





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: "Magbubukas sa inyo ng mga lupain at sasapat sa inyo si Allāh ngunit huwag panghinaan ang [bawat] isa sa inyo na paglibangan ang mga palaso niya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinababatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa mga kasamahan niya na bubuksan sa kanila ang mga bayan nang walang paglalaban at kailangan nilang huwag panghinaan sa pagsasanay sa pagtudla ng mga palaso sapagkat tunay na iyan ay kabilang sa pinakakarapat-dapat na paglibangan ng mga Muslim hanggat hindi nagpapabaya dahil rito ng isang karapatang tungkuling gampanan dahil iyon ay kabilang sa nakatutulong sa kanila sa pakikibaka sa landas ni Allāh. Iyon ay kabilang sa pinakamainam sa mga balakin at pinakamataas sa mga layunin. Ang paggamit ng katagang paglibangan ay dahil sa ang mga kaluluwa ay likas sa pagkaibig nito kaya naman ginamit ang pananalitang ito. Gayon pa man ang pinakadakilang balak sa pag-aaral nito ay ang paghahanda sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, hindi lamang paglalaro nito.
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "May isang lalaki na nagsabi: O Sugo ni Allāh, ipahintulot mo po sa akin ang paggala. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na ang paggala ng Kalipunan ko ay ang Pakikibaka sa landas ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan."
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudYYYSa ḥadīth na ito ay may paglilinaw na ang mga pagsamba ay tawqīfīy (nakaalinsunod sa teksto ng Qur'ān o Ḥadīth) at na hindi ipinahihintulot sa Muslim ang pagsasagawa ng mga ito malibang alinsunod sa pamamaraang itinatakda ng Batas ng Islām. Dahil doon, nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa lalaking ito na nagnanais na gumala sa mundo alang-alang sa pagsamba na ito ay bahagi ng gawain ng mga Kristiyano, na ang paggala sa mundo ay dapat sa pagpapalaganap ng Islām, at na ang paggala ng mga alagad ng Islām ay ang pakikibaka sa landas ni Allāh para itaas ang Relihiyon ni Allāh.
Ayon kay Abū Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: "May lalaking nagdala sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng inahing kamelyo na nirendahan sa ilong at nagsabi: Ito ay alang-alang kay Allāh. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Magkakaroon ka dahil dito sa Araw ng Pagkabuhay ng pitong daang babaeng kamelyo; ang lahat ng mga ito ay nirendahan sa ilong."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim[Nasaad] sa ḥadīth na ito ang paghimok sa paggugol alang-alang kay Allāh, lalo na sa mga bagay-bagay na maipantutulong sa pakikipaglaban gaya ng kabayo o kamelyo o iba pa. Si Allāh ay magpaparami sa gantimpalalang iyon sapagkat ang gantimpala sa magandang gawa ay katumbas ng pitong daang ulit.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya.Nagsabi siya:((Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbubungad sa pagdarasal ng Pagdadakila [kay Allah],At pagbabasa ng Ang lahat ng Kaluwalhatian at Pagpupuri ay kay Allah,Ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang,At kapag siya ay yumuko, hindi niya [masyadong] itinataas ang ulo niya at hindi niya [masyadong] ibinababa ito,ngunit sa pagitan nito,At kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,Hindi siya magpapatirapa hanggang sa maging matuwid siya sa pagtayo,At kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa,hindi siya magpapatirapa hanggang sa maging matuwid siya sa pag-upo,At sinasabi niya sa bawat dalawang tindig ang Pagbati [Attahiyyah],at pinapahiga niya ang kaliwang paa niya at pinapatindig niya ang kanang paa niya,at ipinagbawal niya ang pag-upo sa dulo ng paa [tulad ng gawain ni] Satanas,at ipinagbawal niya ang paglagay ng isang lalaki sa dalawang braso niya tulad ng paglagay ng hayop [rito],at tinatapos niya ang pagdarasal sa pagsasagawa ng Taslem.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimInilalarawan ni Aishah malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na ito na marangal ang Pagdadasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bilang pagpapalaganap sa Sunnah ay pagpapa-abot ng kaalaman,na siya ay nagbubungad sa pagdarasal ng Takbiratul Ihram at sinasabi niyang:( Si Allah ay Dakila) ay nagbubungad siya sa pagbabasa ng Pambungad ng Aklat na ang simula niya ay (Ang lahat ng Kaluwalhatian at Pagpupuri ay kay Allah,Ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang) At kapag siya ay yumuko pagkatapos ng pagtayo,hindi itinataas ang ulo niya at hindi rin niya ibinababa,ngunit ginagawa niya itong pantay at matuwid,At kapag siya ay tumaas mula sa pagyuko,tumutuwid siya sa pagtayo bago siya magpatirapa,at kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa,hindi siya magpapatirapa hanggang sa maging matuwid siya sa pag-upo,At sinasabi niya sa bawat dalawang tindig kapag siya ay naka-upo:" Ang lahat ng mga pagbati ay para sa Allah,ang mga dasal at ang mga mabubuting bagay ay para sa Allah atbp" At kapag siya ay umupo,pinapahiga niya ang kaliwang paa niya at inuupuan niya ito at pinapatindig niya ang kanang paa niya,at ipingbabawal niya ang pag-upo ng nagdadasal sa pagdarasal niya ang tulad ng pag-upo ni Satanas,at ito ay ang pagpapahiga sa dalawang paa niyasa lupa at uupo siya sa dulo ng paa niya, o itatayo niya ang dalawang paa niya,pagkatapos ay ilalagay niya ang puwit niya sa pagitan nilang dalawa sa lupa,ang dalawang ito ay ipinagbabawal,Gayundin ang pagbabawal niya sa pag-uunat ng nagdarasal sa dalawang braso niya at pagpapa-unat nito sa pagpapatirapa tulad ng pagpapahiga [pag-unat ng braso ng] ng hayop.At tulad ng pagbungad niya sa pagdarasal sa pagluluwalhati kay Allah at pagdadakila sa Kanya-Tinapos niya ito sa pananalangin ng Pangangalaga sa mga nakakapalibot na mga Anghel at mga nagdarasal,pagkatapos ay sa lahat ng alipin ni Allah na mabubuti,at sa mga una at sa mga huli,Kaya nararapat sa nagdarasal na pukawin niya ang pangkalahatang ito sa kanyang panalangin.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, siya ay nagsabi kay Thābit, kaawaan siya ni Allāh: "Hindi ko ba bibigkasin sa iyon ang ruqyah ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Allāhumma, rabba -nnāsi, mudhhibal ba'si, ishfi anta -shshāfī lā shāfiya illā anta shifā'an lā yughādiru suqmā (O Allāh, Panginoon ng mga tao, tagapag-alis ng kapinsalaan, magpagaling Ka, Ikaw ang Tagapagpagaling: walang tagapagpagaling kundi Ikaw, pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng karamdaman)."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīySi Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ay dumalangin para kay Thābit Al-Bunānīy at nagsabi rito: "Hindi ko ba bibigkasin sa iyo ang ruqyah ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dumadalangin noon sa Panginoon niya para sa maysakit na alisin Niya rito ang sakit niyon, ang katindihan niyon, at ang hapdi niyon; at na gumawa Siya rito ng pagpapagaling na hindi binabalikan matapos nito ng sakit. Nagkaisa nga ang mga maaalam sa kapahintulutan ng mga ruqyah sa sandali ng pagkakatipon ng tatlong kundisyon: 1. na ito ay sa pamamagitan ng pananalita ni Allāh, pagkataas-taas Niya, o ng mga pangalan Niya o mga katangian Niya; 2. na ito ay nasa wikang Arabe o nasa anumang nalalaman ang kahulugan nito mula sa ibang wika at itinuturing na kaibig-ibig na ito ay nasa mga pananalitang nasasaad sa mga ḥadīth; at 3. na maniniwalang ang ruqyah ay hindi nakaapekto mismo, bagkus ang pagtatakda ni Allāh, pagkataas-taas Niya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-((.Hindi magdadasal ang isa sa inyo [gamit ang] isang damit na hindi natatakpan nang anumang bagay ang balikat niya))
Napagkaisahan ang katumpakanAng nararapat sa isang nagdadasal ay ang maging nasa pinakamagandang kaanyuan nito,Tunay na nagsabi Siya-Pagkataas-taas Niya: { O Angkan ni Adam! ([Magsuot kayo [maging malinis],magsuot ng malinis at katanggap-tanggap na damit),sa bawat pag-aalay ng Dasal},At sapagkat ang pakikipag-harap sa mga Hari,at pakikipagtagpo sa Mararangal at Kagalang-galang,ay nangaingailangan sa Tao na maging nasa pinakaganap na kalagayan,at pinakamagandang kaanyuan,papaano pa kaya ang pakikipagharap sa Hari ng mga Hari at sa Kagalang-galang sa lahat ng Kagalang-galang?Kaya`t ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Naghihimuk sa mga nagdadasal na huwag magdasal kung ang dalawang balikat niya ay nakikita,at mayroon ding matatagpuang pantakip sa dalawang ito o isa sa kanila,At ipinagbawal ang pagdarasal sa kalagayang ito,habang siya ay nakatayo sa harapan ni Allah at nananalangin sa Kanya.
Mula kay Malik Bin Al-huwarith -Malugod nawa ang Allah sa kanya- ((Katotohanan ang Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag siya ay magtakbeer (magsabi ng Allahu akbar) itataas niya ang dalawang kamay niya hanggang maihanay niya sila sa dalawang tainga niya, at kapag siya mag-rukuw' (yuyuko) itataas niya ang dalawang kamay niya hanggang maihanay niya sila sa dalawang tainga niya, at kapag itinaas niya ang kanyang ulo mula sa pag-yuko (rukuw'))), at sasabihin niya: ((SAMEE'ALLAHU LIMAN HAMIDAH)) ay gagawin niya katulad niyon.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIbinalita ni Malik Bin Al-Huwayrith na katotohanang ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: "kapag siya ay nagsagawa ng Takbir (magsabi ng ALLAHU AKBAR) itinataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang tainga" ibig sabihin: kapag siya ay nagsasagawa ng Takbir ng Takbiratul Ihram, itataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang tainga,at sa isang salaysay: hanggang sa magkahanay ito sa dalawang sangay ng kanyang dalawang tainga". At ang mga sangay ng tainga ay ang itaas niya. At sa Hadeeth ni Ibn Umar -malugod si Allah sa kanya: "Ay itinataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay dalawa ito sa kanyang dalawang balikat" ibig sabihin :katumbas o kapareho ng kanyang dalawang balikat". At ito ang tatlong salaysay (riwayat): Una: Itinataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang tainga. Pangalawa: Itinataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa mga sangay ng kanyang dalawang tainga. Pangatlo: Itinataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang balikat,Siya ay mamimili sa pagitan ng mga ito,o itaas niya ang kanyang dalawang kamay sa hanay ng kanyang dalawang balikat kung saan ay maghahanay ang mga dulo ng kanyang mga daliri sa sangay na dalawa niyang tainga,Ibig sabihin ay sa itaas ng kanyang tainga,habang ang hinlalaki niya ay sa umbok ng dalawa niyang tainga,at ang dalawang palad niya ay sa dalawang balikat niya. At sa sabi niyang:" Kapag siya ay nagsasagawa ng Takber,itinataas niya ang dalawa niyang kamay,Ibig sabihin; Itinataas niya ang dalawa niyang kamay kasabay ng pag Takbir, At sa salaysay ni Imam Muslim: "Itinataas niya ang dalawa niyang kamay pagkatapos ay nagsasagawa siya ng Takbir" Ibig sabihin ay: pagkatapos nito, At sa ibang salaysay:" Nagsasagawa siya ng Takbir pagkatapos ay itinataas niya ang dalawa niyang kamay" Kaya ito ang tatlong larawan sa pagtaas ng dalawang kamay sa pagsasagawa ng Takbiratul Ihram. Dahil dito: ito ay nagiging Sunnah, na naisalaysay sa magkakaibang uri,kaya nararapat gawin ang lahat ng mga ito,bilang pagsunod sa Sunnah sa lahat ng naisalaysay mula sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-"kapag siya ay yumuko,itinataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang tainga" Ang kahulugan: At kapag nagsimula siya sa pagyuko,itinataas niya ang dalawa niyang kamay hanggang sa maghanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang tainga,at ito ang ikalawang kinalalagyan mula sa kanaisnais na pagtaas sa dalawang kamay."At kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,sinasabi niyang:"Naririnig ni Allah ang sinumang pumuri sa kanya" Ibig sabihin: Kapag nagsimula siya sa pagtaas mula sa pagyuko,nagsasabi siya: "Naririnig ni Allah ang sinumang pumuri sa kanya" At ang paggugunitang ito ay kabilang sa mga ibligado sa pagdarasal,"ginawa ang tulad ng iyon" Ibig sabihin: Ginawa ng Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang katulad ng ginawa niya sa pagsasagawa ng Takbir: Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang tainga,,Kaya`t ito ang tatlong kinalalagyan na kanaisnais ang pagtaas sa dalawang kamay sa pagdarasal,at ang pang-apat ay ang pagtaas sa dalawang kamay sa pagtindig mula sa pagsasagawa ng unang Tashahhud sa pagdarasal ng tatlo o apat na tindig
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pinuputol ang kamay sa [pagnanakaw ng] ikaapat na bahagi ng Dinar pataas."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang magnanakaw ay pinuputulan ng kamay dahil sa pagnanakaw ng halagang ikaapat ng dinar na ginto at anumang humigit pa roon. Nakatutumbas nito ang halagang kapantay ng 1.06 gramo ng ginto.
Ayon kay Burdah Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi maghahagupit ang isa higit sa sampung paglatigo maliban sa isang takdang parusa mula sa mga takdang parusa ni Allah."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maghagupit ang isa ng higit sa sampung paglatigo maliban sa mga pagsuway. Ang tinutukoy sa nasaad dito mula sa Tagapagbatas ay hindi isang tinakdaang bilang ng hagupit o palo o kaparusahang inilalaan. Ang tinutukoy ay hindi palalabisan sa pagpalo ng pagdisiplina sa sampung hagupit gaya ng paghagupit sa maybahay at anak.