





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya,na ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pagpalain ay nagsabi:sinabi ng isang lalaki,Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa.Inilabas niya ang kawanggawa niya at inalagay ito sa kamay ng magnanakaw. Kinaumagahan sila ay nag-uusap,:nagkawanggawa sa magnanakaw! Nagsabi siya: O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa,Inilabas niya ang kawanggawa niya at inalagay ito sa kamay ng Nangangalunya,Kinaumagahan sila ay nag-uusap:nagkawanggawa noong gabi sa nangangalunya! O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo sa nangangalunya! Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa. Inilabas niya ang kawanggawa niya at inalagay ito sa kamay ng mayaman,Kinaumagahan sila ay nag-uusap:nagkawanggawa sa mayaman? O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo sa magnanakaw at nangangalunya at mayaman!Dumating siya at sinabi sa kanya:Tungkol sa kawanggawa mo sa magnanakaw,harinawa siya ay magpigil sa pagnanakaw, At tungkol naman sa babaing nangangalunya, harinawa siya ay magpigil sa pangangalunya niya.At ang tungkol sa mayaman marahil ay makapag-isip siya na magkawang-gawa sa mga ibinigay sa kanya ni Allah.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinahayag sa atin ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagpapahayag mula sa mga pahayag ng mga sina-unang nasyon,upang mapulutan ito ng aral,nagsabi siya ayon sa kahulugan nito:Lumabas ang isang lalaki upang magbigay ng kawang-gawa,at hindi lingid sa ating kaalaman na ang kawang-gawa ay para sa mga dukha at mga mahirap,nailagay ang kawang-gawa niya sa kamay ng magnanakaw,kina-umagahan nag-usap ang mga tao,nagkawang-gawa noong gabi sa magnanakaw,at ang magnanakaw dapat ay pinaparusahan,at hindi dapat na bigyan o palaguhin ang kayamanan nito,nagsabi ang lalaking nagkawang-gawa;Ang lahat ng papuri ay kay Allah,dahi si Allah Napakamaluwalhati Niya,ay Kapuri-puri sa lahat ng sitwasyon,pagkatapos ay lumabas ang lalaki at nagsabi:Talagang magkakawang-gawa ako ngayong gabi,at nalagay ang kanyang kawang-gawa sa kamay ng babae na nangangalunya,at ito ay isang bagay na hindi matatanggap ng pag-iisip at pagka-likas.At nagsabi siya:Ang lahat ng papuri ay kay Allah,pagkatapos ay sinabi niya:talagang magkakawan-gawa ako ngayong gabi,-at para bang naisip niya na ang kawang-gawa niya sa una at pangalawa ay hindi katanggap-tanggap,nagkawang-gawa siya,at nalagay ito sa kamay ng mayaman,at ang mayayaman ay hindi kabilang sa mga taong dapat bigyan ng kawanggawa subalit ito ay kabilang sa mga taong binibigyan ng regalo at iba pang katulad nito,kina-umagahan nagusap ang mga tao,nagkawang-gawa sa mayaman!Nagsabi siya:Ang lahat ng papuri ay kay Allah,sa magnanakaw,at sa nangangalunya at sa mayaman.At gusto niya na malagay ang kawang-gawa niya sa kamay ng dukha na malinis ang pagkatao at matapat,Ngunit ang pag-uutos ni Allah ay isang kasasapitan na napag-pasiyahan na.at ang sabi sa kanya sa pamamagitan ng Propeta ng nasyon na ito:Na ang mga kawang-gawa mo na tatlo ay tinanggap,dahil ito`y dalisay,nakapag-intensiyon ng mas mainam,ngunit hindi ito naging madali sa kanya,Ang magnanakaw,harinawa na matigil sa pagnanakaw,at sasabihin niya na ang pera na ito ay sapat na sa akin,Ang nangangalunya,harinawa na matigil sa kanyang pangangalunya,dahil siguro kaya siya nangangalunya protektahan sana tayo ni Allah mula dito,ay dahil sa paghahangad ng pera at nakuha na niya ang sapat sa kanya para hindi na mangalunya,At ang mayaman harinawa na makapag-isip siya at gumugol mula sa ibinigay sa kanya ni Allah.
Ayon kay Abū `Alīy Suwayd bin Muqarrin, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Talaga ngang nakita ko na ako ay ikapitong anak mula sa mga anak ni Muqarrin. Wala kaming utusan maliban sa isang babaeng sinampal ng pinakabata sa amin kaya inutusan kami ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na palayain ito." Sa isang sanaysay: "ikapito sa mga kapatid ko"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid si Suwayd bin Muqarrin at nagsasabi: Ako noon ay isa sa pitong magkakapatid na mga anak ni Muqarrin. Lahat sila ay mga kasamahang lumikas. Walang isang nakahalo sa kanila sa kabuuan niyon. Hindi kami nagkaraoon ng nagsasagawa ng pagsisilbi sa aming pito maliban sa isang babaing alipin at sinampal pa iyon ng pinakabata sa amin. Kaya hiniling sa amin ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na palayain namin iyon mula sa pagkakaalipin upang ang pagpapalaya roon ay maging panakip-sala sa pananakit doon.
Ayon kay Kathir bin Ziyad,siya ay nagsabi:Sinabi sa akin ni Al-Azdiyyah-ibig sabihin ay si Mussah,siya ay nagsabi: Nagsagawa ako ng Hajj,pumasok ako kay Umm Salamah at sinabi kong: O ina ng mananampalataya,tunay na si Samurah bin Jundub ay nag-uutos sa kababaihan na palitan ang dasal ng nagreregla;Nagsabi siya:((Hindi ito pinapalitan; Ang babae mula sa mga asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - ay nananatili sa [kalagayang] bagong panganak nang apatnapong gabi,Hindi siya inuutusan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na palitan ang dasal ng bagong panganak)) at sa isang salaysay: ((Kami ay nagpupunas sa mga mukha namin gamit ang Wars [isang uri ng halaman],-ibig sabihin ay-mula sa maitim na dugo))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīyinabutan ng ina nating si Umm Salamah-maalugd si Allah sa kanya-ang pagbibigay fatwah ng marangal na kasamahan ng Propeta na si Samurah bin Jundub-malugod si Allah sa kanya-at ito ay naganap nang obligahan niya ang mga kababaihan na palitan ang dasal na naiwan sa panahon ng pagkaregla,sinabi niya-malugod si Allah sa kanya: (Hindi ito pinapalitan) Ibig sabihin ay ang pagdarasal,tulad ng ipinaliwanag niya-malugod si Allah sa kanya-sa pagbibigay niya ng fatwah na ito ,mula sa sinabi niyang: (Ang kababaihan mula sa mga asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nananatili sa [kalagayang] bagong panganak sa loob ng apatnapong gabi,Hindi ito inuutusan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na palitan ang dasal ng bagong panganak) at ang ipinapahiwatig sa mga kababaihan niya;ay hindi ang kanyang mga asawa-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa mga babae at mga kamag-anak,at tunay na ang mga kababaihan ay higit na [sumasaklaw] sa kalahatan kaysa mga asawa,dahil sa napabilang ang mga babae at mga kamag-anak sa ilalim nito,At naririto ang problima,at ito sa sinabi niyang:(ay nananatili sa [kalagayang] bagong panganak.)iyon ay dahil sa si Mussah ay nagtanong kay Umm Salamah-,malugod si Allah sa kanya-tungkol sa panuntunan ng pagdarasal sa kalagayan ng pagkaregla,at ipinaalam niya ang tungkol kay Samurah na siya ay nag-uutos nito,At sinagot ni Umm Salamah ang tungkol sa dasal ng bagong panganak. At ang sagot nito ay sa dalawang klase: Una: Ang ipinapahiwatig sa may regla rito ay ang bagong panganak,na siyang higit na may kaunting panahon mula sa pagkaregla,dahil ang regla ay nauulit sa isang taon nang labindalawang beses,samantalang ang bagong panganak ay hindi naging tulad nito,subalit ito ay higit na talagang kaunti mula rito,Nagsabi siya na ang Batas ng Islam ay nagpatawad sa [hindi] pagdarasal sa kalagayan ng bagong panganak kung saan ito ay hindi nauulit,papaanong hindi Siya magpapatawad sa kalagayan ng pagregla na siyang nauulit,Si Allah ang higit na nakakaalam.Sa sinabi niyang: (Kami ay nagpupunas sa mga mukha namin) ibig sabihin ay pinapahiran namin at ang pagpupunas,ang pagpahid Sa sinabi niyang: ( Alwars) Ang alwars ay halamang dilaw na kinukuha mula rito ang saffron para sa mukha, (-ibig sabihin ay-mula sa maitim na dugo) ito ay kulay sa pagitan ng itim at pula,at ito ay pulang [malagkit na] dugo na tumataas sa mukha at bagay na tumataas sa mukha
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Lumabas kami kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-wala kaming ibang binabanggit maliban sa pagsasagawa ng Hajj,hanggang sa dumating kami sa isang lambak [sa pagitan ng Meccah at Madinah],dinatnan ako ng regla.Pumasok sa akin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ako ay umiiyak,Nagsabi siya: (( Ano ang dahilan ng pag-iyak mo?));Nagsabi ako: Sumpa sa Allah,Ninais ko na sana ay hindi nalang ako lumabas [upang magsagawa ng Hajj] sa taong ito,Nagsabi siya:(( Ano ang nangyari sa iyo, marahil ay dinatnan ka ng Regla?)) Sinabi ko: Oo, Nagsabi siya:(( Ang mga bagay na ito ay naitakda ni Allah para sa mga babaing Anak ni Adam,Gawin mo ang anumang ginagawa ng Nagsasagawa ng Hajj,maliban sa Tawaff [Pag-ikot] sa Tahanan ni Allah,hanggang sa ikaw ay maging dalisay)) Nagsabi siya:At nang dumating ako sa Meccah,Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kasamahan niya (( Gawin ninyo itong `Umrah))Tinanggal ng mga tao ang kanilang mga suot na Ihram,maliban sa sinumang sa kanya ay may Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],Nagsabi siya: At ang Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay] ay kasama sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Abu Bakar,`Umar at sa mga mayayaman.Pagkatapos ay nagsagawa sila ng Talbiyah sa oras ng pag-alis nila,Nagsabi siya:At nang dumating ang Araw ng Pagkatay,naging dalisay ako.Nag-utos sa akin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsagawa ako ng Tawaf na Ifadah,Nagsabi siya:Ibinigay sa amin ang karne ng baka,Nagsabi ako:Ano ito? Nagsabi sila: Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay] ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga Asawa niya mula sa karne ng baka,At nang dumating ang gabi ng Maliliit na bato [Gabing paglisan ng mga Tao mula sa Mina patungo sa Meccah],Nagsabi ako;O Sugo ni Allah,magsisi-uwian ang mga tao na nakapagsagawa ng Hajj at `Umrah,at ako ay uuwi na nakapagsagawa ng Hajj lamang?Nagsabi siya:Inutusan niya si `Abdurrahman bin Abu Bakar,pinasunod siya sa akin gamit ang kamelyo niya,Nagsabi siya:Natatandaan ko,noong ako ay dalaga pa,at nasa murang edad pa,Inaantok ako at tumatama ang mukha ko sa siyahan [upuan sa likod ng kamelyo o kabayo], hanggang sa dumating kami sa Tan`em,Nagsagawa ako rito ng Talbiyah para sa Umrah,bilang kabayaran sa pagsasagawang `Umrah ng mga tao,sa lugar na kung saan ay isinagawa ng mga Tao ang kanilang `Umrah.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng Hadith ni `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya.-"Lumabas kami kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-wala kaming ibang binabanggit maliban sa pagsasagawa ng Hajj" ibig sabihin ay-mula sa Madinah-At ang paglabas niya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay sa araw ng Sabado mula sa natitirang limang gabi ng Zul Qa`dah,pagkatapos niya magdasal rito ng Dhuhr na apat na tindig,Pagkatapos ay umalis siya patungo sa Zul Hulayfah,nag-alay siya rito ng dasal nang dalawang tindig. "Wala kaming ibang binabanggit maliban sa pagsasagawa ng Hajj" At sa ibang salaysay: "Wala kaming ibang naiisip maliban sa pagsasagawa ng Hajj" Ngunit naisalysay ito sa ibang Tumpak na Hadith:" Kabilang sa amin ang nagsagawa ng Talbiyah para sa Umrah,at kabilang sa amin ang nagsagawa ng Talbiyah para sa Hajj,At kabilang ako sa mga nagsagawa ng Talbiyah para sa Umrah" At dahil rito:Ang pagsasabi niya-mlugod si Allah sa kanya-nang: "Wala kaming ibang binabanggit maliban sa pagsasagawa ng Hajj" at "Wala kaming ibang naiisip maliban sa pagsasagawa ng Hajj": ay hindi lumalabas sa mga sumunod: Unang kalagayan: Ninais niya rito ang pagsasagawa ng Hajj na obligado mula sa nakasanayang pagsasagawa ng Hajj, at hindi ang pagpapahayag sa mga uri ng gawain nito,kung saan ay isingawa nila ang Ihram. Ang ikalawang Kalagayan:Ninais niya ito sa paglabas nila at bago sila dumating sa Miqat at pagpasok sa pagsasagawa ng Ihram.Ang Ikatlong Kalagayan:Ninais niya ito para sa kalagayan ng mga ibang kasamahan niya,at hindi niya iniisip ang para sa sarili niya. "Hanggang sa dumating kami sa isang lambak [sa pagitan ng Meccah at Madinah],Ang kahulugan: Hanggang sa nakarating sila sa isang lugar na tinatawag na "Sarif" [Lambak],ito ay lugar na malapit sa Meccah " Dinatnan ako ng Regla" Ang kahulugan: Dinatnan siya ng Regla-malugod si Allah sa kanya- "Pumasok sa akin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ako ay umiiyak,Nagsabi siya: (( Ano ang dahilan ng pag-iyak mo?));Nagsabi ako: Sumpa sa Allah,Ninais ko na sana ay hindi nalang ako lumabas [upang magsagawa ng Hajj] sa taong ito" Dahil sa nangyari sa kanya mula sa mga [naganap na] pangyayari,kaya umiyak siya-malugod si Allah sa kanya-at pinangarap niya na hindi siya nagsawa ng Hajj kasama nila sa Taong na ito;Dahil sa pag-aakala niyang kapag siya ay dinatnan ng regla ay mapuputol sa kanya ang mga gawain ng nagsasagawa ng Hajj,at mawawala sa kanya ang mga kabutihang ito."Nagsabi siya:((Ano ang nangyari sa iyo, marahil ay dinatnan ka ng Regla?))"ibig sabihin ay Nagregla "Sinabi ko: Oo, Nagsabi siya:(( Ang mga bagay na ito ay naitakda ni Allah para sa mga babaing Anak ni Adam))" Ibig sabihin ang Pagreregla ay bagay na naitakda at naisulat sa mga babaing anak ni Adam,Ito ay hindi sa iyo lamang [nangyayari],at ito ay wala sa mga kamay mo,kaya walang dahilan para sa pag-iyak."Gawin mo ang anumang ginagawa ng Nagsasagawa ng Hajj,maliban sa Tawaff [Pag-ikot] sa Tahanan ni Allah,hanggang sa ikaw ay maging dalisay))" Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang pagreregla ay hindi makakapigil sa kanya sa pagpapatuloy sa gawain niya sa Hajj,at hindi siya magtatanggal ng Ihram niya,at siya ay magsasagawa ng anumang gawain ng isinasagawa sa Hajj,tulad ng Pagtayo sa `Arafah,Mina,Muzdalifah,at Paghagis ng maliliit na bato,at ang iba pang natitirang gawain sa pagsasagawa ng Hajj,maliban sa Pag-sasagawa ng Tawaf [pag-ikot sa Tahanan ni Allah],sapagkat ipinababawal ito sa kanya hanggang siya ay maging dalisay siya mula sa pagkaregla at makaligo."Nagsabi siya:At nang dumating ako sa Meccah,Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kasamahan niya ((Gawin ninyo itong `Umrah))"Ibig sabihin: Nang dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Meccah,Ipinag-utos niya sa sinumang hindi nakapag-alay ng Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],na gawin nila ang Ihram nila na para sa Umrah,Sinuman ang nagsagawa ng Ihram para sa Hajj,at hindi nakapag-alay ng Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],sapagkat tunay na baliktarin niya ang Ihram niyang para sa Hajj at [gawin niyang] para sa `Umrah,Magsagawa siya ng Tawaf,Sa`ye,at magputol,Pagkatapos ay tatanggalin niya ang Ihram niya,At sa isang salaysay ni Imam Muslim: "Ipinag-utos sa amin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na magtanggal ng Ihram sa amin ang sinumang walang [kakayahang mag-alay ng Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay], Nagsabi siya: Sinabi namin:Alin ang tatanggalin? "Nagsabi siya: "Ang lahat ay tatanggalin" Nagsabi siya:Nagtanggal [ng Ihram] ang mga tao maliban sa sinumang may Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],Nagsabi siya:sapagkat ang Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay] ay kasama sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Abu Bakar,`Umar at sa mga mayayaman" Ibig sabihin:Tunay na sinuman ang wala sa kanya ang Hadiy [Kakatayin,na bilang pag-alay] tatanggalin ang suot nilang Ihram pagkatapos nilang magsagawa ng Tawaf,Sa`ye,Pagputol ng buhok.At nanatili ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-si Abu Bakar,at `Umar- malugod si Allah sa kanilang dalawa-at sa mga nakapag-alay ng Hadiy [Kakatayin,na bilang pag-alay] mula sa mga pinayaman ni Allah,Nanatili sila sa suot nilang Ihram; Dahil sa sila ay nakapag-alay ng Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],at sinuman ang mag-alay ng Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],ay hindi ipinapahintulot sa kanya na ipawalang bisa ang Ihram niya para sa `Umrah,Dahil sa sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:" Kung hindi lang ako ay nakapag-alay ng Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],tunay na ginawa ko ang tulad ng ipinag-utos ko sa inyo" "Nagbaliktad ako:Pagkatapos ay nagsagawa sila ng Talbiyah sa oras ng pag-alis nila" Ibig sabihin: Sa yaong nakapagsagawa ng Tawaf,Sa`ye at nagapaputol ng buhok,Nagsagawa sila ng Talbiyah para sa Hajj sa oras ng pag-alis nila papunta sa Mina,at ito ay sa araw ng Tarwiyah,ang ika-walong araw sa Buwan ng Zul Hijjah."Nagsabi siya:At nang dumating ang Araw ng Pagkatay,naging dalisay ako"Ibig sabihin ay: Naging dalisay siya mula sa pagkaregla niya sa Araw ng Pagkatay,at ito ay sa ika-sampung araw sa Buwang ng Zul Hijjah,Tinawag ito sa [Pangalanag ito];Dahil sa pagkatay sa mga Hayop na kakatiyin[bilang pag-aalay]."Nag-utos sa akin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsagawa ako ng Tawaf na Ifadah" ibig sabihin;Pagkatapos niyang maging dalisay mula sa pagkaregla niya-malugod si Allah sa kanya-sa Araw ng pagkatay,Ipinag-utos sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na magsagawa ng Tawaf na Ifadah,at ginawa niya ito."Nagsabi siya: Ibinigay sa amin ang karne ng baka,Nagsabi ako: Ano ito?"ibig sabihin:Ipinadala para sa kanya at sa mga naging kasama niya mula sa mga kabaabaihan,ang karne ng baka,pagkatapos ay itinanong niya ito."Nagsabi sila: Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay] ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga Asawa niya mula sa karne ng baka" Ibig sabihin ay:Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay Nagkatay sa bawat isa sa mga Asawa niya nang baka,"At nang dumating ang gabi ng Maliliit na bato [Gabing paglisan ng mga Tao mula sa Mina patungo sa Meccah]," Ibig sabihin: Nang dumating ang gabi ng pagbaba mula sa Mina,at ito ang gabi, pagkatapos ng Araw ng Tashriq;At tinawag ito rito;sapagkat nagsi-alisan sila mula sa Mina at bumaba sila sa pinagkukunan ng maliliit na bato at natulog sila rito.At sa [naisalaysay ni Imam Al-Bukhari:"Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpahinga ng mahimbing sa pinagkukunan ng maliliit na bato,pagkatapos ay sumakay siya papunta sa Tahanan ni Allah at nagsagawa siya ng Tawaf rito" " Nagsabi ako: O Sugo ni Allah,magsisi-uwian ang mga tao na nakapagsagawa ng Hajj at `Umrah,samantalang uuwi ako na nakapagsagawa ng Hajj lamang?" Ibig sabihin:Magsisi-uwian sila na nakapagsagawa ng Hajj na pinaghiwalay at Umrah na pinaghiwalay;sapagkat sila ay nagsagawa ng Tamattu` na Hajj,,Samantalang ako ay uuwi at hindi ako nakapagsagawa ng Umrah na pinaghiwalay;sapagkat siya ay nagsagawa ng Qarin na Hajj,At ang Umrah ng mahihirap ay nasa loob ng Hajj isinasama. At sa salaysay ni Imam Muslim:" Magsisi-uwian ang mga tao na may dalawang gantimpala,samantalang ako ay uuwi na may isang gantimpala lamang" Ninais niya na magkaroon siya ng Umrah na nakahiwalay sa Hajj,tulad ng ginawa ng mga ibang Ina ng mga mananampalataya,at ang iba pa sa kanila mula sa mga kasamahan ng Propeta-silang nagpawalang-bisa sa Hajj at pinalitan ng Umrah,at ipinagpatuloy nila ang pagssasagawa ng Umrah,at tinanggal nila ang Ihram[pagkatapos ng Umrah] rito bago ang araw ng Tarwiyyah,Pagkatapos ay nagsuot sila ng Ihram para sa pagsasagawa ng Hajj,mula sa Meccah sa araw ng Tarwiyyah,kaya nakamit nila ang Umrah na pinaghiwalay at Hajj na pinaghiwalay, Ngunit si `Aishah ay nagkamit lamang ng Umrah na kasama sa pagsasagawa ng Hajj sa Qiran.Nagsabi sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw ng paglisan,sapat na sa iyo ang Tawaf mo para sa Hajj at Umrah mo, Ibig sabihin; Naging ganap at ginantimpalaan ang lahat ng ito sa iyo,Tumanggi siya at ninais niyang magsagawa ng Umrah na nakahiwalay,tulad ng ginawa ng ibang mga tao."Nagsabi siya:Inutusan niya si `Abdurrahman bin Abu Bakar,pinasunod siya sa akin gamit ang kamelyo niya" Ibig sabihin: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos sa kapatid niyang si `Abdurrahman bin Abu Bakar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-na samahan niya itong lumabas sa Tan`em,upang masamahan ito sa pagsasagawa ng Umrah.upang maging katulad ng ibang tao,kaya pinasunod niya ito sa likod niya-malugod si Allah sa kanya-tulad ng naisalaysay ni Imam Muslim sa ibang [salaysay],"Nagsabi siya:Natatandaan ko,noong ako ay dalaga pa,at nasa murang edad pa,Inaantok ako at tumatama ang mukha ko sa siyahan [upuan sa likod ng kamelyo o kabayo]"Ibig sabihin:Sa oras na pinasunod siya ni `Abdurrahman bin Abu Bakar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-sa likod niya,at umalis sila patungo sa Tan`em,siya ay inaantok,hanggang sa nahuhulog ang ulo niya dahil sa indi ng antok niya,at tumatama ito sa siyahan [ng kabayo],"Hanggang sa dumating kami sa Tan`em,Nagsagawa ako rito ng Talbiyah para sa Umrah,bilang kabayaran sa pagsasagawang `Umrah ng mga tao, sa lugar na kung saan ay isinagawa ng mga Tao ang kanilang `Umrah."Iibg sabihin : Nang dumating silang dalawa sa Tan`em-Nagsagawa siya ng Talbiyah-malugod si Allah sa kanya-para sa Umrah na nakahiwalay sa mga gawain niya,sa lugar ,kung saan ginanap ng mga tao ang kanilang Umrah. At sa ibang salaysay sa Sahihayn;Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi sa kanya pagkatapos niyang isagawa ang Umrah: " Ito ang lugar kung saan ay gaganapin mo ang Umrah" Ibig sabihin: Ang Umrah na ito,ay ang lugar ng Umrah kung saan ay ninanais mong makamit ang Umrah mong nakahiwalay,hindi kasama sa Hajj,ngunit nahadlangan ka ng Pagkaregla sa pagsasagawa nito.
Ayon kay Jābir, malugod si Allāh sa kanya.-siya ay nagsabi: Lumabas kami para sa paglalakbay,tinamaan ng bato ang isang lalaki mula sa amin ,at nasugatan ito sa ulo.Pagkatapos ay nanagiginip siya [nakikipagtalik] at nagtanong siya sa mga kasamahan niya,siya ay nagsabi: Mayroon ba kayong nakikitang pagpapahintulot sa akin para sa [pagsasagawa ng] Tayammum?Nagsabi sila: Wala kaming nakikita sa iyo na pagpapahintulot habang ikaw ay may kakayahan sa paggamit ng tubig,naligo siya at ikinamatay [niya ito],at nang dumating kami sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ipinaalam namin ito,at sinabi niyang: ((Pinatay nila ito,naway patayin din sila ni Allah,Hindi ba sila maaaring magtanong kung hindi naman nila ito napag-alaman,dahil ang lunas sa kamang-mangan ay ang pagtatanong,Sapat na sana sa kanya ang magsagawa ng Tayammum,at-magpunas gamit ng damit-o balutin -ang sugat sa tela,pagkatapos ay punasan niya ito,at maghugas sa natitirang parte ng katawan nito))
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudIpinapaalam ni Jabir-malugod si Allah sa kanya-na sila ay lumabas para sa paglalakbay,tinamaan ang isang lalaki mula sa kanila ng bato,at nasugatan ang ulo nito,pagkatapos ay nanaginip siya [naging junub] nagtanong siya sa mga kasamahan niya tungkol sa pagpapahintulot sa paggamit ng tayammum kapalit ng tubig mula sa paghugas sa mga parte [ng katawan],"Nagsabi sila:wala kaming nakikita sa iyo na pagpapahintulot habang ikaw ay may kakayahan sa [paggamit] ng tubig,naligo siya at ikinamatay niya [ito],"Ibig sabihin ay: Hindi ipinapahintulot sa kanya ang pagsasagawa ng tayammum sa kalagayang ito,dahil sa mayroon tubig,at ang pinapahintulutan lamang sa pagsasagawa ng tayammum ay ang walang matagpuang tubig,subalit sa pagkakaroon nito,ay hindi ipinapahintulot sa iyo.Pagkatapos ay naligo siya,at naapektuhan ang sugat niya sa tubig,at ikinamatay niya ito,-malugod si Allah sa kanya-At nang dumating sila sa Madinah,ipinaalam nila ito sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang nangyari,Pinintasan niya sila sa pagkasabi niya ng :"Pinatay nila ito,naway patayin din sila ni Allah"Ipinalangin sila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sila ang naging dahilan sa pagkamatay nito, dahil sa maling kasagutan nila. "Hindi ba sila maaaring magtanong kapag hindi nila ito napag-alaman" Ibig sabihin: Ang nararapat sa kanila ay magtanong at hindi magmadali sa pagbibigay ng kasagutan,dahil sa ang magiging kasunod nito ay kapinsalaan sa iba,tulad ng nangyari," Sapagkat ang lunas sa kamangmangan ay ang pagtatanong" Walang kakayahan sa pagsagot : Kamangmangan;Ang kahulugan ay:Bakit hindi sila nagtanong kung wala silang kaalaman rito,sapagkat ang lunas sa kamangmangan ay ang pagtatanong,kapag ang tao walang kaalaman sa panuntunan sa Batas ng Islam,Ang lunas sa kamangmangan na ito ay ang magtanong,at huwag magsagot ng anumang bagay na magiging dahilan ng pagkapinsala o kapahamakan ng mga tao.Pagkatapos ay ipinaalam sa kanila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang Panuntunan sa Batas ng Islam sa talakayan na ito,sa pagkasabi niya ng : "Sapat na sana sa kanya ang magsagawa ng Tayammum,at-magpunas gamit ng damit-o balutin -ang sugat sa tela,pagkatapos ay punasan niya ito,at maghugas sa natitirang parte ng katawan nito"Ito ang nararapat sa kanya,na siyang naaangkop sa pangunahing batayan sa Islam,Subalit ang pagsasatungkulin sa kanya sa pagligo na siyang magiging dahilan ng pagkapinsala ng katawan niya at pagkawasak nito,o pag-kaantala ng paggaling niya,at ito ay salungat sa unang batayan ng Islam,At dahil dito;ipinapahintulot sa may sugat na hugasan lamang sa tubig ,ang ibang parte ng katawan nito,at punasan ang may sugat at sapat na ito, At ang tungkol sa pagsasagawa ng Tayammum,sa [kalagayang] may nakabalot sa sugat,ito ay hindi ipinapahintulot;Dahil ang pagsasagawa ng dalawang uri ng paglilinis sa isang katawan ay salungat sa batayan ng Islam,At marahil sa naisalaysay na Hadith-Si Allah ang higit na nakakaalam-na ang sugat ay nagkaroon ng matinding pangangailangan at nahihirapan o napipinsala siya sa pagtanggal nito;kaya ipinahintulot sa kanya ang pagsasagawa ng tayammum sa ibang parte ng sugat.O marahil na ang mga parte ng katawan na [hinugasan sa pagsasagawa ng] wudhu ay nasugatan,kaya hindi ito maaaring sa malagyan ng tubig,pinalitan niya ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tayammum kapalit ng paghugas ng ibang parte ng katawan.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya.-nagsabi siya: Lumabas ang dalawang lalaki sa paglalakbay,Dumating ang takdang-oras ng Pagdarasal at wala silang dalang tubig-kaya nagsagawa sila ng Tayammum [Pagdadalisay] sa pamamagitan ng malinis na lupa kaya nagdasal silang dalawa,Pagkatapos ay nakatagpo silang dalawa ng tubig sa oras na yaon,Kaya bumalik ang isa sa kanila sa Pagdarasal at pagsagawa ng Wudhu at hindi bumalik ang ikalawa,Pagkatapos ay dumating sila sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at binanggit nila ito sa kanya,Ang sabi niya sa hindi bumalik [sa pagdarasal at pagsagawa ng Wudhu ] Tumama ka sa Sunnah,At gagantimpalaan sa iyo ang pagdarasal mo)),At ang sabi niya sa yaong nagsagawa ng Wudhu at bumalik [sa pagdarasal]: (( Mapapasa iyo ang dalawang beses na gantimpala))
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyNagkunwento ang marangal na kasamahan ng Propeta na si Abe Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya.Sinabi niya:(Lumabas ang dalawang lalaki sa paglalakbay,Dumating ang takdang-oras ng Pagdarasal): Ibig sabihin ay:Sumapit ang oras nito.(wala silang dalang tubig-kaya nagsagawa sila ng Tayammum [Pagdadalisay] sa paamagitan ng malinis na lupa);ibig sabihin ay layunin nilang dalawa sa kabilang dakong naitakda,o nagsagawa silang dalawa ng Tayammum [pagdadalisay] sa pamamagitan ng malinis na lupa, (kaya nagdasal silang dalawa,Pagkatapos ay nakatagpo silang dalawa ng tubig sa oras na yaon,Kaya bumalik ang isa sa kanila sa Pagdarasal na may pagsagawa ng Wudhu) Maaaring inakala nilang dalawa na ang unang[isinagawa niya] ay hindi tatanggapin;o ito ay dobleng pag-iingat, ( At hindi bumalik ang ikalawa);Batay sa inakala niya na ang isinagawa niya ay tumpak,(Pagkatapos ay dumating sila sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at binanggit nila ito sa kanya) ibig sabihin ay;Kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa,Ang sabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalaaan- sa hindi bumalik [sa pagdarasal at pagsagawa ng Wudhu ] (Tumama ka sa Sunnah),ibig sabihin ay;Tumama ka sa batas ng Islam na pinagpanatili sa Sunnah;(At may gantimpala sa iyo ang pagdarasal mo) Bilang pagbibigay kahulugan sa nauna,at pagpapatibay sa kanya, At ang ikalawa:(Ang sabi niya sa nagsagawa ng Wudhu) ibig sabihin ay ;Pagdarasal (at bumalik); ibig sabihin sa pagdarasal sa yaong oras:((Mapapasa iyo ang dalawang beses na gantimpala)) ibig sabihin ay: Mapapasa iyo ang gantimpala sa pagdarasal na dalawang beses,At ang dalawang ito ay tumpak at may kaakibat na gantimpala,Katiyakan si Allah ay hindi niya hahayaaang mawala ang gantimpala ng sinuang gumagawa ng kabutihan,At dito ay may patnubay na kung saan ang paggawa sa [ isang gawain] na may kasamang pag-iingat ay higit na mainam,Tulad ng sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Iwanan mo ang mga bagay ng gumugulo sa iyo sa mga bagay na hindi gumugulo sa iyo))
Ayon kay Abu Dharr Jundub bin Janadah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu-:Naipon ang mga nadambong sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,nagsabi siya: (( O Aba Dharr,lumabas ka sa disyerto)) Lumabas ako ng disyreto sa Arrabadha,at ako ay naging junub,kaya nanatili ako ng lima at anim [na araw].Dumating ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: (( Abu Dharr)) .Nanahimik ako,Nagsabi siya: ((Mauulila sa ang iyon ina o Abu Dharr,Ang kapahamakan ay mapasa iyong ina)) Tinawag niya sa akin ang isang maitim na babaing katulong,dumating siya na may dalang malaking tabo na may tubig,linagyan niya ako ng dingding mula sa damit,at nagtago ako sa likod ng kamelyo,at naligo ako at para bang itinapon ako sa bundok,Nagsabi siya:((Ang malinis na buhangin ay siyang isinasagawang wudhu ng muslim kahit hanggang sampung taon,kapag nakatagpo ka ng tubig,ihaplos mo ito sa iyong balat,sapagkat ito ay higit na mabuti))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapaalam ng Hadith na ito ang isang katuruan mula sa katuruan ng pagiging magaan ng Panuntunan ng Islam,ito ay pagpapatnubay sa pagdadalisay ng Tayammum [paggamit ng buhangin] kapag walang natagpuang tubig.(Ang malinis na buhangin):Ibig sabihin ay ang alikabok ng lupa na malinis,at ang mga tulad nito na nasa ibabaw ng lupa mula sa mga uri nito.At pinangalanan ito rito,dahil ang mga anak ni Adan ay inaapakan ito at naglalakad sa ibabaw nito.(Ay siyang isinasagawang wudhu ng muslim) At sa salitang ito;ay ihinahalintulad ang malinis na buhangin sa tubig sa pagdadalisay.Binanggit ng Shari`ah ang Tayammum, na ito ay pagsasagawa ng wudhu dahil ito ang tumatayo bilang kapalit niya.At ang pagpapagaan na ito bilang kapalit ay itinutuloy hanggat mayroong nakikitang mabigat na kadahilanan.Dahil dito,sinabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga:(Kahit hindi siya makatagpo ng tubig sa loob ng sampung taon) o dalawampu,o tatlumpo o mahigit pa rito,Dahil ang ipinapahiwatig rito ay pagpaparami at hindi ang paglimitado.at kahit na makatagpo siya [ng tubig] subalit mayroong hadlang sa panlabas na karamdaman o Panuntunan ng Islam,.Ito ay nangangahulugan na ang pagsasagawa ng Tayammum ay tumatayo bilang kapalit ng pagsasagawa ng wudhu,kahit na ang pagdadalisay sa pamamagitan nito ay mahina,subalit ito ay pagdadalisay na kinakailangan upang maisaganap ang pagdarasal bago mawala ang [takdang] oras nito.At sa kabila nito, ang pagpapagaan na ito sa [pagsasagawa ng ]Tayammum,ay napuputol [o hindi ipinapahintulot] sa oras na may natagpuang tubig at may kakayahan sa paggamit nito;Dahil dito,ipinapatnubay ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Abu Dharr,ang pangangailangan sa pagbalik ng pangunahing [panuntunanan] sa pagdadalisay-ito ang paggamit ng tubig- Nagsabi siya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga:(Kapag nakatagpo ka ng tubig,ibuhos mo ito sa iyong balat) Ibig sabihin ay: idampi mo ito rito at ibuhos mo ito rito sa pagdadalisay mula sa pagsasagawa ng wudhu o pagligo.At sa naisalaysay ni Imam Attermidhiy: " At kapag natagpuan ang tubig,ihaplos mo ito sa iyong balat,sapagkat ito ay higit na mabuti" Nangangahulugan na ang Tayammum ay nawawalan ng bisa,kapag natagpuan ang tubig at kung ito ay may kakayahan sa paggamit nito;Dahil ang kakayahan [sa paggamit ng tubig] ay siyang nais ipahiwatig sa pagkakaroon nito.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Lumabas ako kasama ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw ng Lunes sa Quba,At nang sumating kami sa tribo ni Salem,Tumayo ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pintuan ni `Etban,at sinigawan niya ito,Lumabas siya na kinakaladkad niya ang sarong nito,Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Nagmadali ka sa amin ang lalaki)) Nagsabi siya si `Etban: O Sugo ni Allah,Nababatid moba ang isang lalaki na nagmamadali sa asawa nito at hindi siya linabasan ng similya,ano ang nararapat para sa kanya?Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( Tunay na ang tubig ay nagmula sa tubig))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapaalam sa Hadith ni Saīd Al-Khudrī na ito:Na ang pagliligo ay magaganap mula sa paglabas (ng Tamud),Ang unang tubig ay ang naka-ugalian,at ang ikalawa, ay ang Tamud, At ang Hadith ay nagpapatunay sa pagpapahiwatig ng pagtatalaga nang walang paglligo maliban sa sinumang nilabasan,at walang Pagliligo sa paglalabis ng ari sa ari,ngunit ito ay pinawalng-bisa,At ang Pagliligo ay obligado sa nagtatalik kahit ito`y hindi linabasan,dahil sa Hadith:(Kapag nagkatagpo ang dalawang ari,tunay na na-obliga ang pagliligo.)
Ayon kay Azzuhrī nagsabi siya: Ipinahayag sa akin ni 'Urwah bin Al-Zubayr,Na si 'Āishah na asawa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nagsabi: Ipinagpahuli ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang gabi mula sa mga gabi ang pagdarasal ng Eishah,At siya ang may kagustuhan sa pagpapahuli,Hindi lumabas ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan hanggang sa sinabi ni 'Umar bin Al-Khattāb:Nakatulog ang mga kababaihan at ang mga bata [At sa isang salaysay: hanggang sa nakalipas ang buong gabi],Lumabas ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,nagsabi siya sa mga Tao sa Masjid nang siya ay lumabas sa kanila:(( Walang magpapahintay sa kanya na isa mula sa mga Nanahanan sa kalupaan maliban sa inyo)) at sa isang salaysay:((Katotohanang ito ay oras niya,Kung hindi lang ako makakapagpahirap sa Ummah ko)) at sa isang salaysay:((Kung hindi Lang ako makakapagpahirap sa Ummah ko)) at ito ay bago pa lumaganap ang Islam sa mga Tao.Nagsabi si Ibnu Shehāb: At binanggit sa akin:Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi: Hindi nararapat sa inyo na ipag-pawalang bahala ninyo Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ito sa oras ng tumawag si `Umar bin Al-Khattab.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Hadith na ito ang oras ng Pagdarasal sa Eishah na mainam,at ito ay sa huling Ikatlong una ng gabi,Ngunit siya -Sumakanya ang pangangalaga-ay hindi nagdadasal nito ng palagian sa ganitong oras ,bilang habag sa kanyang Ummah at bilang takot na mahirapan ang Ummah niya sa gawaing ito.