





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abe Hurayrah buhat kay propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: "Habang ang isang lalaki ay naglalakad sa isang sakahan na lupa,nakarinig ito ng boses sa mga ulap;Tubigan ang harden ni pulano,gumalaw doon ang mga ulap,at ibinuhus ang tubig nito sa lupang may mga batong itim na parang nasunog,kung kayat dito ay may daluyan ng tubig mula sa mga daluyan at hinihigop ang lahat ng tubig nito,sinundan niya ang agos ng tubig,kung kayat nakita niya ang lalaking nakatayo sa harden niya at linilipat niya ang tubig sa kanyang lupain gamit ang kanyang tabo,nagsabi siya sa kanya:O alipin ni Allah anu ang pangalan mo?,sinabi niya: ako si pulano,sa pangalan na narinig niya sa ulap,nagsabi siya:O alipin ni Allah, bakit mo naitanong ang pangalan ko?Sinabi niya: Na narinig ko ang isang boses mula sa ulap na sa kanya ang tubig na ito,Sinabi niya:tubigan ang harden ni pulano sa iyong pangalan,anu ba ang ginawa mo dito?,nagsabi siya:patungkol sa sinabi mong iyan,tinitingnan ko ang naaani dito,nagkakawang-gawa ako sa ikatlong bahagi nito,at kinakain ko at ang pamilya ko ang ikatlong bahagi nito,at ibinabalik ko dito ang ikatlong bahagi nito.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHabang ang isang lalaki ay naglalakad sa desyerto na malawak na lupain,nakarinig siya ng boses sa kaulapan nagsasabi:Tubigan ang harden ni pulano,nagpakalayo ang mga ulap sa nain na puntahan nito,at ibinuhus nito ang tubig sa lupain na may mga batong itim,at doon ay mayroon daluyan ng tubig mula sa mga daluyan nito na hinihigop ang lahat ng tubig nito,sinundan ng lalaki ang tubig,natagpuan nito ang isang lalaking nakatindig sa kanyang harden na inililipat ang tubig mula sa isang lugar patungo sa kabilang lugar sa kanyang harden gamit ang tabo,At sinabi sa kanya:O alipin ni Allah anu ang pangalan mo?,sinabi niya:Ako si pulano,sa pangalan na narinig niya sa ulap,nagsabi siya:O alipin ni Allah, bakit mo naitanong ang pangalan ko?Sinabi niya;Narinig ko ang isang boses mula sa ulap na sa kanya ang tubig na ito,Sinabi niya:tubigan ang harden ni pulano sa iyong pangalan,anu ba ang ginawa mo sa harden mo na mga kabutihan upang maging karapatdapat ka sa ganitong biyaya-nagsabi siya:patungkol sa sinabi mong iyan,tinitingnan ko ang naaani sa pagtatanim ko sa harden at ang bunga nito,at nagbibigay ako ng kawang-gawa sa tatlong bahagi nito,at kinakain ko at ng pamilya ko ang tatlong bahagi nito,at ginagastos ko sa harden sa pagtatanim at pamamahala ang tatlong bahagi nito.
Ayon kay Abdullah bin Omar malugod si Allah sa kanilang dalawa:Na siya ay nagdeborsiyo sa kanyang asawa na siya ay nagreregla.Binanggit iyon ni Omar sa sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya`t sumambulat sa galit sa kanya ang sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Pagkatapos ay nagsabi siya:"Balikan niya ito."Pagkatapos ay panatilihin niya ito hanggang sa matapos nito ang regla.Pagkatapos ay magreregla ito at matatapos nito ang regla.Kung nais niyang diborsiyuhin ito ay diborsiyuhin niya ito na walang regla bago niya nakatalik. Iyan ang iddah gaya ng ipinag-utos ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan."Sa isang pananalita:"Hanggang sa magregla siya ng regla sa hinaharap,bukod pa sa regla niya na dinoborsiyo mo siya."Sa isang pananalita:Nahadlangan ito sa diborsiyo nito at binalikan ito ni Abdullah gaya ng ipinag-utos sa kanya ng Sugo ni Allah,-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.))
Napagkaisahan ang katumpakanDiniborsiyo ni Abdullah bin Omar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ang asawa nito na ito ay nagreregla,binanggit ito ng ama niya kay Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sumambulat ito sa galit dahil deneborsiyo niya ito sa ipinagbabawal na pagdeborsiyo,hindi sinasang-ayunan ng sunnah.Pagkatapos ay ipinag-utos niya na balikan niya ito at panatilihin niya ito hanggang sa matapos ang kanyang regla pagkatapos ay magreregla ulit pagkatapos ay matatapos ang regla nito.At pagkatapos nito,-kapag ninais niya na ediborsiyo ito at wala na siyang nakikita sa sarili niya na pagnanais upang manatili sa kanya-ediborsiyo niya ito bago niya ito galawin:Ito ang iddah na ipinag-utos ni Allah na magdeborsiyu sa sinumang may nais.At hindi sinang-ayunan ng mga may kaalaman na mangyayari ang deborsyo sa may regla,sapagkat ang pagdeborsiyo sa pagregla ay ipinagbabawal at wala ito sa Sunnah.At ang sinasabi ng nagbibigay ng iftah dito ay pumapatunay sa salaysay ni Abe Daud at iba pa nito sa hadith na(( Ibinalik siya sa akin,at parang wala siyang nakita na anumang bagay)) at ang mga pananalita na nabanggit sa salaysay na ito ay hindi lantad sa pangyayari (pagdeborsyo),at hindi rin lantad, na ang nagpanatili sa kanya ay ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at sa Hadith na kilalang tagahatol (( Ang sinuman ang gumawa ng isang gawaing hindi pinagbatayan ang utos namin,ito ay tatanggihan.)) Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagtitinda ng katapatang-loob at pagreregalo nito.
Napagkaisahan ang katumpakanAng katapatang-loob ay kaugnayan gaya ng kaugnayan ng kaangkanan yayamang tunay na ang bawat isa sa dalawa ay hindi nakakamit sa pagbebenta ni sa pagreregalo ni sa iba pa sa dalawang ito. Dahil dito, hindi ipinahihintulot ang pakikialam dito sa pamamagitan ng pagbebenta ni ng iba pa rito. Ito ay ugnayan at bigkis sa pagitan ng nagpalaya at pinalaya, na nagaganap sa pamamagitan nito ang pagmamana ng nagpalaya mula sa pinalaya. Ang pagbabawal sa pagtitinda nito at pagreregalo nito ay dahil sa pagiging gaya ito ng kaangkanan na hindi naglalaho sa pamamagitan ng pag-aalis. Kaya kung may isang taong nagbenta ng kaangkanan niya kaugnay sa kapatid niya, hindi umaangkop ang pagbebenta; o nagbenta siya ng kaangkanan niya kaugnay sa anak niya, hindi umaangkop ang pagbebenta; o nagbenta siya ng kaangkanan niya kaugnay sa pinasan niya, hindi tumutumpak ang pagbebenta. Ang kaangkanan ay hindi naibebenta at ganoon din ang katapatang-loob.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pinuntahan ng isang Arabeng-disyerto at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang maybahay ko ay nagsilang ng isang batang maitim." Nagsabi siya: "Mayroon ka bang mga kamelyo?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Ano ang mga kulay ng mga iyon?" Nagsabi siya: "Mga pula." Nagsabi siya: "Mayroon ba sa mga iyon na kayumanggi?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya paanong nangyari iyon?" Nagsabi ito: "Ipinagpapalagay ko ito na isang katangiang minana niyon." Nagsabi siya: "Kaya marahil ang anak mong ito ay nagmana ng isang katangian."
Napagkaisahan ang katumpakanNagkaanak ang isang lalaking kabilang sa liping Fazārah ng isang sanggol na lalaking naiba ang kulay sa kulay ng ama at ina nito kaya nagkaroong ng pagdududa sa isip ng ama. Pumunta ang ama sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagpapahiwatig ng pagpaparatang sa maybahay nito. Ibinalita nito sa kanya na ito ay nagkaanak ng isang sanggol na itim. Naunawaan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang tinutukoy nito mula sa pagpapatid nito. Ninais ng Propeta na kumbinsihin ito at alisin ang mga gumugulo sa isipan niya kaya gumawa siya para rito ng isang paghahalimbawang kabilang sa nalalaman niya at natatalos niya. Nagsabi siya: "Mayroon ka bang mga kamelyo?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Ano ang mga kulay ng mga iyon?" Nagsabi siya: "Mga pula." Nagsabi siya: "Mayroon ba sa mga iyon na kayumangging naiba sa mga kulay ng mga iyon?" Nagsabi ito: "Tunay na mayroon sa mga iyon na talagang mga kayumanggi." Nagsabi siya: "Kaya mula saan nanggaling ang kulay na naiiba sa mga kulay ng mga iyon?" Nagsabi ang lalaki: "Baka nakuha ng mga ito mula sa erehensiya at katangian ng mga magulang at mga ninuno ng mga ito." Nagsabi siya: "Kaya ang anak mo ay ganyan; baka sa mga magulang mo at mga ninuno mo ay may itim at nagmana ito sa kulay niyon." Naglaho sa isip niya ang anumang masasamang hinala.
Ayon kay `Uqbah bin Al-Ḥārith, malugod si Allāh sa kanya: Siya ay nagpakasal kay Umm Yaḥyā bint Abī Ihāb. May dumating na isang aliping babaing itim at nagsabi: "Pinasuso ko kayong dalawa." Binanggit ko iyon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi ito: "Kaya bumaling siya palayo sa akin." Nagsabi ito: "Kaya dumako ako sa kabila at binanggit ko iyon sa kanya." Nagsabi siya: "Papaano na gayong nag-angkin na siya na pinasuso niya kayong dalawa?"
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNapangasawa ni `Uqbah bin Al-Ḥārith si Umm Yaḥyā bint Abī Ihāb. May dumating na isang aliping babaing itim at ibinalita nito na ito ay nagpasuso kay `Uqbah at nagpasuso rin sa maybahay niya at na silang dalawa ay magkapatid dahil sa pagpapasuso. Binanggit niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang sabi niyon, na iyon ay sinungaling sa pahayag niyon. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang pinupulaan ito at ang pagnanais nito na manatili sa maybahay sa kabila ng pagsaksi ng babaing aliping ito: Papaano mong magagawa iyon gayong nagsabi na ang babaing ito ng nasabi nito at sumaksi ito ayon sa nalaman nito?
Ayon kay Saad bin Abe Waqqas-malugod si Allah s kanya-nagsabi siya:dumating sa akin ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dadalaw sa akin sa taon ng hajj ng pamama-alam,dahil sa pagtindi ng sakit sa akin.sinabi ko sa sugo ni Allah,umabot na ako mula sa matinding sakit na nakikita mo,at ako ay nag-aari ng maraming kayamanan,at wala akong tagapag-mana maliban sa nag-iisang anak na babae,ipag-kakawang-gawa koba ang dalawang-tatlong bahagi ng kayamanan ko?Nagsabi siya:huwag,Sinabi ko: Ang kalahati nito O Sugo ni Allah?Nagsabi siya:huwag,Sinabi ko: ang tatlong bahagi nito?Nagsabi siya: oo ang tatlong bahagi nito,at ang tatlong bahagi ay marami na; At katotohanan sa iyo na ang pag-iwan mo sa mga tagapagmana mong mayayaman ay mas mainam sa pag-iwan mo sa mga pamilyang namamalad sa mga tao, at wala kang gugugulin mula sa iyong kawang-gawa na hinahangad ang kaluguran ni Allah maliban sa ginagantimpalaan ito,kahit ang ginagawa mo sa asawa mo.Nagsabi siya:Sinabi ko O Sugo ni Allah,maiiwan ba ako ng mga kasamahan ko?Nagsabi siya:Hinding-hindi ka maiiwan,at makakagawa ka ng gawain na hinahangad mo ang kaluguran ni Allah maliban sa madadag-dagan dahil dito ang iyong antas at kadakilaan.At Marahil kung ikaw man ay maiiwan ngunit makikinabang dahil sa iyo ang mga tao at mapipinsala dahil sa iyo ang mga iba O Allah pangyarihin mo para sa mga kasamahan ko ang paglikas nila at huwag mo silang pabalikin sa mga pinagdaanan nila ngunit ang sawi ay so Sa'd bin Khawlah (Nagluksa para sa kanya ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na namatay ito sa Makkah.
Napagkaisahan ang katumpakanNagkasakit si Saad Bin Abe Waqqas-malugod si Allah sa kanya-sa hajj na pamaa-alam ng matinding sakit at natakot siya sa tindi nito sa kamatayanDinalaw siya ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan tulad ng naka-ugalian niya sa pagdalaw sa kanyang mga kasamahan at bilang pagpapagaan niya ito sa kanila.Binanggit ni Saad sa propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang mula sa kanyang kalagayan na inakala niya na dahil dito ay papayagan siya na magkawanggawa ng marami mula sa kayamanan nito.Nagsabi siya:O sugo ni Allah,katotohanan na mas lumalala pa sa akin ang sakit na siyang kinatatakotan ko sa kamatayan,at ako ay nagmamay-ari ng maraming kayamanan,at wala sa akin ang tagapagmana na mahihirap na dapat kung katakotan sa kanila ang tindi ng kahirapan at kapahamakan.maliban sa nag-iisa kung anak na babae,pagtapos nito,maari kobang ipagkawanggawa ang dalawa sa tatlong bahagi ng aking kayamanan bilang pagbibigay ko sa mga mabuti kung gawain?Nagsabi ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:huwag,Sinabi ko: Ang kalahati nito o sugo ni Allah?:Nagsabi siya:huwag,Sinabi ko:Ang tatlong bahagi nito?Nagsabi siya:Walang hadlang sa pagkawanggawa ng tatlong bahagi ngunit ito parin ay marami,ang pagbaba nito maliban dito tulad ng ika-apat na bahagi at ika limang bahagi ay mas mainam Pagkatapos ay ipinaliwanag ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:ang layunin sa pagpababa ng halaga sa pagbigay ng kawanggawa mula sa pinakamarami nitong kayamanan hanggang sa pagbaba nito ay dahil sa dalawang bagay:1) Na kapag siya ay namatay at naiwan niya ang mga tagapagmana niya na mayayaman,na nagtatamalas ito sa kabutihan nito at sa kayamanan nito,at iyon ay mas mainam kaysa ilabas niya ito sa ibang tao.,at hahayaan niya sila na mamuhay sa paggawa ng kabutihan sa mga tao.2)O di kayay mananatili ito at matatagpuan ang kayamanan nito,at gugugulin niya ito sa pamamaraan ng batas ni Allah at mag iintensiyon siya sa pagkamit ng gantimpala mula kay Allah at gagantimpalaan siya dahil doon,kahit sa mga obligado nitong paggugugulan tulad ng pagpapakain niya sa asawa nito.Pagkatapos ay natakot si Saad bin Abe Waqqas na pumanaw sa Meccah na kung saan ay pinaglikasan niya ito ay iniwanan bilang paghangad sa kaluguran ni Allah -pagkataas taas Niya,-at mababawasan dahil doon ang gantimpala ng paglikas nito Ipinahiwatig sa kanya ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na hinding-hindi siya maiiwan ng sapilitan sa lugar na pinaglikasan nito,makakagawa siya dito ng gawain bilang paghahangad sa gantimpala kay Allah maliban sa madadag-dagan dahil dito ang antas niya,Pagkatapos ay binalitaan siya ng maganda-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-patungkol sa siya ay mapapagaling sa kanyang karamdaman,at makakapagbigay siya ng kabutihan kay Allah sa mga mga mananampalataya,at makakapinsala siya sa mga taong walang pananampalataya.at tulad ng sinabi ng pinakatapat ng mga matapat na siya ay gagaling sa kanyang karamdaman at naging pinakamataas na pinuno sa pakikipaglaban sa Persia,at nakapagbigay siya kay Allah ng kabutihan sa Islam at sa mga Muslim at nanalo siya mga pakikipaglaban,at nakapagbigay siya kay Allah ng pinsala sa mga taong nagtatambal at mga walang pananampalataya,Pagkatapos ay humiling ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa lahat ng kasamahan niya na maisapatupad sa kanila ang mga mataas na antas nila,at naway tanggapin sa kanila ang mabubuting gawain,at hindi sila maibabalik sa kanilang dating relihiyon o sa lugar na kanilang pinaglikasan,at tinanggap ni Allah ito sa kanila,at tunay na sa Kanya ang nararapat na papuri at pasasalamat at ang papuri ay sa Allah lamang na nagtaas sa kanila sa Islam.Pagkatapos ay binanggit niya si Saad bin Khawlah at siya ay kabilang sa mga Muhajireen na silang naglikas mula sa Meccah ngunit si Allah ay itinadhana niya na mamamatay siya doon, at namatay siya doon,(Nagluksa para sa kanya ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:na ibig sabihin ay nagluksa siya sa pagkamatay nito sa meccah,at katotohanan na kinamumunghian nila sa mga naglikas na mamatay sa lupa na pinaglikasan nila.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ipamigay ninyo ang mga isinasatungkuling mana sa mga pinag-uukulan ng mga ito saka ang anumang natira ay ukol sa pinakamalapit na kaanak na lalaki."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tagapangasiwa sa paghahati ng naiwang ari-arian [ng patay] na mamahagi sila ng mga ito sa mga karapat-dapat dito sa pamamagitan ng paghahating makatarungang legal sa Islām gaya ng ninais ni Allāh (napakataas Siya). Kaya ibibigay sa mga kinauukulan ng mga tungkuling manang tinakdaan ang mga tungkuling mana nila sa nasaad sa Aklat ni Allāh. Ang mga ito ay ang dalawang-katlo, ang isang-katlo, ang isang-kaanim, ang kalahati, ang isang-kapat, at ang isang-kawalo saka ang anumang natira matapos ng mga ito sapagkat tunay na iyon ay ibinibigay sa sinumang pinakamalapit na kaanak sa patay kabilang sa mga lalaki, na tinatawag bilang ang `aṣabah.§
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfuo-:((Iniaalay ang ang gawain sa araw ng Lunes at Huwebes,at ibig ko na ialay ang aking mga gawain na ako ay nag-aayuno)) At sa isang salaysay:(( Binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso sa araw ng Lunes at Huwebes,pinapatawad ang bawat alipin na hindi nagtambal kay Allah kahit isang beses,maliban sa isang lalaki na nagkaroon sa pagitan niya at pagitan ng kapatid niya na Hindi Pagkaka-unawaan,at sinasabi sa kanila: Ipag-pahuli ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa, Ipag-pahuli ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa,)) At sa isang salaysay:((Iniaalay ang mga gawain sa tuwing araw ng Lunes at Huwebes,patatawarin ni Allah ang bawat tao na nagtambal kay Allah kahit isang beses,maliban sa isang tao na nagkaroon sa pagitan niya at pagitan ng kapatid niya na Hindi Pagkaka-unawaan,at sasabihin sa kanila:Iwan ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa.))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Nagsalaysay nito si Imām Muslim" Iniaalay ang mga Gawain", ibig sabihin: Sa Allah,pagkataas-taas Niya," Sa araw ng Lunes at Huwebes,kayat ibig kong ialay ang aking mga gawain,na ako ay nag-aayuno," ibig sabihin ay: Paghahangad na madagdagan ang taas ng antas,at pagkamit ng gantimpala.At sa ibang Pananalita:" Binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso sa tuwing araw ng Lunes at Huwebes,"sa katotohanan;Sapagkat ang Paraiso ay nilikha,Ang sabi nito na:"Pinapatawad sa dalawang araw na ito ang bawat alipin na hindi nagtambal kay Allah, kahit isang beses lang,Ibig sabihin:Pinapatawad ang mga maliliit nitong kasalanan,Ngunit ang mga malalaking kasalanan,ay nararapat dito ang Pagbabalik-loob sa Allah,Ang sabi nito na:"Maliban sa isang lalaki" ibig sabihin ay: Tao,"Nagkaroon sa pagitan niya at pagitan ng kapatid niya"ibig sabihin: Sa Islam,"Hindi pagkaka-unawaan" ibig sabihin ay:Galit at Pagka-inis," at sasabihin: Tingnan ninyo" Ibig sabihin ay:"Sasabihin ni Allah sa kanyang mga Anghel: Ipag-pahuli ninyo at Dahan-dahanin ninyo,"Ang dalawang iyan",ibig sabihin ay:Ang dalawang lalaki na sa pagitan nila ay Galit,bilang pagdidisiplina sa kanila o mula sa kasalanan ng Hindi pagkasundo," hanggang sa" mawala ang hindi pagkaka-unawaan at " Magkabati silang dalawa",ibig sabihin ay:Magbabati sila at maalis sa kanila ang hindi pagkaka-unawaan,Nagpapatunay ito na nararapat sa mga tao na magmadali sa pag-alis ng hindi pagkaka-unawaan at nang Galit at nang Pagka-inis,sa pagitan niya at nang mga kapatid nito,kahit na nakikita niyasa sarili niya ang pagkukulang at bigat sa paki-usap na alisin ang hindi pagkaka-unawaan,ay magtiis siya at maghangad ng gantimpala kay Allah,Sapagkat ang kalalabasan sa mga ito ay kaaya-aya.At ang tao,ay kapag naintensiyon niya sa gawain ang mga kabutihan at ang pagkakaloob at ang gantimpala,ay pagaga-anin ni Allah sa kanya ang mga ito,at gayundin kapag naintensiyon niya ang Kaparusahan,sa pag-iwan nito,pagaga-anin ni Allah sa kanya ang paggawa nito.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: Tunay na ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumasok sa akin na nagagalak, na nagniningning ang mga guhit sa noo ng mukha niya at nagsabi: "Hindi mo ba napag-alamang si Mujazziz ay tumingin kanina kina Zayd bin Ḥārithah at Usāmah bin Zayd. Tunay na ang dalawa sa mga paang ito ay galing sa ibang dalawa."
Napagkaisahan ang katumpakanSi Zayd bin Ḥārithah noon ay maputi ang kulay at ang anak niyang si Usāmah bin Zayd naman ay kayumanggi. Ang mga tao noon ay nagdududa sa kanilang dalawa dahil sa pagkakaiba ng mga kulay nilang dalawa. Napag-uusapan nila ang katumpakan ng pagkakaugnay ni Usāmah sa ama nito, na ikinasasakit ng loob ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Naparaan sa kanilang dalawa si Mujazziz Al-Mudlijīy, ang tagabakas, noong silang dalawa ay nagtakip ng mga ulo nilang dalawa ng isang balabal at nakalabas ang mga paa nilang dalawa at nagsabi siya na tunay na ang dalawa sa mga paang ito ay galing sa ibang dalawa dahil sa nakita niya sa mga ito na pagkakahawig. Ang pananalita ng tagabakas na ito ay abot ng pandinig ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya nagalak siya dahil doon nang labis-labis na pagkagalak hanggang sa nakapasok siya sa silid ni `Ā’ishah habang ang mga guhit sa noo ng mukha niya ay nagniningning dala ng tuwa at saya dahil sa pagkapanatag sa katumpakan ng pagkakaugnay ni Usāmah sa ama nito at dahil sa pagpapabula sa pananalita ng mga nagsasalita laban sa mga karangalan ng mga tao nang walang kaalaman.