





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May mga lalaking kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (s) na pinakitaan ng Gabi ng Pagtatakda sa panaginip sa huling pitong gabi kaya nagsabi ang Sugo ni Allah (s): "Nakakita ako ng panaginip ninyo na nagsang-ayunan sa huling pitong gabi. Kaya ang sinumang naging naghahanap nito, hanapin niya ito sa huling ikapitong gabi."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay nakakitang mga lalaki kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa panaginip na ang Gabi ng Pagtatakda ay nasa huli ng pitong gabi ng Ramaḍān. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakakita ako sa mga panaginip ninyo na nagkasang-ayunan nga sa huling pitong gabi ng Ramaḍān. Kaya ang sinumang naging tagapagpakay nito, na masigasig sa paghahangad nito, magsumikap siya sa paghahanap nito sa pamamagitan ng pagpaparami ng maayos na gawa sapagkat ito ay higit na maaasahan na maging nasa huling pitong gabi. Ito ay nagsisimula sa gabi ng ika-24 kapag ang buwan ng Ramaḍān ay 30 araw at nagsisimula naman sa gabi ng ika-23 kapag ang buwan ng Ramaḍān ay 29 araw."
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): {May mga taong kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Sugo ni Allāh, nakakuha ang mga may mga salapi ng mga pabuya. Nagdarasal sila kung paanong nagdarasal kami. Nag-aayuno sila kung paanong nag-aayuno kami. Nagkakawanggawa sila ng mga kalabisan ng mga yaman nila." Nagsabi siya: "At hindi ba gumawa na si Allāh para sa inyo ng ipangkakawanggawa ninyo? Tunay na sa bawat tasbīḥah ay may kawanggawa, sa bawat takbīrah ay may kawanggawa, sa bawat taḥmīdah ay may kawanggawa, at sa bawat tahlīlah ay may kawanggawa. Ang isang pag-uutos ng nakabubuti ay kawanggawa at ang isang pagsaway sa nakasasama ay kawanggawa. Sa pakikipagtalik ng isa sa inyo [sa maybahay] ay may kawanggawa." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, tutugon ba ang isa sa amin sa pagnanasa niya at magkakaroon siya dahil doon ng isang pabuya?" Nagsabi siya: "Naniwala ba kayo na kung sakaling naglagay siya nito sa isang bawal, magkakaroon ba siya roon ng isang kasalanan?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya gayon din kapag naglagay siya nito sa ipinahihintulot, magkakaroon siya ng pabuya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimDumaing ang ilan sa mga maralita sa mga Kasamahan ng kalagayan nila at karalitaan nila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ng kawalan ng pagkakawanggawa nila sa pamamagitan ng mga yaman upang magtamo sila ng maraming pabuya [ni Allāh] kung paanong nagtatamo ng mga ito ang mga kapatid nilang mga may maraming yaman at upang makagawa sila ng kabutihan tulad ng mga iyon yayamang nagdarasal ang mga iyon kung paanong nagdarasal sila, nag-aayuno ang mga iyon kung paanong nag-aayuno sila, at nagkakawanggawa ang mga iyon ng mga kalabisan sa mga yaman ng mga iyon samantalang hindi sila nakapagkakawanggawa! Kaya gumabay sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng makakakaya nila na mga kawanggawa sapagkat nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "At hindi ba gumawa na si Allāh para sa inyo ng ipangkakawanggawa ninyo sa mga sarili ninyo? Tunay na ang bawat pagsabi ninyo ng tasbīḥah: "Subḥānallah - (Kaluwalhatian kay Allāh)" ay magkakaroon kayo ng pabuya ng kawanggawa; at gayon din, ang pagsabi ng takbīrah: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" ay kawanggawa, ng pagsabi ng taḥmīdah: "Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)" ay kawanggawa, ang pagsabi ng tahlīlah: "Lā ilāha -illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)" ay kawanggawa, ang pag-uutos ng nakabubuti ay kawanggawa, at ang pagsaway sa nakasasama ay kawanggawa; bagkus sa pakikipagtalik ng isa sa inyo sa maybahay niya ay may kawanggawa." Kaya nagulat sila at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tutugon ba ang isa sa amin sa pagnanasa niya at magkakaroon siya dahil doon ng isang pabuya?" Nagsabi siya: "Naniwala ba kayo na kung sakaling naglagay siya nito sa isang bawal gaya ng pangangalunya o iba pa rito, magkakaroon ba siya roon dahil dito ng isang kasalanan? Kaya gayon din, kapag naglagay siya nito sa ipinahihintulot, magkakaroon siya ng pabuya."
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naghihigpit ng tapis.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung huling araw ng Ramaḍān, ay nagpupuyat sa gabi sa kabuuan nito dahil sa paggawa ng mga uri ng mga pagtalima [kay Allāh], nanggigising ng mag-anak niya para magdasal, nagpapakasipag sa pagsamba bilang karagdagan sa nakahiratian niya, naglalaan ng sarili para rito, at umiiwas sa mga maybahay niya.
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Hindi nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang dasal matapos na bumaba sa kanya ang talatang (Qur'ān 110:1): {Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop} malibang nagsasabi siya rito ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)"} Ayon pa sa kanya: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsabi sa pagkayukod niya at pagkapatirapa niya ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)" Nagpapakahulugan siya nito sa Qur'ān.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong ibinaba sa kanya ang talatang (Qur'ān 110:1): {Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop}, ay nagpapakahulugan sa Qur'ān at nagdadali-dali sa pagsunod sa utos ni Allāh (napakataas Siya) sa sabi Nito (Qur'ān 110:3): {magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya.} Kaya siya noon ay nagpaparami ng pagsabi sa sandali ng pagkakayukod niya at pagkakapatirapa niya sa sandali ng ṣalāh ng: "Subhanāka (Kaluwalhatian sa Iyo)" bilang pagpapawalang-kinalaman sa Iyo sa bawat kakulangan palayo sa hindi naaangkop sa Iyo. "Allāhumma rabbanā wa-bi-ḥamdik. (O Allāh, Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo.)" sa pamamagitan ng pagbubunying pinapupurihan sa Iyo dahil sa kalubusan ng sarili Mo, mga katangian Mo, at mga gawain Mo. "Allāhumma -ghfir lī. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)" Magpawi Ka sa akin ng pagkakasala ko at magpalampas Ka sa akin nito.
Ayon kay Abū Umāmah bin Tha`labah Al-Ḥārithīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nangagaw ng karapatan ng isang taong Muslim sa pamamagitan ng panunumpa niya, nag-obliga nga si Allāh para sa kanya ng Impiyerno at nagkait nga sa kanya ng Paraiso." Kaya may nagsabi sa kanya na isang lalaki: "Kahit pa ito ay isang maliit na bagay, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kahit pa isang siit mula sa isang arāk."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsumpa kay Allāh nang nagsisinungaling na nakaalam para mang-agaw ng karapatan ng isang taong Muslim sapagkat tunay na ang ganti roon ay ang pagkakarapat-dapat sa Impiyerno at ang pagkakait ng Paraiso. Ito ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala. Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, kahit pa ang sinumpaan ay isang bagay na kaunti?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kahit pa man iyon ay isang patpat ng siwāk na kinukuha sa punong arāk."
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumupunta siya sa maysakit, ay dumadalangin para rito. Nagsasabi siya: "Adhhib -lba'sa, rabba -nnāsi, wa-shfi anta -shshāfī, lā shifā'a illā shifā'uka, shifā'an lā yughādiru saqamā. (Mag-alis Ka ng dinaramdam, Panginoon ng mga tao, at magpagaling Ka: Ikaw ang Tagapagpagaling, na walang pagpapagaling kundi ang pagpapagaling Mo, sa isang pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng isang karamdaman.)"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag dumalaw siya sa isang maysakit, ay dumadalangin para rito sapagkat nagsasabi siya: O Allāh, "[M]ag-alis Ka" at magpawi Ka "ng dinaramdam" at katindihan ng sakit, "Panginoon ng mga tao," Tagalikha nila, at Tagapag-alaga nila, "at magpagaling Ka" ng sakit na ito: "Ikaw," kaluwalhatian sa Iyo, "ang Tagapagpagaling," at nagsusumamo ako sa Iyo sa pangalan Mo, ang Tagapagpagaling, "na walang pagpapagaling" na mangyayari sa maysakit "kundi ang pagpapagaling Mo" at ang pagpapabuti Mo "sa isang pagpapagaling," na walang-takda, "na hindi nag-iiwan," hindi nagtitira, at hindi naglalagak ng isang karamdaman at sakit na iba pa.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isang dinar na ginugol mo sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa pagpapalaya [ng alipin], isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukha, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo, ang pinakamabigat sa mga ito sa pabuya ay ang ginugol mo sa mag-anak mo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga uri ng paggugol sapagkat nagsabi siya: "Isang dinar na ginugol mo sa pakikibaka sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa pagpapalaya ng isang alipin mula sa pang-aalipin at pagkaalipin, isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukhang nangangailangan, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo at mga alaga mo." Pagkatapos nagpabatid siya na ang pinakamabigat sa mga ito sa pabuya sa ganang kay Allāh ay ang ginugol mo sa mag-anak mo, mga alaga mo, at sinumang inoobliga sa iyo ang paggugol sa kanya.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ikaw ay talagang nag-aayuno sa tanang-buhay at nagdarasal sa gabi." Kaya nagsabi ako: "Opo." Nagsabi siya: "Tunay na ikaw, kapag gumawa ka niyon, ay manghihina ang mata at mapapagal ang kaluluwa. Hindi nag-ayuno ang sinumang nag-ayuno sa tanang-buhay. Ang pag-aayuno ng tatlong araw ay gaya ng pag-aayuno sa tanang-buhay sa kabuuan nito." Nagsabi ako: "Ngunit tunay na ako ay nakakakaya ng higit kaysa roon." Nagsabi siya: "Kaya mag-ayuno ka ng pag-aayuno ni David (sumakanya ang pangangalaga). Siya noon ay nag-aayuno isang araw at tumitigil-ayuno isang araw. Hindi siya noon tumatakas kapag nakiharap [sa kaaway]."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoUmabot sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay nagtutuluy-tuloy sa pag-aayuno at hindi tumitigil-ayuno sa kahabaan ng tao at nagdarasal sa gabi sa kabuuan nito at hindi natutulog, kaya naman sumaway siya rito laban doon. Nagsabi siya rito: "Mag-ayuno ka at tumigil-ayuno ka, at magdasal ka sa gabi at matulog ka." Sumaway siya rito laban sa pagtutuluy-tuloy ng pag-aayuno at pagdarasal sa gabi sa kabuuan nito. Nagsabi siya rito: "Tunay na ikaw, kung gumagawa ka niyan, ay hihina ang mata mo, lulubog, at papasok; at mapapagal ang kaluluwa mo, mapapagod, at mapapata. Kaya naman hindi nag-ayuno ang sinumang nag-ayuno sa buong taon yayamang tunay na siya ay hindi nagkamit ng pabuya ng pag-aayuno dahil sa pagsalungat sa pagsaway at hindi tumigil-ayuno dahil siya ay nagpigil. Pagkatapos gumabay siya tungo sa pag-aayuno ng tatlong araw mula sa bawat buwan sapagkat ito ay katumbas ng pag-aayuno sa isang taon dahil ang bawat araw ay katumbas ng sampung araw, na pinakakaunti sa pagpapaibayo ng magandang gawa. Kaya nagsabi si `Abdullāh: "Tunay na ako ay nakakakaya ng higit kaysa roon." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Samakatuwid, mag-ayuno ka ng pag-aayuno ni David (sumakanya ang pangangalaga), na siyang pinakamainam na pag-aayuno. Siya noon ay nag-aayuno isang araw at tumtitigil-ayuno isang araw. Hindi siya noon tumatakas kapag nakiharap sa kaaway dahil ang pamamaraan ng pag-aayuno niya ay hindi nagpapahina ng katawan niya."
[Isinaysay] ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na ang ina niya na Anak ni Rawāḥah ay humiling sa ama niya ng bahagi ng kaloob mula sa yaman niyon para sa anak nito ngunit nag-antala iyon niyan ng isang taon, pagkatapos lumitaw roon [na ibigay] kaya nagsabi naman ito: "Hindi ako nalulugod hanggang sa magpasaksi ka sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ipinagkaloob mo sa anak ko." [Nagsanaysay naman si An-Nu`mān]: Kaya humawak ang ama ko sa kamay ko noong ako sa araw na iyon ay isang bata saka pumunta siya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Tunay na ang ina nito na Anak ni Rawāḥah ay nasisiyahan na magpasaksi ako sa iyo sa pagkaloob ko sa anak niya." Kaya nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Bashīr, may anak ka ba bukod pa rito?" Nagsabi siya: "Opo." Kaya nagsabi ito: "Sa lahat sa kanila ba ay nagkaloob ka ng tulad dito?" Nagsabi siya: "Hindi po." Nagsabi ito: "Kaya huwag kang magpasaksi sa akin, samakatuwid, sapagkat tunay na ako ay hindi sumasaksi sa isang pang-aapi."} Batay kay Imām Muslim: {"Ngunit magpasaksi ka rito sa iba pa sa akin."}
Napagkasunduan sa katumpakan nito at mayroon itong ilang pagkakasambitNagpabatid si An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang ina niya na si `Amrah na Anak ni Rawāḥah (malugod si Allāh sa kanya) ay humiling sa ama niya ng bahagi ng kaloob mula sa yaman niyon para sa anak nito ngunit nagkupad-kuparan iyon at nagpaliban iyon niyan ng isang taon, pagkatapos lumitaw roon na tumugon dito sa hiling nito para ibigay sa anak nitong si An-Nu`mān kaya nagsabi naman ito: "Hindi ako nalulugod hanggang sa magpasaksi ka sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ipinagkaloob mo sa anak ko." [Nagsanaysay naman si An-Nu`mān]: "Kaya humawak ang ama ko sa kamay ko noong ako sa araw na iyon ay isang bata saka pumunta siya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang ina nito na Anak ni Rawāḥah ay nasisiyahan na magpasaksi ako sa iyo sa pagkaloob ko sa anak niya." Kaya nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Bashīr, may anak ka ba bukod pa rito?" Nagsabi siya: "Opo." Kaya nagsabi ito: "Sa lahat sa kanila ba ay nagkaloob ka ng tulad dito?" Nagsabi siya: "Hindi po." Nagsabi ito: "Kaya huwag kang magpasaksi sa akin, samakatuwid, sapagkat tunay na ako ay hindi sumasaksi sa isang pang-aapi at kawalang-katarungan." Batay kay Imām Muslim, nagsabi ito: "Subalit magpasaksi ka sa kawalang-katarungang ito sa iba pa sa akin."