





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magbabalita sa inyo ng pinakamalaki sa malalaking kasalanan?" nang makatatlo. Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh at ang kasutilan sa mga magulang." Umupo siya. Siya kanina ay nakasandal, saka nagsabi siya: "Pansinin, ang pagsasabi ng kabulaanan." Hindi siya tumigil na nag-uulit-ulit niyon hanggang sa nagsabi kami na kung sana siya ay natahimik na.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya tungkol sa pinakamabigat sa malalaking kasalanan, kaya binanggit niya ang tatlong ito: 1. Ang Pagtatambal kay Allāh. Ito ay ang pagbaling ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allāh at ang pagpapantay ng iba pa kay Allāh kay Allāh sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya. 2. Ang Kasutilan sa mga Magulang. Ito ay bawat perhuwisyo sa mga magulang sa salita man o sa gawa at pagwaksi ng paggawa ng maganda sa kanila. 3. Ang Pagsasabi ng Kabulaanan at Kabilang Dito ang Pagsaksi sa Kabulaanan. Ito ay bawat sinasabing bulaan at kinatha na ninanais dito ang pagmamaliit sa sinumang pinagbuntunan sa pamamagitan ng pagkuha ng ari-arian niya o paglabag sa dangal niya o tulad nito. Nag-ulit-ulit nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagbibigay-babala laban sa pagsasabi ng kabulaanan bilang pagtawag-pansin sa pagsasapangit nito at mga masagwang epekto nito sa lipunan hangang sa nagsabi ang mga Kasamahan: "Kung sana siya ay natahimik na." bilang pagkahabag sa kanya at bilang pagkasuklam sa lumiligalig sa kanya.
Ayon kay Al-Miqdām bin Ma`dīkarib (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito."
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām AḥmadNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isa sa mga kadahilanan na nagpapalakas sa kaugnayan sa pagitan ng mga mananampalataya at nagpapalaganap ng pag-ibig sa gitna nila: na kapag minahal ng isa ang kapatid niya ay ipabatid niya rito na siya ay nagmamahal dito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang malalaking kasalanan ay ang pagtatambal kay Allāh, ang kasutilan sa mga magulang, ang pagpatay ng buhay, at ang panunumpang mapagpalublob."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang malalaki sa mga pagkakasala ay ang pinagbabantaan ang tagagawa ng mga ito ng isang matinding banta sa Mundo at Kabilang-buhay. UNA: Ang Pagtatambal kay Allāh. Ito ay ang pagbaling ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allāh at ang pagpapantay ng iba pa kay Allāh kay Allāh sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya. IKALAWA: Ang Kasutilan sa mga Magulang. Ito ay ang bawat nag-oobliga ng perhuwisyo sa mga magulang sa salita man o sa gawa at ang pagwaksi ng paggawa ng maganda sa kanila. IKATLO: Ang Pagpatay ng Buhay. Ito ay kung walang katwiran, gaya ng pagpatay dala ng kawalang-katarungan at dala ng pangangaway. IKAAPAT: Ang Panunumpang Mapagpalublob. Ito ay ang panunumpa nang pasinungaling sa kabila ng kaalamang mula sa kanya hinggil sa kasinungalingan nito. Tinawag itong gayon dahil ito ay maglulublob sa tagagawa nito sa kasalanan o sa Apoy.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tagapagpunyagi para sa balo at maralita ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o nagdarasal sa gabi na nag-aayuno sa maghapon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang nagtataguyod sa mga kapakanan ng babaing namatayan ng asawa nito, na walang isang nagtataguyod sa mga pumapatungkol dito, at ng dukhang nangangailangan, at gumugugol sa kanila habang umaasa sa pabuya sa ganang kay Allāh, siya sa pabuya ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o gaya ng nagdarasal ng ṣalāh na tahajjud na hindi napapagod, na nag-aayuno pa na hindi tumitigil-ayuno.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Umiwas kayo sa pitong tagapagpasawi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?" Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katwiran, ang pagkain ng patubo, ang pagkain ng yaman ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang-puri sa mga malinis na nakapag-asawang babae, na mga mananampalataya, na mga inosente."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNag-uutos ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya ng paglayo sa pitong krimen at pagsuway na tagapagpahamak. Noong tinanong siya tungkol sa mga ito kung ano ang mga ito, naglinaw siya na ang mga ito ay: A. Ang pagtatambal kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng kaagaw at katulad para sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) mula sa alinmang anyo, at ng pagbaling ng alinmang pagsamba kabilang sa mga pagsamba sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya). Nagsimula siya sa Shirk dahil ito ay pinakamabigat sa mga pagkakasala. B. Ang panggagaway – na isang katawagan sa mga buhol, mga orasyon, mga panggamot, at mga pagpapausok – na nakaaapekto sa katawan ng ginagaway sa pamamagitan ng pagkapatay o sa pamamagitan ng pagkakasakit, o nagpapahiwalay sa mag-asawa. Ito ay isang gawaing makademonyo. Marami rito ay hindi nahahantong kundi sa pamamagitan ng Shirk at pagpapakalapit-loob sa mga masamang espiritu sa pamamagitan ng isang bagay kabilang sa naiibigan ng mga ito. C. Ang pagpatay ng buhay na pumigil si Allāh sa pagpatay rito malibang may isang legal na tagapagbigay-matuwid na ipatutupad ng tagapamahala. D. Ang pagkuha ng patubo sa pamamagitan ng pakikinabang o iba pa rito na mga anyo ng pakikinabang. E. Ang paglabag sa ari-arian ng batang namatay ang ama niya habang siya ay mababa sa kasapatang gulang (bulūgh). F. Ang pagtakas mula sa labanan sa mga tagatangging sumampalataya. G. Ang pagpaparatang ng pangangalunya sa mga malayang babaing malinis ang puri at gayon din ang pagpaparatang nito sa mga lalaki.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan at huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang pistahan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagdalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saan man kayo naroon."}
Nagsalaysay nito si Imām Abū DāwudSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapawalang-silbi sa mga bahay sa pagdarasal sapagkat ang mga ito ay magiging gaya ng mga libingan na hindi pinagdarasalan. Sumaway siya laban sa pag-uulit-ulit ng pagdalaw sa libingan niya at pagtitipon sa tabi nito sa isang paraang kahihiratihan dahil iyon ay isang kaparaanan tungo sa Shirk. Nag-utos siya ng pagdalangin kay Allāh ng basbas at pangangalaga sa kanya sa alinmang lugar sa Daigdig dahil iyon ay umaabot sa kanya mula sa malapit at malayo nang magkapantay, kaya walang pangangailangan sa pagpapabalik-balik sa libingan niya.
Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang maggagarantiya sa akin [na mag-ingat] ng nasa pagitan ng bigote at balbas niya at ng nasa pagitan ng mga hita niya, maggagarantiya ako sa kanya ng Paraiso."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang bagay na kapag nanatili ang Muslim sa dalawang ito, tunay na siya ay papasok sa Paraiso: UNA: Ang pag-iingat sa dila laban sa pagsasalita ng nagpapagalit kay Allāh (napakataas Siya); IKALAWA: ang pag-iingat sa ari laban sa pagkakasadlak sa mahalay dahil ang dalawang bahaging ito ay madalas sa pagkakasadlak sa mga pagsuway.
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang pinakamainam na pag-alaala [kay Allāh] ay Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) at ang pinakamainam na panalangin ay Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, at Imām Ibnu MājahNagpapabatid sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamainam na pag-alaala [kay Allāh] ay: Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) – na ang kahulugan nito ay walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – at na ang pinakamainam na panalangin ay: Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh) – ang pagkilala na ang Tagapagbiyaya ay si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), ang Karapat-dapat sa paglalarawang lubos na marikit.
Ayon sa Anak ni Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Paraiso ay higit na malapit sa [bawat] isa sa inyo kaysa sa panali ng sandalyas niya at ang Impiyerno ay tulad niyon."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Paraiso at ang Impiyerno ay malapit sa tao gaya ng kalapitan ng sintas ng sapatos na nasa ibabaw ng paa dahil siya ay maaaring gumagawa ng isang pagtalima kabilang sa kaluguran ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na papasok siya dahil dito sa Paraiso, o ng isang pagsuway na magiging isang kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno.