





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Amr bin `Abasah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Ako noon, samantalang nasa Panahon ng Kamangmangan, ay nagpapalagay na ang mga tao ay nasa isang pagkaligaw, at na sila ay hindi nakabatay sa anuman habang sila ay sumasamba sa mga anito. Pagkatapos ay nakarinig ako ng isang lalaki sa Makkah na nagpapabatid ng mga kabatiran kaya umupo ako sa sasakyang hayop ko at pumunta sa kanya. Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakakubli pala dahil mga nananaig sa kanya ang mga kababayan niya. Tumalilis ako hanggang sa makapasok ako sa kanya at nagsabi ako sa kanya: 'Ano ka po?' Nagsabi: 'Ako ay propeta.' Nagsabi ako: 'Ano po ang propeta?' Nagsabi siya: 'Isinugo ako ni Allāh.' Nagsabi ako: 'Kalakip ng aling bagay ka isinugo Niya?' Nagsabi siya: 'Isinugo Niya ako kalakip ng pagpapanatili ng ugnayan sa mga kaanak, pagwasak sa mga anito, at na pakaisahin si Allāh nang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman.' Nagsabi ako: 'Kaya sino po ang kasama mo [sa gawaing] ito?' Nagsabi siya: '[Taong] malaya at alipin.' Kasama niya nang araw na iyon sina Abū Bakr at Bilāl, malugod si Allāh sa kanilang dalawa. Nagsabi ako: 'Tunay na ako ay susunod sa inyo.' Nagsabi siya: 'Tunay na ikaw ay hindi makakakaya niyon sa araw mong ito. Hindi mo ba nakikita ang kalagayan ko at ang kalagayan ng mga tao? Bagkus umuwi ka sa mag-anak mo. Kapag narinig mo akong nanaig na, pumunta ka sa akin.' Kaya pumunta ako sa mag-anak ko at dumating ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Madīnah hanggang sa may dumating sa Madīnah na isang pangkat mula sa mag-anak ko. Nagsabi ako: 'Ano ang ginawa ng lalaking ito na dumating sa Madīnah?' Nagsabi sila: 'Ang mga tao ay mga nagmamadali papunta sa kanya gayong ninais ng mga kalipi niyang patayin siya ngunit hindi nila nakayang gawin iyon.' Kaya pumunta ako sa Madīnah at pumasok sa kinaroroonan niya. Nagsabi ako: 'O Sugo ni Allāh, nakikilala mo po ba ako?' Nagsabi siya: 'Oo; ikaw ang nakipagtagpo sa akin sa Makkah.' Nagsabi ako: 'O Sugo ni Allāh, magpabatid ka sa akin ng tungkol sa itinuro ni Allāh sa iyo at hindi ko nalalaman. Magpabatid ka sa akin ng tungkol sa pagdarasal.' Nagsabi siya: 'Magdasal ng dasal sa madaling-araw. Pagkatapos ay huminto ka sa pagdarasal hanggang sa umangat ang araw nang kasukat ng sibat sapagkat tunay na ito ay sumisikat kapag sumisikat sa pagitan ng dalawang sungay ng isang demonyo at sa sandaling iyan nagpapatirapa roon ang mga tumatangging sumampalataya. Pagkatapos ay magdasal ka sapagkat tunay na ang pagdarasal ay sinasaksihan at dinadaluhan hanggang sa pumantay ang anino sa sibat. Pagkatapos ay huminto ka sa pagdarasal sapagkat tunay na sandaling iyon ay pinaiinit ang Impiyerno. Kapag humaba ang anino ay magdasal ka sapagkat tunay na ang pagdarasal ay sinasaksihan at dinadaluhan hanggang sa magdasal ka sa hapon. Pagkatapos ay huminto ka sa pagdarasal hanggang sa lumubog ang araw sapagkat tunay na ito ay lumulubog sa pagitan ng dalawang sungay ng isang demonyo at sa sandaling iyan nagpapatirapa roon ang mga tumatangging sumampalataya.' Nagsabi ako: 'O Propeta ni Allāh, ang wuḍū' naman, magsalaysay ka sa akin ng tungkol doon.' Kaya nagsabi siya: 'Kapag mula sa inyo ay may isang taong pumunta sa panghugas niya, nagmumog, suminghot [ng tubig] at suminga, malalaglag ang mga kasalanan ng mukha niya mula sa mga dulo ng balbas niya kasama ng tubig. Pagkatapos [kapag] hinugasan niya ang mga kamay niya hanggang sa mga siko, malalaglag ang mga kasalanan ng mga kamay niya mula sa mga daliri niya kasama ng tubig. Pagkatapos [kapag] pinahiran niya ang ulo niya hanggang sa mga siko, malalaglag ang mga kasalanan ng mga ulo niya mula sa mga dulo ng buhok niya kasama ng tubig. Pagkatapos [kapag] hinugasan niya ang mga paa niya hanggang sa mga bukungbukong, malalaglag ang mga kasalanan ng mga paa niya mula sa mga daliri niya kasama ng tubig. Kung siya ay tumindig, nagdasal, nagpuri kay Allāh, pagkataas-taas Niya, nagbunyi sa Kanya, nagluwalhati sa Kanya sa pamamagitan ng karapat-dapat ukol sa Kanya, at naglaan ng puso niya kay Allāh, pagkataas-taas Niya, aalis siya sa kasalanan niya gaya ng anyo niya noong araw na ipinanganak siya ng ina niya.'" Nagsalaysay si `Amr bin `Abasah ng ḥadīth na ito kay Abū Umāmah na Kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi sa kanya si Abū Umāmah: "O `Amr bin `Abasah, tingnan mo ang sinasabi mo! Sa iisang tayuan binibigyan ang lalaking ito?" Kaya nagsabi si `Amr: "O Abū Umāmah, talaga ngang lumaki na ang edad ko, rumupok na ang buto ko, at lumapit na ang taning ko. Walang pangangailangan sa akin na magsinungaling laban kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ni laban sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Kung sakaling hindi ko narinig iyon mula sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, malibang isang ulit o dalawang ulit o tatlo (hanggang sa bumilang siya ng pitong ulit) hindi ako magsasalaysay kailanman niyon, subalit narinig ko iyon nang higit pa roon."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid sa atin si `Amr bin `Abasah As-Salmīy, malugod si Allāh sa kanya, kung papaano ang kalagayan niya sa Panahon ng Kamangmangan at kung papaano siyang pinatnubayan ni Allāh tungo sa Islām. Siya noon, sa Panahon ng Kamangmangan, ay may liwanag sa puso niya, na naglilinaw sa kanya na ang mga taong iyon ay nasa kabulaanan at nasa shirk at pagkaligaw. Hindi pinaniniwalaan ang pinaniniwalaan nila. Pagkatapos ay nakarinig siya na may isang tao sa Makkah sa panahong iyon na nagpapabatid ng mga kabatiran. Sumakay siya sa sasakyang hayop niya, malugod si Allāh sa kanya, at pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at natagpuan niya itong nagkukubli sa pag-aanyaya niya dahil sa takot sa pamiminsala ng mga Kāfir ng Quraysh. Nagsabi si `Amr bin `Abasah: "Tumalilis ako hanggang sa makapasok ako sa kanya at nagsabi ako sa kanya: 'Ano ka po?' Nagsabi: 'Ako ay propeta.' Nagsabi ako: 'Ano po ang propeta?' Nagsabi siya: 'Isinugo ako ni Allāh.' Nagsabi ako: 'Kalakip ng aling bagay ka isinugo Niya?' Nagsabi siya: 'Isinugo Niya ako kalakip ng pagpapanatili ng ugnayan sa mga kaanak, pagwasak sa mga anito, at na pakaisahin si Allāh nang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman.'" Dito ay nag-anyaya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungo kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Nilinaw niya ang mga kagandahan ng dakilang relihiyong ito. Ang pinakamahalagang bagay ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at ang mararangal sa mga kaasalan. Binanggit niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang nalalaman ng mga tao gamit ang mga isip nila: na ang mga anito ay walang kabuluhan. Dahil doon, ang lalaking ito, bago pa man pumasok sa Islām, ay nakaaalam na ito na ang ginagawa ng mga Mushrik na pagsamba ay walang kabuluhan. Siya ay naghahanap ng katotohanan, malugod sa kanya si Allāh na mapagpala at pagkataas-taas. Noong pumunta ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, binanggit niya rito na si Allāh ay nagsugo sa kanya dahil doon. Nagsabi siya: "Isinugo Niya ako kalakip ng pagpapanatili ng ugnayan sa mga kaanak." Ito ay mararangal sa mga kaasalan dahil ang mga mamamayan ng Makkah ay nagkakalat noon na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dumating upang putulin ang ugnayan sa mga kaanak. Pinasinungalingan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Siya ay dumating lamang upang panatilihin ang ugnayan sa mga kaanak hindi upang putulin ito. Nagsabi pa ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang pagwasak sa mga anito," - na tumutukoy sa pagwasak sa anumang sinasambang iba pa kay Allāh, napakamaluwalhati Niya, mapagpala Siya, at pagkataas-taas Niya, - "at na pakaisahin si Allāh nang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman." Nagsabi `Amr bin `Abasah: "Nagsabi ako: 'Kaya sino po ang kasama mo [sa gawaing] ito?'" Nangangahulugan ito: sino po ang pumasok sa relihiyong ito kasama mo? Nagsabi siya: "[Taong] malaya at alipin." Ang malaya ay si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, at ang alipin ay si Bilāl, malugod si Allāh sa kanya. Ang sinabing: "'Tunay na ako ay susunod sa inyo.' Nagsabi siya: 'Tunay na ikaw ay hindi makakakaya niyon sa araw mong ito..." Ang kahulugan lamang nito: na kapag sumunod siya rito at iniwan niya ang mga kalipi niya upang maging kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Makkah, tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi makakakayang magtanggol sa kanya laban sa mga Kāfir na ito kaya sinabi nito sa kanya: "Manatili ka sa mga kalipi mo bilang isang Muslim hanggang sa manaig ang relihiyong ito at saka ka pumunta sa akin at maging kasama sa amin." Ito ay bahagi ng habag niya, awa niya, at malasakit niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sapagkat ang lalaking ito ay mahina. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa lalaking ito: "Tunay na ikaw ay hindi makakakaya niyon sa araw mong ito. Hindi mo ba nakikita ang kalagayan ko at ang kalagayan ng mga tao?" Nangangahulugan ito: "Ang mga [masamang] tao ay marami. Sila ay nananakit sa akin. Hindi ko sila makaya, kaya papaano kitang maipagtatanggol?" Nagsabi ang Propeta: "Bagkus umuwi ka sa mag-anak mo. Kapag narinig mo akong nanaig na, pumunta ka sa akin." Ang kahulugan: Magpatuloy ka sa pagkakaanib mo sa Islām hanggang sa malaman mong ako ay nangibabaw na at saka ka pumunta sa akin." Nagsabi ang lalaki: "Kaya pumunta ako sa mag-anak ko at dumating ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Madīnah habang ako noon ay nasa mag-anak ko. Nagsimula akong makibalita ng mga balita." Ito ay dahil sa ang Islām ay pumasok na sa puso ng lalaking ito, na nagsasabi: "Nagtatanong ako sa mga tao nang dumating siya sa Madīnah, hanggang sa may dumating na isang pangkat mula sa mag-anak ko mula sa Madīnah. Nagsabi ako: 'Ano ang ginawa ng lalaking ito na dumating sa Madīnah?'" Para bang ang lalaki ay nagkukubli ng pagkakayakap niya sa Islām at hindi niya inilantad ito dala ng pangamba sa mga kalipi niya. Nagsabi siya: "Nagsabi sila: 'Ang mga tao ay mga nagmamadali papunta sa kanya gayong ninais ng mga kalipi niyang patayin siya ngunit hindi nila nakayang gawin iyon.' Kaya pumunta ako sa Madīnah at pumasok sa kinaroroonan niya. Nagsabi ako: 'O Sugo ni Allāh, nakikilala mo po ba ako?' Nagsabi siya: 'Oo; ikaw ang nakipagtagpo sa akin sa Makkah.'" Nagsabi `Amr bin `Abasah: "Nagsabi ako: 'O Sugo ni Allāh, magpabatid ka sa akin ng tungkol sa itinuro ni Allāh sa iyo at hindi ko nalalaman. Magpabatid ka sa akin ng tungkol sa pagdarasal.'" Siya ngayon ay nagtatanong sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ano po ang mga panuntunan ng Islām na bumababa sa iyo? Turuan mo po ako mula sa itinuro sa iyo ni Allāh, na hindi ko nalalaman. Magpabatid ka po sa akin ng tungkol sa pagdarasal." Nagsabi siya: "Magdasal ka ng dasal sa madaling-araw." Nangangahulugan ito: sa oras nito. "Pagkatapos ay huminto ka sa pagdarasal hanggang sa umangat ang araw..." Ang kahulugan: ang dasal sa madaling-araw ay walang kasunod na dasal pagkatapos nito kaya huminto ka sa pagdarasal hanggang sa sumikat ang araw. Kapag sumikat na ang araw, magdarasal ba siya ng dasal na sunnah? Nagsasabi sa kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Pagkatapos ay huminto ka sa pagdarasal hanggang sa umangat ang araw nang kasukat ng sibat..." Nangangahulugan ito: sa pagtingin ng tumitingin sa araw. Ang "sapagkat tunay na ito ay sumisikat kapag sumisikat sa pagitan ng dalawang sungay ng isang demonyo..." ay tumutukoy sa oras ng pagsikat ng araw. Ito ay oras na nagpapatirapa ang mga Kāfir sa araw kaya hindi ipinahihintulot sa Muslim na ipagpaliban ang isinatungkuling dasal sa oras na ito nang kusang-loob niya at hindi rin ipinahihintulot sa kanya na dasalin ang sunnah na dasal sa oras ng pagsikat ng araw malibang nakaangat na ito. Matatagpuan mo sa kalendaryo ang "oras ng pagsikat ng araw" at ito ang oras na tinutukoy. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "sapagkat tunay na ito ay sumisikat kapag sumisikat sa pagitan ng dalawang sungay ng isang demonyo at sa sandaling iyan nagpapatirapa roon ang mga tumatangging sumampalataya." Kaya naman pinagbawalan niya tayo na magpakawangis sa kanila. Nagsabi siya: "Pagkatapos ay magdasal ka sapagkat tunay na ang pagdarasal ay sinasaksihan at dinadaluhan..." Nangangahulugan ito: dinadaluhan ito ng mga anghel ng maghapon upang itala ito at sasaksihan ito para sa sinumang nagdasal nito kaya ito ay nangangahulugang isang sanaysay na sinasaksihan na itinatala. Nagsabi siya: "hanggang sa pumantay ang anino sa sibat. Pagkatapos ay huminto ka sa pagdarasal..." Nangangahulugan ito: sa sandali ng katanghaliang-tapat. Iyon ay kapag ang araw ay naging nasa gitna ng langit sa ibabaw ng ulo ng tao at ang buong anino ay naging nasa ilalim ng mga paa niya. Nagsabi ang Propeta sa kanya: "Huwag kang magdasal sa oras na ito." Ito ay isang maikling oras na nakatutumbas ng haba ng dalawang rak`ah, humigit-kumulang. Hindi ipinahihintulot sa Muslim na magdasal sa oras na ito dahil ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "sapagkat tunay na sandaling iyon ay pinaiinit ang Impiyerno." Ito ay ang oras na ipinagbabawal ang pagdarasal. Kaya ang pumapasok [sa masjid] ay maghihintay hanggang sa nagsagawa ng adhān para sa dasal sa đuhr. Nagsabi siya: "Kaya kapag humaba ang anino..." Nangangahulugan ito: ang anino ay umiikli nang umiikli hanggang sa maging nasa ilalim ng mga paa mo at saka nagsisimulang lumilipat matapos niyon sa kabilang dako mula sa iyo. Ang anino sa oras ng adhān ng đuhry ay nagsimula nang lumipat mula sa kanluran patungong silangan. Nagsabi siya: "Kaya kapag humaba ang anino ay magdasal ka sapagkat tunay na ang pagdarasal ay sinasaksihan at dinadaluhan hanggang sa magdasal ka sa hapon." Nangangahulugan ito: magdasal ka ng dasal na isinatungkulin at sunnah hanggang sa oras ng `aṣr. Ito ay isang bukas na oras, kaya dasalin mo sa oras na ito ang ninais mong mga dasal na sunnah at walang pagkasuklam doon. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Pagkatapos ay huminto ka sa pagdarasal hanggang sa lumubog ang araw..." Nangangahulugan ito: kaya kapag nagdasal ka ng `aṣr ay huwag kang magdasal ng isang dasal na sunnah hanggang sa lumubog ang araw. Ang "Pagkatapos ay huminto ka sa pagdarasal hanggang sa lumubog ang araw..." ay maipakakahulugang kapag napakalapit na ang paglubog ng araw, manunumbalik na muli ang oras ng pagbabawal tulad ng sa pagsikat ng araw. Ang kasanhian dito ay na ito ay lumulubog sa pagitan ng dalawang sungay ng isang demonyo kaya naman hindi ipinahihintulot sa Muslim na ipagpaliban nang kusang-loob ang dasal sa `aṣr hanggang sa napakalapit na ang paglubog ng araw dahil siya ay magpapakawangis sa mga mananamba ng araw kabilang sa mga Kāfir. Ang Muslim ay para bang gumagaya sa mga Kāfir na ito dahil sa paggawa niyon na pagpapaliban ng dasal sa `aṣr hanggang sa oras na iyon. Tinawag ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na dasal ng mga Munāfiq (nagpapanggap ng Muslim) dahil ang Munāfiq ay nag-aabang sa araw hanggang sa kapag nanilaw na ito ay saka siya titindig upang magsagawa ng apat na rak`ah dasal na parang tumutuka sa bilis. Hindi niya naalaala si Allāh sa sandaling iyon malibang madalang. Kaya mag-ingat ka na magpakawangis sa mga Kāfir o magpakawangis sa mga Munāfiq at ipagpaliban ang dasal na `aṣr nang kusang-loob hanggang sa oras ng paninilaw ng araw. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "sapagkat tunay na ito ay lumulubog sa pagitan ng dalawang sungay ng demonyo at sa sandaling iyan nagpapatirapa roon ang mga tumatangging sumampalataya." Nagsabi si `Amr: "Nagsabi ako: 'O Propeta ni Allāh, ang wuḍū' naman, magsalaysay ka sa akin ng tungkol doon.' Kaya nagsabi siya: 'Kapag mula sa inyo ay may isang taong pumunta sa panghugas niya, nagmumog, suminghot [ng tubig] at suminga, malalaglag ang mga kasalanan ng mukha niya mula sa mga dulo ng balbas niya kasama ng tubig..." Nangangahulugan ito na kapag nagsagawa ang tao ng wuḍū' ay naglalaglagan ang mga pagkakasala niya kasabay ng kahuli-hulihang patak ng tubig. Kapag hinugasan niya ang mukha niya, tunay na ang mga pagkakasala ng bibig, ilong, mukha, at mga mata ay bumababang lahat kasama ng tubig. Pagkatapos, tunay na si `Amr bin `Abasah, malugod si Allāh sa kanya, ay nagsalaysay ng ḥadīth na ito kay Abū Umāmah, malugod si Allāh sa kanya, at nagsabi sa kanya si Abū Umāmah: "O `Amr bin `Abasah, tingnan mo ang sinasabi mo! Sa iisang tayuan binibigyan ang lalaking ito?" Nangangahulugan ito na para bang siya nagtuturing na marami ang lahat ng ito para ibigay sa tao sa iisang tayuan. Kapag isinagawa ang wuḍū' na ito ay babagsak ang mga kasalanan, ang lahat ng ito, mula sa tao. Pagkatapos ay magsisimula siya sa pagdarasal at matatapos mula rito gaya ng araw ng ipinanganak siya ng ina niya, na walang pagkakasala. Nagsasabi si Abū Umāmah kay `Amr bin `Abasah: "Alalahanin mo nang maigi na baka may nakalimutan ka mula sa binanggit sa iyo ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan." Kaya ang sagot ni `Amr, malugod si Allāh sa kanya, ay ang sabi niya: "O Abū Umāmah, talaga ngang lumaki na ang edad ko, rumupok na ang buto ko, at lumapit na ang taning ko. Walang pangangailangan sa akin na magsinungaling laban kay Allāh, pagkataas-taas Niya..." Imposible sa mga Kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na magsinungaling hinggil sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, o sa Panginoon nila, napakamaluwalhati Niya. Nagsabi siya: "...ni laban sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Kung sakaling hindi ko narinig iyon mula sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, malibang isang ulit o dalawang ulit o tatlo (hanggang sa bumilang siya ng pitong ulit) hindi ako magsasalaysay kailanman niyon..." Nangangahulugan ito: ang ḥadīth na ito ay hindi sinabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nang iisang ulit, bagkus sinabi niya ito nang pitong ulit. Ang bilang na "pito" ay binabanggit ng mga Arabe nang may kahulugang "marami" at marahil siya ay nagsabi nito nang higit pa roon. Nagsabi siya: "subalit narinig ko iyon nang higit pa roon."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya.Nagsabi siya:(( Nang buksan [ Tagumpay] ni Allah Pagkataas-taas Niya -sa Sugo niya ang Meccah,nakapatay ang Khuza`ah ng isang lalaki mula sa Tribo ng Layth,na napatay sa kanila sa panahon ng Kamang-mangan.Tumayo ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi siya:Katotohanang si Allah ay hinadlangan niya sa Meccah ang mga elepante,at ipinagkaloob Niya rito ang Kanyang Sugo at ang mga mananampalataya,at tunay na hindi ito ipinapahintulot sa sinumang nauna sa akin,at hindi rin ito ipinapahintulot sa sinumang sumunod sa akin,at ipinapahintulot sa akin ang isang oras sa Araw,at tunay na ito ay oras ko,ito ay isang Banal;Hindi pinuputol ang mga Punong-kahoy nito,at hindi pinuputol ang mga damo nito,at hindi pinuputol ang mga tinik nito at hindi kinukuha ang nahuhulog rito maliban sa napulot.At sinuman ang namatayan sa kanya nang isang patay;siya ay pinapapili sa dalwang bagay;Ang pumatay siya o ang bayaran,Tumayo ang isang lalaki na taga Yaman,na tinatawag sa pangalang: Abu Sha`,Nagsabi siya: O Sugo ni Allah,Isulat ninyo ako,Ang sabi ng Sugo ni Allah;Isulat ninyo ang para kay Abu Sha`,Pagkatapos ay tumayo si Abbas at sinabi niya:O Sugo ni Allah,maliban sa maliban sa Izkhar [ isang halamang mabango na tumutubo sa Meccah],sapagkat ninlalagay namin ito sa mga bahay namin at mga libingan namin,Nagsabi ang Sugo ni Allah:Maliban sa Izkhar [ isang halamang mabango na tumutubo sa Meccah]))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaalam ni Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-Na sa [panahon na] mabuksan ang Meccah napatay ng isang lalaki mula sa Tribo ng Khuza`ah ang isang lalaki mula sa Hudhayl na napatay sa kanila sa panahon ng Kamang-mangan at ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -ay tumayo at nagsermon ayon sa naisalaysay sa Hadith at ipinahayag ang Pagkabanal ng Meccah at si Allah ay hinadlangan Niya rito ang mga nakasakay sa Elepante,at ipinahintulot niya sa kanyang Propeta ang isang oras sa isang araw,at hindi ibig sabihin sa oras na ito ay ang oras na limitado,Ngunit ang ibig sabihin nito ay oras mula sa araw ng Pagbubukas [pagtagumpay sa Meccah] na kung saan ay pinahintulutan rito ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa umaga ng araw na ito hanggang sa hapon,At ipinaalam niya na ang pagiging Banal nito ay ibinalik pagkatapos noon tulad ng dati,Hindi pinuputol ang mga tinik nito at hindi pinuputol ang mga damo nito,at hindi pinuputol ang mga punong-kahoy nito,at hindi pinuputol ang mga damo nito na tumutubo sa hangganan ng Haram [Meccah] maliban sa Izkhar [ isang halamang mabango na tumutubo sa Meccah], at hindi kinukuha ang nahuhulog rito maliban sa napulot.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanilang dalawa- siya ay nagsabi: (( Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Salatul Khawf sa ilang araw niya,tumayo ang isang grupo kasama niya,at ang isang grupo ay nagmamasid ng kalaban, Nagdasal ang mga naging kasama niya ng isang tindig,pagkatapos ay umalis sila,dumating ang ibang [grupo] at nagdasal sa kanila ng isang tindig,at pinalitan ng dalawang grupo ang tig-iisang tindig))
Napagkaisahan ang katumpakanNagdasal ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Salatul Khawf sa mga kasamahan niya sa mga ilang pakikipaglaban niya sa mga Mushriken, At sa oras na nakasalubong ng mga muslim ang mga kaaway nilang walang pananampalataya,at natakot silang ilunsad ang pagsalakay sa kanila sa oras ng pag-aabala nila sa pagdarasal,at ang mga kalaban ay hindi sa lugar ng Qiblah, hinati ng Porpeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga kasamahan niya sa dalawang grupo, Isang grupo na sumama sa kanya sa pagdarasal,at isang grupong nakaharap sa kalaban,na nagbabantay sa mga nagdadasal. At nagdasal ang mga naging kasama niya ng isang tindig,pagkatapos ay umalis sila habang sila ay nasa oras ng pagdarasal nila,at tumayo sila sa harap ng kalaban,Dumating naman ibang grupo na hindi pa nakapadasal,at nagdasal rito ng isang tindig,pagkatapos ay nagsagawa ng Taslim ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-.Tumayo ang isang grupong naging kasama niya sa huli at pinalitan ang isang tindig na natitira rito,pagkatapos ay umalis sila para makapagbantay,At pinalitan naman ng unang grupo ang isang tindig [na natitira] sa kanila, At ito ay paglalarawan mula sa mga paglalarawang naisalaysay para sa pagdarasal ng Salatul Khawf,At ang layuni rito tulad ng nasabi ni Ibn `Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-: ((Ang lahat ng tao ay nasa oras ng kanilang pagdarasal,subalit nababantayan nila ang bawat isa) Isinaysay ito ni Imam Al-Bukhariy
Ayon kay Az-Zubayr bin Al-`Awwām, malugod si Allāh sa kanya, siya noon ay kasal kay Umm Kulthūm bint `Uqbah. Nagsabi ito sa kanya habang ito ay nagdadalang-tao: "Pasayahin mo ang sarili ko sa pamamagitan ng isang diborsiyo." Diniborsiyo niya ito nang isang diborsiyo. Pagkatapos ay pumunta siya sa dasal at bumalik siya noong nagsilang na ito kaya nagsabi siya: "Ano ang nangyari sa kanya? Nilinlang niya ako. Linlangin siya ni Allāh!" Pagkatapos ay dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "Tinapos ng `iddah ang taning nito; alukin mo siya ng kasal sa kanya."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu MājahSi Az-Zubayr bin Al-`Awwām noon ay kasal kay Umm Kulthūm bint `Uqbah. Nagsabi ito sa kanya habang ito ay nagdadalang-tao: "Pasayahin mo ang sarili ko sa pamamagitan ng isang diborsiyo." Nangangahulugan ito: Ipasok mo sa akin ang tuwa sa pamamagitan ng iisang pagdidiborsiyo. Ang mahahalata ay na ito ay hindi umiibig sa kanya at ninanais nitong lumabas sa poder niya sa isang paglabas na hindi niya makakayang balikan ito. Kaya hiniling nito sa kanya na diborsiyuhin niya ito ng iisang diborsiyo noong naramdaman nito ang nalalapit na panganganak nito at nalaman nitong ang `iddah ng nagdadalang-tao ay hanggang sa pagsilang ng dinadala nito. Diniborsiyo naman niya ito nang isang diborsiyo. Pagkatapos ay pumunta siya sa dasal at nakabalik siya noong nakapagsilang na ito kaya nagsabi siya: "Ano ang nangyari sa kanya? Nilinlang niya ako. Linlangin siya ni Allāh!" Ang panlilinlang ay kabilang sa mga katangiang magagawa ni Allāh, pagkataas-taas Niya, subalit Siya ay hindi inilalarawan sa pamamagitan nito sa paraang lubusan. Hindi ipinahihintulot ang pagpapakahulugan nito sa pamamagitan ng sabi nilang ang ninais ni Az-Zubayr sa sabi niyang ito ay gantihan iyon ni Allāh sa panlilinlang niyon. Bagkus kinakailangang pagtibayin ang katangiang ito gaya ng iba pa rito na mga katangian ni Allāh, pagkataas-taas Niya, nang walang paglilihis sa kahulugan, pag-aalis sa kahulugan, nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan, at walang pagtutulad. Pagkatapos ay pumunta si Az-Zubayr sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ipinabatid niya ang nangyari sa kanya at maybahay niya. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tinapos ng `iddah ang taning nito." Nangangahulugan ito: Nakalipas ang `iddah na itinakda bago ang inaasahang pagkalubos nito at naganap ang diborsiyo. Pagkatapos ay nagsabi pa ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "alukin mo siya ng kasal sa kanya." Nangangahulugan ito: Maging isa ka sa mga nag-aalok ng kasal; wala kang karapatan sa sarili niya dahil sa pagkalabas niya sa `iddah.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nag-angat noon ng ulo niya mula sa huling rak`ah, ay nagsasabi: "O Allah, iligtas Mo si `Ayyāsh bin Abī Rabī`ah. O Allah, iligtas mo si Salamah bin Hishām. O Allah, iligtas Mo si Al-Walīd bin Al-Walīd. O Allah, iligtas Mo ang mga pinahihinang kabilang sa mga mananampalataya. O Allah, tindihan Mo ang tapak Mo sa [liping] Muḍarr. O Allah, gawin Mo itong mga taon gaya ng mga taon [ng taggutom ni Propeta] Jose." Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "[Ang liping] Ghifār, nagpatawad si Allah sa kanila. [Ang liping] Aslam, nakipagpayapaan si Allah sa kanila." Nagsabi ang anak ni Abu Az-Zinād ayon sa ama niya: Ito, lahat ng ito, ay sa [dasal sa] madaling-araw.
Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nag-angat noon ng ulo niya mula sa huling rak`ah ng ṣalāh, ay nagsasabi: "O Allah, iligtas Mo si `Ayyāsh bin Abī Rabī`ah. O Allah, iligtas mo si Salamah bin Hishām. O Allah, iligtas Mo si Al-Walīd bin Al-Walīd. O Allah, iligtas Mo ang mga pinahihinang kabilang sa mga mananampalataya." Ang mga ito ay mga kasamahang dumalangin para sa kanila ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng pagliligtas at pagsagip laban sa parusa. Sila noon ay mga bihag sa mga kamay ng mga Kāfir sa Makkah. Si `Ayyāsh bin Abī Rabī`ah ay kapatid ni Abū Jahl sa isang alipin. Ikinulong siya ni Abū Jahl sa Makkah. Si Salamah bin Hishām ay kapatid ni Abū Jahl, at isang matagal na sa Islām. Pinagdusa siya alang-alang kay Allah at pinigilan siyang lumikas. Si Al-Walīd bin Al-Walīd ay kapatid ni Khālid bin Al-Walīd. Ikinulong siya sa Makkah. Pagkatapos ay nakatakas siya mula sa kanila. Pagkatapos ay nagsasabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "O Allah, tindihan Mo ang tapak Mo sa [liping] Muḍarr. O Allah, gawin Mo itong mga taon gaya ng mga taon [ng taggutom ni Propeta] Jose." Nangangahulugan ito: "O Allah, tindihan Mo ang pagpaparusa Mo at ang kaparusahan Mo sa mga Kāfir ng Quraysh, na kabilang sa liping Muḍarr. Ilagay Mo ang pagpaparusa Mo sa kanila sa pamamagitan ng pagpaparanas sa kanila ng malaking tagtuyot na pitong taon o higit gaya ng tagtuyot na nangyari sa mga araw ni Propeta Jose, sumakanya ang pangangalaga. Karagdagan pa, ang tapak - ang pag-apak ng paa - ay maaaring isa sa mga katangian ni Allah alinsunod sa ḥadīth na ito subalit tayo ay hindi nakatagpo ng isa sa Matuwid na Ninuno o maaalam ng mga Muslim na nagturing dito na kabilang sa mga katangian ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, kaya maipakakahulugan ang "tapak" bilang kabagsikan at pagpaparusa. Ang pag-uugnay nito kay Allah, pagkataas-taas Niya, ay dahil sa ito ay gawa Niya at pagtatakda Niya. Si Allah ay higit na nakaaalam. Pagkatapos ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "[Ang liping] Ghifār, nagpatawad si Allah sa kanila..." ay maipakakahulugang isang panalangin para sa kanila ng pagpapatawad o bilang isang pagpapabatid na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nagpatawad na sa kanila. Gayon din ang sabi niya: "[Ang liping] Aslam, nakipagpayapaan si Allah sa kanila..." ay maipakakahulugang isang panalangin para sa kanila na makipagpayapaan sa kanila si Allah, pagkataas-taas Niya, at hindi Siya nag-uutos ng digmaan laban sa kanila, o ito ay nagiging isang pagpapabatid na si Allah ay nakipagpayapaan nga sa kanila at nagbawal sa digmaan laban sa kanila. Itinangi lamang ang dalawang liping ito sa panalangin dahil ang liping Ghifār ay yumakap sa Islām dati na at ang liping Aslam naman ay nakipagpayapaan sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. "Nagsabi ang anak ni Abu Az-Zinād ayon sa ama niya: Ito, lahat ng ito, ay sa [dasal sa] madaling-araw." Nangangahulugan ito: "Na siya ay nagsanaysay buhat sa ama niya ng ḥadīth na ito sa pamamagitan ng Kawing ng Pagkasanaysay (Isnād) na ito at nilinaw na ang nabanggit na panalangin ay nangyari sa dasal sa madaling-araw."
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya nu Allah at pangalagaan-Katotohanang binanggit niya ang isang lalaki mula sa Anak ng Israel,Nakiusap ang ilan sa mga Anak ng Israel na pahiramin ito ng Isang-libong Dinar,Nagsabi siya:Kumuha ka ng mga saksi na ipapasaksi ko ito sa kanila,Ang sabi niya; Sapat na si Allah bilang saksi,Nagsabi siya;Kumuha ka ng Taga-panagot,Ang sabi niya; Sapat na si Allah bilang Taga-panagot.Ang sabi niya; Katotohanan ang sinabi mo,At binayaran niya ito sa kanya sa palugit na natatakdaan.Lumabas siya sa karagatan upang bayaran ang pangangailangan nito,pagkatapos ay naghanap ito ng masasakyan na sasakyan niya at ibibigay niya ito sa kanya, sa palugit na naitakda nito,wala siyang nakitang masakyan,kaya`t kumuha siya ng kahoy at binutasan niya ito, at ipinasok niya rito ang Isang-libong Dinar at piraso ng papel para sa nagmamay-ari nito,pagkatapos ay inayos niya ang pinaglagyan nito,Pagkatapos ay pumunta siya sa dagat,at nagsabi siya; O Allah,katotohanang napag-alaman mo na ako ay nakahiram ng isang-libong Dinar kay pulano,Tinanong niya ako ng Taga-panagot,at sinabi kong; Sapat na si Allah bilang Taga-panagot,at nalugod siya sa Iyo,Tinanong niya ako ng saksi,at sinabi kong ;Sapat na si Allah bilang saksi,at nalugod siya sa Iyo,At tunay na nagsikap na makahanap ng masasakyan at ipapadala ko sa kanya ang nararapat na para sa kanya,ngunit wala akong nakita.Katotohanang ipinagtatagubilin ko sa Iyo (Allah) ito,itinapon niya ito sa dagat hanggang sa ito ay pumasok rito,Pagkatapos ay umalis na siya at nagpatuloy parin sa paghahanap ng sasakyan upang makapunta sa lugar niya,Lumabas ang lalaki na nagpahiram sa kanya,nag-aabang,marahil ay dumating ang sasakyan na nakapagdala ng pera niya,Hanggang sa nakakita siya ng kahoy,dinala niya ito sa pamilya niya upang gawing panggatong,at nang lagariin niya ito,nakita niya ang pera at ang piraso ng papel,pagkatapos ay dumating ang pinahiram niya,at nagbigay ng isang-libong Dinar,At nagsabi siya; Sumpa kay Allah,nagpatuloy ako sa pagsusumikap sa paghahanap ng sasakyan upang maibigay ko sa iyo ang pera mo,ngunit wala akong natagpuang masasakyan bago paman dumating ang sinakyan kong ito,Ang sabi niya;Nagpadala ka ba para sa akin nang kahit na anong bagay?Sinabi niya;Sinabi ko na sa iyo na wala akong nakitang sasakyan bago pa dumating ang nasakyan ko rito,Nagsabi siya; Katotohanang si Allah ay nagbayad sa iyo ng isang-libong Dinar sa pamamagitan ng pagpapadala mo nito sa kahoy,kayat kunin mo ang iba pa na isang-libong Dinar na dinala mo rito dahil sa katapatan mo))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNabanggit ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang isang lalaki mula sa mga Anak ng Israil ay naki-usap sa ibang lalaki mula sa Anak ng Israel na pahiramin ito ng isang-libong Dinar,Ang sabi sa kanya ng lalaki;Kumuha ka ng mga saksi na magsasaksi na tunay na kumuha ka sa akin ng isang-libon Dinar,Ang sabi ng lalaki na gutong manghiram;(( Sapat na si Allah bilang saksi)); ibig sabihin ay sapat na sa iyo at sapat na sa akin na si Allah ang saksi sa atin.Ang sabi ng lalaki sa kanya;Kumuha ka ng Taga-panagot na mananagot sa iyo.nagsabi siya;(( Sapat na si Allah bilang Taga-panagot)) ibig sabihin ay; sapat na sa iyo na siya ang maging Taga-panagot. Ang sabi niya sa kanya; Katotohanan ang sinabi mo.Binigyan niya ito ng isang-libong Dinar na may oras na palugit.Umalis ang nanghiram at sumakay ng saakyang pangdagat na may dala-dalang pera rito.At nang dumating ang napagkasunduang palugit sa pagbayad ng utang,naghanap ito ng masasakyan na sasakyan niya upang ibigay ang ipinahiram sa kanya,ngunit wala itong natagpuang masakyan.Kumuha siya ng kahoy at binutasan ito at ipinasok rito ang isang-libong Dinar at kapirasong papel para sa nag-mamay-ari nito at isinulat rito na;Mula kay pulano,at para kay pulano.Katotohanang binayaran ko ang pera mo sa Taga-panagot na mananagot sa akin.pagkatapos ay pinantay niya ang lalagyang butas at inayos ito,pagkatapos ay itinapon ang kahoy sa dagat,at nagsabi;O Allah napag-laman mong na akoy nanghiram kay pulano ng isang-libong Dinar,tinanong niya ako ng Taga-panagot; at sinabi kung Sapat na si Allah bilang Taga-panagot,at nalugod siya sa Iyo.At tinanong niya ako ng saksi at sinabi kong; sapat na si Allah bilang saksi,at nalugod siya sa Iyo,at katotohanang nagsumikap ako na makahanap ng masasakyan upang ipadala ang pananagutan ko sa kanya ngunit wala akong nakita.at iiwan ko sa iyo ito bilang tagubilin at tiwala,pagkatapos ay itinapon niya ito sa dagat hanggang sa nakapasok ito rito,pagkatapos ay umalis siya ngunit nagpatuloy parin siya sa paghahanap ng masasakyan upang makarating sa lugar na pinagkautangan nito ng isang-libong Dinar,Inakala niya na ang unang ginawa niya ay hindi pa sapat,Ngunit ang lalaki na nagmamay-ari ng pera,ay lumabas sa (panahon) napagkasunduan,nag-aabang na marahil ay may dumating na sasakyan na dala-dala ang pera nito na ipinahiram niya sa lalaki,nagbabaka-sakali na ipinadala niya ito sa isang tao o dinala niya mismo sa sarili nito,ngunit hindi siya nakakita ng sasakyan,ngunit nakita niya ang kahoy na naglalaman ng pera dinla niya ito sa pamilya niya upang gawing panggatong sa pangluto at walang siyang kaalam-alam na may pera sa loob nito,at ng putulin na niya ito gamit ang lagari,nakita niya ang pera na para sa kanya,at ang pirasong papel na sinulatan ng lalaki para sa kanya,Hanggang sa dumating ang lalaking nanghiram at nagbigay ng iba pang isang-libong Dinar.Ang sabi ng nagpahiram sa kanya; Nagpadala kaba ng ilang bagay para sa akin? Nagsabi siya; Sinabi kona sa iyo na wala akong nakitang sasakyan bago pa dumating ang sinakyan kong ito,Ang sabi ng lalaking nagpahiram rito; Katotohanang si Allah ay nagbayad sa iyo ng isang-libong Dinar sa pamamagitan ng pagpapadala mo nito sa kahoy,kayat kunin mo ang iba pa na isang-libong Dinar na dinala mo rito dahil sa katapatan mo))
Ayon kay `Aliyah Bint Subay`a,Nagsabi siya:Mayroon akong mga Tupa sa Uhud,dumating rito ang kamatayan,Pumasok ako kay Maymunah,asawa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at nabanggit ko sa kanya ito,Nagsabi saakin si Maymunah:Kung kinuha mo lamang ang mga balat nito,at nagamit mo ito,Nagsabi siya: Ipinapahintulot ba ito? Nagsabi siya: Oo,Dumaan kay Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang mga kalalakihan mula sa Quraysh,na kinakaladkad nila ang mga tupa nila na tulad ng Asno,Nagsabi sa kanila ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kung kinuha kamang ninyo ang balat nito)) Nagsabi sila: Ngunit ito ay patay na? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Linilinisan ito ng Tubig at Qardh { buto ng punongkahoy na may tinik} )).
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapaalam ni `Aliyah bint Subay`a-Kaawaan siya ni Allah-na siya ay nagmamay-ari ng tupa,at namatay ito dahil sa sakit o maliban pa doon,pagkatapos ay pumunta at ipinaalam niya ito kay Maymunah-malugod si Allah sa kanya-at ipinaalam niya sa kanya ang pakikinabang niya sa mga balat nito.Nagsabi siya: Maari bang pakinabangan ang mga balat nito pagkatapos nitong mamatay? Nagsabi siya: Oo,maaari ito.Pagkatapos ay nagpatunay siya sa pagsabi niya sa kwento na may kahawig sa nangyari,at ito ay:Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay dumaan sa kanya ang mga kalalakihan mula sa mga Quraysh na kinakaladkad nila ang mga tupa nila tulad ng pagkaladkad nila sa mga Asno upang ipalayo ito at maitapon ito, O di kaya`y ito ay tulad ng Asno sa laki nito.Nagsabi sa kanila ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-; Kung pakikinabangan niyo lamang ito kapalit ng inyong pagtapon. Nagsabi sila: Tunay na ito ay patay na,At para bagang inaakala nila na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi niya nalalaman na ito ay patay na,at alam nila na ang patay na ay ipinagbabawal, ang lahat ng bahagi nito dahil sa pagiging marumi nito.Ipina-alam sa kanila ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang pangungulti rito sa pamamagitan ng tubig at Qardh { buto ng punongkahoy na may tinik} ay magiging, ang elemento nito na marumi ay magiging elemento na malinis.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Tasa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nabasag,naglagay siya sa lugar ng nabasag nang kable na yari sa pilak.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyMayroon sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang lalagyan at umiinom siya rito ng tubig,nagkahiwalay [nabasag] ito,Naglagay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng piraso nang pilak,at pinag-tagpi ang pagitan ng dalawang dulong nagkahiwalay.
Ayon kay Mu'āwiyyah bin Abē Sufyān-malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi,Sinabi ng Sugo ni Allāh-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:((Tunay na ang dalawang mata ay tulad ng sinulid sa butas ng puwet, kapag nakatulog ang dalawang mata,nakakalagan ang sinulid))
Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyAng kahulugan ng Hadith:"Ang dalawang mata ay tulad ng sinulid sa butas ng puwet" Ibig sabihin: Ang dalawang mata sa oras na gising ay napapangalagaan ang puwet, at nahahadlangan nito ang paglabas [sa anumang bagay] na lumalabas mula rito,At kapag may mga bagay na lumabas mula rito ay nararamdaman ito ng tao." At kapag nakatulog ang dalawang mata, nakakalagan ang sinulid" ibig sabihin; Ang tao kapag siya ay natutulog,nangyayari sa kanya ang pagpapahinga ng mga kalamnan sa katawan, kaya nakakalagan ang lubid na siyang nakatali sa butas ng puwet, at lumalabas mula rito ang hangin nang hindi ito nararamdaman.Kaya't ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay ihinalintulad niya ang mata sa lubid na itinatali sa mga lalagyan.Kapag ang dalawang mata ay nakamulat, ang lubid ay nakatali sa butas ng puwet,hanggang sa kapag may lumabas rito mula sa anumang bagay ay mararamdaman niya,At kapag nakatulog ang dalawang mata,makakalagan ang sinulid,at lalabas ang mga bagay na nasa ilalim ng bote na hindi niya namamalayan ang paglabas nito.At ito ay bahagi ng paghahalintulad at ito ay;Ganap na paghahalintulad mula sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-upang maging malapit ang Panuntunan ng Batas ng Islam sa pag-unawa.At ito ay kabilang sa mga kabuuang salita [kaunting salita na may maraming kahulugan] na siyang ipinagkaloob sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-Tawdīh Al-Ahkām (1/319) Tashīl Al-Ilmām (1/208)