap ng masjid, na may tubig na tabang. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumupunta noon roon at umiinom mula roon. Noong bumaba ang sabi ni Allāh (Qur'ān 3:92): "Hindi ninyo matatamo ang pagpapakabuti hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo," nagdali-dali si Abū Ṭalḥah, malugod si Allāh sa kanya, nakipag-unahan, mabilis na pumunta, dumating sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na si Allāh ay nagbaba ng sabi Niya: 'Hindi ninyo matatamo ang pagpapakabuti hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo,' tunay na ang pinakakaibig-ibig sa mga ari-arian ko para sa akin ay ang Bayraḥā' - ito ang pangalan ng patanimang iyon - at tunay na ako ay naglalagay niyon sa harapan mo bilang kawanggawa alang-alang kay Allāh at sa Sugo Niya." Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang humahanga: "Magaling! Iyon ay ari-ariang tutubo! Iyon ay ari-ariang tutubo! Narinig ko nga ang sinabi mo. Itinuturing kong ilaan mo ito sa mga kaanak mo." Kaya ginawa niya, malugod si Allāh sa kanya, at hinati-hati iyon sa mga kaanak niya at mga anak ng tiyuhin sa ama niya.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya.((Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok ng Meccah sa taon ng Al-Fath [tagumpay],at sa ulo niya ay ang kalubkob,at nang tanggalin niya ito ay dumating sa kanya ang isang lalaki;at siya ay nagsabi: Si Ibn Khatal,ay nakasabit sa tela ng Ka`bah.Nagsabi siya: Patayin ninyo siya))
Napagkaisahan ang katumpakanSa pagitan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at sa pagitan ng mga hindi mananampalatayang Quraysh ay isang kasunduan,At tunay na dumanak ang dugo ng ilan sa mga mapagsamba sa mga diyus-diyosan at ipinag-utos niya ang pagpatay sa kanila,at sila ay na siyam na bilang lamang,At nang dumating ang Pagtagumpay sa Meccah,pumasok siya rito-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kalagayang nag-aalerto at nag-iingat,isinuot nito sa ulo niya ang kalubkob,at nakita ng ilan sa mga kasamahan niya si "Ibn Khatal" na nakasabit sa tela ng Ka`bah,humihingi ng tulong na ipagbawal sa kanya ang pagpatay,dahil sa alam niya ang kasamaan ng gawain niya,at kasuklam-suklam na pinagdaanan niya,pinahirapan nila ito sa pagpaslang sa kanya bago siya ibalik sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;At nang ibalik nila ito,siya ay nagsabi: Patayin ninyo siya,at napatay siya sa pagitan ng Bato at Maqam [ni Propeta]ibrahim]
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Ipinadala ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, si `Umar, malugod si Allah sa kanya, para kalapin ang kawanggawa. Sinabing tumanggi sina Ibnu Jamīl, Khālid bin Al-Walīd, at si Al-`Abbās, ang tiyuhin ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Naiinis si Ibnu Jamīl gayong siya noon ay maralita lamang at pinayaman siya ni Allah. Tungkol naman kay Khālid, tunay na kayo ay lumalabag sa katarungan kay Khālid sapagkat inilaan niya ang mga baluti niya at ang mga kagamitan niya sa landas ni Allah. Tungkol naman kay Al-Abbās, [ang kawanggawang] ito ay pananagutan ko na at ang tulad nito." Pagkatapos ay nagsabi siya: "O `Umar, hindi mo ba nadama na ang tiyuhin ng lalaki ay wangis ng ama niya?"
Napagkaisahan ang katumpakanIpinadala ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, para sa pagkalap ng zakāh. Noong dumating `Umar kay Al-`Abbās bin `Abdulmuṭṭalib upang kunin ang zakāh, ipinagkait niyon ito; at ganoon din sina Khālid bin Al-Walīd at Ibnu Jamīl. Kaya pumunta si `Umar sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na idinadaing ang tatlong ito. Nagsabi siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Tungkol kay Ibnu Jamīl, wala siyang anumang dahilan sa pagkakait nito dahil siya noon ay maralita at pinayaman siya ni Allah at ang pagpapayamang ito ay humihiling na siya ay maging una sa mga tao sa pagbibigay. Tungkol naman kay Khālid bin Al-Walīd, tunay na kayo ay lumalabag sa katarungan sa kanya dahil sa sabi ninyong ipinagkait niya ang zakāh. Inilaan na nga niya ang mga baluti niya at ang mga kagamitan niya sa landas ni Allah. Kaya papaanong mangyayari ang pagkakait ng zakāh mula sa isang lalaking nagpakalapit kay Allah, pagkataas-taas Niya, sa pamamagitan ng paggugol ng hindi naman isinasatungkulin sa kanya pagkatapos ipagkakait niya ang isinatungkulin ni Allah sa kanya? Tunay na ito ay malayong mangyari." Tungkol naman kay Al-Abbās, pinasan na ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. May posibilidad na iyon ay dahil sa katayuan at kalagayan ni Al-Abbās. Nagpapatunay roon ang sabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Hindi mo ba nalaman na ang tiyuhin ng lalaki ay wangis ng ama niya?" TaysIr Al-`Allām 1/304, Tanbīh Al-Afhām 399, at Ta’sīs Al-Aḥkām Sharḥ Ḥadīth numero 173.