





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Ang sinumang dumalaw sa isang maysakit na hindi pa dumating dito ang taning nito, saka nagsabi sa piling nito ng pitong ulit: "As’alu -llāha -l`aḍ̆īma rabba -l`arshi -l`aḍ̆īmi an yashfiyak. (Hinihiling ko kay Allāh, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan, na pagalingin ka nawa Niya)"}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim sa pagkakasakit nito na hindi pa dumating dito ang kamatayan nito, dumalangin ang tagadalaw sa maysakit sa pamamagitan ng pagsabi ng: "As’alu -llāha -l`aḍ̆īma (Hinihiling ko kay Allāh, ang Sukdulan)" sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawain Niya; "rabba -l`arshi -l`aḍ̆īmi an yashfiyak. (ang Panginoon ng tronong sukdulan, na pagalingin ka nawa Niya)" at umulit niyon dito nang pitong ulit, malibang magpapagaling si Allāh dito mula sa sakit.
Ayon kay Ummu Salamah na ina mga mananampalataya, na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang may makakatay na kakatayin, saka kapag dumating ang bagong buwan ng Dhulḥijjah, huwag nga siyang kukuha mula sa buhok niya ni mula sa mga kuko niya ng anuman hanggang sa makapag-alay siya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nagnais na magkatay ng alay na huwag siyang kumuha mula sa buhok ng ulo niya o kilikili niya o bigote niya o iba pa sa mga ito ni mula sa mga kuko ng kamay niya o paa niya ng anuman kapag lumitaw ang bagong buwang ng Dhulḥijjah hanggang sa makapag-alay siya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag sumapit ang buwan ng Ramaḍān, nangyayari ang tatlong pangyayari: Una. Binubuksan ang mga pinto ng Paraiso sapagkat walang ipinipinid na pinto mula sa mga iyon. Ikalawa. Ipinipinid ang mga pinto ng mga Impiyerno sapagkat walang binubuksang pinto mula sa mga iyon. Ikatlo. Tinatalian ang mga demonyo at ang mga tagapaghimagsik na jinn ng mga tanikala kaya hindi sila makaaabot sa naaabot nila dati sa hindi Ramaḍān. Ang lahat ng iyon ay isang pagdakila sa buwang ito at isang pagpapaibig sa mga tagagawa ng karamihan ng mga pagtalima gaya ng ṣalāh, kawanggawa, dhikr, pagbigkas ng Qur'ān, at iba pa rito, at ng paglayo sa mga pagkakasala at mga pagsuway.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kung sakaling nakaaalam ang mga tao sa nasa panawagan [ng ṣalāh] at unang hilera [ng ṣalāh], pagkatapos hindi sila nakatagpo kundi na magpalabunutan sila rito, talaga sanang nagpalabunutan sila." Kung sakaling nakaaalam sila sa nasa pagpapaaga, talaga sanang nag-unahan sila roon. Kung sakaling nakaaalam sila sa nasa gabi at madaling-araw, talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga tao, kung sakaling nakaaalam sila sa nasa adhān at unang hilera [sa ṣalāh] na kainaman, kabutihan, at pagpapala, pagkatapos hindi sila nakatagpo ng mga paraan ng pag-una at pagkauna para rito kundi na magpalabunutan sila sa dalawang ito kung alin sa kanila ang magiging karapat-dapat higit sa kasamahan niya, talaga sanang nagpalabunutan sila. Kung sakaling nakaaalam sila sa nasa pagpapaaga sa ṣalāh sa unang oras nito, talaga sanang nag-unahan sila roon. Kung sakaling nakaaalam sila sa kantidad ng gantimpala sa pagpunta sa ṣalāh sa gabi at ṣalāh sa madaling-araw, talaga sanang nagsamadali ang pagpunta sa dalawang ito kahit pa man pagapang sa mga tuhod kung paanong naglalakad ang paslit sa unang pagkakataon.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang tumalon mula sa isang bundok saka pumatay sa sarili niya, siya ay sa apoy ng Jahannam tatalon doon samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman. Ang sinumang humigop ng isang lason saka pumatay sa sarili niya, ang lason niya sa kamay niya ay hihigupin niya sa apoy ng Jahannam samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman. Ang sinumang pumatay ng sarili niya sa pamamagitan ng isang pirasong bakal, ang pirasong bakal niya sa kamay niya ay ipansasaksak niya sa tiyan niya sa apoy ng Jahannam samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nanadya ng pagpatay sa sarili niya sa Mundo sapagkat tunay na siya ay parurusahan sa Araw ng Pagbangon sa apoy ng Jahannam sa pamamagitan ng mismong pamamaraan na ginawa niya sa sarili niya sa Mundo bilang ganting karampatan. Kaya ang sinumang nagpabagsak ng sarili niya mula sa ibabaw ng isang burol saka pumatay nito, siya ay sa apoy ng Jahannam babagsak doon mula sa mga burol ng Jahannam papunta sa mga lambak nito samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman. Ang sinumang lumagok ng isang lason saka pumatay ng sarili niya sa pamamagitan nito, ang lason niya sa kamay niya ay lalaguk-lagukin niya sa apoy ng Jahannam samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman. Ang sinumang tumaga ng sarili niya, sa pamamagitan ng isang pirasong bakal, sa tiyan niya saka pumatay nito, ang pirasong bakal niya sa kamay niya ay ipantutusok niya sa tiyan niya sa apoy ng Jahannam samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May pitong maglililim sa kanila si Allāh (napakataas Siya) sa lilim Niya sa araw na walang lilim kundi ang lilim Niya: isang pinunong makatarungan; isang binatang lumaki sa pagsamba kay Allāh; isang lalaking ang puso niya ay pinahumaling sa mga masjid; dalawang taong nag-iibigan alang-alang kay Allāh, na nagtitipon para sa Kanya at naghihiwalay para sa Kanya; isang lalaking inanyayahan ng isang babaing may katungkulan at karikitan ngunit nagsabi siya: Tunay na ako ay nangangamba kay Allāh; isang taong nagkawanggawa ng isang kawanggawa saka nagkubli niyon hanggang sa hindi makaalam ang kaliwa niya sa ginugugol ng kanan niya; at isang taong nakaalaala kay Allāh nang nag-iisa saka nag-umapaw ang mga mata niya [sa luha]."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbalita ng nakagagalak ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa pitong klase ng mga mananampalataya na maglililim sa kanila si Allāh (napakataas Siya) sa lilim ng Trono Niya sa araw na walang lilim kundi ang lilim Niya: A. Isang pinunong makatarungan sa sarili niya, na hindi suwail, na makatarungan sa pagitan ng nasasakupan niya, na hindi tagalabag ng katarungan samantalang siya ay tagapagtaglay ng pinakadakilang pamamahala at nauugnay sa kanya ang bawat sinumang namahala ng isang bahagi ng mga nauukol sa mga Muslim saka nagmakatarungan siya rito. B. Isang binatang lumaki sa pagsamba kay Allāh at ginugol niya ang pagkabinata niya at aktibidad niya hanggang sa pinapanaw siya ayon doon. C. Isang lalaking ang puso niya ay pinahumaling sa mga masjid kapag lumabas mula roon hanggang sa magbalik siya roon dahil sa tindi ng pagkaibig niya at dalas ng pananatili sa masjid at pagpapatuloy ng pagiging naroon, kahit pa may bumalakid sa katawan ng isang balakid habang siya ay nasa labas ng masjid. D. Dalawang taong umibig ang bawat isa sa kanilang dalawa sa isa't isa alang-alang kay Allāh nang tunay at nagtagal silang dalawa sa pag-iibigang panrelihiyon at hindi silang dalawa pumutol nito dahil sa isang balakid na makamundo, maging nagtipon man silang dalawa nang tunay o hindi, hanggang sa magpahiwalay sa pagitan nila ang kamatayan. E. Isang lalaking inakit ng isang babae sa sarili nito para gumawa ng mahalay gayong ang babaing ito ay may angkan, kamaharlikaan, kaangkanan, reputasyon, yaman, at karikitan ngunit umayaw siya at nagsabi siya rito: Tunay na ako ay nangangamba kay Allāh. F. Isang taong nagkawanggawa nga ng isang kawanggawang kaunti o marami saka hindi siya nagpakitang-tao kaugnay roon bagkus nagkubli siya niyon hanggang sa hindi makaalam ang kaliwa niya ng ginugugol ng kanan niya. G. Isang taong nakaalaala kay Allāh sa puso niya dahil sa pagsasaalaala o sa dila niya dahil sa pagbanggit sa pag-iisa malayo sa mga tao saka nag-umapaw ang mga luha mula sa mga mata niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi manunutok ang isa sa inyo sa kapatid niya ng sandata sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam baka ang demonyo ay bumunot nito sa kamay niya saka babagsak siya sa isang hukay mula sa Impiyerno."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi manutok ang Muslim sa kapatid niyang Muslim ng alinmang uring kabilang sa mga uri ng sandata sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam baka ang demonyo ay mag-udyok sa kanya sa pagpapagalaw ng sandata sa kamay niya saka makapatay siya sa kapatid niya o makaperhuwisyo siya roon kaya masasadlak siya sa pagsuway na magpapahantong sa kanya sa pagbagsak sa isang hukay mula sa Impiyerno.
Ayon kay Shurayḥ (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya!" Sinabi: "Sino po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang hindi natitiwasay ang kapitbahay niya sa mga sakuna niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīySumumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagbigay-diin sa pagsumpa niya nang tatlong ulit sapagkat nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya!" Kaya nagtanong sa kanya ang mga Kasamahan: "Sino po ang hindi sumasampalataya, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang nangangamba ang kapitbahay niya sa kasukaban niya, kawalang-katarungan niya, at kasamaan niya."
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang pangkalahatan sa tagubilin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang dumalo sa kanya ang kamatayan ay: "Ang ṣalāh at ang minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Ang ṣalāh at ang minay-ari ng mga kanang kamay ninyo." hanggang sa nagsimula ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na lumalaguklok dahil dito ang dibdib niya. Hindi halos nakapagsasalita dahil dito ang dila niya.}
Nagsalaysay nito sina Imām An-Nasa'īy sa Al-Kubrā at Imām Ibnu MājahAng pinakamarami sa tagubilin ng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya habang siya ay nasa mga hapdi ng kamatayan ay: "Manatili kayo sa ṣalāh, mangalaga kayo rito, at huwag kayong malilingat dito. Gayundin, gampanan ninyo ang mga karapatan ng minay-ari ng mga kanang kamay ninyo na mga lalaking alipin at mga babaing alipin at gumawa kayo ng maganda sa pag-aari ninyo." Hindi siya natigil na umuulit nito hanggang sa nagsimulang lumalaguklok dahil dito ang lalamunan niya. Hindi halos makapaglinaw dahil dito ang dila niya.