





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abe Hurayrah,nagsabi siya,Sinabi ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( Kapag nagdasal ang isa sa inyo ng dalawang tindig(raka-ah) bago sumapit ang madaling araw,ay humiga ito sa bandang kanan niya)) Nagsabi sa kanya si Marwan bin Al-Hakam:"Hindi ba ginagantimpalaan ang isa sa amin sa paglalakad niya sa masjid hanggan`t sa humiga siya sa bandang kanan nito?"Nagsabi si Abdullah sa Hadith nito:nagsabi siya: Hindi,Nagsabi siya:At naiparating ito kay Ibn Umar,at nagsbi siya:Nagparami si Abe Hurayrah sa kanyang sarili,Nagsabi siya: At sinabi kay Ibni Umar:Ikaw ba ay tumatanggi sa mga ilan sa sinasabi niya?Nagsabi siya: Hindi,ngunit siya ay naghihikayat,at naduwag tayo)),Nagsabi siya:At naiparating ito kay Abe Hurayrah,at nagsabi siya:(( At ano ang kasalanan ko,kung ito ay naisa-ulo ko at nakalimutan nila))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag ng Hadith na ang Sunnah pagkatapos magdasal ng dalawang tindig sa Al Fajr ay ang humiga sa bandang kanan hanggang sa itindig ang pagdarasal(Obligado).Ang layunin sa pagpili sa bandang kanan ay upang hindi siya tumagal sa pagtulog,sapagkat ang puso ay nasa kaliwang bahagi,nakasabit ito pagkatapos ay hindi matatag,at kapag natulog sa bandang kaliwa siya ay napapanatag at nakakapag-pahinga,at matatagalan ito,
Ayon kay Ali bin Abe Talib- malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:((Ang dasal na Witr ay hindi obligado na tulad ng pagsasagawa sa mga Dasal na Obligado,Ngunit ito ay Sunnah na ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan ng Hadith: "Ang dasal na Witr ay hindi obligado"Ibig sabihin ang dasal na Witr ay hindi Obligado;"na tulad ng pagsasagawa sa mga Dasal na Obligado"ibig sabihin ay:Tulad ng Limang beses na pagdarasal,"Ngunit ito ay Sunnah na ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaaan" Ito ay pagpapatibay sa sinabi niya" Hindi Obligado" Ang dasal na Witr ay Kusang-loob at Sunnah lamang,"Na ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan" Ibig sabihin ay:Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Ginawa niya sa atin na Sunnah ang Witr at hindi niya ito inobliga sa atin.Tashel Al-Elmam (2/371)
Ayon kay Abē Tamēm Al-Jayshānī,Nagsabi siya:Narinig ko si 'Amer bin Al-Ās nagsabi siya: Sinabi sa akin ng isang lalaki muka sa kasamahan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagsabi:Katotohanang ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi: (( Katotohanan si Allah Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan ay nagdagdag sa inyo ng Pagdarasal,magdasal kayo rito sa pagitan ng dasal ng 'Eishah hanggang sa dasal ng Subh,ang Dasal na Witr, ang dasal na Witr)).Hindi ba't tunay na ito si Abū Basrah Al-Gafārīy, Nagsabi si Abū Tamīm:Ako at si Abū Dharr ay naka-upo,Nagsabi siya: Kinuha niya ang kamay ni Abu Dharr,pumunta kami kay Abē Basrah,at natagpuan namin Siya sa may pintuan na sumusunod sa bahay ni 'Amr bin Al-'Ās,Nagsabi si Abu Dharr: O Abā Basrah, Narinig mo ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagsasabi:((Katotohanan si Allah kamahal -mahalan Siya at Kapita-pitagan ay nagdagdag sa inyo ng Pagdarasal,Magdasal kayo rito sa pagitan ng dasal ng 'Eishah at dasal ng Subh, Ang dasal na Witr, ang dasal na Witr?)) Nagsabi siya:Oo, Nagsabi siya: Ikaw narinig moba siya? Nagsabi siya:Oo,Nagsabi siya: Ikaw, Narinig moba Siya? Nagsabi siya:Oo.
Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng Kahulugan ng Hadith: "Katotohanang si Allah Kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, Ay nagdagdag sa into ng dasal"Ang kahulugan:Katotohanan si Allah-Pagkataas -taas Niya ay nagdagdag sa kanila ng dasal,Hindi nila ito naidasal noon sa ganitong kilos at larawan,at ito ang Dasal na Witr, at ito ay naisalaysay sa pamamaraan ng pasasalamat,at para bang Nagsabi siya: Katotohanan si Allah ay nag-obliga sa inyo ng limang beses na dasal upang bayaran kayo dito at gantimpalaan rito,at Hindi pa naging sapat dito,Ipinag-utos pa sa inyo Ang pagdasal sa Gabi at Witr,upang madagdagan kayo ng mabuti sa kabutihan," magdasal kayo nito" at ito ay pag-uutos, at ang nararapat sa utos ay ang pag-obliga,Ngunit ang Hadith na ito at ang iba pa nito na mga Hadith na kung saan ang hayag dito ay pagiging obliga sa dasal na Witr;Ngunit ito napalitan dahil sa mga patunay na hayag at tumpak.Pagkatapos ay isinalaysay ang pagtatakda sa oras ng dasal na Witr sa kanyang panahon:" Ito ay sa pagitan ng dasal na 'Eishah hanggang sa dasal na Subh"Ibig sabihin na ang oras ng dasal na Witr ay papasok pagkatapos ng dasal ng 'Eisha,Kapag ipinagdasal ang 'Eisha, pumasok narin Ang oras ng dasal na Witr,kahit pinagsama ito sa Maghrib ng Pagsasamang Pinag-una, at Ang pinakahuling oras nito ay sa pagsikat ng Fajr, at kapag sumikat ang Fajr,Mawawala din ang oras ng dasal na Witr,kahit pa dito ito nagtatapos.Pagkatapos ay sinabi ni `Umar bin Al-As malugod si Allah sa kanya-:"Hindi ba't tunay na ito si Abū Basrah Al-Gafārīy" Ibig sabihin ay: Tunay na ang nagsabi kay `Amr bin Al-As ay si:Abu Basrah Al-Gafari-malugod si Allah sa kanya."Nagsabi si Abū Tamīm:Ako at si Abū Dharr ay naka-upo,Nagsabi siya: Kinuha niya ang dalawang kamay ni Abu Dharr,pumunta kami kay Abē Basrah,at natagpuan namin Siya sa may pintuan na sumusunod sa bahay ni 'Amr bin Al-'Ās," Ibig sabihin ay:Pagkatapos niyang iparating sa kanilang dalawa ang balita buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Ninais niyang suguraduhin ang pagkatumpak nito,kaya`t pumunta silang dalawa kay Abe Basrah-malugod si Allah sa kanya-at nang dumating sila kay Abe Basrah-malugod si Allah sa kanya-tinanong siya ni Abe Dharr tungkol sa pagkatumpak nang ibinalita niya buhat sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-;" Nagsabi siya: Oo,Nagsabi siya: Narinig moba ito?Nagsabi siya: Oo,Nagsabi siya: Narinig moba ito?Nagsabi siya: Oo" Sinigurado niya sa kanilang dalawa na ang naibalita buhat sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:" Katotohanan na si Allah ay nagdagdag sa inyo ng dasal" ay tumpak.
Ayon kay Abe Saed Al-Khudrie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:(( Sinuman ang abutan ng Subh at hindi nakapagdasal ng Witr,ay walang (gantimpala ng dasal na) Witr para sa kanya.))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Habba`n - Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Khuzaymah - Isinalaysay ito ni Imām Al-ḤākimIpinapahayag ng kamahal-mahalan na Hadith,na ang dasal na Wit`r,ay nawawala sa pagsapit ng umaga ibig sabihin ay sa pagsikat ng madaling araw(Fajr) na ikalawa,at ito ang oras na opsiyonal,Ngunit ang Obligado,ay tulad sa sinumang huling nagising,at itutuloy niya ang oras ng madaling araw (Fajr),hanggang sa sumapit ang dasal ng Subh,at ito ay dahil sa naiulat buhat sa grupo ng mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-
Ayon kay 'Aishah malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: ( Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagdadasal ng Duhā nang apat na tindig,at nagdadag-dag siya sa kapahintulutan ni Allah
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSa Hadith na ito,binanggit ni 'Aishah malugod si Allah sa kanya-Na nag Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdarasal ng Duhā nang apat na tindig,nagsasagawa siya ng Taslēm sa bawat dalawang tindig,Pagkatapos ay binanggit niya na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay maaaring magdagdag sa apat na tindig,Ayon sa kakayahan niya at sigla niya.
Ayon kay `Abdullah bin Shaqeq,nagsabi siya: Sinabi ko kay `Aishah:Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ba ay nagdadasal ng Duha?(( Hindi,maliban kapag dumating siya mula sa kanyang paglalakbay))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimTinanong si `Aishah-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na ito tungkol sa pagdarsal niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Duha,Kung nagdadasal ba siya dito o hindi?Sinagot niya ito na siya:pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nagdadasal ng Duha maliban sa oras ng pagbabalik niya sa kanyang paglalakbay,at ito ay ngapapatunay na siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hidni nagpapanatili sa pagdadasal ng Duha,datapuwat,nagdadasal siya rito ng walang nakatakdang oras,at ang hindi niya pagpapanatili rito,ay sa takot niyang maging obligado ito sa kanyang Ummah,Tuald ng naipatunay rito ng ibang Hadith,at ipinapahintulot sa isang Muslim ang pagpapanatili rito,ayon sa (pagpapatunay) din ng iba pang Hadith.
Ayon kay Abe Juhaym bin Al-Harith bin Assimah Al-Ansari-,alugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-(( Kung alam lamang ng dumadaan sa harapan ng nagdadasal kung ano ang kanyang magiging kasalanan? Ang pagtindig niya sa Apatnapo ay maskaibig-ibig para sa kanya, mula sa pagdaan sa harapan niya)) Nagsabi si Abu Annadhri: Hindi ko alam: Nagsabi siya: Apatnput-araw -Buwan-o Taon
Napagkaisahan ang katumpakanAng nagdadasal ay tumatayo sa harapan ng Panginoon niya,Hinihilingan niya at Tinatawag niya,Kapag dumaan sa harapan niya ang dumadaan sa ganitong kalagayan,mapuputol niya ang paghiling na ito at maabala niya ito sa pagsamba niya,Kaya napakalaki ng kasalanan ng sinumang naging dahilan ng paglabag,ng taong nagdarasal dahil sa pagdaan niya, Ipinahayag sa Batas ng Islam: Na kung nalalaman lamang niya ang nararapat sa kanya dahil sa pagdaan niya,mula sa [kanyang magiging] kasalanan at kaparusahan,Higit na iibigin niyang tumayo sa lugar niya nang matagal na panahon,kaysa dumaan siya sa harapan ng nagdadasal,Dahil sa nararapat na pagbabala at pag-iwas rito.
Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa isang bagay,na ginawa nitong pangharang sa mga Tao, at nagnais ang isa [sa kanila] na tumawid sa harapan niya,Itulak niya ito,at kapag siya ay nagtanggi,makipaglaban siya rito sapagkat siya ay si Satanas
Napagkaisahan ang katumpakanIpinag-uutos ng Batas sa Islam ang pagdadala ng katatagan -at pag-iingat sa lahat ng bagay.At ang pinakamahalagang bagay sa Relihiyon at sa Mundo ay ang Pagdarasal;Kaya iginigiit ng Batas sa Islam na may Ganap na Karunungan ang pagpapahalaga rito,at paglalagay ng Pangharang sa kanya,kapag pumasok [nagsimula] ang nagdadasal sa pagdarasal niya upang makapangharang ito sa kanya sa mga tao,at upang hindi mabawasan ang pagdarasal niya dahil sa pagtawid nila sa harapan niya,at Humarap siya na nananalangin sa Panginoon niya.At kapag nagnais ang isa [sa kanila] na tumawid sa harapan niya,itulak niya ito ng dahan-dahan,At kapag hindi siya naitulak ng madali at magaan,tunay na tinanggal niya ang ipinagbabawal sa kanya,at siyay naging mananalakay,At ang paraan sa pagtigil sa pananalakay niya,ay ang pakikipaglaban sa pamamagitan ng pagtulak sa kanya gamit ang kamay,dahil ang gawain niyang ito ay kabilang sa mga gawain ni Satanas,sila yaong mga nagnanais sa pagsira ng pagsamba nang mga tao at lumilito sa kanila sa pagdarasal nila.
Ayon kay Abē Mas'ūd 'Uqbah bin 'Amr Al-Ansārī Al-Badrī-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfū-(( Katotohanan ang Araw at Buwan ay palatandaan mula sa mga tanda ni Allah,Sinisindak ni Allah ang alipin niya sa pamamagitan nito,At hindi dahil sa sila ay hindi nagtatagpo dahil sa pagkamatay ng isang tao, Kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito, Mag-alay kayo ng dasal; At manalangin kayo hanggang sa matanggal ang anumang dumatal sa inyo))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang Araw at Buwan ay kabilang sa palatandaan ni Allah na nagpapatunay sa Kakayahan Niya at Karunungan Niya,At ang pag-iiba ng sistema nitong naka-ugalian ay hindi dahil sa pagkabuhay ng dakilang tao o pagkamatay nila tulad ng pinaniniwalaan ng mga Tao sa panahon ng kamang-mangan, Hindi naapektuhan dito ang mga pangyayari sa Mundo,Ngunit ito ay upang sindakin ang mga alipin,Dahil sa kanilang mga kasalanan at kaparusahan,Nang sa gayun ay baguhin nila ang pagbabalik-loob nila at pagsisi ,kay Allah Pagkataas-taas Niya.Kung-kaya't nagpatnubay siya sa kanila sa pag-alay ng dasal at pananalangin,hanggang sa matanggal ito sa kanila at maging maliwanag,At [Nasasakupan ni] Allah-sa Daigdig Niya-ang mga lingid at pamamahala.