





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nag-alaga ng isang aso maliban sa isang aso ng pangangaso o [pagbabantay ng] hayop, may nababawas [na gantimpala] mula sa gawa niya na dalawang qīrāt sa bawat araw." Nagsabi si Sālim: "Si Abū Hurayrah noon ay nagsasabi: O isang asong ng taniman. Siya ay may-ari ng isang taniman."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aalaga ng mga aso maliban sa pangangailangan sa pangangaso o pagtatanod ng mga hayop at mga pananim. Ang sinumang nag-alaga nito dahil sa hindi dahilang iyon, may nababawas mula sa gantimpala ng gawa niya sa bawat araw na dalawang qīrāt, na isang sukat na nalalaman sa ganang kay Allāh (napakataas Siya).
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumasok sa masjid saka may pumasok na isang lalaki saka nagdasal ito saka bumati ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya tumugon siya at nagsabi siya: "Bumalik ka saka magdasal ka sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal." Kaya bumalik ito na nagdarasal kung paanong nagdasal ito. Pagkatapos dumating ito saka bumati ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Bumalik ka saka magdasal ka sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal" nang makatatlo saka nagsabi ito: "Sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo kalakip ng katotohanan, hindi ako nakagagawa ng maganda na iba pa rito kaya magturo ka sa akin." Kaya nagsabi siya: "Kapag tumayo ka patungo sa pagdarasal, magdakila ka [kay Allāh], pagkatapos bumigkas ka ng anumang naisaposible sa iyo mula sa Qur'ān, pagkatapos yumukod ka hanggang sa mapanatag ka habang nakayukod, pagkatapos umangat ka hanggang sa tumuwid ka habang nakatayo, pagkatapos magpatirapa ka hanggang sa mapanatag ka habang nakapatirapa, pagkatapos umangat ka hanggang sa mapanatag ka habang nakaupo, at gumawa ka niyan sa pagdarasal mo sa kabuuan nito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoPumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid saka may pumasok matapos niya na isang lalaki saka nagdasal ito ng dalawang rak`ah habang nagmamabilis samantalang hindi ito napapanatag sa pagtayo nito, pagyukod nito, at pagpapatirapa nito. Ang Propeta naman (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsusubaybay rito sa pagdarasal nito. Dumating ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nakaupo sa isang dako ng masjid saka bumati ito sa kanya kaya tumugon naman siya rito sa pagbati at nagsabi siya rito: "Bumalik ka saka umulit ka ng pagdarasal mo sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal." Kaya bumalik ito na nagdarasal habang nagmamabilis kung paanong nagdasal ito. Pagkatapos dumating ito saka bumati ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya rito: "Bumalik ka saka umulit ka ng pagdarasal mo sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal" nang makatatlo. Kaya nagsabi ang lalaki: "Sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo kalakip ng katotohanan, hindi ako nakagagawa ng maganda na iba pa rito kaya magturo ka sa akin." Kaya nagsabi siya rito (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag tumayo ka patungo sa pagdarasal, magsagawa ka ng panimulang takbīr, pagkatapos bumigkas ka ng Ina ng Qur'ān at ng anumang niloob ni Allāh na bigkasin mo, pagkatapos yumukod ka hanggang sa mapanatag ka habang nakayukod sa pamamagitan ng paglagay mo ng mga palad mo sa mga tuhod mo, mag-unat ka ng likod mo, magpakatatag ka sa pagkakayukod mo, pagkatapos umangat ka, magtuwid ka ng gulugod mo hanggang sa bumalik ang mga buto sa mga kasukasuan ng mga ito, at tumuwid ka habang nakatayo, pagkatapos magpatirapa ka hanggang sa mapanatag ka habang nakapatirapa sa pamamagitan ng pagkalapag mo ng noo kasama ng ilong, mga kamay, mga tuhod, at mga dulo ng mga daliri ng mga paa sa lapag, pagkatapos umangat ka hanggang sa mapanatag ka habang nakaupo sa pagitan ng dalawang pagkapatirapa, pagkatapos gumawa ka niyan sa bawat rak`ah ng pagdarasal mo."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o ang mananampalataya kaya naghugas siya ng mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali, na tiningnan niya ng mga mata niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat pagkakamali, na ginawa ng mga kamay niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga paa niya, lalabas ang bawat pagkakamali, na nilakad ng mga paa niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig – hanggang sa lumabas siya na isang dalisay sa mga pagkakasala."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag nagsagawa ng wuḍū' ang Muslim o ang mananampalataya kaya naghugas siya ng mukha niya sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū', lalabas mula sa mukha niya ang bawat maliit na pagkakamali na tiningnan niya ng mga mata niya kasama ng tubig na bumabagsak matapos ng paghuhugas o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat maliit na pagkakamali na natamo ng mga kamay niya kasama ng tubig o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga paa niya, lalabas ang bawat maliit na pagkakamali na nilakad ng mga paa niya kasama ng tubig o kasama ng huling patak ng tubig, hanggang sa lumabas siya na isang dalisay sa mga pagkakasalang maliliit sa pagwawakas ng pagsasagawa ng wuḍū'.
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo sa amin ng istikhārah sa lahat ng mga gawain kung paanong nagtuturo siya sa amin ng sūrah mula sa Qur'ān. Nagsasabi siya: "Kapag nagbalak ang isa sa inyo ng isang bagay, magdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi tungkulin. Pagkatapos magsabi siya: Allāhumma innī astakhīruka bi-`ilmika, wa-astaqdiruka bi-qudratik, wa-as'aluka min faḍlika -l`aḍ̆īm, fa-innaka taqdiru wa-lā aqdir, wa-ta`lamu wa-lā a`lam, wa anta `allāmu -lghuyūb. Allāhumma in kunta ta`lamu anna hādha -l'amra khayrun lī fī dīnī wa-ma`āshī wa-`āqibati amrī," – o nagsabi siya: "`ājili amrī wa-ājilihi" – "fa-qdurhu lī wa yassirhu lī, thumma bārik lī fīhi, wa-in kunta ta`lamu anna hādha -l'amra sharrun lī fī dīnī wa ma`āshī wa-`āqibati amrī," – o nagsabi siya: "fī `ājili amrī wa-ājilihi" – "fa-ṣrifhu `annī wa-ṣrifnī `anhu, wa-qdur liya -lkhayra ḥaythu kāna thumma arḍinī bih. (O Allāh, sumasangguni ako sa Iyo sa pamamagitan ng kaalaman Mo. Nagpapakaya ako sa Iyo sa pamamagitan ng kakayahan Mo. Humihingi ako mula sa kabutihang-loob Mo na sukdulan sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya, samantalang hindi ako nakakakaya, at nakaaalam, samantalang hindi ako nakaaalam. Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid. O Allāh, kung nakaaalam Ka na ang balak na ito ay mabuti para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko, at kahihinatnan ng balak ko," – o nagsabi siya: "maaga sa balak ko at huli sa balak ko" – "magtakda Ka nito para sa akin at magpagaan Ka nito para sa akin, pagkatapos magpala Ka para sa akin dito. Kung nakaaalam Ka na ang balak na ito ay masama para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko, – o nagsabi siya: "sa maaga sa balak ko at huli sa balak ko" – "magbaling Ka rito palayo sa akin, magbaling Ka sa akin palayo rito, at magtakda Ka nito para sa akin ng mabuti saanman ito naging, pagkatapos magpalugod Ka sa akin.)" Nagsabi siya: "At babanggit siya ng kailangan niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyKapag nagnais ang Muslim na gumawa ng isang balak mula sa anumang hindi siya nakaaalam sa punto ng pagkatama rito, tunay na isinasabatas para sa kanya ay na magdasal siya ng ṣalāh istikhārah (dasal ng pagsangguni) yayamang ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) ng ṣalāh na ito kung paanong nagtuturo siya sa kanila ng sūrah mula sa Qur'ān. Magdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi ṣalāh na tungkulin, pagkatapos dumalangin siya kay Allāh, na nagsasabi: "O Allāh, sumasangguni ako sa Iyo" sa pamamagitan ng paghiling ng pagtutuon sa pinakamabuti sa dalawang balak at humihingi ako "sa pamamagitan ng kaalaman Mo" na malawak na pumaligid sa bawat bagay. "Nagpapakaya ako sa Iyo" na gumawa Ka sa akin na nakakakaya yayamang walang kapangyarihan para sa akin at walang lakas kundi sa pamamagitan Mo: "sa pamamagitan ng kakayahan Mo" na mabisa sapagkat Ikaw ay hindi napawawalang-kakayahan ng anuman. "Humihingi ako mula sa kabutihang-loob Mo" at pagmamagandang-loob Mo "na mabisa" na malawak yayamang ang bigay Mo ay isang kabutihang-loob mula sa Iyo samantalang walang ukol sa isa na karapatan sa Iyo sa isang biyaya "sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya" sa bawat bagay samantalang ako ay mahinang walang-kakayahan "samantalang hindi ako nakakakaya" sa anuman kundi sa pamamagitan ng isang pagtulong mula sa Iyo, "at" Ikaw ay "nakaaalam" sa pamamagitan ng kaalaman Mong sumasaklaw pumapaligid sa mga nakalantad at mga nakakubli at sa kabutihan at kasamaan, "samantalang" ako ay hindi nakaaalam ng anuman kundi sa pamamagitan ng pagtutuon Mo at kapatnubayan Mo. "Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid" sapagkat taglay Mo ang kaalamang walang-takda at ang kakayahang mabisa. Walang ukol sa iba sa Iyo mula roon kundi ang itinakda Mo sa kanya. Pagkatapos mananalangin ang Muslim sa Panginoon niya at babanggit siya ng kailangan niya sapagkat magsasabi siya: "O Allāh," tunay na ako ay nagpapaubaya ng balak ko sa Iyo sapagkat "kung nakaaalam Ka" dahil sa kaalaman Mo "na ang balak na ito:" [babanggit siya ng kailangan niya] gaya ng pagbili ng tahanang ito [halimbawa] o kaugnay sa pagbili ng kotseng ito o kaugnay sa pagpapakasal sa babaing ito [halimbawa] o iba pa roon ... Kung ang balak na ito ay nauna na sa kaalaman Mo na dito ay may "mabuti para sa akin: sa relihiyon ko," na siyang pananggol sa balak ko, "pamumuhay ko" sa Mundo ko, "kahihinatnan ng balak ko," at kauuwian ng balak ko – o nagsabi siya: "sa maaga sa balak ko at huli sa balak ko" sa Mundo at Kabilang-buhay – "magtakda Ka nito," maghanda Ka nito, at magpatupad Ka nito "para sa akin," magpadali Ka nito, "at magpagaan Ka nito para sa akin, pagkatapos magpala Ka," at magparami Ka ng kabutihan "para sa akin dito. Kung nakaaalam Ka," O Allāh, "na ang balak na ito" na isinangguni ko "ay masama para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko, – o nagsabi siya: "sa maaga sa balak ko at huli sa balak ko" – "magbaling Ka rito palayo sa akin, magbaling Ka sa akin palayo rito, at magtakda Ka nito para sa akin ng mabuti saanman ito naging, pagkatapos magpalugod Ka sa akin" at sa lahat ng pagtatadhana Mo kabilang sa inibig Mo at kabilang sa kinasuklaman Mo.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "O Abū Sa`īd, ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta, nagindapat para sa kanya ang Paraiso." Kaya nagtaka rito si Abū Sa`īd saka nagsabi ito: "Ulitin mo po iyan sa akin, O Sugo ni Allāh." Kaya ginawa niya, pagkatapos nagsabi siya: "May iba pang iaangat sa pamamagitan nito ang tao ng isandaang antas sa Paraiso, na ang pagitan ng bawat dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa." Nagsabi ito: "Ano po ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh, ang pakikibaka sa landas ni Allāh."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh dito) na ang sinumang sumampalataya kay Allāh at nalulugod sa Kanya bilang Panginoon, bilang Diyos, bilang Tagapagmay-ari, bilang Pinapanginoon, at bilang Tagautos; sa Islām bilang Relihiyon dala ng pagpapaakay at pagpapasailalim sa lahat ng mga ipinag-uutos nito at mga sinasaway nito; at kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang Propeta kalakip ng bawat ipinasugo sa kanya at ipinaabot niya, pinagtibay para sa kanya ang Paraiso. Kaya nagtaka rito si Abū Sa`īd saka nagsabi ito: "Ulitin mo po iyan sa akin, O Sugo ni Allāh." Kaya ginawa niya, pagkatapos nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mayroon akong iba pang kakanyahang iaangat ni Allāh sa pamamagitan nito ang tao ng isandaang antas sa Paraiso, na ang pagitan ng bawat " ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa." Nagsabi si Abū Sa`īd: "Ano po ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh, ang pakikibaka sa landas ni Allāh."
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh, magpapalayo si Allāh sa mukha niya sa Impiyerno ng pitumpung taglagas."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh – at sinabing sa pakikibaka at iba pa rito – habang nagpapakawagas kay Allāh dala ng paghahangad ng gantimpala at pabuya mula kay Allāh, tunay na si Allāh dahil sa kabutihang-loob Niya ay magpapalayo sa pagitan ng mukha niya at ng Impiyerno ng pitumpung taon.
Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi matitigil ang mga tao sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa pagtigil-ayuno."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga tao ay hindi matitigil sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa pagtigil sa pag-aayuno matapos ng pagkatiyak ng paglubog ng araw. Iyon ay bilang pagsunod sa Sunnah at pagtigil sa hangganan nito.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Kami noon ay nagpapaluwal, noong nasa amin pa ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ng zakāh ng pagtigil-ayuno alang-alang sa bawat nakababata at nakatatanda at malaya at minamay-ari ng isang ṣā` ng pagkain o isang ṣā` ng tuyong yogurt o isang ṣā` ng sebada o isang ṣā` ng datiles o isang ṣā` ng pasas. Hindi kami tumigil na nagpapaluwal nito hanggang sa dumating sa amin si Mu`āwiyah bin Abī Sufyān (malugod si Allāh sa kanya) habang nagsasagawa ng ḥajj o nagsasagawa ng `umrah saka nagsalita siya sa mga tao sa pulpito. Kabilang sa sinalita niya sa mga tao na nagsabi siya: 'Tunay na ako ay nakakikita na ang dalawang mudd ng trigo ng Sirya ay nakatutumbas sa isang ṣā` ng datiles.' Kaya umayon ang mga tao roon."} Nagsabi naman si Abū Sa`īd: {Hinggil naman sa akin, hindi ako tumitigil na nagpapaluwal nito kung paanong dati akong nagpapaluwal nito magpakailanman hanggat nabubuhay ako."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng mga Muslim noon ay nagpapaluwal ng zakāh ng pagtigil-ayuno sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at panahon ng mga Napatnubayang Khalīfah noong matapos niya alang-alang sa nakababata at nakatatanda sa sukat na isang ṣā` ng pagkain. Ang pagkain nila noon ay ang sebada, ang pasas (ang tuyot na ubas), ang aqit (ang pinatuyong gatas), at ang datiles. Ang sukat ng isang ṣā` ay apat na mudd. Ang mudd ay nakatutumbas sa isang pagkapuno ng dalawang kamay ng katamtamang lalaki. Noong dumating si Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) sa Madīnah noon siya ay khalīfah at dumami ang trigong Siryano, nagtalumpati siya saka nagsabi: "Tunay na ako ay nakakikita na ang dalawang mudd ng trigo ng Sirya (kalahati ng ṣā`) ay nakatutumbas sa isang ṣā` ng datiles." Kaya umayon ang mga tao roon. Nagsabi naman si Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): "Hinggil naman sa akin, hindi ako tumitigil na nagpapaluwal nito kung paanong dati akong nagpapaluwal nito sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) magpakailanman hanggat nabubuhay ako."
Ayon kay Zayd bin Thābit (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kumain kami ng saḥūr kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos tumindig siya papunta sa ṣalāh. Nagsabi ako: "Gaano katagal sa pagitan ng adhān at saḥūr?" Nagsabi siya: "Singtagal [ng pagbigkas] ng limampung talata [ng Qur'ān]."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoKumain ng saḥūr ang ilan sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos tumindig siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) papunta sa ṣalāh sa madaling-araw. Kaya nagsabi si Anas kay Zayd bin Thābit (malugod si Allāh sa kanya): "Gaano katagal ang sukat ng panahon sa pagitan ng adhān at pagtatapos ng saḥūr?" Nagsabi naman si Anas: "Ang sukat ng pagbigkas ng limampung talata [ng Qur'ān], na katamtaman na hindi mahaba ni maikli at hindi isang pagbigkas na mabilis ni mabagal."