





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Tunay na si 'Abdullāh bin 'Abbās at Al-Miswar bin Makhramah at nagkasalungat sa Abwa: Nagsabi si Ibn `Abbas:Hinuhugasan ng Muhrim ang ulo nito,at ang sabi ni Al-Miswar: Hindi hinuhugasan ang ulo nito,Nagsabi siya:Ipinadala ako ni Ibn `Abbas kay Abē Ayyūb Al-Ansārīy -malugod si Allah sa kanya-;Nadatnan ko siyang naliligo sa pagitan ng dalawang haligi,habang siya ay nagtatakip sa damit,Bumati ako sa kanya.Nagsabi siya:Sino iyan?Nagsabi ako: Ako si 'Abdullāh bin Hanīn,ipinadala ako sa iyo ni Ibn `Abbas,Nagtatanong siya sa iyo; Kung papaano ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-naghuhugas ng kanyang ulo habang siya ay nasa kalagayan ng Ihram? Inilgay ni Abē Ayyūb ang kamay niya sa kanyang damit,at ibinaba niya ito,hanggang sa maging hayag sa akin ang ulo nito,Pagkatapos ay sinabi niya sa taong nagbubuhos sa kanya ng tubig;Buhusan mo,Kaya binuhusan siya sa ulo niya,pagkatapos ay kinalikut nito ang ulo niya sa mga kamay niya,iginalaw niya ito na paharap at salubong,Pagkatapos ay nagsabi siyang: Ganyan ko siya nakita-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naliligo)) At sa isang salaaysay:((Ang sabi ni Miswar kay Ibn 'Abbās: Hindi na ako makikipagtalo sa iyo kailanman))
Napagkaisahan ang katumpakanNagtalo si 'Abdullāh bin 'Abbās at Al-Miswar bin Makhramah-malugod si Allāh sa kanilang dalawa-sa pagligo ng taong nasa kalagayan ng Ihrām,kung huhugasan ba ng Muhrim ang ulo niya o hindi,At ang kalagayang pinag-aalinlangan rito ay, kapag kinalikut ang buhok sa ulo nito maaari itong maging dahilan sa pagkahulog ng mga buhok, Dumating si 'Abdullāh bin Hanīn kay Abē Ayyūb, at nadatnan niya itong naliligo. Sinabi niya sa kanyang;Ipinadala ako sa iyo ni Ibn 'Abbās, upang magtanong sa iyo kung papaano maligo ang Sugo ni Allāh-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-Sinabi niya sa nagbubuhos sa kanya ng tubig: Buhusan mo;pagkatapos niyang ibaba ang damit na siyang itinatakip niya,hanggang sa makita ang ulo niya, Pagkatapos ay kinalikut nito ang ulo niya sa mga kamay niya,iginalaw niya ito nang paharap at salubong,Pagkatapos ay sinabi niyang;Ganyan ang nakita kong ginagawa ng Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.At nang dumating ang inutusan,sinabi niya sa kanilang dalawa, ang katumpakan ng nakita ni 'Abdullāh bin 'Abbās-at sila ay naghahanap ng katotohanan-umamin [sa kanyang pagkakamali] si Al-Miswar -malugod si Allāh sa kanya-at sinang-ayunan niya ang kahigitan ng kasama niya: at Sinabi niyang:Hindi na ako makikipagtalo sa iyo kailanman
Mula kay Jabir -Malugod sa kanya ang Allah- ay nagsabi: Dumating kami kasama ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- nang kami ay nagsabi: Nandito na kami upang sadyain at isagawa ang hajj. At inutusan kami ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at ginawa namin siyang umrah.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbigay-alam sa atin ni Jabir -Malugod sa kanya ang Allah- na sila ay dumating kasama ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa huling hajj at karamihan sa kanila ay nagsabi: "Nandito na kami upang sadyain at isagawa ang hajj", ibig sabihin niyon ay iisahin lang ang hajj sa kanilang intensyon, inutusan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang sinumang hindi pa nakapagkatay ng hayop (i.e: kamelyo, baka, tupa atbp) ay kanyang anulahin o ipawalang-bisa ito para sa umrah, at sa ganun ay magiging Mutamattiin sila, ibig sabihin mga taong nagsagawa ng umrah sa isang ihram sa buwan ng hajj, at pagkatapos isusunod nila ang pagsagawa ng hajj sa ibang ihram sa kapanahunan ng paghajj, at ginawa nila ito.
Ayon kay Ṣafīyah bint Ḥuyayy, malugod si Allah sa kanya: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa ng i`tikāf nang pinuntahan ko siya upang dalawin isang gabi at kinausap ko siya. Pagkatapos ay tumayo ako upang umuwi at tumayo siya kasama ko upang iuwi ako." Ang tirahan nito ay nasa bahay ni Usāmah bin Zayd. May napadaang dalawang lalaking kabilang sa mga Anṣārīy. Noong nakita ng dalawang iyon ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagmadali ang dalawang iyon kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Maghinay-hinay kayong dalawa; tunay na siya ay si Ṣafīyah bint Ḥuyayy." Nagsabi ang dalawang iyon: "Napakamaluwalhati ni Allah, o Sugo ni Allah." Nagsabi siya: "Tunay na ang demonyo ay dumadaloy mula sa anak ni Adan gaya ng pagdaloy ng dugo at tunay na ako ay natakot na pumukol siya sa mga puso ninyong dalawa ng kasamaan," o nagsabi siya: "...ng anuman." Sa isang sanaysay: "na ito ay dumating upang dumalaw sa kanya sa i`tikāf niya sa masjid sa sampung huling araw ng Ramaḍān at nakipag-usap ito sa piling niya nang saglit. Pagkatapos ay tumindig ito upang umuwi. Tumindig ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kasama nito upang iuwi ito hanggang sa nang umabot ito sa pintuan ng masjid sa tabi ng pintuan ni Umm Salamah..." Pagkatapos ay bumanggit siya ng ayon sa kahulugan niyon.
Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa ng i`tikāf sa sampung huling araw ng Ramaḍān nang ang maybahay niyang si Ṣafīyah, malugod si Allah dito, ay dumalaw sa kanya sa isa mga gabi. Kinausap nito siya nang saglit. Pagkatapos ay tumayo ito upang umuwi sa bahay nito. Tumayo siya kasama nito upang ihatid ito at sabayan ito. May napadaang dalawang lalaking kabilang sa mga Anṣārīy. Noong nakita ng dalawang iyon ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagmadali ang dalawang iyon sa paglalakad dala ng pagkahiya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nang nakita siya ng dalawa iyon kasama ang maybahay niya. Kaya nagsabi siya: "Maghinay-hinay kayong dalawa..." Nangangahulugan ito: magdahan-dahan kayo sa paglalakad; siya ay maybahay ko lamang na si Ṣafīyah. Kaya nasabi ng dalawang iyon: "Napakamaluwalhati ni Allah, o Sugo ni Allah. Pumapasok ba sa isip ang pag-aakala ng kasagwaan sa iyo?" Kaya ipinabatid niya sa dalawang iyon na ang demonyo ay masigasig sa pagbuyo sa mga anak ni Adan. Ito ay may malaking kapangyarihan sa kanila sapagkat ito ay dumadaloy mula sa kanila gaya ng pagdaloy ng dugo dahil sa selan ng mga pasukan nito at pagkakubli ng mga tinatahakan nito. Natakot siya na pumukol ito sa mga puso nilang dalawa ng anuman.
Mula kay Abdullah Bin Ma'qil ay nagsabi: ((Nakaupo ako kay Ka'b Bin Ujrah, at itinanong ko siya tungkol sa Fidyah (tubos), at sabi niya: Bumaba siya sa akin eksklusibo, at siya ay para sa inyong lahat. Naidala ako patungo sa Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at ang mga kuto ay nagkahulog sa aking mukha, at kanyang sinabi: Hindi pa ako nakasaksi ng sakit tulad ng sakit na nasaksihan kong umabot sayo -o hindi pa ako naipakitaan ng paghihirap tulad ng naipakita sa akin na sumapit sa iyo- may mahanap ka bang tupa? at sabi ko: Wala. at sabi Niya: mag-ayuno ka ng tatlong araw, o magpakain ka ng anim na taong mahirap- sa bawat isang mahirap ay kalahating Saa' -paglalagyan ng sukat ng mga butil, nagtitimbang ng halos tatlong kilo-)). at sa isang salaysay: ((At inutusan siya ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na magpakain siya ng putul-putol sa pagitan ng anim o magkatay o mag-ayuno ng tatlong araw)).
Napagkaisahan ang katumpakanNakita ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- si "Ka'b Bin Ujrah" sa Hudaybiyah at siya ay naka-ihram, at ang mga kuto ay nagkahulog sa kanyang mukha dahil sa sakit, kaya halos natunaw o naawa ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa kanyang kalagayan at kanyang sinabi: "hindi ko sukat akalain na ang paghihirap ay aabot sa iyo ng ganito na aking nakikita. Pagkatapos ay kanyang tinanong: Makakahanap ka ba ng tupa? sagot niya: Hindi, ibinaba ng Allah -mapagpala Siya at pagkataas-taas-: {sinuman sa inyo ang nagkasakit o may pinsala sa kanyang ulo ay mag-fidyah (magganti) siya mula sa pag-ayuno o magkawang-gawa o mag-katay} ang talata. Dahil doon ipinagpili siya ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa pagitan ng pag-aayuno ng tatlong araw, o magpakain ng anim na mahihirap, sa bawat taong mahirap ay kalahating Sa'a ng trigo o iba pa man, at iyon ay bilang pagbabayad sa kanyang pagkalbo ng kanyang buhok kung saan napilitan siyang gawin iyon sa kanyang pag-ihram dahil lamang may dumapo sa kanya ng maliit na uri ng hayop, at sa ibang salaysay, ipinagpili siya sa pagitan ng tatlo.
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: ((Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng isa sa mga dasal sa Hapon-Nagsabi si Ibn Sirin at pinangalanan niya itong si Abu Hurayrah,ngunit nakalimutan ko ito-Nagsabi siya:Nagdsal siya sa amin ng dalawang tindig,pagkatapos ay nagsagawa ng Taslem, Tumayo sa isang kahoy na nakikita sa Masjid,Sumandal siya rito na para siyang nagagalit,inilagay niya ang kamay niyang kanan sa kaliwa,At binibigkis nito ang mga daliri niya,At lumabas ang mga nagmamadali sa mga pintuan ng Masjid,Nagsabi sila:Napaikli ba ang dasal-At kabilang sa mga tao ay sina Abu Bakar at `Umar-Natakot sila [dahil sa paggalang nila sa kanya] na kausapin siya.At kabilang sa mga tao ay ang isang lalaki na sa kamay niya ay may mataas,Tinatawag siya na Zul Yadayn,Nagsabi siya: O Sugo ni Allah,Nakalimot ka ba o naging maikli ang pagdarasal? Nagsabi siya: Hindi ako nakalimot at hindi naging maikli ang pagdarasal,Nagsabi siya: Totoo ba ang sinasabi ni Zul Yadayn?Nagsabi sila: Oo, Pumunta siya sa unahan, at nagdasal siya sa anumang naiwan niya pagkatapos ay nagsagawa siya ng Taslem,Pagkatapos ay Nagdakila siya sa Allah [Allahu Akbar] at nagpatirapa siya tulad ng pagpapatirapa niya o mas mahaba,Pagkatapos ay itinaas niya ang ulo niya at Nagdakila siya sa Allah [Allahu Akbar] Pagkatapos ay Nagdakila siya sa Allah [Allahu Akbar] at nagpatirapa tulad ng pagpapatirapa niya o mas mahaba,Pagkatapos ay itinaas niya ang ulo niya at Nagdakila siya sa Allah [Allahu Akbar],At marahil ay nagtanong sila sa kanya: Pagkatapos ay Nagsagawa ng Taslem?Naipagbigay-alam sa akin na si `Imran bin Husayn ay nagsabi:Pagkatapos ay nagsagawa siya ng Taslem.
Napagkaisahan ang katumpakanAng mga Sugo ang may pinakaganap na katalinuhan sa mga tao,at may pinakamatatag na puso sa kanila,at may pinakamagandang Pagtitiis sa kanila,at may pinakamatuwid sa karapatan ni Allah-Pagkataas-taas Niya,sa kanila, Ngunit gayunpaman ay hindi sila lumalampas sa limitasyon ng pagiging Tao,At ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay siyang pinakaganap sa mga Sugo sa katangiang ito,Gayunpaman,maaaring mangyari sa kanya ang Pagkalimot.Dahil sa panuntunan ng pagiging Tao niya,Upang ipahintulot ni Allah-sa mga Lingkod niya ang Panuntunan ng Assahwu,At isinalaysay ni Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdasal para sa mga kasamahan niya nang Dasal na Al-Dhuhr o Dasal na Al-`Asr,at tunay na si Aba Hurayrah ay ay itinalaga niya rito ngunit nakalimutan ito ni Ibn Siren,At nang magdasal siya ng unang dalawang tindig,nagsagawa siya ng Taslem,Ngunit dahi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay ganap,Hindi nagiging panatag ang kanyang sarili maliban sa ganap na gawain.Naramdaman niya na may kulang at mali,hindi niya alam kung ano ang dahilan nito,Tumayo siya sa isang kahoy na nakikita sa Qiblah ng Masjid,Sumandal siya rito na may halong pagkabalisa sa sarili,at binibigkis niya ang pagitan ng mga daliri niya.At lumabas ang mga nagmamadali mula sa mga nagdarasal sa mga pintuan ng Masjid,at sila ay nagtatawagan sa bawat isa,na mayroong naganap na pangyayari,Na siya ay nagpa-ikli ng dasal;At para bang nagulat sila na ang nasa lugar ng propesiya ay magaganap sa kanya ang pagkalimot.At dahil sa Karangalan niya-pagpalin siya ni Allah at pangalagaan-sa mga puso nila,hindi nakayanan ng isa sa kanila na buksan ang mahalagang talakayang ito,at lalo na,dahil sa pamamalagi doon ni Abu Bakar at `Umar,at nasaksihan nila rito ang panghihina at pag-urong.Maliban sa isang lalaki na tinatawag sa pangalang " Zul Yadayn",pinutol niya ang katahimikang ito,Sa pamamagitan ng pagtanong niya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagsabi niyang:O Sugo ni Allah,Nalimutan mo ba o naging maikli ang dasal?Wala siyang pinili sa dalawang ito sapagkat ang bawat isa sa dalawang ito ay maaaring [mangyari] sa kasunduang ito [dasal],Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-batay sa pag-aakala niya,Hindi ako nakalimot at hindi napa-ikli, Sa oras na yaon ,nang malaman ni Zul Yadayn -malugod si Allah sa kanya-na ang Dasal ay hindi napa-ikli,at nasisiguro niya na hindi siya nakapagdasal maliban sa dalawang tindig lamang,Napagtanto niya na siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tunay na nakalimot,Nagsabi siya: Ngunit ikaw ay nakalimot.Ninais niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na mapagtibay ang pagiging makatotohanan ng sinasabi ni Zul Yadayn,Sapagkat sumasalungat ito sa pag-aakala niya mula sa pagiging ganap ng pagdarasal,Kaya hinilang ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na patotohanan ang sinabi niya,Sinabi niya sa sinumang nasa paligid niya mula sa mga kasamahan niya:Totoo ba ang sinasabi ni Zul yadayn na ako ay hindi nakapagdasal maliban sa dalawang tindig lamang?Nagsabi sila: Oo ,Sa oras na iyon, Pumunta siya sa unahan-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdasal siya sa anumang naiwan niya sa pagdarsal.At pagkatapos magsagawa ng Tashahhud,at nagsagawa siya ng Taslem,Pagkatapos ay nagdakila siya sa Allah[ Allahu Akbar] habang siya ay naka-upo,at nagpatirapa siya tulad ng pagpapatirapa na nakasanayan sa pagdarasal,o mas mahaba,Pagkatapos ay itinaas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa,at nagdakila siya sa Allah[ Allahu Akbar],Pagkatapos ay nagdakila siya sa Allah[ Allahu Akbar] at nagpatirapa siya tulad ng pagpapatirapa niya o mas mahaba,Pagkatapos ay itinaas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa,at nagdakila siya sa Allah [ Allahu Akbar],Pagkatapos ay nagsagawa siya ng Taslem,at hindi na nagsagawa ng Tashahhud.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang mga martir ay lima: ang namatay sa salot, ang namatay sa sakit sa tiyan, ang nalunod, ang namatay na nadaganan ng guho, at ang napatay sa landas ni Allāh." Sa isang sanaysay: "Ano ang ibinibilang ninyo na martir sa inyo? Nagsabi sila: O Sugo ni Allāh, ang sinumang napatay sa landas ni Allāh, siya ay martir. Nagsabi siya: Tunay na ang mga martir ng Kalipunan ko, samakatuwid, ay talagang kaunti. Nagsabi sila: Kaya sino po sila, o Sugo ni Allāh? Nagsabi siya: Ang sinumang napatay sa landas ni Allāh, siya ay martir. Ang sinumang namatay sa landas ni Allāh, siya ay martir. Ang sinumang namatay sa salot, siya ay martir. Ang sinumang namatay sa sakit sa tiyan, siya ay martir. Ang nalunod ay martir."
Napagkaisahan ang katumpakanAng mga martir sa kabuuan ay lima: ang dinapuan ng salot, nakamamatay na epidemya, at namatay dahil dito; ang namamatay sa sakit sa tiyan; ang namamatay sa pagkalunod na sumakay sa [sasakyang] dagat sa isang pagsakay na hindi ipinagbabawal; ang namatay sa ilalim ng guho gaya ng binagsakan ng dingding; ang napatay sa landas ni Allāh - ito ang pinakamataas sa mga uri - at gayon din ang namatay sa landas ni Allāh hindi dahil sa labanan. Ang mga unang apat na martir ay mga martir ayon sa panuntunan ng Kabilang-buhay hindi sa mundo, kaya naman paliliguan sila [kapag namatay] at dadasalan sila. Ang bilang [na nabanggit] sa ḥadīth ay hindi para limitahan [ang uri ng martir].
Ayon kay Sālih bin Khawwāt bin Jubayr-malugod si Allah sa kanya- Na kabilang sa nakapagdasal kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sa pagdarasal nang may Sapatero sa Pagdarasal na may Takot [ sa kalaban] ; Na ang isang grupo ay tumindig sa linya kasama siya,at isang grupo na nakaharap sa kalaban;Nagdasal siya sa yaong mga naging kasama niya ng isang tindig,Pagkatapos ay nanatili na nakatindig,at nagpatuloy sila sa mga sarili nila,pagkatapos ay umalis sila,Gumawa sila ng linya kaharap ang mga kalaban;At dumating ang ibang grupo,Nagdasal sila sa kanila sa isang tindig na natira,Pagkatapos ay nanatili silang naka-upo, At nagpatuloy sila sa mga sarili nila,Pagkatapos ay nagsagawa ng Taslīm sa kanila.
Napagkaisahan ang katumpakanNakipagdarambong ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang pandarambong kasama ang mga kasamahan niya,at ang karamihan sa kanila ay naglalakad sa mga paa nila,Kaya napagod sila dahil [paglalakad na walang sapin sa paa],binalot nila rito ang mga nasunog [sa mga paa nila],At nakatagpo nila ang mga kaaway nila ngunit walang naganap na pakikipaglaban,Datapuwat ay tinakot ng mga Muslim ang mga kalaban nila,At sa Hadith na ito,ang mga [lugar ng mga] kalaban ay wala sa harap ng Qiblah,Dahil ang mga tahanan nila ay nasa bandang Silangan ng Madinah,Hinati sila sa dalawa grupo,Kaya tumindig sa linya ang isang grupo at tumayo ang ibang grupo sa harap ng mga kalaban,na siyang ginawa ng mga nagdarasal sa bandang likod nila.Nagdasal ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng isang tindig sa mga naging kasamahan niya,Pagkatapos ay tumindig sa kanila ang ikalawa,Nanatili sila rito na nakatayo,At ginanap nila sa mga sarili nila ang isang tindig,Pagkatapos ay nagsagawa sila ng Taslim,At umalis sila [upang] humarap sa mga kalaban.At dumating ang ibang grupo,nagdasal sila sa kanila sa natitirang Tindig [ng dasal],Pagkatapos ay nanatili sila sa pag-upo,at tumayo sila,Ginanap nila sa mga sarili nila ang isang Tindig [ng dasal],Pagkatapos ay nagsagawa sila ng Taslim sa kanila,Naiiba ang una [dahil] sa Pagpapabawal sa pagdarasal at ito ang Takbiratul -Ihram kasama ang Imam,At naiiba ang Ikalawa dahil sa Pagpapahintulot sa Pagdarasal at ito ang pagsasagawa ng Taslim kasama ang Imam,at pagpapalampas ng pagkakataon sa mga Kalaban,Kaya nakamit ang pagpapantay sa pagkamit ng kainaman kasama ang Imam.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya- siya ay nagsabi: ((Nagsagawa kami ng Hajj kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsagawa kami ng [Tawaf] na Ifadah sa Araw ng Ritwal na Pagkatay,Dinatnan ng Regla si Safiyyah,Inibig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanya ang tulad ng iniibig ng isang lalaki sa kayang asawa,Nagsabi ako: O Sugo ni Allah,Siya ay may Regla.Nagsabi siya:Ang nakakapagpigil ba sa atin ay siya? Nagsabi sila: O Sugo ni Allah,O Sugo ni Allah Tunay na siya ay nakapagsagawa na ng [Tawaf] na Ifadah sa Araw ng Ritwal na Pagkatay,Nagsabi siya: Lumabas kayo)) At sa isang pananalita:Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Naway ilayo sa sugat at sakit sa lalamunan,Nakapagsagawa ba siya ng Tawaf [na Al-Ifadah] sa araw ng Ritwal na Pagkatay? Sinabi sa kanya: Oo,Nagsabi siya: Lumabas ka))
Napagkaisahan ang katumpakanNabanggit ni `Aishah malugod si Allah sa kanya na sila ay nagsagawa ng Hajj kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hajj ng Pamamaalam,At nang matapos sila sa Ritwal na Sakripisyo,Umalis sila [mula sa Arafah] at nagsagawa sila ng Tawaf sa Bahay ni Allah,At kasama nila ang asawa niya na si Sufiyyah malugod si Allah sa kanya-At nang sumapit ang gabi na Pang-indibidwal, [Dinatnan ng Regla] si "Sifiyyah" ,Dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na iniibig sa kanya ang tulad ng iniibig ng isang lalaki sa kanyang asawa,Ipinahayag sa kanya ni `Aishah na siya ay may regla,Inakala niya-Pagpalain siya ni Alah at pangalagaan-na dinatnan siya ng Regla ng una kaya hindi siya nakapagsagawa ng Tawaf na Ifadah.Sapagkat ang Tawah na ito ay isa sa mga Haligi,hindi magiging ganap ang pagsasagawa ng Hajj kung wala ito,At pipigilan mo sila sa paglabas sa Meccah hanggang sa siya ay maging malinis at makapagsagawa ng Tawaf,Nagsabi siya ng salitang ito na naging kilala na siyang sinasabi sa dila na walang halong layunin sa kahulugan nitong totoo,"Naway ilayo sa sugat at sakit sa lalamunan,",Nagsabi siya:-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang nakakapagpigil ba sa amin dito ay siya,hanggang sa matapos ang pagreregla niya at makapagsagawa ng Tawaf niya sa Hajj?Ipinahayag nila sa kanya na siya ay nakapagsagawa na ng Tawaf na Al-Ifadah,bago pa siya madatnan ng Regla,Nagsabi siya: Kung gayon ay lumabas na siya ,sapagkat wala ng natitira sa kanya maliban sa Tawaf na pamamaalam,At siya ay may mabigat na dahilan sa pag-iwan nito.
Ayon kay Sahl bin Sa`d, malugod si Allah sa kanya: "May isang babaing nagdala sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang hinabing balabal at nagsabi: 'Hinabi ko po ito ng mga kamay ko upang ipasuot ko sa iyo ito.' Tinanggap ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, yamang nangangailangan nito. Pumunta siya sa amin at tunay na ito ay naging tapis niya. May nagsabi: 'Ipasuot mo sa akin iyan; anong ganda niyan!' Nagsabi siya: 'Oo.' Naupo ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagtitipon. Pagkatapos ay umuwi siya, tinupi ito, at ipinadala ito sa [taong] iyon kaya nagsabi ang mga tao roon: 'Hindi ka gumawa ng maganda! Isinuot na iyan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, yamang nangangailangan niyan. Pagkatapos ay hiningi mo iyan yamang nalalaman mo na siya ay hindi tumatatanggi sa nanghihingi.' Nagsabi ito: 'Tunay na ako, sumpa man kay Allah, ay hindi humingi sa kanya upang isuot ko ito; hiningi ko lamang [ito] sa kanya upang maging kafan ko.' At ito ay naging kafan niya.'"
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy ng tulad nitoNasaad sa hadith ang pagtangkilik ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa iba higit sa sarili niya dahil siya ay nagbigay sa lalaking ito ng balabal na ito na kinakailangan niya dahil isinuot niya ito talaga, na siyang nagpapatunay sa tindi ng pangangailangan niya rito. May isang babae na pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagregalo sa kanya ng isang balabal. Pumunta ang isang lalaki sa kanya at nagsabi: "Anong ganda nito!" Hiningi niya ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at pinaunlakan naman ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Hinubad niya ito, tinupi ito at ibinigay ito roon. Binanggit ng ilan sa mga tapagapaliwanag na kabilang sa mga aral sa hadith na ito ay ang pagpapabiyaya sa mga naiwan ng mga matuwid na tao. Hindi gayon; ito ay ang pagpapabiyaya lamang sa pagkatao ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at hindi maihahambing sa kanya ang iba pa sa kanya sa kalamangan at pagkamatuwid. Gayon din, ang mga kasamahan niya ay hindi gumagawa noon niyon sa iba pa sa kanya noong nabubuhay siya at matapos mamatay. Kung sakaling iyon ay mabuti talagang naunanahan na sana nila tayo roon at sa iba pa roon.