





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag ninyong salubungin ang dumarating na mangangalakal. Huwag pagbentahan ng ilan sa inyo ang pinagbebentahan ng iba pa. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag magtinda ang isang taga-bayan para sa isang taga-ilang. Huwag ninyong talian ang mga utong ng mga kamelyo at mga tupa. Ang sinumang bumili nito, siya ay may pagpipilian sa dalawang pananaw matapos niyang gatasan ito: kung nalugod siya rito ay kunin niya ito, at kung nayamot siya rito ay isauli niya ito kasama ng isang ṣā ng datiles.
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanSinasaway ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang limang uri ng pagtitindang bawal dahil sa taglay ng mga ito na mga kapinsalaang bumabalik sa nagtitinda o sa mamimili o sa iba pa sa kanilang dalawa: 1. Sinaway niya ang pagsalubong sa mga dumarating na magtinda ng mga paninda nila gaya ng pagkain at hayop. Sinasadya sila bago sila dumating sa palengke at binibilihan sila. Dahil sa kamangmangan nila sa presyo, marahil dinadaya sila sa pagtitinda nila at napagkakaitan sila ng ikinabubuhay nila na pinagpaguran nila. 2. Sinaway rin niyang magbenta ang isang tao sa pinagbebentahan ng kapwa niya. Tulad nito ang pagbili sa binibili ng iba. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsabi sa sandali ng opsiyon ng transaksyon at opsiyon ayon sa kundisyon: "Ibibigay ko sa iyo ang higit na mahusay kaysa sa panindang iyan o higit na mura kaysa sa halagang iyan," kung ang kausap ay mamimili; o "bibilhin ko iyan sa iyo sa higit na malaki kaysa sa halaga niyan, kung ang kausap naman ay tindero, upang mapawalang-bisa ang bilihan at isagawa ito sa kanya. Ganoon din pagkalipas ng kalagayan o kundisyong may opsiyon pa, ipinagbabawal din iyon dahil sa isinasanhi nitong pagpapasigalot gaya ng bangayan, away, at pagkamuhi, at dahil sa dulot nitong pagputol sa ikabubuhay ng kapwa niya. 3. Pagkatapos ay sinaway niya ang pagpapataas sa presyo, na pagdaragdag sa halaga ng paninda nang walang layong bumili at para lamang sa kapakinabangan ng nagtitinda sa pamamagitan ng pagdaragdag sa halaga, o para sa kapinsalaan ng mamimili dahil sa pagtataas ng presyo ng bilihin sa kanya. Sinaway niya ito dahil sa ibinubunga nito roon na pagsisinungaling, pandaraya sa mga mamimili, at pagtataas ng presyo sa pamamagitan ng panggugulang at panlilinlang. 4. Gayon din, sinaway niya na magtinda ang tagakabihasnan para sa taga-ilang ng paninda nito dahil ang tagakabihasnan ay nakatatalos sa presyo ng paninda kaya walang matitira mula ritong anumang pakikinabangan ng mga mamimili. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi: "Hayaan ninyo ang mga tao na tustusan ni Allāh ang ilan sa kanila ng iba pa." 5. Ipinagbabawal niya ang pagtitinda ng tinalian ang mga utong na mga hayupan kaya aakalain ng mamimili na ito ay karaniwang nagagatasan ng marami kaya bibilhin ito habang nagdaragdag sa presyo nito higit sa karapat-dapat dito kaya naman madadaya nga niya ang mamimili at malalabag ito sa katarungan. Nagtalaga ang Tagapagbatas para sa kanya ng isang yugto na maitutuwid niya ang paglabag sa katarungan sa kanya. Ito ay ang opsiyon na tatlong araw na may karapatan siyang panatilihin ito at may karapatan siyang ibalik ito sa nagtinda matapos na malaman niyang ito ay tinalian ang mga utong upang magmukhang may maraming gatas. Kung nagatasan na niya ito, ibabalik niya ito nang may kasamang isang ṣā' ng datiles bilang kapalit ng gatas.
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pag-aasawang mut`ah sa Araw ng Khaybar at sa karne ng asnong inaalagaan."
Napagkaisahan ang katumpakanAng layon ng Batas ng Islām sa pag-aasawa ay ang pagsasama, ang pananatili, ang pagbubuklod, ang pagbuo ng mag-anak, at ang paghubog nito. Ipinagbawal ng Batas ng Islām ang ilan sa mga anyong sumasalungat sa nilalayon nito sa pag-aasawa. Dahil dito, ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa panahon ng labanan sa Khaybar ang pag-aasawang mut`ah: ang pag-aasawa ng lalaki sa babae nang may taning na panahon matapos na ito ay naging ipinahihintulot noong simula ng Islām dahil sa tawag ng pangangailangan. Gayon din, ipinagbawal niya ang pagkain ng mga asnong pinagmamay-ari, na may isang mag-anak na inuuwian at nangangalaga sa mga ito laban sa pagiging ligaw na hayop.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa.-Tunay na narinig niya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: Kapag itinataas niya ang ulo niya mula sa pagyuko sa huling tindig mula sa dasal ng Al-Fajr: (( O Allah! Sumpain mo si pulano at pulano)) pagkatapos niyang sabihin ang: (Nawa`y dinggin ni Allah ang sinumang pumuri sa kanya,Panginoon namin,sa Iyo ang lahat ng Kapurihan)) Ibinaba ni Allah [ang talatang]:{ Ikaw [O Muhammad] ay walang kapangyarihan [ sa mga hindi sumasampalataya]} ang talata. At sa isang salaysay: Ipinapanalangin niya si Safwan bin Umayyah,at Suhayl bin `Amr,at Al-Harith bin Hisham;Kaya ibinaba ang talatang: { Ikaw [O Muhammad] ay walang kapangyarihan [ sa mga hindi sumasampalataya]}
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinapahayag ni `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa.-sa Hadith na ito;Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag itinataas niya ang ulo niya mula sa pagyuko sa huling tindig mula sa dasal ng Al-Fajr,at pagkatapos niyang sabihin ang :((Nawa`y dinggin ni Allah ang sinumang pumuri sa kanya)),Ipinapanalangin niya ang ilan sa mga pinuno ng mga walang pananampalataya,At marahil ay binibigkas niya ang mga pangalan nila,Pinarusahan nila ito sa araw ng Uhud,[kaya] isinusumpa niya sila [na may pagbigkas] sa mga pangalan nila;Ibinaba ni Allah sa kanya ,bilang pangangaral sa kanya,ang talatangpipigil sa kanya rito:{{ Ikaw [O Muhammad] ay walang kapangyarihan [ sa mga hindi sumasampalataya]},Ito ay sa kadahilanang ,una nang Napag-alaman ni Allah na sila ay yayakap sa Islam,at pagbubutihin nila ang pagyakap nila sa Islam.
Ayon kay Fāṭimah bint Qays, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, si Abū `Amr bin Ḥafṣ ay nagdiborsiyo sa kanya nang lubusan samantalang ito ay nakaliban. (Sa isang sanaysay: nagdiborsiyo sa kanya nang tatlong ulit.) Isinugo nito sa kanya ang kinatawan nito na may dalang sebada at nayamot siya kaya nagsabi ito: "Sumpa man kay Allāh, wala kang anumang karapatan sa amin." Pinuntahan niya ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at binanggit niya iyon dito kaya nagsabi ito: "Wala kang karapatan sa kanya sa sustento." (Sa isang pananalita: ni sa tirahan.) Kaya inutusan siya nito na magsagawa ng `iddah sa bahay ni Umm Sharīk. Pagkatapos ay nagsabi ito: "Iyon ay isang babaing binabalik-balikan ng mga kasamahan ko. Magsagawa ka ng `iddah sa tirahan ng anak ni Ibnu Maktūm sapagkat iyon ay lalaking bulag: mahuhubad mo ang mga damit mo. Kapag maaari ka nang mag-asawa, ipaalam mo sa akin." Nagsabi siya: "Noong maaari na akong mag-asawa, binanggit ko sa kanya na sina Mu`āwiyah bin Abī Sufyān at Abū Jahm ay nag-alok sa akin ng kasal." Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tungkol kay Abū Jahm, hindi niya inaalis ang patpat niya sa balikat niya. Tungkol naman kay Mu`āwiyah, isang hikahos na walang salapi. Magpakasal ka kay Usāmah bin Zayd." Kinasuklaman ko iyon. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Magpakasal ka kay Usāmah bin Zayd." Kaya nagpakasal ako sa kanya. Naglagay si Allāh sa kanya ng mabuti at nasiyahan ako sa kanya.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNilubos ni `Amr bin Ḥafṣ ang diborsiyo niya sa maybahay niyang si Fāṭimah bint Qays. Ito ang huling diborsiyo nito sa kanya. Ang diniborsiyo nang lubos ay walang karapatan sa sustento mula sa asawa niya ngunit si `Amr ay nagpadala sa kanya ng sebada. Inakala niyang ang sustento sa kanya ay tungkulin nito hanggat siya ay nasa `iddah. Minaliit niya ang sebada at kinasuklaman kaya nanumpa si `Amr na wala siyang anumang karapatan dito. Nagsumbong siya sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ipinabatid nito sa kanya na siya ay walang karapatan sa sustento mula roon ni tirahan. Inutusan nito siya na magsagawa ng `iddah sa bahay ni Umm Sharīk. Noong binanggit ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na si Umm Sharīk ay madalas balik-balikan sa bahay nito ng mga kasamahan, ipinag-utos nito sa kanya na magsagawa ng `iddah sa tahanan ng anak ni Umm Maktūm dahil sa pagiging lalaking bulag niyon at hindi siya nito makikita kapag hinubad niya ang mga damit niya. Ipinag-utos din ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa kanya na ipabatid niya rito ang pagtatapos ng `iddah niya. Noong natapos ang `iddah niya, inalok siya ng kasal nina Mu`āwiyah at Abū Jahm. Sinangguni niya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil doon. Yayamang ang pagpapayo ay isinasatungkulin, lalo na sa sumasangguni, tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi sumang-ayon para sa kanya sa alinman sa dalawa dahil si Abū Jahm ay mahigpit sa mga babae at si Mu`āwiyah ay mahirap, walang salapi. Ipinag-utos nito sa kanya na magpakasal kay Usāmah bin Zayd. Kinasuklaman niya iyon dahil sa pagiging pinalayang alipin niyon subalit siya ay sumunod sa utos ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Tinanggap niya si Zayd at nasiyahan siya rito at naglagay si Allāh dito ng maraming biyaya.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpalaya kay Ṣafīyah at ginawa niya ang pagpapalaya rito bilang bigay-kaya rito.
Napagkaisahan ang katumpakanSi Ṣafīyah na anak ni Ḥuyayy - isa sa mga pinuno ng liping An-Naḍīr - ay maybahay ni Kinānah bin Abilḥaqīq noon, na napatay sa Araw ng Khaybar at nasakop pa ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang Khaybar. Ang mga babae at ang mga bata ay naging mga alipin ng mga Muslim at kabilang sa kanila si Ṣafīyah. Napunta siya kay Diḥyah bin Khalīfah, malugod si Allāh sa kanya, bilang parte. Tinumbasan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, si Diḥyah kapalit ni Ṣafīyah ng iba rito at pinili niya ito para sa sarili niya bilang pagpapatiwasay sa isip nito at bilang awa rito dahil sa nawalang karangalan nito. Bahagi ng pagkamapagbigay niya, tunay na siya ay hindi nagkasya sa pakikinabang dito bilang isang hamak na alipin, bagkus inangat niya ang kalagayan nito sa pamamagitan ng pagsagip sa kanya sa kahamakan ng pagkaalipin. Ginawa niya ito bilang isa sa mga ina ng mga Mananampalataya dahil pinalaya niya ito, pinakasalan niya ito, at ginawa niya ang pagpapalaya rito bilang bigay-kaya rito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakipagkasunduan sa mga mamamayan ng Khaybar kapalit ng kalahati ng tumutubo mula roon na bunga o pananim.
Napagkaisahan ang katumpakanAng bayan ng Khaybar ay isang bayang pansakahan, na tinitirahan noon ng isang pangkat ng mga Hudyo. Noong sinakop ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ikapitong taon ng Hijrah, hinati-hati niya ang mga lupain nito at ang mga sakahan nito sa mga nagkamit ng samsam sa digmaan. Sila noon ay mga abala para magbungkal at magsaka dahil sa pakikibaka sa landas ni Allāh at pag-aanyaya tungo kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Ang mga Hudyo noon ng Khaybar ay higit na nakatatalos kaysa sa kanila sa mga bagay-bagay kaugnay sa pagsasaka rin dahil sa haba ng pagpapakaabala nila at karanasan nila dito. Dahil dito, kinilala ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga naunang mamayan nito sa pagsasaka sa lupa at pagdidilig sa mga punong-kahoy. Para sa kanila ang kalahati mula sa anumang tumutubong bunga at tanim ng mga ito kapalit ng trabaho nila at para naman sa Muslim ang natitirang kalahati dahil sa pagiging mga may-ari nila ng lupain.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: May isang lalaking nagparatang sa maybahay niya ng pangangalunya at nagkaila sa pagiging mula sa kanya ng anak nito sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya inatasan sila ng Sugo ni Allāh na magpalitan ng sumpa gaya ng sinabi ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Pagkatapos ay humusga siya na ang bata ay para sa babae at pinaghiwalay niya ang nagpalitan ng sumpa.
Napagkaisahan ang katumpakanSa ḥadīth na ito, isinasaysay ni `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa na may isang lalaking nagparatang sa maybahay niya ng pangangalunya, nagkaila sa anak nito, at nagpawalang-kaugnayan sa batang ito. Pinasinungalingan siya ng babae sa paratang niya at hindi umamin kaya nagpalitan sila ng sumpa sa pamamagitan ng pagsaksi ng lalaki kay Allāh, pagkataas-taas Niya, nang apat na ulit na siya ay tapat sa paratang niya sa babae at isinumpa niya ang sarili niya sa ikalimang pagsaksi kung nagsisinungaling siya. Pagkatapos ay sumaksi naman ang babae kay kay Allāh, pagkataas-taas Niya, nang apat na ulit na ang lalaki ay nagsisinungaling at dumalangin siya laban sa sarili niya ng galit ni Allāh sa ikalimang pagsaksi kung nagsisinungaling siya. Kaya noong natapos ang palitan ng sumpa sa pagitan nilang dalawa, pinaghiwalay sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nang palagiang paghihiwalay. Itinalaga niya ang bata bilang saklaw ng babae, naugnay sa babae, nalagot sa lalaki, at hindi naugnay rito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Si Polano na anak ni Polano ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, turan mo kung sakaling natagpuan ng isa sa amin ang maybahay niya na nasa sandali ng kahalayan, papaano ang gagawin niya? Kung nagsalita siya, nagsalita siya ng isang mabigat na bagay. Kung nanahimik siya, nanahimik siya ng ayon sa tulad niyon." Nagsabi ito na nanahimik ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at hindi tumugon. Noong matapos niyon, pinuntahan nito siya at nagsabi: "Tunay na ang itinanong ko sa iyo ay dinanas ko." Kaya ibinaba ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ang mga talatang ito sa Sūrah An-Nūr (Qur'ān 24:6): "Ang mga nagpaparatang sa mga maybahay nila..." Binigkas niya ang mga ito roon, pinangaralan niya iyon, pinaalalahanan niya iyon, at ipinabatid niya roon na ang parusa sa Mundo ay higit na magaan kaysa sa parusa sa Kabilang-buhay ngunit nagsabi iyon: "Hindi po; sumpa man sa nagpadala sa iyo kalakip ang katotohanan, hindi ako nagsinungaling laban sa kanya." Pagkatapos ay tinawag niya [ang babaing] ito, pinangaralan niya ito, at ipinabatid niya rito na ang parusa sa Mundo ay higit na magaan kaysa sa parusa sa Kabilang-buhay ngunit nagsabi ito: "Hindi po; sumpa man sa nagpadala sa iyo kalakip ang katotohanan, tunay na siya ay talagang nagsisinungaling." Nagsimula siya sa lalaki at sumaksi ito nang apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na ito ay talagang kabilang sa mga nagtatapat, at ang ikalima ay na ang sumpa ni Allāh ay matamo nito kung siya ay kabilang sa mga nagsisinungaling. Pagkatapos ay isinunod niya ang babae at sumaksi ito nang apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na iyon ay talagang kabilang sa mga nagsisinungaling, at ang ikalima ay na ang galit ni Allāh ay matamo nito kung iyon ay kabilang sa mga nagtatapat. Pagkatapos ay ipinaghiwalay niya silang dalawa. Pagkatapos ay nagsabi siya nang tatlong: "Tunay na si Allāh ay nakaaalam na ang isa sa inyong dalawa ay nagsisinungaling, kaya mayroon ba sa inyong dalawang magsisisi." Sa isang pananalita: "Walang nauukol para sa iyo sa kanya." Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, ang salapi ko?" Nagsabi siya: "Walang salaping ukol sa iyo. Kung ikaw ay nagtapat laban sa kanya, iyon ay dahil napahintulutan kang makipagtalik sa kanya. Kung ikaw naman ay nagsinungaling, [ang karapatang] iyon ay higit na malayo ukol sa iyo sa kanya."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinatupad ng Islām ang Li`ān upang maging isang kalutasan sa isang suliraning panlipunan. Ito ay kapag nakita ng asawa ang taong gumagawa ng kahalayan sa maybahay niya at wala siyang mga saksi, tunay na siya ay gagamit ng Li`ān ngunit hindi sa sandali ng pagdududa at paghihinala bagkus kapag nakita ng mata niya mismo. Tunay na ang banta sa Li`ān ay mabigat. Ang pinatutungkulan ng kuwentong ito ay para bang siya ay nakaramdam sa asawa niya ng isang pagdududa, nangamba na masadlak ito sa kahalayan, at nalito siya sa gagawin niya dahil kung pararatangan niya ito at hindi siya makapagbigay ng isang patunay, papatawan siya ng takdang parusa; at kung manahimik naman siya, ito ay kapindehuhan at kasiraang-puri. Lumitaw ang mga kuru-kurong ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya hindi niya tinugon ito dahil sa pagkasuklam sa isang tanong tungkol sa kinikinitang mangyayari at dahil sa ito ay bahagi ng pagmamadali sa kasamaan at pagpapasimula nito, karagdagan pa sa pangyayaring ang Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi pa pinagsiwalatan ng anuman hinggil doon. Matapos nito, nakita ng nagtanong ang kahalayang pinangangambahan niya kaya ibinaba ni Allāh kaugnay sa kahatulan sa kanya at kahatulan sa maybahay niya ang mga talatang ito sa Sūrah An-Nūr (Qur'ān 24:6): "Ang mga nagpaparatang sa mga maybahay nila..." Binigkas ang mga ito roon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, pinaalalahanan niya iyon at pinangaralan niya iyon na kung siya ay nagsisinungaling sa paratang niya sa maybahay niya ang parusa sa Mundo - ang takdang parusa ukol sa bulaang paratang - ay higit na magaan kaysa sa parusa sa Kabilang-buhay. Sumumpa ito na hindi nagsisinungaling sa paratang nito ng pangangalunya sa maybahay nito. Pagkatapos ay pinangaralan niya ang maybahay ng gayon at ipinabatid niya rito na ang parusa sa Mundo - ang takdang parusa sa pangangalunya sa pamamagitan ng pagbato - ay higit na magaan kaysa sa parusa sa Kabilang-buhay. Nanumpa rin ito na ang asawa nito ay talagang kabilang sa mga nagsisinungaling. Sa sandaling iyon, sinimulan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ayon sa sinimulan ni Allāh, ang asawa, at sumaksi siya ng apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na siya ay kabilang sa mga nagtatapat sa ipinaratang niya sa maybahay, at ang ikalima ay nawa ang sumpa ni Allāh ay matamo niya kung siya ay kabilang sa mga nagsisinungaling. Pagkatapos ay isinunod ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang babae, at sumaksi siya ng apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na ang asawa ay talagang kabilang sa mga nagsisinungaling, at ang ikalima ay nawa ang galit ni Allāh ay matamo niya kung ang asawa ay kabilang sa mga nagtatapat sa paratang. Pagkatapos ay pinaghiwalay sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nang pagpapahiwalay na mananatili. Yayamang ang isa sa kanila ay nagsisinungaling, nag-alok nga sa kanilang dalawa ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng pagbabalik-loob. Hiniling ng asawa ang bigay-kaya niya kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Walang bigay-kayang ibabalik sa iyo sapagkat kung ikaw ay nagtatapat laban sa paratang mo na pangangalunya niya, ang bigay-kaya ay kapalit ng pagkapahintulot sa iyong makipagtalik sa kanya sapagkat ang pakikipagtalik ay nagpapatibay sa bigay-kaya. Kung ikaw naman ay nagsinungaling laban sa kanya, [ang bigay-kayang] iyon ay higit na malayo para sa iyo sa kanya yayamang pinaratangan mo siya ng mabigat na paratang na ito.
Ayon kay Umm Salamah, malugod si Allāh sa kanya: May babaing pumunta sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang babaing anak ko ay namatayan ng asawa at idinaing nito ang mga mata nito kaya lalagyan po ba namin siya ng kuḥl?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng hindi nang dalawang ulit o tatlo. Pagkatapos ay nagsabi siya: "[Ang `iddah na] ito ay apat na buwan at sampung araw lamang samantalang ang isa sa inyo sa Panahon ng Kamangmangan ay nagtatapon ng dumi ng kamelyo sa paglipas ng isang taon." Nagsabi si Zaynab: "Ang babae noon, kapag namatayan ng asawa, ay pumapasok sa isang dampa, nagsusuot ng pinakamasama sa mga kasuutan niya, hindi humihipo ng isang pabango ni anuman hanggang sa nilipasan siya ng isang taon. Pagkatapos ay bibigyan siya ng isang hayop: asno o ibon o tupa, at ikukuskos niya ito [sa katawan niya]! Madalang ang ikinuskos na hindi namamatay! Pagkatapos ay lalabas siya at bibigyan ng dumi ng kamelyo at itatapon niya ito. Pagkatapos ay manunumbalik siya sa [paggamit ng] anumang niloob niya na pabango o iba pa rito."
Napagkaisahan ang katumpakanDumating ang Islām at inalis sa mga tao ang mga pabigat ng Panahon ng Kamangmangan, lalo na sa babae. Sila noon ay nagtatrato nang masama sa kanya at nang-aapi sa kanya kaya naman pinangalagaan ng Islām ang karapatan niya. Sa ḥadīth na ito, may pumuntang isang babaing sumasangguni sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ipinabatid nito sa kanya na ang asawa ng anak nito ay namatay kaya naman iyon ay nagluluksa. Ang pagluluksa ay pag-iwas sa pagpapaganda subalit iyon ay dumaing ng hapdi sa mga mata kaya may pahintulot ba para roon sa paggamit ng kuḥl? Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh nang inuulit-ulit habang nagbibigay-diin doon. Pagkatapos ay binawasan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang yugtong mananatiling nagluluksa ang babae dahil sa pagkamatay ng asawa para maging apat na buwan at sampung araw. Kaya hindi pa ba matitiis ng babae ang maikling yugtong ito na may kaunting kaluwagan? Ang mga babae noong Panahon ng Kamangmangan, pumapasok ang nagluluksa sa kanila sa isang maliit na bahay na para bang ito ay isang lungga ng ligaw na hayop. Iniiwasan niya ang pampaganda, ang pabango, ang paligo, at ang pakikihalubilo sa mga tao kaya nagkakapatung-patong sa kanya ang mga libag at ang mga karumihan, habang nakabukod sa mga tao sa buong taon. Kapag natapos siya roon, bibigyan siya ng dumi ng kamelyo at itatapon niya ito bilang pahiwatig na ang nakalipas sa kanya na kagipitan, higpit, at hapis ay hindi nakapapantay nitong dumi ng kamelyo kung ihahambing sa pagganap ng karapatan ng asawa niya. Dumating ang Islām at pinalitan nito ang kasalaulaang iyon ng isang pagpapala at ang kakitirang iyon ng kaluwagan. Pagkatapos ay hindi pa siya makapagtiis na hindi gumamit ng kuḥl. Kaya naman wala siyang pahintulot upang hindi iyon maging daan tungo sa pagbukas ng pinto ng pagpapaganda para sa nagluluksa.