





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magtagubilin ka po sa akin." Nagsabi siya: "Huwag kang magalit." Kaya umulit ito nang makailan. Nagsabi siya: "Huwag kang magalit."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyHumiling ang isa sa mga Kasamahan (ang lugod ni Allāh ay sumakanila) sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na gumabay ito sa kanya sa isang bagay na magpapakinabang sa kanya, kaya nag-utos ito sa kanya na huwag siyang magalit. Ang kahulugan niyon ay na umiwas siya sa mga kadahilanan na magdadala sa kanya sa pagkagalit at na magpigil siya sa sarili niya kapag nangyari sa kanya ang pagkagalit, kaya naman huwag siyang manatili sa galit niya sa pamamagitan ng pagpatay o pananakit o pag-alipusta at tulad niyon. Nag-ulit-ulit ang lalaki sa paghiling ng tagubilin nang makailan ngunit hindi nagdagdag sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtatagubilin higit sa pagsabi ng: "Huwag kang magalit."
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na siya ay nakarinig sa Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kung sakali na kayo ay nananalig kay Allāh nang totoong pananalig sa Kanya, talaga sanang tumustos Siya sa inyo gaya ng pagtustos Niya sa mga ibon: umaalis ang mga ito sa umaga na impis at bumabalik ang mga ito sa hapon na bundat."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadHumihimok sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumandal tayo kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa paghatak ng mga kapakinabangan at sa pagtulak ng mga kapinsalaan kaugnay sa mga nauukol sa Mundo at Relihiyon sapagkat tunay na walang nagbibigay, walang nagkakait, walang nakapipinsala, at walang nagpapakinabang kundi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya). Hinihimok tayo na gawin natin ang mga kadahilanan na humahatak sa mga kapakinabangan at nagtutulak ng mga kapinsalaan kasabay ng katapatan ng pagsandal kay Allāh. Kaya kapag gumawa tayo niyon, magtutustos sa atin si Allāh gaya ng pagtustos Niya sa mga ibon na lumalabas sa umaga habang ang mga ito ay mga gutom pagkatapos umuuwi ang mga ito sa hapon habang ang mga ito ay mga napuno ang mga tiyan. Ang gawaing ito mula sa mga ibon ay isang uri ng mga kadahilanan sa pagpupunyagi sa paghahanap ng panustos nang walang pagsasalig-saligan at pagtatamad-tamaran.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinasaysay niya tungkol sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nagsabi siya: {Nagkasala ang isang tao ng isang pagkakasala kaya nagsabi ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi naman Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala." Pagkatapos nanumbalik ito saka nagkasala ito saka nagsabi ito: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala. Gawin mo ang niloob mo sapagkat nagpatawad nga Ako sa iyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagsasalaysay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Panginoon niya na ang tao – kapag gumawa ito ng isang pagkakasala pagkatapos nagsabi ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko" – ay magsasabi si Allāh (napakataas Siya): "Gumawa ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala para magtakip sa kanya at magpalampas sa kanya o magparusa sa kanya. Nagpatawad nga Ako sa iyo." Pagkatapos nanumbalik ang tao saka nagkasala ito saka nagsabi ito: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi si Allāh: "Gumawa ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala para magtakip sa kanya at magpalampas sa kanya o magparusa sa kanya. Nagpatawad nga Ako sa lingkod Ko." Pagkatapos nanumbalik ang tao saka nagkasala ito saka nagsabi ito: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi si Allāh: "Gumawa ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala para magtakip sa kanya at magpalampas sa kanya o magparusa sa kanya. Nagpatawad nga Ako sa lingkod Ko. Kaya gawin niya ang niloob niya hanggat siya, sa tuwing nagkasala siya, ay mag-iiwan ng pagkakasala, magsisisi, at magtitika ng hindi panunumbalik doon subalit mananaig sa kanya ang sarili niya kaya masasadlak siya sa pagkakasala sa muli. Hanggat gumagawa siya ng ganito: nagkakasala at nagbabalik-loob, magpapatawad Ako sa kanya sapagkat tunay na ang pagbabalik-loob ay nagwawasak sa anumang bago nito."
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mga nagpapakamakatarungan ay sa piling ni Allāh sa mga pulpito ng liwanag sa dakong kanan ng Pinakamaawain (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – at ang kapwa mga kamay niya ay kanan. [Sila] ang mga nagmamakatarungan sa hatol nila, mga mag-anak nila, at tinangkilik nila."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga humahatol (o nagpapatupad) ng katarungan at karapatan sa mga tao na nasa ilalim ng pamumuno nila, pamamahala nila, at mga alagad nila ay uupo sa mga mataas na angat na upuan na nilikha mula sa isang liwanag, bilang pagpaparangal sa kanila sa Araw ng Pagbangon. Ang mga pulpitong ito ay nasa dakong kanan ng Napakamaawain. Ang kapwa mga kamay ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay kanan.
Ayon kay Jarīr (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan, pinagkaitan siya ng kabutihan."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan kaya hindi siya itinuon para rito sa mga nauukol sa buhay panrelihiyon at buhay pangmundo, sa ginagawa niya rito para sa sarili niya, at sa ginagawa niya rito sa iba sa kanya, pinagkaitan nga siya ng kabutihan sa kabuuan nito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang panlilibak?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "[Ito] ang pagbanggit mo ng kapatid mo hinggil sa anumang kasusuklaman niya." Sinabi: "Kaya ano po sa tingin mo kung nasa kapatid ko ang sinasabi ko?" Nagsabi siya: "Kung naging nasa kanya ang sinasabi mo, nanlibak ka nga sa kanya; at kung hindi ito naging nasa kanya, nanirang-puri ka nga sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa reyalidad ng panlilibak na ipinagbabawal. Ito ay ang pagbanggit sa Muslim na nakaliban hinggil sa kasusuklaman niya, maging ito man ay kabilang sa mga katangian niyang pisikal o etikal, tulad ng siya raw ay kirat, mapandaya, palasinungaling, at tulad niyon kabilang sa mga katangian ng pagpula, kahit pa man ang katangiang iyon ay nariyan sa kanya. Tungkol naman sa kapag hindi naging nasa kanya ang nasabing katangian, ito ay higit na matindi kaysa sa panlilibak. Ito ay ang paninirang-puri. Ibig sabihin: ang paggawa-gawa laban sa tao ng wala naman sa kanya.
Ayon kay Khawlah Al-Anṣārīyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na may mga lalaking gumugugol sa yaman ni Allāh nang walang katarungan kaya ukol sa kanila ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga taong nangangasiwa sa mga ari-arian ng mga Muslim sa kawalang-kabuluhan at kumukuha sa mga ito nang walang katwiran. Ito ay pangkalahatang kahulugan kaugnay sa yaman sa punto ng pagtipon nito at pagkita nito nang hindi napahihintulutan at paggugol nito sa hindi mga tumpak na paglalaan nito. Napaloloob doon ang pakikinabang sa mga yaman ng mga ulila at mga yaman ng waqf (institusyong pangkawanggawa), ang pagkakaila sa mga ipinagkatiwala, at ang pagkuha – sa kabila ng hindi pagkakarapat-dapat – ng mga pampublikong yaman. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang ganti sa kanila ay ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kaingat kayo sa pagpapalagay sapagkat tunay na ang pagpapalagay ay pinakasinungaling na pag-uusap. Huwag kayong maghanap ng kasiraan, huwag kayong maniktik, huwag kayong mag-inggitan, huwag kayong magtalikuran, at huwag kayong magmuhian. Maging mga lingkod ni Allāh kayo bilang magkakapatid."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagbibigay-babala laban sa ilan sa nauuwi sa pagkakawatak-watak at away sa pagitan ng mga Muslim. Kabilang doon: Ang Pagpapalagay. Ito ay ang paghihinalang nagaganap sa puso nang walang patunay. Nilinaw niya na ito ay kabilang sa pinakasinungaling na pag-uusap. Ang Paghahanap ng Kasiraan. Ito ay ang pagsasaliksik ng mga kahihiyan ng mga tao sa pamamagitan ng mata o tainga. Ang Paniniktik. Ito ay ang pagsasaliksik ng nakakubli na mga bagay-bagay. Pinakamadalas na itinatawag iyon sa kasamaan. Ang Inggit. Ito ay ang pagkasuklam sa pagkatamo ng biyaya ng mga ibang tao. Ang Pagtatalikuran. Ito ay sa pamamagitan ng pag-ayaw sa isa't isa sa kanila kaya hindi bumabati at hindi dumadalaw sa kapatid niyang Muslim. Ang Pagmumuhian. Ang pagkasuklam at ang paglayo ng loob gaya ng pagperhuwisyo sa mga ibang tao, pagsimangot, at kasagwaan ng pakikipagharap. Pagkatapos nagsabi siya ng isang pangungusap na tagapagbuklod na magsasaayos sa pamamagitan nito sa mga kalagayan ng mga Muslim sa isa't isa sa kanila: "Maging mga lingkod ni Allāh kayo bilang magkakapatid." Ang kapatiran ay isang bigkis na natutugma sa pamamagitan nito ang mga ugnayan sa pagitan ng mga tao at nagdaragdag ng pag-ibig at pagkapalagayang-loob sa pagitan nila.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.-Hadith na marfu : ((Ang lahat ng anak ni Adan ay nagkakamali at ang pinakamainam sa mga nagkakamali ay yaong nagbabalik-loob))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyHindi maiiwasan ng tao ang pagkakamali,dahil sa naging likas sa kanya na kahinaan,at hindi pagpapaakay sa panginoon niya sa gawaing inianyaya sa kanya,at ang pag-iwan sa anumang sinaway niya sa kanya,subalit Siya-pagkataas-taas Niya ay nagbukas ng pintuan ng pagsisisi sa lingkod niya, At ibinatid Niya na ang pinakamainam sa mga nagkakamali ay yaong nagpaparami sa pagsisisi