





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ginto ay kapalit ng ginto, ang pilak ay kapalit ng pilak, ang trigo ay kapalit ng trigo, ang sebada ay kapalit ng sebada, ang datiles ay kapalit ng datiles, at ang asin ay kapalit ng asin: [pagbabayad] sa isang tulad ng isang tulad, ng isang kapantay sa isang kapantay, ng isang kamay sa isang kamay. Kapag naman nagkaiba-iba ang mga uring ito, magbenta kayo kung papaanong niloob ninyo, kapag ito ay pagbabayad ng isang kamay sa isang kamay."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pamamaraan ng tumpak ng pagtitinda kaugnay sa anim na klaseng maipampapatubo (ribawīy). Ang mga ito ay ang ginto, ang pilak, ang trigo, ang sebada (barley), ang datiles, at ang asin. Kapag ang mga ito ay kabilang sa mismong uri gaya ng pagtitinda ng ginto kapalit ng ginto at pilak kapalit ng pilak, walang pagkaiwan sa dalawang kundisyon: Una. Ang pagkakatularan sa timbang kung ito ay tinitimbang gaya ng ginto at pilak o ang pagkakatularan sa takal kung ito ay tinatakal gaya ng trigo, sebada, datiles, at asin. B. Ang pagkatanggap ng tagapagtinda ng kabayaran at ng mamimili ng paninda at iyon ay sa lugar ng pagdaraos ng pagtitinda. Kapag nagkaiba ang mga klaseng ito gaya ng pagtitinda ng ginto kapalit ng pilak at ng datiles kapalit ng trigo, halimbawa, pinapayagan ang pagtitinda ayon sa iisang kundisyon. Ito ay ang pagkatanggap ng tagapagtinda ng kabayaran at ng mamimili ng paninda sa lugar ng bilihan. Kung hindi naman, ang pagtitinda ay walang-saysay at nasadlak nga sila sa patubo (ribā) na ipinagbabawal. Ang tagapagtinda at ang mamimili roon ay magkatulad.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang bumaba pa sa mga bukungbukong mula sa tapis ay sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga lalaki laban sa pagpapalampas (isbāl) ng bawat anumang itinatakip sa ibaba ng katawan nila na thawb o pantalon o iba pa sa dalawang ito nang lampas sa mga bukungbukong ng paa. Ang mababa pa sa mga bukungbukong ng paa ng nakasuot ng kasuutang lumalampas, ito ay sa Impiyerno bilang kaparusahan sa kanya sa gawa niya.
Ayon sa Pinuno ng mga Mananampalataya na si Abū Ḥafṣ `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa kamunduhan na tatamuhin niya o sa isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."}
Nagsalaysay nito ang dalawang Imām ng mga Muḥaddith, sina Abū `Abdillāh Muḥammad bin Ismā`īl bin Ibrāhīm bin Al-Mughīrah bin Bardizbah Al-Bukhārīy at Abu Al-Ḥusayn Muslim bin Al-Ḥajjāj bNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang lahat ng mga gawain ay isinasaalang-alang ayon sa layunin. Ang kahatulang ito ay panlahat sa lahat ng mga gawain kabilang sa mga pagsamba at mga pakikitungo. Kaya ang sinumang nagpakay sa gawain niya ng isang kapakinabangan, wala siyang tatamuhin kundi ang kapakinabangang iyon at walang gantimpala para sa kanya; at ang sinumang nagpakay sa gawain niya ng pagpapakalapit-loob kay Allāh, tatamuhin niya mula sa gawain niya ang gantimpala at ang pabuya kahit pa ito ay isang karaniwang gawain gaya ng pagkain at pag-inom. Pagkatapos naglahad ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang paghahalintulad para sa paglilinaw sa pag-epekto ng layunin sa mga gawain sa kabila ng pagkakapantayan ng dalawang ito sa panlabas na anyo. Naglinaw siya na ang sinumang nagpakay sa paglikas niya at pag-iwan ng bayan niya ng paghahangad ng mga kaluguran ng Panginoon niya, ang paglikas niya ay isang paglikas na legal na tinatanggap, na ginagantimpalaan dahil sa katapatan ng layunin niya; samantalang ang sinumang nagpakay sa paglikas niya ng isang kapakinabangang pangmundo gaya ng yaman o reputasyon o kalakal o asawa, wala siyang tatamuhin mula sa paglikas niya kundi ang kapakinabangang iyon na nilayon niya at walang bahagi para sa kanya sa pabuya at gantimpala [sa Kabilang-buhay].
Ayon kay Abū `Abdillāh An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang ipinahihintulot ay malinaw at tunay na ang ipinagbabawal ay malinaw. Sa pagitan ng dalawang ito ay may mga mapaghihinalaan, na hindi nakaaalam sa mga ito ang marami sa mga tao. Ang sinumang nangilag sa mga mapaghihinalaan ay nakapag-ingat para sa relihiyon niya at dangal niya. Ang sinumang nasadlak sa mga mapaghihinalaan ay nasadlak sa ipinagbabawal, gaya ng pastol na nagpapastol sa paligid ng isang kanlungan, na halos magpanginain siya roon. Pansinin at tunay na bawat hari ay may kanlungan. Pansinin at tunay na ang kanlungan ni Allāh ay ang mga pagbabawal Niya. Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang kimpal na laman na kapag umayos ay aayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag nasira ito ay masisira ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso."}
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pangkalahatang tuntunin sa mga bagay, na ito ay nababahagi kaugnay sa Batas ng Islām sa tatlong bahagi: malinaw na ipinahihintulot, malinaw na bawal, at mga bagay na mapaghihinalaan na hindi maliwanag ang kahatulan sa punto ng pagkapahintulot at pagkabawal, na hindi nalalaman ang kahatulan ng mga ito ng marami sa mga tao. Ang sinumang nagwaksi ng mga bagay na mapaghihinalaan sa kanya, naligtas ang Relihiyon niya dahil sa pagkalayo sa pagkasadlak sa bawal at naligtas para sa kanya ang dangal niya laban sa salita ng mga tao dahil sa maipamimintas nila sa kanya dahilan sa pagkakagawa niya ng mapaghihinalaang ito. Ang sinumang hindi umiwas sa mga mapaghihinalaang ito ay nagsalang nga ng sarili niya sa pagkasadlak sa bawal o paghamak ng mga tao sa dangal niya. Naglahad ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang paghahalintulad upang maglinaw sa kalagayan ng sinumang nakagagawa ng mga mapaghihinalaan, na siya ay gaya ng pastol habang nagpapastol ng kawan niya malapit sa isang lupain na pinangalagaan ng may-ari nito, kaya halos ang kawan ng pastol ay manginain sa kanlungang iyon dahil sa kalapitan nito roon. Gayon din ang sinumang gumagawa ng anumang may mapaghihinalaan sapagkat tunay na siya dahil doon ay lumalapit sa bawal kaya halos masadlak siya rito. Matapos nito, nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa katawan ay may isang kimpal ng laman (ang puso), na umaayos ang katawan dahil sa pagkaayos nito at nasisira ito dahil sa pagkasira nito.
Ayon kay Abū Ḥamzah Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya), na tagapaglingkod ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi naisasakatotohanan ang kumpletong pananampalataya para sa isa sa mga Muslim hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya na mga pagtalima at mga uri ng mga kabutihan sa buhay panrelihiyon at buhay pangmundo at kasuklaman niya para rito ang kinasusuklaman niya para sa sarili niya. Kaya kung nakakita siya sa kapatid niyang Muslim ng isang kakulangan sa buhay panrelihiyon nito, magsusumikap siya na magsaayos nito; at kung nakakita siya rito ng isang kabutihan, magtatama siya rito, tutulong siya rito, at magpapayo siya rito kaugnay sa nauukol sa buhay panrelihiyon nito o buhay pangmundo nito.
Ayon kay Abū Mas`ūd `Uqbah bin `Amr Al-Anṣārīy Al-Badrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na kabilang sa naabutan ng mga tao mula sa pananalita ng unang pagkapropeta: Kapag hindi ka nahiya, gawin mo ang niloob mo."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa [katuruang] nasaad doon ang tagubilin buhat sa mga naunang propeta, naglipat-lipat nito ang mga tao sa gitna nila, at nagmana-mana sila nito buhat sa mga iyon, isang salinlahi matapos ng isang salinlahi, hanggang sa dumating sa una ng Kalipunang ito [ang katuruang]: "Tumingin ka sa ninanais mong gawin sapagkat kung ito ay naging kabilang sa hindi mo ikahihiya, gawin mo ito; at kung ito ay naging kabilang sa ikahihiya mo, iwan mo ito." Kaya tunay na ang tagapigil sa paggawa ng mga pangit ay ang pagkahiya sapagkat ang sinumang hindi nagkaroon ng pagkahiya ay nagugumon sa bawat mahalay at nakasasama.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kung sakaling kayo ay nananalig kay Allāh nang totoong pananalig sa Kanya, talaga sanang tumustos Siya sa inyo kung paanong tumutustos Siya sa ibon: umaalis ito sa umaga na impis at bumabalik ito sa gabi na bundat."}
Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, Imām Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ nito, at Imām Al-ḤākimHumihimok sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumandal tayo kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa paghatak ng mga kapakinabangan at sa pagtulak ng mga kapinsalaan kaugnay sa mga nauukol sa Mundo at Relihiyon sapagkat tunay na walang nagbibigay, walang nagkakait, walang nakapipinsala, at walang nagpapakinabang kundi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya). Hinihimok tayo na gawin natin ang mga kadahilanan na humahatak sa mga kapakinabangan at nagtutulak ng mga kapinsalaan kasabay ng katapatan ng pagsandal kay Allāh. Kaya kapag gumawa tayo niyon, magtutustos sa atin si Allāh gaya ng pagtustos Niya sa mga ibon na lumalabas sa umaga habang ang mga ito ay mga gutom pagkatapos umuuwi ang mga ito sa hapon habang ang mga ito ay mga napuno ang mga tiyan. Ang gawaing ito mula sa mga ibon ay isang uri ng mga kadahilanan sa pagpupunyagi sa paghahanap ng panustos nang walang pagsasalig-saligan at pagtatamad-tamaran.
Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pagsasamabuting-loob ay kagandahan ng kaasalan. Ang kasalanan ay anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid doon ang mga tao."} Ayon kay Wābiṣah bin Ma`bad (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Pumunta ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Dumating ka na nagtatanong tungkol sa pagsasamabuting-loob at kasalanan?" Nagsabi ako: "Opo." Nagsabi siya: "Magpapayo ka sa puso mo. Ang pagsasamabuting-loob ay anumang napanatag doon ang sarili at napanatag doon ang puso. Ang kasalanan ay anumang lumigalig sa sarili mo at nag-atubili sa dibdib, kahit pa nagpayo sa iyo ang mga tao at nagpayo sila sa iyo."}
Ang Unang Hadith: Nagsalaysay nito si Imām Muslim, at ang Ikalawang Hadith: Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām Ad-DārimīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagsasamabuting-loob at kasalanan sapagkat nagsabi siya: Ang pinakadakila sa mga kakanyahan ng pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng kaasalan kay Allāh sa pamamagitan ng pangingilag magkasala at sa nilikha sa pamamagitan ng pagbata ng perhuwisyo, kakauntian ng galit, pagkamasayahin ng mukha, kaayahan ng pagsasalita, pagpapanatili ng ugnayan, pagtalima, kabaitan, kabutihang-loob, at kagandahan ng pakikisalamuha at pakikisama, at na ang pagsasamabuting-loob ay anumang natahimik doon ang puso at ang kaluluwa. Hinggil naman sa kasalanan, ito ang anumang kumilos sa sarili na mga napaghihinalaan, nag-atubili nang walang pagluwag ang dibdib doon, at nangyari sa puso dahil doon ang pagdududa at ang pangamba sa pagiging ito ay isang pagkakasala at hindi ka nagnais na maglantad ka nito dahil sa pagiging ito ay pangit sa mga prominente at mga ideyal sa mga tao at mga lubos sa kanila. Iyon ay dahil ang kaluluwa, ayon sa kalikasan nito, ay nakaiibig sa pagkabatid ng mga tao sa kabutihan nito. Kaya kapag nasuklam ito sa pagkabatid sa ilan sa mga gawain nito, iyon ay kasalanang walang kabutihan doon. Kung nagpayo sa iyo ang mga tao, huwag kang tumanggap ng payo nila hanggat ang palatandaan ng paghihinala ay nag-aatubili sa sarili mo sapagkat tunay na ang payo ay hindi nag-aalis ng paghihinala hanggat ang paghihinala ay tumpak at ang tagapagpayo ay nagpapayo batay sa hindi kaalaman. Hinggil naman sa kapag ang payo ay batay sa isang patunay na pambatas, ang kinakailangan sa humihingi ng payo ay ang pagsangguni doon, kahit pa hindi lumuwag sa kanya ang dibdib niya.
Ayon kay `Abdullāh bin Busr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaki saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang mga palabatasan ng Islām ay dumami nga sa amin. Kaya may kabanatang kakapitan namin na masaklaw?" Nagsabi siya: "Hindi titigil ang dila mo sa pagkanamamasa sa pag-alaala kay Allāh."} Sa isang salaysay mula sa ḥadīth ni Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya): {Ang kahuli-hulihan sa [nasabing] nakipaghiwalay ako hinggil doon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi ako: "Alin po sa mga gawain ang pinakamabuti at ang pinakamalapit kay Allāh?" Nagsabi siya: "Na mamatay ka habang ang dila mo ay namamasa sa pag-alaala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Ibnu ḤibbānMay dumaing na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga kinukusang-loob sa mga pagsamba ay dumami nga sa kanya hanggang sa nawalang-kakayahan siya sa mga ito dahil sa kahinaan niya. Pagkatapos tinanong niya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na gabayan siya sa isang gawaing madali na hahatak sa maraming gantimpala, na kakapitan niya at hahawakan niya. Kaya gumabay sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na ang dila niya ay maging basa, na gumagalaw-galaw sa pagpapalagi sa pag-aalaala kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa bawat oras at kalagayan sa pagsambit ng tasbīḥ, taḥmīd, istighfār, panalangin, at tulad niyon.