





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khuḍrīy at ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang dumadapo sa Muslim na pagkapata ni pagkakasakit ni alalahanin ni lungkot ni perhuwisyo ni hapis − kahit ang tinik na tumuturok sa kanya − malibang magtatakip-sala si Allāh sa pamamagitan ng mga ito sa mga kamalian niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang dumadapo sa Muslim na mga karamdaman, mga alalahanin, mga lungkot, mga dalamhati, mga sakuna, mga kasawiang-palad, pangamba, at gutom − kahit pa man ito ay isang tinik na tumatama sa kanya − iyon ay magiging isang panakip-sala sa mga pagkakasala niya at isang pagbababa ng mga kamalian niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tinabingan ang Impiyerno ng mga pinipithaya at tinabingan ang Paraiso ng mga kinasusuklaman."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Impiyerno ay napaliligiran at napalilibutan ng mga bagay na ninanasa ng kaluluwa na paggawa ng mga ipinagbabawal o pagkukulang sa mga tungkulin. Kaya ang sinumang nagpasunod ng sarili niya sa pithaya nito roon, naging karapat-dapat siya sa Impiyerno. Ang Paraiso ay napaliligiran at napalilibutan ng mga bagay na kinasusuklaman ng kaluluwa gaya ng pagsisikhay sa mga ipinag-uutos, pagwaksi ng mga ipinagbabawal, at pagtitiis para roon. Kaya kapag sumuong siya at nakibaka sa sarili niya roon, magiging karapat-dapat siya sa pagpasok sa Paraiso.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang karapatan ng Muslim sa Muslim ay lima: ang pagtugon sa pagbati, ang pagdalaw sa maysakit, ang pagdalo sa libing, ang pagtugon sa paanyaya, at ang pagsambit ng tashmīt sa bumahin."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga karapatan ng Muslim sa kapwa niyang Muslim. Ang kauna-unahan sa mga karapatang ito ay ang pagtugon sa pagbati ng sinumang nagbigay sa iyo ng pagbati. Ang ikalawang karapatan ay ang pagdalaw sa maysakit at ang pagbisita sa kanya. Ang ikatlong karapatan ay ang pagdalo sa libing niya mula sa bahay niya hanggang sa pinagdarasalan hanggang sa sementeryo hanggang sa mailibing. Ang ikaapat na karapatan ay ang pagtugon sa paanyaya niya kapag nag-anyaya sa isang piging ng kasal at iba pa roon. Ang ikalimang karapatan ay ang pagsasagawa ng tashmīṭ sa bumahin. Ito ay ang magsabi sa kanya, kapag nagsabi siya ng Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh), ng Yarḥamuka –llāh (Maawa nawa sa iyo si Allāh). Pagkatapos magsasabi naman ang bumahin ng Yahdīkumu –llāhu wa-yuṣliḥu bālakum (Magpatnubay nawa sa inyo si Allāh at magsaayos ng lagay ninyo).
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Naawa si Allāh sa isang lalaking mapagparaya kapag nagtinda, kapag bumili, at kapag naningil."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyDumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng awa para sa bawat sinumang naging madali, galante, at mapagbigay sa pagbebenta niya sapagkat hindi siya naghihigpit sa mamimili sa presyo ng paninda at nakikitungo siya nang may magandang kaasalan; madali, galante, at mapagbigay kapag bumili siya sapagkat hindi siya nagpapakulang at hindi siya nagpapakaunti sa halaga ng paninda; madali, galante, at mapagbigay kapag sumingil ng bayad sa mga pautang na ukol sa kanya sapagkat hindi siya naghihigpit sa maralita at nangangailangan, bagkus sumisingil siya rito nang may kabaitan at kabanayaran at nagpapalugit sa nagigipit.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "May isang lalaki noon na nagpapautang sa mga tao saka siya noon ay nagsasabi sa utusan niya: 'Kapag pumunta ka sa isang nagigipit, magpaumanhin ka sa kanya nang harinawa si Allāh ay magpaumanhin sa atin.' Makikitagpo siya kay Allāh saka magpapaumanhin Ito sa kanya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa isang lalaking nakikipagtransaksiyon noon sa mga tao sa pagpapautang o nagbebenta sa kanila sa pamamagitan ng ipinagpapalibang bayad. Siya noon ay nagsasabi sa alila niya na tumatanggap ng mga utang na nasa mga tao: "Kapag pumunta ka sa isang nagkautang at hindi siya nagkaroon ng ipambabayad sa utang na nasa kanya dahil sa kawalang-kakayahan niya, magpaumanhin ka sa kanya; maaaring sa pamamagitan ng pagpapalugit sa kanya at hindi pangungulit sa pagsingil, o sa pamamagitan ng pagtanggap ng anumang taglay niya kahit pa man dito ay may anumang kulang." Iyon ay dala ng pagkaibig mula sa kanya at dala ng paghahangad na magpalampas si Allāh sa kanya at magpaumanhin sa kanya." Kaya noong namatay siya, nagpaumanhin si Allāh sa kanya at nagpalampas sa mga masagwang gawa niya.
Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang lumabas alang-alang sa paghahanap ng kaalaman, siya ay nasa landas ni Allah hanggang sa makabalik."
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyAng kahulugan ng ḥadīth: Ang sinumang lumabas ng bahay niya o bayan niya sa paghahanap ng kaalamang pang-Islām, siya ay para ring sinumang lumabas para makibaka sa landas ni Allah hanggang sa makauwi sa mag-anak niya dahil siya ay gaya ng nakikibaka sa pagsasabuhay ng Islām, paghamak sa demonyo, at pagpapagod sa sarili.
Ayon kina Abū Dharr Jundub bin Junādah at Abū `Abdirraḥmān Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man naging. Pasundan mo ang gawang masagwa ng gawang maganda na papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlong bagay: Ang Una. Ang pangingilag magkasala kay Allāh. Iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga kinakailangan at pag-iwan ng mga ipinagbabawal sa bawat lugar, panahon, at kalagayan nang palihim at hayagan, sa kagalingan, pagsubok, at iba pa roon. Ang Ikalawa. Kapag nasadlak ka sa isang masagwang gawa, gumawa ka matapos nito ng isang magandang gawa gaya ng pagdarasal, kawanggawa, pagsasamabuting-loob, pakikipag-ugnayang pangkaanak, pagbabalik-loob, at iba pa roon sapagkat tunay na iyon ay papawi sa masagwang gawa. Ang Ikatlo. Makitungo ka sa mga tao nang may mga magandang kaasalan gaya ng pagngiti sa harap nila, kalumayan, kabanayaran, pagkakaloob ng nakabubuti, at pagpigil ng perhuwisyo.
Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag nagtagpo ang dalawang Muslim kalakip ng dalawang tabak nilang dalawa, ang pumatay at ang pinatay ay sa Impiyerno." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, [gayon nga] ang pumatay na ito, ngunit ano po naman ang kinalaman ng pinatay?" Nagsabi siya: "Tunay na siya ay masigasig sa pagpatay sa kasamahan niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag nagtagpo ang dalawang Muslim kalakip ng dalawang tabak nilang dalawa, habang nagpapakay ang bawat isa sa kanilang dalawa ng pagpaslang sa kapwa niya, ang pumatay ay sa Impiyerno dahilan sa pagsasagawa niya ng pagpatay sa kapwa niya. Naguluhan ang mga Kasamahan sa pinatay. Papaanong mapupunta siya sa Impiyerno? Kaya nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya rin ay sa Impiyerno dahil sa pagsisigasig niya sa pagpatay sa kapwa niya. Walang nakapigil sa kanya sa pagkapatay kundi ang pagkakasagawa ng pumatay at ang pagkauna nito sa kanya.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay ayon sa layunin lamang. Ukol sa tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa isang kamunduhan na tatamuhin niya o isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."} Sa pananalita ni Imām Al-Bukhārīy: "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. ..."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang lahat ng mga gawain ay isinasaalang-alang ayon sa layunin. Ang kahatulang ito ay panlahat sa lahat ng mga gawain kabilang sa mga pagsamba at mga pakikitungo. Kaya ang sinumang nagpakay sa gawain niya ng isang kapakinabangan, wala siyang tatamuhin kundi ang kapakinabangang iyon at walang gantimpala para sa kanya; at ang sinumang nagpakay sa gawain niya ng pagpapakalapit-loob kay Allāh, tatamuhin niya mula sa gawain niya ang gantimpala at ang pabuya kahit pa ito ay isang karaniwang gawain gaya ng pagkain at pag-inom. Pagkatapos naglahad ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang paghahalintulad para sa paglilinaw sa pag-epekto ng layunin sa mga gawain sa kabila ng pagkakapantayan ng dalawang ito sa panlabas na anyo. Naglinaw siya na ang sinumang nagpakay sa paglikas niya at pag-iwan ng bayan niya ng paghahangad ng mga kaluguran ng Panginoon niya, ang paglikas niya ay isang paglikas na legal na tinatanggap, na ginagantimpalaan dahil sa katapatan ng layunin niya; samantalang ang sinumang nagpakay sa paglikas niya ng isang kapakinabangang pangmundo gaya ng yaman o reputasyon o kalakal o asawa, wala siyang tatamuhin mula sa paglikas niya kundi ang kapakinabangang iyon na nilayon niya at walang bahagi para sa kanya sa pabuya at gantimpala [sa Kabilang-buhay].