





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Rāfi` bin Khudayj, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang bayad sa aso ay marumi. Ang kaloob sa patotot ay marumi. Ang kinita ng mambabakam ay marumi."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNililinaw sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga kinikitang marumi at kalait-lait upang iwasan natin at piliin ang mga kinikitang kaaya-aya at marangal. Kabilang sa mga iyon ang bayad sa aso, ang upa sa patotot sa pangangalunya nito, at ang kinita ng mambabakam.
Ayon kay Ḥanđalah bin Qays na nagsabi: "Tinanong ko si Rāfi` bin Khudayj tungkol sa pagpapaupa ng lupa kapalit ng ginto at pilak at nagsabi ito na walang masama rito. Ang mga tao noon ay nagpapaarkila sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng nasa tabi ng mga tubigan at mga dulot ng mga batis, at ng mga bahagi mula sa sakahan lamang. [Maaaring] nasisira ito at naliligtas ito at walang upa para sa mga tao maliban [sa naligtas na] ito. Dahil doon, sinaway niya iyon; ngunit kung may anumang bagay na alam at ginarantiyahan, walang masama rito.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBinanggit ni Rāfi` bin Khudayj na ang mag-anak niya ay ang may pinakamaraming sakahan at pataniman sa mga naninirahan sa Madīnah. Sila noon ay nagpapaupa ng lupain sa paraang pampanahon ng kamangmangan sapagkat ipinasasaka nila ang lupa sa kundisyong sa kanila ang isang bahagi ng sakahan at sa magsasaka ang ibang bahagi. Marahil mamumunga itong isang bahagi at masisira iyang isang bahagi. Maaaring ilaan nila sa may-ari ng lupa ang mga pinakamainam na sakahan gaya ng tinutubuan sa tabi ng mga tubigan at mga batis. Masisira ang isang bahagi at mamumunga ang ibang bahagi o ang kabaliktaran. Pinagbawalan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng ganitong transaksiyon dahil sa taglay nito na panggugulang, kamangmangan, at kawalang-katarungan. Kailangan ang kaalaman sa pagbabayaran kung papaanong kailangan ang pagkakapantay-pantay sa pakinabang at pinsala. Kung ito ay isang bahagi mula roon, ito ay sosyohang ang batayan ay ang katarungan at ang pagkakapantay-pantay sa kapakinabangan doon at kapinsalaan doon at ayon sa partehang malinaw gaya ng 1/4 o 1/2. Kung ito ay may bayad, ito ay pagpapaupang kailangang may kaalaman sa pababayaran. Ito ay ipinahihintulot bayaran man ng ginto o pilak o pagkain na tumutubo mula sa lupa o mula sa kauri nito o sa iba pang uri dahil ito ay pagpapaupa ng lupa o pakikisaka batay sa pagkapangkalahatan ng ḥadīth; ngunit kung may anumang bagay na alam at ginarantiyahan, walang masama rito.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpahintulot sa pagtinda ng mga [datiles na] `arīyah sa limang wasq o mababa sa limang wasq."
Napagkaisahan ang katumpakanAng `arāyā ay ang pangmaramihan ng `arīyah. Ang kahulugan nito ay naiibigan ng tao na kumain ng manibalang na datiles sa oras ng paglitaw nito ngunit hindi niya nakakaya iyon dahil sa karalitaan niya. Mayroon siyang tuyong datiles kaya bumibili siya ng manibalang na nasa puno pa kapalit ng tuyong datiles sa kundisyong tatayain ang timbang ng manibalang na aabot hanggang sa limang wasq. Yayamang ang usapin ng arīyah ay ipinahihintulot dahil sa pangangailangan mula, sa orihinal na pagiging ipinagbabawal, magkakasya sa kantidad na kinakailangan sa kadalasan. Ipinahintulot ito sa anumang ang kantidad ay limang wasq lamang o anumang mababa pa roon dahil sa kantidad na ito natatamo ang kasapatan sa pagkain ng datiles. Ang orihinal na pagbabawal ay ang ribā ng kalamangan (faḍl). Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, noong tinanong siya hinggil sa pagtitinda ng manibalang na datiles kapalit ng hinog: "Nababawasan ba ang manibalang na datiles kapag natuyo ito?" Nagsabi siya: "Opo." Nagsabi siya: "Huwag, samakatuwid." Isang tumpak na ḥadīth na isinaysay ng lima.
Ayon kay Zayd bin Thābit, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpahintulot sa may-ari ng [datiles na] `arīyah na ipagbili ito ayon sa dami ng pagkahinog nito." Batay kay Imām Muslim: "ayon sa dami nito bilang hinog, habang kinakain nila ito nang manibalang."
Napagkaisahan ang katumpakanAng pagtitinda ng datiles na nasa puno kapalit ng datiles na tulad nito ay ipinagbabawal. Tinatawag itong Muzābanah dahil sa taglay nitong kawalang-katiyakan sa pagkakapantay ng dalawang uring mauugnay sa ribā. Ang mga pera noon gaya ng dinar at dirham ay kakaunti sa unang panahon. Dumarating ang panahon ng manibalang na datiles at ang pagkain nito sa Madīnah at ang mga tao ay mga nangangailangan nito. Ang ilan sa kanila ay walang mga perang maipambibili nito kaya ipinahintulot sa kanila na bilhin ang kinakain nilang manibalang na datiles kapalit ng tuyong datiles upang makain nila habang manibalang kalakip ng pagsasaalang-alang doon sa pagkakapantay ng sukat kung sakali mang ang manibalang ay humantong sa pagkatuyo at maging kharṣ. Ang [datiles na] `arīyah ay isang pagtatangi sa pagbabawal sa Muzābanah.
Ayon kay Subay`ah Al-Aslamīyah, malugod si Allāh sa kanya, siya noon ay maybahay ni Sa`d bin Khawlah, na kabilang sa liping `Āmir bin Lu`ayy. Ito noon ay kabilang sa nakasaksi sa [labanan sa] Badr. Namatayan siya nito sa Ḥajj ng Pamamaalam samantalang siya ay nagdadalang-tao at hindi naglaon ay isinilang niya ang dinadala niya matapos pumanaw ito. Noong nahinto ang pagdurugo niya dala ng panganganak, nagpaganda siya para sa alok sa kasal. Pinuntahan siya ni Abussanābil bin Ba`kak, isang lalaking kabilang sa liping Abduddār, at nagsabi ito sa kanya: "Ano itong nakikita kong ikaw ay nagpapaganda? Marahil ikaw ay umaasang mag-asawa? Sumpa man kay Allāh, ikaw ay hindi mag-aasawa hanggang sa dumaan sa iyo ang apat na buwan at sampung araw." Nagsabi si Subay`ah: "Kaya noong sinabi niya sa akin iyon, nagsuot ako ng damit ko nang gumabi at pinuntahan ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at tinanong ko siya tungkol doon. Humatol siya sa akin na maaari na akong mag-asawa nang isinilang ko ang dinadala ko at pinayagan niya ako na mag-asawa kung minabuti para sa akin." Nagsabi si Ibnu Shihāb: "Wala akong nakikitang masama na mag-asawa siya kapag nagsilang siya, kahit pa man siya ay nasa pagdurugo niya, gayon pa man hindi siya lalapitan ng asawa niya hangang sa huminto ang pagdurugo niya.
Napagkaisahan ang katumpakanPumanaw si Sa`d bin Khawlah at naiwan ang maybahay niyang si Subay`ah Al-Aslamīyah habang ito ay nagdadalang-tao. Hindi nagtagal at isinilang niya ang dinadala niya. Noong huminto ang pagdurugo niya dala ng panganganak ay nagpaganda siya. Siya noon ay nakaaalam na siya ay nakalabas na sa `iddah dahil sa pagkasilang ng dinadala niya at ipinahihintulot na sa kanya ang mag-asawa. Pinuntahan siya ni Abussanābil bin Ba`kak noong siya ay nagpaganda kaya nalaman nito na siya ay nakahanda para sa mga mag-aalok ng kasal. Minasama nito siya batay sa paniniwala nito na hindi pa natapos ang `iddah niya. Sumumpa ito na hindi ipinahihintulot sa kanya ang mag-asawa hanggang sa dumaan sa kanya ang apat na buwan at sampung araw bilang pagbatay sa sabi ni Allāh (Qur'ān 2:234): "Ang mga papanaw sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay, mag-aabang ang mga ito sa mga sarili ng mga ito nang apat na buwan at sampung araw." Siya noon ay hindi nakatitiyak sa katumpakan ng tinataglay niyang kaalaman at ang dumating naman ay nagbigay-diin sa kahatulan sa pamamagitan ng panunumpa. Kaya pumunta siya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at tinanong ito tungkol doon. Humatol ito sa kanya ng pagpapahintulot mag-asawa nang isinilang niya ang dinadala kaya kung ibig niyang mag-asawa ay karapatan niya iyon bilang pagganap sa sabi ni Allāh (Qur'ān 65:4): "Ang mga may dinadalang-tao, ang taning [ng pag-aabang] nila ay hanggang sa maisilang nila ang dinadalang-tao nila." Ang babaing namatayan ng asawa habang siya ay nagdadalang-tao, natatapos ang `iddah niya pagkapanganak. Kung hindi naman siya nagdadalang-tao, ang `iddah niya ay apat na buwan at sampung araw.
Ayon kay Zayd bin Khālid Al-Juhanīy, malugod si Allāh sa kanya: Tinanong ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa napulot na ginto o napulot na pilak kaya nagsabi siya: "Kilalanin mo ang panali at ang sisidlan nito. Pagkatapos ay ipatatalastas mo nang isang taon. Kung hindi ito nakilala ay magugugol mo ito o maging isang impok ito sa piling mo. Kung dumating ang naghahanap nito isang araw ng panahon ay isauli mo ito sa kanya." Tinanong siya hinggil sa nawawala sa mga kamelyo kaya nagsabi siya: "Ano ang sa iyo roon? Hayaan mo iyon sapagkat tunay na taglay niyon ang paa niyon at ang sisidlan ng tubig niyon. Iinom iyon ng tubig at kakain ng [dahon ng] puno hanggang sa matagpuan iyon ng amo niyon." Tinanong siya hinggil sa tupa kaya nagsabi siya: "Kunin mo iyon sapagkat iyon ay tanging ukol sa iyo o ukol sa kapatid mo o ukol sa lobo."
Napagkaisahan ang katumpakanTinanong ng isang lalaki ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa hatol sa nawawalang ari-arian kaugnay sa may-ari nito gaya ng ginto, pilak, kamelyo, at tupa. Nilinaw sa kanya ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang hatol sa mga bagay na ito upang maging halimbawa sa mga kawangis ng mga ito na mga nawawalang ari-arian at ipatupad ang hatol niya. Nagsabi siya tungkol sa ginto at pilak: "Kilalanin mo ang panaling ipinambigkis at ang sisidlang pinaglagyan nito upang makita mo ang pagkakaiba sa ari-arian mo at upang maipabatid mo batay sa kaalaman mo roon sa sinumang mag-aangkin niyon. Kung umangkop ang paglalarawan ng nag-aangkin sa mga katangian nito, ibigay mo iyon sa kanya at kung hindi naman ay linawin mo sa kanya ang kawalang katumpakan ng pag-aangkin niya." Nag-utos siya na ipatalastas iyon nang isang buong taon matapos mapulot iyon. Ang pagpapatalastas ay nagaganap sa mga pinagtitipunan ng mga tao gaya ng mga palengke, mga pintuan ng mga masjid, mga pampublikong pook, at sa lugar ng pinagpulutan niyon. Pagkatapos ay ipinahihintulot sa kanya, matapos ang pagpapatalastas niyon ng isang taon at ang hindi pagkatagpo ng may-ari niyon, na magugugol iyon ngunit kapag dumating ang may-ari niyon sa anumang araw sa anumang panahon, ibibigay iyon sa may-ari. Tungkol naman sa nawawala sa mga kamelyo at tulad nito na kabilang sa mahirap mawala mismo, ipinagbawal niya ang pagpulot dito dahil ito ay hindi nangangailangang pag-ingatan. Ito, dahil sa kalikasan nito, ay may tagpag-ingat dahil ito ay may taglay na lakas sa pangangalaga sa sarili nito laban sa maliliit na mabangis na hayop. Ito ay may mga paang maipantatawid sa mga disyerto, leeg na maipang-aabot sa mga dahon ng mga kahoy at tubig, at sikmurang natitiis ang mahirap na pagkain. Ito ay nakapangangalaga ng sarili nito hanggang sa matagpuan ito ng amo nito na maghahanap dito sa lugar na kinawalan nito. Tungkol naman sa nawala sa mga tupa at tulad ng mga ito na maliliit na hayop, ang utos niya ay kunin ito bilang pangangalaga rito laban sa pagkalipol at paninila ng mababangis na hayop. Matapos makuha ito ay darating ang may-ari nito at kukunin ito o isasagawa para rito ang isang taong panawagan at mapupunta sa nakatagpo nito [kung walang umangkin].
Ayon kay Jāber bin 'Abdillah Al-'Ansārīy malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nasaksihan ko kasama ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang pagdarasal [sa oras] ng Pangangamba [sa kalaban],Naglinya kami ng dalawang linya,sa likod ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Habang ang mga kalaban ay sa pagitan namin at pagitan ng Qiblah,Nagbigkas ng pagdadakila sa Allah [Allahu Akbar] ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagbigas din kami ng pagdadakila [Allahu Akbar] sa Allah, Pagkatapos ay yumuko siya at yumuko din kaming lahat,Pagkatapos ay itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko, at nagtaas din kaming lahat,Pagkatapos ay bumaba siya sa Pagpapatirapa, at ang linya na sumunod rito,At tumayo ang panghuling linya sa harap ng kalaban,At nang maganap ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang pagpapatirapa, at tumayo ang linya ng kasunod nito,Bumaba ang huling linya sa pagpapatirapa, at tumayo sila,Pumunta sa harapan ang huling linya, at nagpahuli ang nasa unang linya,Pagkatapos ay yumuko ang Propeta pagapalain siya ni Allah at pangalagaan-at yumuko kaming lahat,Pagkatapos ay itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko at nagtaas din kaming lahat,Pagkatapos ay bumaba siya sa pagpapatirapa,at ang linyang kasunod nito-Na siyang nasa huli sa Unang tindig-Tumayo ang huling linya sa harap ng mga kalaban, At nang maganap ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagpapatirapa-at ang linyang kasunod nito;Bumaba ang huling linya sa pagpapatirapa, Nagpatirapa sila, Pagkatapos ay nagsagawa siya ng Taslēm-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsagawa kaming lahat ng Taslēm,Sinabi ni Jāber:((Tulad ng ginagawa ng mga Tagapagbantay ninyo sa kanila na mga pinuno ninyo)) At nabanggit ni Imām Al-Bukhārīy sa dulo nito-(( At tunay na siya ay nakapagdasal ng dasal na may pangamba [sa kalaban] kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa ikapitong pandarambong, Sa Pandarambong ng May Sapatero)
Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith na ito,ay paglalarawan mula sa mga larawan ng pagdarasal nang may pangamba [sa kalaban], at ang paglalarawang ito, kapag ang kalaban ay nasa lugar ng Qiblah,Kaya hinati ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang Hukbong Sandatahan sa dalawang grupo,isang grupo na nasa unahan ng linya at isang grupo na nasa ikalawa.Pagkatapos ay nagdasal siya para sa kanila,Nagbigkas siya ng pagdadakila sa Allah [Allahu Akbar] sa kanilang lahat, at nagbasa silang lahat,At yuyuko silang lahat, at tataas silang lahat mula sa pagyuko, Pagkatapos ay magpapatirapa siya at magpapatirapa kasama niya ang linya na kasunod niya,Hanggang sa kapag tumayo na sila para sa ikalawang tindig, Magpapatirapa ang huling linya na siyang nagbabantay sa kalaban,At kapag tumayo sila, papunta sa harapan ang huling linya at magpapahuli ang sa unahan, bilang pagpapanatili sa pagiging makatarungan,Nang sa gayun ay hindi mananatili ang unang linya sa lugar niya sa lahat ng [pagkakataon sa ] pagdarasal,At ginawa niya sa ikalawang tindig ang tulad ng ginawa niya sa una.At nagsagawa siya ng Tashahhud para sa kanilang lahat at nagsagawa siya ng Taslēm para sa kanilang lahat.At ito ang pamamaraan ng pagpapaliwanag sa Hadith na ito tungkol sa pagdarasal na may Pangamba [sa kalaban] ay Sumasang-ayon sa kalagayan na kinalalagyan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at sa mga kasamahan niya sa panahon na yaon,Dahil sa ang mga kalaban ay nasa harap ng Qiblah,At nakikita nila ito sa kalagayang pagtindig at pagyuko,at tunay na naging ligtas sila mula sa nanglulusob na darating sa likod nila
Ayon kay Umm Ḥabībah bint Abī Sufyān, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, pakasalan mo ang kapatid kong anak ni Abū Sufyān." Nagsabi siya: "At naiibigan mo ba iyon?" Nagsabi ako: "Opo; Ako ay hindi nakasosolo sa iyo. Ang pinakakaibig-ibig na makilahok sa akin sa isang kabutihan ay ang kapatid ko." Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na iyan ay hindi ipinahihintulot sa akin." Nagsabi ito: "Tunay na kami ay nag-uusap na ikaw ay nagnanais na magpakasal sa anak ni Abū Salamah." Nagsabi siya: "Tunay na siya, kahit pa man hindi naging anak na panguman ko, ay hindi ipinahihintulot sa akin. Tunay na siya ay talagang anak ng kapatid ko sa pagpapasuso. Pinasuso ako at si Abū Salamah ni Thuwaybah, kaya huwag ninyong iaalok sa akin ang mga anak ninyo ni ang mga kapatid ninyo." Nagsabi si `Urwah: "At si Thuwaybah ay isang alipin ni Abū Lahab na nagpalaya sa kanya at nagpasuso kay Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Noong namatay si Abū Lahab, napanaginipan siya ng isa sa mga kamag-anak niya sa isang napakasamang kalagayan kaya nagsabi ito sa kanya: Ano ang nasumpungan mo? Nagsabi si Abū Lahab: Hindi ako nakasumpong matapos ninyo ng isang kabutihan malibang ako ay pinainom dito dahil sa pagpapalaya ko kay Thuwaybah."
Napagkaisahan ang katumpakanSi Umm Ḥabībah bint Abī Sufyān ay isa sa mga ina ng mga Mananampalataya, malugod si Allāh sa kanila. Siya ay mapalad at maligaya sa pagkakapangasawa niya sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at naging karapat-dapat siya roon. Kaya naman hiniling niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na pakasalan ang kapatid niya. Nagulat ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kung papaanong pumayag ito na pakasalan ang magiging kahati nito yamang ang mga babae ay may matinding selos doon. Dahil dito, nagtatanong at nagtatakang nagsabi siya: "At naiibigan mo ba iyon?" Nagsabi ito: "Oo; naiibigan ko iyon." Pagkatapos ay nilinaw nito sa kanya ang dahilang alang-alang doon ay minabuti nitong pakasalan niya ang kapatid nito: kailangang mayroon itong kahati sa kanya sa mga babae, hindi nito siya masosolo nang mag-isa, at ang magiging kahati para rito sa dakilang kabutihang ito ay ang kapatid nito. Para bang siya ay hindi nakaaalam sa pagbabawal sa pagsasabay sa magkakapatid bilang asawa. Dahil dito, ipinabatid niya na ang kapatid nito ay hindi ipinahihintulot sa kanya na maging asawa kasabay nito. Ibinalita nito na naikuwento ritong siya ay magpapakasal sa anak ni Abū Salamah. Nagtanong siya rito at nag-usisa: "Tinutukoy mo ba ang anak ni Umm Salamah?" Nagsabi ito: "Oo." Nagsabi siya habang naglilinaw sa kasinungalingan ng bulung-bulungan: "Tunay na ang anak ni Umm Salamah ay hindi ipinahihintulot sa akin dahil sa dalawang dahilan: Una: Siya ay anak na panguman ko na itinataguyod ko ang mga kapakanan niya sa pangangalaga ko sapagkat siya ay anak ng asawa ko; Ikalawa: Siya ay anak ng kapatid ko sa pagpapasuso sapagkat pinasuso ako at ang ama niyang si Abū Salamah ni Thuwaybah - ang alipin ni Abū Lahab - kaya naman ako ay tiyuhin niya rin. Huwag ninyong ialok sa akin ang mga anak ninyo at ang mga kapatid ninyo. Ako ay higit na nakaaalam at higit na karapat-dapat kaysa sa inyo sa pangangasiwa ng nauukol sa akin sa tulad nito."
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Humatol ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, [ng pagsang-ayon] sa habang-buhay na kaloob para sinumang ipinagkaloob ito sa kanya." Sa isang pananalita: "Ang sinumang pinagkalooban ng habang-buhay na kaloob: para sa kanya at para sa supling, tunay na ito ay ukol sa binigyan nito at hindi ito babalik sa nagbigay nito dahil tunay na siya ay nagbigay ng isang bagay na ipinatupad dito ang mga patakan ng pagpapamana." Nagsabi si Jābir: "Ang habang-buhay na kaloob na pinahintulutan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay sabihin lamang: "Ito ay para sa iyo at para sa supling" ngunit kapag naman nagsabi: "Ito ay para sa iyo hanggat nabubuhay ka," tunay na ito ay babalik sa may-ari nito. Sa isang pananalita ayon kay Imām Muslim: "Panatilihin ninyo sa inyo ang mga ari-arian ninyo at huwag ninyong lustayin ang mga ito sapagkat tunay na ang sinumang pinagkalooban ng habang-buhay na kaloob, ito ay para sa pinagkalooban nito: buhay man o pata, at para sa supling niya."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanAng habang-buhay na kaloob at ang tulad nito: ang ruqbā, ay dalawang uri ng regalo na tinatanggap nila noong Panahon ng Kamangmangan. Ang isang lalaki ay nagbibigay, sa isang lalaking ng bahay, halimbawa, o ng iba pa sa pamamagitan ng pagsabi niya: "Habang-buhay kong ipinagkakaloob sa iyo ito o ibinibigay ko sa iyo ito habang buhay mo o habang buhay ko." Sila noon ay nag-aabang sa kamatayan ng pinagkalooban upang bawiin nila ang kaloob nila. Inayunan ng Batas ng Islām ang pagkakaloob at pinawalang-saysay ang kundisyong nakasanayan para rito, ang pagbawi, dahil ang bumabawi ng kaloob niya ay gaya ng asong sumusuka at pagkatapos ay kinakain nito ang isinuka nito. Dahil dito, humatol ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nang sang-ayon sa habang-buhay na kaloob para sa sinumang pinagkalooban: para rito at para sa supling nito kapag wala na ito. Pinaalalahanan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa pangangalaga sa mga ari-arian nila dahil sa pag-aakala nila sa kawalan ng pananatili ng kundisyong ito at pagkaipinahihintulot ng pagbawi nito. Nagsabi siya: "Panatilihin ninyo sa inyo ang mga ari-arian ninyo at huwag ninyong lustayin ang mga ito sapagkat tunay na ang sinumang pinagkalooban ng habang-buhay na kaloob, ito ay para sa pinagkalooban nito: buhay man o pata, at para sa supling niya."