





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Itinalaga (sa ibang pananalita: Itinadhana) ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang shuf`ah sa bawat hindi mahahati; ngunit kapag naitakda ang mga hangganan at nailatag ang mga daan, wala nang shuf`ah."
Napagkaisahan ang katumpakanAng Marunong na Sharī`ah ay dumating upang patotohanan ang katotohanan at ang katarungan, at itaboy ang kasamaan at ang kapinsalaan. Dahil dito, tunay na yayamang ang sosyohan sa mga real estate ay dumarami ang mga kapinsalaan nito, humahaba ang mga kasamaan nito, at humihirap ang paghahati sa mga ito, pinagtibay ng Marunong na Tagapagbatas ang shuf`ah para sa kasosyo. Nangangahulugan itong kapag ipinagbili ng isa sa magkasosyo ang parte niya sa real estate na komun sa kanila, karapatan ng kasosyong hindi nagbenta ang kumuha ng parte mula sa bumili ayon sa tulad ng presyo bilang pagtutulak sa pinsala nito dahil sa sosyohan. Ang karapatang ito ay napagtibay para sa kasosyo hanggat ang real estate na komun sa kanila ay hindi pa nahati ni nalaman ang mga hangganan nito ni nailatag ang mga daan nito. Matapos namang malaman ang mga hangganan at mapaglinawan ang mga ito sa pagitan ng dalawang bahagi, at matapos mailatag ang mga kalye nito, wala nang shuf`ah dahil sa paglaho ng kapinsalaan ng sosyohan at ng paghahalong napagtibay alang-alang dito ang pagkakarapat-dapat ng pag-aalis ng paninda mula sa mamimili.
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya: Pumunta ang maybahay ni Rifā`ah Al-Qurađīy sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "Ako noon ay maybahay ni Rifā`ah Al-Qurađīy ngunit diniborsiyo niya ako at pinatibay niya ang diborsiyo sa akin. Napangasawa ko matapos niya si `Abdurraḥmān bin Az-Zubayr. Mayroon lamang siyang tulad ng tastas na laylayan ng damit." Napangiti ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "Nagnanais ka bang bumalik kay Rifā`ah? Hindi, hanggang sa matikman mo ang pulot niya at matikman niya ang pulot mo." Sinabi: Si Abū Bakr ay nasa piling nito habang si Khālid bin Sa`īd ay nasa pintuan, naghihintay na pahintulutan, iyon kaya nanawagan iyon: "O Abū Bakr, hindi mo ba naririnig ito: ang hinahayag niya sa piling ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?"
Napagkaisahan ang katumpakanPumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang maybahay ni Rifā`ah Al-Qurađīy, na dumaraing ng kalagayan. Ipinabatid niya rito na siya dati ay isang maybahay ni Rifā`ah Al-Qurađīy ngunit pinatibay niyon ang diborsiyo sa kanya sa pamamagitan ng huling pagdidiborsiyo, ang ikatlo sa mga diborsiyo sa kanya, at na siya ay nakapangasawa matapos niyon kay `Abdurraḥmān bin Az-Zubayr ngunit hindi niyon nakayang masaling siya dahil ang ari niyon ay mahina, malambot, at hindi nagigising. Napangiti ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa paghahayag niya at paglalantad niya nitong ikinahihiya ng mga babae sa karaniwan. Naunawaan nito na ang tinutukoy niya ay ang kahatulan para sa kanya sa pagbalik sa unang asawa niyang si Rifā`ah. Inakala niya na siya, dahil sa pagkakaraos ng kasal kay `Abdurraḥmān, ay naging legal na asawa niyon subalit ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay tumanggi sa kanya niyon at nagpabatid sa kanya na kailangan para sa legalidad ng panunumbalik niya kay Rifā`ah na makipagtalik sa kanya ang huling asawa niya. Nasa piling ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, si Abū Bakr habang si Khālid bin Sa`īd ay nasa pintuan, naghihintay ng pahintulot pumasok. Tinawag ni Khālid si Abū Bakr, na nagmamaktol sa babaing ito na naghahayag ng tulad ng salitang ito sa harap ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Lahat ng ito ay dahil sa nilalaman ng mga dibdib nila na pakundangan at pagpipitagan sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, malugod Siya sa kanila, palugurin Niya sila, at pagkaloob Niya tayo ng magandang asal sa kanya at pagsunod sa kanya.
Ayon kay `Ā’ishah bint Abū Bakr, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Hinggil kay Barīrah ay may tatlong sunnah. Pinapili siya kaugnay sa asawa niya nang pinalaya siya. Nagregalo sa kanya ng karne. Pinuntahan ako ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang ang palayok ay nasa apoy. Humiling siya ng pagkain at dinalhan siya ng isang tinapay at isang ulam mula sa ulam ng bahay. Nagsabi siya: "Hindi ko ba nakita ang palayok sa apoy na mayroong karne?' Nagsabi siya: 'Opo, o Sugo ni Allah. Iyan ay karneng ikinawanggawa kay Barīrah kaya umayaw kaming magpakain sa iyo mula roon.' Nagsabi siya: 'Iyan sa kanya ay kawanggawa at iyan mula sa kanya para sa atin ay isang regalo.' Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaugnay sa kanya: 'Ang karapatan sa pagmamana ay nasa sinumang nagpalaya lamang.'"
Napagkaisahan ang katumpakanBinabanggit ni `Ā’ishah, malugod si Allah dito, ang biyaya ng alipin nitong si Barīrah, na nagtuturing na mapalad ang kasunduang inihain para rito, yayamang nagpatupad si Allah, pagkataas-taas Niya, mula sa napatnubayang panuntunan Niya kaugnay sa kalagayan niya ng tatlong sunnah. Una: na siya ay pinalaya habang nasa ilalim pa ng asawa niyang aliping si Mughīth. Pinapili siya sa pagitan ng pananatili kasama niyon sa dating kasal nila at ng pakikipaghiwalay roon. Pinili niya ang sarili niya dahil naging hindi na nakapapantay niyon siya sa antas yayamang siya ay isang malayang babae na at iyon naman ay isang aliping lalaki. Ang pagkakapantay rito ay isinasaalang-alang. Pinili niya ang sarili niya at pinawalang-bisa ang kasal niya kaya ito ay naging isang sunnah para sa iba pa sa kanya. Ikalawa: Na nagkawanggawa sa kanya ng karne habang siya ay nasa bahay ng amo niyang si `Ā’ishah. Pumasok ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang ang karne ay iniluluto sa palayok at humiling ito ng pagkain at dinalhan nila ito ng tinapay at ulam mula sa ulam ng bahay na dating ginagamit nila sa palagiang kaugalian nila. Hindi nila dinalhan ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng anuman mula sa karneng ikinawanggawa kay Barīrah dahil sa pagkakaalam nila na ito ay hindi kumakain ng mula sa kawanggawa. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ko ba nakita ang palayok sa apoy na mayroong karne?" Nagsabi sila: "Opo; subalit ito ay ikinawanggawa kay Barīrah. Ayaw naming magpakain sa iyo mula roon." Nagsabi siya: "Iyan sa kanya ay kawanggawa at iyan mula sa kanya para sa atin ay isang regalo." Ikatlo: na ang may-ari niya, noong ninais nilang ipagbili siya kay `Ā’ishah, ay nagsakundisyong ang pagpapamana niya ay karapatan nila upang makamit nila dahil dito ang karangalan nang iniugnay sa kanila ang babaing alipin at marahil nagkamit sila sa pamamagitan nito ng isang materyal na pakinabang gaya ng pagmamana, tulong, at iba pa rito subalit nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang karapatan sa pagmamana ay nasa sinumang nagpalaya lamang." Ito ay hindi ukol sa nagtinda ni sa iba pa rito. Ang karapatan sa pagmamana ay isang ugnayan sa pagitan ng panginoong nagmamay-ari at aliping minamay-ari matapos palayain ito. Magmamana ang panginoon sa alipin kapag wala itong tagapagmana o may natirang anuman matapos makuha ng mga pangunahing tagapagmana nito ang takdang parte nila sa pamana.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagtalo si Sa`d bin Abī Waqqāṣ at `Abd bin Zam`ah hinggil sa isang batang lalaki. Nagsabi si Sa`d: "O Sugo ni Allāh, siya ay anak ng kapatid kong si `Utbah bin Abī Waqqāṣ; ibinilin nito sa akin na ito ay anak niya. Tingnan mo po ang pagkakahawig niya." Nagsabi si `Abd bin Zam`ah: "Ito ay kapatid ko, o Sugo ni Allāh; ipinanganak siya sa higaan ng ama ko mula sa alipin nito." Tumingin ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pagkakawangis nito at nakakita ng isang malinaw na pagkakawangis kay `Utbah ngunit nagsabi siya: "Siya ay sa iyo, o `Abd bin Zam`ah. Ang bata ay para sa [may-ari ng] higaan at para sa nangangalunya ay ang pagbato. Magbelo ka sa kanya, o Sawdah." Kaya hindi niya nakita si Sawdah kailanman.
Napagkaisahan ang katumpakanNoong Panahon ng Kamangmangan, sila ay nagpapataw sa mga babaing alipin ng mga buwis na kinikita ng mga ito mula sa pangangalunya. Inuugnay nila ang anak sa lalaking nangalunya kapag nag-angkin ito. Nangalunya si `Utbah bin Abī Waqqāṣ noong Panahon ng Kamangmangan sa isang babaing alipin ni Zam`ah bin Al-Aswad at nagsilang ito ng isang batang lalaki. Nagtagubilin si `Utbah sa kapatid niyang si Sa`d na iugnay ang batang ito sa kaangkanan nito. Noong dumating ang pagsakop sa Makkah at nakita ni Sa`d ang bata, nakilala niya ito dahil sa pagkakawangis nito sa kapatid niya. Ninais niyang bawiin ito,ibig sabihin ay iugnay ito sa kapatid niya. kaya nagtalo siya at si `Abd bin Zam`ah dahil dito. Naglatag si Sa`ad ng katwiran niya: na ang kapatid niya ay umaming ito ay anak niya at dahil na rin sa pagkakawangis nilang dalawa. Nagsabi naman si `Abd bin Zam`ah: "Siya ay kapatid ko; ipinanganak siya mula sa alipin ng ama ko.Ibig sabihin :Ang ama niya ay ang pinuno ng alipin na nanganak sa kanya,siya ang nagmamay-ari ng higaan" Tumingin ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa bata at nakakita siya rito ng isang malinaw na pagkakawangis kay `Utbah, Subalit inihatol niyang ito ay para kay Zam`ah at sinabi niyang "Ang bata ay para sa [may ari] ng higaan,at para sa nangangalunya ay ang kabiguan at kalugihan,kaya naman siya ay malayo sa bata dahil ang pangunahing panuntunan ay ;na ito ay nauukol sa may-ari ng aliping babae,kung saan ay karapat-dapat siya sa paggalaw sa kanya sa tamang pamamaraan.Ngunit nang makita ang pagkawangis ng bata kay `Utbah,nagpakaingat siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na mapahintulutan ang pagtingin sa babaing kapatid niya, si Sawdah bint Zam`ah, dahil sa pagkakaugnay na ito kaya ipinag-utos niyang magbelo si Sawdah sa harap nito bilang pangangalaga at pagpapakaingat.Ang pagkawangis at mga palatandaan ay hindi nagiging basehan kapag mayroon ang [may-ari] ng higaan.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na magkulay dalandan ang lalaki."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na kulayan ng lalaki ang katawan niya o ang kasuutan niya ng kulay dalandan. Iyon noon ay bahagi ng pabango ng mga babae kaya ipinagbawal niya sa mga lalaki iyon bilang paghahadlang sa pagwangis [sa mga babae].
Ayon kay `Alīy bin Abi Ṭālib, malugod si Allah sa kanya: "Walang pagkaulila pagkatapos ng pagbibinata [o pagdadalaga] at walang pananahimik sa [buong] araw hanggang gabi."
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudUna: Hindi itinuring ang tao na isang ulila kapag nagbinata [o nagdalaga]. Ikalawa: Ang mga Arabe noong Panahon ng Kamangmangan ay sumasamba kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa pamamagitan ng pananahimik kaya sila ay nanatili sa buong araw na tahimik a hindi nagsasalita hanggang sa lumubog ang araw. Ipinagbawal sa mga Muslim iyon dahil ito ay humahantong sa pagtigil sa pagsambit ng tasbīḥ (pagsabi ng Subḥān -llāh), tahlīl (pagsabi ng Lā ilāha illa –llāh), taḥmīd (pagsabi ng Alḥamdu lillāh), pag-uutos sa nakabubuti at pagsawa sa nakasasama, pagbabasa ng Qur'an, at iba pa. Ito rin ay kabilang sa gawain ng Panahon ng Kamangmangan kaya dahil doon ipinagbawal ito.
Ayon kay Qays bin Abe Hazim,Nagsabi siya:pumasok si Abu Bakar Asseddiq-malugod si Allah sa kanya-sa isang babae mula sa Ahmas,na tinatawag na :Zainab,nakita niya ito na hindi nagsasalita,Nagsabi siya:Anu ang nangyari sa kanya at hindi nagsasalita?Nagsabi sila:sinasadya niyang tumahimik.Nagsabi siya sa kanya:Magsalita ka dahil ang ganito ay hindi ipinapahintulot,ito ay kabilang sa gawain sa panahon ng kamang-mangan,At nagsalita siya.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyPumasok si Abū Bakar Assiddiq, malugod si Allah sa kanya.sa isang babae mula sa tribo ng Ahmas na ang panagalan niya ay:Zainab,natagpuan niya ito na hindi nagsasalita,Nagtanong siya sa kanila,bakit hindi siya nagsasalita:Nagsabi sila:sinasadya niyang manahimik,Nagsabi siya sa kanya:Magsalita ka,dahil ang pag-iwan sa salita sa kabuuan ay hindi ipinapahintulot,dahil ito ay kabilang sa mga pagsamba sa panahon ng kamang-mangan pagkatapos ay ipinagbawal na ito ng Islam,at ang pagpasok ng lalaki sa babae na walang paghihinala at hindi nag-iisa katulad ng ginawa ni Abū Bakar Assiddiq ay ipina-pahintulot.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang pag-uwi ay gaya ng paglusob."
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudSa ḥadīth na ito ay may paglilinaw sa kabutihang-loob ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa mga lingkod Niya dahil sa pagsasagawa nila ng mga pagsamba. Kung papaano sila ginagantimpalaan sa pagpunta sa mga ito gayon din sila ginagantimpalaan sa pagbalik mula sa pagsasagawa ng mga ito. Dahil doon ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang umuuwi mula sa paglusob ay gaya ng lumulusob kaya ang dalawang gawaing ito sa gantimpala ay magkapantay gaya ng pagsulat sa bakas ng naglalakad patungo sa masjid at sa pagbalik niya sa mag-anak niya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Ukol sa aliping minamay-aring nagtutuwid ay dalawang kabayaran.' Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Abū Hurayrah ay nasa kamay Niya, kung hindi dahil sa pakikibaka sa landas ni Allah, sa ḥajj, at sa pagpapakabuti sa ina ko, talagang iibigin ko pang mamatay habang ako ay alipin."
Napagkaisahan ang katumpakanNagsabi si Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Ukol sa aliping minamay-ari, na nagpapayo sa pinapanginoon niya, na ginagampanan ang karapatan ng Panginoon niya, ay dalawang kabayaran dahil sa pagganap niya sa karapatan ni Allah, pagkataas-taas Niya, na mga pagsamba, at sa pagganap niya sa karapatan ng pinapanginoon niya na mga paglilingkod.' Pagkatapos ay nagpabatid pa si Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na kung hindi dahil sa ang alipin ay walang tungkuling makibaka at kung hindi dahil sa pagsasagawa niya ng pagpapakabuti sa ina niya sa pamamagitan ng paggugol at paglilingkod, talagang iibigin niya na mamatay habang siya ay isang alipin dahil sa nauukol na gantimpala.