





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Rafie bin Khudayj-malugod si Allah sa kanya-na nagsabi;Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Ipasok ninyo ang dasal sa oras nang Subh na may katiyakan,Sapagkat ito ay may pinaka dakilang gantimpala sa inyo,O pinaka dakilang gantimpala))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmadipinag-utos sa atin ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na magdasal tayo ng dasal na Subh kapag pumasok ang (takdang-oras) ng Subh,pagkatapos ay ipinahayag niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ito ay may pinaka-dakila sa gantimpala,upang tiyakin ang pagpasok ng oras ng Subh.
Ayon kay Abe Juhayfah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Nakita ko si Bilal na tumatawag ng Azan,at lumilingon-lingon,at sinusundan niya ang bunganga nito,sa may banda rito at sa may banda rito,at ang dalawang daliri nito ay nasa dalawang tainga nito,at ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nasa kanyang simboryo-mayroon siyang damit -inaakala kong yari sa balat-Lumabas si Bilal na hawak-hawak ang maikling pat-pat,inilagay niya ito sa kalupaan na (nakapilbot sa Meccah),(( Nagdasai rito ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na dumadaan sa harapan niya ang Aso at ang Asno,at sa kanya ay may damit at sarong)) para akong tumitingin sa kumikinang na dalawang-binti nito, At sa isang salaysay;Nakita ko si Bilal na lumabas sa kalupaan na (nakapilbot sa Meccah),Tumawag siya ng Azan,at nang umabot siya sa "Humayo sa Salah", Humayo saTagumpay",inilingon niya ang leeg nito sa kanan at sa kaliwa,na hindi siya umiikot.
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at bumababa sa kapaligiran sa mataas (na antas na lugar sa)Meccah,Lumabas si Bilāl dahil sa kainaman ng pagsasagawa ng Wudhū ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagbati Ang mga tao sa kanya ng pagpapala,at Pagkatapos ay tumawag ng Āzān si Bilāl.Nagsabi si Abū Juhayfah: Ginawa kong sumunod ( sa pagtingin) sa bunganga ni Bilāl,At siya ay limilingon sa kanan at kaliwa sa pagsasabi niya ng "Humayo kayo sa Tagumpay" upang marinig ng mga Tao,Sapagkat ang dalawang salita ay nakatuon sa pagpunta sa pagdarasal.Pagkatapos ay tinutukan ko (Ang paghahanap) para kay Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng maikling palaso,upang maging pananggalang sa pagdarasal niya,Nagdasal siya ng Tanghali (Dhuhr) ng dalawang tindig,pagkatapos ay nagpanatili siya sa pagdasal sa Apat na tindig nang dalawang tindig lamang,hanggang sa nakabalik siya sa Madinah,dahil sa pagiging manlalakbay niya.
Sinabi ni Ali-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-(( Ang Tumatawag ng Azan ang siyang nagmamay-ari ng karapatan (sa pag-uutos) sa pagtawag ng Azan,at ang namumuno sa pagdarasal o Imam ay siyang nagmamay-ari ng karapatan (sa pag-uutos) ng pag-iqamah))
Isinalaysay ni Ibnu Abī Shaybah - Isinaysay ito ni Imam Al-Bayhaqie - Isinaysay ito ni `AbdurrazzāqIpinapahayag sa Marangal na Hadith na ang Tumatawag ng Azan ay karapat-dapat sa (pag-uutos ng) pagtawag ng Azan,at ang Imam ay karapat-dapat sa (pag-uutos ng) Iqamah.
Ayon kay Saed bin Al-Harith.Nagsabi siya:Tinanong namin si Jaber bin Abdullah mula sa pagdarsal ng isang damit? Lumabas ako kasama ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa ilang lakad nito,dumating ako isang gabi dahil sa ilang gawain ko,nadatnan ko siya nagdarasal,at ako ay may isang damit lang,pinagkasya ko ito at nagdasal ako sa tabi niya,,At nang matapos nagsabi siya:Anu ang sadya mo O Jaber? ipinaalam ko sa kanya ang kailangan ko,at ng matapos ako ay nagsabi siya:Anu ba ang pinagkakasya mo na nakita ko?-ito ay damit-ibig sabihin ay mahigpit-Nagsabi siya:(kung ito ay maluwag isuot ito sa buong katawan,at kung ito ay mahigpit,gawin itong sarong). At sa kay Muslim:Kung ito ay maluwag sa salungatin ang pagitan ng dulo,at kapag ito ay mahigpit,ay higpitan ito sa baywang mo.
Napagkaisahan ang katumpakanLumabas si Jaber malugod si Allah sa kanya kasama ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa mga ilang lakad nito,at nagkaoon siya ng pangangailangan kay propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang gabi,dumating siya upang ipaalam ito sa kanya,nadatnan niya ito na nagdarasal,at siya malugod si Allah sa kanya ay may suot ng isang damit lamang,pinagkasya niya ito,at inilagay ang dulo nito sa balikat at nagdasal siya sa tabi ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at ng matapos ito sa pagdarasal ay tinanong siya ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa dahilan ng pagdating niya sa ganitong huling-oras na,ng gabi,ipinaalam niya ang kailangan niya na siyang dahilan ng pagdating niya, at nang matapos niyang sabihin ang kailangan nito,ipinag-bawal sa kanya ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang pagpapakasya nito sa damit,dahil ito ay mahigpit,at iniutos nito na kung ang damit ay maluwag, ay maaari itong pagkasiyahin sa buo nitong katawan,sa itaas at sa ibaba,at ilagay niya ito sa balikat niya,at pag-tugunin ang dulo ng kaliwa sa balikat na kanan at pag-tugunin ang dulo ng kanan sa balikat na kaliwa,upang maging sarong at damit.matatakpan nito ang buong katawan niya,at ito ang mas-mainam sa pagtakip ng pribadong-bahagi ng katawan,at mas-maganda kung ito ay tingnan,at kung ang damit ay mahigpit at hindi ito maaaring gawing sarong at damit,gawin niya itong sarong at ito ay sa paghihihigpit sa baywang nito at takpan niya ang ibaba ng katawan niya.
Ayon kay 'Abdullah bin 'Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Katotohanang si Bilāl ay tumawag ng Āzān bago sumikat ang Fajr,Ipinag-utos sa kanya ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na bumalik at sabihin sa mga tao: (( Gayunpaman ang alipin ay nakatulog,Gayunpaman ang alipin ay nakatulog))
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudIpinapahayag sa Marangal na Hadith na kapag nagkamali ang nagtatawag ng Āzān sa oras ng Āzān,nararapat sa kanya na ipaalam niya sa mga tao ang pagkakamali niya,sapagkat ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay ipinag-utos niya kay Bilāl sa oras ng nagkamali siya na sabihin sa mga tao;Gayunpaman ang alipin ay nakatulog
Ayon kay Abr Zarr-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-((Kapag tumindig ang isa sa inyo sa pagdarasal,tunay na ang Habag ay humaharap sa kanya,kaya huwag siyang magpunas ng maliliit na bato)) At ayon kay Muayqib-malugod si Allah sa kanya-Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: Sa isang lalaki na nagpupunas ng alikabok sa kanyang pinagpapatirapaan,Nagsabi siya:((Kapag ginawa mo ito,ay sa isang beses lamang))
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.Sa Hadith ni Abe Zarr:Sa sinabi niya:(Kapag tumindig ang isa sa inyo sa pagdarasal) ibig sabihin ay kapag pumasok siya rito,at bago niya isagawa ang Takbiratul Ihram,hindi ito ipinagbabawal.Ngunit ang ipinagbabawal ay.batay sa sinabi niya:(huwag siyang magpunas ng maliliit na bato) huwag siyang [gumawa ng anumang] nakakasira sa kanyang pagdarasal,dahil sa maliit lamang na bagay,ibig sabihin ay dahil sa napapaloob rito na [magdudulot] ng pagkaputol sa pagharap sa pagdarasal,mawawala sa kanya ang Habag na nagiging sanhi ng hindi niya pagharap sa pagdarasal,at ito ay kapag wala ng pangangailangan sa pag-aayos sa lugar na pinagpapatirapaan,at kung hindi ay ipinapahintulot sa kanya sa isang beses,sa abot ng pangangailangan nito.At napag-alaman na ang maliit na bato ay siyang [maliliit na bato] at ang sinusukat sa maliit na bato,ay lumalabas sa linalabasan ng pangkalahatan,dahil ito,ay kadalasang nakikita sa mga karpet ng mga Masjid,at walang pagkakaiba sa pagitan nito at pagitan ng alikabok at buhangin,sa talakayang ito.Sa Hadith ni Mu`ayqib ,Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi siya:Sa isang lalaki na nagpupunas ng alikabok sa kanyang pinagpapatirapaan,Nagsabi siya:((Kapag ginawa mo ito,ay sa isang beses lamang))( Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi sa isang lalaki) ibig sabihin ay sa ginagawa ng isang lalaki na siyang nagtanong sa sarili niya na siya ay (Nagpupunas ng alikabok) ibig sabihin ay: Sa Pagdarasal,( Sa iyong pagpapatirapa?) ibig sabihin ay;Sa lugar na pinagpapatirapaan niya,o para sa pagpapatirapa niya rito.Sinagot ito-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga:((Kapag ginawa mo ito)),ibig sabihin ay: dahil ito kailangan mo (sa isang beses lamang);ibig sabihin;Gawin mo itong sa isang beses lamang,at hindi mo dadagdagan,At kinamumunghian niya ang mga maliliit na bato,maliban kung hindi siya nakakapagtirapa dahil sa mga bato,dahil sa pagkakaiba ng taas nito at baba nito ng marami.kaya hindi nagiging pantay sa kanya ang nararapat sa[paglalagay niya kanyang] noo,kaya papantayin niya ito ng isa o dalawang beses lamang.Dahil mayroon dalawang salaysay,Sa isang salaysay" papantayin niya ito ng isang beses lamang" sa isang salaysay:"Papantayin niya ito ng dalawang beses" At ang nakikitang hayag sa dalawang salaysay,ay pinapantay niya ito ng isang beses lamang,at hindi na niya ito dinadagdagan.At ang dahilan sa pagbabawal,ayon sa sinabi niya: (Spagkat ang Habag ay humaharap sa kanya) ibig sabihin ay: bumababa sa kanya at sumasalubong sa kanya.at ito ang dahilan sa pagbabawal.ibig sabihin ay hindi nararapat sa taong may pag-iisip,na magbigay ng pasasalamat sa yaong malaking biyaya,ng tulad ng ganitong gawaing kasuklam-suklam.Sinabi ito ni Attayibiy,At nagsabi si Ashawkaniy:Ang pagpapaliwanag na ito aynagpapahiwatig na ang layunin sa pagbabawal ng pagpupunas;ay upang hindi maging abala ang pag-iisip niya sa anumang bagay na magpapawala sa Habag na humaharap sa kanya,mawawala sa kanya ang magandang kapalan niya mula rito.
Ayon kay Abe Hurayrah.Nagsabi siya:Nagpadala ang Sugo ni Alla-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Kabayo sa mga Najd,Dumating ito sakay ng isang lalaking nagmula sa Tribo ng Hanifah na ang tinatawag sa kanya ay Thumamah bin `Uthal,ang pinuno ng Tribo ng Al-Yamamah,itinali nila ito sa haligi mula sa mga haligi ng Masjid,Lumabas sa kanya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?))Nagsabi siya: Mayroon ako O Muhammad,Kabutihan,Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,at kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka, ay mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Iniwan siya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-hanggang sa paglipas ng isang araw,Nagsabi siya: ((Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?Nagsabi siya: Tulad ng sinabi ko sa iyo, kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,at Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka ay mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Iniwan siya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-hanggang sa paglipas ng isang araw,Nagsabi siya: ((Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?Nagsabi siya: Walang mayroon sa akin maliban sa tulad ng sinabi ko sa iyo, kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,at Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka at mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Ang sabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Pakawalan niyo si Thumamah)),Humayo siya sa puno ng Palmera na malapit sa Masjid,at naligo siya,Pagkatapos ay pumasok siya sa Masjid at nagsabi siya: Ako ay sumasaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah,at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay alipin nito at Sugo nito; O Muhammad,Sumpa sa Allah,Wala sa ibabaw ng kalupaan,ang mukhang pinaka-mumunghi para sa akin maliban sa mukha mo,at tunay na ang pagmumukha mo ngayon ang pinaka-mamahal sa lahat ng mukha para sa akin,at walang ibang Reliyon ang pinakamumunghi para sa akin maliban sa iyong Relihiyon,at ngayon ay naging ang Relihiyon mo ang pinaka-mamahal sa lahat ng mga Relihiyon para sa akin,Sumpa kay Allah,Walang ibang Lugar, ang pinaka-mumunghi para sa akin maliban sa Lugar mo,at ngayon naging ang Lugar mo,ang pinaka-mamahal sa lahat ng Lugar para sa akin,at tunay na ang kabayo mo ay kumuha sa akin,at gusto kong magsagawa ng Umrah,ano sa tingin mo?Ibinalita sa kanya (ang magandang balita) ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ipinag-utos nito sa kanya na magsagawa ng Umrah,At nang dumating siya sa Meccah,nagsabi sa kanya ang tagapag-salita: Natulad ka ba sa kanya,Nagsabi siya:Hindi,Ngunit yumakap ako (sa Islam) kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At Hindi,! Sumpa kay Allah,Hindi darating sa inyo mula sa Yamamah ang kahit isang butil ng trigo hanggang sa ito`y ipahintulot ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng Hadith:Na ang Propeta-pagpaain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagpdala ng mga nangangabayo sa Najd sa pamumuno ni Muhammad bin Musallamah sa ika-sampo ng Muharram,Taong ika- anim ng Hejrah,Upang makipaglaban sa mga buhay ng Tribo ng Bakr kung saan ay kabilang sa kanila ang Tribo ng Hanifah,Napabagsak nila sila at tinalo nila sila,at nabihag nila si Thumamah bin `Uthal,at dinala nila siya sa Madinah,at itinali nila ito sa haligi mula sa mga haligi ng Mashid ng Propeta,Nagsabi sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:"Ano ang nasa iyo" ibig sabihin ay:Ano ang iniisip mong gagawin ko sa iyo?" Nagsabi siya:Mayroon akong kabutihan" ibig sabihin ay: wala akong iniisip sa iyo,at ako makikisalamuha sa iyo liban sa kabutihan,kahit na anong gawin mo sa akin,Sinabi ni Thumama : Kung ikaw ay papatay,papatay ka ng may kadugo" ibig sabihin:Kung papatayin mo ako mayroong mga taong magsasagawa ng paghihiganti sapagkat ako ay isang Pinuno ng Pamayanan,At sinasabi na ang ibig sabihin ay:Kapag pinatay mo ako ito ay makatarungan mula sa iyo,at hindi mo gagawin sa akin maliban kung ano ang nararapat sa akin;Dahil ako ay maghahangad ng dugo,kapag pinatay mo ako,pinatay mo ako sa batas ng Qisas (pagkakapantay-pantay sa kaparusahan) at hindi mo ako (gagawan ng bagay) na hindi makatarungan,magpakailanman. "at kapag kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat" ibig sabihin: Kapag nag-magadang-loob ka sa akin,sa pamamagitan ng pagpapatawad sa akin,Ang pagpapatawad ay mula sa likas ng pagiging mapagbigay,at hindi makakalimutan ang kabutihan mo sa akin,sapagkat nagpakabuti ka sa taong mapagbigay na nagpapanatili ng kabutihan.at hindi-hindi makakalimutan ang kabutihan magpakailanman.At sa sinabi ni Thumamah-malugod si Allah sa kanya-" At kapag inibig mo ang kayamanan"ang kahulugan ay: Kapag inibig mo na palayain ang buhay ko kapalit ang kayamanan " Maghiling ka sa anumang naisin mo" at mapapa sa iyo ang anumang hilingin mo.At pagkatapos ng pag-uusap na ito,Walang ginawa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kundi ang" iwan ito hanggang sa dumating ang kinabukasan.Nagsabi siya sa kanya: Ano ang nasa iyo o Thumamah?Sinabi niya: Tulad ng sinabi ko sa iyo" ang kahulugan ay: Iniwan niya itong nakatali sa haligi hanggang sa sumapit ang ikalawang araw,Inulit niya sa kanya ang unang tanong,at sinagot siya ni Thumama tulad ng sagot niya sa una,pagkatapos ay iniwan niya ito sa ikatlong araw,at inulit sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tanong,at sinagot siya ni Thumama ng parehong sagot,at nangsumapit na ang ikatlong araw,Nag-utos ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagsabi siya:"Pakawalan niyo si Thumamah" ibig sabihin ay: kalagan ninyo ang tali nito.at walang ginawa si Thumamah kundi ang "pumunta sa puno ng Palmera na malapit sa Masjid" ibig sabihin ay pumunta siya sa may tubig na malapit sa Masjid" Naligo siya,pagkatapos ay sinabi niyang:Ako ay Sumasaksi na walang ibang Diyos malaiban kay Allah" ibig sabihin ay; Ipinaalam niya ang pagyakap niya sa Islam at binigkas niya angDalawang Pagsasaksi,At ito ay salaysay ng Dalawang Katumpakan: Na si Thumamah ay naligo sa kagustuhan ng sarili niya at hindi sa pag-uutos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Pagkatapos ay inilabas ni Thumama ang naramdaman niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At sa Relihiyon nitong Hanif (Sumasamba sa Nag-iisang Diyos),at sa Lugar nitong Pinaka-mamahal,Al-Madinah An-Nabawiyyah,Nagsabi siya-malugod si Allah sa kanya-Wala ng mukha na pinaka-mumunghi para sa akin tulad ng (pagkamunghi ko) sa mukha mo,at ngayo`y naging, ang mukha mo, pagkatapos kong yumakap sa Islam, ang naging pinaka-mamahal sa lahat ng mukha para sa akin,Sapagkat nag-iba ang poot at pagka-munghi sa matinding pagmamhal na hindi napapantayan ng ibang pagmamahal."Walang ibang Reliyon ang pinakamumunghi para sa akin maliban sa iyong Relihiyon,at ngayon ay naging ang Relihiyon mo ang pinaka-mamahal sa lahat ng mga Relihiyon, para sa akin" At ganyan ang pagmamahal ng pananampalataya kapag naihalo sa masayahin nitong puso."Walang ibang Lugar, ang pinaka-mumunghi para sa akin maliban sa Lugar mo,at ngayon naging ang Lugar mo,ang pinaka-mamahal sa lahat ng Lugar para sa akin" Sapagkt ang pagmamahl ko sa iyo,ang siyang nagtulak sa akin na madagdagan angpagmamahal sa lugar mo,Pagkatapos ay sinabi niya:"Tunay na ang kabayo mo ang kumuha sa akin at gusto kong magsagawa ng Umrah,Ano sa tingin mo" ibig sabihin ay: Papayagan moba akong magsagawa ng Umrah? " Nagbigay siya ng magandang balita" na pinatawad ang lahat ng kasalanan niya,at sa mga kabutihan sa Mundo at sa kabilang buhay" At ipinag-0utos nito sa kanya na magsagawa ng Umrah,At nang dumating siya sa Meccah,nagsabi sa kanya ang tagapag-salita: Natulad kanaba sa kanya:"ibig sabihin ay: lumabas kanaba mula sa Relihiyon patungo sa ibang Relihiyon" Nagsabi siya: Hindi,Sumpa man kayAllah,Ngunit ako ay yumakap sa Islam kasama si Muhammad na Sugo ni Allah" Ibig sabihin ay: Nagunit iniwan ko ang lhat ng Relihiyong hindi makatotohanan at pumasok ako sa Tunay na Relihiyon." at Hindi,Sumpa kay Allah,Hindi darating sa inyo mula sa Yamamah kahit isang butil ng trigo hanggang sa ipagpahintulot ito ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa inyo,Pumunta siya sa Yamamah,at ito ay kabukiran ng Meccah,at Ipinagbawal sa kanila ang trigo hanggang sa naghirap ang mga Qurash,at sumulat sila sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-maki-usap sa mga kamag-anak nila na sumulat siya kay Thumamah,at ginawa niya ito,pagpalain siya ni Allah pangalagaan.
Ayon kay Hakēm bin Hizām-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfū-((Hindi isinasagawa ang Hudūd {Kaparusahan na itinalaga ni Allah} sa loob ng Masjid, at Hindi rin ang pagsasagawa ng Qisās {Batas ng pagkakapantay-pantay sa kaparusahan} rito)
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudIpinapahayag ng isang marangal na kasamahan ng Propeta na si Hakēm bin Hizām malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinagbawal ang: ( Ang isagawa sa loob nito ang Hudūd { Kaparusahan na itinalaga ni Allah}: Ibig sabihin;ang mga iba pa nito,na ibig sabihin ay: Pangkalahatan pagkatapos ng pagpili,ibig sabihin: Ang kaparusahan na itinalaga ni Allah na may koneksiyon kay Allah o sa mga anak ni Adan;Sapagkat matatagpuan rito ang uri ng pagiging hayag sa pagbabawal nito,at dahil din sa pagsasa-alang -alang sa dumi nito dahil sa sugat o (pagiging) Hindi dalisay nito,At gayundin,Sapagkat, kaya itinayo ang Masjid ay upang iganap rito ang Dasal at pag-aalaala,At Hindi upang isagawa (rito) ang Hudūd { kaparusahan na itinalaga ni Allah}.At ang Hadith ay nagpapatunay sa pagbabawal nang pagsasagawa sa Hudūd { Kaparusahan na itinalaga ni Allah} sa loob ng Masjid, at pagbabawal sa pagsasagawa ng Batas ng pagkakapantay-pantay sa kaparusahan} sa loob nito.Ibig sabihin: Ang Qisās ( Batas ng pagkakapantay-pantay sa kaparusahan), Sapagkat ang pagbabawal, ay tulad ng napag-alaman sa Sinasangguniang Hatol,Katotohan na ito ay ipinagbabawal,at hindi (maaring) mapalitan sa kanya ito (ng kahit ano) mula sa tunay nitong kahulugan
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi siya;Tinamaan si Saad sa araw ng Khandaq;tinamaan siya ng isang lalaki mula sa Quraysh,na tinatawag na Habban bin Al-`Araqah at siya ay si Habban bin Qays mula sa tribo ng Muays bin `Amer bin Luay,tinamaan niya ito sa hinlalaki,Gumawa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng tolda sa loob ng Masjid upang mabisita niya ito ng malapit.At nang bumalik ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa Khandaq,inilagay niya ang armas niya at naligo siya,Dumating sa kanya si Jibrel-Sumakanya ang pangangalaga-habang inaalis niya sa ulo niya ang mga alikabok,Nagsabi siya;Tunay na ibinaba mo ang armas;Sumpa kay Allah,huwag mo itong ibaba,Lumabas ka sa kanila,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Saan?Nagpahiwatig siya sa mga Tribo ng Qurayza" Dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ibinaba niya sa kanila ang hatol nila,Ipinagkatiwala niya ang hatol kay Saad;Nagsabi siya: Tunay na ihahatol ko sa kanila; Na Patayin ang lahat ng nakipaglaban,at bihagin ang mga kababaihan at mga kabataan,at Paghatian ang mga kayamanan nila,Nagsabi si Hisham;Ipinahayag sa akin ng Ama ko,buhat kay `Aishah; na si Saad ay nagsabi; O Allah,Tunay na alam Mo na wala ng iba na kaibig-ibig sa akin,maliban sa pakikipaglaban ko sa landas Mo,mula sa mga Taong nagpasinungaling sa Sugo Mo,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagtakwil sa kanya,O Allah,Katotohanang iniisip ko na tinapos Mo na ang paglalaban sa pagitan namin at pagitan nila,Kung mayroon pang natitirang pakikipaglaban sa mga Quraysh,ipagpanatili Mo ako rito,upang makipaglaban ako sa kanila,para sa Iyo,at kung itinigil Mona ang pakikipaglaban,Pasabugin ito at Gawin Mo ang kamatayan ko rito,sumabog siya dahi sa kapasiyahan niya at hindi na nila ito naalagaan,at sa loob ng Masjid ay may tolda mula sa Tribo ng Gafar,(wala silang nakita) maliban sa maraming dugong dumadaloy sa kanila;Nagsabi sila: O mga taong naninirahan sa tolda,Ano itong dumating sa amin mula sa una sa inyo?Kung-kaya`t si Saad,ay pumapatak sa sugat niya ang dugo,hanggang sa pumanaw siya rito-malugod si Allah sa kanya
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag sa marangal na Hadith ang kainaman ng isa sa dakilang kasamahan ng Propeta na si Saad bin Muaz, at siya ay ginawang ng tolda sa loob ng Masjid upang madalas itong mabesita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa sugat nitong natamo sa pakikipaglaban(sa landas ni Allah),At siya-malugod si Allah sa kanya-ay nagbigay ng hatol sa mga Tribo ng Qurayza,na sumasang-ayon sa hatol ni Allah -Pagkataas-taas Niya, sa kanila,mula sa taas ng pitong-antas ng Kalangitan,at ito ay ang Patayin ang mga kalalakihan nila,at bihagin ang mga kababaihan nila at mga anak nila,at Kunin ang mga kayamanan nila,at ito dahil sa pagtataksil nila sa mga Muslim,at Hindi nila pagsunod sa kasunduan at at pagsasamantala nila ng kalagayan sa pakikipaglaban sa Khandaq,at pagkaka-isa ng mga Quraysh at iba pa sa kahit saang sulok ng Madinah,At gayundin,ipinapahayag ang iba pang kainaman kay Saad-malugod si Allah sa kanya-at ito ay sa panalangin niya na;Ipagpanatili siya ni Allah-Pagkataas-taas Niya,kung may natitira pang pakikipaglaban sa pagitan ng mga Quraysh at mga Muslim,at ang ibilang siya ni Allah Pagkataas-taas Niya sa mga Martir,kung natapos na ang pakikipag-laban ng mga Muslim laban sa mga Quraysh,Na maging Martir siya,dahil sa sugat niya,na natamo niya sa Araw ng Khandaq