





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh dito), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Pagkatapos nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang ina ng mga mananampalataya, na si `Ā'ishah (malugod si Allāh dito), na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nanatili sa pagsasagawa ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān dala ng paghahangad sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatul qadr). Nagpatuloy siya sa gayon hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Nanatili nga sa pagsasagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya (malugod si Allāh sa kanila).
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoHumimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkain ng saḥūr, ang pagkain sa huling bahagi ng gabi bilang paghahanda para sa pag-aayuno, dahil dito ay may pagpapala na maraming kabutihan gaya ng pabuya at gantimpala, pagdarasal sa oras ng huling bahagi ng gabi, pangingilag magkasala sa pag-aayuno, pagpapakasigla para rito, at pagpapagaan sa hirap dito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong manguna sa Ramaḍān ng pag-aayuno ng isang araw ni ng dalawang araw, maliban sa isang taong dating nag-aayuno ng isang pag-aayuno kaya mag-ayuno siya nito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-ayuno ng Muslim bago ng Ramaḍān ng isang araw o dalawang araw dahil sa layunin ng pagpapakaingat para sa Ramaḍān dahil ang pagkakinakailangan ng pag-aayuno sa Ramaḍān ay isinalalay sa pagkakita sa bagong buwan at walang pangangailangan sa pagpapakahirap-hirap, maliban sa isang dating nag-aayuno ng isang pag-aayunong nakahiratian niya gaya ng pag-aayuno sa isang araw at pagtigil-ayuno sa isang araw o araw ng Lunes o Huwebes saka natapat ito roon, kaya mag-ayuno siya nito. Iyon ay hindi bahagi ng pagsalubong sa Ramaḍān sa anuman. Napabibilang doon ang naging isang pag-aayunong kinakailangan gaya ng pagbabayad-ayuno at pamamanata.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa zakāh ng pagtigil-ayuno ng isang ṣā` ng datiles o ng isang ṣā` ng sebada, na kailangan sa alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda kabilang sa mga Muslim. Nag-utos siya nito na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNag-obliga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng zakātul fiṭr (zakāh ng pagtigil-ayuno) matapos ng Ramaḍān. Ito ay katumbas ng sukat ng isang ṣā` na umaabot ang timbang sa apat na mudd. Ang mudd ay isang pagkapuno ng dalawang kamay ng katamtamang lalaki ng datiles o sebada, na kailangan sa bawat Muslim: sa malaya at alipin, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda. Iyon ay ukol sa sinumang nagtaglay ng sumobra sa pagkain ng araw niya at gabi niya alang-alang sa sarili niya at alang-alang sa mga itinataguyod niya. Nag-utos siya na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh ng `īd.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ipinahihintulot para sa isang babaing Muslim na maglakbay ng isang distansiya ng isang gabi [na paglalakbay] malibang kapag may kasama sa kanya na isang lalaking may pagkamaḥram sa kanya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ipinagbabawal sa babaing Muslim na maglakbay ng distansiya ng isang gabi maliban na may kasama sa kanya na isang lalaking kabilang sa mga maḥram niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno, kaya nakakain o nakainom, maglubos siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakakain o nakainom habang nakalilimot samantalang siya ay nasa isang pag-aayunong tungkulin o kusang-loob, maglubos siya ng pag-aayuno niya at huwag siyang tumigil-ayuno dahil siya naman ay hindi nagpakay ng pagtigil-ayuno. Ito lamang ay isang panustos na inakay ni Allāh sa kanya, ipinakain sa kanya, at ipinainom sa kanya.
Ayon kay Abū `Ubayd na dating alipin ni Ibnu Azhar, na nagsabi: {Nakasaki ako sa `īd kasama ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) saka nagsabi siya: "Ang dalawang ito ay dalawang araw na sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aayuno sa dalawang ito: ang araw ng pagtigil-ayuno ninyo mula sa pag-aayuno ninyo at ang isa pang araw na doon ay kakain kayo mula sa alay ninyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aayuno sa araw ng Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno (`Īdul fiṭr) at Pagdiriwang ng Pag-aalay (`Īdul ’aḍḥā). Hinggil naman sa Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno, ito ang araw ng pagtigil sa pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān. Hinggil naman sa araw ng Pagdiriwang ng Pag-aalay, ito ang araw ng pagkain ng mga alay.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang talbiyah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: "Labbayka -llāhumma labbayka; labbayka lā sharīka laka labbayk. Inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulka, lā sharīka lak. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo.)"} Sinabi: "Si `Abdullāh bin `Umar noon (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay nagdaragdag dito ng: "Labbayka labbayka wa-sa`dayka, wa-lkhayru bi-yadayk. Labbayka wa-rragbā'u ilayka wa-l`amal. (Bilang pagtugon sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo, at bilang pagpapaligaya Mo, ang kabutihan ay nasa mga kamay Mo. Bilang pagtugon sa Iyo, at ang pagkaibig ay sa Iyo at ang paggawa.)"
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng talbiyah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais siya ng pagpasok sa gawain ng ḥajj o `umrah, ay ang magsabi ng: "Labbayka -llāhumma labbayka; (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo;)" Bilang pagsagot sa Iyo matapos ng pagsagot sa ipinaanyaya Mo sa amin na pagpapakawagas, Tawḥīd, pagsasagawa ng ḥajj, at iba pa sa mga ito. "labbayka lā sharīka laka labbayk. (bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo.)" sapagkat Ikaw, tanging Ikaw, ang karapat-dapat sa pagsamba: walang katambal sa Iyo sa pagkapanginoon Mo, pagkadiyos Mo, at mga pangalan Mo at mga katangian Mo. "Inna -lḥamda (Tunay na ang papuri)" at ang pasasalamat at ang pagbubunyi. "wa-nni`mata (at ang pagbibiyaya)" ay mula sa Iyo at Ikaw ay tagapagbigay nito. "laka. (ukol sa Iyo.)" Ibinabaling ito sa bawat kalagayan. "wa-lmulka, (at ang paghahari;)" Gayon din ukol sa Iyo. "la sharīka lak. (walang katambal sa Iyo.)" sapagkat ang lahat ng mga ito ay ukol sa Iyo – tanging sa Iyo. Si `Abdullāh bin `Umar noon (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay nagdaragdag dito ng: "Labbayka labbayka wa-sa`dayka, (Bilang pagtugon sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo, at bilang pagpapaligaya Mo,) Magpaligaya Ka sa akin ng isang pagpapaligaya matapos ng isang pagpapaligaya. "wa-lkhayru bi-yadayk. ([at] ang kabutihan ay nasa mga kamay Mo.)" Ang kabuuan nito at mula sa kabutihang-loob Mo. "Labbayka wa-rragbā'u ilayka (Bilang pagtugon sa Iyo, at ang pagkaibig ay sa Iyo)" Ang paghiling at ang paghingi ay sa Kanya na nasa kamay Niya ang kabutihan. "wa-l`amal. (at ang paggawa.)" Sapagkat Ikaw ang Karapat-dapat sa pagsamba.
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hanapin ninyo ang Gabi ng Pagtatakda sa gansal [na petsa] mula sa huling sampung gabi ng Ramaḍān."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoHumimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagsusumikap sa paghahanap, paghahangad, at paghiling na matapos sa Gabi ng Pagtatakda sa pamamagitan ng pagpaparami ng maayos na gawa. Ito ay higit na maaasahan na maging nasa mga gabing gansal ang petsa mula sa huling sampung gabi ng Ramaḍān bawat taon. Ang mga petsang ito ay ang ika-21, ang ika-23, ang ika-25, ang ika-27, at ang ika-29.